• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 20-1] Ang Dragon ay Kukulungin sa Balon ng Kalaliman (Apocalipsis 20:1-15)

(Apocalipsis 20:1-15)
“At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang diablo at satanas, at ginapos na isang libong taon. At siya’y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon, pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon. At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol, at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay, at sila’y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli, sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan, kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon. At kung maganap na ang isang libong taon, si satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka, na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. At nangasipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig, at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok. At ang diablo na dumaya sa kanila ay binulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta, at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas, at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan, at nangabuksan ang mga aklat, at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay, at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila, at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.
Upang tumabasan ang pagpapagal ng mga hinirang para sa ebanghelyo sa Kanyang mga gantimpala, ibibigay ng ating Panginoon sa kanila ang handog ng Kaharian ni Cristo ng isang libong taon. Upang magkagayon, dapat munang utusan ng Diyos ang Kanyang anghel na dakpin ang dragon upang ikulong sa balon ng kalaliman ng isang libong taon. Dapat munang gawin ito ng Diyos, dahil ang dragon ay dapat dakpin at igapos sa “Abyss” upang ang mga hinirang ay makapamuhay sa Milenyong Paghahari ni Cristo. Binigay ng Diyos sa Kanyang anghel ang susi ng balon ng kalaliman at ang isang malaking tanikala, at iniutos sa kanya na simulan ang pagdakip at paggapos sa dragon sa “Abyss.”
 
Talatang 2: At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang diablo at satanas, at ginapos na isang libong taon.
Ang nagtukso kay Adan at Eba ay ang ulupong. Dragon at Satanas ang tawag ng Biblia sa ahas. Padadakip ng Diyos itong Dragon at ipagagapos siya sa balon ng kalaliman ng isang libong taon, supang ang mga hinirang ay makapamuhay ng payapa kasama si Cristo sa Milenyong Paghahari.
 
Talatang 3: at siya’y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon, pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon.
Upang itayo ang Kaharian ni Cristo dito sa mundo at papaghariin ang mga hinirang kasama ang Panginoon ng isang libong taon, gagapusin ng Diyos ang Dragon sa “Abyss” ng isang libong taon at pigilan siya sa panlilinlang sa mga hinirang.
Sinasabi ng talata rito, “Pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon.” Kapag natapos ang isang libong taon, pakakawalan ng Diyos ang Dragon panumandali, dahil kapag nagsimula siyang pahirapan muli ang mga hinirang, Kanya siyang ibubulid sa impiyerno magpakailan man, at di na muling makikita.
 
Talatang 4: At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol, at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay, at sila’y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
Sa Kaharian ni Cristo, ang mga Kristiyanong isinilang na muli’y tatanggap ng kapangyarihang humatol. Ang mga hinirang, na naging mga saserdote’y maghahari sa Milenyong Paghahari kasama ang Panginoon. Ang mga naninirahan ay ang mga pinaslang na mga martir dahil sa pagsaksi kay Jesus at pagtatanggol ng kanilang pananampalataya, di-tumanggap ng marka ng Halimaw ni sumamba sa kanyang rebulto.
Sila ang mga naging martir sa panahon ng mga kapighatiang dulot ni Anticristo, at ibabangong muli sila ng Diyos upang mabuhay muli at maghari sa Kaharian ni Cristo ng isang libong taong darating. Lahat ng napasama sa unang pagkabuhay na muli’y igagawad ang gayon ding pagpapala.
Mayroong dalawang pagkabuhay na muli ang ibibigay ng Panginoon. Ang mga hinirang na maninirahan sa Milenyong Paghahari ay ang mga napabilang sa unang pagkabuhay na muli. Lahat ng naging bahagi sa unang pagkabuhay na muli ay magiging kabahagi rin sa luwalhati ng Milenyong Paghahari, ang Kaharian ni Cristo. Ang unang pagkabuhay na muli’y magaganap kapag nagbalik si Jesu-Cristo upang kuhanin lahat ng mga hinirang (1 Tesalonica 4:15-17). Nguni’t ang ikalawa’y mangyayari sa katapusan ng Milenyong Paghahari dahil ito’y inihanda para sa mga makasalanan upang hatulan ng walang-hanggang kamatayan.
Ang karapatan ng mga hinirang na maghari ng isang libong taon ay binigay ng Makapangyarihang Panginoon. Ang Kaharian ni Cristo’y binigay sa kanila dahil sila’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at isinuko ang kanilang mga buhay upang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya.
 
