• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 22-2] Magalak at Magpakatatag sa Pag-asa ng Kaluwalhatian (Apocalipsis 22:1-21)

(Apocalipsis 22:1-21)
 
 
Pinakikita ng Apocalipsis 22:6-21 sa atin ang pag-asa para sa Langit. Ang Kabanata 22, ay ang pangwakas na kabanata ng Aklat ng Apocalipsis, tumatalakay sa pagpapatunay ng katapatan ng mga hula at pag-anyaya ng Diyos sa Bagong Jerusalem. Sinasabi ng talata sa atin na ang Bagong Jerusalem ay isang handog ng Diyos binigay sa mga hinirang na isinilang na muli sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang Diyos ay ginawang magpuri ang mga hinirang na isinilang na muli sa Kanya sa Tahanan ng Diyos. Dahil dito, ako’y lubos na nagpapasalamat sa Panginoon. Mga salita’y di maihayag kung gaanong pasasalamat tayo sa pagtutulot sa atin na mga hinirang na napatawad sa lahat ng ating kasalanan sa harap ng Diyos, dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sino rito sa mundo ang makatatanggap ng malaking pagpapala kaysa sa ating natanggap? Wala ni isa!
Ang pangunahing talata ngayon ay ang huling kabanata ng Apocalipsis. Sa Aklat ng Genesis, makikita natin ang Diyos sa paggawa ng lahat ng mga modelo para sa sangkatauhan, at sa Aklat ng Apocalipsis, makikita nating tinutupad ng Panginoon lahat nitong mga plano. Ang Salita ng Apocalipsis ay mailalarawan bilang isang mapangwasak na paraan nitong mundo upang ganapin lahat ng mga gawa ng Diyos para sa sangkatauhan ayon sa Kanyang disenyo. Sa pamamagitan ng Salita ng Apocalipsis, makikita natin agad ang Kaharian ng Langit tulad ng inihayag ng Diyos.
 
 
Ang Hugis ng Lungsod ng Diyos at ang Hardin Nito
 
Ang kabanata 21 ay nagsasabi ukol sa Lungsod ng Diyos. Sinabi ng mga talatang 17-21 sa atin: “At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu’t apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga’y ng isang anghel. At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe, at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog. Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe, ang ikalawa ay zafiro, ang ikatlo ay calcedonia, ang ikaapat ay esmeralda. Ang ikalima ay sardonica, ang ikaanim ay sardio, ang ikapito ay crisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam ay topacio, ang ikasangpu ay topacio, ang ikasangpu ay crisopacio, ang ikalabingisa ay jacinto, ang ikalabingdalawa ay amatista. At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas, at bawa’t pinto ay isang perlas, at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.”
Itong Salita ng Apocalipsis ay inilarawan ang Bagong Jerusalem na ibibigay ng Diyos sa Kanyang bayan. Itong Lungsod ng Jerusalem sa Langit, sinabi sa atin, ay itinayo sa labingdalawang iba’t ibang uri ng mahahalagang bato, labingdalawang pintuang gawa sa mga perlas.
Sinasabi ng kabanata 22 ang kalikasang makikita sa hardin ng Lungsod ng Jerusalem. Talatang 1 ay sinasabi, “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero.” Sa Lungsod ng Diyos, isang kristal na ilog ang umaagos sa hardin, tulad ng apat na ilog ginawa ng Diyos sa Hardin ng Eden noong pasimula. Sinabi ng Diyos sa atin na ito ang hardin na ang mga matuwid ay magagalak sa hinaharap.
Ang pangunahing talata’y sinasabi rin sa atin na ang puno ng buhay ay nakatayo sa harding ito; ito’y namumunga ng labingdalawang uri ng prutas, namumunga bawa’t buwan; at ang kanyang mga dahon ay para sa kagalingan ng mga bansa. Para sa akin ang kalikasan sa Langit ay gayon na lamang na hindi lamang upang kainin ang mga bunga nito, maging mga dahon din, yamang ito’y may kapangyarihang magpagaling.
 
 
Ang mga Pagpapalang Makakamit ng mga Matuwid!
 
