• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-1] Ang Kaligtasan ng mga Makasalanang Inihayag sa Tabernakulo (Exodo 27:9-21)

(Exodo 27:9-21)
“At inyong gagawin ang looban ng Tabernakulo: sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pili, na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran: at ang ihahaligi doo’y dalawang pu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak. At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan, sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba, at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak. At sa kaluwangan ng looban sa kalunuran ay magkakaroon ng mga tabing na may limangpung siko: ang haligi ng mga yaon ay sangpu at ang mga tungtungan ng mga yaon ay sangpu. At sa kaluwangan ng looban sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay magkakaroon ng limangpung siko. Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay magkakaroon ng labinglimang siko: ang mga haligi ng mga yaon ay tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yao’y tatlo. At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko, na ang kayo’y bughaw, at kulay-ube, at pula, at kayong linong pinili, na yari ng mangbuburda: ang mga haligi ng mga yao’y apat, at ang mga tungtungan ng mga yao’y apat. Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak; ang mga sima ng mga yaon ay pilak, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso. Ang haba ng looban ay magkakaroon ng isang daang siko, at ang luwang ay limang pu magpasaan man, at ang taas ay limang siko, kayong linong pinili, at ang mga tungtungan ay tanso. Lahat ng mga kasangkapan ng Tabernakulo, sa buong paglilingkod doon, at lahat ng mga tulos niyaon, at lahat ng mga tulos ng looban ay tanso. At iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila’y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan, upang papagningasing palagi ang ilawan. Sa Tabernakulo ng kapisanan sa labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo, ay aayusin yaon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel.”
 
 
Ang bakod na parihabang bakuran ng Tabernakulo ay may sukat na 100 siko ang haba. Sa Biblia, ang siko ay itinakda bilang kahabaang umaabot mula sa siko hanggang sa dulo ng daliri, halos 45 sentimetro sa ngayong pagsukat. Tulad niyaon, na ang bakod ng bakuran ng Tabernakulo’y 100 siko ang haba, nangangahulugang ito’y halos 45 metro, at ang kanyang lapad ay 50 siko, ibig sabihin ito’y halos umabot sa 22.5 metro ang lapad. Kaya ito ang sukat ng Tahanan kung saan nananahan ag Diyos kasama ang bayan ng Israel sa panahon ng Lumang Tipan.
 
 
Ang Labasan ng Bakuran ng Tabernakulo ay Napapalibutan ng Bakod
 
Nakakita ka na ba ng isang modelo ng Tabernakulo sa isang larawan o pinta sa anumang pagkakataon? Sa malawak na pag-uusap, ang Tabernakulo’y nahahati sa bakuran at sa Tabernakulo mismo, ang Tahanan ng Diyos. Sa Tahanan ng Diyos, ang Tabernakulo, mayroong isang maliit na istrakturang tinatawag na Santuario. Ang Santuario’y natatakpan ng apat na iba’t ibang mga tabing: isang tabing ng mapinong tinahing lino at bughaw, kulay-ube at pulang sinulid; ang isa’y balahibo ng kambing; yaong balat ng lalaking tupa na tinina sa pula; at ang isang tabing gawa sa mga balat ng poka.
Sa silangang bahagi ng bakuran ng Tabernakulo’y makikita ang pintuan, binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa pagpasok sa pintuang ito, ay ating makikita ang dambana ng handog na susunugin, at ang hugasang tanso. Pagdaan sa hugasan, ating makikita ngayon ang Tabernakulo mismo. Ang Tabernakulo’y nahahati sa Banal na Dako at Kabanalbanalang Dako, kung saan ang Kaban ng Patotoo ng Diyos ay makikita. Ang bakod ng bakuran ng Tabernakulo’y ginawang may mga 60 haligi na may tabing na mapinong puting lino. Ang Tabernakulo mismo, sa kabilang dako, ay ginawang may mga 48 tabla at 9 na mga haligi. Dapat tayong magkaroon ng pagkalahatang ideya ng mga panlabas na katangian ng Tabernakulo upang iyong maunawaan kung ano ang sinasabi ng Diyos sa atin sa pamamagitan nitong anyo.
Ang Diyos ay nananahan sa loob ng Tabernakulong ginawa sa 48 na tabla. Pinakita ng Diyos ang Kanyang presensiya sa bayan ng Israel sa pamamagitan ng haliging ulap sa araw at yaong apoy naman tuwing gabi sa ibabaw ng Tabernakulo. At sa loob ng Santuario, kung saan ang Diyos mismo’y nananahan, ang luwalhati ng Diyos ay pinuno ang lugar. Sa loob ng Banal na Dako, naroon ang dulang ng tinapay, ang kandelabra, ang dambana ng insenso, at sa loob ng Kabanalbanalang Dako, ay naroon ang Kaban ng Patotoo at ang luklukan ng awa. Ang mga ito ay mga lugar na hindi maaaring puntahan ninuman; tanging mga saserdote at ang Mataas na Saserdote ang makapapasok sa mga lugar ayon sa pamamaraan ng Tabernakulo. Nasusulat, “At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito, sa unang Tabernakulo ay palaging nagsisipasok ang mga saserdote, na tinutupad ang mga katungkulan. Datapuwa’t sa ikalawa ay pumapasok na nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan” (Hebreo 9:6-7). Sinasabi sa atin sa panahon ngayon, tanging ang may gintong pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makapamumuhay kasama ang Diyos habang pinaglilingkuran Siya.
Anong ibig sabihin ng tinapay na nakalagay sa dulang ng tinapay? Ito ang Salita ng Diyos. Anong kahulugan ng dambanana ng insenso? Ito’y tumutukoy sa ating mga dasal. Sa loob ng Kabanalbanalang Dako, naroon ang Kaban ng Patotoo, ang luklukan ng awa, gawa sa gintong dalisay, ay inilagay sa ibabaw ng Kaban. Ang mga querubin na nakabuka ang mga pakpak sa ibabaw, natatakpan ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa, at sila’y magkaharap sa isa’t isa tungo sa luklukan ng awa. Ito ang luklukan ng awa, ang lugar kung saan ang biyaya ng Diyos ay ipinagkaloob. Sa loob ng Kaban ng Tipan, ay ang dalawang tapyas na bato kung saan ang mga Sampung Utos ay nakaukit, ang tungkod ni Aaron na namulaklak at ang isang sisidlang-ginto ng mana ay nakalagay. Ang Kaban ay natatakpan ng isang gintong takip (ang luklukan ng awa), at sa ibabaw nito ay ang mga querubin nakatingin sa luklukan ng awa.
 
 
Saan Naninirahan Yaong Nagkamit ng Kapatawaran sa Kasalanan?
 
Ang lugar kung saan nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan ay naninirahan sa loob ng Santuario. Ang Santuario ay binubuo ng 48 mga tabla, lahat ng mga ito’y binalutan ng ginto. Pag-isipan ito. Kapag ika’y nakatingin sa dingding na ginto hindi lamang isang dakot, kundi 48 mga gintong tabla, anong ningning nitong liwanag? Yamang ang looban ng Santuario at lahat ng kanyang mga kasangkapan ay yari sa dalisay na ginto sa ganitong pamamaraan, sila’y nagniningning.
Ang dambana ng sunugan ng handog at ang hugasan sa labas ng bakuran ng Tabernakulo’y gawa lahat sa tanso, at ang bakod ng bakuran ay gawa sa mga haliging binalutan ng pilak at mapinong puting lino. Salungat nito, lahat ng mga kasangkapan sa loob ng Santuario ay gawa sa ginto; ang kandelabra ay ginto, at maging ang dulang ng tinapay. Yamang lahat ng mga bagay sa Santuario at ang tatlong-panig ng mga dingding ay gawa sa gintong dalisay, ang looban ng Santuario ay laging nagniningning sa gintong liwanag.
Na ang looban ng Santuario ay gayon ngang nagniningning sa gintong liwanag sinasabi sa atin na ang mga ligtas na hinirang ay mamumuhay ng kanilang mahahalagang buhay sa pananalig sa loob ng Iglesia ng Diyos. Ang mga hinirang na namumuhay sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tulad ng gintong dalisay na makikita sa Santuario. Ang gayong pamumuhay ng mga hinirang na naninirahan sa loob ng Santuario ay ang mapalad na buhay na nananahan sa Iglesia, kumakain sa Salita ng Diyos, nagdarasal at nagpupuri sa Kanya, at lumalapit sa trono ng Diyos at araw-araw na dinadamitan ng Kanyang biyaya, sa buong Iglesia. Dapat mong ilagay sa iyong puso na tanging ang matuwid na naligtas sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang mamumuhay nitong mahalagang buhay ng pananampalataya sa loob ng Santuario.
 
 
Malinaw na Hinati ng Diyos ang Loob at Labas ng Santuario
 
Tulad ng karamihang bahay ay may mga bakod, ang bakuran ng Tabernakulo’y may bakod na gawa sa 60 mga haligi at nakapalibot ang mga tabing ng mapinong gintong lino. Sa silangan ng bakuran, isang pintuang gawa sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ang nakalagay upang makita ng lahat, na may 9 na metro ang lapad.
Sa pag-aaral ng Tabernakulo, dapat nating malinaw na mabatid kung ano ang ningning ng pananampalataya ang nais ng Diyos sa atin, anong uri ng pananampalataya ang pananampalataya ng ligtas, at sa pamamagitan ng mga materyales na ginamit sa Tabernakulo, paano tayo niligtas ng Panginoon. Upang malaman kung ano ang ginto at ningning ng pananampalatayang nabihag sa loob ng Santuario, dapat muna nating masusing tignan ang hugasang tanso, ang dambana ng sunugan ng handog, at ang bakod na inilagay sa labas ng bakuran ng Tabernakulo, at lahat ng mga materyales na ginamit sa mga ito sa paggawa nito, makikita natin kung anong uri ng pananampalataya ang magpapasok sa atin sa gintong nagliliwanag at nagniningning na Santuario.
 
 
Anu-ano ang mga Nasa Labas ng Bakuran ng Tabernakulo? 
 
Naroon ang hugasang tanso at ang dambana ng sunugan ng handog. At ito’y napapalibutan ng 60 mga haliging kahoy, at sa mga haliging ito ay nakasabit ang mapinong binurdang lino bilang bakod ng bakuran. Ang mga haligi nitong bakod ay gawa sa acacia, kung saan, sa kabila ng katigasan, ito’y napakagaan. Ang mga haligi’y gawa sa kahoy umaabot sa 2.25 metro ang taas, magiging imposible sa maraming taong may normal ang taas upang sumilip sa loob ng Tabernakulo mula sa labas ng bakod ng bakuran. Kung mayroong sadyang maglagay ng tuntungan, maaaring makita ang loob ng bakuran, nguni’t kung walang gayong paraan, imposibleng masilip ang looban nito. Dito’y sinasabi na sa pamamagitan ng ating mga sariling pagsisikap, tayo’y di-makapapasok sa Kaharian ng Diyos.
Sa ilalim ng mga dulo ng mga haliging kahoy sa labas ng bakuran, nakalagay ang mga tansong tuntungan, at ang mga ibabaw nito’y tinakpan ng mga pileteng pilak. Ang mga haligi’y di-maitatayong mag-isa, ang mga pilak na pilete ay matibay na magkadaop katabi ng mga haligi sa isa’t isa. At upang matatag na suportahan ang haligi sa pahalang na direksyon, ang mga pilak na sima ay nilagay sa takip na pilak ng mga haligi ay tinali sa mga tansong tulos (Exodo 35:18).
 
 
Anu-ano ang mga Ginamit na Materyales para sa Pintuan ng Bakuran ng Tabernakulo?
 
