• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 21-2] Dapat Tayong Magkaroon ng Uri ng Pananampalatayang Sinang-ayunan ng Diyos (Apocalipsis 21:1-27)

2021.04.13 100
(Apocalipsis 21:1-27)
 
 
Binigay ng Diyos sa atin ang Bagong Langit at Lupa. Sinabi ng Diyos sa atin na ang ngayong nakikita, ang unang langit at lupa, at lahat ng mga narito, lahat ay maglalaho, at Kanyang ibibigay sa atin ang kapalit na isang bagong langit, isang bagong lupa, isang bagong dagat, at babaguhin lahat ng mga bagay dito sa bagong likhang kalawakan. Ibig sabihin nito na ang Panginoong Diyos ay ibibigay itong Bagong Langit at Lupa bilang Kanyang handog sa mga hinirang na naging bahagi ng unang pagkabuhay na muli. Itong pagpapala ay isang handog mula sa Diyos na Kanyang ipinagkaloob sa Kanyang mga hinirang, na nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan.
Ibibigay kung gayon ng Diyos itong pagpapala sa mga hinirang na nakabahagi sa unang pagkabuhay na muli. Itong pagpapala ay pinahintulot lamang sa mga hinirang, na nanalig sa banal na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ni Jesu-Cristo, natamo ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Ant ating Panginoon kung gayon ay naging Lalakeng pakakasalan ng mga hinirang. Magmula ngayon, lahat ng nalalabing magagawa ng mga kasintahang babae ay mabihisan ng kalinga ng Lalakeng ikakasal, mga pagpapala, at kapangyarihang bilang mga asawa ng Cordero, at maluwalhati ng Kanyang maluwalhating Kaharian magpakailan man.
Sinasabi rin ng salaysay sa atin na ang Banal na Lungsod, Bagong Jerusalem, ay bababa mula sa Langit. Ito ay hindi ordinaryong lungsod, dahil sinasabi na ang Lungsod ay kasing-ganda ng isang marilag na kasintahang ikakasal upang kanyang asawang lalaki, mananaog mula sa Langit.
Hinanda ng Diyos ang banal na lungsod para sa mga hinirang. Itong Lungsod ay ang lungsod ng Jerusalem, ang Templo ng Diyos. Itong Templo’y hinanda lamang para sa mga hinirang ng Diyos. At nilayon para sa mga hinirang kasama si Jesu-Cristo, kahit bago pa lalangin ng Diyos ang kalawakan. Ang mga hinirang samakatuwid ay walang magagawa kundi ang pasalamatan ang Panginoong Diyos sa kanilang pananalig at luwalhatiin Siya sanhi nitong handog na biyaya. 
Lahat nitong mga bagay—ang mga hinirang ay naging bayan ng Diyos at Siya’y naging kanilang Diyos—ay ang biyayang ginawad ng Diyos at isang handog na nakamit ng mga hinirang mula sa Kanya dahil sa pananalig Salita ng kaligtasan ng tubig at ng Espiritu.
Samakatuwid, lahat ng mga pinagpalang makapasok sa Templo ng Diyos at mamuhay na kasama Siya ay magbibigay pasasalamat at luwalhati sa Diyos magpakailan man, dahil sinasabi ng Kasulatan na papahirin ng Diyos ang kanilang mga luha, na wala ng kamatayan, ni pagtangis, ni anumang paghihirap, at ang dating mga bagay ay lumipas na. Bagaman ang dalamhati, pagtangis, hirap, kamatayan, panaghoy, at kalungkutan nanagana ngayon dito sa lupa, sa Bagong Langit at Lupa, lahat ng gayong mga bagay ay naglaho na. Ang mga naninirahan sa Bagong Langit at Lupang binigay ng Panginoon ay di na muling luluha sa kalungkutan o iiyak sa dalamhati dahil sa lumisan na mga minamahal, hindi na muli.
Kapag itong panahon ng pagpasok ng mga hinirang sa Bagong Langit at Lupa ay dumatin, ang unang langit at lupa at lahat nitong mga dalamhati ay maglalaho, at ang naghihintay sa mga hinirang ay ang mamuhay sa luwalhati at lahat ng mga pagpapala ng Diyos dito sa Bagong Langit at Lupa magpakailan man. Maaalis ng Diyos lahat ng mga di-ganap ng unang mundo at nilikha itong bagong ganap na mundo.
Ang pangunahing salaysay sa kabanata 21 ay sinasabi sa atin na ang Bagong Langit at Lupa, na susundan ng lubos na paglipol nitong mundo, matapos ang paglarawan sa Milenyong Paghahari sa kabanata 20. Sa kabanata 20, anumang bagay na may kinalaman dito sa lupa lahat ay magwawakas. Ang panahon ng Anticristo (Halimaw), mga huwad na propeta, kanyang mga tagasunod, at ang mga di-nanalig sa Diyos bagkus at nakipaglaban sa Kanya, lahat ay maglalaho. Yamang silang lahat ay itatapon sa apoy sa pagtapos ng Milenyong Paghahari, at ang lugar na makikita sila ay sa impiyerno.