Sinasabi ng Biblia sa atin na sa Lungsod ng Diyos, “At hindi na magkakaroon pa ng sumpa, at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin. At makikita nila ang kaniyang mukha, at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.” Sinasabi sa atin na tayong mga napatawad sa ating mga kasalanan ay magpakailanman na maghahari kapiling ang Diyos na nagligtas sa atin.
Yaong ang mga kasalanan ay inalis dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu habang narito sa lupa ay di lamang tatanggap ng pagpapala ng pag-aalis ng lahat ng kanilang kasalanan, kundi sila’y magiging anak ng Diyos, may mga anghel na maglilingkod sa kanila sa Kaharian ng Diyos, at maghaharing kasama ang Panginoon magpakailan man. Sinasabi ng talata sa atin na ang matuwid ay tatanggap sa Diyos ng gayong walang-hanggang mga pagpapala habang naroon sa tubig ng buhay at kumakain ng mga bunga ng buhay, at kalakip nitong mga pagpapala ay wala ng anumang sakit.
Sinasabi rin sa atin na hindi na nila kailangan pa ang liwanag nitong mundo ni ang araw, dahil sa maluwalhating Kaharian ng Diyos sila’y maninirahan magpakailan man kasama ang Diyos, na Siyang liwanag mismo. Ang mga anak ng Diyos na nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay mamumuhay parang Diyos. Ito ang pagpapalang tinanggap ng mga matuwid.
Si Apostol Juan, isa sa labingdalawang alagad ni Jesus na sumulat sa Aklat ng Apocalipsis, ay sinulat din ang Ebanghelyo ni Juan at ang tatlong Liham sa Bagong Tipan—Una, Ikalawa, at Ikatlong Juan. Siya’y nakulong sa Isla ng Patmos dahil sa pagtangging kilalanin ang Emperardor ng Roma bilang isang diyos. Sa kanyang pagkakakulong, sinugo ng Diyos ang Kanyang anghel kay Juan at pinakita sa kanya ang magaganap dito sa lupa, inihayag sa kanya ang pagwasak ng mundo at ang lugar kung saan ang mga hinirang ay papasok at maninirahan.
Kung ating ilalarawan ang Aklat ng Genesis bilang parisan ng paglikha, ating mailalarawan ang Aklat ng Apocalipsis bilang kabuuan ng maliit na parisan. Sa 4,000 taon, sinabi ng Panginoon sa sangkatauhan na aalisin lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. At sa panahon ng Bagong Tipan, sa pagdating ng panahon, tinupad ng Diyos lahat ng Kanyang mga pangako, na Kanyang sinugo si Jesus na Tagapagligtas nitong mundo, na Siya’y babautismuhan ni Juan, at buburahin Niya ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa Krus.
Kapag nalinlang ang sangkatauhan ni Diablo at nasilo sa kanyang kapahamakan dahil sa kasalanan, pinangako ng Panginoon sa atin na Kanyang ililigtas mula sa mga kasalanan. Kanyang sinugo si Jesu-Cristo, pinabautismo at nagdanak ng dugo, at sa gayo’y ganap na niligtas ang sangkatauhan mula sa mga kasalanan.
Sa pamamagitan ng Salita ng Apocalipsis, detalyeng naitala ng Diyos kung anong uri ng luwalhati ang naghihintay sa mga nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, at kung anong uri ang hatol ang naghihintay sa mga makasalanan. Sinasabi ng Diyos sa atin, sa ibang pananalita, na marami ang mabubulid sa impiyerno bagaman inaangkin nilang matapat na naniniwala sila sa Kanya (Mateo 7:21-23).
Niligtas ng Panginoon ang mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan, at Kanyang sinabi na huwag sarhan ang Salita ng mga pagpapalang Kanyang inihanda para sa mga matuwid.
 
 
Sino ang Mga Di-Matuwid at Marurumi?
 
Binabanggit sa talatang 11, “Ang liko, ay magpakaliko pa, at ang marumi, ay magpakarumi pa, at ang matuwid ay magpakatuwid pa, at ang banal ay magpakabanal pa.” Sino ang “di-matuwid” dito? Ang di-matuwid ay walang iba kundi yaong di-nanalig sa pag-ibig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon. Dahil ang tao’y laging nagkakasala, dapat silang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sa gayo’y mamuhay na lumuluwalhati sa Diyos. Dahil ang Diyos lamang ang Siyang dapat tumanggap ng luwalhati mula sa sangkatauhan, at dahil Siya lang ang nagbihis sa atin ng Kanyang biyaya ng kaligtasan, dapat tayong mamuhay na nagbibigay ng lahat ng luwalhati sa Diyos. Ang mga sumuway sa Diyos ay ang marurumi, dahil hindi sila laging nananalig sa Kanyang Salita.
Sa Mateo 7:23, sinabi ng Panginoon sa mga relihiyoso na nananalig lamang sa Kanya sa pamamagitan ng kanilang mga nguso, “Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala, magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan!” Tinawag sila ng Panginoon bilang “kayong manggagawa ng katampalasanan.” Sinaway Niya sila dahil itong mga tao’y naniniwala kay Jesus sa pamamagitan lang ng kanilang mga gawa, sa halip na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang di-pagkilala sa batas ay kasalanan, at di-pananalig sa Salita ng Diyos ng kanilang puso. Samakatuwid, kapag ang tao’y di-kumikilala sa batas ng Diyos, ibig sabihin hindi sila naniniwala sa pag-ibig at kaligtasan ng tubig at Espiritung bigay ng Diyos sa kanila. Ang kasamaan ay walang iba kundi ang pagbabago ng Salita ng Diyos ayon sa sariling kapritso at papaano’y paniniwala kung anuman ang kanilang nais.
Yaong tunay na nananalig kay Jesus ay dapat tanggapin anuman ang itinalaga ng Diyos. Tayo’y nananalig kay Jesus, nguni’t hindi ito ang pahintulot sa atin na baguhin ang layon at ang kaganapan ng Kanyang kaligtasan. Ang mensahe ng pangunahing salaysay ay ang pagbibigay ng Diyos ng buhay na walang hanggan sa mga nanalig sa Kanyang kaligtasan, nguni’t ibubulid sa impiyerno yaong nagbabago ng Kautusan ng Diyos sa anumang paraang angkop sa kanilang panlasa.
“Ang liko, ay magpakaliko pa, at ang marumi.” Sinasabi nito sa atin na ang gayong tao, sa katigasan ng kanilang ulo, di-nananalig sa kaligtasang tinakda ng Diyos. Sila’y di-matuwid. Itong dahilan bakit ang mga makasalanan ay laging di-matuwid.
Ang salaysay ay nagpapatuloy, “ang marumi, ay magpakarumi pa.” Ito’y tumutukoy sa mga, bagaman sila’y makasalanan, at kahit pa sa katotohanang inalis ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, ay walang pagnanais na hugasan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa gayon, iiwang mag-isa ng Diyos itong mga taong walang-pananalig, at pagkatapos ay hahatulan sila. Sa pagbibigay sa kanila ng budhi, sila’y ginawa ng Diyos na malinaw nilang makilala ang kasalanan sa kanilang mga puso. Nguni’t wala pa rin silang hangad na malinisan ang kanilang mga puso, ni ang malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinasabi ng Diyos sa atin na hahayaan sila ng Diyos kung ano sila.
Sa Kawikaan 30:12 ay sinasabi, “May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan.” Ang mga relihiyosong-Kristiyano ngayon ay gayong mga tao na di man lang hangad ang mahugasan ang kanilang mga kasalanan. Subali’t, si Jesus, na Diyos mismo’y naparito sa lupa upang iligtas ang makasalanan, nilinis agad lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, nahatulan dahil sa lahat nitong mga kasalanan sa pagpapako, at sa gayon nga’y naligtas sa kasalanan ang mga nananalig.
Sino man ang nakakaalam at nananalig sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kung saan si Jesu-Cristo’y niligtas ang makasalanan, itinulot ng Panginoon itong tao upang mapatawad sa lahat niyang kasalanan, anumang uri ng makasalanan siya. Nguni’t marami pa rin ang di-nagkamit nitong kapatawaran sa kasalanan dahil sa pananalig. Ito ang mga nanatili sa kanilang mga sarili na hindi nahugasan ang kanilang mga kasalanan. Hahayaan sila ng Diyos na ganito.
Ito ay upang maganap ang katarungan ng Diyos. Upang ipakita na ang Diyos ay Diyos ng katarungan. Itong mga tao’y ibubulid sa apoy ng asupreng nagbabaga magpakailan man. At kanilang mababatid kung sino ang makatarungang Diyos. Bagaman kanilang sinasabing si Jesus ay kanilang Tagapagligtas, hindi lamang nila dinadaya ang kanilang sariling budhi, dinudungis din nila ang budhi ng iba. Dahil kanilang tinanggihan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sila’y pagbabayarin ng Diyos ayon sa kanilang ginawa. Kapag dumating ang araw, ipadadala ng Diyos ang Kanyang galit sa mga nararapat tumanggap ng Kanyang galit.
 
