• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-3] Si Yahweh ang Buhay na Diyos (Exodo 34:1-8)

2021.04.13 97
(Exodo 34:1-8)
“At sinabi ng Panginoon kay Moises, ‘Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at Aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira. At iyong ihanda sa kinaumagahan, at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa Akin sa taluktok ng bundok. At sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo, o makikita ang sinomang tao sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon.’ At siya’y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan, at sumampa sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas ng bato. At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at itinanyag ang pangalan ng Panginoon. At ang Panginoo’y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, ‘Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin.’ At nagmadali si Moises, at itinungo ang kaniyang ulo sa lupa at sumamba.”
 
 
Kailangan Nating Malaman kung Sino Talaga itong Diyos na Siyang ating 
 
Tayo’y magsimula sa pagbubuklat sa Exodo 3:13-16: “At sinabi ni Moises sa Dios, ‘Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, ‘Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang,’ at sasabihin nila sa akin: ‘Ano ang Kaniyang pangalan? Anong sasabihin ko sa kanila?’ At sinabi ng Dios kay Moises, ‘AKO YAONG AKO NGA.’ At Kaniyang sinabi, ‘Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.’ At sinabi pa ng Dios kay Moises, ‘Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ng Israel, ‘Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, ng Dios ni Jacob: ito ang Aking pangalan magpakailanman, at ito ang Aking pinakaalala sa lahat ng mga lahi. Yumaon ka at tipunin mo ang mga matanda ng Israel, Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob; ay napakita sa akin, na nagsasabi, tunay na kayo’y Aking dinalaw, at Aking nakita ang ginagawa sa inyo ng Egipto.’”
 
 
Sino ang Diyos na si Yahweh?
 
