(Apocalipsis 22:1-21)
“At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan, at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa, at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin. At makikita nila ang kaniyang mukha, at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw, sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Dios, at sila’y maghahari magpakailan kailan man. At sinabi niya sa akin, ‘Ang mga salitang ito’y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.’ At narito, ako’y madaling pumaparito. Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito. At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. At sinasabi niya sa akin, ‘Ingatan mong huwag gawin iyan, ako’y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat ng ito, sumamba ka sa Dios.’ At sinasabi niya sa akin, ‘Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito, sapagka’t malapit na ang panahon.’ Ang liko, ay magpakaliko pa, at ang marumi, ay magpakarumi pa, at ang matuwid ay magpakatuwid pa, at ang banal ay magpakabanal pa. Narito, ako’y madaling pumaparito, at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa. Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas. Mapapalad ang nangahuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan. Nangahas labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa’t nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan. Akong si Jesus ay nagsugo ng Aking anghel upang sa inyo’y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga. At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, ‘Halika.’ At ang nakikinig ay magsabi, ‘Halika.’ At ang nauuhaw, ay pumarito, ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay. Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, ‘Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito, At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa pungong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.’ Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, ‘Oo, ako’y madaling pumaparito. Siya nawa, pumarito Ka Panginoong Jesus.’ Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.”
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
Talatang 1: At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero.
Sinasabi riton na pinakita kay Juan ang “isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog.” Ang salitang tubig ay ginagamit dito sa mundo na katulad ng buhay. Sinasabi ng talatata sa atin na itong tubig ng buhay ay dumadaloy sa Bagong Langit at Lupa kung saan naninirahan ang mga hinirang magpakailan man. Umaagos mula sa luklukan ng Cordero, ang ilog ng tubig ng buhay dinidilig ang Kaharian ng Langit at binabago lahat ng bagay. Sa pariralang, “luklukan ng Corder,” “ang Cordero” ay tumutukoy kay Jesu-Cristo, ang nagligtas ng sangkatauhan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu habang narito sa lupa.
Sa Bagong Langit at Lupa na binigay ng Diyos sa Kanyang mga hinirang, ang tubig ng buhay ay dumadaloy. Yamang itong hardin ay kasing-linaw at kasing-linis ng isang magandang “watercolor” na larawan, mailalarawan lamang ito bilang kahanga-hanga. Ang tubig ng buhay na bigay ng Diyos sa atin ay di lamang pangkaraniwang ilog, bagkus ito ay tubig na nagbibigay buhay sa lahat ng bagay doon. Sa gayon, anumang buhay ay nananagana kung ito’y malapit sa ilog ng buhay. Ang mga hinirang na naroon sa tabing ilog nitong tubig ng buhay ay iinom nitong tubig, magsasaya sa buhay na walang hanggan at mamumuhay magpakailan man.
Ang ilog ng tubig ng buhay ay umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Cordero. Walang magagawa ang mga hinirang kundi ang magpuri sa biyaya ng Diyos at ng Cordero sa Kaharian ng Langit, dahil ginawad ng Diyos sa kanila ang Kanyang biyaya ng buhay. Ako’y nagpapasalamat na lahat ng biyaya nitong bagong buhay ay umaagos mula sa trono ng Diyos.
Talatang 2: Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan, at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.
Ang parada ng kagila-gilas na mga pagpapala ng Diyos sa Kanyang mga hinirang sa Langit ay patuloy, dahil sinabi ng Salita sa atin na ibibigay ng Panginoon sa atin ang puno ng buhay sa magkabilang dako ng ilog at hahayaan tayong kumain ng kanyang bunga. Ang puno ng buhay, na namumunga ng labingdalawang uri ng prutas, namumunga ng mga bagong bunga bawa’t buwan, nagbibigay lakas ng bagong buhay. Sinabi rin dito na ang mga daho’y gamot para sa mga bansa.
