• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-5] Paanong ang mga Israelita’y Nagbigay ng mga Handog sa Tabernakulo: Ang Makasaysayang Karanasan (Genesis 15:1-21)

(Genesis 15:1-21)
“Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, ‘Huwag kang matakot, Abram. Ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila.’ At sinabi ni Abram, ‘Oh Panginoong Dios, anong ibibigay Mo sa akin, kung ako’y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?’ At sinabi ni Abram, ‘Narito, hindi Mo ako binigyan ng anak at narito’t isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.’ At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, ‘Hindi ang taong ito ang magiging tapagmana mo; kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.’ At siya’y inilabas at sinabi, ‘Tumingala ka ngayon sa langit, ay iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo.’ At sa kaniya’y sinabi, ‘Magiging ganyan ang iyong binhi.’ At sumampalataya siya sa Panginoon, at ito’y ibinilang na katuwiran sa kaniya. At sinabi sa kaniya, ‘Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.’ At sinabi niya, ‘Oh Panginoong Diyos, paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?’ At sa kaniya, ‘Magdala ka rito ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na kalapati.’ At dinala niya ang lahat ng ito sa Kaniya, at pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kakalahati, datapuwa’t hindi hinati ang mga ibon. At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram. At nang lulubog na ang araw, ay nakatulog si Abram ng mahimbing, at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya. At sinabi ng Dios kay Abram, ‘Tunay na pakatalastasin mo, na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod sa mga yaon, at pahihirapang apat na raang taon. At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay Aking hahatulan, at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari. Datapuwa’t ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang, at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan. At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito, sapagkat hindi pa nalulubos ang katampalasan ng mga Amorrheo.’ At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop. Nang araw na yaon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, ‘Sa iyong binhi ibinigay Ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Eghipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates. At mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo, at ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim, at ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gegeseo, at ang mga Jebuseo.’” 
 
 
Pananampalataya ni Abraham sa Salita ng Diyos 
 
Ako’y may lubos na paggalang at paghanga sa pananampalataya ni Abraham na pinakikita sa Biblia. Kapag ating titignan ang pananampalataya ni Abraham, makikita natin ang lahat ng mga paghihirap ng kanyang pananampalataya sa kanyang pagsunod sa Salita ni Jehova, at tayo samakatuwid ay walang magagawa kundi ang hangaan itong pananalig ni Abraham. Lubos na pinagpala ng Diyos si Abraham, tulad ng makikita sa Genesis 12:3, kung saan sinabi ng Diyos, “At pagpapalain Ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain Ko ang mga susumpa sa iyo, at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan ng lupa.” Itong dakilang pagpapalang ito ay makikita rin sa Genesis 15:1, kung saan pinahayag ng Diyos kay Abraham, “Ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila.” Ang Diyos ay may espesyal na pag-ibig kay Abraham na Siya’y kanyang sariling Diyos.
Matapos akayin si Abraham mula sa Ur ng mga Caldean, nagpakita ang Diyos sa kanya, at sinabing, “Ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila.” Nang sabihin ito ng Diyos, nagtanong si Abraham sa Kanya, “Ano ang Iyong ibibigay sa akin?” Ang mga salitang ito ni Abraham ay hindi mga salita ng kawalang-tiwalang nagmumula sa isang nag-aalinlangang pusong nagtatanung kung anong maaaring maibibigay ng Diyos sa kanya, bagkus ito’y naglalaman ng taimtim na nasa ni Abraham upang mapagpala ng Diyos. Ano kung gayon, ityong pagpapalang hangad ni Abraham mula sa Diyos? Ito’y nahayag sa sinabi ni Abraham sa Diyos: “Ano ang Inyong ibibigay sa akin? Dahil ako’y walang anak, ang aking aliping si Eliezer ng Damasco ang aking tagapagmana, siya’y magiging aking aampuning anak na magmamana ng lahat ng aking mga ari-arian! Ano ang Inyong ibibigay sa akin?” Dito ay kailangang maunawaan natin kung gaano taimtim ang kanyang paghangad ng kanyang sariling anak. Yaong sadyang pumili na hindi magkaroon ng kanilang sariling anak marahil hindi madadamayan sa taimtim na hangad ni Abraham, nguni`t siya talaga’y nananabik na magkaroon ng kanyang sariling anak bilang kanyang tagapagmana.
