(Exodo 25:1-9)
“At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, ‘Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila’y magdala sa Akin ng isang handog: ang bawa’t tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa Akin. At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, pilak at tanso. At kayong bughaw, kulay-ube at pula, at lino at balahibo ng kambing. At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia. Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob; mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral. At kanilang igawa Ako ng isang santuario; upang Ako’y makatahan sa gitna nila. Ayon sa lahat ng Aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng Tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.”
Mga Maralitang Pamumuhay
Sa isang tulang pinamagatang ‘Isang Salmo ng Buhay,’ sinulat ni Henry Wadsmorth Longfellow, “Huwag mong sabihin sa akin, sa nagluluksang mga bilang, ‘Ang buhay ay isang walang-saysay na panaginip!’”
Datapuwa’t, kung iyo talagang iisipin ito, ang mga buhay ng tao nga’y lubos ang karalitaan. Bagaman ang buhay ng bawat isa ay pawang walang-saysay na pabalik sa alikabok matapos ang isang nakalulungkot at panandaliang buhay dito sa ilang ng sanlibutan, ang mundo ay hindi ang huling hantugan. Ang hangganan ng buhay ng bawa’t isa’y, dahil sa kasalanan, ang walang-hanggang, nakatatakot ng pagtitiis ng impiyerno.
Nguni’t ang mga tao kadalasa’y walang-interes sa kanilang sariling kamatayan at ang mundo sa kabila ng hukay. Habang nabubuhay sa mundong ito, ang tao nga’y nabubuhay na walang anuman layon, patungong impiyerno, hindi masusumpungan ang Diyos na naglitas sa kanila. Ito ang buhay. Nguni’t kung ito lahat nga ang buhay, anong karalitaan at kaawa-awa ang buhay natin?
Sa gayong mga buhay, ang Mesias ay naghihintay. Kung ang tao’y walang pag-iingat na matapon sa mundong ito upang lumaboy na walang-patutunguhan at maglaho sa karimlan, sila nga’y maakay sa nakaaawa at kahabag-habag na kabuhayan. Malalaman natin sa pagtingin lamang sa mga nasa ating paligid.
Nakaraang araw, nang ako’y nasa isang kotse, nakita ko ang isang matandang lalaki, mga 60 taong gulang, naglalakad sa may kalsada. Naglalakad sa aking harapan, nakayuko at ang kanyang balikat ay nakalundo, pawang malungkot. Nang ako’y bumusina, siya’y lumingon, at nakita ko ang kanyang mukha na puno ng dalamhati. Nang makita ko ang kapahayagan ng taong ito, ako’y nagmuni-muni isang sandali. Marahil ang taong ito’y dama ang kawalan ng kanyang buhay. Ang kapanglawan ng taglagas ay maaaring dumagdag pa sa damdaming kawalan, lalong nagpawalang-saysay sa kanyang buhay. Hindi lamang ang buhay nitong tao, kundi ng bawa’t isa, sa katunayan, tunay na kaawa-awa.
Habang ang panahon ay lumilipas sa kanila, hindi namamalayan ng tao sila’y tumatanda, hanggang kanilang matuklasan ang mga malalalim na kulubot sa kanilang katawan. Marami sa kanila ang naharap sa maraming paghihirap sa buhay na wala man lang pagkakataong tumigil sandali, magbalik, at tignan kung saan na ang kanilang nilakaran. Bagaman lahat ng mga magulang ay nabuhay at nagpagal ng husto para sa kanilang mga anak at pamilya, ang mga salita’y di-mailalarawan ang kanilang kalungkutan, kapag sila’y nahaharap sa kanilang takip-silim, walang natitira sa kanilang mga buhay.
Nasakop ng kanilang damdamin, di-maglaon sila’y mamamangha sa mga luha. Matapos ang maraming panahong lumipas, at matapos ang maraming taon, sa huli’y magkakaroon sila ng pagkakataong tumingin sa lumipas, at kapag kanila ngang ginawa, ang kanilang mararamdaman ay kung paano naging mahiwaga itong mapanglaw na tanawin ng huling taglagas sa kanilang sariling pagmumuni-muni. Sa pamamagitan ng taglagas, kapag lahat ng mga daho’y nagsihulog, at haharapin lamang ang kapanglawan ng taglamig, mababatid din nila ang kanilang mga buhay, ay maglalaho sa ganitong paraan. Sila’y magsisi, dahil napakatagal bago nila ito nalaman. Anong pag-asa mayroon ang mga taong ito, kung sila’y papanaw na hindi nasumpungan ang Panginoon? Gayong tao’y darating sa hangganang hindi nasumpungan ang Mesias ay kaawa-awa magpakailanman.
Ako rin ay nagkaroon siguro ng nakalulunos na buhay kung hindi ko nasumpungan ang Panginoon. Ikaw ba? Saan ka patungo ngayon, kung hindi mo rin nasumpungan ang Panginoon? Maraming tao, dahil hindi nila nasumpungan ang Panginoon, ay inilaan ang kanilang sariling kalungkutan.
Nagdurugo ang aking puso kapag aking naaalala ang mga taong ito, na maraming mga tao ang naglaan ng kanilang sariling kalungkutan. Ang tanging gagawin ng mga baboy ay pakanin ang kanilang mga sarili hanggang harapin ang kanilang hangganan, nguni’t ang ating mga buhay ay kaiba sa mga baboy, dahil dapat tayong magmuni-muni at tumingin sa hinaharap na buhay na walang-hanggan. Maraming tao ang nahaharap sa kanilang huling araw na puno ng pagsisisi. Bagaman alam nilang may walang-hanggan Kaharian ng Langit, nabatid nilang sila’y hindi nararapat na pumasok, dahil sila’y nanatiling makasalanan. Lubos ang dami ng mga namuhay na puno ng gayong mga pagsisisi lalo lamang akong nanangis at nagluluksa sa kanilang nakalulunos na tadhana.
Kapag ating naiisip ang ganitong mga buhay, na sila’y hindi makapupunta sa magandang lugar na inihanda ng Diyos, at sila’y maglalaho sa mundong ito na hindi natutupad ang tunay na layon ng kanilang mga buhay, maaawa lamang tayo sa mga kaluluwang ito at magluluksa sa kanilang tadhana. Ito ay kung bakit ang buhay madalas ay ihambing sa isang paglalakbay sa mabagsik at maalong karagatan. Kung sa buhay, sinasabi ng tao na ito’y katulad ng pamumuhay sa gayong karagatan, nagsisikap na mabuhay sa pait ng mundo ng tao, dahil mula sa pagkasilang hanggang sa kanilang kamatayan, dapat silang maghirap, nagsisipag at nagsisisigaw upang mabuhay lamang.