Ang mga materyales na ginamit para sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang taas ng pintuan ay 2.25 metro, at ang luwang nito ay halos 9 metro. Ito’y isang tabing na binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, nakasabit sa apat na haligi. Tulad niyaon, sa tuwing may magtatangkang pumasok sa bakuran ng Tabernakulo, madali niyang makikita ang pintuan nito.
Ang mga materyales na bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit sa pintuan ng Tabernakulo ay nagpapakitang ililigtas tayo ng Diyos mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng apat na mga gawa ng Kanyang Anak na si Jesus. Lahat ng mga 60 haliging kahoy at ang mapinong lino ng bakod ng bakuran ng Tabernakulo ay malinaw na makikita rin kung anong pamamaraan ng Diyos sa pagligtas sa iyo at sa akin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesus.
Sa pamamagitan ng pintuan ng labas ng bakuran ng Tabernakulo, sa ibang pananalita, maliwanag na inihahayag ng Diyos sa atin ang lihim ng kaligtasan. Minsan pa tayong magbalik sa mga materyales na ginamit para sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo: bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang mga sinulid na ito ay lubos na mahalaga para sa atin upang maligtas sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus. Kung ang mga materyales na ito’y di-mababago, hindi na sa detalyeng naitala ang mga ito sa Biblia.
Lahat ng mga materyales na ginamit sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay lubos na kailangan para sa Diyos upang iligtas ka at ako. Subali’t, katotohanan ang pintuan ay binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino na walang-kamalian ay ang pinaka-kailangan para sa Diyos upang iligtas ang mga makasalanan, dahil ang mga apat na sinulid ay ang pinaka-kapahayagang ganap na kaligtasan ng Diyos. Ganito ang determinasyon ng Diyos. Ito ay kung bakit pinakita ng Diyos ang modelo ng Tabernakulo kay Moises sa Bundok ng Sinai at sinabi sa kanya na gumawa ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ng naayon.
 
 
Ano ang mga Kahulugan ng Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid at Mapinong Binurdang Lino?
 
Ang pintuan ng Banal na Dako’y gawa sa tabing na binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at kayong linong pinili, at ang tabing sa pagitan ng Banal na Dako at ang Kabanalbanalang Dako ay binurda rin sa ganitong apat na mga sinulid. Hindi lang ito, kundi maging ang efod at ang pektoral ng Mataas na Saserdote ay binurda rin sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at sa kayong linong pinili. Ano, kung gayon, ang sinasabi ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ng kayong linong pinili sa atin? Ano ang sinasabi sa atin ng mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at kayong linong pinili, na siyang lubos na kailangan sa pagliligtas ng Panginoon sa atin? Dapat nating tiyakin ang ibayong pagsusuri sa paksang ito.
Una sa lahat, ang bughaw ay tumutukoy sa bautismo ni Jesu-Cristo. Ang mga mangmang sa kahalagahan ng bautismo ay di-nalalaman na ang bughaw na sinulid ay tumutukoy sa bautismo ni Jesu-Cristo. Sa gayon, ang mga di-isinilang na muli’y pangkalahatang inaangkin na ang kahulugan ng bughaw na sinulid ay, “si Jesu-Cristo ay ang Diyos mismo, at Siya’y naparito sa mundo bilang isang tao.” Sa iba, sa kabilang dako, ay inaangkin, “na ang bughaw na sinulid ay tumutukoy lang sa Salita.” Subali’t, sinasabi ng Biblia sa atin na ang bughaw na sinulid ay nangangahulugang “ang bautismo ni Jesus kung saan Kanyang tinanggap mismo ang mga kasalanan ng mundo matapos pumarito sa mundo.” Malinaw na pinakikita sa atin ng Kasulatan na ang bughaw na sinulid ay tumutukoy sa bautismo sa tubig na tinanggap ni Jesus mula kay Juan Bautista. Sa pagbabasa sa Salita ng Tabernakulo, nabatid ko, “Aha, nais ipakita ng Diyos sa atin ang kahalagahan ng ating pananampalataya sa bautismo ni Jesus.”
Ang suot na damit ng mataas na saserdote habang nag-aalay ay binurda rin sa bughaw na sinulid. Isang pohas na ginto ang nakasabit sa turban na sinusuot sa ulo ng Mataas na Saserdote, at ang lubid na tinali sa pohas ng turban ay bughaw din. At sa pohas na gintong ito, ang pariralang, “Kabanalan sa Panginoon,” ay nakaukit. Sa bughaw na lubid na nakatali sa gintong pohas ng turban ng Mataas na Saserdote ay malinaw na pinakikita ang bautismo ni Jesus na nagbibigay kabanalan sa Panginoon.
Sa paraang ito, sa pamamagitan ng bughaw na lubid na nakatali sa gintong pohas sa turban, nagsasabi ang Diyos sa atin ng ating tunay na kaligtasan. Sa ibang pananalita, ang aspili na nagbibigay sa atin ng kabanalan ay bughaw, at ito ang bautismo ni Jesus. Bagaman, ang kulay bughaw ay kadalasang nagpapaalala sa atin ng bughaw na langit, ang bughaw ay di-lamang tumutukoy sa Diyos. Sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, ang sinulid na bughaw ay tiyak na tumutukoy sa bautismo ni Jesu-Cristo. Sa ibang salita, sinasabi sa atin ng bughaw na sinulid na kinuha ni Jesu-Cristo ang lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo (Mateo 3:15). Kung hindi kinuha ni Jesus ang mga kasalanan ng bawa’t isa sa pamamagitan ng bautismo, tayong mga mananampalataya’y di-makapagbibigay ng “kabanalan sa Panginoon.” Kung hindi sa bautismong tinanggap ni Jesus, hindi tayo madadamitan ng kabanalan sa harap ng Diyos.
Alam mo ba ang espirituwal na kahulugan ng utos ng Diyos upang ihabi ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, sa pamamagitan ng sinulid na bughaw ayon sa anyong pinakita kay Moises? Ang pintuan ng bakuran tungo sa Tabernakulo kung saan ang Diyos ay nananahan ay tumutukoy kay Jesu-Cristo. Walang makapapasok sa Kaharian ng Langit, kundi sa pamamagitan ni Jesus. Ang pintuan ng bakuran, na tumutukoy kay Jesus, ay binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, dahil malinaw na nais ng Diyos upang mahayag ang katotohanang mag-aakay sa atin sa kaligtasan. Ang kulay-ubeng sinulid ay tumutukoy sa Banal na Espiritu, sinasabi sa atin, “Si Jesus ay Hari ng mga hari.” Ang pulang sinulid ay tumutukoy sa dugo ni Jesus na dumanak sa Krus. Ang bughaw na sinulid, tulad ng nabanggit, ay tumutukoy sa bautismo ni Juan Bautista kay Jesus.
Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid samakatuwid ay sinasabi sa atin ang bautismo ni Jesus, pinagkatawang-tao ng Diyos, at Kanyang kamatayan sa Krus. Ang mga gawa ni Jesus na nahayag sa mga tatlong sinulid na ito ay nagbibigay sa atin ng pananampalatayang nagbibigay sa atin ng kakahayang lumapit kay Yahweh sa kabanalan. Na si Jesus, ang Diyos mismo, naparito sa mundo sa laman ng isang tao, kinuha ang kasalanan ng mga makasalananan sa Kanyang sariling katawan sa pamamagitan ng bautismo, at tiniis ang hatol ng lahat ng mga kasalanan at mga sumpa sa pamamagitan ng Kanyang dugong dumanak—ito ang pinaka-espirituwal na misteryo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Maaaring iyo ng malayong napag-isip na ang bughaw na sinulid lamang bilang pagpapahayag ng Diyos o Kanyang Salita. Nguni’t ngayon dapat mong malinaw na malaman ang bughaw na sinulid ay talagang tumutukoy sa bautismo ni Jesu-Cristo. Ang bautismo kung saan tinanggap ni Jesus lahat ng ating kasalanang nilipat sa Kanya ay lubos na mahalaga at hindi maaaring iwanan sa Kanyang mga gawa; tulad niyaon, mula sa Tabernakulo ng Lumang Tipan, sinasabi ng Diyos sa atin ang kahalagahan nito.
 
 
Ang Bautismo ang Paraan Kung Saan Pinasan ni Jesus ang Ating mga Kasalanan
 
Ang mga haligi ng bakod ng Tabernakulo ay gawa sa acacia. Mga tuntungang tanso ay inilagay sa ilalim ng mga haligi, at mga pilak na mga takip ay tinakpan ang mga ibabaw nito. Sinasabi nito sa atin na ang mga makasalanan ay dapat hatulan sa kanilang mga kasalanan. Yaon lamang nahatulan ng minsanan sa kanilang mga kasalanan ang maliligtas. Ang mga hindi pa nahatulan at samakatuwid hindi ligtas ay mahatulan upang kamtin ang walang-hanggang kaparusahan sa kanilang mga kasalanan kapag sila’y haharap sa Diyos.
Tulad ng nasusulat, “sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan,” (Roma 6:23) ang mga makasalanan ay tiyak na mapapasailalim ng nakatatakot na hatol ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan. Ang mga makasalanan samakatuwid ay dapat mahatulan nang minsan dahil sa kanilang mga kasalanan, at pagkatapos ay mabubuhay muli sa biyayang isinuot ng Diyos sa kanila. Ito ang pagsilang na muli. Ang pananalig ng bughaw na sinulid, ang pagkuha ni Jesu-Cristo sa lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng bautismo, at ang pananampalataya ng pulang sinulid, ang pagliligtas ni Jesus sa lahat ng mga makasalanan sa pamamagitan ng paghatol sa Krus—walang iba kundi ang pananampalatayang ito ang pumatay sa atin ng minsanan sa ating mga kasalanan at maisilang na muli. Dapat mong mabatid na tanging walang-hanggang hatol ang naghihintay sa mga di-nananalig, ay di-makalalampas sa hatol sa pananampalataya.
Ang bautismo ni Jesus ang paraan kung saan pinasan ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan. Si Jesus ay binautismo ni Juan Bautista upang kuhanin Niya mismo ang ating mga kasalanan. Si Jesus ay ang Diyos mismo, at upang tayo’y maligtas, Siya’y naparito sa mundo sa laman ng isang tao, kinuha lahat ng mga kasalanan ng makasalananan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan, at hinatulan alang-alang sa mga makasalanan sa pag-aalay ng Kanyang sariling katawan sa Krus at dumanak ang tubig at dugo. Ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay nagsasabi sa atin sa masalimuot na detalye ukol sa mga gawang tinupad ni Jesus bilang ating Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na si Jesus ay naging Tagapagligtas ng mga makasalanan.
Ang mapinong binurdang lino ay tumutukoy sa Salita ng Luma at Bagong Tipan, kung saan ito’y higit na detalye, at angkop sa isa’t isa. Gaano ang pagkasalimuot ng bawa’t hiblang tinahi upang magawa itong mapinog binurdang lino? Sa pamamagitan ng mapinong binurdang lino, detalyeng sinasabi ng Diyos sa atin kung paano Niya tayo niligtas.
Kapag ating titignan ang mga karpet, makikita natin na ito’y tinahi sa pamamagitan ng pagburda ng iba’t ibang mga sinulid. Tulad nito, sinabi ng Diyos sa mga Israelita na gawin ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo sa pamamagitan ng pagburda ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa mapinong binurdang lino. Sinasabi nito sa atin na si Jesus na naparito sa atin sa pamamagitan ng tubig (bautismo), ng dugo (sa Krus), at ng Banal na Espiritu (si Jesus ay Diyos), mga nakatago sa Salita ng Diyos, ay ang pinaka-pintuan ng ating kaligtasan. Sa pagkakaroon ng wastong pananampalataya kay Jesu-Cristo na nahayag sa masilumuot na Salita ng Diyos at dahil sa pagdamit sa Kanyang pag-ibig, tayo ngayo’y naligtas ng lubos sa pamamagitan ng pananampalataya.
Hindi pagbabaka-sakali ang pagligtas sa atin ni Jesu-Cristo. Makikita natin ito kung ating titignan ang Tabernakulo. Madetalye ang pagliligtas ni Jesus sa mga makasalanan. Mababatid natin kung paano ang detalye ng Kanyang pagligtas sa atin kapag ating titignan lamang ang mga haligi ng bakod. Bakit, sa lahat ng mga numero, ang bilang ng mga haligi sa bakod ay 60? Ito’y dahil ang numerong 6 ay tumutukoy sa tao, habang ang numerong 13 ay tumutukoy sa Diyos. Sa Apocalipsis 13, ang tatak ng 666 ay pinakita, at sinasabi ng Diyos sa atin na ang bilang na ito ay ang bilang ng Halimaw, at ang matalino’y malalaman ang misteryo ng bilang na 666 ay nangangahulugang ang tao’y kumikilos na parang diyos. Ano ang kahilingan ng sangkatauhan? Hindi ba ang isang maging ganap na diyos? Kung talagang nais nating maging isang diyos, kung gayon tayo’y dapat na isilang na muli sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus at maging anak ng Diyos. Ang mga 60 haligi ay tumutukoy sa detalyeng paghihiwatig nito.
Subali’t, sa halip na magkaroon ng pananampalataya, ang tao’y nakakagawa ng mapagyabang, masamang gawa sa pagtangka na maging kabahagi ng katauhan ng diyos sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pagsisikap. Wala ng iba kundi ito ang dahilan kung bakit ang tao’y muling ipinapakahulugan ang Salita ayon sa pita ng tao at maling paniniwala sa kanilang sariling mga kaisipang gawa ng tao, sapagkat sila’y walang pananampalataya kundi pita lamang na sumasalungat sa Diyos. Dahil sa pitang laman na ito na nagtatangkang maging ganap sa pamamagitan ng kanilang mga sarili at marating ang kaganapan na kanilang laman, sila’y nahahantong na naalis mula sa Salita ng Diyos.
 
