(Genesis 17:1-14)
“At nang si Abram ay may siyam na pu’t siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya’y nagsabi, ‘Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan Ko, at magpakasakdal ka. At Ako’y makikagtipan sa iyo at ikaw ay Aking pararamihing mainam.’ At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi, ‘Tungkol sa Akin, narito, ang Aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka’t ikaw ay ginawa Kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay Aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin Ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari. At Aking papagtitibayin ang Aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na Ako’y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo. At ibibigay Ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pagaaring walang hanggan at Ako ang magiging Dios nila.’ At sinabi Panginoon ng Dios kay Abraham, ‘At tungkol sa iyo, iingatan mo ang Aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila. Ito ang Aking tipan na inyong iingatan sa Akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa’t lalake sa inyo. At kayo’y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo. At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa’t lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi. Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng inyong salapi, ay dapat tuliin: at ang Aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan. At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan, sinira niya ang Aking tipan.’”
Sa kapitulo 17 ng Aklat ng Genesis, ang tipan ng pagtutuli na tinatag ng Diyos kay Abraham ay pinakikita sa atin ang espirituwal na pagtutuli kung saan lahat ng mga kasalanan ay pinutol mula sa mga Israelita sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo ng kanilang inaalay na handog sa Tabernakulo at sa gayo’y inilipat ang kanilang mga kasalanan dito. Sa madaling salita, ang tipan na nagtaguyod kay Abraham ay ang larawang magaganap ng handog dahil sa kasalanan at ang handog na susunugin. Ang pangakong binigay ng Diyos kay Abraham sa pagtutuli, na Siya’y kanyang magiging Diyos at ang Diyos ng kanyang mga inapo, inihula, alinsunod sa Tabernakulo, na ang mga inapo ni Abraham ay ililipat ang kanilang mga kasalanan sa inaalay na handog sa pamamagitan ng pagpatong ng kanilang mga kamay sa kanyang ulo. Dapat nating malaman din at manalig na pinakikita nito sa atin, dagdag nito, na sa panahon ng Bagong Tipan kukuhanin ni Jesus ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismong tinanggap kay Juan.
Pinangako ng Diyos kay Abraham, “Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo… magiging ganyan ang iyong mga binhi” (Genesis 15:5). Nagpakitang muli kay Abraham, nangako minsan pa ang Diyos, “At ikaw ay Aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin Ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari. At Aking papagtitibayin ang Aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na Ako’y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.” (Genesis 17:6-7).
Ang pangakong binigay ng Diyos kay Abraham at kanyang mga inapo ay dumating sa pamamagitan ng pagtutuli. Ang pagtutuli’y katulad ng pagpapatong ng mga kamay na gagawin kapag ang mga Israelita’y magbibigay ng kanilang handog sa Diyos. At inihula rin, para sa panahon ng Bagong Tipan, ang kapatawaran ng kasalanang tinupad sa pamamagitan ng pagkuha ni Jesus ng mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan. Dapat nating malaman at manalig na ang pagtutuli ng Lumang Tipang pinangako ng Diyos kay Abraham ay nahayag sa Bagong Tipan sa pamamagitan ng espirituwal na pagtutuli ng paghuhugas ng kasalanang natupad sa bautismo ni Jesus. At sinasabi rin sa atin, dagdag nito, na ang pananalig ni Abraham ay kailangan din ng mga Israelita kapag binibigay ang handog sa Tabernakulo.
Sinabi ng Diyos kay Abraham, “At kayo’y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo. At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa’t lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi.” (Genesis 17:11-12). Ang Diyos, sa ibang salita, ginawa ang Kanyang pangako kay Abraham at kanyang mga inapo sa pamamagitan ng pagtutuli. Pinangako Niya na Siya’y magiging Diyos ni Abraham at ang Diyos ng kanyang mga inapo, nguni’t kapalit nito’y, si Abraham at kanyang mga inapo ay dapat tuliin: “Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng inyong salapi, ay dapat tuliin: at ang Aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.” (Genesis 17:13).
Ito ay kung bakit lahat ng tao sa mundo, tanging mga Israelita lamang ay tinuli mula sa panahon ni Abraham. Sa panahong ngayon, ang pagtutuli’y lalong lumaganap dahil sa mga benepisyo nito sa kalusugan, nguni’t sa panahong iyon, tanging mga lalaki lamang ng Israel ang tuli. Ito ang tatak ng pangako ng Diyos kay Abraham, at ginawa sila ng Diyos at ang bayan ng Israel, kanyang mga inapo, na dalhin sa kanilang laman ang tanda ng tipang itinaguyod sa kanila.