Kapag ating pinaaalalahan ang ating mga sarili na ito dahilan ng buhay, malalaman natin na may katiyakan na ang paliwanag sa katotohanan nitong Tabernakulo sa lahat ng tao at tulungan silang masumpungan ang Panginoon lahat ng mga ito ay mga gawaing may lubos na kahalagahan. Bakit? Dahil sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog, binigay ng Diyos sa mga makasalanang tao itong kanilang kaligtasan sa kasalanan sa pamamagitan ng pagtatagpo sa kanila sa Kanyang sariling Tahanan ng Diyos. Ang Tabernakulo ay ang Tahanan ng Diyos na itinaguyod sa ilang. Sa Tahanang ito ng Diyos, ang Tabernakulo, nakikipagtagpo ang Diyos sa mga makasalanan sa pamamagitan ng biyaya ng kapatawaran ng kasalanang natupad sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog. Sinabi ng Diyos sa atin, “Akin kayong papagtatayuin ng Aking Tahanan na Aking pananahanan, at Akin kayong katatagpuin sa loob nitong Tabernakulo, sa luklukan ng awa.” Tanging sa Tabernakulo, ang Tahanan ng Diyos, ay bibigyan sinuman ng pagkakataong makatagpo ang Diyos.
Itong pananalig sa katotohanan ng Tabernakulo ay di-maaaring ipagpalit sa anuman sa mundong ito, at ito ang pinakamahalaga na hindi mabibilan ng kahit anumang halaga. Naniniwala ako na sa atin na taglay ang Kristiyanong pananampalatayang nananalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas, upang magkaroon ng tiyak na kaalaman at wastong pananampalataya sa Tabernakulong ito ay ang paraan upang makatapak sa lalo pang pinagpalang daanan.
Tayo’y Namumuhay sa Ating mga Pinagpalang Buhay
Ang aking puso’y puspos ng kagalakan, nagtataka kung mayroon pang sinumang nabubuhay sa gayong mapalad na buhay tulad ng ating pamumuhay. Bagaman ang buhay ay gayong kalunus-lunos, maraming tao’y patuloy sa kanilang mga buhay habang nananatiling lubos na walang-kamalayan sa kanilang sariling tadhana. Nguni’t nais ng Diyos na kanilang malaman kung gaano ang katigasan ng ulo ang kanilang mga buhay noon sa Kanya, at upang mapagsisi ang kanilang mga puso. Sila, sa kabilang dako, ay patuloy pa ring namumuhay nang walang-pakikinig sa ebanghelyog walang-bayad na binigay ng Diyos sa kanila, at hindi pagbukas ng kahit kaunting puwang sa kanilang mga puso.
Ang Exodo ay nagsasabi sa atin ukol sa sampung salot na pinadala ng Diyos kay Faraon. Sampung mga salot ang hinatid sa lupain ng Ehipto. Iniutos ng Diyos sa Faraon na palayain ang Kanyang bayang nakatira sa Ehipto. Sinabi Niya kay Faraon na kapag hindi siya sumunod, Kanyang ipadadala ang mga sampung salot sa kanya. Nguni’t hindi nakinig sa Faraon sa sinabi ng Diyos, matigas ang ulong sinuway ang Kanyang utos, at nahantong na nakamit lahat ng mga salot na pinangako ng Diyos.
Ang katigasan ng ulo ni Faraon ay kamalian. Ang dahilan din kung bakit kanya ring pinalaya ang bayan ng Israel matapos lamang kamtin lahat ng mga parusa ng Diyos ay dahil siya’y pinigil ni satanas. Ito’y tumutukoy sa ating sariling maling pagtutol na makikita sa bawa’t isa sa atin.
Ang gayong tao, datapuwa’t, matatamo pa rin ang kapatawaran ng kasalanang itinalaga ng Diyos sa Kanyang Tabernakulo, at mamumuhay kasama Siya sa pananampalataya. Subali’t ang mga taong ito ay lubos ang katigasan ng ulo na kanilang patuloy na tinatanggihan at di-nananalig sa katotohanan ng Diyos kasing-tigas ng ulo ng isang asno. Ito ay kung bakit maraming mga tao ang nabigong masumpungan ang Diyos ng katotohanan, namuhay bilang mga makasalanan, at sa huli’y naharap sa kanilang sariling kapahamakan. Maraming mga tao ang lubos na matigas ang ulo sa Diyos.
Dahil ang gayong tao’y pumapayag panumandali kapag sila’y nahaharap sa mga paghihirap, subali’t babalik muli sa kanilang pinanggalingan sa pagtanggi sa kalooban ng Diyos at muli’y itutuloy ang pagtutol na pamamaraan, kanilang haharapin ang kanilang pangalawang salot. Sa pangalawang salot na ito, sila’y hihinto panumandali. Subali’t ito’y hindi magtatagal, dahil di-maglao’y magsisimulang muli sumuway sa Diyos at hamunin Siya. Kaya sila’y dadaan sa kanilang pangatlong salot, susundan ng kanilang pang-apat, panglima, pang-anim, pang-pito, pangwalo, at pang-siyam na salot, hanggang sila’y susuko lamang matapos ang huling salot at sila’y mawawasak.
Kapag dumating ang huling salot, maraming tao ang magdadanas ng hirap ng impiyerno dahil sa di-pananalig sa ginawa ng Mesias sa kanila. Anong mangmang ng pamumuhay ng gayong mga tao? Ito ay kung bakit ang buhay ng bawa’t isa’y kalunus-lunos.
Bagaman ang buhay ng mga tao’y kalunus-lunos sa Diyos, dapat mong malaman na ang makipagtagpo sa Diyos sa Tabernakulo ay isang dakilang pagpapala sa iyo, at manahan sa Salita ng Tabernakulo sa ganitong pagkakabatid.
Ang mga Handog na Hangad ng Diyos mula sa Atin
Inutusan ng Diyos si Moises na umakyat sa Bundok ng Sinai at binigyan siya ng isang buong serye ng Kanyang Kautusan: “Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin; huwag ka ring gagawa ng mga rebulto ni yuyukod sa kanila; huwag tatawagin ang Aking pangalan sa walang-kabuluhan; iyong alalahanin ang Sabbat at gawing banal; igalang mo ang iyong mga magulang; huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa; at huwag kang mag-iimbot.” Dagdan nito, ang Diyos ay nagsabi din sa kanila ng iba pang mga kautusan na kailangan tupdin ng mga Israelita sa kanilang araw-araw na pamumuhay: Ito ay binubuo ng 613 na mga utos at mga kautusan ng Diyos.
