(Isaias 52:13-53:9)
“Narito, ang lingkod Ko ay gagawang may karunungan, siya’y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas. Kung paanong maram ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukhay ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao). Gayon Siya magwiwisik sa maraming bansa, ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya, sapagka’t ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa. Sinong naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagka’t Siya’y tumubo sa harap Niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan Siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa Kaniya. Siya’y hinamak at itInakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na Siya’y hinamak, at hindi natin hinahalagahan Siya. Tunay na Kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating pinalagay Siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Nguni’t Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa’t isa sa Kaniyang sariling daan; at ipinasan sa Kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. Siya’y napighati, gayon man nang Siya’y dinalamhati ay hindi nagbuka ng Kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma’y hindi Niya binuka ang Kaniyang bibig. Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala Siya: at tungkol sa Kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na Siya’y nahiwalay sa lupain ng buhay? Dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan Siya. At ginawa nila ang Kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa Kaniyang kamatayan; bagaman hindi Siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa Kaniyang bibig.”
Ang Ebanghelyo Ngayong Ikinakalat sa buong Sanlibutan
Ang panahon ngang ito ay patungo sa hangganan. Mula sa mga politiko hanggang sa mga ekonomiya, ang lahat patungo sa katapusan. Higit sa lahat, ang ihip ng digmaan ay papalaking lumilitaw, habang ang mga makapangyarihang mga bansa’y pinipilit pa ring pinapalawak ang kanilang impluwensiya sa ibang panig ng mundo. Malapit sa aming sariling bansa, nag-anunsiyo kamakailan ang North Korea na ito’y gumagawa ng mga armas nukleyar, nagdudulot ng isang malaking kaguluhan sa buong pambansang komunidad. Sa gayong panahon ng pagdarahop ng mundo, ako’y umaasam lamang na ang bawa’t isang sangkot sa hidwaang ito ay malunasan ang lahat ng mga isyu na may karunungan, hindi sa kahangalan, at makipagkasundo sa isa’t isa upang ang lahat ay sama-samang umunlad.
Dapat tayong magdasal araw-araw, upang bigyan pa tayong muli ng Diyos ng maraming panahong palawigin ang ebanghelyo at higit na kalayuan. Hindi dahil ako’y natatakot mamatay. Ito’y dahil marami pa ring mga bansa kung saan ang ebanghelyo ay hindi pa napapangaral, nguni’t may mga bansa rin kung saan ang dalisay na ebanghelyo ngayon ay mamumukadkad. Ang aking hangad ay patuloy na palawigin lubos ang orihinal na ebanghelyo, kapag ito’y sumisibol at namumukadkad, dahil ang ebanghelyo’y kailangan pa ring ipangaral ng lubos.
Oo, ginagawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay na mabuti, nguni’t ang inaalala ko na ang mundo’y maaaring maging lubos na mangmang. Sa katunayan may mga taong nagbabanta ng buhay ng iba kahit pa sila mismo ay walang ideya kung kailan at paano nila haharapin ang kanilang sariling kamatayan; ang iba sa kanila’y nahahantong sa pagtangkang puksain ang bawa’t isa.
Naniniwala ako na ang Diyos ay tiyak na namamahala sa mga puso ng lahat ng mga pinuno nitong mundo. At naniniwala rin ako na Kanya tayong bibigyan ng kapayapaan.
Sa panahong ito, ang bayan ng Israel ay naghihintay pa rin ng Mesias na pinangako sa kanila. Dapat nilang malaman na ang kanilang Mesias ay walang iba kundi si Jesus. Dapat nilang kilalanin si Jesus bilang Mesias na kanilang hinihintay, at manalig sa Kanya ng gayon. Sa di-nalalayong bukas, ang ebanghelyong naglulugod sa ating Panginoon ay malapit ng dumating sa Israel, maging sa mga bansa na ang pinto ng ebanghelyo ay hindi pa nabubuksan. Sa katotohanan, ang ebanghelyo ay lubos ikinakalat sa buong mundo na ito’y namumukadkad ng husto sa panahong ito ng mga huling araw.
Nabanggit sa akin na isang teolohiyang seminarista sa Bangladesh na gumawa ng ating paglathalang Ingles bilang isang kailangan para sa mga mag-aaral upang makapasa sa kanilang kurso. Yamang nakilala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa unang pagkakataon, ang mga mag-aaral nitong seminaryo ngayo’y matatamo lahat ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, bago pa sila magkaroon ng pagkakataong mamangha rito.
Tulad nito, nawa una sa lahat na ang lahat ng mga telohiya sa buong mundo’y magtamo ng kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan na pag-aalam at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At tayong mga unang nagtamo ng kapatawaran sa kasalanan ay dapat na walang-tigil na magdasal upang ito’y maisakatuparan. Hindi lamang tayo dapat manalangin, kundi tayo rin ay dapat mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang Mesias ay Naparito sa Mundong ito Halos 700 Taon matapos ang Hula ni Isaias
Si Isaias ay isang propetang nabuhay halos 700 taon bago ang pagsilang ni Jesu-Cristo. Bagaman siya ang nauna sa pagdating ni Jesu-Cristo sa 700 taon, dahil marami siyang nalalaman tungkol sa Mesias, inihula ni Isaias lahat ng ukol sa kung paano ang Mesias ay paparito at kung paano Niya gagawin ang Kanyang gawain ng kaligtasan, na parang nakita na niya ang Mesias sa kanyang sariling mga mata. Mula sa Isaias 52:13 at hanggang sa mga kapitulo ng 53 at 54, patuloy na detalyeng hinula ni Isaias, kung paano ililigtas ng Mesias ang mundo sa kasalanan. Ito’y isang kamangha-manghang walang-kamaliang hula na si Jesu-Cristo ay tiyak na paparito sa mundo, kukuhanin lahat ng kasalanan sa Kanyang bautismo, binubo ang Kanyang dugo sa Krus, at sa gayon maghahatid ng kaligtasan sa lahat. At matapos ang 700 taon at sa hulang ginawa ni Isaias, si Jesus nga’y naparito sa mundo at tinupad lahat ng Kanyang mga gawain tulad ng inihula ni Isaias.