 
Ibibigay Kaninuman Ayon sa Kanyang Gawa
 
Mayroong dalawang uri ng tao dito sa lupa: yaong kinilala ang Panginoon, at yaong hindi. Babayaran ng Panginoon ang sinuman ayon sa kanyang gawa.
Wala ni isa ang mapapawalang-sala sa kaniyang sarili, dahil ang pagwawalang-sala’y nagmumula kay Jesus. Kanyang kinuha ng minsanan lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, pinasan ang mga kasalanan ng mundo sa Krus, at sa Krus ay hinarap lahat ng hatol ng kasalanan na dapat harapin ng sangkatauhan. Ang sangkatauha’y maaaring maging matuwid kung mananalig sa katotohanang ito. Yaong nanalig sa katotohanang ito ay yaong nakilala ang Panginoon.
Hiningi ng Diyos sa mga walang-kasalanan, siyang nakakaalam at nananalig nitong katotohanan, upang ipangaral ang ebanghelyo dito sa lupa at manatili sa Kanyang banal na Salita. Sinabi ng Diyos, “ang banal ay magpakabanal pa.” Dapat nating isapuso itong kautusan, ipagtanggol ang ating banal na pananampalataya, at laging ipangaral ang ganap na ebanghelyo. Bakit? Dahil marami-raming tao dito sa lupa ang nananatiling mangmang nitong tunay na ebanghelyo, at sanhi nito’y ang kanilang pananampalataya’y di-wasto.
Mayroon dito sa mundo ang di-pasubaling kumikiling sa doktrina ng unti-unting pagbabanal. Bagaman inalis ng ating Panginoon ang mga kasalanan ng sangkatauhan, ang mga taong ito’y nangungumpisal pa rin araw-araw, hanggang ngayon. Ang mga dasal ng pagkumpisal sa araw-araw, sinisikap nilang alisin ang kanilang mga kasalanan, upang unti-unting maging banal upang sila’y maging ganap na matuwid hindi na muling magkakasala, at ito nga’y katulad ng kay Jesus. Nguni’t si Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, ay ang Hari, ang Propeta at ang Mataas na Saserdote.
Ang mga tunay na lingkod ng Diyos ay hindi lamang tinitiyak upang lahat ay mapatawad sa kasalanan, nguni’t kanila ring inaakay sila sa katotohanan bilang mga kapwa-manggagawa ng Diyos. Ang mga lingkod ng ay ang mga, sa pamamagitan ng Salitang nakasulat, ay taglay ang tunay na kaaalaman ng mga bagay na mangyayari.
Sinabi sa talatang 12-13, “Narito, ako’y madaling pumaparito, at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa. Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.” Ang Panginoon nga natin ay ang Alpha at ang Omega, ang Pasimula at ang Wakas, ang Una’t ang Huli. Dapat nating panaligan lahat sinabi ng Panginoon sa atin na may takot.
Gagantimpalaan ng Panginoon ang mga hinirang, ng mga pagpapala higit sa kanilang mga gawa, dahil Siya’y luwalhati at mahabagin. Siya ang mahabagin at maawaing nagligtas sa atin mula sa lahat ng ating mga kasalanan, at, tulad ng sinasabi ng Salita ng Apocalipsis sa atin, ang Diyos ng kapangyarihan at katarungan na gaganap ng Kanyang gawang kaligtasan. At itong kaganapan ng kaligtasan, na siyang darating, ay pahihintulutan sa mga hinirang ang maluwalhating pagpasok sa Lungsod ng Bagong Jerusalem, ang mapagkaloob at sapat na mga gantimpala ng ating Panginoon sa kanilang mga gawa.
 