Talatang 5: Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
Ang mga, di-nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan mula sa Panginoon, ay lalapit sa Kanya matapos mabuhay dito sa lupa bilang mga makasalanan ay di-mapapasama sa unang pagkabuhay na muli na ibibigay ng Panginoon sa mga hinirang. Sa gayon, kahit pa ang mga hinirang ay namamalagi na sa Kaharian ni Cristo sa pista, hindi nila makakamit ang unang pagkabuhay na muli, sa halip sila’y makakabahagi sa pangalawang pagkabuhay na muli. Ang dahilan ay dahil ang mga hinirang na magtatamo ng pagpapala ng unang pagkabuhay muli ay magkakamit din ng kapangyarihang manirahan sa Kaharian ni Cristo, sa kasaganaan at luwalhati, ng isang libong taon.
Gayon pa man, itutulot ng Diyos ang “pangalawang pagkabuhay na muli” sa mga makasalanan. Bakit? Dahil sa oras ng pangalawang pagkabuhay na muli, ibabangon sila ng Diyos mula sa kamatayan upang Kanya silang hatulan dahil sa kanilang mga kasalanan. Ang kanilang tadhana’y gayon na lamang na dapat silang buhaying muli upang hatulan sa kanilang mga kasalanan. Ito ay kung bakit ang pagkabuhay na muli ng mga makasalanan ay kaiban sa mga hinirang sa ayos at kasasapitan.
Maliban sa mga kabahagi sa unang pagkabuhay na muli dahil sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi itutulot ng Panginoon ang sinuman na mabuhay muli hanggang ang isang libong taon ay matapos. Kung gayon, ang pagkabuhay na muli ng mga matuwid ay darating ng isang libong taon bago ang pagkabuhay na muli ng mga makasalanan. Ang pagkabuhay muli ng mga matuwid ay upang matamo nila ang buhay na walang hanggan at mga pagpapala, nguni’t ang pagkabuhay muli ng mga makasalanan ay upang matamo nila ang walang-hanggang parusa dahil sa kanilang mga kasalanan.
 
Talatang 6: Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli, sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan, kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
Sinasabi ng Biblia sa atin na ang pangalawang kamatayan ay walang kapangyarihan sa mga naging bahagi ng unang pagkabuhay na muli. Sa gayon, sinasabi sa tin na itong mga kabahagi ng unang pagkabuhay na muli’y mapapalad, dahil maghahari rin sila sa Milenyong Paghahari.
 
Talatang 7-8: At kung maganap na ang isang libong taon, si satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, at lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka, na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
Pinakawalan matapos igapos sa balong malalim ng isang libong taon, tatangkaing muli ng Dragon na makibaka laban sa mga hinirang, kaya’t itatapon siya ng Diyos sa apoy ng asupre upang hindi na siya muling makalalabas pa. Sa hatol na ito, ang Dragon ay makikita lamang sa impiyerno.
Maaaring itanong natin, “Ibig bang sabihin na yaong di-isinilang na muli’y makikita pa rin sa Milenyong Paghahari?” Ang sagot ay, “Oo.” Nakatala sa Apocalipsis 20:8 na maraming tao ang naroon sa Kaharian ni Cristo. Hindi tayo nakatitiyak kung sila ay mga taong bagong likha ng Diyos, o sila’y mga nabuhay dito sa lupa noon. Nguni’t ang alam natin na sila’y kilala ng Diyos, at upang maghari ang mga hinirang, may maraming bilang sila, kasing-dami ng buhangin sa dagat.
Ang katotohanang kapag ang mga hinirang ay nanirahan sa Kaharian ni Cristo, makikita pa rin nila ang mga tao sa lupa. Sila’y nanatili upang paglingkuran ang mga hinirang, at ang kanilang bilang ay kasing-dami ng buhangin sa dagat. Bagaman sila’y makikiisa sa Dragon upang labanan muli ang mga hinirang, silang lahat ay wawasakin sa apoy na hatid ng Diyos, tatamuhin ang walang katapusang hatol ng Kanyang dakilang luklukang puti, at ibubulid sa walang katapusang nagniningas na apoy. Sa pamamagitan nito, ang Milenyong Paghahari ay malapit ng matapos, at mula rito ang mga hinirang ay patungong Bagong Langit at Lupa kung sila’y maninirahan magpakailan man.
 