Sinasabi sa Genesis 17:11, “At kayo’y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.” Kaya ang pagtutuli’y ang tatak ng tipan. Bilang buod, ganito ginawa ng Diyos ang Kanyang pangako: “Paano ninyo malalaman na kayo’y Aking bayan? Malalaman ninyo sa pagtingin ninyo sa pilat ng inyong pagkatuli. Mula ngayon, bawa’t lalaking isinilang sa inyo’y kailangang tuliin ang kanyang balat. Sa paraang ito, ang Aking tipan ay nasa inyong balat para sa isang walang-hanggang tipan. Ako’y nangakong Ako ang iyong Diyos at Diyos ng iyong mga apo. At pangako Ko na pagpapalain kita, pararamihin kita, upang ika’y makapasok sa lupain ng Canaan at mamuhay doon magpakailanman, at magmumula ang mga bansa sa iyo at maglalagay ng mga hari mula sa iyo” (Genesis 17:4-14).
Sinabi ng Diyos na ang tipang itinaguyod Niya kay Abraham at kanyang mga inapo ay makikita sa kanilang balat. Ang pangako ng Diyos ay inukit, sa mga pilat ng tinuling lalaki ng Israelita. Ginawa ng Diyos ang Kanyang pangako sa bayan ng Israel sa pamamagitan ng kanilang pagtuli, at alinsunod, ang mga lalaki’y tuli o hindi ay malalaman kung sila’y mga inapo ni Abraham o hindi. Ang mga tinuli, samakatuwid, ay kinilala at pinagpala ng Diyos bilang mga inapo ni Abraham, habang ang mga di-tuli ay hindi gayong kinilala.
Si Abraham sa Katunaya’y isang Napakahalagang Tao para sa Bayan ng Israel
Para sa bayan ng Israel, ang taong higit na mahalaga kaysa kay Moises, ang ama ng Kautusan, ay walang iba kundi si Abraham, ang ama ng pananampalataya. Bagaman maraming mga Israelita ang hindi naalala si Noe, iilan, kung mayroon, ang nabigong naalala si Abraham. Kaunti lamang sa kanila ang nakakaalala kay Shem, Seth, o si Methuselah, nguni’t si Abraham ay nananatiling bilang di-makakalimutang ama ng pananampalataya para sa lahat ng tao sa Israel. Lahat sila’y kumikilala, at sinusunod siya bilang ama ng kanilang bayan. Tulad niyaon, ang pangakong binigay ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ni Abraham ay nananatiling mabisa pa rin.
Ang bayan ng Israel ay buong sumasang-ayon sa kanilang sarili, naniniwalang, “Kami ang mga inapo ni Abraham. Ang aming bayan ay dala ang tanda ng pagtutuli ng aming laman. Ang Diyos samakatuwid ang aming Diyos, at kami ang Kanyang sariling bayan.” Ang dahilan kung bakit ang mga Israelita’y ipinapalagay na ang kanilang mga sarili bilang ang piniling bayan ay dahil sila’y naniniwala pa rin sa tipan ng itinaguyod ng Diyos kay Abraham dahil sa pagtutuli.
Si Abraham ay may dalawang asawa: ang kanyang tunay na asawang si Sarai matapos ay pinangalanang Sara ng Diyos, at pangalawang asawang si Agar, na alila ni Sarai. Dahil si Sarai ay hindi siya mabibigyan ng anak, si Abraham, sa kanyang sariling isip, ay hinangad na magkaroon ng anak sa pamamagitan ni Agar (Genesis 16:1-4). Nguni’t maliwanag na sinabi ng Diyos na dahil si Sarai ang tunay na asawa ni Abraham, sa pamamagitan ng kanyang sariling anak na Kanyang ibibigay kay Abraham ang mga apo kasing-dami ng mga bituin sa langit. Yamang pinangako ng Diyos na Kanyang kikilalanin lamang ang mga isinilang mula sa katawan ni Sarai bilang Kanyang bayan, si Ismael, na isinilang mula sa kanyang pangalawang asawang si Agar, ay hindi kinilala ng gayon sa harap ng Diyos.