Ang pangalan ng Panginoon sa Hebreo ay Yahweh o Yhwh, sa tradisyon ay Jehova, at ang ibig sabihin ng Yahweh Siya’y nabubuhay sa Kanyang sarili. Ang Diyos ay, sa ibang pananalita, hindi isang nilalang, nguni’t Siya’y nabubuhay sa pamamagitan ng sarili Niya lamang, ang Manlilikhang gumawa ng buong kalawakan at lahat ng bagay nito.
Ating tignan ang Exodo 6:2-7: “At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, ‘Ako’y si Jehova. At Ako’y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni’t sa pamamagitan ng Aking pangalang Jehova, noon ay hindi Ako napakilala sa kanila. At Akin ding pinapagtibay ang Aking tipan sa kanila na ibibigay Ko sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain ng kanilang pakikipamayan, na kanilang pinakipamayanan. At bukod dito’y Aking narinig ang hibik ng mga anak ni Israel na mga binibinbin ng mga Egipcio sa pagkaalipin; at Aking naalala ang aking tipan. Kaya’t sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Ako’y si Jehova at Aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio, at Aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, at Aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan. At kayo’y Aking aariin na pinakabayan Ko at Ako’y magiging sa inyo’y Dios, at inyong makikilala na Ako’y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.’”
Sa talatang 3 ay sinasabi: ‘Ako’y si Jehova. At Ako’y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni’t sa pamamagitan ng Aking pangalang Jehova, noon ay hindi Ako napakilala sa kanila.” Sa King James Version, ang mga salitang “sa pamamagitan ng ngalan ng Panginoon” ay nasusulat bilang “sa pamamagitan ng ngalan ni JEHOVA.” Ang ibig sabihin salitang JEHOVA sa Hebreo ay “ang Siyang nabubuhay” o “ang angkop na pangalan ng isang tunay na Diyos.” Hindi pinaalam ng Diyos ang Kanyang pangalan sa sangkatauhan noon. Kaya ang tao sa panahong iyon ay tinatawag Siya bilang Diyos. Nguni’t ngayon, upang iligtas ang bayan ng Israel, itinulot ng Diyos na ang Kanyang pangalang Jehova ay makilala ng lahat ng tao sa mundong ito. “Ako si Jehova. Ako si Yahweh. Ako ay Ako, Siyang nananatili sa pamamagitan ng Kanyang sarili.” Samakatuwid ninais ng Diyos na makikila Siya.
Ang Diyos ay Siyang nananatili sa pamamagitan ng Kanyang sarili, “ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob.” Siya’y nabubuhay kahit pa bago ang pinakamatandang panahon, kahit pa ang pinakauna sa lahat ng bagay. Ang Diyos, ay nabubuhay at nananatili magpawalang-hanggan. Itinulot ng Diyos na ang bayan ng Israel, ang mga anak ni Abraham, upang maging alipin sa Ehipto ng 430 taon, at pagkatapos Kanyang pinangako na sila’y palalayain mula sa kanilang pagkakaalipin at akayin sila sa lupa ng Canaan. Tulad ng Kanya ngang pinangako, ang Diyos na Jehova ay nagpakita matapos 430 taon, at inutos kay Moises na palayain ang bayan ng Israel mula sa pag-uusig ni Faraon. “Ako si Jehova. Ako ay Ako, iyong Diyos. Palayain mo ang Aking bayan.” Alang-alang sa Kanyang bayan, pinakita ang Kanyang sarili kay Moises, at inutos kay Faraon na palayain ang Kanyang bayan, dahil nalalaman ng Diyos Jehova ang mga pagtitiis ng bayan ng Israel. Dahil nalalaman Niya na ang Kanyang bayan ay dumadaing sa kanilang mga paghihirap, sinabi ng Diyos na palalayain Niya sila mula sa kanilang pagkakaalipin.
Matapos ang 430 taon mula ng Kanyang pangako kay Abraham, ang Diyos ay nagtungo sa bayan ng Israel at Siya’y nagpakita sa kanila. “Ako ang Jehova. Ako ang Diyos. Ako’y naparito upang tuparin ang pangakong Aking sinabi kay Abraham, na inyong ama, na Aking aakayin ang kanyang mga anak mula sa Ehipto tungo sa lupain ng Canaan. At nalalaman Ko rin ang inyong mga paghihirap. Kaya tumungo ka kay Faraon at sabihin sa kanya.” Ito ang sinabi ng Jehova Diyos.
Dapat nating malaman na ang Diyos sa katunayan ay ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Jacob. Ang Diyos ay ating sariling Diyos din. Ano, kung gayon, ang Kanyang ngalan? Ang Kanyang pangalan ay Yahweh, ibig sabihin Siya’y nananatili sa pamamagitan ng Kanyang sarili. Ang Diyos ay nabubuhay kahit bago pa ang paglalang sa kalawakan, Siya na nananatili sa pamamagitan ng Kanyang sarili, na ang Kanyang katauha’y hindi likha ninuman, kundi sa pamamagitan ng Kanyang sarili. 
 