Si Isaias ay inihula na ang Mesias ay paparito sa mundo at kikilos na may karunungan. Tulad ng inihula sa Isaias 52:13, “Narito, ang Lingkod Ko ay gagawang may karunungan, Siya’y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas.” Dahil si Jesu-Cristo’y naparito sa laman ng isang tao at Kanya mismong kinuha lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, maari Niyang ibigay ang Kanyang buhay sa Krus, at sa gayo’y nahatulan dahil sa lahat ng mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Tulad ng inihula ni Isaias, ang lahat ay maingat na pinakitunguhan. Dahil kay Jesu-Cristo, lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan ay naglaho nga, maingat na pinakitunguhan, at ang Kanyang pangalan sa katunaya’y tumaas ng lubos, dinakila at maiging pinuri, lahat ay ayon sa hula. Ang inihula ni Isaias ukol kay Cristo ay ganap na naisakatuparan.
Subali’t, nang ang ating Panginoon ay naparito sa mundo, ang bayan ng Israel ay hindi kinilala Siya. Kahit pa ang ating Panginoon ay naparito at yamang Kanyang kinuha lahat ng kasalanan ng mundo kasama na yaong sa mga Israelita, namatay sa Krus, at bumangon muli mula sa kamatayan, ang bayan ng Israel ay di-naniwala sa bautismo ng Mesias, ni sa Kanyang dugo. Sa katunayan, hindi kinilala ng mga Israelita na ang Mesias nga’y isinilang na sa kanilang bayan, at sa Kanyang bautismo at Krus ay Kanyang kinalinga hindi lamang ang mga kasalanan ng Israelita, kundi ang kasalanan ng buong mundo. Hindi nila nalalaman na itong Jesus ay Siya ngang Anak ng Diyos, ang Siyang Mesias ng bayan ng Israel. Ang mga Israelita’y dapat ihanda ng wasto na si Jesus ay Siya ngang Mesias na kanilang hinihintay sa panahong ito.
Ang mga Paghihirap ni Jesus ang Magpapalaho sa mga Kasalanan ng Sanlibutan
Nang si Jesus ay naparito sa mundo, Siya nga’y naghirap ng isang sukdulang lantarang paghamak na di-maabot ng anumang paglalarawan. Tulad ng makikita sa Isaias 53, ang Mesias nga animo’y naging isang taong nanangis. Sa pagkuha ng maraming mga kasalanan natin, Siya’y lubos na pinahirapan—lubos-lubos na sinasabi sa atin ng Biblia na tayo pa’y nagkubli ng ating mga mukha sa Kanya.
Nguni’t iilan talaga ang kumilala kay Jesus bilang Mesias. Dahil Siya’y naghirap ng lubos sa mga tao sa Kanyang panahon, marami ang nabigong makilala at manalig kay Jesu-Cristong Mesias bilang Tagapagligtas. Ang atin ngang Panginoon ay naparito bilang pagsunod sa kalooban ng Ama upang matupad ang Kanyang gawang pagliligtas sa mundo mula sa lahat ng kasalanan ng mundo, at upang maganap ang gawain, sa katotohana’y Siya’y lubos na siniil. Hindi sapat na Siya’y pumarito sa mundong Kanyang sariling nilikha sa laman ng isang tao, na Kanyang ginawa sa Kanyang sariling anyo, nguni’t Siya’y lubos na hinamak, nilibak, sinugatan at siniil, ang Kasulata’y nagsasabi sa atin na ating kinubli ang ating mga mukha sa Kanya, dahil napakahirap itong tiisin. Sa hindi paggalang bilang Mesias ng mundong ito, Siya’y itinuring at siniil na parang Siya’ isang baliw, na ang Kanyang pagpapakumbaba’y hindi man lang masimulang ipaliwanag sa salita. Sa ating pagtalikod kapag tayo’y nakakakita ng isang taong masidhing hinahamak at hinihiya, ang Mesias ay isiniil sa harap ng Kanyang mga nilikha, lubos kung saan ang mga Israelita sa panahong iyo’y tinakpan ang kanilang mga mukha sa Kanya.
Nang si Jesus ay naparito, ano ang Kanyang hitsura? Nang si Jesus ay naparito, Siya’y parang isang murang halaman, parang isang ugat sa tuyong lupa. Walang gaanong masasabi, sa ibang pananalita, sa Kanyang panlabas na anyo. Sa katunaya’y, kahit pa ihambing natin ang ating mga sarili sa Panginoon, maliit lamang ang kagandahang-anyo at kaakit-akit ng Mesias. Ang panlabas na anyo ng ating Mesias ay gayon na lamang na walang bagay na maipagmamalaki.
Nang naparito nga ang Mesias, walang kagandahang-anyo sa Kanyang hitsura na ating hahangarin o hahangaan Siya. Nguni’t anuman itong hitsura, bilang ating Mesias, maingat Niyang pinakitunguhan, tinanggap ang pagpatong ng mga kamay ni Juan upang kuhanin lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang katawan alinsunod sa pamamaraang paghahandog, ipinako at nagbubo ng dugo sa Krus, bumangon mula sa kamatayan, at gayon ngang niligtas tayo mula sa lahat ng ating mga kasalanan. Dahil inalis nitong Mesias ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, Siya’y ipinako at nagbubo ng Kanyang dugo para sa atin.
Tulad ng sinasabi ng Isaias 53:3, “Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha nga mga tao, na Siya’y hinamak, at hindi natin hinalagahan Siya.” Dahil kailangan pumarito ang ating Mesias at upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagpatong ng mga kamay at pagbubo ng Kanyang dugo, kailangan Siyang sansalain sa gayong pamamaraan sa pamamagitan ng bayan ng Israel at mga sundalong Romano.
Ang Pagsiil sa Mesias ay Inihula halos 700 Taong Nakalipas
Sa katotohanang kailangang pumarito sa mundong ito ang Mesias, pabautismuhan kay Juan, magbubo ng Kanyang dugo sa Krus, at bumangong muli mula sa kamatayan ay ganap ngang inihula ni propeta Isaias halos 700 taon bago ang pagsilang ni Cristo. Tulad ng inihula ni propeta Isaias ukol sa pagdating ng Mesias, si Jesu-Cristo nga’y naparito sa mundo gaya ng inihula. Ang Mesias na si Jesus ay isinilang ng isang birhen sa isang sabsaban na may pagpapakumbaba, kinuha ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan Bautista, pumunta sa Krus, kung saan binubo ang Kanyang dugo at namatay para sa ating ikaliligtas, at sa tatlong araw ay bumangong muli sa kamatayan.