Kung gayon, sa kabanata 21, sinasabi ng Diyos sa atin na ang Bagong Langit at Lupang binigay Niya sa mga hinirang, isang lugar na ganap kung saan walang makasalanan ang matatagpuan. Kung nais mong makakita ng mga mababangis na hayop ikaw ay pupunta sa isang “zoo,” sa pagdating ng panahong ito, ang sinumang nagnanais na makita si Satanas at kanyang mga tagasunod ay kailangang lumakbay sa impiyerno.
Sa dako kung saan ibibigay ng Diyos sa atin ang Bagong Langit at Lupa, ang Panginoon din, ay maninirahang kasama natin. Nilikha rin ng Diyos para sa atin ang Banal na Lungsod na may magagandang kalikasan at nagniningning na luntiang mga hardin. Sa pagdating ng Bagong Langit at Lupa, lahat ng mga bagay sa unang daigdig at lahat ng mga di-ganap ay naglaho, tanging katotohanan ang nananatili, at ang ganap na mga hinirang ang mamahala sa buong Kaharian ng Langit magpakailan kailan man.
 
 
Huwag Manghina ang Loob sa Iyong Kasaluyang Kalagayan
 
Itong kasalukuyang panahon ay ang panahon ng kadiliman at kawalan ng pag-asa. Ang pag-asa’y di makikita kahit saan sa panahong ito, ang hinaharap ay natatakpan lamang ng di-katiyakan. Ito kung bakit, kung minsan, nararamdaman natin ang kabiguan at kahinaan bagaman pinangangaral natin ang ebanghelyo. Sa aking sarili, ang aking puso’y nanlulumo sanhi nito, nguni’t habang binabasa ang Salita ng Apocalipsis at pinapaliwanag ang mga salaysay nito, nabatid ko na kapag ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay naharap sa mga huling araw ay walang dapat ikalungkot. Nang aking mabatid na ang kasalukuyang mga pighati at mga paghihirap ay tatagal lang ng ilang sandali, pinalakas ng Diyos ang aking puso upang di na muling mababagabag.
Kung titignan lang natin ang atinng kasalukuyang kalagayan, ito ay sadyang nakalulungkot, mapanglaw at hindi kawili-wili, at tayo’y madaling masiraan ng loob dahil sa mga walang-humpay na mga ligalig na dumadalaw sa ating habang naglilingkod sa ebanghelyo. Nguni’t dahil lahat ng mga pagpapala ng Panginoon na paparating sa atin, bagaman di-nakikita ng ating mga mata, ang ating mga puso’y malaya sa lahat ng mga kalituhan, at sa halip ay puno ng lubos na pag-asa at galak. Ang dahilan bakit tiyak na hindi na kailangan para sa atin ang mamuhay na may kalungkutan ay dahil binigay na ng Diyos sa atin ang Kanyang Bagong Langit at Lupa. 
Ikaw ba’y naniniwala sa Bagong Langit at Lupa? Bagaman hindi mo pa ito nararanasan, napagnilay-nilay mo ba?
Itong mundo rin, ay may ibang magagandang mga lugar. Kapag ating pinag-uusapan ang ukol sa isang magandang pamumuhay sa kapaligiran nitong mundo, kadalasa’y pinag-uusapan natin ang mga puno, mga luntiang damuhan sa tabi ng mga ilog, mga bulaklak sa mga bukirin, at mabubuting tao. Dapat magkaroon ng malinaw na agos ng tubig, at hindi dapat magkaroon ng anumang masamang tao, ni mangangailangan pa ng anumang bagay. Kapag lahat ng gayong mga kalagayan ay natamo, masasabi nating ito ang pinakakahanga-hangang kapaligiran. Nguni’t sa Langit, ang lahat ay ganap, higit na mabuti kaysa sa pinakamagandang lugar sa buong mundo na maaaring ipagmalaki.
Ang katanungan ay, kung gayon, kanino hinanda ng Diyos at ibababa ang naitayong ganap na Banal na Lungsod mula sa Langit. Nilikha ng Diyos itong Lungsod walang iba kundi sa mga hinirang. Ito kung bakit maaari nating kalimutan ang lahat ukol sa naunang daigdig. Bagaman tayo’y nabubuhay sa luwalhati ng Milenyong Paghahari, sa susunod na mundo, sa Bagong Langit at Lupa na inilarawan sa kabanata 21, na siyang tunay na nais na ibigay sa atin ng Diyos, tayo’y maninirahang kasama ang Panginoon na may higit na kaluwalhatian. Upang magkagayon, niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagsugo kay Jesu-Cristo sa atin, bubuhaying muli at kukuhanin tayo paitaas sa alapaap. Ang mamuhay na kasama ang Panginoon sa mga katawang ganap tulad ng Katawan na nabuhay muli ni Jesus ay nagdudulot ng isang larawang-ganap sa napakaligaya at mapalad na buhay na naghihintay sa atin. 
Upang ibigay sa atin ang Kaharian ng Bagong Langit at Lupa, tayo’y pinasilang ng Diyos dito sa lupa, at Kanyang niligtas tayo. Kung ang mga hinirang dito sa lupa ay mababatid ang napakalalim na kalinga ng Diyos, silang lahat ay mananagana, di-mahaharap sa anumang kahirapan, sa kalungkutan, o lumbay. Kung titignan ang ginawa ng Panginoon at ano ang Kanyang gagawin para sa atin sa hinaharap, tayong lahat ay mamumuhay na handa sa lahat ng hirap at nakatitiyak.
