(Apocalipsis 21:1-27)
“At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa, sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam, at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, ‘Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan nila, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila. At papahirin Niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man, ang mga bagay nang una ay naparam na.’ At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, ‘Narito, ginagawa Kong bago ang lahat ng mga bagay.’ At sinabi Niya, ‘Isulat mo sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at tunay.’ At sinabi Niya sa akin, ‘Nagawa na. Ako ang Alpha at Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay Aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay. Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito, at Ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak Ko. Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.’ At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, ‘Halika, ipakilala ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.’ At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, Na may kaluwalhatian ng Dios, ang Kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin. Na may isang malaki at mataas na kuta, na may labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel, at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel, Sa silanganan ay may tatlong pintuan, at sa hilagaan ay may tatlong pintuan, at sa timugan ay may tatlong pintuan, at sa kalunuran ay may tatlong pintuan. At ang kuta ng bayan ng may labingdalawang pinagsasaligan, at sa mga ito’y ang labingdalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Cordero. At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito. At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang, at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio, ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat. At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu’t apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga’y ng isang anghel. At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe, at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog. Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe, ang ikalawa ay zafiro, ang ikatlo ay calcedonia, ang ikaapat ay esmeralda. Ang ikalima ay sardonica, ang ikaanim ay sardio, ang ikapito ay crisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam ay topacio, ang ikasangpu ay topacio, ang ikasangpu ay crisopacio, ang ikalabingisa ay jacinto, ang ikalabingdalawa ay amatista. At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas, at bawa’t pinto ay isang perlas, at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog. At hindi ako nakakita ng templo doon, sapagka’t ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon. At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya, sapagka’t nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero. At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito, at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon. At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka’t hindi magkakaroon doon ng gabi). At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa. At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan, kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.”
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
Talatang 1: At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa, sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam, at ang dagat ay wala na.
Ibig sabihin nitong salita na ang ating Panginoong Diyos ay ibibigay ang Kanyang Bagong Langit at Lupa bilang handog sa mga hinirang na naging bahagi ng unang pagkabuhay muli. Mula sa pagkakataong ito, ang mga hinirang ay mabubuhay hindi sa unang langit at lupa, kundi sa bago, pangalawang langit at lupa. Itong pagpapala ay ang handog ng Diyos na Kanyang igagawad sa Kanyang mga hinirang. Ang Diyos ay magbibigay ng gayong pagpapala tanging sa mga hinirang na nakabahagi sa unang pagkabuhay na muli.
Ang mga magsasaya nitong pagpapala, sa ibang pananalita, ay ang mga hinirang na nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan na pananalig sa banal na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ni Cristo. Ang ating Panginoon ay ang ang Lalaking ikakasal ng mga hinirang. Mula ngayon, ang hinihintay lamang ng babaeng ikakasal ay ang madamitan ng kalinga ng Lalaking ikakasal, mga pagpapala, at kapangyarihan bilang mga babaeng ikakasal ng kanilang Lalaking pakakasalan, at mamuhay sa luwalhati sa Kanyang maluwalhating Kaharian.
Talatang 2: At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
Hinanda ng Diyos ang banal na lungsod para sa mga hinirang. Itong Lungsod ay ang lungsod ng Bagong Jerusalem, ang Banal na Palasyo ng Diyos. Itong Palasyo ay hinanda para lamang sa mga hinirang ng Diyos. Lahat ng ito’y nilayon kay Jesu-Cristo para sa mga hinirang, kahit bago pa lalangin ng Panginoong Diyos ang kalawakan. Ang mga hinirang samakatuwid ay walang magagawa kundi ang pasalamatan ang Panginoong Diyos dahil sa Kanyang handog ng biyaya at ibigay lahat ng luwalhati sa Kanya dahil sa kanilang pananalig.
Talatang 3: At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, ‘Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan nila, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila.’
Mula sa araw ito, ang mga hinirang ay maninirahang kasama ang Panginoon sa Templo ng Diyos magpakailan man. Lahat ng ito’y dahil sa biyaya ng Panginoong Diyos, isang handog na tatanggapin ng mga hinirang dahil sa kanilang pananalig sa Salita ng tubig at ng Espiritu. Lahat ng mga binihisan sa pagpapala ng pagpasok sa Templo ng Panginoon at maninirahang kasama Niya samakatuwid ay magpasalamat at lumuwalhati sa Panginoong Diyos magpakailan man.