 
Ang Salita ng Kaligtasang Nahayag sa Lahat ng mga Bagay sa Tabernakulo 
 
Upang iligtas ni Jesu-Cristo ang mga makasalanan at hilain sila tungo sa Santuario, lahat ng mga kasangkapan at mga materyales ng Tabernakulo ay kailangan. Ang dambana ng sunugan ng handog ay kailangan, ang hugasang tanso ay kailangan, ang mga haligi, ang mga tansong tuntungan, ang mga takip na pilak, mga sima, at mga pileteng pilak ay mga kailangan ding lahat. Lahat ng mga bagay na ito ay ang mga kasangkapang makikita sa labas ng Santuario, at ang mga materyales ng mga ito ay kailangan upang maging isang matuwid ang isang makasalanan.
Lahat ng mga bagay na ito ay kailangan upang ang mga makasalana’y makapapasok at maninirahan sa Kaharian ng Diyos, nguni’t ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang sinulid na bughaw (bautismo ni Jesus). Ang mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay ginamit upang gawin ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Ang mga sinulid na ito ay tumutukoy sa mga tatlong gawa ni Jesus na kailangan natin sa pananalig sa Diyos. Una, si Jesus ay naparito sa mundo at kinuha lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo; pangalawa, si Jesus ay Diyos (Espiritu); at pangatlo, si Jesus ay namatay sa Krus upang pasanin ang hatol ng lahat ng mga kasalanang Kanyang kinuha sa pamamagitan ni Juan sa Ilog Jordan. Ito ang wastong kaayusan ng tunay na pananampalatayang kailangan para sa kaligtasan ng mga makasalanan at maging mga matuwid.
Kapag ating babasahin ang Biblia, makikita natin kung gaano ang pagkadetalye ng ating Panginoon. Malinaw na ating makikita na ang Siyang nagligtas sa atin sa masalimuot, sa bawa’t hiblang tulad ng mapinong binurdang lino, walang iba kundi ang Diyos mismo. Gayon pa man, iniutos ng Diyos sa mga Israelita na gawin ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo sa pamamagitan ng pagburda ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa mapinong binurdang lino na kasing-haba ng 9 na metro. Sa gayon, tiniyak ng Diyos na ang sinumang tumitingin sa Tabernakulo, kahit sa malayo, ay mapapansin ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo.
Ang mga tabing ng mapinong binurdang linong nakasabit sa mga haligi ng bakuran ng Tabernakulo ay nagpapakita ng kabanalan ng Diyos. Tulad niyaon, malalaman natin na ang mga makasalanan ay di-mangangahas na lumapit sa Tabernakulo, ay sila’y makapapasok lamang sa bakuran nito kapag sila’y naligtas sa pamamagitan ng pananalig sa mga ministeryo ni Jesus na makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid binurda sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Sa paraang ito, tinulot ng Diyos sa mga makasalanan na malaman na inalis ni Jesu-Cristo lahat ng kanilang mga kasalanan at niligtas sila sa pamamagitan ng tubig, ng dugo at ng Banal na Espiritu.
Hindi lamang ito, kundi ang mga materyales ng lahat ng mga bagay na bumubuo sa Tabernakulo, maging ang pintuan ng bakuran, pinakikita rin sa atin ang masalimuot na detalye ng Salitang kailangan ng Diyos upang maging matuwid ang mga makasalanan. Dahil sinabi ng Diyos sa mga Israelita na gawin ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo na malaki upang ang bawa’t isa’y makita, at dahil ang pintuan na ito’y gawa sa pamamagitan ng masalimuot na pagbuburda ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa mapinong lino, maliwanag na pinabatid ng Diyos sa lahat ang kahalagahan ng Salita na maaaring maging matuwid ang makasalanan.
Ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay sinasabi sa atin na ganap na niligtas tayo ng Diyos, tayo na tulad ng kahoy ng acacia, mula sa mga kasalanan sa pamamagitan ng sinulid na bughaw (bautismo ni Jesus), ang pulang sinulid (ang dugo sa Krus), at ang kulay-ubeng sinulid (si Jesus ay Diyos). Inihanda ng Diyos na tanging ang maliwanag na naniniwala rito ang makapapasok sa Santuario, ang Tahanan ng Diyos.
 
 
Sinasabi ni Jesu-Cristo sa Atin
 
Sinasabi ng Diyos sa atin na upang mamuhay ng ginintuan, maningning na buhay pananampalataya, tayo’y dapat mahugasan sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at lumapit sa harap ng Diyos. Ito ay kung bakit ang Diyos mismo’y nagpakita ng modelo ng Tabernakulo ni Moises, itinayo sa pamamagitan ni Moises, ang tao’y pinagkamit ng katubusan ng kasalanan sa pamamagitan ng paraan nitong Tabernakulo. Ating pagnilayan ang pananampalatayang magdadala sa atin sa bakuran ng Tabernakulo sa Santuario. Sa pamamagitan ng bakuran ng Tabernakulo, ang Diyos ay patuloy na nagsasalita sa atin ng ating pananampalataya sa katotohanang niligtas tayo ni Jesus sa pamamagitan ng tubig, ng dugo, at ang Banal na Espiritu. Ang pananampalataya sa pintuan ng bakuran, na ito’y binurda ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, sa pagpapatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote sa tupang ihahandog at sa pagbubo ng dugo nitong tupang inaalay, at ang pananalig kung saan ang Mataas na Saserdote’y hinugasan ang kanyang mga kamay at mga paa sa hugasang tanso—lahat ng mga bagay na ito’y pinaalam sa atin na tanging ang ating pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang pananalig ng dalisay na ginto na magpapasok sa atin sa Santuario at maninirahan doon sa kaluwalhatian. 
Sa pamamagitan ng Tabernakulo, itinulot tayong lahat ng Diyos na tumanggap ng biyaya ng kaligtasan at Kanyang pagpapala sa pamamagitan ng Tabernakulo, malalaman natin ang mga pagpapalang iginawad ng Diyos sa atin. Mababatid natin at maniniwala sa biyaya ng kaligtasang magbibigay kakayahan sa atin na lumapit sa trono ng biyaya ng Diyos at magliligtas sa ating lahat. Batid mo ba ito? Sa pamamagitan ng Tabernakulo, makikita natin kung gaano ang detalye ng pagliligtas ng Panginoon sa iyo at sa akin, gaano ang detalye ang pagplano Niya sa ating kaligtasan, at gaano ang katiyakang pagtupad Niya ayon sa planong ito at ginawang matuwid tayong mga makasalanan.
Ikaw ba, sa anumang pagkakataon, malabo ang iyong paniniwala kay Jesus hanggang sa panahong ito? Naniniwala ka ba na ang kulay bughaw ay tumutukoy lang sa alapaap? Nalalaman mo lang ba ang pananampalataya sa kulay-ube at pulang mga kulay, na si Jesu-Cristo, ang Hari ng mga hari, naparito sa mundo at niligtas tayo sa Krus, at ikaw ba’y naniwala alinsunod nito? Kung gayon, ngayon na ang panahon upang hanapin ang tunay na pananalig. Nawa’y lubos ninyong malaman ang bautismo ni Jesus, ang pananampalataya ng kulay bughaw, at dahil sa gayon nabatid at naniwala sa hindi masukat na biyaya ng kaligtasang binigay ng Diyos sa iyo.
Hindi tayo niligtas ng Diyos sa pamamagitan lamang ng dugo at sa Banal na Espiritu. Bakit? Dahil maliwanag na nangungusap sa atin ang Diyos sa mga bughaw, kulay-ube, at pulang kulay, at sa pamamagitan ng tatlong sinulid, sinasabi Niya sa atin kung paano tayo talagang niligtas ni Jesus. Sa pamamagitan ng Tabernakulo, pinakita ng Diyos sa atin ang mga detalyeng gawa ng kaligtasan ni Jesus. Matapos sabihin sa pamamagitan ni Moises na magtayo ng Tabernakulo, sa pamamagitan ng Tabernakulo ito, pinangako ng Diyos na tayo’y Kanyang ililigtas sa ganitong paraan. Tulad ng pangako, si Jesu-Cristo ay naparito sa laman at kinuha ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo sa tubig sa Ilog Jordan. Sa Kanyang bautismo, niligtas nga ni Jesus ang mga makasalanan sa lahat ng mga kasalanan. Anong salimuot, anong wasto, at anong tiyak, ang ating kaligtasan kung gayon!
Kapag tayo’y papasok sa Banal na Dako, makikita natin ang kandelabra, ang dulang ng tinapay, at ang dambana ng kamanyang. Bago pumasok sa Kabanalbanalang Dako, tayo’y sandaling manirahan sa lugar na ito na nagniningning sa ginto, pinakakain ng tinapay ng Salita sa nilalaman ng ating mga puso. Anong palad nito? Bago pumasok sa Kaharian ng Diyos, nabubuhay tayo sa Kanyang Iglesia bilang mga ganap na naligtas dahil sa pagsilang na muli dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Iglesia ng Diyos na nagbigay sa atin ng tinapay ng buhay ay ang Banal na Dako.
Sa Banal na Dako—ito ay, ang Iglesia ng Diyos—naroon ang kandelabra, ang dulang ng tinapay, at ang dambana ng kamanyang. Ang kandelabra, na may tuntungan, haligi, mga kopa, mga globito, at mga bulaklak ay gawa sa isang piraso ng pinukpok na gintong dalisay. Ang kandelabrang ginawa sa pagpukpok ng isang talentong gintong dalisay sa ganitong paraan sinasabi sa atin na tayong mga matuwid ay dapat na makiisa sa Iglesia ng Diyos.
Sa dulang ng tinapay, tinapay na walang lebadura ay nakalagay, sumisimbulo sa tinapay ng dalisay na Salita ng Diyos na walang-halong kasamaan at mga maruruming aral ng mundo. Ang Santuario ng Diyos—ito ay ang Iglesia ng Diyos—pinangangaral itong dalisay na Salita ng Diyos na walang lebadura, at namumuhay sa pamamagitan ng dalisay na pananalig di-gumagawa ng masama sa harap ng Diyos.
Sa harap ng tabing ng Kabanalbanalang Dako, ang dambana ng kamanyang ay nakalagay. Ang dambana ng kamanyang ay kung saan ang dasal ay binibigay sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga kasangkapan sa Santuario, sinasabi ng Diyos sa atin na kapag tayo’y humarap sa Kanya, dapat tayong magkaroon ng pagkakaisa, pananalig sa Kanyang dalisay na Salita, at mga dasal. Tanging ang mga matuwid ang makakapanalangin, dahil ang Diyos ay nakikinig lamang sa mga panalangin ng mga matuwid (Isaias 59:1-2, Santiago 5:16). At yaon lang nagdarasal sa Kanya ang kinakatagpo ng Diyos.
Tulad nito, ang Kabanalbanalang Dako’y sinasabi sa atin kung gaano ang kaluwalhatian nito para sa atin upang maligtas sa Iglesia ng Diyos. Ang mga pangunahing materyales na ginamit para sa Tabernakulo—ang sinulid na bughaw (si Jesus ay binautismo), ang pulang sinulid (pagkuha ng lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, namatay si Jesus sa Krus at pinasan ang hatol ng ating mga kasalanan), at ang kulay-ubeng sinulid (si Jesus ay Diyos)—tumutukoy sa pananampalatayang hindi tayo tiyak na mabibigo. Ang tatlong ito ay nakapaloob ang ating buong pananalig. Kapag tayo’y nanalig na si Jesus ay Anak ng Diyos at Siya’y Diyos mismo, at Kanya tayong niligtas, makapapasok ngayon tayo sa Banal na Lugar nagniningning sa ginto, kung saan ang Diyos ay nananahan. Kung hindi tayo naniniwala sa mga gawa ni Jesus na makikita sa mga tatlong sinulid na ito, kung gayon hindi tayo makapapasok sa Banal na Lugar, gaano man ang sigasig ng ating paniniwala kay Jesus. Hindi lahat ng Kristiyano ang makapapasok sa Kabanalbanalang Dako.
 
