• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-4] Ang Dahilan Bakit Tinawag ng Diyos si Moises sa Bundok ng Sinai (Exodo 19:1-6)

2021.04.13 99
(Exodo 19:1-6)
“Sa ikatlong buwan, pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto, ay dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai. At nang sila’y umalis sa Rephidim, at dumatin sa ilang ng Sinai, ay humantong sila sa ilang; at doo’y humantong ang Israel sa harap ng bundok. At si Moises ay lumapit sa Dios, at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, ‘Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel. Inyong nakita ang Aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala Ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo’y inilapit Ko sa Akin din. Kaya’t ngayon, kung tunay na inyong susundin ang Aking tinig, at iingatan ang Aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa Akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka’t ang buong lupa ay Akin. At kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa Akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.’”
 
 
Bakit Pinili ng Diyos ang Bayan ng Israel?
 
Ang pangunahing sipi ay nagmula sa Exodo 19:1-6. Bagaman maiksi ang sipi, marami akong masasabi ukol dito. Mula sa siping ito, nais ko rin magsalita ukol sa katotohanang nahayag sa mga kapitulo 19 hanggang 25 ng Exodo. Tatlong buwan na ang nakalipas ng ang mga Israelita’y nakatakas mula sa Ehipto nang ang mga Israelita’y nagpunta sa ilang ng Sinai. Sinabi na Diyos na sila’y manirahan sa harapan ng Bundok ng Sinai, at tinawag si Moises paakyat ng bundok.
Yamang napatawag si Moises, ang Diyos ay nagsabi ng Kanyang Salita sa mga Israelita, “Kaya’t ngayon, kung tunay na inyong susundin ang Aking tinig, at iingatan ang Aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa Akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka’t ang buong lupa ay Akin. At kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa Akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.” Ang dahilan ng Diyos sa pagtawag at pagtatag sa bayan ng Israel ay upang gawin silang Kanyang espesyal na kayamanan at itatag sila bilang mga saserdote ng Kanyang kaharaian.
Ito ang layon sa pagliligtas ng Diyos sa bayan ng Israel mula sa Ehipto. Ang paraan ng Diyos na gawin ang mga Israelita bilang Kanyang espesyal na kayamanan ay sa pagbibigay sa kanila ng Kanyang Kautusan at ang pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo upang iligtas sila mula sa kasalanan, sa pamamagitan nito Kanya silang mahuhugasan sa lahat ng kanilang mga kasalanan, gawin silang Kanyang sariling bayan, at itaguyod sila bilang isang bayan ng mga saserdote. Sa gayon, ang mga Israelita’y dapat mabatid ito ng malinaw, at ibalik ang pananampalatayang hangad ng Diyos sa kanila. Upang maging isang kaharian ng mga saserdote ng Diyos ang kanilang bayan, binigay ng Diyos, sa kabilang dako, ang Kanyang kautusan bumubuo ng 613 mga utos, at sa kabilang dako, iniutos Niyang gumawa sila ng Tabernakulo.
Samakatuwid, kung ang mga Israelita’y hindi mananalig kay Jesu-Cristong naparito bilang kanilang Mesias, dapat silang magsisi at manalig sa Kanya ng kanilang mga puso. Si Jesus, na Siyang pinaka-sangkap na handog ng kasalanan sa pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo, ang naglinis ng lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan at sa Kanyang dugo sa Krus. Tulad niyaon, ang bayan ng Israel ay dapat walang-alinlangang tanggapin ang katotohanang ginawa sila ng Diyos na Kanyang sariling bayan sa pagdadala sa kanila, mga inapo ni Abraham, mula sa Ehipto, at sa paghuhugas sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga handog sa Tabernakulo. Sa panahong iyon, dahil ang mga Israelita’y hindi makasusunod sa Kautusan ng Diyos, kailangan silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ihahaing handog sa Diyos ayon sa pamamaraan ng paghahandog na Kanyang itinalaga. Ang pag-aalay ng mga handog ay isang larawan ni Jesu-Cristo, ang Tagapagligtas na nagligtas ngayon sa sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan.
Kahit pa ngayon, kinikilala ng mga Israelita si Moises bilang pinakadakilang propeta sa lahat. Sila’y tama rito. Datapuwa’t, dahil hindi sila naniniwala kay Jesu-Cristo bilang Mesias na nagligtas sa kanila mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan, hindi nila kinikilala ang Bagong Tipan bilang Salita ng Diyos, at sa halip kinilala lamang nila ang Lumang Tipan bilang Salita ng Diyos. Nguni’t dapat nating tandaan na si Jesus ay hindi lamang isang dakilang propeta kaysa kay Moises, bagkus Siya ang Mataas na Saserdote ng Kaharian ng Langit, ang Mesias na hinihintay at inaasam ng mga Israelita. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga Israelita ngayong ay dapat mabatid na ang pinaka-sangkap ng paghahandog sa Tabernakulo ay walang iba kung ang Mesias mismo.
 