Talatang 4: ‘At papahirin Niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man, ang mga bagay nang una ay naparam na.’
Dahil nananahan ngayon ang Diyos sa mga hinirang, wala ng luha ng kalungkutan, ni daghoy dahil sa yumaong minamahal, ni ang pagtangis.
Lahat ng kalungkutan sa unang langit at lupa’y maglalaho sa buhay ng mga hinirang, at ang hinihintay na lamang ng mga hinirang ay mamuhay sa kanilang mapalad at maluwalhating mga buhay kasama ang kanilang Panginoong Diyos, naging sariling hinirang ng Diyos, lahat ng mga bagay at lahat ng sa paligid ay magiging bago, sa gayo’y wala ng mga luha at mga kalungkutan, ni pagtangis, ni kamatayan, ni panaghoy, ni karamdaman, ni anumang bagay na nagpapahirap sa kanila noong unang mundo.
Talatang 5: At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, ‘Narito, ginagawa Kong bago ang lahat ng mga bagay.’ At sinabi Niya, ‘Isulat mo sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at tunay.’
Ang Panginoon ngayo’y lilikhaing bago lahat ng bagay, at lilikha ng bagong langit at bagong lupa. Aalisin Niya ang Kanyang nilikhang unang langit at ang unang lupa, Siya’y gagawa ng bago, pangalawang langit at lupa. Ang sinasabi nitong talata sa atin ay hindi paggamit muli ng dating luma, sa halip ay lilikha ng bagong kalawakan. Sa gayo’y lilikha ang Diyos ng Bagong Langit at Lupa at maninirahang kasama ang mga hinirang. Ang mga hinirang na naging bahagi ng unang pagkabuhay na muli’y magiging bahagi rin nitong pagpapala. Ito’y isang bagay na hindi kayang pangarapin ng tao sa pamamagitan ng sarili nilang mga kaisipan, kundi ito ang inihanda ng Diyos para sa Kanyang mga hinirang. Ang mga hinirang at lahat ng mga bagay samakatuwid lahat ay luluwalhati, magpapasalamat, pararangalan at magpupuri sa Diyos dahil nitong dakilang gawa.
Talatang 6: At sinabi Niya sa akin, ‘Nagawa na. Ako ang Alpha at Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay Aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.’
Nilayon at tinupad ng ating Panginoong Diyos lahat nitong mga bagay. Lahat ng mga ginawa ng Panginoon, ginawa Niya ang mga ito para sa Kanyang sarili at para sa Kanyang mga hinirang. Ang mga hinirang ay tinawag ngayon bilang “kay Cristo,” at sila’y mga bayan ng Diyos. Yaong mga naging hinirang ng Diyos dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayo’y mababatid na bagaman sila’y nagbibigay pasasalamat sa Diyos at nagpupuri sa Diyos magpakailan man, hindi pa rin nila pasalamatan Siya ng lubos sa pag-ibig at mga gawa ng Panginoong Diyos.
“Ang nauuhaw ay Aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.” Sa Bagong Langit at Lupa, binigay ng Panginoon ang bukal ng tubig ng buhay sa mga hinirang. Ito ang dakilang handog sa lahat ng ginawad ng Diyos sa Kanyang mga hinirang. Ngayon ang mga hinirang ay maninirahan magpakailan man sa Bagong Langit at Lupa at iinom mula sa bukal ng tubig ng buhay, kung saan sila’y di na muling mauuhaw. Ang mga hinirang ngayon ay naging mga anak ng Diyos taglay ang buhay na walang hanggan, tulad ng Panginoong Diyos, at mamumuhay sa Kanyang kaluwalhatian. Nagpapasalamat ako’t lumuluwalhati sa ating Panginoong Diyos sa pagbibigay sa atin nitong dakilang pagpapala. Hallelujah!
Talatang 7: Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito, at Ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak Ko.
“Ang magtagumpay” dito ay tumutukoy sa mga nagtanggol ng kanilang pananampalatayang bigay ng Panginoon. Itong pananampalataya’y nagtulot sa lahat ng mga hinirang na magtagumpay sa sanlibutan at mga kaaway ng Diyos. Ang ating pananalig sa Panginoong Diyos at sa tunay na pag-ibig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay Niya ay ang nagbibigay sa atin ng tagumpay sa lahat ng kasalanan ng sanlibutan, sa hatol ng Diyos, sa ating mga kaaway, maging sa ating mga sariling kahinaan, at sa pag-uusig ng Anticristo.