Dahil ang biyaya na binigay ng Panginoon sa Kanyang mga hinirang ay lubos ang pasasalamat, ang atin lamang magagawa ay ang magpuri sa Kanya at sa Diyos Ama. Ngayon, lahat ng magagawa ng mga hinirang ay hindi ang gumawa ng mahahalaga para sa Panginoon sa kanilang sarili, sa halip ay magpuri sa Panginoon sa kanilang malugod na mga puso dahil sa pagbibigay sa kanila ng Bagong Langit at Lupa at bagong buhay. Nagpupuri ako sa Panginoon dahil ginawang magpuri ang mga puso ng mga hinirang, “Salamat Panginoon!, Hallelujah!”
Talatang 3: At hindi na magkakaroon pa ng sumpa, at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin.
Sa mga hinirang na nabubuhay sa Kaharian ng Langit, binigay ng Diyos ang pagpapala ng pag-alis ng sumpa magpakailan man. Na ang luklukan ng Diyos at ng Cordero ay naroon pinakikita sa atin na ang mga hinirang na naninirahan sa Kaharian ng Langit ay nilagay ang Cordero sa gitna ng kanilang mga puso. samakatuwid, ang mga puso ng hinirang ay laging umaagos ng kariktan at katotohanan, at ang kanilang mga buhay ay puno ng kagalakan.
Mula sa pariralang, “Siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin,” makikita natin na ang mga hinirang nabubuhay sa Kaharian ng Langit at dimamtan ng luwalhati ng paglilingkod sa Panginoon. Ang Kaharian ng Langit, kung saan naninirahan ang Panginoon, ay pinakamaganda at marangal na Kaharian.
Sa gayon, ang Kanyang mga hinirang na naglilingkod sa Kanya ay magsasaya sa lahat ng Kanyang kaluwalhatian ng malapitan. Sinasabi sa atin na sa Kaharian ng Langit din, naroon ang mga lingkod ng Diyos. Ang salitang lingkod ay isang salitang sumisimbulo ng kababaan, nguni’t ang mga lingkod na naglilingkod sa ating maluwalhating Panginoon na malapit sa Kanya ay ang pinakamapalad din sa Kaharian ng Langit, dahil sila’y binihisan ng gayong di-maipaliwanag na kadakilaan. Ang mga naging lingkod ng Diyos sa Kaharian ng Langit at at dito sa lupa ay yaong mga binihisan ng lahat ng luwalhati ng Langit at pinakamaligaya sa lahat.
Talatang 4: At makikita nila ang kaniyang mukha, at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.
Kanino kabilang lahat ng mga hinirang at mga lingkod ng Panginoon? Sila’y kabilang sa Panginoon. Sila ang bayan ng Panginoon at mga anak ng Diyos. Ang mga naglilingkod sa Panginoon sa Kaharian ng Langit, samakatuwid, taglay ang pangalan ng Panginoon sa kanilang mga noo. Kinukupkop at pinagpapala sila ng Panginoon lagi, dahil sila’y naging Kanya. Na ang mga hinirang ay naging Kanya dahil sila’y binihisan sa pinaka-maligaya at pinaka-dakila. Ang mga nahihiyang maging Kanya at maging mga lingkod ng Panginoon ay yaong mga mangmang sa Kanyang kadikalaan, at sila’y di-maaaring maging mga mamamayan ng Langit.
Sa mga noo ng mga hinirang na nabubuhay sa Langit, ang ngalan ng Panginoon ay nakasulat. Ito ang pagpapalang ginawad ng Panginoon. Mula ngayon, ang mga hinirang ay naging Kanya. Tulad niyaon, maging si satanas ay di-masasaktan ang mga hinirang na naging pag-aari ng Panginoon. Ang mga hinirang at ang Panginoon ay maninirahan magpakailan man sa lahat ng kadakilaan ng Langit. Na ang mga hinirang ay araw-araw na makikita ang maluwalhating mukha ng Panginoon ibig sabihin sila’y mamumuhay sa Kanyang pag-ibig at kahanga-hangang mga pagpapala magpakailan kailan man.