Talatang 9: At nangasipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig, at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.
Ang Dragon ay si Satanas na patuloy na lumalaban sa Diyos at sa Kanyang mga hinirang. Bagaman kanyang malilinglang ang mga taong naninirahan sa Kaharian ni Cristo at babalaan ang mga hinirang, ang Diyos ay makapangyarihan, magpapadala Siya ng apoy mula sa langit at lalamunin silang lahat, at itatapon ang Dragon sa walang katapusang apoy upang di na muling sumalungat sa Kanya at sa Kanyang mga hinirang.
 
Talatang 10: At ang diablo na dumaya sa kanila ay binulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta, at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
Sa pamamagitan ng pagbulid sa Dragon tungo sa lawa ng apoy at asupre, titiyakin ng Diyos na siya’y pahihirapan sa araw at sa gabi. Ito ang matuwid na hatol ng Diyos, ang nararapat na hirap para sa Dragon at sa kanyang mga tagasunod.
 
Talatang 11: At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas, at walang nasumpungang kalalagyan nila.
Yamang natapos ang Kanyang paggantimpala sa mga hinirang ng isang libong taon, ang Diyos ngayo’y lilikha ng Bagong Langit at Lupa at mananahan kasama nila magpakailan man sa dakong ito. Upang matupad ito, tatapusin at wawakasan ng Diyos lahat ng Kanyang mga ginawa. Itong huling gawain, ng pagwawakas, ay ang pagluklok sa Panginoon sa puting trono bilang Hukom at igagawad ang Kanyang huling paghahatol sa lahat ng mga makasalanan, na ang mga gawa’y nakatala sa Aklat ng mga Gawa, maliban sa mga pangalan na nakatala sa Aklat ng Buhay.
Ang hatol ng Diyos sa mga makasalanan ay magwawakas ng ganito, at mula niyaon ang kaharian ng Bagong Langit at Lupa ay bubuksan. Aalisin ng Panginoon ang unang langit at lupa, lilikha ng pangalawang mundo ng Bagong Langit at Lupa, at hahayaan ang mga hinirang na manirahan dito sa makalangit na Kaharian. Ayon sa nakasulat sa Kanyang Aklat ng Buhay at sa mga Aklat ng Paghahatol, ibibigay ng Diyos ang Bagong Langit at Lupa sa isang pangkat na mga tao, at ang parusa ng impiyerno sa iba.
 
Talatang 12: At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan, at nangabuksan ang mga aklat, at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay, at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
Ang hatol ni Cristo sa oras na ito’y malalaman ang huling kaparusahan—ito ay, Kanyang igagawad ang Kanyang huling hatol sa mga makasalanan kasama ang parusa ng impiyerno. Sila’y hahatulan ayon sa kanilang mga gawa, tulad ng nakatala sa Aklat ng Hatol. Sa gayon ang mga makasalanan ay dalawang beses mamamatay. Ang kanilang pangalawang kamatayan ay ang paghihirap sa impiyerno, inilalarawan ng Biblia bilang walang hanggang kamatayan. Hindi makatatakas sa parusa ng impiyerno ang mga makasalanan. Dapat kung gayon, nilang hanapin matapos malaman ang Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon din, habang sila’y narito sa lupa, manalig, at sa gayo’y makamit ang pagpapala ng pagtatala ng kanilang mga pangalan sa Aklat ng Buhay.
 