Itong 613 na mga utos ay binubuo ng gayong mga bagay na kung anong gagawin kapag ang mga Israelita’y nawala ang kanilang baka, anong gagawin kapag ang hindi kanyang baka’y nahulog sa isang hukay, na sila’y hindi dapat makipagtalik sa kamag-anak, na kapag sila’y may mga alipin kailangan nilang palayin sila matapos ang ikapitong taon, na kapag kanilang pinahintulot na ikasal ang babaeng alipin sa kanilang lalaking alipin at nagkaroon ng anak, kanilang dapat palayain ang lalaking alipin sa ikapitong taon, at marami pang iba. Sinabi ng Diyos kay Moises lahat ng gayong mga kautusang tuntuning moral na kailangang tupdin ng mga Israelita sa pamamagitan ng pananampalataya sa paningin ng Diyos sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Pagkatapos ay sinabi ng Diyos kay Moises na bumaba ng bundok, tipunin ang mga matatanda, at ipahayag ang Kanyang mga utos. Pinakinggan ang Kanyang Salita, at ang buong bayan ng Israel ay sumang-ayon, at nanumpa sa pamamagitan ng kanilang dugo na kanilang ngang susundin lahat ng Kanyang mga utos (Exodo 24:1-4).
Pagkatapos, tinawag muli ng Diyos si Moises sa bundok, sa pagkakataong ito upang magtayo ng Tabernakulo.
Sinabi ng Diyos kay Moises, “Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila’y magdala sa Akin ng isang handog: ang bawa’t tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa Akin” (Exodus 25:2). Pagkatapos Kanyang sinabi ang Kanyang mga handog: “At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, pilak at tanso. At kayong bughaw, kulay-ube at pula, at lino at balahibo ng kambing. At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia. Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob; mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral” (Exodus 25:3-7).
Mayroong isang konkretong layon sa likod ng pagsasabi ng Diyos sa kanila upang dalhin itong mga handog. Itong layon ay upang magtayo sa mundong ito ng nagniningning na Tahanan ng Diyos, kung saan walang kasalanan at ang Diyos ay mananahan, upang Kanyang katagpuin doon ang bayan ng Israel at alisin ang kanilang mga kasalanan. Hindi ibig sabihin, datapuwa’t, na sinabi ng Diyos sa kanila na magdala ng salapi upang magtayo ng alaalang edipisyo tulad ng mga iglesia ngayon. Ang mga bulaang propeta sa Kristiyanismo ngayon ay talaga nakikiling sa paggamit nito kapag kanilang tinatangkang magtayo ng mga gusali sa kanilang iglesia upang bigyang kasiyahan ang kanilang sariling mga pita.
Salungat nito, sinabi ng Diyos sa mga Israelita na dalhin sa Kanya itong mga handog upang Kanyang gamitin sa pagtayo ng Kanyang sariling Tahanan at masaganang pagpapalain sila roon. Sa katunayan, ang dahilan kung bakit tinanggap ng Diyos ang mga handog na ito ay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan at upang iligtas tayo mula sa ating sumpa. Ito’y para sa Diyos mismo upang makatagpo tayo, tayo na may kaawa-awang mga buhay, upang hugasan ang ating mga kasalanan, upang maglaho ang ating mga dasal ng pangunumpisal, at upang tayo’y maging Kanyang sariling bayan.
Ang Espirituwal na Lihim na mga Kahulugan ng mga Handog na Inutos ng Diyos na Dalhin sa Kanya
Bago tayo lubos na magpatuloy, tayo muna’y maglaan ng ilang oras sa pagninilay-nilay sa mga espirituwal na kahulugan nitong mga handog na inutos ng Diyos na dalhin sa Kanya. Matapos nito, ating susuriin ang ating pananampalataya sa liwanag nito.
Ginto, Pilak at Tanso
Kailangan muna nating malaman lahat kung saan ginamit ang ginto, pilak at tanso. Sa Tabernakulo, ang ginto’y ginamit para sa Banal na Dako, Kabanalbanalang Dako, at ang mga bagay na makikita rito, pati na ang kandelabra, ang dulang ng tinapay, ang dambana ng kamanyang, ang luklukan ng awa, at ang Kaban ng Tipan. Ang ginto’y tumutukoy sa pananalig sa Salita ng Diyos. At ang pilak ay tumutukoy sa biyaya ng kaligtasan. Sinasabi sa atin na kailangan magkaroon tayo ng pananampalatayang naniniwala sa handog ng kaligtasang bigay ng Mesias, at ang pananampalatayang naniniwala na ang ating Panginoon ay inalis lahat ng ating kasalanan at nahatulan para sa atin.
Ang tanso, sa kabilang dako, ay ginamit para sa mga tuntungan ng mga haligi ng Tabernakulo, mga tulos nito, ang hugasang tanso, at ang dambana ng sunugan ng handog. Lahat ng mga tansong kasangkapan ay dapat ibaon sa lupa. Ito’y tumutukoy sa paghatol sa mga kasalanan ng tao, at ang tanso’y sinasabi rin sa atin na tayo’y hahatulan ng Diyos sa kabiguang tupdin ang Kautusan at dahil sa ating mga kasalanan.
Ano, kung gayon, ang mga espirituwal na kahulugan ng ginto, pilak at tanso? Ito’y binubuo ang mga pundasyon ng pananampalataya sa pagtanggap ng handog na kaligtasang bigay ng Diyos. Sinasabi ng Biblia sa atin na tayong lahat ay mga makasalanang hindi ganap na masusunod ang Kautusan, na tayo’y mamamatay dahil sa ating mga kasalanan, at sa halip na ating sariling kamatayan, ang Panginoon ay naparito at hinatulan dahil sa ating mga kasalanan sa halip na tayo sa pamamagitan ng pagiging handog ng kasalanang binigay sa Tabernakulo.
Upang lutasin ang problema ng kanilang mga kasalanan, ang mga makasalanan ay nagdadala ng walang-bahid na hayop sa Tabernakulo at, ayon sa pamamaraan ng paghahandog, ililipat ang kanilang mga kasalanan sa pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito; ang inaalay na handog ang tumanggap ng kanilang mga kasalanan ay mabubuhos ang dugo nito at papatayin. Sa pamamagitan nito, ang bayan ng Israel, na patungong impiyerno (tanso), ay matatanggap ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan (pilak) at makatakas mula sa kanilang sumpa ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya (ginto).