Kung hindi tinuli ang bayan ng Israel, ang pangakong binigay ng Diyos sa kanila ay magiging walang-saysay. Sinabi ng Diyos sa kanila na sila’y tutuliin bilang tanda ng Kanyang tipan upang ang tipan na ito’y mapapasakanilang laman. Tulad niyaon, tiniyak ng mga Israelita’y sila’y matuli, yamang ang kanilang hindi pagtuli’y magpapawalang-saysay sa pangako ng Diyos. Maaaring wala sa bayan ng Israel ang hindi tinuli, dahil lubos nilang nalalaman na ang hindi tuli ay tulad ng mga Hentil, kung saan ang tipan ng Diyos ay walang-kaugnayan.
Ang Espirituwal na Pagtutuli
Ang tipan na itinaguyod ng Diyos kay Abraham at sa kanyang mga inapo ay lubos na natupad sa pamamagitan ng kapatawaran ng lahat ng mga kasalanang tinupad ni Jesu-Cristo nang Siya’y naparito at kinuha ang mga kasalanan ng sangkatauhan dahil sa pagbautismo ni Juan Bautista.
Sinabi ng Diyos sa mga Israelita na gumawa ng pintuan sa bakuran ng Tabernakulo at kanyang tabing sa pamamagitan ng pagburda nito sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino (Exodo 26:31, 27:16). Sa pamamagitan nitong detalyeng anyo ng Tabernakulo, tinuro ng Diyos sa atin ang kaligtasang darating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Yaong nanalig sa katotohan na ang Panginoon ay naparito, kinuha ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan sa gulang na 30, namatay sa Krus, bumangong muli mula sa kamatayan, at sa gayo’y napatawad tayo sa lahat ng ating mga kasalanan—silang lahat ay mga inapo ni Abraham. Ang Diyos ay naging Diyos ng mga nanalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ng Tabernakulo.
Sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus, tayong lahat ay dapat na espirituwal na matuli. Ang espirituwal na pagtutuling ito ay walang iba kundi ang pagputol ng mga kasalanan sa ating mga puso sa pamamagitan ng pananalig na lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesu-Cristo sa Kanyang bautismo (Roma 2:29).
Tulad niyaon, ang mga tumanggap ng kapatawaran sa kasalanan ngayon dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ang lahat ay mga hari sa Kaharian ng Diyos at Kanyang mga sariling anak. Tulad ng Kanyang pinangako, “at magbubuhat sa iyo ang mga hari (Genesis 17:6),” Ang Kanyang bayan ay mananagana sa buong mundo.
Kung nais nating maging apo ni Abraham, kailangan tayong manalig sa bautismo na tinanggap ni Jesus sa mundong ito at Kanyang dugo sa Krus. Tulad niyaon, hindi ko maididiing lubos kung gaano ang kahalagahan malaman ito at manalig sa bautismo ni Jesus. Si Jesus ay Hari ng mga hari. Siya ang Hari ng mga haring nakasuot ng kulay-ubeng balabal (Juan 19:5). Si Jesu-Cristo ay Hari ng kalawakan at ang Manlilikha. Bilang Siya’y bugtong na Anak ng Diyos, Siya’y naparito sa pagsunod sa kalooban ng Ama, at upang iligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, Kanyang kinuha lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo ng minsanan. Upang alisin ang ating mga kasalanan, pinutol Niya lahat ng ating mga kasalanan sa ating mga puso sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Sa gayon, lahat ng nananalig sa katotohanang ito ay magiging mga apo ni Abraham.
Si Abraham, ang kanyang pamilya, at kanyang mga inapo ay pisikal na tinuling lahat. Maging ang mga alipin na binili sa salapi mula sa mga Gentil ay tinuli. Nang sila’y nanalig sa tipan at tinuli, maging itong mga Gentil na alipin ay pinagpala, at ang Diyos din ay kanilang naging Diyos. Sa gayon, sa pamamagitan ng pananampalataya na tayo’y naging mga anak ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya tayo’y napagpala ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya tayo’y makapapasok sa Langit, at sa pamamagitan ng pananampalataya tayo’y mamumuhay bilang mga hari nitong mundo. Sa panahon ng Bagong Tipan, ang pananampalatayang ito ay ang pananampalataya ng mga nananalig na inalis ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan dahil sa Kanyang bautismo.