Tulad ng mga kamay na ipinatong sa ulo ng iaalay na handog at ang dugo’y nabubo sa Araw ng Pagbabayad-puri (Levitico 16), ang kasalanan sa isang taon ay gayon ngang binayaran, si Jesus nga’y kinuha lahat ng ating kasalanan sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan at nagbubo ng Kanyang dugo at namatay sa Krus, lahat ay ayon sa Salita ng hula. Matapos pasanin lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo, si Jesus sa katunaya’y naharap sa tatlong taong paghihirap sa panahon ng Kanyang pampublikong buhay. Ang dahilan kung bakit napako si Jesus na Mesias, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo mula kay Juan Bautista, dahil lahat ng mga kasalanan ng mundo’y inilipat sa Kanya, at ito rin ang dahilan kung bakit Siya’y hinamak, inusig at siniil ng bawa’t isa.
Sa katunayan, hindi lamang itinatwa si Jesus na Mesias, nguni’t iba sa mga Judio at mga Romano’y kinamuhian at inusig si Jesus sa di-maabot na paglalarawan. Siya’y kinamuhian at tinanggihan ng lubus-lubusan.
Si Jesus sa katunaya’y kinuha lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan ng minsanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo mula kay Juan Bautista sa Ilog ng Jordan, at Siya’y nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Ang Mesias ay binautismo ni Juan at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus upang matupad ang kalooban ng Kanyang Ama. Siya’y hinubaran sa Krus at dinuraan. Lahat ng tao sa palibot sa panahong iyon ay nilibak si Jesus, Siya’y inalipusta, “Kung Ikaw nga’y Anak ng Diyos, bumaba Ka at iligtas ang Iyong sarili.”
Nang simulan ni Jesus ang Kanyang buhay sa publiko sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, kailangan Siyang dumaan sa maraming mga paghihirap dulot ng mundo. Bagaman pinasan ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo alang-alang sa sangkatauhan, ang mga tao sa panahong ito’y, hindi ito maarok, kinamuhian si Jesus, na Siyang naparito bilang kanilang Mesias, patuloy Siyang inusig, nagdulot ng matinding paghihirap sa Kanya, Siya’y tinuligsa at ininsulto. Sa katotohana’y, si Jesus na Mesias ay kinamuhiang lubos na sinasabi sa atin ng Kasulatan na Siya’y itinuring na parang isang uod habang narito sa mundong ito.
Tunay nga, walang kayong ideya kung gaano kinamuhian ng mga Fariseo si Jesus. Ang mga Fariseong ito ay ayaw iwanan ang Mesias na nag-iisa, dahil nanganganib ang kanilang pamumuno at kasikatan. Kaya kinamuhian nila ang Mesias, laging naghahanap ng kamalian Niya, at hindi nag-atubiling magbunsod ng lahat ng mga uri ng personal na pagtuligsa sa Kanya sa tuwing ang kanilang mga pamamaraan ay nabibigo. Ang Mesias ay dumaan sa lahat ng mga uri ng insulto at pagtuligsang puno ng muhi at kasamaan. Si Isaias ay gayon ngang inihula kung paanong ang Mesias ay sisiilin. Atin ngayong sasang-ayunan, mula sa mga detalyeng hula ni Propeta Isaias halos 700 taon bago ang pagdating ng Mesias, kung anong uri ng pagtrato ang Kanyang matatamo sa mundong ito.
Ang Tao ba’y Naniwala kay Jesu-Cristong Mesias na Siyang Naparito sa Tubig at Dugo?
Datapuwa’t, anuman itong pagsisiil, si Jesus na Mesias ay tahimik at tinupad at binuo ang Kanyang mga gawa. Ngayon ang bayan ng Israel at bawa’t isa sa buong mundo’y dapat malaman at manalig na ang Mesias na ito’y si Jesu-Cristo. Upang maglaho ang mga kasalanan ng mga Israelita at bawa’t isa sa buong mundo, ang Mesias ay tunay ngang tinanggap ang Kanyang bautismo, at sa gayo’y dinanas lahat ng Kanyang pagsisiil ng labis-labis—at sa pamamagitan nito, ganap Niyang niligtas ang mga mananampalataya sa Kanyang ministeryo mula sa lahat ng mga kasalanan, at buong sinang-ayunan ang mga mananampalatayang ito. Bagaman sa katotohanang naparito ang Mesias sa Kanyang mababang anyo, at bagaman sa katotohanang Siya’y binautismuhan, namatay sa Krus, at bumangong muli mula sa kamatayan upang maglaho ang lahat ng mga kasalanan ng bawa’t isa, yaong mga nanalig sa Kanya ay iilan lamang. Upang tayo’y mabuhay, dapat tayong manalig na si Jesus nga’y ating tunay na Tagapagligtas at Mesias, na Siya ang Mesias hindi lamang para sa mga Israelita, kundi maging ng buong sangkatauhan.
Bagaman kinuha nga ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at kinuha ang ating mga hinagpis, ang ating mga sakit, ang ating mga sariling sumpa, ang ibang tao’y maaaring nag-iisip, “Anong kasalanan ang Kanyang nagawa upang dumanas ng matinding pagsisiil?” Nguni’t si Jesus, sa katotohana’y, ang walang-kasalanang Anak ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagpasan ng lahat ng ating mga kasalanan, tiniis ng Mesias ang paghihirap, alang-alang sa atin, lahat ng mga sumpa, hinagpis, at mga pagsisiil ng ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng lahat ng mga pagsisiil na hinarap ni Jesus sa Kanyang 33 taong buhay mula sa pagparito sa mundong ito, niligtas Niya tayo sa lahat ng ating mga kasalanan.
Noon, sa pakikinig ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias, ang mga tao ba sa panahong iyon ay nanalig kay Jesus na Mesias, na Siyang naparito sa tubig at sa Espiritu? Sino ang nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ating pinangangaral ngayon? Kahit ngayon, maraming mga tao ang hindi interesado sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, bagaman inaangkin nilang naniniwala sila kay Jesus.
Dito, sa pangunahing talata, ang Propeta Isaias ay inihula ngayon na ang Anak ng Diyos ay paparito sa mundo, sa karunungan, kukuhanin lahat ng ating mga kasalanan, mahahatulan para sa kanila, at sa gayo’y ililigtas tayo. Nguni’t hindi marami ang tumanggap sa katotohanang Kanyang ginawa. Datapuwa’t, nakakasiguro ako simula ngayon, lahat ng mga tao sa lahat ng mga bansa’y makikila si Jesu-Cristo bilang kanilang Mesias at dadakilain Siya. Nalalaman mo na ba ngayon na si Jesus na Mesias ay siniil dahil sa mga kasalanan ng bayan ng Israel, dahil sa mga kasalanan mo at akin, at dahil sa mga kasalanan ng buong sangkatauhan? Ang Propeta Isaias, nagnanais na malaman mo ito at manalig dito, kanya ngang inihula ang ministeryo ng Mesias sa ganitong paraan.