Nguni’t kung ating titignan ang ating mga sarili at ang kawalang ng pag-asa ng mga politiko, mga ekonomiya, at mga komunidad, wala ng iba pang pagpipilian kundi ang mawalan ng pag-asa. Ikaw at ako ay hindi dapat kaligtaan ang binigay ng Diyos sa atin na Bagong Langit at Lupa, at ang Langit ay sa atin. Ito ang katunayan. Ito ang katotohanan. Kahit pa itong mundo’y tangkaing palumbayin ka, huwag malulungkot, ni magagalit, bagkus ay tumingin lamang sa Panginoon. At mamuhay na may pag-asa, nananalig na binigay nga ng Panginoon ang Bagong Langit at Lupa sa Kanyang mga hinirang.
Sinabi ng Diyos na gagawin Niyang bago ang lahat ng bagay. Sinabi Niya kay Juan na isulat itong mga Salita, na Kanyang gagawing bago ang lahat ng bagay, “ang mga salitang ito ay tapat at tunay.” Ang mga nakibahagi sa unang pagkabuhay na muli ay makikibahagi rin sa lahat ng pagpapala na mamuhay kung saan ang Diyos ay ginawang bago ang lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na hindi natin maaaring panaginipan sa pamamagitan ng ating mga kathang-isip, nguni’t ito’y isang bagay na hinanda ng Diyos para sa mga hinirang. ang mga hinirang at lahat ng bagay kung gayon ay magbibigay luwalhati, pasasalamat, parangal at papuri sa Diyos magpakailan man sa pagtupad nitong dakilang gawain.
Sinabi ng Biblia na “ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita (Hebreo 11:1).” Bagaman di-makikita ito ng ating mga mata, sa ibang salita, itong lahat ay mga katotohanan. Tayo’y may pag-asa na maligtasa sa lahat ng ating kasalanan, at sa pamamagitan ng pananalig sa ating kaligtasan tayo nga’y naligtas. At dahil taglay natin, matapos maligtas, ninais at umasang mamuhay magpakailan man sa isang buo at ganap na daigdig kung saan wala ng kailangan pa, ginanap nga ng Diyos itong pag-asam para sa atin. Lahat ng ating ninais at inasam lahat ay magkakatotoo, dahil lahat ng ating mga pag-asa ay tunay.
Sa kabanata 10 ng Apocalipsis, nang magsalita ang Panginoon kay Juan sa pamamagitan ng Kanyang anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa, at ng tinangkang isulat ni Juan, sinabi ng Diyos na huwag isulat. Sa mga bagay na sinabi ng Panginoon, may mga iilang bagay na hindi Niya itinulot na masulat, dahil ito ang mga hiwaga na Kanyang ihahayag lamang sa atin na mga hinirang.
Itong hiwaga ay walang iba kundi ang ating rapture. Upang tiyak na malaman kung kailan magaganap ang ating rapture, dapat muna nating mabatid na ang ikapitong trumpeta ng Diyos ay ang tiyak na tanda upang lutasin itong hiwaga. Kailan, kung gayon, tutunog ang ikapitong trumpeta? Ang ikapitong trumpeta’y tutunog kapag ang unang tatlo at kalahating taon ng pitong taong Matinding Kapighatian ay saglit na dumaan. Ito ang pagdating ng pagbubuhay muli at rapture ng mga hinirang. At pagkatapos ng rapture, ang mga salot ng pitong mangkok ay susunod ng ilang sandali.
Ilang taong nakalipas, ako’y nagdaos ng isang pulong ng pagbabagong-buhay sa isang paksang tinawag na “ang Pitong Iglesia sa Asya Menor.” Sumulat din ako ng isang aklat ukol nitong mga pitong iglesia sa Asya Menor, at ang nilalaman ay nauukol sa aking pinaliwanang nitong kasalukuyang salaysay dito. Kung titignan ang mga sermon sa aklat, ramdam ko na kahit nagbago ang mga panahon ng kaunti, ang Salita ng Diyos kahit kaunti ay di-nagbago gaano man nagbago ang panahon.
Nais mo bang manirahan sa Bagong Langit at Lupa, sa lugar na hinanda ng Diyos para sa iyo at sa akin? Ang mga maipipintas dito sa mundo ay di na muling makikita. Nang sinabi ng Diyos na Kanyang babaguhin lahat ng bagay, ang ibang tao’y pinapakahulugan ito sa pagsasabing Kanyang babaguhin ang naroon na, parang “recycling.” Nguni’t mula sa kabanata 21 at sa susunod pa, ito’y lubos na isang bagong daigdig, ganap na kaiba sa nakalipas. Ang mga isinilang na muli ay magiging kabahagi nitong Bagong Langit at Lupa na ganap na binago ng Diyos, dahil sila ang mga nakibahagi ng banal na mga katangian. Ito, sa ibang salita, dahil sila’y naging mga bahagi ng banal na kaharian.
Sa halip na ibatay lahat ng ating mga kaisipan sa mga materyal na pag-aakala, dapat tayong mag-isip sa mga espirituwal na pagsukat. Dasal ko na kayong lahat ay maging mga hinirang at mga lingkod na nananalig sa tunay na binigay ng Diyos sa ating mga kaluluwa, at naniniwala, na itong mga bagay, bagaman tutuparin pa lang, ay sadyang matutupad. Binigay ng Diyos sa atin ang mga dakilang pagpapala.