Tulad ng pagbibigay ng Diyos ng lahat ng Kanyang mga pagpapala sa Kanyang mga anak na nilikha sa Kanyang anyo, ang tao rin ay may mataimtim na hangad na magbigay ng pinakamahusay para sa kanilang sariling mga anak. Tulad niyaon, nang sabihin ni Abraham sa Diyos, “ang aking alipin ang aking magiging tagapagmana,” ating lahat na malalaman kung gaano niya ninais na mapagpala ng Diyos, upang siya’y magkaroon ng kanyang sariling anak bilang kanyang tagapagmana. At sinabi ng Diyos kay Abraham, “Hindi iyan totoo. Ang manggagaling sa iyong sariling katawan ang iyong magiging tapagmana. Ang siyang isisilang mula sa iyong asawa ang iyong magiging tagapagmana, hindi ang iyong aliping si Eliezer ng Damasco.”
At inaya ng Diyos si Abraham sa labas, at sinabi sa kanya na tumingin sa langit at bilangin ang mga bituin. Kaya si Abraham ay tumingin sa mga bituin. Di-mabilang na mga bituin at mga magagandang kalawakan ang nakasabit sa kalangitan. Nang sabihin ng Diyos kay Abraham na bilangin ang mga bituin at tignan kung kanyang mabibilang, sumagot si Abraham na lubos ang dami ng mga bituin upang bilangan lahat. At pinangako ng Diyos kay Abraham na Kanyang ibibigay ang mga lahi na kasingdami ng mga bituin sa langit.
Si Abraham ay nanalig nitong Salita ng pangakong binigay ng Diyos sa kanya. Ito ay kung paano naging ama ng pananampalataya na tunay na nananalig sa lahat ng Salita ng Diyos. Kaya sinabi ng Diyos sa kanya, “Ang iyong pananampalataya’y wasto. Ikaw nga’y nanalig sa Aking Salita. Akin kang ngayong pagpapalain sa pagbibigay Ko sa iyo ng mga inapong kasingdami ng mga bituin sa langit.”
 
 
Ang Pag-aalay na Handog ni Abraham at ang Lupa ng Canaan na Pinangako ng Diyos 
 
Inakay ng Diyos si Abraham palabas ng lupain ng Caldea at pinangako sa kanya na Kanyang ibibigay sa kanya at sa kanyang mga inapo ang lupain ng Canaan. Ano kung gayon, ang katibayan na tinupad ng Diyos itong pangako? Ito’y makikita sa sinabi ng Diyos kay Abraham, “Dalhin mo sa Akin ang tatlong taong gulang na baka, isang tatlong taong gulang na babaeng kambing, isang tatlong taong gulang na lalaking tupa, isang kalapati, at isang inakay na kalapati. Ito ang mga katibayan ng tipan na Aking ginawa sa iyo upang ibigay ang lupain ng Canaan sa iyong mga inapo.” Ito’y nagpapakita sa atin na ang mga inapo ni Abraham ay ibibigay ang handog na alay sa Diyos upang mahugasan ang kanilang mga kasalanan, at ito ang pangako ng Diyos na sa pamamagitan nitong pananampalataya sila’y makapapasok sa lupain ng Canaan.
Nang si Abraham ay nakatulog ng husto habang inaalay ang mga handog, ang Diyos ay nagpakita sa kanya at pinangako sa kanya, “At sinabi ng Dios kay Abram, ‘Tunay na pakatalastasin mo, na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod sa mga yaon, at pahihirapang apat na raang taon. At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay Aking hahatulan, at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari. Datapuwa’t ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang, at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan. At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito’” (Genesis 15:13-16).