 
Mapapalad Yaong Tumutupad ng Kanyang mga Kautusan
 
Sa pagpapatuloy sa talatang 14, sinasabi sa atin na, “Mapapalad ang nangahuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.” Marami ang umaangkin, batay sa talatang ito, na ang kaligtasa’y nagmumula sa mga gawa—sa pagsunod, sa ibang pananalita, sa Kanyang mga kautusan.
Nguni’t sa katotohanan ang ibig sabihin ng, “pagsunod sa Kanyang mga utos” ay pananalig at pagtupad lahat ng nakasulat sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinulat ni Apostol Juan, “At ito ang Kaniyang utos, na manampalataya tayo sa pangalan ng Kaniyang Anak na si Jesu-Cristo, at tayo’y mangagibigan, ayon sa ibinigay Niyang utos sa atin” (1 Juan 3:23). Kaya, pag tayo’y nanalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at iukol ang ating mga sarili sa pangangaral ng ebanghelyo upang maligtas lahat ng mga ligaw na kaluluwa sa buong mundo, ating sinusunod ang Kanyang mga utos sa Kanyang presensiya.
Ang katotohanang lahat ng mga kasalanan sa buong buhay ay inalis na sa pamamagitan ng bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan Bautista. Pagkatapos nitong bautismo, ay ang dugo ng Panginoon sa Krus, Kanyang pagkabuhay muli, at Kanyang pag-akyat ang nagsilang muli sa atin at nagtulot na magkaroon ng bagong buhay sa Kanyang katotohanan.
Sa tuwing tayo’y magkakasala matapos isilang na muli, dapat tayong magbalik sa Salita ng katotohanang naglinis ng lahat nating mga kasalanan; malalaman na ang ating mga ugat ay walang magagawa kundi ang magkasala; at, magbabalik muli sa pananalig sa Ilog ng Jordan kung saan kinuha ng Panginoon lahat ng ating mga kahinaan, mga pagkukulang, at mga kasalanan, binautismong kasama ni Jesus at inilibing kasama ni Cristo sa Krus. Sa gayon, tayo’y mapapalaya mula mga nagawang kasalanan matapos isinilang na muli, at mahugasan. Sa pagtangan sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ating walang hanggang kaligtasan ng pagtutubos at pasalamatan Siya dahil sa Kanyang palagian at ganap na kaligtasan.
Hinugasan na ni Jesus lahat ng kasalanan nitong mundo. Ang suliranin ay makikita sa ating mga budhi. Bagaman tinangay na ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo, dahil tayong mga tao’y di-batid na inalis na ng Panginoon lahat ng ating kasalanan sa Kanyang bautismo at pagpako, ang ang budhi’y nananatiling di-mapalagay dahil sa mga makasalanan. Kadalasa’y nararamdaman pa rin na mayroon pang kasalanan natitira sa atin, gayong sa katotohana’y hinugasan sa pamamagitan ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo.
Kung ang ating mga puso’y nasaktan dahil sa ating mga kasalanan, aling katotohanan ang magpapagaling ng mga sugat nitong mga kasalanan?
Itong mga sugat din, ay maaaring gumalig sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—ito ay, pananalig na kinuha na ng ating Panginoon lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Ilog Jordan, at pinaglaho itong mga kasalanan sa pagpapasan ng mga ito sa Krus ng Kalbaryo at pagdanak ng Kanyang dugo. Sa madaling salita, ang ating mga kasalanan matapos makamit ang kapatawaran ng kasalanan ay maaaring mahugasan din kung sasang-ayon muli ang ating pananalig sa ebanghelyo na hinugasan na nga ni Cristo lahat ng ating kasalanan, maging itong mga kasalanan ng ating mga gawa.
Ang mga kasalanan nitong mundo’y minsanang nahugasan nang tanggapin ni Jesu-Cristo ang Kanyang bautismo at pagpako. Sa gayon, walang kasalanan nitong mundo ni ating mga personal na kasalanan ang kailangang mahugasan ng dalawa or tatlong ulit, na parang dapat itong patuloy na hugasan. Ang sinumang nagtuturo na ang kapatawaran ng kasalanan ay makakamit ng unti-unti, kung gayon ang ebanghelyong kanyang tinuturo’y isang huwad na ebanghelyo.
Nagawang maglaho ng Diyos ang mga kasalanan ng mundo ng minsanan. Sinasabi sa atin sa Hebreo 9:27, “At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.” Dahil tayo’y minsang mamamatay dahil sa kasalanan, kalooban ng Diyos na dapat din nating agad na tanggapin ang kapatawaran ng kasalanan. Sa pagparito sa lupa, minsanang kinuha ni Jesu-Cristo lahat ng ating kasalanan, minsang namatay, at nahatulan sa halip na tayo. Hindi Niya ginawa ang mga bagay na ito ng maraming ulit.
Nang ating makamit ang kapatawaran ng dahil sa buong-pusong pananalig kay Jesu-Cristo, sa gayon, nararapat lang para sa atin na manalig ng minsanan at tanggapin ang walang-hanggang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Dahil ang ating mga kasalanan mula noon paminsan-minsa’y sinasaktan ang ating mga puso, ang dapat lamang nating gawin ay lumapit sa Salita nitong kaligtasan, minsanang hinugasan ng Panginoon ang ating mga kasalanan, at nilinis at pinagaling ang sugat ng ating mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya: “Panginoon, ako’y puno ng mga pagkukulang. Muli akong nagkasala. Hindi ko magagawang mamuhay ayon sa Iyong kalooban. Nguni’t nang Ika’y bautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan at nagdanak ng dugo sa Krus, hindi ba’t tinangay Mo rin ang aking mga kasalanan? Hallulujah! Purihin ang Panginoon!”
Sa gayong pananalig, mapapagtibay muli ang kapatawaran ng ating kasalanan at laging pasalamat ang Panginoon. Itong huling kabanata ng Apocalipsis ay sinasabi sa atin na sa paglapit kay Jesu-Cristo, na Siyang puno ng buhay, at sa pananalig na hinugasan na ng Panginoon lahat ng ating kasalanan, ang mga nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan ay nakamtan ang karapatang pumasok sa Kaharian ng Diyos, ang Banal na Lungsod, dahil sa kanilang pananampalataya.