Ang Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid at ang Mapinong Binurdang Lino
Narito ang iba pang madalas na materyales na ginamit; bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Itong mga sinulid ay ginamit para sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, ang pinto ng Banal na Dako, at ang tabing sa pagitan ng Banal na Dako at Kabanalbanalang Dako. Itong mga apat na sinulid ay sinasabi sa atin tulad ng hula sa Genesis 3:15, na ang Panginoon ay paparito bilang anak ng isang babae, ang ating Panginoon nga’y naparito at niligtas ang mga makasalanan sa pamamagitan ng pagbautismo at pagpako, at ang Diyos mismo ang magliligtas sa atin.
Itong apat na sinulid ay ginamit hindi lamang para sa mga pintuan ng Tabernakulo, kundi pati rin sa mga damit ng Mataas na Saserdote at ang unang tabing ng Tabernakulo. Ito ang tipan ng Diyos na si Jesu-Cristo ay naparito at niligtas tayo mula sa ating kasalanan sa pagtupad ng Kanyang mga gawa ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. At ang ating Panginoon nga’y tinupad itong pangako, niligtas nga tayo sa mga kasalanan.
Ang pinakakritikal na paksa ng mga pintuan ng Tabernakulo ay ang bughaw na sinulid. Bakit pumarito si Jesu-Cristo, sa mundo bilang Mesias, at kailangang mamatay sa Krus? Dahil Siya’y nabautismuhan. Ang bughaw na sinulid ay tumutukoy sa bautismo ni Jesus, at ang kulay-ube’y sinasabi sa atin na si Jesus ay ang Hari, at ang pulang sinulid ay tumutukoy sa Kanyang pagpako at pagdanak ng dugo. Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino ay ang mahalagang materyales, na binubuo ng handog ng kaligtasang binigay ni Jesus sa pagparito bilang Mesias at pag-alis ng lahat ng ating kasalanan tungo sa Kanya.
Maraming tao ang iginigiit lamang na si Jesu-Cristo’y ang Anak ng Diyos, at Siya mismo ang Diyos. Nguni’t maliwanag na sinabi ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Tabernakulo na ang gayong mga aral ay hindi ang buong katotohanan.
Sinabi ni Apostol Pablo sa 1 Pedro 3:21, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y naligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo.”
Pinatotoo sa atin na si Jesu-Cristo’y tinupad ang Kanyang pangako ng kaligtasan at inilatag ang mga pundasyon ng buong pananampalataya sa pagtanggap ng Kanyang bautismo, ang larawan na nagligtas sa atin. Sino ang ating Mesias? Ibig sabihin ng Mesias ay Tagapagligtas, sinasabi sa atin na si Jesus ay naparito, binautismo upang alisin lahat ng ating mga kasalanan at lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanya mismo, at Kanya ngang kinuha lahat sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Sinabi ng Diyos sa mga Israelita na gumawa ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo sa pagbuburda nitong bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang layon para sa ating Panginoon, na Siyang Hari ng mga Hari at Panginoon ng Langit, upang pumarito sa mundong ito sa laman ng isang ay upang tuparin ang katotohanan niton mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang ating Panginoon ay naparito sa laman ng isang tao at tinanggap ang bautismo na tutupad sa lahat ng katuwiran ng Diyos mula kay Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan.
Ito’y katulad ng paghahandog sa Lumang Tipan na tumanggap ng mga kasalanan ng mga Israelita na inilipat sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote sa ulo nito at hahatulan dahil sa mga kasalanang ito sa halip na sila. Sa ibang salita, tulad na paghahandog sa Lumang Tipan, si Jesus ay dumating sa Bagong Tipan bilang handog para sa mga kasalanan ng lahat ng mga makasalanan, binautismo, pinako, at sa gayo’y pinasan lahat ng sumpa ng kasalanan. Tinupad ni Jesus ang katotohanan ng bughaw na sinulid sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan bilang alay na Cordero ng Diyos. Sa bautismong ito, kinuha ni Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang sarili nang minsanan.
Ang dahilan kung bakit karamihan ng mga Kristiyano ay naging uri ng mga taong lalong masahol kaysa sa ibang makamundong relihiyon ay dahil hindi nila nalaman at naniwala sa katotohanang ito ng bughaw na sinulid, ang bautismo ni Jesus, at samakatuwid hindi agad nakamit ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Kapag ang mga Kristiyano’y hindi taglay ang tamang pakahulugan nitong bautismong tinanggap ni Jesus upang ilipat ang ating mga kasalanan sa Kanya, ang kanilang pinaka-pundasyon ng pananampalataya’y di-mailalatag ng husto mula sa pasimula.
Upang maging tiyak, ang bughaw na sinulid ay ang paraan at ang katotohanan kung saan ang Mesias ay naparito at kinuha ang ating mga kasalanan. At ang pulang sinulid ay tumutukoy sa dugo ni Jesus. Ang dahilan bakit napako si Jesu-Cristo, dumanak ang Kanyang dugo, at namatay sa Krus ay dahil ang ating mga kasalanan ay inilipat sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ito’y dahil kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan tungo sa Kanyang sarili sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan na Siya ngayo’y mamamatay sa Krus, at dahil nitong katotohanan na Siya’y inalay sa Krus para sa atin ay hindi walang-kabuluhan. Ito’y dahil si Jesu-Cristong Mesias buong pinasan lahat ng sumpa ng ating kasalanan sa Kanyang bautismo at pagkapako na Kanyang mabubuo ang ating kaligtasan.
Ang kulay-ubeng sinulid nagsasabing si Jesu-Cristo ay Diyos at ang Hari ng mga hari. Bagaman si Jesu-Cristo ay ang Hari ng mga hari (kulay-ubeng sinulid), kung hindi Siya nabautismo ni Juan, at kung hindi inilipat ang ating mga kasalanan sa Kanya (ang bughaw na sinulid), gaano man ang paghihirap at pasakit ang Kanyang kamatayan sa Krus (ang pulang sinulid), ito’y magiging walang-saysay lamang. Ang mapinong binurdang lino ay nagsasabi sa atin na ang Salita ng hulang sinabi ng Diyos sa Lumang Tipan ay natupad lahat sa Bagong Tipan.
Ang Kristiyanismo Ngayon ay Naglaho ang Kahulugan ng Bughaw na Sinulid
Nguni’t may isang tanda ng pagkiling sa Kristiyanismo ngayon upang hindi pansinin ang bughaw na sinulid sa mga apat na sinulid at ayon lamang sa sariling kagustuhan ay ipakahulugan ang Salita ng Diyos sa kanyang sarili—itong dakilang kasalanan ay tiyak na mahahatulan.
Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y sinasabi sa atin na ang katotohanan ng kaligtasan, upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, si Jesu-Cristong Mesias ay kailangang pumarito sa laman ng isang tao, at mabautismo at mapako. Kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang sarili.