 
Ginawa ng Diyos ang mga Israelita na Kilalanin si Moises nang may Paggalang, Subali’t…
 
Bakit lubos na itinaas ng Diyos si Moises sa harap ng mga Israelita? Upang gawin silang tumanggap at maniwala sa lahat ng Salita ng Diyos na sasabihin sa pamamagitan ni Moises. Ito’y, sa ibang salita, upang gawin ang mga Israelita na maniwala na ang lahat ng mga sasabihin ni Mosies sa kanila ay sariling mga Salita ng Diyos. Tinawag ng Diyos si Moises tungo sa Bundok ng Sinai upang siya’y mailagay sa taas sa harap ng bayan ng Israel. Ito ang nagbigay sa mga Israelita ng takot kay Moises at sa Diyos, at ang mga Israelita, na si Moises ay nagsalita sa Diyos, naniwala sa kanya, dahil ang Diyos ay nakikipag-usap kay Moises na parang Kanyang kaibigan.
Tulad niyaon, ang Salita ng Diyos na sinabi ni Moises sa bayan ng Israel ay buong tatag na pinaniwalaan ng mga Israelita bilang siyang Salita na sinabi ng Diyos sa kanila. Datapuwa’t, dahil sa mataas na pagkilala kay Moises, ang bayan ng Israel ay nakagawa ng malaking kamalian sa hindi pagtanggap kay Jesu-Cristong Mesias sa kanilang mga puso bilang kanilang sariling Tagapagligtas. Sa huli’y, nabigo ang mga Israelita na kilalaning wasto ang Mesias, at sila nga’y nahantong sa pagtanggi sa Kanyang pag-ibig na kaligtasan. Sila ngayo’y may isang malaking gawain sa kanila—ito, upang tanggapin si Jesu-Cristo, na Siyang dakilang propeta kaysa kay Moises, sa kanilang mga puso bilang kanilang sariling Tagapagligtas.
 
 
Iniutos ng Diyos sa Bayan ng Israel na Gawin ang Kanyang Tabernakulo at Ibigay sa Kanya ang mga Iaalay na mga Handog
 
Sa pamamagitan ni Moises, binigay ng Diyos ang Kanyang Kautusan at mga utos sa bayan ng Israel, at Kanya ring sinabi sa kanila na gumawa ng Tabernakulo. Sa Tabernakulo, ang pag-ibig ng awa ng Diyos ang tunay na nag-alis ng mga kasalanan ng Israelita ay nahayag sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog. Sa pamamagitan nitong pamamaraan ng paghahandog sa Tabernakulo, binigay din ng Diyos ang kapatawaran ng kasalanan sa mga espirituwal na inapo ni Abraham, at Kanyang hinugasan lahat ng kanilang mga kasalanan upang hindi na sila mangangailangan ng kahit ano upang maging sariling anak ng Diyos.
Binigay ng Diyos sa bayan ng Israel ang dalawang tapyas ng bato ng Kanyang Sampung utos na nakaukit dito. Ang mga Sampung utos ay binubuo ng unang mga apat na utos na dapat tupdin sa pagitan ng Diyos at ng tao, at ang mga anim na utos na dapat tupdin sa pakikipag-ugnayan sa tao. Maliban nitong mga Sampung utos, binigay din ng Diyos sa bayan ng Israel ang mga daan-daang mga utos na kailangan nilang sundin sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Ang dahilan kung bakit binigay ng Diyos sa mga Israelita ang maraming mga kautusan at mga utos ay upang ipakita sa kanilang mga puso na ang Diyos lamang ang tunay at ganap sa Banal na Katauhan. Sa mga espirituwal na bayan ng Israel—ito ay, ang mga nananalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas—wala ng iba pang banal na katauhan maliban ang Diyos. Upang malinaw na ituro sa bayan ng Israel bago pumasok sa lupain ng Canaan ang katotohanang Siya ang Jehova, nagsalita ang Diyos kay Moises sa Bundok ng Sinai upang ibigay ang Kautusan sa kanila. At ginawa Niya sila, tuwing sila’y magkakasala sa pamamagitan ng pagsuway sa mga utos ng Diyos, mapapatawad sila sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanilang pagbibigay handog sa Tabernakulo ayon sa pamamaraan ng paghahandog na Kanyang itinakda.
 