 
Ang mga Nanatili sa Bakuran ng Tabernakulo na may Maling Pananampalataya
 
Ngayon, maraming mga Kristiyano ang di-makapapasok sa Banal na Lugar kahit pa kanilang ipinagsasabi ang kanilang pananalig. Maraming tao ang nagsisikap na maligtas sa pamamagitan ng kanilang bulag na pananampalataya. Walang iba kundi ang mga nag-aakalang maliligtas sa pamamagitan ng pananalig sa dugo ni Jesu-Cristo, at Siya mismo ay Diyos ang Hari ng mga hari, ay tiyak na gayong mga tao. Payak ang kanilang paniniwala kay Jesus. Paniniwala lamang sa dugo ni Jesus, sila’y tumatayo sa harap ng dambana ng sunugan ng handog at bulag na nananalangin, “Panginoon, ako’y isang makasalanan ngayon. Patawarin po ako. Ibinibigay ko lahat ng aking mga pasasalamat, sa Iyong pagkapako at pagkamatay alang-alang sa akin. Oh, Panginoon, mahal ko po Kayo!”
Matapos gawin ito sa umaga, sila’y bumabalik sa dating pagkatao, at pagkatapos ay babalik muli sa dambana ng sunugan ng handog sa gabi at sasabihin ang gayond dasal. Ang mga taong naghahanap ng handog na susunugin sa bawa’t umaga, gabi, at buwan ay di-masisilang na muli, bagkus ay mahuhulog sa maling pananalig ayon sa kanilang sariling mga kaisipan.
Inilalagay nila ang kanilang mga iaalay na handog sa dambana ng sunugan ng handog, susunuging bahagya sa pamamagitan ng mapupulang apoy at ibibigay ang kanilang handog sa apoy. Dahil ang laman ay susunugin sa mga ningas doon, ang samyo ng nasusunog na laman ay kumalat, itim at puting usok ay patuloy na pumapaitaas. Ang dambana ng sunugan ng handog ay hindi isang lugar kung saan tayo’y nanaghoy sa paghiling sa Diyos na maglaho ang ating mga kasalanan, kundi ito’y, sa katotohanan, isang lugar na nagpapaalala sa atin ng nakatatakot na apoy ng impiyerno.
Subalit, ang tao’y pumupunta sa lugar na ito bawa’t umaga at gabi, at sinasabi, “Panginoon, ako’y nagkasala. Nawa’y patawarin po ang aking mga kasalanan.” Pagkatapos sila’y uuwi, nasiyahan sa kanilang sarili waring sila nga’y tiyak na napatawad sa kanilang mga kasalanan. Maaaring sila’y maging masaya habang kumakanta, “♫Ako’y pinatawad, ♪ika’y pinatawad, ♫tayong lahat ay pinatawad.” Ngunit ang gayong mga damdamin ay panandalian lamang. Di-maglao’y, magkakasala silang muli at makikita ang kanilang mga sarili sa harap muli ng dambana ng sunugan ng handog, nagsisisi, “Panginoon, ako’y isang makasalanan.” Ang mga papunta’t paparito sa dambana ng sunugan ng handog araw-araw, anuman ang kanilang pananalig kay Jesus, ay mga makasalanan pa rin. Ang gayong mga tao ay di-makapapasok sa Banal na Kaharian ng Diyos.
Sino, kung gayon, ang lubos na makatatanggap ng kapatawaran ng kasalanan at makapapasok sa Banal na Kaharian ng Diyos? Sila ang mga nakakaalam at nanalig sa misteryo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na itinakda ng Diyos. Ang mga nananalig rito ay makararaan sa dambana ng sunugan ng handog dahil sa kanilang pananalig sa kamatayan ni Jesus na tumanggap sa kanilang mga kasalanan, hinugasan ang kanilang mga kamay at paa sa hugasang tanso at pinaalala sa kanilang sarili na lahat ng kanilang mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, at pagkatapos ay papasok sa Banal na Lugar ng Diyos. Ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan ay papasok sa Kaharian ng Langit dahil sa kanilang pananampalataya, dahil ang kanilang pananampalataya’y sinang-ayunan ng Diyos.
Nawa’y kayong lahat ay mabatid at manalig na ang biblikal na kahulugan ng bughaw na sinulid ay ang bautismo ni Jesus. Marami ang nagsasabing sila’y naniniwala kay Jesus ngayon, ngunit iilan ang lubos na naniniwala sa tubig (ang bughaw na sinulid), ang bautismo ni Jesus. Ito’y lubos na nakalulungkot na pangyayari. Ito’y sanhi ng isang malaking pasakit na maraming mga tao ang iniiwan ang pinakamahalagang pananampalataya ng bautismo mula kanilang Kristiyanong paniniwala, kahit nang si Jesus ay hindi lamang naparito bilang Diyos at namatay lamang sa Krus. Nawa at dalangin ko kahit ngayon, inyong mabatid lahat at maniwala sa pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at sa gayo’y makapapasok sa Kaharian ng Diyos.
 
 
Tayo’y dapat na Manalig sa Panginoong Inihayag sa Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid ng Tabernakulo, ang talagang Nilalaman na Nagligtas sa atin
 
Niligtas ka at ako ng Panginoon. Kapag ating titignan ang Tabernakulo, makikita natin kung gaano ang detalye ng paraan ng pagliligtas ng Panginoon sa atin. Hindi lubos ang ating pasasalamat sa Panginoon para dito. Lubos ang ating pasasalamat na niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang mga sinulid, at Kanya ring binigay sa atin ang pananampalataya na maniniwala nitong bughaw, kulay-ube at pulang mga sinulid!
Ang mga makasalanan ay di-makapapasok sa Banal na Lugar ng hindi nadadamitan ng biyaya ng Diyos at dadaan sa Kanyang nakatatakot na hatol ng ating mga kasalanan. Paanong ang isa na hindi pa nahahatulan sa kanyang mga kasalanan ay makabubukas ng pinto ng Tabernakulo at papasok sa Banal na Lugar? Hindi nila magagawa! Kapag ang gayong tao’y pumasok sa Banal na Lugar, sila’y masusumpang maging bulag sa isang iglap. “Wow, napaka-liwanag dito! Oh, bakit hindi ako makakita? Nang ako’y nasa labas, akala ko’y makikita ko ang lahat ng bagay sa Banal na Lugar kung ako’y papasok lamang sa lugar na ito. Bakit hindi na ako makakita na, at bakit sobrang dilim dito? Ako’y lubos na nakakakita nang ako’y nasa labas pa ng Banal na Lugar… sinabi sa akin na ang Banal na Lugar ay sobrang liwanag; bakit lalo pa itong madilim?” Hindi sila makakakita dahil sila’y naging bulag sa espirituwal, dahil wala silang pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Tulad nito, ang mga makasalanan ay hindi makapapasok kailanman sa Banal na Lugar.
Ang ating Panginoon pinahintulot tayo na hindi mabulag sa Banal na Lugar, kundi upang makamit ang pagpapala ng paninirahan sa Banal na Lugar magpakailanman. Sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino ay makikita sa bawa’t apat na bahagi ng Tabernakulo, sinabi ng Diyos sa atin ang tamang paraan ng ating kaligtasan, at alinsunod nitong Salita ng hula, Kanya ngang niligtas tayo mula sa lahat ng ating mga kasalanan.
Niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng tubig, ang dugo, at ang Banal na Espiritu (1 Juan 5:4-8), upang hindi tayo magiging bulag kundi ang mabuhay magpakailanman sa Kanyang nagniningning na biyaya. Niligtas Niya tayo sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino. Pinangako ng Panginoon sa atin ang masalimuot na Salita ng Diyos, at sinabi Niya sa atin na tayo’y Kanyang niligtas sa pamamagitan ng pagtupad nitong pangako.
Naniniwala ka ba na ikaw at ako ay naligtas sa pamamagitan ng masalimuot na mga gawa ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino? Oo! Tayo ba’y naligtas na pabaka-sakali lamang? Hindi! Hindi tayo maliligtas nang di-nananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Ito’y posible, di-sinasadya, na tumayo sa harap ng dambana ng sunugan ng handog nang di-nananalig sa bughaw na sinulid, ang bautismo ni Jesus. Ang tao’y maaaring marating ang malayong kinalalagyan ng hugasang tanso katabi ng dambana ng sunugang handog, nguni’t hindi sila makapapasok sa Kabanalbanalang Dako kung saan ang Diyos ay nananahan. Ang makapagbubukas ng pinto ng Tabernakulo at makapapasok sa Kabanalbanalang Dako ay tanging mga anak ng Diyos na nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan dahil sa lubos na pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngunit ang makasalanan, sinuman, ay di-makapapasok sa Banal na Lugar. Gaano kalayo, kung gayon, ang ating pagpasok upang makamit ang kaligtasan? Tayo’y naligtas hindi nang tayo’y pumasok lang sa bakuran ng Tabernakulo, kundi nang tayo’y pumasok sa Banal na Dako kung nasaan ang Diyos.
 