Ang Mesias ay Parang isang Ugat na Nakatanim sa Tuyong Lupa
Ganito inihula ni Propeta Isaias ang pagparito ni Jesu-Cristo ang Mesias, nang Siya’y naparito sa mundong ito, Siya’y darating sa kaawa-awang anyo. Sinabi ni Isaias na ang Mesias “Sapagka’t Siya’y tumubo sa harap Niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan Siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa Kaniya” (Isaias 53:2). Nang naparito si Jesu-Cristo sa laman ng isang tao, hindi Siya kung saan ang tao’y makikita Siyang kanais-nais. Hindi Siya maskulado, mataas at matipunong lalaki, tulad ni Arnold Schwarzenegger o Sylvester Stallone. Sa katunayan, Siya’y may kaliitan na kung ating titignan Siya, tayo’y maawa sa Kanya at mahahabag. Gayon pa man, ang Kanyang mga Salita ay tulad ng isang tabak na may magkabilang talim.
Si Jesus na Mesias ay hindi lamang sa hindi kanais-nais tignan sa Kanyang anyo, nguni’t Siya’y salat sa materyal. Si Jose, na Kanyang ama sa laman, ay isang karpentero. Isang pamilya kung saan ang kanilang pangangailangan ay tinutustusan ng isang karpentero, noon tulad ngayon, ay hindi mariwasa, malayo sa buhay kasaganaan. Tanging sa pagsisikap ng karpentero silay’y halos nakararaos.
Ni ang Mesias ay naparito sa mundo upang magtungong paaralan. Kaya ang mga Fariseo’y nagtatangkang pagtawan Siya dahil dito, nguni’t hindi nila magawa, dahil mahahayag lamang na si Jesu-Cristo na Mesias ay Siya ngang Anak ng Diyos. Si Jesus ay hindi man lamang natuntong ang Kanyang paa sa Paaralan ni Gamaliel, ang pinaka-marangal na paaralang Judio sa panahong iyon, kung saan ang pinakamagaling na iskolar ng Kautusan, si Gamaliel, ang nagtuturo ng Kautusan. Sa paaralang ito, ang mga mag-aaral ay matututo mula sa mga dakilang tagapagturo ng Kautusan, masasanay hindi lamang sa kaalaman ng mundong ito, kundi mula sa Kautusan mismo. Walang nakatala na Siya’y nag-aral mismo sa isang paaralan. Nguni’t sa kabila nito, walang hindi nalalaman ang Mesias ukol sa Kautusan ng Lumang Tipan, at kung saan ang Lumang Tipan ay itinuturo ang ukol sa Mesias, Siya’y higit na nakakaalam at mayroong dakilang pananampalataya kaysa sa iba. Walang bagay Siyang sinasabi na naging walang-katuwiran o malayo mula sa Kautusan ng Diyos.
Bakit Kailangang ang Mesias ay Masiil ng Lubos, Hiyain at Hamakin?
Upang tunay na maging Mesias sa bayan ng Israel, at upang iligtas sila sa lahat ng kanilang mga kasalanan at gawin silang bayan ng Diyos, ang ating Mesias ay naparito sa mundo at handang yakapin ang lahat ng Kanyang mga paghihirap, mga insulto, mga pagtuya, at mga paglibak. Ang paghihirap at paglait na dinanas ng Mesias alang-alang sa bayan ng Israel ay lubos na pagtitiis at pagsisiil. Ang pagsisiil na tiniis ng Mesias alang-alang sa atin ay mga matinding paghihirap na maari nating ikubli ang ating mga mukha sa Kanya. Dahil si Jesus ang Mesias na magliligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan at hatol, Kanya nga tayong niligtas mula sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsisiil at paghamak sa di-maabot na paglalarawan sa harap ng maraming tao. Si Jesus nga’y siniil ng mundong ito.
Dahil si Jesus na Mesias ay lubos na siniil at hinamak, ang mga tao sa panahong iyo’y hindi makayanang tumingin sa Kanya. Huwag nating dapat kalimutan na bagaman si Jesus ay naparito bilang iyo at aking Mesias, Siya nga’y bilang isang Mesias ng lahat ng tao, upang matupad at maganap ang layon at mga gawa nitong Mesias, Siya’y lubos na siniil, at sa pamamagitan nga nito Kanya tayong niligtas sa ating mga kasalanan at sa sumpa ng kasalanan.
Kahit pa ang Mesias ay nakapako, hindi huminto ang tao sa paglibak sa Kanya: “Bakit hindi Ka bumaba rito? Kung Ikaw nga’y Anak ng Diyos, bumaba Ka sa Krus. Paano posibleng Ika’y Anak ng Diyos? Kung Ikaw nga itong Anak ng Diyos, bumaba Ka at iligtas ang magnanakaw sa Iyong tabi; mainam pa, bumaba Ka at iligtas ang Iyong sarili!” At patuloy sila sa kanilang paglibak: “Oo nga, bakit hindi Mo gawing tinapay itong bato? Kung Ikaw ang Anak ng Diyos, bigyan Mo kami ng patunay! Ipakita Mo sa amin ang katibayan upang kami’y maniwala. Kung hindi Mo magagawa iyon, anong uri ng Mesias Ikaw? Kalunos-lunos!”
Ang mga tao nga’y ininsulto ang Mesias, tinuligsa, at walang-humpay ni nilibak. Hinubaran nila Siya, sinampal ang Kanyang mukha, at dinuraan. Si Cristo’y nagdanas ng matinding pagkutya, paghiya, at mga insulto, ang tulad nito’y hindi pa nasasaksihan, ni kailanma’y nakitaan. Siya rin ay hinatulan ng parusang pagpapako, isang parusang nakalaan sa mga malubhang uri ng mga kriminal sa panahong iyon. Ang ating Mesias ay hinagupit ng mga sundalo, ang Kanyang mga kamay at mga paa’y pinako sa Krus, at nabuhos ang dugo mula sa Kanyang katawan.