Ang Diyos, sa ibang salita, pinangako na Kanyang gagawin ang bayan ng Israel na sumagana sa lupain ng Ehipto, at pagkatapos ay aakayin sila sa lupa ng Canaan; at upang gawin yaon, Kanyang pinasiya na sila’y magbibigay ng mga handog na mag-aalis ng kanilang mga kasalanan sa Tabernakulo. Upang ipakita kay Abraham na Kanyang tutuparin itong pangako, ang Diyos ay gumawa ng nagaapoy na sulo upang dumaan sa pagitan ng mga piraso ng hiniwang laman mula sa mga handog ni Abraham. 
Sa paraang ito, ang pangako ng Diyos kay Abraham, na Kanyang gagawin siya at kanyang mga inapo na Kanyang sariling bayan, dumating sa pamamagitan ng paghahandog ng kapatawaran sa kasalanang napahiwatig sa pag-aalay ng handog. Pinangako rin ng Diyos kay Abraham, “‘Sa iyong binhi ibinigay Ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Eghipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates. At mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo, at ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim, at ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gegeseo, at ang mga Jebuseo.’” Ang dahilan kung bakit pinangako ng Diyos ito upang ipakita na Kanyang huhugasan ang mga kasalanan ni Abraham at kanyang mga inapo sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog. Ang proseso kung saan tinupad ng Diyos itong Salita ng pangako kay Abraham ay makikita sa buong kasaysayan ng Lumang Tipan.
Ginawa ng Diyos si Jose bilang pangunahing tagapamahala ng Egipto at inakay ang buong pamilya ni Jacob sa lupain ng Ehipto upang magparami sila (Genesis 41:37-45; Genesis 47). Subali’t, sa paglipas ng panahon, lumitaw ang bagong Faraon na hindi nakikilala ang pambihirang paglilingkod ni Jose sa Ehipto, at nagsimula siyang usigin ang bayan ng Israel na mga nagsisisagana sa lupaing iyon. Hindi maglao’y ang mga Israelita’y naging mga alipin, pinilit na magtrabaho sa pagkaalipin sa Ehipto (Exodo 1:8-14). Gayon pa man, ang bayan ng Israel ay patuloy na nanagana, kaya ang Faraon ay pinahirapan sila ng higit pang mga kabigatan ng pagkaalipin. Kung saan ang bayan ng Israel sa paghihirap ng pagkaalipin sa Ehipto ng 400 taon sila sa huli’y naghanap ng Tagapagligtas.
Sa pamamagitan ni Moises, inakay ng Diyos sila palabas ng lupain ng Ehipto upang makatakas sa kanilang pagkaalipin (Exodo 14:21-25). Ang bayan ng Israel nga’y nakatakas mula sa lupain ng Ehipto, binigay ng Diyos ang pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo sa pamamagitan ni Moises, at ginawa silang mahugasan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog sa Kanya ng kanilang mga alay. Ang bayan ng Israel kung gayon ay tinanggap ang Kautusan mula sa Diyos (Exodo 20) at ang pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo (Levitico 1-4). Sa pamamagitan ng Kautusan at ng pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo, ang mga Israelita’y nalaman ang pag-aalay ng handog na magpapatawad sa kanilang mga kasalanan, at ginawa ng Diyos yaong mga nananalig nitong katotohanan upang maging Kanyang sariling bayan, at pinagpala ang Israel upang maging kaharian ng mga saserdote at isang banal na bayan ng Diyos (Exodo 19:6).
Sa huli, makikita natin na sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog, tinupad nga ng Diyos ang Kanyang pangako kay Abraham na Kanyang ibibigay sa kanya ng mga apo kasing-dami ng mga bituin sa langit at ibigay sa kanila ang lupain ng Canaan. Nang lisanin ng mga Israelitang Egipto, ang bilang ng mga lalaki higit sa 20 taong gulang at may kakayahang lumaban sa digmaan ay higit sa 600,000. Tunay na tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako kay Abraham ng may katiyakan.