 
Dapat nating Maunawaan ang Kahulugan ng Pangalan ng Diyos 
 
Kapansin-pansing dapat nating malaman at maniwalang ang Diyos ay ang Siya ngang nananatili sa pamamagitan ng Kanyang sarili, ang Siyang lumikha sa atin, naghahari sa atin, at nagligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan. Dapat tayong manalig sa Diyos Yahweh bilang ating makapangyarihang Diyos, dahil ang Diyos Yahweh sa katotohana’y lumikha ng buong kalawakan, at patuloy na nananatili hanggang ngayon.
Tulad ng bayan ng Israel, ikaw at ako’y naniniwala sa Diyos, at tinanggap ang Kanyang mga utos sa Kanyang harapan. Tulad ng kabiguan ng bayan ng Israel sa pagtalima sa Kautusan, tayo rin, ay nabigong mamuhay sa Kautusan. Tulad niyaon, dahil sa ating mga kasalanan, sa ibang pananalita, tayo nga’y hindi makatatakas mula sa Kanyang paghatol dahil sa ating mga kasalanan.
Ito ang dahilan kung bakit bawa’t isa sa atin ay dapat magbayag ng pantubos sa Diyos upang bayaran ang kanilang mga kasalanan. Upang maligtas mula sa ating mga pagkakasala, kailangan nating ibigay sa Diyos Ama ang mga kabayaran ng ating pagbabayad-puri katumbas ng ating sariling buhay, sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Kailangan nga nating ibigay ang pag-aalay ng handog katumbas ng ating sariling buhay upang magbigay kasiyahan sa Kanyang matuwid na hatol at upang ipahayag ang habag na pag-ibig ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagbabayad-puri ng buhay para sa ating mga kasalanan ang kapayapaan ay manunumbalik sa pagitan ng Diyos at tayong sangkatauhan. Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya tayo maaaring maligtas mula sa lahat ng ating mga kasalanan at sumpa.
Dahil ito ang ang pangyayari, sa tuwing tayo’y lalapit sa Diyos, kailangan nating tanggapin, dahil sa mga kasalanan ating nagawa sa Kanya, wala tayong magagawa kundi ang mahatulan at parusahan dahil sa mga kasalanang ito. Kapag tayo’y nanalig sa Diyos bilang ating Tagapagligtas, dapat nating mabatid at tanggapin na tayo’y patungong impiyerno dahil sa ating mga kasalanan, at manalig sa Mesias, na Siyang nagbayad ng ating mga kasalanan at nagligtas sa atin mula sa sumpa ng kasalanan, bilang ating sariling Tagapagligtas. Kapag tayo’y lumalapit sa Diyos, dapat tayong manalig sa bautismo at dugo ni Jesus, ang pag-aalay ng handog sa ating mga kasalanan, manalig sa Kanya bilang Mesias, at kilalanin Siya ng gayon. Dapat nating tanggapin na tayong lahat ay naging mga makasalananan sa harap ng Diyos dahil sa ating kabiguang sumunod sa Kanyang mga utos, at dapat tayong manalig na si Jesu-Cristo ang Mesias na nagligtas sa atin. 
Dapat nating mabatid na hindi tayo makaiiwas kundi ang pasakop sa sumpa ng kasalanan sa Diyos. Sa gayon sa pamamagitan ng pagtanggap ng ating pagkakasala, tayo’y nararapat na magkamit ng pagpapala ng kapatawaran ng kasalanang binigay ng Diyos sa atin, at tayo’y makapagtatayo ng pundasyon ng ating pananalig ng matamo ang awa ng Diyos at magkamit ng Kanyang kapatawaran ng kasalanan.
Upang tayo’y maging Kanyang sariling mga anak, tayo’y nilikha ng Diyos sa Kanyang sariling anyo, nguni’t itinulot Niya tayong maisilang sa kahinaan. Bilang mga inapo ni Adan, tayong lahat ay isinilang bilang mga makasalananan, nguni’t ito ang masidhing kaloob ng Diyos upang tayo’y Kanyang maging mga anak.
Tayo ang mga nilalang na di-makaiiwas kundi ang mahatulan dahil sa ating mga kasalanan, upang tuparin ang Kanyang kalooban, sinugo ng Diyos ang Kanyang sariling Anak sa atin, at pinatawad tayong lahat sa ating mga kasalanan. Si Jesus, ang Anak ng Diyos, tinanggap ang Kanyang bautismo at namatay sa Krus bilang pagsunod sa layon ng Diyos. Samakatuwid ang Jehova Diyos ay nagbigay ng bagong buhay sa atin na nananalig na ang lahat ng mga kasalanan ng mundo’y isinalin sa Kanyang Anak sa pamamagitan ng Kanyang bautismo mula kay Juan, na Kanya tayong niligtas sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus, at Kanyang pinasan lahat ng sumpa ng ating mga kasalanan.
Ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo ay ang mga handog na pang-alay na magiging sapat para itulot tayo, kapag tayo’y nanalig, na tumanggap ng bagong buhay, upang maligtas mula sa ating mga kasalanan, at maging mga anak ng Diyos. Dapat tayong maligtas mula sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig, at sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino, dapat tayong magkaroon ng uri ng pananampalatayang magpapahintulot sa atin na maging bayan ng Diyos. Ito ang tiyak na katotohanan, na yaong may gayong pananalig ang siya ngang magiging sariling bayan ng Diyos.
 