 
Ang Kaibhan ng Pananampalataya sa loob ng Tabernakulo at ang Pananampalataya sa labas ng Tabernakulo 
 
Ang dambana ng sunugan ng handog at ang hugasang sa labas ng bakuran ng Tabernakulo ay gawa lahat sa tanso, at ang bakod ay yari sa kahoy, pilak, at tanso. Nguni’t kapag tayo’y pumasok sa Tabernakulo, ang mga kagamitan ay lubos na kakaiba. Isang pangunahing katangian ng Tabernakulo ito ay isang “tahanang ginto.” Ang tatlong-panig ng mga dingding ay yari sa 48 tablang kahoy ng acacia, binalutan ng ginto. Ang dulang ng tinapay at ang dambana ng kamanyang ay gawa rin sa acacia, at binalutan ng ginto, at ang kandelabra ay yari naman sa pinukpok na talento ng ginto. Tulad niyaon, lahat ng mga kasangkapan sa loob ng Banal na Dako’y gawa o binalutan ng gintong dalisay.
Sa kabilang dako, saan yari ang mga tuntungang nasa ilalim ng mga tabla? Ang mga ito’y gawa sa pilak. Ang tuntungan para sa mga haligi ng bakod ng bakuran ng Tabernakulo ay gawa sa pilak. At ang mga haligi ng bakod ay gawa sa kahoy, ang mga tabla ng Tabernakulo ay gawa sa kahoy na acacia na binalutan ng ginto. Ngunit ang mga tuntungan ng limang haligi sa pintuan ng Tabernakulo ay gawa naman sa tanso.
Bagaman ang mga tuntungan ng mga tabla ng Tabernakulo ay gawa sa pilak, ang mga tuntungan para sa mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay yari sa tanso. Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin na ang sinumang dumako sa presensiya ng Diyos ay dapat hatulan sa kanyang mga kasalanan. Paano, kung gayon, tayo makalalapit sa harap ng Diyos gayong tayo’y nahatulan at pinatay? Kung ang ating mga sarili ay namatay, hindi tayo makalalapit sa Diyos.
Sa pamamagitan ng tansong ginamit para sa mga tuntungan ng limang haligi ng pinto ng Tabernakulo, samakatuwid ay sinasabi ng Diyos sa atin na bagaman kailangan tayong mahatulan sa ating mga kasalanan, kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at nahatulan dahil sa mga kasalanang ito alang-alang sa atin. Tayo ang mga nararapat na mahatulan dahil sa ating mga kasalanan. Ngunit iba ang nagpasan nitong sumpa ng lahat ng ating kasalanan alang-alang sa atin. Sa halip na tayo, iba ang namatay para sa atin. Siya ang hinatulan at pinatay sa halip na tayo, walang iba kundi si Jesus.
Ang pananampalatayang nahayag sa pamamagitan ng bughaw na sinulid ay ang pananampalatayang nananalig na si Jesu-Cristo ay tinanggap lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at pinatawad tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Tulad ng pagkuha ng Diyos sa buhay ni Jesus para sa hatol ng lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat sa Kanya sa Kanyang bautismo at sa gayo’y nalutas lahat ng ating mga kasalanan, hindi na tayo muling mahaharap sa anumang hatol para sa ating mga kasalanan. Ang pananampalatayang nahayag sa pamamagitan ng pulang sinulid ay ang pananampalataya sa dugo na binubo ni Jesus sa Krus. Ang pananampalatayang ito’y nananalig na si Jesu-Cristo ay pinasan ang sumpa ng ating mga kasalanan na kung saan tayo ang dapat na humarap.
Yaon lang ang kanilang mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, at nahatulan sa lahat ng kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa dugong nabubo ni Jesus sa Krus sa kamatayan ng Kanyang laman dahil sa lahat ng mga kasalanang ito, ang makapapasok sa Banal na Dako. Itong dahilan bakit ang mga tuntungan ng pinto ng Tabernakulo’y gawa sa tanso. Tulad niyaon, dapat tayong manalig sa dugo ni Cristo na nag-alis ng ating mga kasalanan dahil sa Kanyang bautismo at nahatulan alang-alang sa atin.
Inalam ng Diyos na tanging yaong naniwala sa katotohanang si Jesu-Cristo na nagligtas sa atin ay ang Diyos mismo (ang kulay-ubeng sinulid), sa bautismo ni Jesus (ang bughaw na sinulid), at sa katotohanang hinatulan si Jesus para sa kanilang mga kasalanan alang-alang sa kanila (ang pulang sinulid) ang makapapasok sa Banal na Lugar. Itinulot ng Diyos yaon lang nahatulan ng minsan dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pananalig kay Jesus, at ang nanalig na niligtas sila ni Jesus sa lahat ng kanilang mga kasalanan, upang pumasok sa Banal na Dako.
Ang mga tuntungan ng mga haligi ng pinto ng Tabernakulo ay gawa sa tanso. Ang mga tansong tuntungan ay may espirituwal na kahulugan sa pagpahintulot ng Diyos sa mga makasalanan na isinilang bilang mga inapo ni Adan ay makapapasok sa Banal na Dako sa Kanyang pananahan lamang kung sila’y, sino man sila, ay manalig sa bughay na sinulid (ang bautismo ni Jesus), ang pulang sinulid (ang makatwirang paghahatol sa kay Jesus sa halip na ang mga makasalanan), at ang kulay-ubeng sinulid (si Jesus ay Diyos mismo). Na ang limang mga tuntungan ng mga haligi ng pinto ay gawa lahat sa tanso ay nagsasabi ng ebanghelyo ng Diyos, tulad ng nasusulat sa Roma 6:23, “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, subali’t ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggang kay Jesu-Cristo na ating Panginoon,” pinatawad ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa tubig, sa dugo at sa Espiritu.
 
 
Hindi tayo dapat na Magsawalang-bahala bagkus ay Manalig sa Salita at sa Diyos
 
Ang pananalig kay Jesus ay di-nangangahulugang ikaw ay walang-pasubaling naligtas. Ni ang pagdalo sa iyong iglesia’y nangangahulugang ika’y walang-pasubaling naisilang na muli. Sinabi ng Panginoon sa atin sa Juan 3 na yaon lamang isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu ang makakakita at makapapasok sa Kaharian ng Diyos. Tahasang sinabi ni Jesus kay Nicodemo, isang lider ng mga Judio at isang matapat na mananampalataya sa Diyos, “Ikaw ay isang guro ng mga Judio, subali’t hindi mo nalalaman kung paano isilang na muli? Tanging yaong isinilang muli sa tubig at sa Espiritu ang makakikita at makapapasok sa Kaharian ng Diyos.” Ang taong nananalig kay Jesus ay maisisilang muli kung sila’y may pananalig sa bughaw na sinulid (kinuha mismo ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan nang minsanan nang Siya’y bautismuhan), ang pulang sinulid (si Jesus ay namatay para sa ating mga kasalanan), at ang kulay-ubeng sinulid (si Jesus ay ang Tagapagligtas, Diyos, at Anak ng Diyos). Tulad niyaon, sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na makikita sa bawa’t apat na bahagi ng Tabernakulo, lahat ng mga makasalanan ay dapat manalig na si Jesus ay ang Tagapagligtas ng mga makasalanan.
Ito’y dahil maraming tao ang nananalig kay Jesus na hindi nananalig sa katotohanang ito na sila’y hindi maisisilang muli ni malalaman ang Salita ng pagsilang muli. Maliwanag na sinabi ng Diyos sa atin na kahit pa magpanggap na naniniwala kay Jesus, kung hindi tayo isinilang muli, kung gayon hindi makapapasok sa Banal na Lugar, ang Kaharian ng Ama, ni mabubuhay ng wastong buhay pananampalataya.
Sa ating mga kaisipang likha ng tao, maaaring magtataka tayo kung gaano kaganda kung lahat ng mga Kristiyano ay payagang maisilang na muli anuman ang kanilang pananalig. Hindi ba? Kung maliligtas lang tayo sa pamamagitan lamang ng pagtawag sa pangalan ni Jesus at ipagsabi ang ating pananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ng mga salita ngunit di-nalalaman ang mga detalye ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, masusumpungan ng tao kung gaano kadali ang maniwala kay Jesus. Maaaring pasalamatan natin Siya sa tuwing makakakita tayo ng bagong Kristiyano, kakanta, “♫Ako’y pinatawad, ♪ika’y pinatawad, ♫tayong lahat ay pinatawad.” “Yamang marami na ang mga mananampalataya, para saan pa ang pagbabahagi ng Salita ng Diyos? Ang mga bagay ay ayos na tulad nila. Hindi ba ito kamangha-mangha?” Kung ganito nga ang mangyayari, iisipin ng tao na ang kaligtasan ay napakadali, dahil sinuman ang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, at ang kanilang kaligtasan ay makakamit kahit mamuhay man sila anuman ang nais nila. Ngunit sinabi ng Diyos sa atin na hindi tayo masisilang muli sa gayong bulag na pananampalataya. Salungat nito, sinabi Niya sa atin na yaong umaangking naligtas na hindi nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, silang lahat ay gumagawa ng paglabag sa batas.
 
 
Ang Naisilang muli sa Iyo ay ang Iyong Espiritu, Hindi ang Iyong Laman
 
Si Jesus ay naging tao, naparito sa mundo, at niligtas tayo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Si Jose, ama ni Jesus sa laman ay isang karpentero (Mateo 13:55), pinaglingkuran ni Jesus ang Kanyang pamilya sa ilalim nitong karpenterong ama, Siya mismo ay nagtrabaho bilang isang karpentero sa unang 29 na taon ng Kanyang buhay. Ngunit nang Siya’y maging 30, kailangan Niyang gawin ang Kanyang banal na mga gawain, ito ay, pagtupad sa Kanyang pampublikong ministeryo.
Tulad ni Jesus na mayroong kalikasang Diyos at tao, tayong mga matuwid na isinilang muli ay mayroon ding dalawang magkaibang likas. Mayroon tayo ng laman at espiritu. Subali’t, kung ang isa’y nagsasabing nananalig kay Jesus kahit pa ang kanyang espiritu’y di-isinilang muli, kung gayon ang taong ito’y di-isinilang muli—ibig sabihin, wala siyang espiritung isinilang muli. Kung ang isa’y nagtatangkang manalig kay Jesus na di-isinilang muli ang kanyang espiritu, kung gayon ang taong ito ay parang isang taong nagtatangkang maisilang muli sa laman tulad ni Nicodemo, at hindi isang taong talagang isinilang muli. Bagaman si Jesus ay ang Diyos mismo sa Kanyang kalamnan. Gayon pa man, kapag ating sinabing tayo’y isinilang muli, ibig sabihin ang ating mga espiritu’y isinilang muli, hindi ang ating laman.
Kung ang lahat ng mga nagsasabing nananalig sila kay Jesus ay talagang isinilang muli, ninais ko na sanang matawag bilang isang mapagkawang-gawang pastor. Bakit? Dahil hindi na sana ako nayayamot sa mga taong di-nananalig sa katotohanan, at samakatuwid hindi na sana ako naging mapurol ang aking mga sermon umaasang malalaman nila ang katotohanan. Makikilala ako bilang isang maayos ang pag-uugali, maharlika, mapagkawanggawa at masayahing pastor, ipinapaliwanag kung paanong ang tao’y maging banal sa kanilang laman. Siyempre, maaari kong pagandahin ang aking imahe, ngunit hindi ko iyon ginagawa. Hindi dahil wala akong kakayahang itanim sa inyong mga isipan ang sapantaha, “Ang pastor na ito ay talagang inaalagaan ang banal at maawaing imahe ni Jesus.” Ito’y dahil ang laman ng tao ay di-maaaring magbago, at dahil sa pagiging mabait, mapagkawanggawa, at maawain sa laman ay di-nangangahulugang ang taong ito’y matuwid na isinilang na muli. Walang sinuman ang masisilang na muli sa laman. Ang espiritu, isang elemento ng tao, ang dapat maisilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos.
Kapag ika’y nanalig kay Jesus, dapat mong malaman ang katotohanan, “At iyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32). Tanging ang Salita ng Diyos ang magsisilang na muli sa atin, palalayain ang ating mga kaluluwa sa alipin ng kasalanan, at tayo’y magiging matuwid. Tanging sa pag-aalam, paniniwala, at wastong pangangaral ng Biblia tayo makapapasok sa Banal na Lugar at mamuhay ng tunay na pananampalataya, maging ang makalapit sa luklukan ng awa at sa Kabanalbanalang Dako. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na gumagawa sa ating mga kaluluwa na isilang muli ay ang katotohanan, at ang ating pananalig dito ay pinatawad lahat ng ating mga kasalanan at pinahintulot tayong mabuhay sa mundo ng pananampalataya sa Diyos. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nasa ating mga puso ang nagbigay kakayanan sa atin na mamuhay bilang isinilang na muling mga anak ng Diyos sa espirituwal at maningning na mundo kasama ang Panginoon sa kaligayahan.
Ang bulag na paniniwala kay Jesus ay hindi ang wastong pananalig. Titignan sa makataong pananaw, marami akong mga pagkukulang. Hindi ko lang sinasabi ito sa aking mga labi, ngunit sa tuwing ako’y may nagagawa, nababatid ko na marami talaga akong mga pagkukulang. Gaya halimbawa, nang ako’y naghahanda para sa “Bible camp” upang ang mga kasaping mga hinirang at mga baguhan ay maririnig ang Salita ng kaaliwan, sa kanilang mga puso’y magbigay-diwa ang biyaya ng Diyos, makamit ang pagpapala ng pagsilang na muli, at magbalik matapos makapagpahinga sa kanilang mga katawan at mga puso, nakita ko na maraming mga bagay na ako’y nabigong isipin at ihanda sa una. Mga bagay na madali sanang naisa-ayos sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahit isang maliit na pagpansin at kalinga ay laging lumilitaw nang matapos ang paghahanda at ang “camp” ay mag-uumpisa na. Nagtaka ako sa aking sarili bakit hindi ko naisip ang gayong mga bagay at inihanda sa umpisa pa lang, kung ako lang ay nagbigay ng kahit kaunting pag-alala at maingat sa aking pagplano ng “Bible camp,” ang mga hinirang at mga bagong kaluluwa ay lubos na nakapakinig ng Salita, naligtas, at nagkaroon ng masayang pagkakataon. Maging kapag ako’y nagtatrabaho buong araw, dahil sa kakulangan ng kasanayan sa aking bahagi, kadalasa’y ang mga resulta’y di-angkop sa aking pagsisikap. Akin mismong lubos na nababatid sa katotohanang marami akong mga pagkukulang.
“Bakit hindi ko magawa ito? Bakit hindi ko naisip yaon? Ang dapat ko lang gawin ay ang maging listo, subali’t bakit hindi ko magawa ito?” Kapag ako’y naglilingkod para sa ebanghelyo, kadalasan nabatid ko ang aking mga pagkukulang. Kaya kinikilala ko ang aking sarili at tinatanggap, “Ito ako. Ganito kung paanong ako’y walang kasapatan.” Hindi ko lang sinasabi ito sa aking mga labi, at hindi ako nagkukunwaring nagpapakumbaba, ngunit ako sa katotohana’y isang taong hindi maitatali ang mga dulo ng kahit na maliliit na mga pangyayari bagkus ay nagbabaka-sakali. Kung titignan ko ang aking sarili, nararamdaman ko talaga ang aking mga pagkukulang.
 