Si Jesus ay talagang pinasan lahat ng gayong pagdusta, hirap at pagsisiil, upang Kanyang maisakatuparan ang Kanyang ministeryo bilang Mesias, alang-alang sa atin. Sa pamamagitan ng pagpako, Kanyang kinuha lahat ng ating mga kasalanan, lahat ng ating mga sumpa, lahat ng ating mga karamdaman, at lahat ng ating parusa sa kasalanan. Kanyang kinuha sa halip na tayo lahat ng pagsisiil na ating dapat na danasin, at alang-alang sa atin Kanyang binigay ang Kanyang sariling buhay. Ang Mesias na ito’y naging Tagapagligtas para sa ating nanalig na si Jesus nga’y ating Tagapagligtas. Siya’y handang naging Mesias natin. Siya’y naparito ayon sa kalooban ng Kanyang Ama, at kinuha ang ating mga kasalanan at sumpa ng kasalanan sa Krus alang-alang sa atin, at bumangong muli mula sa kamatayan—lahat upang tayo’y magligtas!
Mga kapatid, sa wari mo ba’y madali para kay Jesus ang danasin lahat ng gayong mga paghihirap at kahihiyan sa harap ng mga dayuhang ito? Kung tayo ang nasa Kanyang kalagayan, kung tayo ang dadanas ng lahat ng pagdustang ito, mahubaran, insultuhin, labis na pagpapahirap, at pagpako, hindi lamang sa harap ng ating pamilya o asawa, o maging sa mga mahal sa buhay, kundi sa harap ng ating mga kaaway, tayo’y maaaring mabaliw bago mamatay! Si Jesus ay pinako, upang makita ng lahat ang Kanyang kahihiyan, hindi sa isang nakakubling dako, kundi sa mataas na dako, upang lahat ay maiduro ang kanilang mga daliri at duraan Siya.
Higit na pasakit, dalamhati, at paghihirap ang dinanas ni Cristo bago ang Kanyang pagpako. Bago Siya ipako sa Krus, tiniyak ng mga tao na Siya’y dadanas ng lahat ng uri ng mga paghihirap. Siya’y dinala sa maraming tao at hinatulan sa kanilang harapan, dinuraan, at ang Kanyang mukha’y sinampal ng isang lingkod ng mataas na saserdote. Siya’y dinuraan! Sinampal ang Kanyang mukha, hinagupit, at Siya’y pinagbabato! Si Jesus na Mesias ay dumaan sa lahat nitong pagsisiil ng walang dahilan kundi alang-alang sa atin!
Sinasabi ng Kasulatan sa atin na Siya nga’y siniil alang-alang sa atin, sinasabing, “Nguni’t Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5). Ang Mesias ay dumaan sa gayong mga paghihirap upang Kanyang iligtas lahat ng tao pati na ang mga Israelita mula sa kanilang mga kasalanan at sumpa. Kinuha ng Mesias ang mga kasalanan ng mundo at tinupad lahat ng Kanyang ministeryo bilang Mesias sa pamamagitan ng pagsisiil ng Kanyang sariling bayan, ang mga sundalong Romano, at mga maraming tao sa ibang bansa.
Inihula ng Diyos na ililigtas ng Mesias ang mismong mga taong kumalaban sa Kanya mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan—gayon nga, mula sa lahat ng kanilang mga kasalananang nagawa ng buong sangkatauhan—tulad ng inihula, si Jesu-Cristo nga’y naparito bilang Mesias, dumanas ng lahat ng pagsisiil, at niligtas ako at ikaw mula sa ating mga kasalanan at sumpa sa pamamagitan ng pagdanak ng Kanyang dugo.
Tayo nga’y naligtas sa kasalanan at sumpa ng kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Mesias ay di-talaga dumating ng hindi binabayaran ang halaga ng pag-aalay. Ito’y dahil si Jesu-Cristo ay naparito at hinarap lahat ng gayong pagsisiil upang tayo ngayo’y maging walang kasalanan, at dahil sa Mesias na ito nahatulan para sa lahat ng ating mga kasalanan upang tayo, sa pamamagitan lamang ng pananalig ng ating mga puso, ay makamit ang handog ng kaligtasan at kapatawaran ng kasalanan, at maging mga anak ng Diyos. Ito’y dahil sa ating Mesias na tayo’y naging taong maligaya.
Dapat nating pasalamatan ang Mesias sa pagbibigay sa atin ng kaligayahan at pagkakaloob sa atin ng Kanyang mga pagpapala. Ang kaligtasang binigay ng Mesias sa atin ay nagmula lamang sa ating pananalig, bagaman wala tayong binigay sa Kanyang handog na sariling atin, Siya mismo’y nagbigay ng Kanyang walang-kasinghalaga alay sa Diyos Ama. Dapat tayong manalig na ang Diyos mismo ang nagligtas sa atin sa pamamagitan ng pagdanas ng lahat nitong pagsisiil, at dapat nating Siyang pasalamatan.
Makinig, O Israel, Manumbalik at Manalig kay Jesu-Cristo
Ang bayan ng Israel ay dapat ngayong magsisi at manalig kay Jesus na Mesias bilang kanilang Tagapagligtas. Maging hanggang sa pagkakataong ito, ang mga Israelita’y hindi kinikilala na ang kanilang Mesias ay naparito na. Tulad ng lahat ng inihula ni Propeta Isaias na ang Mesias, ang Lingkod ng Diyos, ay paparito sa mundo, at tulad ng sinabi nitong Salita ng hulang sinabi sa atin na ang Mesias ay paparito, ililigtas tayong lahat sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagpako sa Krus, tinupad nga ni Jesus lahat ng Kanyang mga gawa ng kaligtasan. Ang bayan ng Israel ay dapat manumbalik, alamin at maniwala sa katotohanang ito. Dapat nilang tanggapin ang kasalanan ng kanilang sariling bayang nagawa sa pagpapako kay Jesus. At dapat nilang kilalanin ang kanilang tunay na mga sarili bilang isang kumpol ng kasalanan mula pa sa pagsilang, at sa pamamagitan ng pananalig ngayon sa Mesias sila’y maliligtas sa lahat ng kanilang mga kasalanan at sumpa ng kasalanan.
Wala ng iba pang Mesias. Dahil si Jesus ay naparito bilang Mesias, wala ng iba pang Mesias. Paano magkakaroon ng iba pang Mesias? Paano magkakaroon ng iba pang Tagapagligtas? Kapag ang bayan ng Israel ay dadaan ng higit sa paghihirap sa hinaharap, aasam ba sila sa uri ng bayani ng Hollywood, tulad ni Superman, lilitaw at magiging kanilang Mesias?