 
Lahat ng mga diyos ng mga Relihiyon ng Mundong ito ay Pawang mga Nilalang na Likha ng Tao
 
Maliban sa Jehova Diyos, si Jesu-Cristo, at ang Banal na Espiritu, lahat ng mga diyos ay mga makamundong diyos lamang na likha ng tao. Maliban sa Diyos, walang iba pa ang nabubuhay. Itong dahilan kung bakit sinabi ni Yahweh, “Ako ay Ako.”
Mayroon ba, kung gayon, ang nabubuhay sa kanyang sarili? Si Budda ay isinilang mula sa sinapupunan ng kanyang ina, kaya siya’y isang nilalang lang ng Diyos. Maging si Confucius, at gayon din si Mohammed, dahil silang lahat ay isinilang mula sa kanilang mga magulang, at samakatuwid ay pawang mga nilalang na likha ng Diyos. Ang mga estatwa ni Budda na ginawa at inukit ay mga pawang likha rin ng tao, yari sa mga bato at mga bakal na likha naman ng Diyos mismo. Lahat ng bagay, mula sa araw hanggang sa buwan, mga bituin, tubig, ang hangin, at mga binubuo ng mga mundo sa kalawakan, ay mga likha ng Diyos. Walang isang bagay sa mundong ito na hindi likha ng Diyos. Maging mga anghel, mga espirituwal na nilalang, ay likha ng Diyos.
Tanging ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at Jacob, na ating pinapaniwalaan, ay ang Diyos Yahweh. Ang Diyos Yahweh ay hindi likha ninuman. Tanging Siya ang nabubuhay sa pamamagitan ng Sarili, tanging Siya lang ang Manlilikha ng buong kalawakan, at tanging Siya lang ang lumikha sa iyo at sa akin. Tanging itong Yahweh Diyos ang naglayon sa Kanyang sariling kalooban upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan at gawin tayong Kanyang sariling bayan.  
Dahil nilayon nga ng Diyos na tayo’y Kanyang isinilang sa mundong ito habang umiiyak at magbalik na walang dala, at dahil sa planong ito na Kanya tayong pinahintulot na maghirap sa mundong ito, upang walang tayong magawa kundi ang hanapin ang Diyos at katagpuin Siya.
Kapag ating sinasabi na nananalig tayo sa Diyos, dapat nga nating tanggapin na tayo ang mga uri ng nilalang, dahil sa ating mga kasalanan at mga kabiguan upang tupdin ang mga utos ng Diyos, hindi makaiiwas kundi maharap sa kamatayan, impiyerno, at mga nakatatakot na mga paghihirap sa harap ng Diyos. Bago tayo nanalig kay Jesu-Cristo na Mesias bilang ating Tagapagligtas, dapat muna nating kilalanin ang ating mga sarili bilang mga makasalananang di-maiiwasan kundi ang maharap ang nakatatakot na hatol ng kasalanan at mabulid sa impiyerno.
 