Sinuman ang hangad na pumasok sa lungsod ng Diyos ay dapat manalig na walang-hanggang tinubos ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa pagtanggap ng Kanyang bautismo ng minsanan at pagdanak ng Kanyang dugo. Bagaman marami tayong mga pagkukulang, dahil sa pananalig sa bautismo at dugo ni Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas, ang ating pananalig ay sasang-ayunan ng Diyos bilang tunay, at tayong lahat ay makalalapit sa puno ng buhay.
Tanging pananalig sa bautismo at dugo ni Cristo upang tayo’y magkaroon ng karapatang uminom ng tubig ng buhay na umaagos sa lungsod ng Bagong Jerusalem at sa mga prutas ng puno ng buhay. Dahil ang kailangan upang pumasok sa Bagong Langit at Lupa, kailanma’y di na makukuha ninuman, ay nagmumula lang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat nating ipagtanggol ang ating pananalig at ipangaral din ito sa nakararami. Gayun din, ang pariralang “(upang) gawin ang Kanyang utos” nangangahulugan para sa atin na magtagumpay sa mundo sa pamamagitan ng pananampalataya—ito ay, upang manalig at manatili sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at upang iukol ang ating mga sarili sa pangangaral ng tunay na ebanghelyo sa buong mundo.
Sa Mateo 22, sinabi ni Jesus sa atin “ang talinhaga ng kasalang piging.” Ang wakas nitong talinhaga ay yaong hindi taglay ang damit pangkasal ay dapat itapon sa kadiliman (Mateo 22:11-13). Paano na maisusuot ang ating mga damit na pangkasal upang makabahagi sa kasalang piging ng Cordero, at ano ang mga damit pangkasal? Ang mga damit pangkasal na magtutulot sa atin na pumasok sa kasalang piging ng Cordero ay ang katuwiran ng Diyos na binigay sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Naniniwala ka ba sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Kung gayon, ikaw ngayo’y marilag na binihisan ng Kanyang katuwiran upang ika’y makapasok sa Langit bilang isang di-makasalanang asawang babae ng Anak.
Tayong mga isinilang na muli, araw-araw ay nagkakasala rin. Subali’t, tanging matuwid na nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos ang nararapat na mahugasan araw-araw sa kanilang kasalanan mula sa kanilang damit ng katuwiran sa pamamagitan ng pananalig. Dahil yaong ang mga kasalana’y di-napatawad ay di-nararapat mahugasan ang kanilang mga kasalanan, hindi nila magagawang hugasan ang kanilang mga sarili sa mga kasalanang araw-araw na kasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal. Na tayo’y naligtas sa mga kasalanan ng mundo dahil sa pananalig sa Panginoon ay naging posible dahil sa pag-alam at pananalig na hinugasan ng Panginoon lahat ng ating kasalanan dahil sa pagparito sa lupa, pagbautismo at pagdanak ng Kanyang dugo.
Ating mapagtitibay, na ang ating mga araw-araw na kasalanan ay nahugasan na sa pamamagitan lamang ng Kanyang tunay na ebanghelyo. Yaong tumanggap ng kapatawaran sa kasalanan mula sa Panginoon sa pamamagitan Salita ng tubig at ng dugo ay taglay din ang udyok ng kanilang kaligtasan mula sa mga kasalanan habang sila’y nabubuhay. 
Ito’y dahil minsanang inalis ng ating Panginoon ang ating mga kasalanan na ating ding mahuhugasan ang mga kasalanang nagawa dahil sa pananalig sa kaligtasang ito ng walang-hanggang pagtutubos. Kung hindi ito ang nangyari, kung hindi minsanang hinugasan ng Panginoon ang lahat nating kasalanan, sa ibang salita, paano tayo magiging walang kasalanan?
Paano tayo makapapasok sa Banal na Lungsod ng Langit? Paano tayo makalalapit kay Jesu-Cristo, ang puno ng buhay? Sa pananalig sa ating Panginoon na nag-alis ng ating mga kasalanan, tayo’y makapapasok sa Kaharian ng Langit bilang malinis at walang-dungis na mamamayan; at sa tuwing tayo’y magkakasala, sa paglapit sa ating Panginoon at pagpapatibay na Kanyang inalis din ang mga kasalanang ito, tayo’y mapapalaya sa lahat ng gayong kasalanan. Kaya sinasabi ko sa inyo na tanging mga isinilang na muli ang may karapatang mapatawad sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig.
Si haring David ay nakagawa ng malaking kasalanan sa Diyos, bagaman siya’y isang lingkod ng Diyos. Siya’y nangalunya sa isang may-asawang babae, at pinapatay ang asawa ng babae na isang matapat sa kanya. Gayon pa man, pinuri niya ang Diyos dahil sa Kanyang mahabaging pagpapatawad tulad nito: 
“Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, 
Na tinakpan ang kasalanan.
Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon,
At walang pagdaraya ang diwa niya (Mga Awit 32:1-2).”
Sino sa mundong ito ang pinakamapalad sa harap ng Diyos? Ang mapalad ay yaong mga isinilang na muli; mga niligtas; at yaong, sa tuwing magkakasala, limilingon sa katotohanan na inalis ng Panginoon lahat ng ating kasalanan, tutungo sa bukal ng buhay araw-araw, at huhugasan ang dungis ng mga puso araw-araw. Ito’y pagninilay-nilay sa ating kaligtasan at pagsang-ayon sa dakilang biyaya ng kaligtasan ng Panginoon.
Tanging mga matuwid ang nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan, nahilom lahat ng kanilang mga pagkukulang. Ang kanilang mga gawa’y pinagaling, maging ang kanilang mga puso. yamang naging mga matuwid na walang-dungis, tayo’y makapapasok sa Kaharian ng Diyos na inihanda sa atin, ang Kaharian ng Langit. Kung si Jesu-Cristo, ang pintuan ng kaligtasan at puno ng buhay, ay atin lamang tatanggapin ang ginawa sa atin, ang Kanyang kapangyarihan ay mahahayag, at tayo nga’y magkakamit ng kapatawaran ng kasalanan at makapapasok sa Langit.
 