Paano kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan? Kinuha Niya sa pamamagitan ng bautismong tinanggap mula kay Juan. Tanging sa pag-aalis ng ating mga kasalanan si Jesus ay magiging ating sariling Tagapagligtas. Ito ay kung bakit ang mga pintuan ng Tabernakulo ay kailangang burdahan nitong apat na sinulid, dahil sinasabi sa atin na si Jesus, na Siyang naparito, binautismuhan, dumanak ang Kanyang dugo sa Krus, at bumangon muli mula sa kamatayan, ay Siyang Diyos mismo.
Tulad niyaon, ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay gawa sa mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Si Jesus ay ang pintuan ng kaligtasan umaakay sa atin sa Kaharian ng Langit. Ang pintuang ito ay isang pintuang binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Si Jesus ay ang Tagapagligtas ng mga makasalanan. Ang bautismo ni Jesus at Kanyang pagpako ay ang Kanyang mga handog ng kaligtasan na nagligtas sa mga makasalanan.
Ito’y dahil sa Kristiyanismo ngayon ay nabigong maunawaan ng husto ang bautismo ni Jesus na di-nagtulot na makatagpo sa tunay na Diyos at sa halip ay nahantong sa isa sa maraming makamundong relihiyon. Sa abot ng aking pananampalataya, samakatuwid, atin munang ilatag ang matibay na pundasyon ng pananampalataya sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Itong pundasyon ng pananampalataya ay ang katunayan na ang ating Panginoon ay naparito at niligtas ka at ako sa mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Si Jesus ay naparito sa mundo at binuo ang handog na kaligtasang magliligtas sa atin sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Upang lalong maging partikular, si Jesus ay naparito sa laman ng isang tao, kinuha ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, pinatawad lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus, ay sa gayo’y pinasan ang sumpa ng ating mga kasalanan sa kamatayan sa Krus. Itong si Jesus na nagligtas nga sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng dugo (1 Juan 5:4-8) ay ang pangunahing Panginoon na lumikha sa atin, at Siya ang nagbigay sa atin ng handog ng kaligtasan. Itong si Jesus ang nagligtas sa atin sa lahat ng ating mga kasalanan at sumpa ay naging ating tunay na Tagapagligtas. Ito ang sinasabi sa atin ng mga materyales sa paggawa ng Tabernakulo.
Tulad niyaon, dapat nating matatag na itaguyod ang ating pananalig sa mga materyales na ito. Sa pananalig kay Jesus na Siyang naparito bilang ating Mesias, bilang ating sariling Tagapagligtas, malinaw na dapat tayong manalig at tiyakin sa ating mga puso sa bautismong Kanyang tinanggap, sa lahat ng sumpa na Kanyang pinasan para sa atin sa Krus, at sa Kanyang pagbangong muli mula sa kamatayan. Ang Tagapagligtas na nagbigay sa atin ng handog ng ating kaligtasan sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugong nabubo sa Krus ay hindi lamang isang tao, nguni’t Siya ang pinaka-Manlilikha ng gumawa sa sangkatauhan at sa buong kalawakan. Dapat nating ipahayag ang ating pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Kung wala ang gayong kapahayagan ng pananampalataya, hindi matatamo ang pananampalataya kay Jesus bilang Tagapagligtas.
Nakapaglaro na ba kayo ng isang laro ng paghahatid ng salita na walang-kibo? Ang larong ito’y nagsisimula sa isang tao na binigyan ng isang papel kung saan ang isang pangungusap ay nakasulat. Kanya munang babasahin ang pangungusap nang palihim, at pagkatapos ay ilalarawan ang pangungusap ng matahimik, sa pamamagitan lamang ng pagbuka ng kanyang mga labi. Pagkatapos, ang kasunod na nagbasa ng mga labi ay ihahatid sa ikatlong tao. Kanya ngayong babasahin ang mga labi ng pangalawang tao, at pagkatapos ay ipapasa sa ikaapat ng tao sa gayon ding paraan, hanggang marating ang huling tao. Ang layon ng larong ito ay upang wastong mailahad ng huling tao ang orihinal na pangungusap sa unang manlalaro. Ang dahilan bakit masaya ang larong ito dahil ang orihinal na pangungusap ay madaling maiba. Halimbawa, kung ang laro’y nagsimula sa isang pangungusap na nagsasabing, “Buksan mo ang bentilador,” matapos itong maihatid sa ilang tao, ito agad ay nagsisimulang mag-iba. Sa katapusan, ang huling tao’y marahil sasabihin, “Paalisin ang asno,” matatapos na iba ang pangungusap.
Tulad nitong huling tao’y matatapos sa isang kakaibang pangungusap, kaya maging sa Kristiyanismo ngayon ay may kakaibang naligaw na pananampalataya, na parang naglalaro ng tahimik sa paghahatid ng salita. Bakit ganito? Dahil nabigong ilatag ang pundasyon ng pananampalataya sa pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang Kristiyano ngayon ay hindi matibay ang pundasyon nitong pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Kapag ang pundasyon ng pananampalatayang ito ay pabagu-bago, gaano man taimtim ang paniniwala kay Jesus at gaano man natin hinahanap upang gawin ang Kanyang mga aral sa ating mga buhay, hindi natin ito magagawa.
Nang sinabi ng Panginoon sa mga Israelita na magdala sa Kanya ng mga handog upang itayo ang Tabernakulo, sinabi Niya sa kanila na magdala muna ng ginto, pilak at tanso, at pagkatapos magdala ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang mga materyales na ito ay pinakikita sa atin na niligtas tayo ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismong natanggap mula kay Juan, ang Kanyang pagbuhos ng dugo sa kamatayan sa Krus, at Kanyang pagbangong muli.
Ang bughaw na sinulid ay ginamit hindi lamang para sa lahat ng mga pintuan ng Tabernakulo, kundi para rin sa damit ng Mataas na Saserdote at mga tabing ng Tabernakulo. Ito ang ebanghelyong nagsasabi sa atin kung paano naparito ang ating Panginoon at kung paano tiyak na niligtas Niya ikaw at ako sa ating mga kasalanan. Tulad niyaon, sinasabi sa atin kung gaano kahalaga itong apat na pangunahing kabuuan ng pananalig—ito ay, ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino—tunay na para sa ating pananampalataya. Batay sa Salitang ito, dapat matibay nating ilatag ang ating pundasyon ng pananalig. Saka lamang tayo mananalig sa Diyos at makakamit ang ating kapatawaran ng kasalanan, kapag dumating ang Panginoon, sa gayon magiging bayan ng pananalig na buong-loob na haharap sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang ito.