 
Tinanggap ng Bayan ng Israel ang Kautusan at mga Utos ng Diyos 
 
Ating tignan ang Exodo 24:3-8: “At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at ang lahat ng mga palatuntunan. At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan, at nagsabi, ‘Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon, ay aming gagawin.’ At sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at bumangon ng maaga sa kinaumagahan, at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok, at ng labing dalawang batong pinakaalala, ayon sa labing dalawang lipi ng Israel. At kaniyang sinugo ang mga binata ng mga anak ni Israel, na nagsipaghandog ng mga handog na susunugin at nagsipaghain sa Panginoon ng handog na baka tungkol sa kapayapaan. At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo, at inilagay sa mga tasa; at ang kalahati ng dugo ay iniwisik sa ibabaw ng dambana. At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, ‘Lahat ng salita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.’ At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan, at sinabi, ‘Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito.’” 
Gumawa ang Diyos ng tipan sa dugo nang Kanyang binigay ang Kautusan sa bayan ng Israel sa pamamagitan ni Moises. Ibig sabihin, sa maikling salita, na ang Kautusan ng Diyos ay ang Kautusan ng buhay. Sinambit ng Diyos ang Kanyang Kautusan ng buhay sa mga Israelita, at ang bayan ng Israel ay kailangang manalig sa Kanyang Salita.
Tulad niyaon, sinabi ni Moises sa mga Israelita na magdala ng dugo ng alay sa sunugan ng handog at ang handog ng kapayapaan. Sama-samang pinagtipon ni Moises ang kanyang bayan, binasa sa kanila ang Kautusan at mga utos, ang tipan Diyos. At hiniling ni Moses sa kanila, “Susundin ba ninyo ang utos ng Diyos?” Ang mga Israelita’y tumugon sa isang tinig na silang lahat ay susunod sa Kanya.
“Aking kitang kakalingain at gagawin kang isang kaharian ng mga saserdote,” pagkatapos ay pinangako ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ni Moises. At winisik ni Moises ang dugo ng sunugan ng handog at ang handog ng kapayapaan sa kanila. Dito’y pinakikita na kapag ang isang tao’y nagkasala, siya’y dapat mapatawad sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog. Ating dapat tanggapin ang sinabi ng Diyos bilang Salita ng buhay. Kinuha ni Moises ang dugo ng handog, winisik ito sa kanyang bayan, ang sinabi sa kanila, “Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito.” Dito’y sinasabi sa atin na dahil ang Salita ng Diyos ay ang Salita ng buhay, kung hindi natin tutuparin, dapat nating isalin ang ating mga kasalanan sa inaalay na handog sa pamamagitan ng pagpatong ng ating mga kamay sa kanyang ulo, patayin, at ihandog sa Diyos ang inaalay na dugo para sa ating mga kasalanan.
Ang dapat nating malaman na itong Kautusan ng Diyos, narito ang parusa sa ating mga kasalanan, nguni’t kasabay nito, mayroon ding pamamaraan ng paghahandog na maghuhugas ng ating mga kasalanan. Samakatuwid, kapag tayo’y nakikitungo sa Kautusan ng Diyos at mga utos, dapat nating tanggapin ang mga ito sa ating mga puso habang kinikilala na sa Kautusang ito at mga utos ay masusumpungan ang mga handog na magbibigay sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Ang pananampalatayang ito’y tiyak na kailangan. Dahil tayo’y mapalad kapag tayo’y tumatalima sa Kautusan ng Diyos at nasusumpa kapag tayo’y nabibigo sa pagtalima rito, tayo’y dapat na maniwala na kailangan tayong laging maghugas ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pag-aalay ng handog. Tulad niyaon, ang nagkasala’y dapat tanggapin ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsalin ng kanilang mga kasalanan sa inaalay na handog sa pagpatong ng kanilang mga kamay sa kanyang ulo, at sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo ng handog at ialay sa Diyos. Lahat tayo’y dapat na malaman at maniwala na ang Kautusan at ang pamamaraan ng paghahandog ay ang mga Kautusan ng buhay, sa pamamagitan nito makakamit natin ang bagong buhay mula sa Diyos. 
Samakatuwid, habang ang Kautusan ng Diyos ay nagtuturo sa atin sa ating mga kasalanan, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y pinakikita sa atin sa kabaligtaran na lahat ng ating mga kasalanan ay nabayaran na sa pamamagitan ng bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo mula kay Juan at Kanyang dugo sa Krus—ito ay, samakatuwid, ang katotohanang nagligtas sa atin sa mga kasalanan ng sanlibutan.