Nagpupuri ako’t lumuluwalhati sa ating Panginoong Diyos sa pagbibigay sa atin ng lahat ng katagumpayan. Ang mga hinirang na nanalig sa Panginoong Diyos ay magtatagumpay ng sapat kay Anticristo sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Sa bawa’t isang mga hinirang, binigay ng Diyos itong pananampalataya upang sila’y magtagumpay sa kanilang pakikibaka laban sa lahat ng kanilang mga kaaway.
Pinahintulot ngayon ng Diyos ang mga hinirang, yaong nagtagumpay sa sanlibutan at kay Anticristo sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, upang manahin ang Kanyang Bagong Langit at Lupa. Binigay ng Panginoon ang pananampalataya ng tagumpay sa Kanyang mga hinirang upang kanilang kamtan ang Kanyang Kaharian. Dahil binigay ng Diyos sa atin ang pananampalatayang magtatagumpay kay Anticristo, ang Diyos ay naging Diyos natin, at tayo’y naging Kanyang mga anak. Nagpapasalamat ako’t nagpupuri sa ating Panginoon sa pagbibigay sa atin nitong pananampalatayang magtagumpay sa lahat ng ating mga kaaway.
Talatang 8: Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.
Sa Kanyang anyo, ang ating Panginoong Diyos ay ang Diyos ng katotohanan at ang Diyos ng pag-ibig. Sino kung gayon, itong mga taong duwag sa harap ng Diyos? Ito ang mga isinilang na taglay ang orihinal na kasalanan at hindi nahugasan sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil sa kanilang kalamnan sinasamba nila ang diablo kaysa sa Diyos, sila’y naging mga lingkod ni Satanas. Ito’y dahil sumasamba sila sa diablo at dahil iniibig at sinusunod nila ang kadiliman higit sa liwanag, kaya wala silang magagawa kundi ang maging duwag sa harap ng Panginoong Diyos.
Ang Diyos sa Kanyang anyo ay ang liwanag. Samakatuwid ito’y isang katotohanang naitatag na itong mga tao na sa kanila ay ang kadiliman mismo na matatakot sa Diyos. Ang mga kaluluwa ng mga kabilang kay Satanas ay iniibig ang kadiliman, sila’y duwag sa harap ng Diyos dahil Siya ang liwanag. Ito ay kung bakit dapat nilang isuko ang kanilang kasamaan at mga kahinaan sa Diyos at tanggapin ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan mula sa Kanya.
Ang mga “di-mananampalataya,” na ang mga puso’y likas na ayaw manalig sa pag-ibig ng ating Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo ng tubig at Espiritu, ay Kanyang mga kaaway at ang mga lubos na makasalanan sa harap ng Diyos. Ang kanilang mga kaluluwa’y tampalasan, at sila’y laban sa Diyos, umiibig at nagagawa lahat ng kasalanan, sumusunod sa mga maling tanda, sumasamba sa lahat ng uri ng mga diyos-diyosan, at nagsasabi ng lahat ng uri ng mga kasinungalingan. Kaya sa matuwid na hatol ng Diyos silang lahat ay ibubulid sa lawang nag-aapoy at asupre. Ito ang kanilang pangalawang kamatayan.
Hindi pinayagang pumasok sa Kanyang Bagong Langit at Lupa ang mga taong duwag sa harap Niya, mga di-nananalig sa Kanyang ebanghelyong Salita ng tubig at ng Espiritu, at mga tampalasan. Sa halip, itinulot lamang sa kanila ang Kanyang walang hanggang kaparusahan, itatapon silang lahat (kasama ang mga mamamatay, mga imoral, mangkukulam, sumasamba sa mga diyos-diyosan, at lahat ng mga sinungaling) sa lawa ng apoy at asupre. Sa impiyerno, na ibibigay ng Diyos sa kanila, ito ang pangalawang kamatayan.
Talatang 9: At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, ‘Halika, ipakilala ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.’