Titignan ang pananampalataya ni Abraham, siya’y nanalig sa Kanyang Salita ng pangako, sinang-ayunan ng Diyos itong pananampalataya ni Abraham. Pinagpala ng Diyos si Abraham dahil sa kanyang pananalig. Ang dahilan kung bakit inibig at pinagpala ng Diyos si Abraham, at sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog na binigay ng kanyang mga inapo, upang matupad ang pangako ng pagtutuli.
Makikita natin ang pananampalataya ni Abraham ay sinang-ayunan ng Diyos habang binigay niya ang kanyang handog sa Diyos. Ang pananampalatayang ito ay tinulot na mapatawad tayo sa lahat ng ating mga kasalanan hindi sa ating mga gawa, kundi sa pamamagitan ng ating pananalig sa Salita ng Diyos. Sa mga tumanggap ng espirituwal na pagtutuli na magpuputol sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog dahil sa pananalig sa Kanyang Salita tulad ng ginawa ni Abraham, itinulot ng Diyos ang lupain ng Canaan bilang Kanyang pagpapala. Tulad niyaon, nais ng Diyos sa atin ang gayon ding pananalig na taglay ni Abraham. Nais Niya ako at ikaw, ngayon, na kamtin ang kapatawaran ng kasalanan sa ating mga puso sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang Salita, tulad ni Abraham, at dahil dito’y namana ang Kaharian ng Diyos. Inilipat ng Diyos Ama ang ating mga kasalanan kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at ginawa Siyang “Cordero ng Diyos” para sa buong sangkatauhan. At nais ng Diyos sa atin na manalig sa katotohanang ito tulad ng ginawa ni Abraham. Nais Niya yaong mga mananampalataya na maging Kanyang sariling bayan magpakailanman.
Pinakita ng Diyos sa atin yamang si Abraham ay lubos na pinagpala dahil sa kanyang pananalig sa Salita ng Diyos, kahit ngayon, ikaw at ako ay makatatanggap din ng lahat ng mga pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang taglay ni Abraham. Tinawag ng Diyos si Moises tungo sa Bundok ng Sinai, binigay sa kanya ang Kautusan at ang pamamaraan ng paghahandog, at pinagpala yaong nanalig sa Kanyang Salita upang maging Kanyang sariling bayan.
Ginawa din tayo ng Diyos na Kanyang bayan sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga kasalanang nakasaad sa Tabernakulo, bagaman tayo’y nabigong sundin ang Kanyang Kautusan. Sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa katotohanang nahayag sa Tabernakulo, tinulot tayo ng Diyos na tanggapin ang Kanyang walang-hanggang mga pagpapala. Tulad niyaon, tayong lahat ay dapat maging bayan ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang ito na inihayag sa Tabernakulo. Kung tayo’y mananalig ng ating mga puso na pinakita ng Diyos sa atin si Jesu-Cristo at binigay sa atin ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng Tabernakulo maaari nating makamit ang kasaganaan ng Kanyang mga pagpapala.
 
 
Tulad ni Abraham na Nanalig sa Salita ng Diyos, kaya Tayo’y Dapat na Manalig sa Diyos Ayon sa Kanyang Salita
 
Si Abraham ay pinagpala hindi dahil sa kanyang mga mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang pananampalataya sa Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kautusan, tinulot ng Diyos na malaman natin ang ating mga kasalanan, at sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog sa Tabernakulo, pinahintulot Niyang makamit natin ang kapatawaran sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan paglilipat ng ating mga kasalanan sa walang-dungis na inaalay na handog at pagbigay nito ng dugo sa Diyos. Sa ganito ring paraan, si Jesus ay naparito, kinuha lahat ng ating kasalanan sa Kanyang bautismo, nahatulan para sa mga kasalanang ito dahil sa Kanyang kamatayan sa Krus, at pinatawad tayo sa lahat ng ating mga kasalanan dahil sa pagbangong muli mula sa kamatayan. Lahat ng ating mga kasalanan ay mapapatawad at tayo’y magiging mga anak lamang ng Diyos dahil sa pananalig sa katotohanang ito. Sinasabi ng Biblia sa atin na yaon lamang nananalig sa katotohanan ng kanilang mga puso ang magkakamit ng lahat ng mga pagpapala ng Diyos. Sa pananalig sa Salita ng Diyos, ating gawin ang Kanyang Salita ng kaligtasan, ang pinakamahalagang pagpapalang di-makikita kahit saan sa buong mundo, bilang sariling atin.