 
Yaong Makalalapit sa Puno ng Buhay
 
Ang dahilan bakit tayo na nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan ay laging lumalapit sa Panginoon ay upang patibayin na inalis ng Panginoon lahat ng ating kasalanan, upang magnilay-nilay muli sa biyaya ng kaligtasan, upang alalahanin, at upang purihin Siya dahil dito, upang tayong lahat ay lalong makapasok sa Kanyang Kaharian. Ito dahilan bakit pinangangaral ang ebanghelyo.
Hindi mabilang na mga Kristiyano, dahil hindi nakakatagpo ng mga lingkod ng Diyos upang akayin sila sa pamamagitan ng wastong pagtuturo ng Biblia, ay nanatili sa kanilang maling unawa sa Salita at mga maling paniniwala. Kahit ngayon, may mga taong abala sa kanilang mga gawain, nangungumpisal bawa’t umaga ang buong gabi. Bakit nila ginagawa ang mga ito? Dahil naniniwala sila na sa paggawa nito, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan. At sila’y naniniwala nga ng gayon dahil maling mga doktrina ang itinuro sa kanila. Nguni’t ito ang mga di-matuwid na gawain sa Diyos. Ang gayong mga tao’y kaawa-awa di-nalalaman ang katuwiran ng Diyos ni ang Kanyang walang-pasubaling pag-ibig.
Ang Biblia’y di isang bagay na basta na lang tatanggapin, animo’y maaaring ipakahulugan sa anumang ninanais. Nguni’t dahil ang tao’y binigyang kahulugan, itinuro, at pinaniwalaan batay sa kanilang mga sariling kaisipan, ang resulta’y tulad ng nabanggit—ito ay, sila’y nanatiling mangmang sa katuwiran ng Diyos at pag-ibig. Bawa’t talata sa Biblia ay may wastong kahulugan, at ito’y mabibigyan lang ng wastong kahulugan sa pamamagitan ng mga propetang nagkamit ng kapatawaran ng mga kasalanan.
Ang paglapit sa puno ng buhay ay para sa atin na nananalig sa Panginoon habang narito sa lupa, upang araw-araw na maalala na inalis ng Panginoon ang ating mga kasalanan, upang purihin Siya, at upang ipangaral ang ebanghelyo. Tayong mga isinilang na muli, ay kailangan ding maalala na Kanyang kinuha ang ating mga kasalanan, upang pagtibayin itong katotohanan araw-araw, upang sambahin Siya na may galak at pasasalamat, at lumapit sa Panginoon.
Subali’t, hindi isang pagmamalabis na sabihin na ang mga Kristiyano sa buong mundo’y nagkamali ng pakahulugan sa talatang ito at mali ang paniniwalang sila’y makapapasok sa Kaharian ng Diyos dahil sa paghuhugas ng kanilang mga kasalanan sa araw-araw sa pamamagitan ng pangungumpisal. Nguni’t hindi ito ang ibig sabihin ng talata.
Matapos kamtan ang kapatawaran ng kasalanan, ang ating mga puso’y nanatiling mapayapa dahil sa pagtitibay na inalis ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanang nagawa. Sa pagpapatibay na pagpapatawad ng LAHAT ng ating kasalanan, hindi na tayo nasa ilalim pa ng kasalanan. Itong paraan upang makalapit sa puno ng buhay sa Langit.
Ang Kasulatan sa kabuuan ay nasa ibang kaharian mula sa kaisipang gawa ng tao. Sa gayon, upang malaman ang katotohanan, dapat muna nating pag-aralan at marinig ang katotohanan mula sa mga isinilang na muling lingkod ng Diyos.
 