Kahit pa ngayon, ang mga Israelita’y dapat kilalanin si Jesu-Cristo bilang kanilang Mesias. Dapat silang maniwala na si Jesus nga’y kanilang sariling Mesias. Ang kanilang Mesias nga’y naparito na 2,000 taong nakalipas, at upang kuhanin ang kanilang mga kasalanan at gawin silang tunay na mga anak ni Abraham, Siya’y binautismo, tulad ng pagtuli sa kanila, at napako, lahat upang sila’y magkamit ng espirituwal na pagtutuli. Ang Mesias ay naging tunay na Tagapagligtas ng bayan ng Israel sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang mga kasalanan sa Kanyang bautismo, pagdala ng Krus at pagbubo ng Kanyang dugo upang siilin, at pagbangong muli mula sa kamatayan.
Ang mga Israelita’y dapat magsisi upang manalig sa Mesias. Dapat sila ngayong manalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Mesias. Ang natitira na lamang na dapat matupad ngayon ay ang pananalig ng mga Israelita kay Jesu-Cristo bilang Tagapagligtas. Dapat nilang mabatid na ang Mesias na inihula ni Isaias ay si Jesu-Cristo. Dapat nilang mabatid at manalig na ang Taong inihula ay walang iba kundi si Jesus mismo. Ang mga hula sa Lumang Tipan ay natupad lahat sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, walang iniwan kahit pa ang pinakamaliit na pagtitik. Sa pangunahing talata, sinasabing maraming mga bansa ang mawisikan.
Sinabi sa Isaias 52:14-15, “Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang Kaniyang mukha ay napakatutuwa kay sa kaninong lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng tao). Gayon Siya magwiwisik sa maraming bansa; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa Kaniya: sapagka’t ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.”
Sa pagparito sa mundo, si Jesu-Cristo’y naharap sa mga kahirapan na higit kaysa sa naranasan ng sinumang mga kriminal na nahatulan ng kamatayan. Inialay Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagdanas ng higit pang sakit at pagsisiil kaysa sa sinumang kriminal, lahat upang maging Kanya ang buong sangkatauhan. Kanyang niligtas ang Kanyang bayan na magkakamit ng kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya. Ganito kung paano Niya niligtas sila.
Ang tao’y makaririnig ng kahanga-hangang balita ng kaligtasan, na kanilang hindi pa naririnig ni nakikita. Lahat ng mga hindi pa nakarinig na ang Mesias ay si Jesu-Cristo ay tiyak na maririnig at di-maglao’y mananalig.
Si Jesus ang Mesias, na Minsang Pumarito at Paparitong Muli
Ngayon, tayo’y papalapit na sa mga huling araw. Ito’y magiging panahon ng kamatayan at mga kapighatian. Ang mga nananalig sa Mesias, gayon pa man, hindi matatakot sa kamatayan. Sa kabilang dako, sila’y naghihintay ng lubos sa kanilang kaligayahan ng Langit at kanilang pagbangong-muli na susunod sa kanilang kamatayan. Na ang kadilima’y bababa sa mundo hindi nangangahulugang tayong mga matuwid, ay madirimlan din. Kapag ang ebanghelyong ito’y lubos na napalawig, ang Mesias ay tiyak na darating.
Si Jesu-Cristo, ating Mesias, naparito bilang Cordero ng Diyos, bilang haing ihahandog, at ang Kanyang katawang binautismo kay Juan, at inaalay ito sa Krus. Tulad ng isang tupa sa kanyang manggugupit, si Jesus na Mesias ay tahimik na kinuha ang ating mga kasalanan, humarap ng mga matinding paghihirap sa pamamagitan ng pagpasan ng ating sariling sumpa ng kasalanan sa Krus, bumangong muli sa kamatayan sa ikatlong araw, at sa gayo’y naging ganap na Tagapagligtas sa lahat ng mga mananalig.
Tanging iilan ang nakakaalam na ang Mesias ay si Jesu-Cristo sa panahong iyon. May mga iilang nakakaalam na si Jesu-Cristo ay naging ating Mesias sa pamamagitan ng tahimik na pagsilang sa mundong ito halos 2,000 taong nakalipas, pinatunayan ng ebanghelyo ng Kaharian ng tatlong tao matapos ang Kanyang bautismo, kamatayan sa Krus, at pagbangong muli sa kamatayan. Ang iilan, na naghanap at nanalig sa Diyos, pinatotoo na ang ating Panginoon ay ang tunay na Mesias na tahimik na tumupad ng lahat ng Kanyang mga gawa.
Ang mga lingkod ng Diyos na nagkalat ng balita sa buong mundo na niligtas tayo ng Mesias sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagparito at pagsisiil. Ang Diyos mismo, sa katotohana’y, ang nagkakalat ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pagtulot ng imprentang pamamaraan upang sumulong, sa pamamagitan ng pag-usad ng salaysay ng mundo, at sa pamamagitan ng pagpapayaman at pagpapalakas sa mga bansang nangangaral nitong ebanghelyo.
“Si Jesus ay ang Mesias. Si Jesus ay ang Mesias. Si Jesus ay ang Mesias! Kung ika’y mananalig na si Jesus ay iyong Mesias, ika’y maliligtas. Si Jesus ay ang Anak ng Diyos. Si Jesus ay ang Lumikha ng buong kalawakan. Siya’y Diyos. Siya ang Mesias na ating Tagapagligtas.” Ang mga lingkod ng Diyos ay patuloy na nangangaral sa tao na si Jesus ay ang Mesias, at ukol din sa Kanyang bautismo, Kanyang kamatayan sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli.
Iilang mga kabataan ng Israel ang nakabatid sa 2,000 taong nakalipas, isang lalaking nangangalang Jesus ay naparito, at nang Siya’y 30 taong gulang, Kanyang kinuha ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan. Sa panahong iyon, tanging mga alagad ni Jesus ang nakakaalam na Siya ang Mesias, at ang kaalamang ito’y ibinahagi lamang sa iilang tao na talagang may takot sa Diyos—lahat ng natitira’y nanatiling di-naaalala ang katotohanang ito. Lahat, halos 500 mga hinirang (1 Corinto 15:6) sa bansang ito ng Israel ang nakakaalam na pinasan ng Mesias ang mga kasalanan ng sanlibutan sa Krus, na Siya’y namatay, at Siya’y bumangong muli mula sa kamatayan. Ang iba’y walang nalalaman.