 
Natamo natin ang Kabanalan sa pamamagitan ng Pananampalataya sa Bughaw na Sinulid
 
Kapag iniisip ng tao ang kanilang mga sarili, ramdam nilang parang maayos nilang magagawa ang lahat ng bagay na di-nagkakamali. Nguni’t kapag kanilang hinaharap ang isang gawain, ang kanilang tunay na walang-kakayanan at mga pagkukulang ay maliwanag na nahahayag. Nakikita nila na sila’y talagang walang-kakayanan at wala silang magagawa kundi ang magkasala at magkamali. Kapag kanila ring naiisip na ayos lamang ang kanilang ginagawa, dinadaya nila ang kanilang mga sarili inaakala nilang makakarating sila sa Kaharian ng Diyos dahil sa kanilang mabuting pananalig.
Subali’t ang laman ay di-nagbabago. Walang laman na walang mga pagkukulang, at ito’y laging nakakagawa ng mga mali at ipinakikita nito ang mga pagkukulang. Kung, sa anumang pagkakataon, inaakala mong makakarating ka sa Kaharian ng ating Panginoon dahil sa iyong mga mabubuting nagawa ng iyong laman, dapat mong malaman na anuman ang nagawa ng iyong laman, ito’y tiyak na walang-saysay sa Diyos. Ang tanging magpapasok sa atin sa Kaharian ng Panginoon ay ang ating pananalig sa Salita ng katotohanan—ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, na niligtas tayo ng Panginoon. Dahil niligtas tayo ng ating Panginoon sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, tayo’y makapapasok sa Banal na Dako dahil lamang sa pananalig dito. 
Kung hindi tayo niligtas ng Diyos sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, tayong lahat ay di-makapapasok sa Banal na Lugar. Gaano man ang tibay ng ating pananalig, hindi tayo makapapasok. Bakit? Dahil kung ganito nga, ibig sabihin ang pananalig ng ating laman ay dapat araw-araw na kabutihan upang tayo’y makapasok. Kung tayo’y makakapasok sa Kaharian ng Diyos, kung ang ating pananalig ay araw-araw na mabuti lamang, paano tayo, na mga mahihina ang laman, makagagawa ang ating araw-araw kabutihan at makapapasok? Kung walang paraan para sa atin na makamit ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng ating mga sarili, at kung wala ng pananampalatayang pagbabalingan sa araw-araw tuwing tayo’y nagkakasala, paano natin magagawa ang pananampalataya ng kabutihan upang makapasok sa Kaharian ng Diyos? Ang ating mga katawan ay dapat maging mga banal na katawan na hindi nakakagawa ng anumang kasalanan noon pa, o kaya’y gagawin natin ang mga dasal ng pangungumpisal at pag-aayuno araw-araw, subali’t kaninong katawan ang banal at sino ang makagagawa nito?
Kung hindi tayo niligtas ng Diyos sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, wala sinuman sa atin ang makapapasok sa Kaharian ng Langit. Ang ating pananalig ay maaring maging mabuti sa isang pangyayari subali’t maglalaho sa susunod na pangyayari. Kapag ang ating pananampalataya’y naging mabuti lamang at maglaho uli ng paulit-ulit, malilito tayo kung tayo’y talagang mayroong pananalig, at mahantong na maglaho ang ating pananalig na taglay natin noong una. Sa huli, tayo’y lalong magiging makasalanan matapos ang mahabang unang pananalig kay Jesus. Ngunit si Jesus ay ganap na niligtas tayo, walang-kakayanan ang mga makasalanan, ayon sa Kanyang plano ng kaligtasang inihayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino. Binigay Niya sa atin ang kapatawaran ng ating mga kasalanan.
Tanging sa pagkakaroon nitong katibayan maaari nating ilagay ang laminang ginto, “kabanalan sa Panginoon,” sa ating turban tulad ng Mataas na Saserdote (Exodo 28:36-38). Atin ngayong magagampanan ang pagka-saserdote. Yaong makapagpapatotoo ng kanilang “kabanalan sa Panginoon” sa tao habang naglilingkod sa Kanya bilang Kanyang mga saserdote ay ang mga katibayan sa kanilang mga puso na nakamit nila ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang gintong lamina ay nakalagay sa turban ng Mataas na Saserdote, at tinalian rin ito ng bughaw na tali. Bakit sinabi ng Diyos na ang pantali sa turban ay isang bughaw na tali? Ang kailangan ng Panginoon upang iligtas tayo ay ang bughaw na sinulid, at itong bughaw na sinulid ay tumutukoy sa bautismo ni Jesus na tinanggap upang kuhanin ang lahat ng ating mga kasalanan. Kung hindi inalis ng Panginoon ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagkuha Niya sa Bagong Tipan sa Kanyang bautismo, katulad din ng paraan ng pagpapatong ng mga kamay sa Lumang Tipan, hindi natin makakamit ang kabanalan mula kay Yahweh gaano man ang ating paniniwala kay Jesus. Ito ang dahilan kung bakit ginamit ang bughaw na tali para sa turban. At sinumanng makakakita sa Mataas na Saserdote na may laminang ginto kung saan nakaukit ang “kabanalan sa Panginoon” ay magpapaalala sa kanila na sila’y dapat maging banal sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. At maiisip ng tao kung paano maging banal sa harap ng Diyos.
Tayo, rin, ay dapat alalahanin kung paano tayo naging matuwid. Paano ba tayo naging matuwid? Ating basahin ang Mateo 3:15. “Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayong: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayaga niya Siya.” Tayong lahat ay niligtas ni Jesus mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo. Dahil kinuha mismo ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ang mga nananalig dito ay walang-kasalanan. Kung hindi binautismuhan si Jesus, paano tayo mangangahas na sabihing tayo’y walang kasalanan? Nakamit mo ba ang kapatawaran ng iyong kasalanan sa pamamagitan lamang ng paghahayag ng iyong pananalig sa kamatayan ni Jesus sa Krus na may mga luha sa iyong mga mata? Maraming mga tao, hirap na maging malungkot sa kamatayan ni Jesus, isang taong wala silang kaugnayan sa ano pa man, sinisikap na magpatulo ng mga luha sa pag-iisip sa kanilang yumaong mga lolo at lola, ang mga kahirapang taglay nila kapag sila’y may-sakit, o mga paghihirap at mga pasakit sa kanilang nakalipas. Ikaw man ay magkunwaring umiyak tulad nito, o kaya ika’y tunay na nalungkot sa pagkakapako ni Jesus, ang iyong mga kasalana’y di-maaalis sa ganitong kaparaanan.
Ang luminang ginto na may ukit na “kabanalan sa Panginoon” ay nakatali sa pamamagitan ng isang bughaw na tali sa turban ng Mataas na Saserdote, ang nagpaalis ng ating mga kasalanan at tayo’y naging banal ay ang bautismo ni Jesus. Ang ating mga puso’y nakamit ang kapatawaran ng kasalanan dahil kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, dahil pinasan ni Yahweh sa Kanya lahat ng ating mga kasalanan, at dahil lahat ng kasalanan ng sanlibutan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Gaano man ang kahubaran ng damdamin ng ating mga puso, gaano man ang ating walang-kakayanan sa ating mga paggawa, tayo’y naging matuwid at ganap na naligtas sa Salita ng bughaw na sinulid na nakasulat sa Biblia. Kapag ating titignan ang ating laman, hindi tayo magiging marangal, ngunit dahil sa pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa ating mga puso—ito ay, dahil taglay natin ang ganap na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagsasabi sa atin na kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at tiniis ang hatol sa Krus—katapangang mapapahayag natin ang ebanghelyo. Ito’y dahil taglay natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na tayo’y makapamumuhay sa ating pananalig bilang matuwid, at maipangaral din itong matuwid na pananalig sa mga tao.
Hindi natin lubos na mapapasalamatan para sa biyaya ng ating Panginoon. Tulad ng ating kaligtasang di-nagmula sa pagbabaka-sakali, tayo’y lalo pang nagpapasalamat dito. Ang kaligtasang ating nakamit ay hindi isang maliit na bagay na basta na lamang makakamit kung siya’y hindi nanalig ng wasto. Ang pagtawag sa Panginoon sa sariling kapritso, sasabihing, “Panginoon, Panginoon,” hindi ibig sabihin na bawa’t gumawa nito’y maliligtas. Dahil nasa ating mga puso ang katibayan na ang ating mga kasalanan ay naglaho dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na detalyeng niligtas tayo ng Panginoon sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at sa mapinong binurdang lino, lubos tayong nagpapasalamat sa dakilang kaligtasang ito.
Sinasabi ng Biblia sa atin na sinumang manalig kay Jesus ang Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang puso (1 Juan 5:10). Kung walang patotoo sa ating mga puso, tinatawag nating sinungaling ang Diyos, kaya’t tayong lahat ay magkaroon ng pangwakas na katibayan sa ating mga puso. Tulad niyaon, walang dahilan upang umurong kung ang ibang tao’y hamunin ka at ipilit, “Ipakita mo sa akin ang katibayang ika’y ligtas. Sinasabi mo na kapag ang tao’y nakamit ang kapatawaran sa kasalanan, makakamtan nila ang Banal na Espiritu bilang isang regalo, at mayroong isang malinaw na katibayan ng kaligtasan. Ipakita mo sa akin itong katibayan.” Matapang na maipapakita mo ang katibayan sa sumusunod: “Nasa akin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na buong ganap akong niligtas ni Jesus. Dahil ako’y ganap na niligtas Niya, ako’y walang kasalanan.”
Kung hindi mo taglay ang katibayan ng iyong kaligtasan sa iyong puso, kung gayon hindi ka ligtas. Gaano man kaalab ang pananalig ng tao kay Jesus, ito’y hindi magbubuo ng kaligtasan sa kanila. Ito’y isa lamang pag-ibig na walang pagganti. Ito’y isang pag-ibig na walang sinasaalang-alang kung ano man ang damdamin ng isang tao. Kapag ang isang taong hindi natin iniibig ay may balisang puso, naghahangad sa atin, umiibig sa atin, at labis ang pagmamahal sa atin, hindi nangangahulugang dapat din nating siyang ibigin. Gayon din, hindi niyayakap ng Diyos yaong hindi nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan dahil lamang ang kanilang mga puso’y hangad Siya. Walang iba kundi ito ay ang di-nangangailangan ng pagganting pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanan.
Kapag ating iniibig ang Diyos, dapat nating Siyang ibigin sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang Salita ng katotohanan. Ang ating pag-ibig sa Kanya ay hindi isang panig lamang. Dapat nating sabihin sa Kanya ang ating pagmamahal sa Kanya, at dapat muna nating malaman kung iniibig ba Niya tayo o hindi bago natin Siya ibigin. Kung ibibigay natin ang buong pag-ibig sa isang taong hindi naman tayo iniibig, tayo’y mahahantong na isang bigong puso.
Dinamtan tayo ng Panginoon sa kaluwalhatian ng kaligtasan mula sa ating mga kasalanan upang hindi na tayo mahatulan dahil sa mga ito. Pinayagan Niya tayong makapasok sa Kaharian ng Diyos at manirahan kasama ang Diyos, at Kanyang binigay sa atin ang handog na makapagpapatawad sa ating kasalanan sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Ang kaligtasan ng Diyos ay naghatid sa atin ng di-mabilang na mga pagpapala ng Langit. Tanging ang kaligtasang ito na binigay ng Diyos sa atin, sa ibang salita, ang nagtulot sa atin na makamit lahat ng mga pagpapala mula sa Kanya.
 