Sinabi ng Diyos na Kanyang ibibigay ang walang-bayad na bukal ng tubig sa mga nauuhaw. Itong Salita’y di-tumutukoy sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag ang tao’y nanalig na niligtas ng Diyos sila mula sa kanilang pagkauhaw sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng Kanyang ebanghelyo dito sa lupa at niligtas sila mula sa kanilang mga kasalanan, ito rin ay katulad ng pag-inom sa tubig ng buhay. Nguni’t ang salaysay ay hindi lamang tinutukoy ito, nguni’t ito’y tumutukoy sa tunay na tubig ng buhay na iinumin sa Bagong Langit at Lupa, kung saan sinuman ang uminom nitong tubig ng buhay ay di-mamamatay, ang kanyang katawan ay magiging tulad ng sa Panginoon, at mamuhay na kasama Siya magpakailan man.
Naiplano ng ating Panginoon at tinupad lahat nitong mga bagay, mula pa sa pasimula hanggang sa huli. Lahat ng mga bagay na ginawa ng Panginoon, ginawa Niya ito para sa Kanyang sarili at para sa Kanyang mga hinirang. sa gayon, ang mga hinirang ngayon ay tinawag bilang kay Cristo, at naging mga tunay na anak ng Diyos ayon sa Kanyang plano. Ang mga naging hinirang dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon ay mababatid, mula sa kanilang pananalig dito sa dakilang pag-ibig ng Diyos at Kanyang kahanga-hangang mga gawain, na wala ng kakailanganin pa upang sila’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan at purihin ang Panginoon magpakailan man. 
Tulad ng sinabi ng Panginoon, “Ang nauuhaw ay Aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay,” Kanyang ngang binigay ang bukal ng tubig ng buhay sa Kanyang mga hinirang at pinayagan silang magsaya sa buhay na walang hanggan. Ito ang pinakadakilang handog na iginawad ng Diyos sa Kanyang mga hinirang. Ngayon ang mga hinirang ay mamumuhay magpakailan man sa Bagong Langit at Lupa at upang uminom mula sa bukal ng tubig ng buhay, kung saan sila’y di na muling mauuhaw magpakailan man. Ang mga hinirang ay naging, sa ibang pananalita, mga anak ng Diyos na magkakamit ng buhay na walang hanggan, tulad ng Panginoong Diyos, at mamuhay sa luwalhati. Nagpapasalamat ako at lumuluwalhating muli sa Panginoong Diyos sa pagbibigay sa akin nitong dakilang pagpapala.
 
 
Ang Pananampalataya sa Tunay na Ebanghelyo ang Magbibigay Kakayanan sa Atin na Magtagumpay sa Sanlibutan
 
Si Apostol Juan ngayo’y nagbalik sa kasalukuyang panahon. Sinasabi sa talatang 7, “Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito, at Ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak Ko.” “Ang magtagumpay ay magmamana” rito ay tumutukoy sa mga nagtanggol ng kanilang pananalig na binigay ng Panginoon. Itong pananampalataya ang magtutulot sa lahat ng hinirang upang magtagumpay sa lahat ng ligalig at mga tukso. Ang ating pananalig sa Panginoong Diyos at sa tunay na pag-ibig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay Niya ay ang magbibigay sa atin ng tagumpay sa lahat ng kasalanan ng mundo, sa hatol ng Diyos, sa ating mga kaaway, sa ating sariling mga kahinaan, at sa pag-uusig ng Anticristo.
Nagpapasalamat ako at lumuluwalhati sa ating Panginoon sa pagbibigay sa atin ng katagumpayan sa lahat. Ang mga hinirang na nanalig sa Panginoon ay magtatagumpay sa Anticristo sa pamamagitan ng pananalig, dahil bawa’t isa sa kanila, ay binigyan ng Panginoon itong pananampalataya kung saan sila’y maaaring magtagumpay sa kanilang pakikibaka laban sa lahat nilang mga kaaway. Hinayaan ngayon ng Diyos ang mga hinirang, mga nagtagumpay sa mundo at sa Anticristo sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, upang manahin ang Kanyang Bagong Langit at Lupa. Nagpapasalamat ako at nagpupuri sa ating Diyos sa pagbibigay sa atin nitong matatag na pananampalataya.
Sinabi ng Diyos sa mga nagtagumpay, Kanyang ibibigay bilang mana ang Kanyang Bagong Langit at Lupa, kung saan wala ng mga pagluha, ni kalungkutan, at mga pag-alala. Mga nagtagumpay lang ang nararapat na tumanggap. Ang pananalig nitong tagumpay ay ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa atin. Ito ang pananampalataya kung saan tayo’y maaring magtagumpay sa sanlibutan, ating mga kasalanan, mga kahinaan at sa Anticristo.