Sa ika-limampung araw mula ng mamatay si Jesu-Cristo at Kanyang pagbangong muli, ang Banal na Espiritu’y bumaba sa Kanyang mga alagad. Nang ang mga alagad ni Cristo’y nagdasal sa dakong itaas, ang Banal na Espiritu nga’y bumaba sa kanila, sila’y nagsipagsalita ng iba-bang wika at nagpatotoo na ang Mesias ay si Jesu-Cristo. Pagkatapos, ang Kanyang mga alagad, walang-takot sa kamatayan, matapang na nagpatotoo, “Si Jesus ang Mesias. Ang Mesias ay ang ating Tagapagligtas. Ang nagbangong-muling si Jesus ay ang ating Mesias.” Maraming tao samakatuwid ang nanalig sa panahong yaon.
Sa pamamagitan ni Jesus na Mesias, niligtas nga ng Diyos ako at ikaw mula sa lahat ng ating mga kasalanan at sumpa ng kasalanan. Dahil Siya’y dumanas ng matinding pagsisiil upang tayo nga’y iligtas sa ating mga kasalanan at kahatulan, dapat nga tayong manalig sa Kanya; yaong di-nananalig ay dapat magsisi, manumbalik at manalig din; at dapat nating palawigin ang katotohanang ito na may pananalig.
Ang bayan ng Israel, sa katotohanan, ngayo’y nangatatakot sa isang malubhang kalagayan. Samakatuwid dapat nilang pakinggan itong Salita ng Tabernakulong sinabi ng Diyos sa kanila. Tayo rin ay papalapit na sa mga huling araw. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa pamamaraang paghahandog sa Tabernakulo ay tiyak magbibigay-daan sa mga Israelita. Sila rin, ay mananalig na si Jesu-Cristo nga’y ang Mesias na winika ng Diyos sa kanila.
Sinabi na ng Diyos sa bayan ng Israel ukol sa pamamaraan ng paghahandog, at sila’y nanalig dito. Sa katotohana’y, hangad pa rin nila ang magbigay ng mga handog sa Diyos ayon sa pamamaraang paghahandog sa Tabernakulo. Sa mga Israelita, may mga iba pa ring “fundamentalistang” naninirahan sa ilang. Kahit ngayon, ang mga taong ito’y naninirahan sa ilang nagbibigay ng mga handog sa paraang ito. Sila’y nagbibigay ng uri ng mga handog na minsang iniaalay sa Tabernakulo noon. Malamang sila’y mga inapo ni Aaron. Upang panatilihin ang mga trandisyong ng pamilyang ito, sila’y nanirahan sa ilang sa halip sa mga lungsod. Bagaman sila’y mga Israelita, sila’y naninirahang bilang isang hiwalay na lipi, hiwalay sa mga ordinaryong tao. Sa mga taong ito rin, dapat nating ipangaral ang Salita ng Tabernakulo na ang Mesias ay naparito na sa atin at niligtas na tayo ayon sa ating pananalig.
Dapat nating pasalamatan si Jesus sa pagparito sa mundo, sa gayo’y siniil, at sa paghatol sa halip na tayo, lahat upang iligtas ako at ikaw, bilang ating Tagapagligtas, mula sa ating mga kasalanan at sumpa ng kasalanan.
“Ang Pag-ibig ay kasing-lakas ng Kamatayan, Pagseselos kasing-lupit ng Hukay”
Na tayo nga’y naligtas mula sa lahat ng ating mga kasalanan at hatol ng kasalanan ay hindi nakamit sa pamamagitan ng isang aksidente lamang, na parang ito’y dumating na isang paghahatid ng liham. Ang ating kaligtasa’y hindi ibang uri ng “chain letters” na laging sinasabi sa atin na kailangan nating ipasa ang mga ito sa higit na 20 tao kundi tayo’y mapaparusahan. Ni ang ating kaligtasan sa kapatawaran ng kasalanan ay tulad ng yaong maraming mga maliliit na babasahing patalastas dalawa-para-sa-isang-pizzang inaalok, kung saan maaari tayong tumawag at busugin ang ating tiyan sa kasiyahan ng ating mga puso.
Ang ating kaligtasan, sa katunayan, dumating sa pagsugo ng Diyos sa Kanyang Anak sa atin, sa pamamagitan ng pagsalin ng lahat ng ating mga kasalanan sa Kanya, at sa pamamagitan ng Kanyang paghihirap at pagsisiil para sa lahat ng ating mga kasalanan. Ito ay kung bakit ikaw at ako ay dapat buong-pusong manalig sa Kanya at pasalamatan Siya. Nalalaman na ang ating kaligtasan ay dumating, paanong ang iba sa ati’y maitatapon na parang isang pares na sapatos na gutay-gutay, isantabi parang isang walang-silbi at sirang gamit na nakatambak sa atik, o ipagwalang-saysay ito parang ito’y pagmamay-ari ng ibang tao?
Mayroon ba sa inyo yaong, kahit dumadalo sa Iglesia ng Diyos, ay hindi pa natatamo ang kapatawaran ng kasalanan? Mayroon ba sa inyo ang hindi pa nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Kung mayroon nga sa inyo na gayong tao, dapat silang magsisi at manalig sa Mesias bago mahuli ang lahat. Kung ika’y naliligaw, at di-tiyak ang daang tinatahak, manalig lamang sa Salita ng katotohanan ng iyong buong puso. Yaong di-nananalig ay tinatanggihan itong pag-ibig ng Anak ng Diyos, ang pag-ibig na kung saan sila’y Kanyang niligtas sa pamamagitan ng pagdanas nitong lahat ng mga paghihirap wala ng iba pa kundi alang-alang sa atin.
Ang mga nagmamaliit sa kahalagahan ng Kanyang pag-ibig at tumatanggi nito ay hahabulin ng mga sumpa. Sinasabi ng Kasulatan sa atin, “Sapagka’t ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol” (Awit ni Solomon 8:6). Ang pag-ibig ng Diyos ay matatag at dakila na nagbibigay ng pinakamalupit na parusa sa mga taong tumatanggi sa huli. Sinasabi sa atin, kapag ang isa’y namatay habang nananatiling nagkakasala, siya nga’y dadanas ng walang-awang hirap ng impiyerno tulad ng libingan. Ang pamumuhi’y kasing-lupit ng libingan. Kapag ang Mesias ay lubos na umibig sayo ng gayon, nang Siya’y binautismo, nagbubo ng Kanyang sariling dugo, dumanas ng lahat ng uri ng pagsisiil, upang iligtas ka lamang, kung hindi ka mananalig sa pag-ibig na ito at tanggihan, ika’y tiyak na dadanas nitong malupit na pasakit. Walang iba kundi ang impiyerno.