Datapuwa’t, ang iba’y umaangkin na itong bautismo ni Jesus ay di-mahalaga, dahil naniniwala silang sila’y napatawad sa kanilang mga kasalanan dahil sa paniniwala lamang sa Kanyang dugo sa Krus. Bagaman sila’y naniniwala sa pagpapatong ng mga kamay sa ulo ng handog na ginagawa sa panahon ng Tabernakulo, inilalagay nila ang maliit na halaga sa bautismo ni Jesus. Samakatuwid kanilang iginigiit na dahil ang pananalig ni Abraham ay inaprubahan sa unang pagdating ni Jesus dito sa mundo at maging noon sa Tabernakulo ni Moises, sila’y naligtas lamang sa pananalig sa Salita ng dugo sa Krus, kahit hindi pananalig sa malinaw na Salita ng bautismo ni Jesus.
Nguni’t dapat nating tandaan nang sinabi ng Diyos kay Abraham na magdala sa Kanya ng isang tatlong-gulang na baka, isang tatlong-taong gulang na babaeng kambing, isang tatlong-taong gulang na lalaking tupa, isang kalapati, at isang inakay na kalapati—lahat upang mabatid ni Abraham na Kanyang ibibigay ang lupain ng Canaan kay Abraham at sa kanyang mga inapo bilang kanilang mana—nasa isipan ng Diyos ang sunugan ng handog na alay sa apoy. Sinasabi sa Genesis 15:17, “At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.” Sinang-ayunan din ng Diyos ang alay na sunugang handog ni Abel at kanyang pananampalataya, nguni’t hindi Niya inaprubahan ang pananampalataya ni Cain, siya na hindi naniwala nitong sunugan ng handog na alay.
Sa mga Kristiyano ngayon, maraming tao ang nagkamaling unawain na sila’y naligtas dahil lamang sa pananalig kay Jesus na may kabulagan sa mata, nang hindi pagiging espirituwal na natuli sa pananampalataya. Sila’y naniniwala lamang sa pagkapako ni Jesus, nang hindi naniniwala sa katotohanang lahat ng kanilang mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ang mga taong ito’y kailanma’y hindi magiging sariling bayan ng Diyos, dahil sa paniniwala sa gayong paraan ay hindi maaalis ang kanilang mga kasalanan sa kanilang mga puso. Tulad ng sinabi ng Diyos na ang tanda ng Kanyang tipan ay sa lamang tuli, ang di-tuli samakatuwid ay walang kinalaman nitong pangako ng Diyos.
Ang tao ba’y maliligtas sa kasalanan nang hindi nananalig sa bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan Bautista? Ang gayon bang tao’y magiging anak ng Diyos? Sila ba’y makapapasok sa Langit? Sila ba’y magiging mga hari ng Kanyang Kaharian? Ang sagot sa mga tanong na ito ay isang tumataginting na hindi! Ang pangunahing talata na ating binasa ngayon ay nagbibigay ng malinaw na katibayan sa tanong na ito. Ngayon, ang pangakong ginawa ng Diyos kay Abraham ay siya ring pangako sa iyo at sa akin, tayo na tumanggap ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas, sa Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus. Sa atin ngang nanalig, iisang Salita ng mga pagpapala na sinabi ng Diyos kay Abraham ang naangkop.
Ang mga Tunay na Mananampalataya kay Jesus ay Hindi Sumusunod sa mga Doktrina na Kanilang Likha
Ang Salita ng Diyos sa Biblia ay ang tiyak at malinaw na katotohanan ng kaligtasan; kapag lalo tayong nagbabasa at nagninilay-nilay nito, nagiging lalong tiyak at lalong malinaw ito. Sa mga Kristiyano ngayon, marami na ang pananampalataya’y mali, naniniwala at sumusunod sa Diyos ayon sa kanilang sariling mga kaisipan, nguni’t di-nalalaman na ang kanilang pinaniniwalaan ay ang tiyak na kamalian. Ang pinaka-pundasyon ng pananampalataya ng gayong tao ay mali. Bulag na naniniwalang niligtas sila ni Jesus sa ano pa man ay maaaring sapat na upang paluguran ang kanilang sariling kamalayan, nguni’t dapat nilang malaman na hindi tinutulot ng Diyos ang kanilang bulag na pananampalataya.
Sinabi ng ating Panginoon na sinuman ang nais na sumunod sa Kanya’y dapat munang itakwil ang kanyang sarili at pasanin ang kanyang krus. Sinuman ang nananalig sa Salita ng Diyos at dapat na itapon ang kanyang mga sariling kaisipan at manalig ayon sa tunay na sinasabi ng Salita ng Diyos. Ngayon, ikaw at ako’y dapat maniwala sa paghuhugas ng kasalanang binigay ni Jesu-Cristo sa atin sa pagparito sa mundo, kinuha at pinasan ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo, nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, at bumangon muli mula sa kamatayan.