 
Yaong mga Nasa Labasan ng Lungsod
 
Sa talatang 15 ay sinasabi, “Nangahas labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa’t nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.” Ang Salitang ito’y tumutukoy sa hindi isinilang na muli sa mga huling araw. Kamangha-manghang maipapahiwatig ng ating Panginoon itong mga taong ito na gayong katiyakan.
Isang ugali ng mga aso ay ang pagluwa muli ng kanilang kinain—ito ay, isinusuka ang kanilang kinain, at kakaining muli, at isusukang muli, at kakainin muli ang kanilang isinuka. Sinasabi ng Panginoon dito na itong mga “aso” ay di-makapapasok sa Lungsod.
Sino ang tinutukoy na aso dito kung gayon? Ito ang mga taong nanangis, “Panginoon, ako’y makasalanan, hugasan ang aking mga kasalanan,” at nagpupuri sa Diyos umaawit, “Ako’y pinatawad, ika’y pinatawad, tayong lahat ay pinatawad!” nguni’t ilang sandali, sila’y mananaghoy muli, “Panginoon, ako’y makasalanan; nguni’t kung patatawarin akong muli, hindi na ako magkakasalang muli.” At sila ngayo’y aawit, “Ako’y napatawad dahil sa Dugo sa Kalbaryo!”
Itong mga tao’y urong-sulong na walang nakatitiyak kung sila nga’y pinatawad o hindi. Walang iba kundi itong uri ng tao ang mga “aso” na binabanggit ng Bibla. Araw-araw ang mga aso’y tumatahol. Tumatahol sa umaga, sa hapon, at sa bukang-liwayway. Ang tao’y di tumatahol tulad nito, nguni’t nanaghoy na sila’y mga makasalanan, bagaman sila’y napatawad na sa kanilang mga kasalanan. Sila’y naging matuwid sa isang minuto, at naging mga makasalanan sa sumunod na minuto.
Sa paraang ito, sila’y tulad ng mga aso sinusuka ang nasa loob at kinakaing muli, at isusuka upang kaining muli. Sa madaling salita, tinutukoy ng Biblia ang mga Kristiyanong taglay pa rin ang mga kasalanan sa kanilang mga puso bilang mga “aso.” Itong mga aso’y di-makapapasok sa Langit, nguni’t dapat manatili sa labas ng Lungsod.
Ang sumunod, sino ang mga “mangagaway?” Sila ang mga, nanlalamang sa mga damdamin ng mga mananamba sa iglesia, ninanakawan nila ng kanilang salapi sa pamamagitan ng kanilang matatamis na salita, at ang mga nanlilinlang sa tao sa kanilang mga maling tanda at himalang umaangkin nakapagpapagaling ng kanilang mga karamdaman. Dahil winawalang-bahala nila ang pangalan ng Diyos, hindi sila makapapasok sa Banal na Lungsod. 
Gayun din, ang mga mapakiapid, mga mamamatay, at mga sumasamba sa diyos-diyosan, at ang mga umiibig at gumagawa ng mga kasinungalingan ay di-makapapasok sa Lungsod. Pagdating nga mga huling araw, ang mga aso at mga mangagaway ay dadayain ang mga tao, at ang Anticristo’y lilitaw. Ang Anticristo na manlilinlang sa maraming tao sa pamamagitan ng mga huwag na himala at mga tanda, nanakawin ang kanilang mga kaluluwa, lalaban sa Diyos, at itataas ang kanyang sarili ng higit sa Diyos upang sambahin, at lahat ng kanyang tagasunod ay di-makapapasok sa Lungsod.
Sa gayon, kung tayo’y mahuhulog sa paglinlang ng mga umaangkin na tayo’y may kasalanan pa, o kung tayo’y mahulog sa paglilinlang ng mga tanda at mga himala na mag-aantig sa ating mga damdamin, tayong lahat ay sa labas ng Lungsod kasama ang Anticristo at si Satanas, nanaghoy at nangangalit ang ating ngipin, tulad ng babala ng Salita sa atin.
Sinasabi sa talatang 16-17, “‘Akong si Jesus ay nagsugo ng Aking anghel upang sa inyo’y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga. At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, ‘Halika.’ At ang nakikinig ay magsabi, ‘Halika.’ At ang nauuhaw, ay pumarito, ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.”
Walang-bayad mo bang nakamtan ang kapatawaran ng kasalanan? Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at Iglesia ng Diyos, binigay ng Panginoon sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung magtutulot sa atin na uminom sa tubig ng buhay. Sinuman ang nagugutom sa katuwiran ng Diyos, sinuman ang nauuhaw sa Salita ng katotohanan, at sinumang nagnanais ng kapatawaran ng kasalanan—sa lahat ng gayong mga tao, inalok ng Diyos na bibihisan sila ng Kanyang habag at ipaabot ang Kanyang paanyaya sa Kanyang Salita, ang tubig ng buhay ng Kanyang kaligtasan. Ang pagtanggap ng kapatawaran ng kasalanan ay ang tanging daan upang tumalima sa paanyayang ito tungo sa Bagong Langit at Lupa kung saan umaagos ang tubig ng buhay.
 
 
Amen, Halika Panginoon Jesus! 
 