 
Ang Kaligtasang Dala mismo ni Jesus sa Atin
 
Niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Binigay Niya sa atin ang kaligtasang gawa sa tatlong magkakaibang sinulid. Ito ang kaligtasan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay walang iba kundi ang handog na kaligtasang bigay ng Diyos. Nagtulot sa atin na makapasok at manirahan sa Banal na Lugar.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ginawa ka at ako na maging matuwid. Nagtulot sa atin na lumapit sa Iglesia ng Diyos at mamuhay ng dalisay. At ang tunay na ebanghelyo ang nagtulot sa atin na kumain ng espirituwal na Salita ng Diyos at kamtan ang Kanyang biyaya. Ito rin ang nagtulot sa atin na lumapit sa trono ng biyaya ng Diyos at manalangin, at sa gayo’y binigay sa atin ang pananampalatayang tatanggapin ang biyayang pinagkaloob sa atin ng Diyos bilang atin. Sa pamamagitan lamang ng ating kaligtasan, ginawa ng Diyos na maging atin ang mga malalaking pagpapala. Ito ay kung bakit ang kaligtasan ay gayon na lamang kahalaga.
Sinabi ni Jesus sa atin na itayo ang ating mga tahanan ng pananampalataya sa bato (Mateo 7:24). Ang batong ito ay walang iba kundi ang ating kaligtasang nagmula sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tulad niyaon, tayong lahat ay dapat na mamuhay sa ating buhay pananalig sa pamamagitan ng pagiging ligtas—maging isang matuwid dahil sa pagiging ligtas, magsaya sa buhay na walang hanggan sa pagiging ligtas, at pumasok sa Langit sa pagiging ligtas.
Ang mga huling araw ng mundong ito ay palapit na sa atin. Sa panahong ito, samakatuwid, ang tao’y lalong may lubos na dahilan upang maligtas sa pamamagitan ng eksaktong Salita. May mga nagsasabi na ang isa’y maliligtas sa pamamagitan lamang ng gayong paniniwala kaya nang di-nalalaman ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at hindi na kailangan pang pag-usapan ang buhay pananalig, dahil ito’y sapat sa ikaliligtas sa ganitong paraan.
Subali’t, ang dahilan kung bakit paulit-ulit kong sinasabi ito ay dahil yaon lamang nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan sa kanilang mga puso ay makapamumuhay sila sa mga buhay pananalig na sinasang-ayunan ng Diyos. Dahil ang puso ng bawa’t hinirang na nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan ay ang banal na templo kung saan ang Banal na Espiritu’y nananahan, dapat siyang mamuhay sa kanyang buhay pananalig upang hindi madungisan ang kanyang kabanalan.
Kung paano ang mga matuwid namumuhay sa kanilang mga buhay ay ayon sa buong kaibhan sa sukatan kung paano namumuhay ang mga makasalanan. Sa pananaw ng Diyos, kung paano namumuhay ang mga makasalanan ay ganap na nasa ilalim ng Kanyang pamantayan. Ang kanilang mga buhay ay puno lamang ng pagbabalat-kayo. Sinisikap nilang mamuhay ayon sa Kautusan. Itinatalaga nila ang kanilang mga kaisipan kung paano sila maglalakad, kung paano sila mamumuhay, paano magsasalita, at kung paano sila tatawa.
Ngunit ito’y lubos na inalis mula sa buhay pananalig na pinamumuhay ng mga matuwid. Detalyeng sinabi ng Diyos sa mga matuwid, “Ibigin mo ang iyong Panginoong Diyos ng iyong buong puso at lakas at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Ito ang pamamaraan ng buhay na binigay ng Diyos sa mga matuwid. Marapat lamang sa ating mga matuwid na mamuhay na may pag-ibig sa Diyos ng ating buong puso, at sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang kalooban ng buong lakas at kapasiyahan. Upang maligtas ang ating mga kapitbahay, dapat tayong gumawa ng di-mabilang na pamumuhunan sa Kanyang mga gawain. Ito ang buhay ng mga Kristiyano.
Kung mananatili tayo sa batayan kung saan ating iniisip na ang mahalaga’y tayo’y hindi nagkakasala, kung gayon hindi tayo makasusunod sa matapat na buhay ng mga Kristiyanong isinilang na muli. Bago ako maisilang muli, ako’y nagkaroon ng legalismong buhay pananalig sa isang konserbatibong denominasyon ng Presbyterian, at kaya hanggang may kinalaman sa buhay ng Kautusan, sinikap kong sundin ito ng husto. Sa panahong ito, ang ito’y tila hindi na ganito, subali’t dahil ako’y namumuhay ng ganito sa matagal na panahon noon, ako’y kadalasang tumatalima sa Kautusan sa aking araw-araw na pamumuhay. Ako’y buong pagsunod sa Kautusan na hindi ako nagtatrabaho tuwing araw ng Panginoon, tulad ng utos ng Kautusan na ang Sabbat ay dapat gunitain at gawing banal, sa abot na ako’y hindi sumasakay sa aking kotse tuwing araw ng Linggo. Kung aking ipipilit sa iyo na mamuhay tulad ko, tiyak na walang makapamumuhay ng gayong buhay legalista. Ganito kung paano ang buhay legalismong buhay mayroon ako bago ako isilang na muli. Subali’t, anuman ang pagiging relihiyoso ng aking mga panahon noon, wala itong kinalaman sa kalooban ng Diyos at tiyak na walang-saysay.
Mga mambabasa, mayroon ka bang pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid? Dahil ang kaligtasan ni Jesus ay nakapaloob sa mga sinulid na ito, makapapasok tayo sa Banal na Dako sa pamamagitan ng ating pananalig. Ang ating kaligtasan ay naisakatuparan higit na 2,000 taong nakalipas. Si Jesu-Cristo, kahit bago natin Siya makilala, kinuha Niya ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbautismo at pagpasan sa sumpa ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan sa Krus.
 
 
Kaligtasan mula sa Kasalanan ay Itinalaga kay Jesu-Cristo
 
Kapag yaong mga di-isinilang na muli ay pumasok sa Tabernakulo, hindi sila pumapasok sa pintuan ng bakuran, kundi labag sa batas silang umaakyat sa bakod. Sinasabing, “Bakit gayon ang puti ng mapinong lino sa bakod? Ito’y nakakaabala. Dapat ay kinulayan nila ito ng pula at bughaw. Ito ang pagsunod sa moda ngayon. Subali’t itong bakod ay masyadong maputi! At ito’y nakalabas ng husto. At bakit ito masyadong mataas? Halos ito’y 2.25 metro. Ang aking taas ay hindi man lang makaabot sa 2 m; paano ako makakapunta sa loob gayong ang bakod ay sobrang taas? Ako’y makakaakyat sa pamamagitan ng isang hagdan!”
Ang gayong tao ay nagtatangkang pumasok sa kanilang sariling mga gawa. Sila’y umakyat sa bakod ng bakuran ng Tabernakulo sa pamamagitan ng kanilang mga pag-aalay, mga kawang-gawa, at pagtitiis, at sila’y umakyat sa bakod, sinasabing, “Ako’y tiyak na makatatawid pababa sa 2.25 metro sa anumang paraan.” Kaya sa pag-akyat sa bakuran ng Tabernakulo, sila’y titingin pabalik at makikita ang dambana ng sunugan ng handog. At kanilang aalisin ang kanilang pagtingin sa dambana at titingin sa Banal na Dako, at ang unang bagay na makikita nila ay ang hugasang tanso na nakalagay sa harapan.
Ang taas ng mga haligi ng bakod ng bakuran ng Tabernakulo ay 2.25 metro, nguni’t ang taas ng mga haligi at ang tabing ng pinto ng Banal na Dako pinanahanan ng Diyos ay 4.5 metro. Ang tao’y makapapasok sa bakuran ng Tabernakulo sa pamamagitan ng kanilang sariling pasiya kung sila’y may sapat na kapasiyahan. Nguni’t kahit pa sila tumalon mula sa 2.25 metrong taas ng bakod at pumasok sa bakuran ng Tabernakulo, kapag kanilang tinangkang pumasok kung saan ang Diyos ay nananahan, kanilang masasalubong ang 4.5 metro matataas na mga haligi at isang tabing sa pinto ng Banal na Dako. Ang tao’y makakalundag sa 2.5 metro sa pamamagitan ng kanilang sariling sikap. Nguni’t hindi sila makalulundag sa 4.5 metro itinalaga ng Diyos. Ito ang kanilang limitasyon.
Ibig sabihin nang tayo’y unang manalig kay Jesus, tayo’y nanalig parang tulad ng isang relihiyon. Ang mga tao rin ay makakapanalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas sa pamamagitan ng kanilang sariling kapasiyahan, at manalig na si Jesus ay isa lamang sa apat na dakilang paham. Gaano man ang pananalig ng tao, maaari silang magkaroon ng kanilang sariling pananalig sa anumang paraang nais nila, subali’t hindi sila maaaring tunay na maisilang muli sa pamamagitan ng gayong pananampalataya.
Upang tunay na isilang na muli, sila’y dapat dumaan sa pintuan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Tayo’y isinilang muli sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig na si Jesus ay ating Tagapagligtas at ang pintuan ng katotohanan, at Kanya tayong niligtas sa pamamagitan ng tubig, ng dugo, at ng Espiritu. Ang pananampalatayang nananalig sa mga gawa ni Jesus na nahayag sa tatlong mga sinulid ay walang iba kung ang pananampalataya sa tubig, sa dugo, at sa Espiritu. Ang tao’y malayang manalig sa iba, nguni’t tiyak na walang positibong katibayang sila’y maliligtas at dakilang pagpapala sa gayong pananalig. Tanging sa ating pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tayo’y makatatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos at ang dakilang biyaya at mga pagpapala ng kaligtasan ng Diyos. Ang layunin nitong pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay upang damitan tayo ng biyaya ng Diyos.
Iyo lamang bang kinikilala ang Tabernakulo bilang isang sukat-parihabang bakuran, na may isang tahanang nakatayo rito? Ito’y hindi magdudulot ng anumang pakinabang sa iyong pananampalataya. Sinasabi ng Tabernakulo sa atin ukol sa buong pananampalataya, at kailangang malaman natin kung ano ang pananampalatayang ito.
Ang hindi pag-aalam ng husto sa Tabernakulo, maaaring isipin mo na ang taas ng Tabernakulo ay halos kasing-taas ng bakod nito, 2.25 metro. Nguni’t hindi ito ang pangyayari. Kahit pa hindi tayo pumasok sa pinto bagkus ay tignan ang Tabernakulo mula sa labas ng bakod, makikita natin na ang Tabernakulo ay dalawang beses ang higit ang taas kaysa sa bakod. Bagaman hindi natin makikita ang ilalim ng Tabernakulo, maliwanag na makikita pa rin natin ang pintuan nito, sinasabi sa atin na ang Tabernakulo ay nakatayong higit na mataas kaysa sa bakod ng bakuran nito.
Ang mga tumanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus at sa gayo’y makapapasok sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay dapat patotohanan ang kanilang wastong pananalig sa dambana ng sunugan ng handog at sa hugasang tanso, at pagkatapos ay pumasok sa Banal na Lugar. Upang makapasok sa Banal na Lugar, dapat ay mayroong pagtatwa sa sarili ng walang kabiguan. Ang mga kasangkapan sa loob ng Banal na Lugar ay dapat maibukod ang pagkilala sa lahat ng mga kasangkapang makikita sa labas ng Banal na Lugar.
Alam mo ang pinaka-kinamumuhian ni satanas? Siya’y nasusuklam sa hanggahang guhit sa pagitan ng looban at labas ng Banal na Lugar ay iginuhit. Dahil ang Diyos ay kumikilos sa mga naghahati ng loob at labas ng Banal na Lugar, kinasusuklaman ni satanas ang gayong pagguhit at tinatangkang pigilin ang tao sa pagguhit nitong linya. Nguni’t tandaan ito: maliwanag na ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng mga nagguguhit nitong linya ng hanggahan ng pananampalataya. Ang Diyos ay nalulugod sa gayong mga taong naglalagay ng linya ng paghahati, at Kanyang iginagawad ang Kanyang mga pagpapala sa kanila upang sila’y makapamuhay sa loob ng Banal na Lugar kasama ng kanilang nangingisap na pananampalataya.
Manalig na ang lahat ng mga kasangkapan sa labas ng bakuran ng Tabernakulo at lahat ng mga kagamitang ginamit para sa kanila ay inihanda at paunang inayos ng Diyos upang ang tao’y matamo ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. At kapag ika’y papasok sa Banal na Lugar sa pamamagitan na pananalig nito, igagawad ng Diyos sa iyo ang dakilang biyaya at mga pagpapala.
 