Sa panahong ito, maraming mga tao ang di-naniniwala, nguni’t bulag na nananangan sa pangalan ni Jesus, sinasabing mayroon silang sariling paraan ng paniniwala. Ang pananampalataya ng gayong tao’y walang kinalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesus. Halimbawa, may mga taong umaanking si Jesus ay nagpakita habang sila’y nananalangin sa mga bulubundukin, pinipilit na ganito sila naligtas. Sa ibang halimbawa, may mga umaangking ang kanilang mga kasalanan ay naglaho lahat habang sila’y patungong iglesia, nag-ayuno, at nanatili sa dalangin buong gabi, dahil sila’y naghihirap sa kanilang mga kasalanan, na hindi nila maaalis sa pamamagitan ng kanilang dalanging pangungumpisal.
Ang mga uri ng pananampalatayang ito’y walang kinalaman sa tunay na kaligtasang nagmula lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng ating Panginoon. Saan sinabi sa Salita ng Diyos na Kanyang patatawarin ang ating mga kasalanan kung tayo’y may gayong uri ng pananampalataya? Wala! Ang mga taong ito, di-tiyak na nalalaman na ang Diyos ay ang Dakila at si Jesus ay ang Makapangyarihan, ay hinihiram ang ngalan ni Cristo, dinadagdagan ang kanilang mababaw at di-tiyak na kaalaman sa Diyos sa kanilang di-mapagkatiwalaang pananampalataya—sila kung gayon ay tumatawag sa ngalan ng Diyos sa walang-saysay, kinalilimutan ang kanilang sariling mga kasalanan, at lumilikom pa ng lalong galit ng Diyos. Ang gayong tao’y bumuo ng kanilang sariling Jesus na likha ng tao at ang kanilang sariling salaysay ng kaligtasan, at naniniwala sa mga guni-guning ito ng kanilang sariling imahinasyon.
Sinasabi sa Genesis 17:14, “At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan, sinira niya ang Aking tipan.” Maliwanag na pinangako ng Diyos sa atin na Kanya tayong ililigtas sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng espirituwal na pagtutuli. At pinangako rin ng Diyos sa atin na may katiyakan na yaon lamang isinilang muli sa tubig at sa Espiritu ang magiging mga anak ng Diyos. Tulad niyaon, yaong naniniwala lamang sa dugo ni Jesus sa Krus na walang pananalig sa Kanyang bautismo kailanma’y hindi magiging anak ng Diyos. Ang gayong tao’y pinagkunulo ang Diyos, dahil hindi sila nananalig sa ebanghelyong pinangako ng Diyos, at sila samakatuwid ay mahihiwalay mula sa bayan ng Diyos at susumpain Niya.
Ang pundasyon ng pananampalatayang magliligtas sa atin sa ating mga kasalanan ay walang iba kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tanging kapag ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y nailatag bilang ating pundasyon tayo’y matatag at buong mananalig sa Salita ng Diyos. Paanong ang espirituwal na mga Gentil na ang kanilang mga puso’y nanatiling espirituwal na di-tuli ay maaaring tanggapin sa kanilang mga puso ang Salita ng Diyos? Hindi nila ito magagawa! Dahil ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y tinulot tayo na maging espirituwal na matutuli, pinayagan tayong maging mga anak ng Diyos, hindi taglay itong pinakatiyak na pundasyon, ang Salita ng Diyos ay darating lamang sa atin bilang pangkaisipang kaalaman.
Ito ay kung bakit ang mga espirituwal na mga turo ng mga lingkod ng isinilang na muli ay mauunawaan at magagamit lamang ng mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa ibang mga salita, yaon lamang isinilang na muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makaririnig at makauunawa sa Salita ng Diyos. Kapag tayo’y nahaharap sa taong mangmang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, inaangking sila’y isinilang na muli dahil lamang sa dugo sa Krus, bagaman kanilang sinasabi na tayong lahat ay naniniwala sa iisang Diyos, tayo gayunpaman ay nararamdamang waring ating sinasabi ang ibang Diyos. Sino ang tunay na Diyos dito? Ang tunay na Diyos ay ang Diyos na nagbigay ng Kanyang Salita ng pangako kay Abraham.