Sa mga lumang kapanahunan, nang ang mga lipi’y nagbigay ng mga pangako sa isa’t isa, madalas sila’y nagdadala ng ibang uri ng inaalay na mga handog. Nagdala sila ng tupa, mga kambing, o mga baka, at kanilang inilalagay ang tanda sa kanilang kasunduan sa pamamagitan ng dugong iginuhit mula sa kanilang mga handog, gigilitin ang kanilang mga leeg. Dito’y makukuha ang mga kailangan paraan sa mga kasunduan, dahil ito’y nangangahulugang, “Kung hindi mo tutuparin ang tipang iyong binigay sa akin, ika’y tiyak na mamamatay sa paraang ito.” Kanilang tinatatag ang kanilang mga kasunduan, sa maikling salita, sa pamamagitan ng dugo.
Tulad nito, itinatag din ng Diyos ang Kanyang Kautusan sa pamamagitan ng dugo. Sinabi Niya sa atin, sa ibang salita, kung tayo’y mabigo sa lahat ng Kanyang 613 na mga kautusan at utos, tayo’y mamamatay dahil sa kasalanang ito. Nguni’t kasabay nito, Kanya ring sinabi sa atin na tanggapin ang kapatawaran ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbibigay sa Kanya ng mga handog ng kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya, sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo.
Kung hindi natin seryosong tutupdin ang Salita ng Diyos sa Kautusan, hindi tayo makatatakas sa galit na nagmumula sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan. Nguni’t kung ating ibibigay sa Kanya ang mga handog ng pag-aalay na Kanyang tinalaga para sa atin, at tatanggapin nga ng Diyos itong mga handog na iaalay at patatawarin tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Tayong lahat ay dapat na maniwala sa Kautusan ng buhay, itong Kautusan ng kaligtasang nagsasabi sa atin na patatawarin tayo ng Diyos sa mga kasalanan ng lahat ng bayan ng Israel sa pamamagitan ng pamamaraang paghahandog sa Tabernakulo, at sa gayon makakamit ng ating mga puso ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. Sinuman ang magwawalang-bahala sa Kautusan ng Diyos ay hindi-kasama sa awa ng pag-ibig ng Diyos, at tulad niyaon, dapat tayong lahat na maniwala sa Kautusan at ang pamamaraan ng paghahandog bilang katotohanan ng kaligtasan, bilang ating sariling buhay.
Ito ay kung bakit si Moises ay binasa ang tipang ginawa kasama ang dugo, at sa pamamagitan nitong dugong winisik sa bayan ng Israel, nangako sila sa Diyos kasama ang dugo. Samakatuwid, nalalamang tayong lahat ay mamamatay kung hindi tayo tatalima sa Kautusang ito na itinatag sa dugo, tayong lahat ay tatanggap ng kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig, kasama ang Kautusan, kay Jesu-Cristo, Siyang pinakahandog ng ating sunugan ng handog at handog ng kapayapaan sa Diyos.
Lahat tayo’y dapat na malaman at maniwala sa katotohanang tayo’y mapapatawad sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbibigay sa Diyos ng ating mga pag-aalay ng handog alinsunod sa pamamaraan ng paghahandog sa Tabernakulo. Sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, malinaw na tinuro sa atin ng Diyos ang kapatawaran ng mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Upang mapatawad sa kanilang mga kasalanan, lahat ng kanilang mga kasalanan ay kailangang isalin sa kanilang inaalay na handog sa pamamagitan ng pagpatong ng kanilang mga kamay sa kanyang ulo, at pagkatapos ang handog na ito’y kailangang magbubo ng dugo upang ipahid sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog at ang natitirang dugo’y ibubuhos sa lupa.
Ito ang handog ng pag-aalay na kailangang-kailangan ng kautusan ng kasalanan at kamatayan. Samakatuwid, sa ating pananampalataya, tayong lahat ay dapat na kamtan ang kapatawaran sa kasalanang pinangako sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog na mag-aalis ng ating mga kasalanan. Sa pagbibigay sa atin ng pamamaraan ng paghahandog sa Tabernakulo, binigay sa atin ng Diyos ang kautusan ng kaligtasan, upang tayo’y manalig sa Salita ng Diyos at mapatawad sa lahat ng ating mga pagkakasala. Tayong lahat ay dapat tumanggap ng pagpapala ng kapatawaran ng kasalanang binigay ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakamit sa ating mga puso ang dalawang kautusang binigay ng Diyos sa sangkatauhan: ang Kautusan mismo at ang pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo.
 