Sa Korea, totoo na mayroon pa ring mga umaasa lagi sa iba na kinikilala ang anumang bagay na dayuhan bilang higit na mabuti. Ang kalagayang ito ay nananatili din sa mga teolohiya ng aming bansa, na mayroong malaking tiwala sa sinabi ng mga taga-kanlurang teolohiya, umaasa ng husto sa kanilang mga salita kaysa sa Salita ng Diyos. Dapat silang mapalaya sa kamangmangang ito, at dapat silang tunay na manalig sa Salita ng Diyos, magtitiwala at aasa sa Kanya, dahil ang katotohanan ng bautismo ng ating Panginoon, Kanyang dugo, at sa katunayang Siya ang Diyos, pangunahing naging pintuan ng ating kaligtasan.
Tulad ng kapahayagan ni Apostol Pedro, “Ikaw ang Cristo, Ang Anak ng Dios na Buhay,” (Mateo 16:16) kung nananalig ka sa Diyos, at kung nananalig ka na ang Panginoon ay naparito upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, kung gayon dapat mo ring alamin at maniwala na ang Panginoon ay naging ating tunay na Diyos ng kaligtasan sa pagkuha ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, kamatayan sa Krus, at pagbangong muli sa kamatayan. Ang bautismo ng ating Panginoon at ang dugo sa Krus ay mga pundasyon ng tunay na pananampalatayang nagtulot sa atin na tanggapin ang handog ng kaligtaasn. Kung hindi tayo maniniwala sa pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid alinsunod sa Salita ng Diyos, paano natin matatawag ito na tunay na pananampalataya?
Ang Kautusan ay ang Larawan ng mga Mabuting Bagay na Darating
Ang mga materyales sa pagtayo ng Tabernakulo ay pinakikita sa atin na ang ating Panginoon ay naparito sa laman ng tao, kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, tiniis ang sumpa ng ating mga kasalanan sa Kanyang pagpako, bumangong muli mula sa kamatayan, at sa gayo’y naging ating Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, pinangako ng Panginoon sa Lumang Tipan na Kanyang ibibigay sa atin ang handog ng kaligtasan. Ang Siyang nagbigay sa atin nitong tipan walang iba kundi si Jesu-Cristo, ang Hari ng mga hari na binautismuhan at pinako alang-alang sa mga makasalanan. Ang Diyos na ito, sa ibang salita, naparito sa atin bilang ating Mesias. Sa gayon, dapat nating ilatag ang pundasyon ng ating pananampalataya sa pag-aalam at buong paniniwala sa katotohanang ito. Sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, makakamit nating lahat itong handog ng kaligtasan.
Ang ginto, pilak at tanso ay mga materyales din na ginamit sa Tabernakulo. Itong mga materyales ay tumutukoy sa pundasyon ng ating pananampalataya. Sa harap ng Diyos, wala tayong magagawa kundi ang mabulid sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan. Nguni’t sa taong tulad natin, binigay ng ating Panginoon ang handog ng kaligtasan sa tulad nating mga nanalig. Sa pag-aalay ng handog para sa lahat ng sangkatauhan, si Jesu-Cristo’y binautismuhan ni Juan, napako, at sa gayo’y ganap na niligtas tayo sa ating mga kasalanan. Walang ibang paraan para sa atin na iwasan ang impiyerno, dahil alam nating tayo’y patungo sa sumpa ng ating mga kasalanan, at di-nalalaman kung paano tayo magkakaroon ng pananalig na magpapalaho ng ating mga kasalanan. Nguni’t sa Diyos ay may handog na kaligtasan. Na si Jesus ay naparito, tinanggap lahat ng ating kasalanan sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, namatay sa Krus, at sa gayo’y nilutas lahat ng ating kasalanan at sumpa—ito ang handog ng kaligtasan.
Tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya, sa pananalig na natupad ng Diyos ang Kanyang gawa ng ating kaligtasan at binigay sa atin ang handog ng kaligtasan. Ito ay bakit sinabi ng Diyos na magdala ng pananampalataya ng ginto, pilak at tanso, dahil Kanyang lubos na niligtas yaong patungong impiyerno sa pagbibigay kanila ng handog ng kaligtasan. Ito’y dahil ang ating Panginoon nga’y niligtas tayo sa pagparito, kinuha lahat ng ating kasalanan, at pinasan lahat ng hatol kaya tayo lubos na naligtas sa Diyos sa pananalig nitong handog ng kaligtasan.
Si Jesu-Cristo ngayo’y ating ganap na Tagapagligtas. Tayo samakatuwid ay dapat na matibay na tumayo sa ating pananalig sa Kanyang handog na kaligtasan, para sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay mga handog ng pananampalataya. Hindi nais ng Diyos na tayo’y manalig ayon lamang sa sariling kagustuhan at bulag na manalig nang hindi nalalaman ang lahat.
Ang Balahibo ng mga Kambing, mga Balat ng Lalaking Tupa na Tinina sa Pula, at Balat ng Poka
Ang mga ito’y ginamit sa paggawa ng mga tabing ng Tabernakulo. Ang unang tabing ay binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, sa pangalawang ay inilatag ang tabing ng balahibo ng kambing. Ito ngayo’y tinakpan ng balat ng lalaking tupa na may pulang tina, at, sa huli’y, mga balat ng poka ay inilatag sa ibabaw. Sa paraang ito, apat na magkakaibang suson ng mga tabing na itinakip sa Tabernakulo.
Ang tabing na huling inilatag sa Tabernakulo ay mula sa mga balat ng poka. Kaya ang lumitaw sa ibabaw ng mga tabing ng Tabernakulo’y itong mga itim na balat ng mga poka. Ang poka ay isang “sea otter.” Ang laki nitong mga balat ay halos kasing-laki ng isang tao o may kaliitan, at ang mga balat ay di-natatagusan ng tubig. Ito ay bakit ang mga balat ng poka ay ginamit bilang tabing ng ibabaw ng Tabernakulo. Dahil dito, ang panlabas na anyo ng Tabernakulo ay di-kagandahan, at ito’y tiyak na di-kaaya-ayang tignan. Sinasabi sa atin nang si Jesus ay naparito sa atin, Siya nga’y dumating sa kababaang-loob, walang bagay na kasiya-siya sa Kanyang anyo.
Ang mga balat ng lalaking tupa na pinahiran ng pulang tina ay pinahiwatig na si Jesu-Cristo’y naparito at inialay alang-alang sa atin, habang ang balahibo ng mga kambing nagsasabing Kanya tayong ililigtas sa pagbautismo bilang ating haing handog at sa gayo’y tatanggpin ang ating mga kasalanan, at sa pamamagitan ng pag-aalay sa Krus.