Bilang gantimpala sa ating pananalig na magtagumpay kay Anticristo, di-maglaon makakamit natin ang Bagong Langit at Lupa mula sa Diyos. Dahil ating matatanggap lahat nitong mga pagpapala para sa ating pananlig, kapag kinalaban tayo ng Anticristo at tinangkang kuhanin ang ating pananampalataya, maari tayong magtagumpay sa lahat ng mga pamamaraan ng lahat nating mga kaaway sa pananampalataya. Ang mga nagtagumpay ay nananalig sa Salita ng Diyos anuman ang sabihin nila, at ipagtanggol ang kanilang pananampalataya sa katotohanang inalis ng Panginoon lahat ng ating kasalanan. Sa atin, mga nagkamit ng kapatawaran ng ating mga kasalanan at naisilang na muli, na mga nabubuhay ngayon sa mga huling araw, ay dapat magtagumpay sa mga pamamaraan ng Anticristo sa pamamagitan ng pananampalataya.
Tayo’y maaaring magtagumpay sa maigsing sandali ng mga pighati sa ating pananampalataya sa katotohanang binigay ng Panginoon sa atin ang Kanyang Bagong Langit at Lupa, gayon din ang lahat ng kayamanan, ningning at luwalhati. Kapag ang higit na mundo’y naghihintay sa atin, atin bang pagtataksilan ang ebanghelyo nitong katotohanan? Kapag dumating ang higit na mabubuting bagay sa atin, kapag ang kamangha-manghang mga bagay na naghihintay sa atin kung tayo lang ay magtitiyaga kahit isang araw, hindi ba natin mababata ang paghihirap ngayon? Tayong lahat ay makapagtitiyaga.
Ang Biblia’y madalas sabihin sa atin ukol sa ‘pananampalataya, pag-asa at pag-ibig’ bilang mga kailangang kabutihan na dapat tandaan ng mga hinirang. Ang may mga pag-asa ay higit na may kakayanan magtagumpay sa kanilang kasalukuyang mga pighati sa pamamagitan ng pananalig na lahat nitong mga pagpapalang binigay ng Diyos sa kanila ay ang kanilang reyalidad. At dahil ang mga salot ng mga huling araw ay tatagal lamang sa isang sandali, at dahil ibibigay din ng Diyos sa Kanyang mga hinirang ang mga paraan upang makatakas sa mga ito, tayong lahat ay maaaring makapagtiyaga. Nawa magmula ngayon kayo’y makapapasok na sa Bagong Langit at Lupa at manirahan sa daigdig ng pananampalataya.
Sa daigdig ng pananampalataya, lahat nitong Salita ay dapat hipuin ang iyong puso sa pamamagitan ng pananampalataya, sa halip na ang iyong balat ng laman. Kapag gayon nga, ang iyong puso’y magiging matatag habang hinahanap ang bagong lakas at ito’y magkaroon ng pag-asa.
Lahat ng mga hinirang ay magiging martir sa mga huling araw. Sa pagtingin sa ating pag-asam sa Bagong Langit at Lupa, tayo’y higit na makayayakap sa pagmamartir sa pamamagitan ng binagong kalakasan.
Sa Kanyang pinakadiwa, ang ating Panginoon ay ang Diyos ng katotohanan at ng pag-ibig. Sino kung gayon, ang mga taong ganap na duwag sa harap ng Diyos? Ito ang mga isinilang na may orihinal na kasalanan at hindi nahugasan sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon. Dahil sa kanilang diwa kanilang higit na sinamba ang mga masasama kaysa sa pagsamba sa Diyos, sila’y maliwanag na naging mga alipin ni Satanas. Ito’y dahil kanilang sinamba ang masama kaysa sa Panginoong Diyos, sila’y mga duwag sa harap ng Panginoong Diyos. Lahat ng mga duwag sa harap ng Diyos ay makakabahagi sa lawang nagbabaga sa apoy at asupre.
Ito’y isang naitatag na katotohanan na itong mga tao, na sa kanilang mga sarili ay ang kadiliman mismo dahil sa mga kasalanan sa kanilang mga puso, ay walang magagawa kundi matakot sa Diyos. Yamang ang mga kaluluwa nitong mga kabilang kay Satanas ay iniibig ang kadiliman, sila’y mga duwag sa harap ni Jesus na naging liwanag. Ito kung bakit sila’y dapat nilang ibigay ang kanilang kasamaan at mga kahinaan sa Diyos at kamtan ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan mula sa Kanya. Ang mga di-nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang mga lubos na makasalanan sa harap ng Diyos at Kanyang mga kaaway.
Yamang ang kanilang mga kaluluwa’y karumal-dumal, at dahil sila’y lumaban sa Diyos, inibig ang bawa’t kasalanan ng pagsunod sa mga maling tanda, sumamba sa lahat ng uri ng mga diyos-diyosan, at nagsasalita ng lahat ng uri ng kasinungalingan, sa pamamagitan ng makatwirang hatol ng Diyos silang lahay ay itatapon sa lawang nagbabaga ng apoy at asupre. Ito ang kanilang parusa ng pangalawang kamatayan.
Ang pangalawang kamatayan ay ang hatol sa mga tao na ibubulid sa impiyerno, at ito ang mga duwag, di-nanalig, mga karumal-dumal, mga mamamatay, nakikiapid, mangkukulam, mga sumasamba sa diyos-diyosan, sila, kasama ang Anticristo at kanyang mga tagasunod, di-tinanggap ang pag-ibig ng Diyos ngayon. Ang mga di-nanalig sa Kanya ay pinakamasasama. Sinasabi ng Biblia sa atin na lahat nitong mga masasama ay itatapon sa lawang nagbabaga sa apoy at asupre. Kaya tinawag itona pangalawang kamatayan sa Biblia.