 
Paano Tayo Maliligtas sa Lahat ng Ating mga Kasalanan?
 
Sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog na binigay ng Diyos kay Moises, pinakita Niya sa bayan ng Israel na ang kanilang kaligtasan sa lahat ng kanilang mga kasalanan ay posible lamang sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanilang pag-aalay ng handog.
Kapag ating binigay sa Diyos ang ating pananampalatayang nananalig sa pag-aalay ng handog na tinakda Niya, tatanggapin Niya ang ating pananampalataya at ililigtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Bakit? Dahil niligtas na ng Diyos ang buong sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan, at sa mga nanalig, binigay Niya ang Kanyang pagpapala sa pagbanal sa kanila mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog na tinakda ng Isang Siyang Makapangyarihan, itinulot ng Diyos na malaman natin ang kautusan ng kaligtasan. Kung ang isa’y di-nalalaman ni naniniwala sa katotohanang hinugasan ni Jesus ang kaniyang mga kasalanan magpakailanman sa Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus, siya’y tiyak na mapapahamak. Dapat tayong lahat ng maniwala sa pag-ibig na awa ng Diyos.
Niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog sa Tabernakulo, ang paraan ng kaligtasan ay ang pagsalin sa ating mga kasalanan sa handog sa pamamagitan ng paglalagay ng ating mga kamay sa kanyang ulo. Tulad niyaon, tayong lahat ay dapat na manalig sa ebanghelyo ng awa na nagtulot sa lahat ng mananalig sa katotohanang ito upang mahugasan ang kanilang mga kasalanan. Ang mga di-kumikilala sa Kautusan at pamamaraan ng paghahandog sa harap ng Diyos ay di-makakamit ang kapatawaran ng kasalanan kailanman, nguni’t yaong maniwala sa ebanghelyo ng awa ng Diyos ay makatatanggap ng walang-hanggang kapatawaran ng kasalanan. 
Hindi lamang sinabi sa atin ng Diyos ang huwag magkasala, bagkus ay tinuro Niya sa atin na tayo’y mga makasalanang nilalang na walang magagawa kundi ang magkasala araw-araw. Kaya, sinabi Niya sa atin na ibigay sa Kanya ang ating inaalay na handog upang makamit ang kapatawaran nitong mga kasalanan. Ito ay kung bakit sinabi ng Diyos, kapag ang isang makasalanan ay nagbigay ng handog na iaalay, “Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong Aking ipaaalala ang Aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita” (Exodo 20:24).
Ang handog ng kasalanan na ibibigay ng mga Israelita sa Diyos sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mga kamay sa ulo ng inaalay, kung saan ang kanilang mga kasalanan ay inilipat sa handog, kinuha ang kanyang dugo at ipinahid sa mga sungay ng Dambana ng Sunugan ng Handog, at ilalagay ang kanyang laman sa Dambana at susunugin sa apoy. Buong pusong mananalig sa kautusan ng kaligtasang binigay ng Diyos ay kailangang-kailangan tuwing mag-aalay sila ng gayong handog. Ang handog na kailangan ng Diyos ay hindi ang isang ritwal, bagkus isang mataimtim na nagsalin ng lahat ng kanilang mga kasalanan sa inaalay na handog sa pananampalataya, naniniwalang sila nga’y patungong impiyerno kung hindi sa biyaya ng Diyos.
Ang ating Panginoon ay binautismo ni Juan at nabubo ang Kanyang dugo sa Krus upang maglaho ang ating mga kasalanan. Pinasiya Niyang alisin ang ating mga kasalanan sa gayon ding paraan na handog ng kasalanan. Itong handog ng pananampalataya ay larawan ng paghahandog sa Bagong Tipan ng kaligtasang tinupad ni Jesu-Cristo—ito ay, naparito si Cristo, kinuha ang mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang bautismong nakamit mula kay Juan, namatay sa Krus, at sa gayo’y naligtas ang buong sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan. Ito’y sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang ito ng ating mga puso na tayo’y naging mga anak ng Diyos.
 