Ang mga materyales ng mga tabing ng Tabernakulo, ay ang mga panunahin sa ating pananalig. Itong mga katotohanan ay ang mga materyales sa pagbuo ng pananalig sukdulang hindi maaalis. Upang ibigay sa atin ang handog ng kaligtasan, si Jesu-Cristo’y naparito bilang ating sariling handog. Sa Lumang Tipan, itinatag ng Diyos ang pamamaraan ng paghahandog para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng Israelita: Ang walang-bahid na panghandog na mga hayop (mga kambing, tupa, o mga baka) ay tumanggap sa mga kasalanan ng mga Israelitang isinalin sa kanila sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, at pinatay sa halip na sila, dumanak ang kanilang dugo at sinunog, sa gayo’y naligtas sila sa lahat ng kanilang mga kasalanan.
Si Jesu-Cristo’y naparito bilang Corderong handog at tinanggap ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ito ay, ang pagpatong ng mga kamay. Tulad ng haing handog ay pinatay sa pamamagitan ng pagbuhos ng dugo nito at sunugin sa dambana ng sunugan ng handog upang tanggapin ang mga kasalanan ng mga Israelita sa pagpapatong din ng mga kamay, maging si Jesu-Cristo rin pinasanan lahat ng sumpa ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at namatay sa Krus, at sa gayo’y naligtas tayo sa mga kasalanan ng mundo.
Ang mga pangalan sa Aklat ng Hatol ay inalis sa pamamagitan ng paglagay ng dugo ng haing handog sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, dahil si Jesus ay binautismo at nagdanak ng Kanyang dugo at Kanyang naganap ang ating walang-hanggang pakikipamayapa dahil sa dugong ito at inalis lahat ng mga kasalanan ng mundo. Tulad nito, lahat ng mga materyales ng Tabernakulo’y nagsasabi sa atin ukol kay Jesu-Cristo at Kanyang mga ministeryo, sinasabi sa atin na Kanya nga tayong niligtas sa mga kasalanan. Mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan, ang Salitang niligtas tayo ni Jesus sa ating mga kasalanan ay ang buong katotohanan, lubos na malaya sa anumang mga kamalian.
Marami sa mga Kristiyano ngayon ag di-nananalig na si Jesu-Cristo’y naparito bilang ating handog at kinuha Niya ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, nguni’t sa halip walang-pasubaling nanalig lamang sa Kanyang kamatayan sa Krus. Ang gayong Kristiyanong pananalig ay isang di-pagsunod sa kautusan ng pintuan ng bakuran sa Tabernakulong binurda lamang sa pula at kulay-ubeng sinulid, hindi sinama ang bughaw na sinulid. Taglay lang nila ang maling pananalig na di-nakikita ang pangangailangan sa tabing na gawa sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at sa halip ay naniwala na lahat lang ng kailangan nila ay ang dalawang tabing ng mga balat ng tupa na may pulang tina at ang mga balat ng poka.
Kapag ating titignan ang maraming larawan ng Tabernakulong ipinapahiwatig sa buong mundo, karamihan sa mga ito ay ipininta sa paraang hindi natin makikita maging ang pinakamaliit ng tanda ng bughaw na sinulid. Dahil ang mga taong nagpinta ng mga larawan ay mangmang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo sa kanilang mga larawan lahat ay natatakpan ng pula at putting mga kulay. Ang gayong pananalig ay di-maaaring maging tunay na pananalig sa Diyos.
Ang sinulid na ginamit ng husto sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay ang bughaw na sinulid, sinundan ng kulay-ube, pagkatapos ay pulang sinulid, at ang huling puting sinulid. Sa pagtingin sa pintuan ng bakuran, lahat nitong mga apat na kulay ay maaninag nang minsanan. Nguni’t dahil maraming mga tao sa mundong ito na ang pananampalataya’y ganap na kulang sa kaalaman ng bautismo ni Jesus, silang lahat ay winalang-saysay ang apat na kulay ng mga sinulid na ginamit para sa Tabernakulo at sa halip ay gumawa ng kanilang mga pintuan ng Tabernakulo sa pamamagitan lang ng dalawang sinulid.
Sa paggawa ng gayon, nilinlang nila ang maraming taong may limitadong kaalaman sa Diyos at mangmang sa Kanyang Salita. Ang mga ito’y mga huwad na propeta. Ang mga taong ito, inilarawan mismo ni Jesus bilang mga pansirang damo na inihasik ng diablo sa pagitan ng trigo (Mateo 13:25). Sila’y naging mga taong nagkakalat ng mga kasinungalingan sa pag-aalis ng bughaw na sinulid sa kanilang pinta ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Ito ay bakit maraming taong nanatiling makasalanan kahit sila’y naniniwala kay Jesus, bakit silang lahat ay patungo sa kanilang kapahamakan dahil sa kanilang mga kasalanan.
Ang ating pundasyon ng pananampalataya ay dapat maging matatag. Anong saysay ang mamuhay ng mahabang panahon sa relihiyosong buhay para sa iyong kaluluwa gayong lahat ng saligan ay isang labag sa batas na pananampalataya? Maling paniniwala ay maaari at kayang iguho ang isang. Gaano man kaganda ang ating tahanan, anong saysay kung itatayo itong bahay sa di-matibay na pundasyon ng pananalig? Gaano man kasigasig ang iyong paglilingkod sa Diyos, kung ang iyong pundasyon ay di-matibay, kung gayon iyo lamang tinayo ang iyong tahanan sa buhanginan; kapag dumating ang bagyo, humampas ang hangin, at bumaha, maguguho ito agad.
Nguni’t paano ang pananampalatayang ang pundasyon ay matibay? Hindi kailanma’y maguguho, gaano man ito ugain. Sinabi ng Diyos sa atin na ang tahanang itinayo sa batuhan ng katotohanang binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay di-guguho. Ito ang tunay na pangyayari. Ano ang pananampalataya sa bato? Ito ang pananampalatayang naniniwala sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang pananampalataya ng mga nagtayo sa gayong bahay ng pananalig ay di-maguguho. Ito ay bakit mahalaga para sa ating pananampalataya na magkaroon ng matibay at matatag na pundasyon. Kung tayo’y mananalig na hindi lubos na nauunawaan ang ginawa ng Panginoon sa atin, ang gayong nananalig ay magiging pananalig ng mga relihiyoso, hindi nangangailan sa Diyos.