Sinabi nga ng Diyos, “At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Hebreo 9:27). Kapag tayo’y mamatay, ang ating laman ay magtatapos, nguni’t sa Diyos, hindi ito ang ating katapusan. Upang malupit na mayurakan ang mga tumatanggi sa pag-ibig ng Diyos, itinulot ng Diyos na sila’y mabuhay magpakailanman at di-mamamatay, at ito nga’y magdadala sa kanila ng walang-awang paghihirap. Kanya silang itatapon sa nagliliyab na apoy magpakailanman, at lahat sila’y pahihirapan ng walang-patid, walang-katapusan, at magpakailan kailanman. Ang malupit na hirap na ito’y walang iba kundi ang malupit na galit ng Diyos. Wari mo ba’y hindi magagawa ito ng Diyos? Huwag mong kalimutan na walang imposible sa Diyos!
Ang dakila at sukdulang pag-ibig ng Diyos sa atin, sa pamamagitan ng pagtitiis ng Kanyang sarili alang-alang sa atin, niligtas tayo sa lahat ng ating mga sumpa, lahat ng ating mga kasalanan, at lahat ng ating hatol. Anong makalulutas ng lahat ng iyong mga suliranin ay itong pag-ibig ng Mesias. Tunay, wala ng hihigit pa kaysa sa pag-ibig ng Mesias. Kung walang pananampalataya sa Mesias, ang pag-ibig ng Diyos ay di-mapapasaatin. Itong pag-ibig ay bigay lamang ng Diyos, ang Siyang naging ating Mesias, at ang Kanyang Ama ang nagsugo sa Kanya sa atin. Ang Makapangyarihang Diyos sa tatlong persona ay umibig sa atin sa ganitong paraan, at niligtas tayo mula sa mga kasalanan at sumpa. Ito ay kung bakit kailangan tayong manalig sa Mesias, bakit dapat tayong magpasalamat sa Kanya, bakit kailangan tayong lumuwalhati sa Kanya, at bakit kailangan tayong masiyahan sa ating pananalig sa Mesias.
Anong pasasalamat na ibinigay ng Mesias sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Kung bawa’t isa’y di-nalalaman kung gaaano walang-kasing halaga ang pag-ibig na ito, kung paanong hindi ito maipagpapalit sa anumang bagay sa mundong ito, siya marahil ang isa sa pinaka-mangmang at hangal na tao. Gaano nakatatakot ang mga kahirapan at mga pasakit ang napagdaanan ng ating Panginoon para sa atin? Dahil tayo’y lubos na nagpapasalamat sa Kanyang pag-ibig, bagaman tayo’y di-sapat, atin pa ring inaalay lahat ng ating mga natitirang kalakasan sa pagkalat nitong pag-ibig sa mga nananatiling mga mangmang nito.
Upang gawin ang gayong mga gawain ng Diyos, dapat din tayong maharap sa mga paghihirap at mga pasakit. Hindi tayo makakahanap ng kasaganaan para lamang sa ating mga sarili. Kung tayo nga’y naligtas dahil sa pagkamit ng Kanyang pag-ibig na pag-aalay at pagbihis nito, dapat din nating ibahagi itong pag-ibig sa iba. Tulad lamang ng kinaharap ni Jesu-Cristo sa lahat ng Kanyang pagtitiis upang ang ating mga kasalanan ay maglaho, hindi sa pag-ibig sa laman, kundi sa Kanyang tunay na pag-ibig, dapat din nating gawin ang Kanyang mga gawain sa pananalig, handang yakapin ang mga pasakit, pagsisiil, pagmumuhi, kahirapan at paghamak, kung ang mga ito’y nangangahulugang makakatamo ang iba ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Tayo’y dapat na magtiis sa gayong pagmumuhi sa ngalan ng pag-ibig. Kung ikaw at ako’y tunay na nagtamo ng kapatawaran sa kasalanan, kung gayon naniniwala ako na ang gayong pag-ibig ay makikita sa ating mga puso.
At ang isinilang na muli, yaong nakakaalam kung sino talaga sila at kung gaano ang dakila at tindi ng pag-ibig ni Jesus sa kaligtasan, ay mamumunga. Ang mga ligtas ay mga punongkahoy na namumunga ng kaligtasan, “Sapagka’t ang punongkahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga” (Mateo 12:33). Bago ka maligtas, ika’y lubos na nakalubog sa iyong mga kasalanan, at kaya hindi ka makapagreklamo kung ikaw nga’y patungong impiyerno. Subali’t ika’y naniniwalang ang Diyos ay iyong naging Tagapagligtas dahil sa pagparito sa laman ng isang tao at pagsisiil alang-alang sa iyo, at sa pamamagitan ng pagtitiis alang-alang sa iyo niligtas ka Niya mula sa kasalanan at sumpa. Sa pamamagitan nga ng pananalig, ika’y naligtas. Kung ikaw nga’y nagtamo nitong pag-ibig, kung gayon ikaw at ako’y dapat tiyaking may pusong hangad na mabuhay para sa iba.
Kung mayroong walang gayong puso, hindi niya natamo ang kapatawaran sa kasalanan. Upang maging eksakto, ang taong ito’y nagkukunwari lamang na nagtamo ng kapatawaran sa kasalanan.
Tulad ni Jesus na naharap sa lahat ng Kanyang mga pagtitiis at niligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan at sumpa dahil inibig Niya tayo, kung gayon ang pag-ibig na ito’y makikita sa ating mga sariling puso. Bakit? Dahil si Jesus ngayo’y nananahan sa ating mga puso. At Siya’y siniil alang-alang sa atin at naharap sa mga paghihirap alang-alang sa kanila. Dahil tayo na tumanggap ng kapatawaran sa kasalanan ay wala ng kasalanang natitira sa ating mga puso, ang ating mga puso’y nabago na, naging katulad ng puso ni Jesu-Cristo.
Nagpapasalamat ako kay Jesu-Cristo sa pagparito sa mundo, sa pagbautismo at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, sa pagyakap sa lahat ng Kanyang mga pagtitiis alang-alang sa atin, at sa pagiging gayong ating Mesias na nagligtas sa atin mula sa lahat ng ating mga kasalanan.