Isa sa mga anghel na nagdala ng isa sa mga salot ng pitong mangkok ay sinabi kay Juan, “Halika, ipakilala ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.” Narito, “ang babaing kasintahan ng Cordero” ay tumutukoy sa mga naging asawang babae ni Jesu-Cristo dahil sa pananalig ng kanilang mga puso sa ebanghelyo ng tubig at Espiritung bigay ng Diyos.
Talatang 10-11: At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na may kaluwalhatian ng Dios, ang Kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin.
“Ang bayang banal na Jerusalem” ay tumutukoy sa Banal na Lungsod kung saan mananahan ang mga hinirang kapiling ang Lalaking ikakasal. Maganda at kamangha-mangha ang Lungsod na nakita ni Juan. Marangal sa laki, nakapalamuti ng mga mamahaling bato, malinis at maliwanag. Pinakita ng anghel kay Juan kung saan maninirahan ang mga kasintahang babae ni Jesu-Cristo kasama ang kanilang Kasintahang lalake. Itong Banal na Lungsod ng Jerusalem nanaog mula sa langit ay ang handog ng Diyos na Kanyang ipagkakaloob sa asawang babae ng Cordero.
Nagniningning sa liwanag ang Lungsod ng Jerusalem, at ang kanyang liwanag ay tulad ng pinakamahalagang bato, tulad ng isang jaspe, kasing-liwanag ng salamin. Samakatuwid, sa lahat ng mga nananahan dito, ang luwalhati ng Diyos ay mapapasa kanila magpakailan kailan man. Ang Kaharian ng Diyos ay yaong liwanag, kaya lahat lamang ng nahugasan ng lahat ng kanilang kadiliman, mga kahinaan at mga kasalanan ang makapapasok sa Lungsod. Sa gayon, lahat tayo’y dapat na manalig na upang tayo’y makapasok sa Banal na Lungsod, dapat nating matutunan, malaman, at manalig sa tunay na Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon sa atin.
Talatang 12: Na may isang malaki at mataas na kuta, na may labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel, at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel:
Ang mga pintuan nitong Lungsod ay may labingdalawang anghel na bantay, at sa kanila’y nakasulat ang mga pangalan ng labingdalawang mga angkan ng anak ng Israel. Ang Lungsod ay may “isang malaki at mataas na kuta,” sinasabi sa atin na ang daan upang pumasok sa Banal na Lungsod ay napakahirap. Ang pagiging ligtas sa lahat ng ating kasalanan sa harap ng Diyos, ay imposible sa kakayahan ng tao o ang mga materyal na bagay ng mundo na likha ng Diyos.
Upang maligtas sa lahat ng ating mga kasalanan at pumasok sa Banal ng Lungsod ng Diyos, kailangang-kailangan na taglay natin ang iisang pananalig ng labingdalawang alagad ni Jesus, ang pananampalatayang nananalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon, ay di-makapapasok sa Banal na Lungsod ang sinumang wala nitong pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito kung bakit nagtalaga ang Panginoon ng bantay sa pintuan nito.
Ang pariralang, “mga pangalang nakasulat sa mga yaon,” sa kabilang dako, ay sinasabi sa atin na ang mga may-ari nitong Lungsod ay naipasiya na. Ang may-ari ay walang iba kundi ang Diyos mismo at Kanyang bayan, dahil ang Lungsod ay nauukol sa bayan ng Diyos na naging Kanyang mga anak.
Talatang 13: Sa silanganan ay may tatlong pintuan, at sa hilagaan ay may tatlong pintuan, at sa timugan ay may tatlong pintuan, at sa kalunuran ay may tatlong pintuan.
Tatlong pintuan ang inilagay sa silangan ng Lungsod, sa timog, sa kanluran at sa hilaga ay naglagay din ng mga pintuan. Pinakikita sa atin na tanging ang mga nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng kanilang mga puso ang makapapasok dito sa Lungsod.
Talatang 14: At ang kuta ng bayan ng may labingdalawang pinagsasaligan, at sa mga ito’y ang labingdalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Cordero.