Bakit nagkamit ng mga masaganang pagpapala si Abraham mula sa Diyos? Siya’y pinagpala dahil nanalig siya sa sinabi ng Diyos sa kanya. Maging ngayon, kung ikaw at ako’y mananalig sa Salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, lahat tayo’y makakamit ang iisang pananampalatayang taglay ni Abraham at matatamo ang maraming pagpapala ng Langit. Ito’y hindi isang bagay na mahirap gawin. Kung nais natin ng katibayang nagpapakita na tayo’y bayan ng Diyos, ang ating dapat gawin ay hindi ang pagsisikap na bigyang lugod ang Diyos sa ating mga gawang panata, kundi manalig sa Kanyang Salita ng ating puso. 
Nangako ang Diyos kay Abraham sa Kanyang Salita na Kanyang ibibigay ang lupain ng Canaan sa kanyang mga inapo. Lahat tayong nabubuhay ngayong panahon ay dapat manalig na ang apat na ministeryo ni Jesus, inihayag at inihula sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ng Tabernakulo, ang nagligtas sa atin sa lahat ng ating kasalanan. At sa gayong pananalig, dapat nating tanggapin ang kapatawaran ng ating mga kasalanan, maging mga anak ng Diyos, at kamtin ang Kaharian ng Langit.
Tayo’y lubos na manalig sa Kanyang Salita, dahil wala ni isang Salita ng Diyos ang mawawalang-kabuluhan, at dahil lahat ng Kanyang Salita’y tunay at mahalagang-mahalaga sa ating pananalig. Dapat tiyak na malaman ang Kanyang Salita ng tubig at ng Espiritu, at tayo’y dapat na manalig nito nang walang-kabiguan. Bakit? Dahil ito ang pinaka-katotohanan! Naniniwala ka na ba ngayon? Kung naniniwala ka sa katotohanan sa iyong puso, at ipahayag sa iyong bibig, ika’y sasang-ayon sa Diyos. “Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid, at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Ito’y kung bakit ang pananampalataya’y mahalaga. At ito rin ang sukdulang mahalaga upang manalig sa Salita ng Diyos ng ating buong puso. Ang kritikal para sa atin ay hindi ang paniniwala sa sinasabi ng tao, kundi sa nakatalang Salita ng Diyos; at ang mahalaga para sa atin ay hindi ang pananalig sa Salita sa pamamagitan ng ating sariling mga kaisipan o damdamin, kundi pananalig bilang ito sa pamamagitan ng ating mga mataimtim na mga puso. Ito ay kung bakit ang mga lingkod ng Diyos at yaong mga naligtas dati’y ipinangangaral ang Salita ng Diyos bilang ito.
Sa pamamagitan ng tanda ng pagtutuli, ginawa ng Diyos ang Kanyang tipan kay Abraham at kanyang mga inapo at binigay sa kanila ang pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo, upang sila’y makapanalig kay Jesu-Cristo, ang Mesias na darating, na magpapatawad ng lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus, at upang sa pananampalatayang ito sila’y makapapasok sa Kaharian ng Diyos.
Naniniwala ako sa tipan ng Salita ng Diyos. Hindi lamang pinagpala si Abraham dahil sa pananalig sa Salita ng Diyos, bagkus tayong lahat ay pagpapalain din, tulad niya, dahil sa pananalig sa Kanyang Salita. Naniniwala ako na tinayo ng Diyos ang Tabernakulo upang iligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit inakay ng Diyos ang mga inapo ni Abraham hanggang sa Bundok ng Sinai at binigay sa kanila ang Kautusan at ang pamamaraan ng paghahandog ng Tabernakulo. Dapat nating mabatid na lahat ng katotohanang ito ay ang makalangit na kaloob ng Diyos.