Talatang 13: At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila, at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
“At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila,” dahil lahat ng mga makasalanan ay dapat makamit ang huling parusa dahil sa kanilang mga kasalanan. Ang mga lugar na inilarawan sa talatang ito—Kamatayan at Hades, ito ay—tumutukoy sa mga lugar kung saan ang mga lingkod ni Satanas, na kanyang nilinlang at pinamamahalaan habang nabubuhay, at lumaban sa Diyos ay ikukulong. Sinasabi ng talatang ito sa atin na habang pinigil ng Diyos ang Kanyang hatol sa kanilang mga kasalanan panumandali, ngayon na oras para sa kanilang huling paghahatol.
Sa gayon, nasaan man ang mga tao, dapat nilang malaman na kung kanino sila kabilang ay lubos na mahalaga. Ang mga tumulong bilang mga lingkod ni Satanas habang narito sa lupa’y ibabangong muli kasama ang parusa upang kamtan ang kanilang huling paghahatol, nguni’t yaong naglingkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y kabilang sa pagkabuhay na muli ng buhay na walang-hanggan at mga pagpapala.
Samakatuwid, dapat malaman ng tao habang nabubuhay dito sa lupa na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kasama ang pag-alis ng mga kasalanan ng sangkatauhan, ay ang lubos na kahalagahan. Yaong mga naging kampon ni Satanas dito sa lupa’y ibabangong muli para sa kaparusahan, nguni’t yaong naglingkod sa mga gawain ng Panginoon ay ibabangong muli sa buhay na walang hanggan at mga pagpapala. Lahat ng mga makasalanan ay hahatulan dahil sa kanilang kasamaan at kakamtan ang kanilang huling parusa sa impiyerno. Dito makikita ang ganap na dahilan kung bakit dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu habang narito sa lupa, ang ebanghelyo ng Panginoon na nag-alis sa lahat ng ating mga kasalanan.
 
Talatang 14: At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.
Dito’y sinasabi sa atin ang hatol sa mga kasalanan ng sangkatauhan sa harap ng Diyos, na kanyang nagawa dahil sa pagpanig kay Satanas. Ang parusang nakalaan para sa mga masasama na nag-akay sa tao tungo kay Satanas ay ibubulid sa dagat-dagatang apoy ng impiyerno. Ito ang ikalawang kamatayan na igagawad ng Diyos sa mga makasalanan, at ito ang parusa ng lawa ng apoy. Ang kamatayang sinasabi ng Biblia ay hindi ang paglaho, kundi ang parusang walang hanggang paghihirap sa nag-aapoy na impiyerno.
Ang kaligtasang sinabi ng Kasulatan ay di-panandalian, kundi walang-hanggan. Ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu habang narito sa lupa’y papasok sa walang hanggang Kaharian ng Langit at magiging masaya magpakailan man. Ang kaibhan ng gantimpala ng mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang parusa ng mga di-mananampalataya ay kasing-laki ng kaibhan ng langit at lupa.
 
Talatang 15: At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.
Sa pamamagitan nitong salitang “sinoman,” sinasabi ng talatang ito sa atin na kung ang pangalan ng tao’y nakatala sa Aklat ng Buhay o hindi ay nakasalalay ng lubos kung sila’y nananalig Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung saan lahat ng kanilang mga kasalanan ay pinatawad, kasing-puti ng niyebe, sila ma’y mga dumadalo sa iglesia, o kung ang kanilang mga iglesia’y kabilang sa konserbatibong sekta o hindi. Yaong ang mga pangala’y di nakatala sa Aklat ng Buhay ng Panginoon, samakatuwid, lahat ay ibubulid sa lawa ng apoy.
Ang mga relihiyosong tao ng mundo ay may marka na kumiling sa pagpapahalaga sa kanilang mga relihiyong seremonya kaysa sa kanilang pagtubos sa kasalanan. Nguni’t kapag nasa harap ng Diyos, kung ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ni Jesus ay di-makikita sa kanilang mga puso, ang ngalan nitong tao ay di matatala sa Aklat ng Buhay, at siya’y itatapon sa lawa ng apoy, kahit pa siya’y isang mabuting Kristiyano.
Samakatuwid, habang ika’y narito sa lupa, dapat kang makinig ng iyong mga pandinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Panginoon na nag-alis ng lahat ng iyong mga kasalanan, at dapat kang manalig ng iyong buong puso. iyo ngang matatamo ang luwalhati ng pagtatala ng iyong pangalan sa Aklat ng Buhay.