May isa pang bagay na kailangang malaman ng mga hinirang. Kasama ang Panginoong Jesus, ang Diyos Ama at ang Banal na Espiritu ay mapapasa-kanila bilang kanilang pamilya. Hindi natin dapat kalilimutan na sa Kaharian ng Langit, ang Diyos Ama, Kanyang Anak na si Jesus, ang Banal na Espiritu, ang mga hinirang, ang mga anghel at lahat ng bagay ay makakasama bilang isang pamilya at sa ganap na kapayapaan. Nagpupuri ako sa Panginoon tayo’y naging Kanya.
Talatang 5: At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw, sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Dios, at sila’y maghahari magpakailan kailan man.
Tulad ng sinasabi ng Biblia rito, ang mga hinirang ay maghahari sa Bagong Langit at Lupa kasama ang Panginoon. Yaong mga naging Kanyang hinirang dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nakamit ang kaligtasang makapaghari sa Langit kasama ang Panginoon at mamumuhay sa Kanyang kayamanan, kadakilaan at kapangyarihan magpakailan man. Tayo’y napamanghang muli nitong ebanghelyo, dahil anong ebanghelyo ng dakilang kapangyarihan at pagpapala mayroon tayo!
Nagpupuri ako sa Diyos ng Trinidad dahil sa lahat ng mga pagpapalang ito at kaluwalhatian. Ang mga hinirang na nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu habang narito sa lupa’y maghahari sa Kaharian ng Langit. Anong dakila nitong pagpapala! Wala tayong magagawa kundi ang purihin ang Panginoon. Nararapat at wasto lamang na sila’y dapat magpuri sa Diyos.
Sa Bagong Langit at Lupa kung saan naninirahan ang mga hinirang, wala ng mga ilawan ang kailangan, mga bombilya, ni araw. Bakit? Dahil ang Diyos mismo ang liwanag ng Bagong Langit at Lupa, at wala na ring gabi doon. Itinulot ng Diyos sa mga hinirang na maghari doon magpakailan man bilang Kanyang mga anak. Pinapaala muli nitong pagpapala sa atin kung gaano ang kadakilaan ng biyayang nakamit ng mga hinirang mula sa Panginoon.
Tayong mga hinirang ay dapat mabatid kung gaano ang kadakilaan ng mga pagpapala ng Langit na ginawad sa atin matapos ang ating kaligtasan. Ang biyayang ginawad ng Panginoon sa Kanyang mga hinirang ay kasing-taas at kasing-lawak ng alapaap. Ang mga hinirang ay di dapat palampasin itong kahanga-hangang pagpapalang bigay ng Panginoon sa atin. Pasasalamat lang at papuri ang maibibigay ng mga hinirang sa Panginoon dahil sa Kanyang kadakilaan kaluwalhatian, at ang pagpapalang pinagkaloob sa kanila, at magpakailan man akong nabubuhay sa kasaganaan at kadakilaan. Amen! Hallelujah! Pinupuri ko ang ating Diyos!
Talatang 6: At sinabi niya sa akin, ‘Ang mga salitang ito’y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.’
“Ang mga salitang ito’y tapat at tunay.” Tiyak na tutuparin ng Panginoon ang lahat ng Kanyang mga pagpapalang hinayag sa mga hinirang sa pamamagitan ng Apocalipsis. Ito ay kung bakit noon pa’y sinabi ng Panginoon lahat ng bagay sa Kanyang mga hinirang nagsasalita bilang ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga lingkod ng Diyos. Anong pinakamapalad na Salita sa Aklat ng Apocalipsis? Maraming mga mapapalad na Salita sa Apocalipsis, nguni’t ang pinakamapalad na Salita ay ang pagtulot ng Diyos sa mga hinirang na maghari kasama ang Panginoon sa Bagong Langit at Lupa at mamuhay na may kapangyarihan at kaluwalhatian.