 
Dapat nating Itapon ang Doktrinang Paniniwala
 
Sinabi sa Exodo 20:25-26, “At kung igagawa mo Ako ng isang dambanang bato, ay huwag mong itatayong may tapyas: sapagka’t kung iyong gagamitin ang iyong patalim doon, ay iyong nilapastangan yaon. Ni huwag kang sasampa sa Aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang, upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon.” Tayo’y dapat magbigay laan lang sa sinasabi ng Diyos sa talatang ito. Sinabi ng Diyos sa mga Israelita na sa paggawa ng dambana, kung sila’y gagawa ng dambana yari sa bato, hindi sila dapat gumawa nito sa tinapyas na bato, bagkus sa mga batong buo sa orihinal na hugis at anyo nito. Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin na ang Diyos ay nalulugod sa pagtanggap ng ating pananampalataya sa Kanyang kaligtasan, hindi madadagdagan o mababago ng mga kaisipan ng tao.
At ang Diyos ay nagbabala sa atin, sa pariralang, “Ni huwag kang sasampa sa Aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang, upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon,” hindi upang sambahin Siya sa likha ng tao, relihiyosong paniniwala. Bawa’t relihiyon sa mundong ito ay walang iba kundi isang pamamaraan ng paniniwalang likha ng tao. Sila’y nagtatag ng isang karaniwan at pangunahing alituntunin sa kanilang sariling mga relihiyon na nagsasabi sa tao sa pagsisikap na maging banal na unti-unti habang sila’y nabubuhay sa kanilang matapat na relihiyosong pamumuhay. Kahit pa ang mga Kristiyanong relihiyoso’y umaangking sila’y maaaring maging banal paunti-unti habang sila’y nabubuhay ng mabubuting pamumuhay ayon sa Katusan ng Diyos.
Nguni’t, ito ba talaga’y totoo? Hindi! Ang tao, isinilang bilang mga inapo ni Adan, hindi makasusunod sa Kautusan ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan, at hindi sila makaiiwas kundi harapin ang kanilang tiyak na kamatayan dahil sa kanilang mga kasalanan. Samakatuwid, upang iligtas lahat ng gayong tao sa kasalanan, itinatag ng Diyos ang pamamaraan ng paghahandog sa Tabernakulo, at niligtas ngang silang lahat.
Samakatuwid, tayong lahat ay dapat tanggapin ang ebanghelyo ng awa, ng kapatawaran ng ating mga kasalanan, ng ating kaligtasang itinakda ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong makikita sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Dapat tayong manalig tulad ng nakasaad sa Salita ng Biblia, na si Jesus ay naparito bilang Diyos ng Sanlibutan, na Kanyang ginawa ang Kanyang mga gawain tulad ng naunang sinabi ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at ang mapinong binurdang linong makikita sa Tabernakulo, at Kanya ngang niligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan nang naaalinsunod.
Nguni’t paanong ang taong relihiyoso lamang at may doktrinang paniniwala? Anong kanilang ginagawa upang mapatawad sa kanilang araw-araw na mga kasalanan? Ang gayong tao’y nagsisikap na makamit ang kanilang kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal, sinisikap, sa huli’y, upang maging matuwid sa pamamagitan ng doktrina ng unti-unting pagbabanal. Ito’y kahibangan, doktrinang paniniwalang likha ng tao. Ang pagsisikap na makilala ang Diyos sa sariling mga pagsisikap ay kayabangan sa sarili, at ito’y walang iba kundi ang reyalidad ng relihiyosong kasamaang gawa ng isang sarili.
Ang tao’y dapat munang aminin na wala silang magagawa sa kanilang mga sarili upang lahat ng kanilang mga kasalanan ay maglaho sa harap ng Diyos. Nang tayo’y isilang sa mundong ito, tayong lahat ay isinilang bilang isang uri ng mga nilalang na walang magagawa kundi ang magkasala sa ating sarili, at ito ay bakit lagi tayong nakagagawa ng maraming kasalanan. Gaano man ang sabihin ng Diyos sa atin na huwag tayong magkasala sa Kanyang Kautusan, tayo’y ganoon nga na walang magagawa kundi ang baliin ang buong hanay ng Kanyang Kautusan at magkasala ng marami sa harap ng Diyos. Kaya, ating ihayag sa harap ng Kautusan ng Diyos na tayo’y mga makasalanan. At dapat tayong manalig sa ating mga puso sa katotohanan ng kaligtasang niligtas tayo ng Diyos sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng mga gawa ng ating Panginoong Jesus tulad ng nahayag sa Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Walang ibang paraan kundi ang manalig sa Salita ng Diyos, na upang maligtas tayo sa ating mga kasalanan, ang Panginoon mismo’y naging ating sariling handog inalay sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, at sa gayo’y Kanya nga tayong niligtas sa mga kasalanan ng sanlibutan. Sinasabi ng Biblia sa atin na wala ng ibang diyos maliban kay Jehova, at walang makapupunta sa Ama maliban kay Cristo (Juan 14:6). Sa pagkilala at pananalig sa Salita ng Kautusan ng Diyos, tayo’y naging mga makasalanan, at sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan. Ito ang katotohanan at ating tunay na pananampalataya sa Diyos.
Tulad niyaon, tayong lahat ay dapat manalig sa Kanyang kaligtasan bilang ito ayon sa kautusan ng kapatawaran ng kasalanan na ang ating Panginoon ay nagtakda para sa atin upang iligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Ang Kristiyanismo’y hindi lamang isa sa mga relihiyon ng mundo, bagkus ito’y katotohanan ng kaligtasang itinatag sa saligan ng ating pananampalatayang nananalig kay Jesu-Cristong makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
 