 
Si Yahweh ating Diyos ang Nakababatid ng Lahat at Makapangyarihan sa Lahat
 
Tanging ang Diyos ang Nakababatid ng lahat at Makapangyarihang Diyos na tunay na lumikha sa atin at naghahari sa sanlibutan. Matapos makilala ito, dapat ngayon nating aminin sa Diyos kung anong uri ng makasalanan tayo—ito ay, dapat nating aminin dahil sa ating mga kasalanan, hindi tayo makaiiwas kundi ang pasailalim sa nakatatakot na galit ng Diyos. At dapat tayong manalig sa katotohanang sa pamamagitan ng pananalig sa Cordero ng Diyos na naparito upang iligtas tayo mula sa lahat ng ating mga kasalanan, at sa pamamagitan ng pagsalin ng lahat ng ating mga kasalanan dito sa pag-aalay ng handog sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay sa Kanyang ulo, lahat ng ating mga suliranin ay malulutas. Tayo ang dapat na hatulan at mamatay sanhi ng ating mga kasalanan, nguni’t dahil sa pag-aalay ng handog na ito kinuha lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, ang ating mga kasalanan ay mahuhugasan. Dapat tayong maniwala sa katotohanang ito. Dapat nating kilalanin na sa pamamagitan nitong pag-aalay ng handog, ang Makapangyarihang Diyos, kung saan walang imposible, tayo nga’y nilagtas, tayo na hindi makaiiwas kundi ang mabulid sa impiyerno, mula sa lahat ng ating mga kasalanan. Ang mga taong nanalig ng gayon ay tunay na mga mananampalataya kay Jesu-Cristong Mesias.
Sa katunayan, isang kamalian ang maniwala sa Mesias sa sariling kagustuhan. Kapag ating sinabing naniniwala tayo sa Diyos, ang ating pananampalataya ay dapat naitatag sa pundasyon ng Biblia. At dapat nating italaga ang pinakauna at makapangyarihang pundasyon ng katotohanan sa Kanyang Salita, nagsasabing, “Ako ay Ako. Ako ang Jehova.”
Ang bayan ng Israel ay nabigong tupdin ang Kautusang inutos na Diyos sa kanila. Ang mga utos na binigay ng Diyos sa mga Israelita ay binigay din sa mga nabubuhay sa panahong ito. Kung nais mo talagang manalig sa Diyos, at kung talagang nais mong maging anak ni Abraham sa pamamagitan ng iyong pananalig, dapat mong kilalanin na binigay ng Diyos ang 613 mga utos hindi lamang sa mga Israelita, kundi pati sa atin, sa bawa’t tao sa mundong ito, at sa buong kalawakan. At dapat din natin talagang kilalanin na tayo’y nabigong tupdin ang utos, tulad ng mga Israelita, kaya tayo’y naitalagang mamatay, dahil “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23).
Dapat tayong manalig na pinatawad ng Diyos ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Upang maging gayon, ating hanapin ang katotohanan ng kaligtasan, kung saan niligtas tayo ng Panginoon mula sa ating mga kasalanan at sumpa ng ating mga kasalanan.
Bagaman nabigo sa pagsunod sa mga estriktong utos ng Diyos, kung hindi natin kikilalanin na tayo’y mga malubhang mga makasalanan, at kung hindi natin aaminin na tayo’y nakatakdang hatulan dahil sa ating mga kasalanan, kung gayon hindi tayo makakapagsampalataya sa Mesias. Kung ang tao’y naniniwalang sila’y makapapasok sa Langit kahit sila’y nananatiling mga makasalanan, kung saan sa katunayan, naitala na ng Diyos ang kanilang mga kasalanan sa Aklat ng Paghahatol, kanila ngayong pinapalitan ang Kautusan ng Diyos sa kanilang sarili, pagkakasalang tinatawag ang pangalan ng Diyos sa walang-kabuluhan. Ang gayong tao’y di-maaaring maligtas mula sa kanilang mga kasalanan. Sila’y hahatulan magpakailanman sa kanilang mga kasalanan, at mahahatulan sa parusa ng impiyerno, dahil kahit pa sila’y naniniwala sa Diyos o hindi, hindi nila kinilala ang Diyos. Ang mga taong ito ay dapat magsisi agad at talikdan ang kanilang hindi pananalig.
Kahit pa sa pagkakataong ito, ang Diyos ay nasa ating mga puso, at nananatili sa pamamagitan ng Kanyang Sarili sa mga puwang na ito. At batid Niya ang lahat ng bagay ukol sa atin.
Bagaman ang Diyos ay buhay, may mga taong hindi naniniwala sa Kanya, ang iba’y tinutuya Siya. Nguni’t tayong lahat ay nangangailangan ng pag-aalay ng mga handog para sa ating mga kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit hiningi ng Diyos sa mga Israelita na magbigay ng handog ng pagbabayad-puri sa pamamagitan ng kanilang pag-aalay ng mga handog sa dambana ng Tabernakulo ng sunugan ng handog, alinsunod sa pamamaraan ng kaligtasang tinakda ng Diyos.
Ang Diyos nga’y nabubuhay sa pamamagitan ng Kanyang Sarili. Siya sa simula, at Siya rin ngayon. Siya ang Diyos na nabubuhay, nagpakita, at nagwika sa ating mga ninuno ng pananampalataya matagal ng panahon, ang Siyang nabubuhay, nagpapakita, at nagsasalita sa atin ngayon, Siya na gumagawa kasama natin, umaakay sa atin, at naghahari sa ating mga buhay.
 