Dahil tiyak na malapit ng tuparin ng Diyos itong gawa, hindi papayagan ng mga hinirang na mahulog o masilo sa kawalang pag-asa ang kanilang pananalig. Dapat magtagumpay ang mga hinirang sa lahat ng mga pagsubok at mga pighati sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya at pag-asa. Ang ating Panginoon ay di-mabibigo upang tuparin ang lahat ng Kanyang mga hula at mga pangakong binigay sa mga hinirang at sa Iglesia ng Diyos. Sinugo ng Diyos ang Kanyang mga lingkod dito sa lupa at pinagsalita sa kanila ang mga Salita ng hula, upang masabi Niya lahat nitong mga pagpapala as Kanyang mga hinirang at sa Iglesia.
Talatang 7: At narito, ako’y madaling pumaparito. Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito.
Dahil ang mga Salita ng hula nitong Aklat ng Apocalipsis ay sinabi sa atin na ang pagmamartir ng mga hinirang sa hinaharap, hinayag sa atin na darating ang oras na ang mga hinirang ay uusigin ni anticristo at kailangan nilang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya hanggang kamatayan. Dahil ito’y kalooban ng Diyos, dapat yakapin ng mga hinirang ang pagmamartir. Sa gayo’y sila’y makakabahagi sa kanilang pagkabuhay na muli at rapture, maghahari sa Kaharian ni Cristo ng isang libong taong darating at maninirahan sa Bagong Langit at Lupa magpakailan man. Sa gayon, ang mga hinirang ay dapat magtiwala sa lahat ng sinabi ng Panginoon sa Salita ng Diyos at manatali sa kanilang pananampalataya. Ang pinakamapalad sa mga huling araw ay yaong nanalig sa Salita ng ating Panginoon at namuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sinabi ng Diyos sa Kanyang mga hinirang na Siya’y babalik agad. Ang Panginoon ay paparito sa atin ng walang pag-antala. Upang tuparin lahat ng mga pagpapala ng Diyos na umaagos mula sa Salita ng tubig at Espiritu, ang Salita na naghaharid sa mga hinirang ng kanilang kaligtasan mula sa kasalanan, ang ating Panginoon ay agad na paparito sa lupa.
Matapos maligtas, ang mga hinirang ay dapat manatili sa Salita ng mga pagpapalang pinangako ng Panginoon sa kanila, at manahan sa kanilang pananampalataya. Kung ang kanilang mga puso’y naglaho ang pananampalataya sa Salita ng Panginoon, ang lahat ay mawawala, at ito kung bakit kailangan nilang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya sa Salita ng Panginoon. Sinabi ng Diyos sa mga hinirang, sa ibang salita, ay ang manatili sa kanilang pananampalataya sa Panginoon.
Talatang 8: At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
Ang mga propeta at mga hinirang ang nagpalawig sa hula ng Salita ng Diyos. Sa gayon dapat nating purihin ang Diyos na kumikilos tulad ng Kanyang sinabi, at Siya lamang ang dapat purihin. Kung minsan ang tao’y sinisikap na ilagay ang kanilang sarili kasing-taas ng Diyos at kilalanin bilang gayon. Gayon nga ang kanilang ginagawa dahil sila’y mga manlilinlang o mga huwad na propeta. Ang Diyos lamang ang nararapat na tumanggap ng lahat ng papuri, pagsamba, luwalhati at paglilingkod.
Talatang 9: At sinasabi niya sa akin, ‘Ingatan mong huwag gawin iyan, ako’y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat ng ito, sumamba ka sa Dios.’