 
Sa Pamamagitan ng Pangunahing Talata sa Taas, Tayong Lahat ay Dapat na Mabatid kung Bakit tayo’y Tinawag ng Diyos 
 
Dapat mabatid nating lahat ang katotohanan na ang Diyos ay tinawag ka at ako upang gawin tayong Kanyang espesyal na yaman. Ikaw at ako kailanma’y hindi magiging bayan ng Diyos sa pamamagitan ng ating sariling mga gawa at mga pagsisikap. Sa halip, ikaw at ako ay naging mga anak ng Diyos dahil tayo’y nanalig sa katotohanang naparito si Jesu-Cristo upang iligtas tayo mula sa sumpa ng Kautusan at kaparusahan ng kapahamakan ng impiyerno. Sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, ganap nga Niyang niligtas yaong tulad natin na nanalig. Ang Mesias na Anak ng Diyos, naparito sa laman ng isang tao, kinuha lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang bautismo nang minsanan, pinasan itong mga kasalanan ng mundo sa Krus, inialay ang Kanyang sarili alang-alang sa atin upang bayaran ang ating mga kasalanan sa pagpapako, pagbangong muli mula sa kamatayan, at sa gayo’y naging Tagapagligtas sa mga tunay na nananalig sa Kanya sa pamamagitan ng kanilang puso. 
Sinasabi ng Diyos sa atin na binigay Niya sa sangkatauhan ang ganap na kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Hinihiling sa atin ng Diyos, “Naniniwala ka ba sa Aking mga gawa, kung ano ang Aking nagawa para sa kapatawaran ng iyong mga kasalanan, na Ako’y napariyan sa mundo at nabautismuhan ni Juan at dumanak ang Aking dugo sa Krus?” Sa harap ng Diyos, ang ating lang masasabi’y “oo.” Upang tayo’y maligtas, wala ng ibang paraan kundi ang maniwala sa kapatawaran ng kasalanang iginawad ng Diyos sa atin. Hindi lamang ang mga Israelita sa panahon ng Lumang Tipan, kundi ikaw at ako sa ngayon—tunay, lahat ng tao sa buong mundo—ay dapat malaman kung bakit tinawag ng Diyos si Moises tungo sa Bundo ng Sinai at sinabi sa kanya itong Salita ng pangunahing talata.
Binigay ng Diyos ang Sampung Utos sa mga Israelita, at sinabi sa kanila na gumawa ng dambana sa lupa sa pamamagitan ng pananampalataya upang matamo ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan (Exodo 20:24). Gayon din, sa pamamagitan ng ating pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung inihayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at mapinong binurdang linong binigay ng Diyos sa atin, dapat din tayong matubos sa lahat ng ating mga kasalanan.
Ano ang sariling pangalan ng Diyos? Ang Kanyang pangalan ay “Yahweh.” Ibig sabihin, “AKO AY AKO,” ito ay, ang Diyos ay nabubuhay sa pamamagitan ng Kanyang sarili. Paano kung gayon, Siya naparito sa atin? Siya’y dumating sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu (Juan 3:5). Ang ating Panginoon ay naparito sa laman ng isang tao, kinuha lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa pagbabautismo ni Juan, at inalay alang-alang sa atin sa pamamagitan ng pagpako sa kamatayan. Ito’y dahil lahat ng ito’y totoo, at dahil dapat din tayong maniwala tulad niyaon, na sinabi sa atin