Pinangako ng Diyos at sa kanyang mga apo, “Ang Aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan” (Genesis 17:13). Nasaan ang tanda nagsasabi sa atin na ating natamo ang kapatawaran ng ating mga kasalanan? Ito’y makikita sa ating mga puso. Sa pananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo sa ating mga puso, tayo’y naging mga anak ng Diyos, mga pusong nagkamit ng espirituwal na pagtutuli dahil sa pananalig sa tunay na ebanghelyo. Tayo’y naging Kanyang mga anak dahil sa pananalig ng ating mga puso na ang Panginoon ay binautismo dahil sa ating mga kasalanan upang alisin lahat itong mga kasalanan at tayo’y espirituwal na tinuli.
Dahil sa ating pananampalataya sa katotohanang ito nailipat lahat ng ating mga kasalanan kay Jesu-Cristo, at si Jesus, bilang kapalit, pinasan ang mga kasalanang ito sa Krus, pinako sa halip na tayo, bumangon muli mula sa patay, at sa gayo’y niligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Ito’y sa pamamagitan ng pananampalataya, na tayo’y naging mga anak ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananampalataya tayo’y naging walang kasalanan. Mayroon pa bang natitirang kasalanan sa atin? Wala! Wala ng kasalanan anupaman! Lahat ng ito’y natupad dahil sa nakamamanghang katotohanan ng ebanghelyo.
Paano Maaaring Ikaw at Ako ay Magiging mga Apo ni Abraham?
Tayo’y naging mga apo ni Abraham dahil tayo’y espirituwal na tinuli dahil sa pananalig sa mga gawa ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ng Tabernakulo. Dahil tayo’y nanalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus tayo’y naging espirituwal na tinuli at naging mga anak ng Diyos. Dahil tayo’y nanalig na kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at nahatulan para sa lahat ng ating mga kasalanan sa Krus ating nakamit ang kapatawaran sa kasalanan. Ito kung paano ikaw at ako’y naging mga espirituwal na apo ni Abraham.
Ang mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu’y dapat na kilalanin ngayon kung sino talaga sila. Ikaw at ako, tayo na mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay mga anak ng Diyos ang Kanyang sariling bayan, na naging espirituwal na tinuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
Tayo ang mga hari ng darating na Milenyong Kaharian, na maghahari sa lahat ng mga nilikha ng Diyos at magsaya sa Kanyang buong kaluwalhatian. Ganito kung paano ang ating kalagayan ay nabago ngayon. Alam ba ng mga tao sa mundong ito kung sino talaga tayo? Hindi. Nguni’t tayo yaong ang mga espirituwal na kalagayan ay nabago dahil sa pananalig sa Salita ng Diyos. Tulad niyaon, atin na ngayong malinaw at tiyak na makikilala ang ating mga sarili.
Yaong mga isinilang na muli dahil sa Salita ng Diyos ay nakikilala kung sino talaga tayo. Tayo ay may pangunahing kaibhan sa mga nakikiling na ianunsiyo ang kanilang mga sarili sa kanilang makamundong relihiyosong mga pamayanan, nangangaral ng mga maling doktrina kahit sila’y lubos na mangmang, at malamig ang pakikitungo sa mga isinilang na muli, ang tunay na bayan ng Diyos. Yamang ang bayan ng Israel ay naniniwala sa kanilang sarili bilang piniling bayan at kinikilala ang mga apo ni Ismael bilang iba, tayo na mga espirituwal na mga apo ni Abraham ay may karapatan ding kilalanin ang ating mga sarili bilang piniling bayan ng Diyos.
Tayo na mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y mapalad na naging, mga inapo ni Abraham sa pamamagitan ng pananampalataya. Makapapasok tayo sa Kaharian ng Langit dahil sa ating pananalig sa ebanghelyo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid nahayag sa Tabernakulo.
At yamang pinangako ng Diyos kay Abraham na Kanyang gagawin ang kanyang mga apo kasing-dami ng mga bituin sa langit, masasaksihan ng ating mga mata ang tiyak na katuparan nitong tipan sa atin. Ito ang pagpapalang iginawad ng Diyos sa atin.
Sa pamamagitan ng pagtutuli sa ating mga puso, niligtas tayo ng Diyos sa mga kasalanan ng sanlibutan. At itong pagtutuli ng pananampalataya ay ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at ang mapinong binurdang linong ginamit sa paggawa ng pintuan ng Tabernakulo.