Anong dapat nating gawin upang maging mga tunay na propeta ng Diyos? Dapat muna tayong manalig sa hiwaga ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon. Tayo sa gayo’y magiging bayan ng Diyos, mga hinirang, at mga magkakapatid sa isa’t isa. Matapos lang nito sila’y gagantipalaan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa. Yaong mga naging lingkod ng Diyos ay dapat manalig sa Kanyang Salita at manatili sa kanilang pananalig. Ito ang mga nagbigay ng lahat ng luwalhati sa Diyos sa halip na sa kanilang mga sarili. Ang ating Panginoon ay nararapat na tanggapin lahat ng pagsamba at luwalhati mula sa bawa’t isa sa mundong ito. Hallelujah!
Talatang 10: At sinasabi niya sa akin, ‘Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito, sapagka’t malapit na ang panahon.’
Ang Salitang pangakong nakasulat sa Apocalipsis ay di-dapat manatiling nakatagao. Dahil di-maglaon ito’y matutupad, dapat na ipatotoo ng lahat. Amen! Tayong lahat ay manalig sa Salita ng hula sa Aklat ng Apocalipsis at ipangaral ito.
Talatang 11: “Ang liko, ay magpakaliko pa, at ang marumi, ay magpakarumi pa, at ang matuwid ay magpakatuwid pa, at ang banal ay magpakabanal pa.”
Kapag ang araw ng pagbabalik ng Panginoon ay malapit na, hahayaan Niya yaong mga makasalanan na patuloy maging mga makasalanan, ang mga banal ay patuloy na maging banal, at ang mga marumi’y patuloy na maging marumi. Pagdating ng mga huling araw, yaong ang mga puso’y naging walang kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Panginoon ay maglilingkod pa rin sa ebanghelyo dito sa lupa, at yaong nanatili sa kanilang kabanalang bigay ng Panginoon at namumuhay sa pananampalataya ay patuloy na mabubuhay nga. Pinapayo ng Panginoon sa atin na manatili sa pananampalatayang taglay natin ngayon.
Talatang 12: “Narito, ako’y madaling pumaparito, at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa.”
Malapit ng dumating ang atin Panginoon, at ibibigay ang Paraiso ng mundo at ang Bagong Langit at Lupa sa mga hinirang na naglingkod at nagpagal sa pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, upang gantimpalaan sila sa kanilang mga sakripisyo. Kapag nanalig ang mga hinirang sa Salita ng hula ng Apocalipsis, kanilang maipagtatanggol ang kanilang pananampalataya hanggang sa pinakahuli, dahil nilagay nila ang kanilang pag-asa sa Panginoon. Dapat nating malaman at manalig na ang Panginoo’y gagantimpalaan ang pagpapagal ng mga hinirang ng lubos na dakilang mga pagpapala, dahila ang ating Panginoon ay maluwalhati’t mahabagin.
Talatang 13: “Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.”
Ang ating Panginoon ay ang simula at ang wakas ng lahat ng bagay. Siya ang ating Tagapagligtas at Diyos mismo, naghahatid sa atin ng kaganapan ng kaligtasan na tanging Siya lang ang makapagbibigay. Lahat ng kasaysayan sa buong kalawakan, ang kasaysayan ng Langit at lupa, nagsimula sa Panginoon at magwawakas sa pamamagitan Niya.
Talatang 14: Mapapalad ang nangahuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.
Dahil lahat ng sinabi ng Panginoon sa atin ay buhay, ang mga hinirang ay nananalig sa Kanyang salita, pinangangarala at pinagtatanggol ito. Dahil lahat ng Salitang sinambit ng Panginoon sa Kanyang mga hinirang at sa lahat ng mga bagay sa kalawakan at totoo. Kaya ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay nananatili sa kanilang mga isipan ang Salita ng Panginoon. Matatag nilang pinagtatanggol ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos, upang taglayin nila ang karapatang kumain ng mga prutas ng puno ng buhay nakatanim sa Bagong Langit at Lupa.
Ang mga hinirang na naging walang kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon ay sinisikap na ipagtanggol ang kanilang pananampalataya, dahil may karapatan silang kumain ng mga bunga ng puno ng buhay sa Langit.