Ang mga nabahagi sa pangalawang pagkabuhay na muli ay di-mamamatay kahit pa sila’y itapon sa apoy, at sa pinakalayon nitong pagtatapon sa impiyerno, sila’y ibabangong muli sa mga katawan na mabubuhay magpakailan man.
Ang mga di-mananampalataya sa Diyos ay ibabangong muli upang itapon sa lawa ng apoy at asupre. Ang pangalawang pagbangong muli, na magbibigay ng walang-hanggang pagdurusa sa apoy ng impiyerno na walang kamatayan, ay nilaan para sa lahat nitong mga taong di-nananalig.
Ilang saglit matapos mabuhos ang pitong mangkok na naglalaman ng pitong salot, ang Milenyong Paghahari ay magaganap, at sa paglipas ng isang libong taon, ang mga hinirang ay ililipat sa Bagong Langit at Lupa. Sa pariralang, “ipakilala ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero,” ang asawang babae ng Cordero rito ay tumutukoy sa mga naligtas ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng pananalig dito.
 
 
Ang Luwalhati at Kagandahan ng Banal na Lungsod ay Di-mailalarawan
 
Ang lungsod ng Jerusalem ay tumutukoy sa Banal na Lungsod kung saan maninirahan ang mga hinirang kasama ang kanilang Lalakeng ikakasal. Itong Lungsod na nakita ni Juan ay tunay na maganda at kahanga-hanga. Ito’y dakila sa laki, pinalamuti ng mga mahahalagang bato sa loob at labas, malinis at maliwanag. Pinakita ng anghel kay Juan kung saan maninirahan ang mga kasintahang babae ni Jesu-Cristo kasama ang kanilang Kasintahang lalake.
Isipin mong mamuhay sa isang lugar na gawa sa mga mahahalagang bato. Sa Lungsod na ito na may labingdalawang uri ng mga mahahalagang bato, yaong magiging mga kasintahang babae ng Cordero ay maninirahan magpakailan man. Itong Lungsod ay handog ang Diyos na Kanyang pinagkaloob sa asawa ng Cordero. Sinasabi ng salaysay sa atin na ang lungsod ng Jerusalem ay maliwanang na nagniningning, at ang kanyang liwanag ay tulad ng isang pinakamahalagang bato, tulad ng jaspeng bato, kasing-linaw ng isang kristal.
Ang luwalhati ng Diyos samakatuwid ay nasa Lungsod at lahat ng mga naninirahan dito. Ang paghahari ng Diyos ay ang liwanag, kaya yaon lamang nahugasan sa lahat nilang karimlan, mga kahinaan at mga kasalanan ang makapapasok dito sa Lungsod at manirahan dito. Sa gayon, upang makapasok dito sa Banal na Lungsod, tayong lahat ay dapat na manalig lamang sa tunay na Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa atin.
Sa salaysay ay sinasabi sa atin na ang Lungsod ay may dakila at mataas na pader ng labingdalawang mga pintuan. At sinasabi na sa mga pintuan ang mga pangalan ay nakasulat, at ito ang mga pangalan ng labingdalawang angkan ng anak ni Israel. Sinasabi ng Diyos sa atin na Kanya ngang hinanda itong Lungsod para sa Kanyang mga hinirang, napapalibot ng isang malaki at mataas na pader.
Ito ang isang espirituwal na hudyat na ang daan sa pagpasok sa Banal na Lungsod ay labis na mahirap. Sinasabi sa atin, sa ibang pananalita, na ang pagiging ligtas sa lahat ng ating kasalanan sa harap ng Diyos ay imposible sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng tao o sa mga materyal na bagay nitong mundo na nilikha ng Diyos. Upang mapalaya sa lahat ng ating kasalanan at makapasok sa Banal na Lungsod ng Diyos, lubos na kailangan na taglay natin ang iisang pananalig ng labingdalawang alagad ni Jesus, ang pananalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon, ang sinuman ang walang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-makapapasok sa Banal na Lungsod.
Ang Lungsod ay bantay ng labingdalawang anghel bilang mga bantay sa pintuan na hinirang ng Panginoong Diyos. Ang pariralang, “mga pangalang nakasulat sa kanila [mga pintuan],” sa kabilang dako, sinasabi sa atin na ang mga may-ari nitong Lungsod ay naipasiya na, dahil ang mga may-ari ay walang iba kundi ang Diyos mismo at Kanyang bayan, at ang Lungsod ay kabilang sa Diyos na ngayon ay naging Kanyang mga anak.
Itong Banal na Lungsod ay may tatlong mga pintuan sa bawa’t apat na direksyon ng hilaga, timog, silangan at kanluran. Nakatitiyak ako kaya binanggit ng Diyos itong tatlong mga pintuan lalo na rito ay upang sabihin sa atin na sila’y espesyal na kaugnay sa ebanghelyong ating pinaniniwalaan. Sa 1 Juan 5:7-8 ay sinabi na may tatlong nagpapatotoo sa tunay na ebanghelyo sa Langit at lupa. Yaon lamang nananalig sa mga tatlong saksi, sa Langit at sa lupa, ay makapapasok sa Langit. Tayo na isinilang na muli, nananalig sa Diyos ng Trinidad at kanyang makatwirang gawa ng pagliligtas sa atin sa pamamagitan ng tubig, dugo at Espiritu.