 
Ang Katotohanang Hindi natin Dapat Kalimutan 
 
Bagaman tayo’y ligtas na, mayroon isang bagay na hindi natin dapat kalimutan. Ito’y bagaman hindi natin maiiwasan kundi ang mahatulan magpakailanman, sa Kanyang bautismo at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, niligtas tayo ng ating Panginoon mula sa lahat ng sumpa ng ating mga kasalanan. Hanggang sa tayo’y humarap sa ating Panginoon, hindi natin dapat kalimutan ang katotohanang ito at laging manalig dito ng ating mga puso. Dapat tayong manalig kahit pa tayo’y nasa Kaharian ng Langit na nagpupuri sa Diyos. Tayo’y dapat magpasalamat sa Diyos sa pagtulot sa atin, na mga taong di-makaiiwas kundi walang-hanggang masumpa at mahatulan dahil sa ating mga kasalanan, ang manalig sa ating Panginoon bilang Tagapagligtas, at sa pagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.
Dapat nating kilalanin magpakailanman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Anong mangyayari kung hindi na aaminin na tayo’y nakatakdang mahatulan ng walang katapusan dahil sa ating mga kasalanan? Walang dahilan para sa atin na purihin ang Diyos. Tunay na niligtas tayo ng Diyos, ang mga mortal na nilalang na hindi makaiiwas kundi ang mahatulan magpakailanman dahil sa ating mga kasalanan. Ito ay kung bakit dapat tayong maniwala at purihin ang Panginoon—dahil tinanggap ng Panginoon ang Kanyang bautismo at dumanak ang Kanyang dugo alang-alang sa atin. Ito ay kung bakit, ikaw rin, ay dapat manalig, at ito rin kung bakit dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga nananalig sa bautismong tinanggap ni Jesus at ang dugong dumanak para sa kanilang mga kasalanan ay may pusong nagpupuri sa Diyos. Dahil niligtas tayo ng Panginoon mula sa ating mga kasalanan at kamatayan, araw-araw nilang pinupuri Siya sa kanilang pananalig.
Ang problema’y may mga ibang tao ang di-nauunawaan si Jesus. Ang kanilang kaalaman sa Kanya ay isang-panig at kalahati lamang. Ito ang mga uri ng tao na ang budhi’y may katiwalian, sila na di-nakikilalang sila’y nagkakasala, gayong sila nga’y nilamon ng lahat ng uri ng mga kasalanan. Ang mga nagkakasala at di-kumikilala bilang kasalanan—walang iba kundi ang mga makasalanang ito.
Bagaman tayo’y mga tunay na mahihinang nilalang na walang magagawa kundi ang magkasala, dapat nating aminin ang ating mga kasalanan sa tuwing nagagawa natin ang mga ito, at dapat tayong sumang-ayon sa bautismo ng ating Panginoon at Kanyang dugo sa Krus—ito ay, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tayo samakatuwid ay umaamin na wala tayong magagawa kundi ang maging mga makasalanan sa Diyos. At sa tunay na pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maaliwalas tayong makakahinga. Tunay, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ating natamo ang kapayapaan ng ating isipan.
Kapag aking sinasambit ang pagiging walang-kasalanan, hindi ibig sabihin na hindi natin kinikilala ang ating mga kasalanan kahit pa tayo nagkakasala. Hindi ibig sabihin na yaong mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi dapat kilalanin ang kasalanan bilang kasalanan. Bagaman tayo nga’y naligtas mula sa lahat ng ating mga kasalanan, atin pa ring nakikilala ang mga kasalanan na ating ginagawa na kung ano ang mga ito—bilang ating mga kasalanan. Ang dapat nating hindi kalimutan bagaman hindi natin maiiwasan kundi ang mahatulan ng walang-hanggan dahil sa ating mga kasalanan, niligtas tayo ng ating Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan at sumpa sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, Kanyang dugo sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli. Hindi natin dapat, kailanman kalilimutan na niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, bagkus ay nanalig dito at pinuri Siya dahil dito. Ating dapat tandaan kung ano tayo noon. Tandaan na tayo minsa’y mga naghihirap na mga nilalang na di-makaiiwas kundi ang walang-hanggang mahahatulan dahil sa ating mga kasalanan. At dapat nating purihin ang kaligtasan ng kapatawaran ng kasalanang binigay ng Diyos, at araw-araw Siyang pasalamatan dahil sa Kanyang dakilang biyaya ng kaligtasan. Walang iba kundi itong pananampalataya ng mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
 