 
Ang Luklukan ng Awa ay ang Lugar Kung saan ang Biyaya ng Kaligtasan ay Nakamit
 
Sa Kabanalbanalang Dako, dalawang kerubin ang nakaladlad ang kanilang mga pakpak at pababang nakatingin sa ibabaw ng takip ng Kaban ng Tipan. Ang puwang sa pagitan ng dalawang kerubin ay tinatawag na luklukan ng awa. Ang luklukan ng awa ay kung saan iginagawad ng Diyos ang Kanyang biyaya sa atin. Ang pantakip ng Kaban ng Tipan ay binahiran ng dugo, habang winiwisik ng Mataas na Saserdote ang dugong inihaing ibinigay para sa bayan ng Israel sa luklukan ng awa at iginawad ang Kanyang awa sa bayan ng Israel. Sa mga nananalig dito, ang mga pagpapala ng Diyos, kalinga, at patnubay ay magsisimula. Mula sa araw na iyon, sila’y magiging tunay na bayan ng Diyos at nararapat na pumasok sa Banal na Lugar.
Sa mga maraming Kristiyano sa mundong ito, mayroong ang pananampalataya’y itinulot sa kanila na pumasok sa Banal na Lugar, habang ang iba’y di-taglay ang gayong pananampalataya kung saan sila’y makapapasok sa Banal na Lugar. Anong uri ng pananampalataya mayroon ka? Kailangan natin ang pananampalatayang makapag-guguhit ng malinaw na linya ng kaligtasan at pumasok sa Banal na Lugar ng Diyos, dahil sa pamamagitan nito tayo pagpapalain ng Diyos.
Nguni’t hindi madali ang magkaroon ng ganitong uri ng pananalig. Dahil nasusuklam si satanas kapag ang tao’y nakakagawa ng linya ng kaligtasan, siya’y patuloy na nagtatangkang burahin ang linyang ito. “Hindi ka kailangang maniwala sa paraaang ito. Hindi lahat ay nananalig tulad niyan, kaya bakit ka maglalagay ng lubos na kahalagahan nito at patuloy na inuulit ang iyong sarili? Dahan-dahan lang; sumabay sa agos.” Ang pagsabi sa gayong mga bagay, sinisikap na ikubli ni satanas itong malinaw na guhit ng kaligtasan. Ipinakikita rin ni satanas ang ating mga kahinaan ng laman at sinisikap na bigyan sila ng kaguluhan. Nais mo bang maging isa sa makikinig ng pandarayang mga salita ni satanas na nagsisikap na ihiwalay tayo mula sa Diyos? O nais mo gugulin ang inyong mga buhay sa pamamagitan ng pagpapaalala araw-araw ng inyong sarili sa inyong kaligtasan, makiisa sa Iglesia, sumunod sa Salita ng Diyos, magkaroon ng buhay panalangin, at tinatanggap ang biyayang iginawad ng Diyos sa iyo?
Kung tutuusin, yaong nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan ay nais ipaalala sa kanilang mga sarili ng kanilang kaligtasan. Nais nilang manahan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng paulit-ulit. Nagbubulay-bulay sa ebanghelyo ay mabuti at kailangan para sa iyo. Hindi ka ba ganito? “Naku, iyan bang kwento uli, nang tayo’y isilang na muli? Ang gamit sa kwento at ang balangkas ay maaaring iba, nguni’t ito pa rin ang dating lumang kwento. Napapagod na ako rito!”
Mayroon ba sa inyo na maaaring magsabi nito? Isang paumanhin sa akin kung sasabihin muli ang iisang kwento ukol sa aking sarili araw-araw, nguni’t kapag sinabi ng Biblia sa atin na dapat tayong magnilay sa ating kaligtasan araw-araw, anong magagawa ko? Kapag ang Luma at Bagong Tipan ay nagsalita sa atin ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang kasamaan sa Diyos ay ang magturo ang tao ng iba pa kaysa rito. Lahat ng Salita ng Biblia ay nagsasabi ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. “Kaligtasan, buhay pananalig, pananampalataya, espirituwal na pamumuhay, paglaban kay satanas, Langit, kaluwalhatian, biyaya, pagpapala, pagkabuhay na muli, buhay na walang hanggan, pag-asa at ang Banal na Espiritu”—lahat ng mga pangunahing pang-unawang ito ng mga hinirang ay kaugnay nitong tunay na ebanghelyo. Ang pagsabi ng ibang bagay kaysa sa mga ito ay isang erehe at maling mga aral. Mukhang pareho ngunit kaiba sa nilalaman ay walang iba kundi mga maling katuruan. Ang mga ebanghelyo mukhang pareho sa panlabas subali’t kakaiba sa loob ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mga pawang huwad na mga ebanghelyo ng huwad na relihiyon.
Anong kamanghaang pinapalawig ng Iglesia ng Diyos ang Salita ng Diyos araw-araw, hindi ng mga mandarayang salita ng mga huwad na relihiyon? Ito’y isang pagpapala na tayo’y kaisa ng Iglesia ng Diyos, maririnig at mananalig sa dalisay na Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng laging pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, itinulot ng Iglesia ng Diyos sa mga hinirang na isipin ang biyaya ng Diyos araw-araw, upang manalangin sa Kanya, at galangin Siya, at upang mamuhay na hindi habol ang kasamaan. Hindi ka ba masaya at narinig mong muli at nanalig sa Salita ng katotohanang magtutulot sa iyo na makamit ang kapatawaran sa kasalanan? Ako, din ay lubos na masaya.
Kung ako’y pipilitin na mangaral ng iba pa kaysa nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ako’y lubos na maghihirap. Kung ako’y pipiliting hindi palawigin ang Salita ng kaligtasan kundi ibang mga aral na likha ng tao, nais kong makatakas. Hindi dahil wala na akong ibang masasabi pa. Marami pang ibang makataong paksa na aking matatalakay, nguni’t ang lahat ng mga ito’y hindi kailangan at pawang mga aral ng nakasisirang lebadura para sa atin na mga isinilang na muli.
Tanging itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kung saan si Jesus, ang Diyos mismo, ang naglitas sa atin ay ang mahalagang Salita ng Diyos na nagbibigay tamis kahit pa nguyain natin ito ng pauli-ulit. Marami pang mga ibang kwento akong masasabi sa inyo, nguni’t ito ang pinakaibig ko sa lahat kapag ang aking sinasambit ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagligtas sa atin. Ako’y lubos na nagagalak. Ako’y lubos na maligaya kapag aking sinasabi ang kaligtasang ito, dahil ganito ko nagugunita ang mga dating alaala, napapaalala ko ang aking sarili kung paano ako niligtas ng Panginoon, pasalamatan Siyang muli, at kumain muli sa tinapay ng kaligtasan.
Nakatitiyak ako na ikaw din, magugustuhan mong lubos kapag iyong narinig itong Salita ng kaligtasan. Maaaring magbigay reklamo ka na ito’y lagi iisang kwento bawa’t araw, nguni’t sa ilalim ng kalooba’y, iniisip mo, “Ngayong narinig kong muli, lalong umiinam. Sa simula’y, hindi nakasisiya, nguni’t nang marinig kong muli, nakikita kong wala ng iba pang kwentong higit na espesyal, kundi ang huli’y nagsasabi sa akin na ito rin ang dating kwento. Subali’t ako’y masaya pa rin.” Nakasisiguro ako na ito ang nararamdaman ng iyong puso.
Mga kapatid, ang aking ipinangangaral ngayon ay ang Salita ni Jesus. Ang mga mangangaral ay dapat ipangaral ang Salita ni Jesus. Ipangaral ang ginawa ni Jesus sa atin at ikalat ang katotohanan ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng nakasulat na Salita wala ng iba kundi ang dapat gawin ng Iglesia ng Diyos. Atin ngayong inaakay ang ating mga buhay pananalig sa Iglesia. Ang pagpasok sa Banal na Lugar, sa liwanag ng kandelabra na may pitong tangkay na gawa sa pinitpit na isang talentong ginto, kakain ng tinapay mula sa dulang ng gintong dalisay, mananalangin sa dambana ng kamanyang, dadako sa Templo ng Diyos, sasambahin Siya, at maninirahan sa tahanang ginto—walang iba kundi ito ang ating mga buhay pananampalataya.
Ikaw at ako ngayo’y namumuhay sa buhay pananampalatayang bigay ng Diyos. Nakakamit ang kapatawaran ng kasalanan at namumuhay sa buhay pananampalataya ay kung ano ang mga buhay sa loob ng Tahanan ng Diyos. “Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni’t ang aming pagkataong loob ay nababagao sa araw-araw” (2 Corinto 4:16). Sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang linong makikita sa Tabernakulo, ang ating mga kaluluwa ay namumuhay sa Tahanan ng Diyos nagniningning sa ginto.
Magpakailanman akong magpapasalamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin mula sa lahat ng aking mga kasalanan at kahatulan. Hallelujah!