Sa katotohanan na ang mga pangalan ng labingdalawang apostol ay nakasulat ang labingdalawang pundasyon ng pader ng Lungsod ay sinasabi sa atin na ginawa ng Panginoon ayon sa Kanyang pangako, na hindi Niya aalisin ang kanilang mga pangalan sa Aklat ng Buhay nguni’t isulat sila rito.
Ang estadio, ‘Stadion’ sa Griego, ay isang sukatan ng distansiya, halos 600 talampakan (185 metro) sa sukatan ngayon. Kapag sinabi ng Biblia na bawa’t gilid nitong parisukat na Lungsod sa Langit ay may sukat na 12,000 estadio, sinasabi sa atin na bawa’t gilid ay may sukat na 2,220 kilometro (1,390 milya). Sinabi rin sa atin na ang haba, lawak at taas nito ay iisa. Ang kahanga-hangang laki ng Lungsod ay sinasabi sa atin kung gaano kadakila at kamangha-mangha ang Kaharian ng Diyos.
Ang biblikal na kahulugan ng numerong apat ay paghihirap. Ang pananampalatayang kailangan ng Panginoon sa atin ay hindi isang bagay na taglay ninuman, kundi ito’y pananampalatayang taglay lamang ng mga tumanggap sa Salita ng Diyos, kahit pa hindi nila lubusang nauunawaan sa kanilang sariling kaisipan.
Bilang isang Kristiyano, imposible ang makapasok sa Banal na Lungsod ng Diyos sa pananalig lamang sa Krus ni Jesus, na ang Panginoon ay Diyos at Tagapagligtas. Tulad mismo ng sinabi ng ating Panginoon, walang makapapasok sa Kaharian ng Diyos maliban na siya’y isilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Ang tao’y maisisilang na muli lamang kapag sila’y nanalig na lahat ng kasalanan ng mundo’y inilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan ni Juan Bautista, at Kanyang tinubos ang kanilang mga kasalanan sa pagdanak ng Kanyang dugo at kamatayan sa Krus alang-alang sa kanila.
Ang pariralang, “ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog,” sinasabi sa atin na yaon lang na ang pananampalataya ay tulad ng ginto—ito ay, yaon lang tunay na nananalig sa Diyos—ang makapapasok. Sinasabi sa atin na ang pananampalatayang magtutulot na pumasok sa Banal na Lungsod ng Diyos ay ang uri ng pananampalatayang nananalig sa Salita ng Diyos tulad ng nasusulat, dalisay at malaya sa lahat ng makamundong bagay. Sinasabi sa atin, sa ibang pananalita, na kailangang tanggapin ang Salita ng Diyos sa dalisay na pagiging isininalang na muli sa tubig at sa Espiritu, tunay na nananalig sa Salita, at taglay ang dalisay na pananampalataya.
Ang mga pundasyon ng pader ng Lungsod ay pinalamutian ng lahat ng uri ng mahahalagang bato, sinasabi sa atin na tayo’y mapapakain ng iba’t ibang mga aspeto ng pananalig mula sa Salit ng Panginoon. Dapat mayroon tayong pananalig na may disiplina, hindi lang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o pag-asam ng Langit at Milenyong Paghahari. Itong pananampalatayang tinuruan ay nagmumula rin sa pamamagitan ng Salita ng Diyos habang natitiis ang mga kasalukuyang paghihirap. 
Binigyan ng Diyos ang mga hinirang hindi lamang ng Kanyang pagpapala ng kapatawaran ng kanilang kasalanan, kundi ng pagpapala rin katuparan ng kanilang pag-asam, na ang mga napatawad sa kanilang mga kasalanan ay papasok sa Milenyong Paghahari at sa Langit. Tayong mga hinirang ay magpapasalamat sa Diyos sa katangiang binigay sa atin upang pumasok sa Bagong Langit at Lupa, kung saan kailanman walang kalungkutan at dalamhatin ang makikita.
Ang mga hinirang na papasok sa Banal na Lungsod ay kailangan ng lubos na pagtitiis habang narito sa lupa, matatag na nakakapit sa sentro ng kanilang pananampalataya. Ang mga nanalig sa Salita ng katotohanang sinabi ng Panginoong Diyos, ay kailangan ng malaking pagtitiya na maipagtanggol ang kanilang pananampalataya. Sa pagdating ng mga huling araw, ang panahon ng Anticristo, ang kalaban ng pananampalataya, ay darating.
Itong Anticristo, bilang alipin ni Satanas, ay magdadala ng malaking pag-uusig sa maraming taong may pananalig, hinahanap ang mga ito upang ipatakwil ang kanilang pananampalataya. Kung ang tao’y papanig sa Anticristo at itakwil ang kanilang pananampalataya, hindi lamang lalayo sa kanila ang Milenyong Paghahari at Langit, kundi sila rin ay itatapon sa impiyerno kasama si Satanas.