ng Diyos na magkaroon tayo ng pananalig na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit para sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Ang tunay na pananampalataya’y nagmumula lamang kapag ating ikinaila ang ating mga sariling kaisipan at kinilala ang kapatawaran ng kasalanang binigay ng Diyos. Hindi lubos ang pasasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng gayong walang-pasubaling pag-ibig, dahil wala tayong maipagmamalaki sa harap ng Diyos.
Ating dapat ilagay ang pundasyon ng pananampalataya sa Bibliang kaalaman ng Diyos. Winika ng Diyos itong pundasyon ng pananampalataya sa bayan ng Israel, at sinabi Niya rin sa atin. Kahit ngayon, dapat mong mabatid at manalig sa katotohanang nahayag sa mga kulay ng pintuan sa bakuran ng Tabernakulo, ang mga kulay na bumubuo sa pinaka-pundasyon nitong pananampalataya. Dapat tayong manalig sa tunay na Diyos. Upang maligtas ka at ako sa ating mga kasalanan, kinuha mismo ng Diyos ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at nagdanak ng Kanyang dugo sa Krus.
Ikaw, na nagnanais din na maging espirituwal na bayan ng Israel, dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang maligtas sa lahat ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng pamamaraang paghahandog na winasak ng relihiyosong Kristiyanismo. Ikaw at ako ay dapat malaman itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung inihayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at muli ilagay ang pundasyon ng ating pananampalataya sa kapatawaran ng kasalanan upang ito’y tumayo ng maayos at matibay.
Dapat tayong magpasalamat kay Jesus sa ating pananampalataya. Upang maligtas yaong walang magagawa kundi ang matungong impiyerno, sinugo ng Diyos Ama si Jesu-Cristo, Siyang naparito bilang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, sa pamamagitan ng Kanyang Salita ng katotohanan. Sa pamamagitan ng pananalig ng buong puso sa katotohanang ito na ang ating Panginoon ang nagligtas sa atin sa lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang apat na ministeryong inihayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig na awa, binibigay natin ang lahat ng pasasalamat sa Diyos. Tanging sa wastong kaalaman natin at paniniwala sa dahilan kung bakit tinawag ng Diyos si Moises tungo sa Bundok ng Sinai tayo’y matatawag bilang yaong naglagay ng wastong pundasyon ng pananampalataya sa tunay na kapatawaran ng kasalanan. Ikaw at ako’y dapat malaman ang dahilan kung bakit tinawag tayo ng Diyos mula sa Bundok ng Sinai, at manalig dito: ito’y upang mapatawad tayo sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog, at upang tayo’y maging Kanyang sariling mga anak.
Mula sa katotohanang nahayag sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, masusumpungan mo ng husto ang pag-ibig ng awa ng Diyos. Ito ang mataimtim kong pag-asam at panalangin na kayong lahat ay manalig nitong pag-ibig na awa ng Diyos at tanggapin ito sa inyong mga puso.