Sa talatang 19 ay sinasabi, “at kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa pungong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.” Sa harap ng Diyos, hindi tayo maaaring maniwala sa anumang paraang nais natin upang ibatay ang ating mga sariling kaisipan. Kung ito’y nasusulat sa Salita ng Diyos, ang atin lamang masasabi ay “oo,” kung ang sinumang magsabing “hindi” sa Salita, aalisin din siya ng ating Panginoon, sasabihing, “Hindi ikaw ang Aking anak.” Ito kung bakit dapat tayong manalig sa Kanya ayon sa Salita. Hindi tayo makapagdagdag ni makapagbawas mula sa anumang Salita ng Diyos, nguni’t dapat tayong manalig ayon sa nasusulat dito.
Ang manangan sa mga lingkod ng Diyos at manalig sa sinasabi ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Iglesia ng Diyos ay ang ukol sa tunay na pananampalataya. Nguni’t maraming tao, tinaboy ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang pananampalataya, may mga kasalanang nananatili pa ri sa kanilang mga puso. Kahit pa paulit-ulit na sinasabi ng Salita sa kanila na yaon lamang walang-kasalanan ang makapapasok sa Banal na Lungsod ng Diyos, inalis pa rin nila ang bautismo ni Jesus sa kanilang pananalig, at sa halip ay dinagdag sa kanilang pagpipilit ang gayong mga gawa ng pag-aalay ng pagkumpisal at mga materyal.
Ang mga nanalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas ay dapat maipahayag ng kanilang pananampalataya na lahat ng mga kasalanan ng mundo’y inilipat kay sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Ilog Jordan. Kung iyong di-kikilalanin ang bautismo ni Jesus, inaalis mo ang saysay ng pagtakwil sa iyong sariling pananampalataya. Sa madaling salita, kundi hindi ka mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maging ang dugo sa Krus ay walang-saysay, at ang pagkabuhay muli ni Cristo rin ay walang-saysay sa iyo. Yaon lamang nanalig na inalis ng Diyos lahat ng kanilang mga kasalanan ang may bisa sa pagkabuhay ni Jesus, at sila lang ang makasisigaw para sa pagdating ng Panginoong Jesus, tulad ng ginawa ni Juan sa talatang 20. 
Sinasabi sa talatang 20, “Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, ‘Oo, ako’y madaling pumaparito.’ Siya nawa, pumarito Ka Panginoong Jesus.” Tanging matuwid ang makapgsasabi nito. Ang Panginoon ay malapit ng bumalik dito sa lupa, ayon sa mga dasal ng mga matuwid. Tanging mga matuwid, na nagkamit ng ganap na kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang magagalak at masigasig na naghihintay sa mabilis na pagdating ng Panginoon. Ito’y dahil ang mga naghanda upang tanggapin ang Panginoon ay yaon lamang binihisan ng damit ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—ito ay, yaong mga walang kasalanan.
Ang ating Panginoon ay naghihintay sa araw na Siya’y tumugon sa paghihintay ng mga matuwid, sa araw na Siya’y pumarit sa mundo. Kanyang gagantimpalaan tayo ng Milenyong Paghahari, at dadamtan tayo, na mga matuwid, ng Kanyang dakilang mga pagpapala ng pagpasok sa Bagong Langit at Lupa kung saan umaagos ng tubig ng buhay. Itong paghihintay sa ating Panginoon ay hindi na gayon ang layo. Sa gayon, ang ating lang magagawa’y ang magsabi ng, “Siya nawa. Pumarito ka Panginoong Jesus!” At, sa pamamagitan ng pananampalataya at pasasalamat, masigasig tayong makapaghihintay ng pagbabalik ng Panginoon.
Sa huli, sinasabi sa talatang 21, “Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.” Si Apostol Juan ay tinapos ang Aklat ng Apocalipsis sa pamamagitan ng kanyang huling dasal sa huli, sa kanyang pusong umaasa na bawa’t isa’y manalig kay Jesus, maligtas, at makapasok sa lungsod ng Diyos.
Mga minamahal kong mga hinirang, tayo’y niligtas ng Diyos ay nangangahulugang inibig Niya tayo, niligtas sa lahat ng ating mga kasalanan, at ginawang Kanyang bayan. Samakatuwid ito’y kamangha-mangha at pasasalamat na ginawang matuwid tayo ng Diyos upang tayo’y makapasok sa Kanyang Kaharian.
Ito ang buod ng sinasabi ng Biblia sa atin. Upang tayo’y manirahan magpakailan man sa Kanyang Kaharian, itinulot ng Diyos na ikaw at ako’y maisilang na muli sa pamamagitan ng pakikinig nitong tunay na ebanghelyo, at Kanya tayong pinalaya sa lahat ng ating mga kasalanan at hatol. Nagpupuri ako’t nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa Kanyang pagliligtas.
Kasiya-siyang tiwasay nating nakamtan ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. Tayong lahat ay mga taong lubos na pinagpala ng Diyos. At tayo ang Kanyang mga propeta. Sa gayon, dapat nating ikalat ang ebanghelyo ng kapatawaran ng kasalanan sa lahat ng mga kaluluwang hindi pa nakarinig nitong ebanghelyo, at ipangaral din sa kanila ang Salita ng Apocalipsis, ang kaganapan ng ebanghelyo.
Nawa at aking dalangin na bawa’t isa’y manalig kay Jesus, Siyang Lumikha, ang Tagapagligtas at ang Hukom, at, sa pagdating ng mga huling panahon, dahil dito’y makapapasok sa banal na dako ng Bagong Langit at Lupang binigay ng Panginoon. Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesus ay mapapasa-inyong lahat.