Talatang 15: Nangahas labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa’t nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.
Yaong mga binanggit sa binasang talata ay ang mga di-nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa gayo’y di-isinilang na muli hanggang sa mga huling araw. Ang anticristo at kanyang mga tagasunod, nililigaw ang tao sa kanyang mga tanda at mga himala, nililinlang sila sa pamamagitan ng huwag na paghahayag na si anticristo ay ang Tagapagligtas. Inakay nila ang tao sa kanilang sariling kapahamakan sa pagsamba sa rebulto ni anticristo. Inilalayo ng Diyos ang gayong tao sa labas ng mga pintuan ng Banal na Lungsod, upang sila’y huwag makapasok sa Bagong Langit at Lupa. Ang Lungsod ng Diyos ay bukas lamang para sa mga hinirang na nagtanggol ng kanilang pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Talatang 16: “Akong si Jesus ay nagsugo ng Aking anghel upang sa inyo’y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.”
Alang-alang sa Iglesia ng Diyos at sa mga hinirang, nagsugo ang Panginoon ng mga lingkod ng Diyos, at pinapatotoo Niya sa kanila lahat ng mga bagay na magaganap. Ang Siyang nagpapatotoo sa kanila sa mga ito ay si Jesu-Cristo, ang Diyos mismo na naging Tagapagligtas ng mga hinirang.
Talatang 17: At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, ‘Halika.’ At ang nakikinig ay magsabi, ‘Halika.’ At ang nauuhaw, ay pumarito, ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.
Sa lahat ng narito sa lupa nagugutom at nauuhaw sa katuwiran ng Diyos, inanyayahan sila ng Panginoon sa Salita ng tubig ng buhay. Sinumang nauuhaw at nagugutom sa katuwiran ng Diyos ay binigyan ng pagpapala ng pagdating ng Panginoon, pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay Niya, at sa gayo’y uminom ng tubig ng buhay. Itong dahilan sinabi ng Panginoon sa bawa’t isa na lumapit kay Jesu-Cristo. Ang sinuma’y magtatamo ng katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng walang bayad. Nguni’t ang tubig ng buhay ay di-maaari sa mga di-nagnanais nito. Kung hangad mo, ikaw din ay makaiinom ng tubig ng buhay na bigay ng Panginoon sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Talatang 18: Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, ‘Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito,
Ang Kasulatan ay ang Salita ng Diyos. Sa gayon, kapag tayo’y nanalig sa Salita, di tayo maaaring magdagdag ni magbabawas nito. Sinasabi ng talata sa atin na dahil ang Salita ng Kasulata’y ang Salita ng Diyos, walang sinuman mananalig nito sa pagdagdag at pagbawas mula sa nakasulat na Salita ng katotohanan, ni maniniwala kung aalisin ang katotohanang nakasulat dito. Samakatuwid dapat tayong maging maingat. Bawa’t Salitang sinabi ng Diyos ay mahalaga, walang maaaring mag-alis ng anuman bilang di-mahalaga.
Nguni’t ang tao’y patuloy na sinasawalang-bahala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon. Ito kung bakit sila’y hindi pa naliligtas sa kanilang mga kasalanan, kung bakit sila’y nananatiling mga makasalanan pa, at sila’y patungo sa kanilang kapahamakan—kahit pa inaangkin nilang sila’y nananalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas. Upang maligtas ang mga makasalanan sa kasalanan, binigay ng Panginoon sa kanila ang Kanyang tubig at dugo (1 Juan 5:4-5, Juan 3:3-7). Nguni’t maraming tao ang pinapahalagahan lamang ang dugo ni Jesus sa Krus; sa gayon, sila’y di pa rin naligtas sa kanilang mga kasalanan, at gayo’y hahaharap sila sa lahat ng mga salot na nakasulat sa Aklat ng Apocalipsis.