Yahweh Diyos ay Buhay pa rin hanggang Ngayon
 
Ang Diyos ay ang Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob, Siya ngayon ang iyo at aking Diyos. “Sapagka’t ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan” (1 Corinto 14:33). Hindi Siya ang Diyos na mga Kristiyanong mapagpanggap at may mga maningning na mga gawa, bagkus Siya ang Diyos ng mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Mayroon tayong pananampalatayang nananalig sa Salita ng Diyos at sumusunod sa Kanya ng “oo.” Ang Diyos ay ang ating Diyos. Kapag Kanya ngang sinabi sa atin, “Ika’y patungong impiyerno,” sasabihin natin sa Kanya, “Opo, tama Kayo.” Kapag Kanyang sinabi sa atin, “Ika’y patuloy na magkakasala hanggang sa ika’y mamatay,” atin ding sasabihin, “Opo, tama Kayo.” At kapag Kanyang sabihin sa atin, “Nguni’t Akin na kayong niligtas sa pamamagitan ng Aking bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino,” atin lang masasabing muli, “Opo, tama Kayo.” Tayo kung gayo’y naging bayan ng Diyos na laging sumusunod sa Kanya ng “oo.” Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang biyayang naglitas sa atin dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dapat tayong manalig at kilalanin sa ating mga puso na niligtas nga tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng tubig, ng dugo, at ng Espiritu, at tayo’y ginawa ngang bayan ng Kaharian ng Diyos. Magpasalamat sa Panginoon as pamamagitan ng pananalig na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang handog ng kaligtasang binigay sa atin.
Pinupuri ko ang Diyos magpakailanman sa pamamagitan ng aking pananampalataya dahil sa walang-hanggang pagliligtas sa akin, ako na hindi makaiiwas kundi ang mahantong sa impiyerno dahil sa aking mga kasalanan, sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tatandaan na tayong lahat ay dating mga tanso—ito ay, hindi makatatakas sa sumpa ng Diyos—at samakatuwid walang magagawa kundi ang purihin ang Diyos dahil sa ating kaligtasan sa kasalanan, dahil sa pagliligtas sa atin ng Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. At dapat natin Siyang pasalamatan sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan ng ebanghelyong inilihim dito sa mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Tanging ang Yahweh Diyos ang Diyos ng buong sangkatauhan. At Siya’y naging Diyos na Tagapagligtas ng buong sangkatauhan. Tayong lahat ay dapat maniwala na si Yahweh Diyos bilang ating sariling Diyos.