Malalaking mga bato ang ginamit bilang mga pundasyon ng gusali. Ang salitang ‘bato’ ay ginagamit sa Biblia at tinutukoy ang pananalig sa Panginoong Diyos. Sinasabi nitong talata na upang makapasok sa Banal na Lungsod ng Panginoon, dapat tayong magkaroon ng pananampalataya na binigay Niya sa sangkatauhan, ang pananampalatayang nananalig sa Kanyang ganap na pagtubos sa lahat ng ating kasalanan. Ang pananampalataya ng mga hinirang ay higit na mahalaga kaysa mga maniningning na bato ng Banal na Lungsod. Na ang pader ng Lungsod ay tinayo sa labingdalawang mga saligan, at sa kanila’y nakasulat ang mga pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero. Sinasabi nito sa atin na ang Lungsod ng Diyos ay maaari lamang sa mga may kaisang pananampalataya na taglay ng labingdalawang apostol ni Jesu-Cristo.
Talatang 15: At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.
Ang kahulugan nitong Salita na upang makapasok sa Lungsod na tinayo ng Diyos, ang isa’y dapat magkaroon ng uri ng pananampalatayang sinang-ayunan Niya, ang uri na maghahatid sa kanya sa kapatawaran ng kasalanan. Sinasabi rito na ang anghel na nangusap kay Juan ay may isang gintong panukat upang sukatin ang Lungsod. Ibig sabihin na dapat tayong manalig na binigay ng Panginoon sa atin lahat nitong mga pagpapalang nakapaloob sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yamang “ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay (Hebreo 11:1),” binigay nga ng Diyos sa atin ang Banal na Lungsod at ang Bagong Langit at Lupa, mga bagay na higit kaysa sa mga bagay na ating inaasam.
Talatang 16: At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang, at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio, ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.
Ang Lungsod ay tinayong parisukat, ang haba, lawak at taas nito’y magkakasukat. Sinasabing tayong lahat ay dapat magkaroon ng pananampalataya ng isinilang na muli bilang bayan ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa katunayan, hindi itinulot ng Panginoon yaong walang hustong pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na pumasok sa Kaharian ng Diyos.
Maraming mga tao ang may gayong malabong palagay na sila’y papasok sa Banal na Lungsod dahil lamang sa pagiging mga Kristiyano, kahit pa sila’y may kasalanan. Nguni’t binigay ng Panginoon ang kaligtasan at ang Banal na Espiritu at ginawang Kanyang bayan yaon lamang nanalig sa katotohanang pinatawad Niya sila sa lahat ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo dito sa lupa at Kanyang dugo sa Krus. Ito ang pananampalatayang hinihingi ng Panginoon mula sa atin.
Talatang 17: At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu’t apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga’y ng isang anghel.
Ang biblikal na kahulugan ng apat na bilang ay paghihirap. Ang pananampalatayang hinihingi ng Panginoon sa atin ay hindi isang bagay na taglay ninuman, bagkus itong pananampalataya’y makakamit lamang ng mga tumanggap sa Salita ng Diyos, kahit pa hindi nila lubusang mauunawaan ito sa kanilang sariling mga isipan. Bilang isang Kristiyano, imposibleng makapasok sa Banal na Lungsod ng Diyos dahil lamang sa paniniwala sa Krus ni Jesus, na ang Panginoon ay Diyos at Tagapagligtas. Alam mo ba ang kahulugan ng Panginoon nang Kanyang sabihin sa Juan 3:5, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa iyo, maliban na ang tao’y ipanganak ng muli at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios”? Alam mo ba ang kahulugan ng pagparito ng ating Panginoon, ang bautismo ni Juan, pagpasan ng mga kasalanan ng sanlibutan sa Krus, at pagdanak ng Kanyang dugo? Kung masasagot mo itong mga tanong, nauunawaan mo ang aking sinasabi ukol dito.
Talatang 18: At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe, at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.
Sinasabi ng talata sa atin na ang pananampalatayang magpapasok sa atin sa Banal na Lungsod ng Diyos ay dalisay at walang halong anumang bagay ng sanlibutan.
Talatang 19-20: Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe, ang ikalawa ay zafiro, ang ikatlo ay calcedonia, ang ikaapat ay esmeralda. Ang ikalima ay sardonica, ang ikaanim ay sardio, ang ikapito ay crisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam ay topacio, ang ikasangpu ay topacio, ang ikasangpu ay crisopacio, ang ikalabingisa ay jacinto, ang ikalabingdalawa ay amatista.