Ang mga umaangking nananalig kay Jesus at patuloy na sinasawalang-bahala ang katotohanan na inalis ni Cristo lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo ay lalong mahaharap sa kakila-kilabot na parusa ng impiyerno. Bakit? Dahil hindi sila nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon sa kanila, at samakatuwid hindi pa isinisilang na muli. Ang sinumang magwalang-bahala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ibubulid sa lawang apoy na walang-hanggang nagniningas at haharap sa walang-hanggang paghihirap—ang araw ng pagsisisi ay tiyak na mangyayari sa lahat ng gayong tao.
Talatang 19: at kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa pungong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.
Mayroon ba sa atin na ang pananampalatayang Kristiyano’y iniwan ang Salita ng katotohanan, na kinuha ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, at minsanang nilinis Niya lahat ng kasalanan sa Krus? Kung gayon, ang gayong tao’y tiyak na mawawalan ng karapatang pumasok sa Banal na Lungsod ng Diyos, dahil hindi sila nanalig sa bautismo ng Panginoon upang kuhanin ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang sarili. Sila’y lubos na nagkakasala sa di-pagpansin sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon.
Sa gayon, ang mga Kristiyano’y dapat ilagay sa kanilang mga puso ang katotohanang kinuha ni Jesus ang mga kasalanan ng tao sa Kanyang bautismo mula kay Juan. Kung hindi, silang lahat ay di-isasama sa luwalhati ng pagpasok sa Banal na Lungsod. Kung mananalig ka na si Jesus ay iyong Tagapagligtas, ikaw kung gayon ay lilinisan sa lahat ng iyong kasalanan dahil sa buong pusong pananalig na si Jesus ay naparito, binautismo ni Juan upang mailigtas lahat ng tao mula sa kasalanan ng sanlibutan, at Siya sa gayo’y nilinis lahat ng kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pagkuha ng mga ito. Ang bukal kung saan ika’y malilinisan sa lahat ng iyong karumihan ay ang bautismo ng Panginoon. Yamang kinuha Niya lahat ng kasalanan ng mundo, nagdanak ang dugo ng Panginoon at namatay sa Krus upang bayaran lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan.
Ang bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan ay ang katibayan ng ating kaligtasan sa kasalanan. Sinasabi ng 1 Pedro 3:21 sa atin, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi ng Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo.” dapat nating malaman na pinasan ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa Krus at nagdanak ng Kanyang dugo upang bayaran ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, alang-alang sa atin.
Ito kung bakit binibigay muli ng Diyos ang Kanyang Salita ng babala sa buong sangkatauhan sa talatang 19. dapat tayong manalig sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, walang-dagdag ni pagbawas nito.
Talatang 20: Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, ‘Oo, ako’y madaling pumaparito. Siya nawa, pumarito Ka Panginoong Jesus.’
Ang ating Panginoon ay malapit ng magbalik dito sa lupa. At ang mga hinirang, na nagkamit ng kapatawaran ng mga kasalanan dahil sa pananalig sa Panginoon at binihisan ng luwalhati ng Langit, ay mataimting naghihintay sa pangalawang pagbalik ng Panginoon. Dahil yaong nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay handang salubungin ang pagdating ng Panginoon kahit ngayon, sila’y naghihintay sa pagbalik ng Panginoon at bibihisan sila sa Kanyang mga pagpapalang pinangako sa mga hinirang. Sa gayon, ang mga hinirang na umaasam ng lubos sa pangalawang pagdating ng Panginoon, sa pananampalataya at pasasalamat.
Talatang 21: Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.
Nagwakas si Apostol Juan na ang Aklat ng Apocalipsis sa isang bendisyong dasal para sa biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay makakamit ng mga naghahangad na pumasok sa Banal na Lungsod ng bigay ng Diyos. Tayo rin, ay maging mga hinirang na papasok sa Banal ng Lungsod na bigay ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pananampalatayang walang kabiguan.