Samakatuwid, sa gitna ng mga pagsubok, mga pag-uusig, at mga salot sa mga huling araw, tayong lahat ay kailangan ang pagtitiyaga na magtutulot sa atin na handang ipagtanggol ang ating pananampalataya, dahil itong matimtimang pagtitiyaga ang dahil para matamo natin ang Bagong Langit at Lupa.
Ang mamuhay sa Bagong Langit at Lupa ay tulad ng mamuhay na yakap ng mga bisig ng Panginoon. Dahil si Jesu-Cristo, na naging ilaw ng bagong mundo, nagniningning dito sa banal na mundo bilang kanyang ilaw, hindi na kailangan pa ang araw ni ang buwan upang magliwanag dito. Si Jesu-Cristo ay ating Tagapagligtas, Manlilikha, at Hukom, at sa Bagong Langit at Lupa Siya ang Diyos na nabubuhay kasama natin. Sa pamamagitan Niya tayo’y makapapasok sa Langit, at mula sa Kanya ang mga pagpapala ay dumadaloy. Ang mga hinirang ay wala ng gagawin pa kundi ang laging magpuri sa Panginoon.
Sa King James Version, ang talatang 24 ay nasusulat ng ganito: “At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito, at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.” Nang sabihin dito na ang luwalhati ng mundo ay hinatid sa Langit, hindi ibig sabihin na yaong namahala dito sa lupa, yamang sila’y mayaman, ay dadalhin ang kanilang yaman sa Bagong Langit at Lupa. Ang mundong tukoy dito ay mundo sa Milenyong Paghahari.
Bagaman ang mga hinirang ay ligtas at makapapasok Milenyong Paghahari lahat sa ganitong paraan, gayunman sila’y bibigyan ng iba’t ibang kapamahalaan, iba’y naghahari sa sampung lungsod at iba’y sa limang lungsod, batay sa kanilang pagsisikap sa pangangaral ng ebanghelyo habang narito sa unang daigdig.
Ang sinasabi ng talatang 24 ay itong mga haring may iba’t ibang kapamahalaan ay ililipat sa Bagong Langit at Lupa. Yaong naghari sa Milenyong Paghahari, ay papasok sa Bagong Langit at Lupa bilang mga hari dala-dala ang kanilang pananam sa Panginoon at lahat nilang luwalhati at karangalan. Ito samakatuwid ay walang kinalaman sa unang daigdig kung saan tayong lahat ay nabubuhay ngayon.
Dahil ang Bagong Langit at Lupa, kung nasaan ang Banal na Lungsod, ay puno na ng banal na ilaw, wala ng gabi ni anumang kasamaan. Sa mga Kristiyano at hindi sa mundong ito, lahat ng di-nakakaalam ng katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mga masasama, karumal-dumal at mga sinungaling. Sila samakatuwid ay di-makapapasok sa Banal na Lungsod. Dahil sinuman ang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang papasok sa Langit, itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang susi sa Langit at susi sa kapatawaran ng kasalanan. Dapat mong malaman na kapag iyong kinalala at nanalig na binigay ng Diyos sa iyo ang susi, ang iyong pangalan ay masusulat sa Aklat ng Buhay. At kapag iyong tinanggap ang katotohanan nitong ebanghelyo, ika’y bibihisan sa pagpapala ng pagpasok sa Banal na Lungsod.
Manalig na ang Banal na Lungsod ay binigay na sa atin. At mamuhay alinsunod nito, na may pag-asam. 
Dahil lahat ng bagay na ating nahaharap ngayong kasalukuyang panahon ay nasusukat sa paraan ng pagpapahala nitong mundo, di natin talaga masusugat kung ano ang tunay na kaligayahan. Nguni’t kung ating susukati sa panukat ng Diyos, mababatid nating lahat na yaong taglay ang Langit ay ang mga tunay na maligaya. Bakit? Dahil di-maglaon, ang mga bagay ng mundo ay maglalaho. Iaalok sa atin kung saan aasa, itong lahat ay maglalaho sa pagparito ng mga pighati at mga salot sa huli, ayon sa plano ng Diyos. Wala ng higit na kahangalan kundi ang umasa sa mga bagay ng laman na mabubulok at tutupukin upang maging abo.
Nguni’t sa kabila nito, ang mga umasa sa walang-hanggang Kaharian ng Langit na di-mabubulok ni masusunog ay ang mga mapapalad. Yaon lang mga walang-kasalanan ang papasok sa Banal na Lungsod ng Jerusalem na hinanda ng Diyos. Ang pinakamasayang tao dito sa lupa ay ang mga nagkamit ng Langit, na ang lahat ng kasalanan ay napatawad at hinugasan.
Dapat tayong mamuhay na pinagpala ng Diyos, bilang mga nagluwalhati sa Kanya sa pagbibigay sa atin ng Bagong Langit at Lupa, at nag-alay ng mga sarili sa pangangaral ng tunay na ebanghelyo ang magtutulot sa bawt kaluluwa na pumasok sa Langit.
Tayong lahat ay mamuhay sa gayong mga pagpapala, tayo nga’y ibigin ng Diyos, at, kapag tayo’y tumayo sa presensiya ng ating Panginoon, tayong lahat ay mabuhay magpakailan man yakap-yakap ng Kanyang mga bisig.