Ang mga saligan ng pader ng Lungsod ay pinalamutihan ng lahat ng uri ng mga mahahalagang bato. Sinasabi ng Salita sa atin na tayo’y maaaring pakanin ng iba’t ibang aspeto ng pananampalataya mula sa Salita ng Panginoon. At itong mga mahahalagang bato’y pinakikita sa atin ang mga uri ng pagpapalang ibibigay ng Panginoon sa Kanyang mga hinirang.
Talatang 21: At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas, at bawa’t pinto ay isang perlas, at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.
Ang Perlas ay tumutukoy sa “Katotohanan” sa Biblia (Mateo 13:46). Ang tunay na naghahanap ng katotohanan ay malugod na iwawaksi lahat ng kanyang mga pag-aari upang kamtan ang Katotohanang nagbibigay buhay na walang hanggan. Sinasabi ng talata sa atin na ang mga hinirang na papasok sa Banal na Lungsod ay kailangang magtiis habang narito sa lupa, matatag na nakasandal sa sentro ng kanilang pananalig sa katotohanan. Ang mga nananalig sa Salita ng katotohanang winika ng Panginoon, sa ibang pananalita, ay kailangan taglay ang lubos na pagtitiis upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya.
Talatang 22-23: At hindi ako nakakita ng templo doon, sapagka’t ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon. At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya, sapagka’t nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.
Ang kahulugan nitong talata na lahat ng mga hinirang ay yayakap sa mga bisig ni Jesu-Cristo, ang Hari ng mga hari. At ang Banal na Lungsod ng Jerusalem ay hindi kailangan ang liwanag ng unang araw o buwan, dahil si Jesu-Cristo, ang liwanag ng sanlibutan, ang magliliwanag nito.
Talatang 24: At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito, at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.
Sinasabi ng talata sa atin na ang taong namuhay sa Milenyong Paghahari’y makakapasok na ngayon sa Bagong Langit at Lupa. “Ang mga hari sa lupa” dito ay tumutukoy sa mga hinirang na namumuhay sa Milenyong Paghahari. Itong mga hari sa lupa, ayon sa talata, ay “ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.” Ito’y sinasabi na ang mga hinirang na namumuhay sa kanilang katawang niluwalhati ay malilipat ngayon mula sa Milenyong Paghahari tungo sa bagong likha ng Diyos na Kaharian ng Bagong Langit at Lupa.
Sa gayon, yaon lamang naisilang na muli dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na habang narito sa lupa at sa gayo’y kinuha sa rapture upang manirahan sa Kaharian ni Cristo ng isang libong taon ay makapapasok sa Banal na Lungsod ng Jerusalem.
Talatang 25: At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka’t hindi magkakaroon doon ng gabi).
Dahil ang Bagong Langit at Lupa, kung saan naroon ang Banal na Lungsod, ay puspos na ng banal na liwanag, wala ng gabi roon, ni mga masasama.
Talatang 26: At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa.
Sinasabi sa atin na sa pamamagitan ng kamangha-manghang kapangyarihan ng Panginoon, yaong mga nabubuhay sa Kaharian ni Cristo ng isang libong taon ay nararapat na lumipat sa Kaharian ng Bagong Langit at Lupa, ang Kaharian kung saan nakatayo ang Banal na Lungsod.
Talatang 27: At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan, kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.
Sa mga Kristiyano at mga di-Kristiyano nitong mundo, lahat ng mga di-nakakaalam ng katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mga marurumi, kasuklam-suklam, at mga sinungaling. Sila’y di-makapapasok sa Banal na Lungsod.
Ang Salita ng Diyos dito’y tinulot na malaman natin kung gaano ang dakila ng kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa atin. Bagaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y naipangaral na sa maraming tao, may mga panahon kung saan ito’y di-pansin at hinamak maging ng mga naturingang mga Kristiyano. Nguni’t ang pananalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang susi tungo sa Langit.
Maraming tao pa rin ang nananatiling mangmang nitong katotohanan, nguni’t dapat mong malaman na ang sinumang nakabatid at nanalig na sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ibibigay ng Panginoon sa kanya ang mga susi ng Langit at ang kapatawaran ng kasalanan, ay masusulat ang kanyang pangalan sa Aklat ng Buhay.
Kung iyong tatanggapin at mananalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ikaw ay bibihisan ng pagpapala upang makapasok sa Banal na Lungsod.