Acaciang Kahoy, Langis at mga Pampalasa
Ang mga haligi ng Tabernakulo, ang dambana ng sunugan ng handog at ang mga tabla at ang mga bagay ng Santuario lahat ay gawa sa acacia. Ang Kahoy sa Biblia kadalasa’y pinapahiwatig ang mga tao (Hukom 9:8-15, Marcos 8:24). Ang kahoy dito’y tumutukoy din sa ating likas na katauhan; na ang acaciang ito’y ginamit para sa mga haligi, ang dambana ng sunugan ng handog, at ang Tabernakulo nagsasabi sa atin na tulad ng mga ugat ng puno ng acacia ay laging nakabaon sa ilalim ng lupa, ang ating mga pangunahin ay gayon na lang kaya tayo’y laging nagkakasala. Ang lahat ng tao’y dapat aminin na sila’y patuloy sa di-matuwid at laging nagkakasala.
Gayon din, ang acacia’y pinapahiwatig din ang pagkatao ni Jesu-Cristo. Ang Mesias na naparito sa laman ay pinasan lahat ng mga kasalanan, at nahatulan alang-alang sa buong sangkatauhan. Siya ang Diyos mismo, at samakatuwid, ang kaban, ang dulang ng tinapay, ang dambana ng kamanyang, at ang mga tabla ng Tabernakulo lahat ay gawa sa acacia pinahiran ng dalisay ng ginto.
Ang langis para sa ilaw at mga pampalasa para sa pampahid na langis at para sa mabangong kamanyang ay tumutukoy sa ating pananampalatayang ating inaalay kay Jesu-Cristo. Si Jesu-Cristo ay ang Mesias na nagligtas sa iyo at sa akin. Ang kahulugan ng pangalang “Jesus” ay “ang Siyang magliligtas sa Kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan,” at ang kahulugan ng pangalang “Cristo” ay “ang Isang pinahiran,” sinasabi sa atin na si Jesu-Cristo ay Diyos mismo at ang Mataas na Saserdote ng Langit na nagligtas sa atin. Sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, ang Panginoon ay naparito sa laman, binautismo, inalay ang Kanyang sarili sa Krus alang-alang sa atin, at sa gayo’y binigay sa atin ang handog ng kaligtasan. Ang layon ng Mataas na Saserdoteng ginawa ni Jesus na nagbigay sa atin ng ating kaligtasan ay tunay na pinakamagandang gawain.
Ang mga Batong Onix at Ibang mga Batong Ilalagay sa Efod at sa Pektoral ng Mataas na Saserdote
Labindalawang iba’t ibang mga mahahalagang bato ay binanggit dito na ilalagay sa efod at sa pektoral ng Mataas na Saserdote. Ang Mataas na Saserdote’y magsusuot muna ng mga pang-itaas, pagkatapos ay ilalagay ang bughaw na balabal, at pagkatapos ay isusuot ang efod. Saka, ang pektoral ay ilalagay sa ibabaw ng efod, na suot-suot sa seremonya ng paghahandog, at sa pektoral ay naroon ang labindalawang mga mahahalagang bato. Pinakikita nito sa atin na ang layon ng Mataas na Saserdote ay yakapin ang bayan ng Israel maging lahat ng tao sa buong mundo sa kanyang dibdib, upang lumapit sa Diyos, at ibibigay sa Kanya ang kanilang mga kaloob.
Si Jesus, ang walang-hanggang Mataas na Saserdote ng Langit, yayakap din sa lahat ng bansa sa Kanyang dibdib, binigay ang Kanyang sariling katawan upang alisin ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at upang ialay alang-alang sa atin, at sa gayo’y pinabanal ang Kanyang bayan sa Diyos Ama. Ang labindalawang batong inilagay sa pektoral ay tumutukoy sa lahat ng bansa, at ang Mataas na Saserdote nagsusuot nito ay tumutukoy kay Jesu-Cristo na nagligtas at yumakap sa Kanyang dibdib sa lahat ng bansa.
Kaya ito ang mga kaloob na sinabi ng Diyos sa mga Israelita na dadalhin upang itayo ang Tabernakulo para sa Kanya. Mayroong isang espirituwal na kahulugan sa katotohanang sinabi ng Diyos sa kanila upang gawin ang Tabernakulo, na Kanyang pananahanan, kasama itong mga kaloob. Ang bayan ng Israel ay laging nananatiling makasalanan, dahil hindi nila matutupad ang Kautusang binigay ng Diyos sa kanila. Ito ay kung bakit sinabi ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ni Moises na gawin ang Tabernakulo at binigay sa kanila ang pamamaraan ng paghahandog, kung saan ang kapatawaran ng kasalanan ay matatamo dahil sa mga kaloob na dinadala sa Tabernakulo. Ang Diyos, sa ibang salita, ay inalis lahat ng mga kasalanan ng mga Israelita sa pagtanggap ng kanilang mga kaloob, gagamitin lahat itong mga kaloob upang gumawa ng Kanyang Tahanan, at pagkatapos Kanyang hihilingin sa kanila na magbigay sa Kanya ng kanilang mga haing handog ayon sa mga kailangan ng pamamaraan ng paghahandog. Ganito kung paano mananahan ang Diyos sa Tabernakulo kasama ang bayan ng Israel.
May mga, datapuwa’t, maraming mga Kristiyano ang di-nananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Nang sinabi ng Diyos sa kanila na magdala ng ginto, pilak at tanso sa Kanya, bakit hindi sila naniwala sa katotohanang ipinahiwatig sa mga handog na ito?
Hindi ba’t tayong lahat ay patungong impiyerno dahil sa ating mga kasalanan? Naniwala ka ba sa Kristiyasnimo parang ito’y isa sa mga relihiyon ng mundo dahil hindi mo maaming ika’y patungong impiyerno? Kung ganito ang iyong paniniwala, kaya dapat kang magsisi at magbalik sa pananampalataya ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. At dapat mong malaman sa harap ng mahigpit na mga utos ng Diyos na ika’y isang kumpol ng kasalanan, at ika’y patungong impiyerno dahil sa mga kasalanang ito, at dapat kang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito.
Ngayon, dapat kang manalig sa ebanghelyo ng katotohanan, na kahit ika’y patungong impiyerno, gayunpaman naparito ang ating Panginoon bilang Mesias, tinanggap ang iyong kasalanan sa Kanyang bautismo, pinasan ang mga kasalanang ito sa Krus at inalay ang Kanyang sarili sa pagdanak ng Kanyang dugo, at sa gayo’y niligtas ka at ako sa ating mga kasalanan at ating sumpa. Kung walang paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, hindi natin mailalatag ng buo ang pundasyon ng ating pananampalataya.
Dapat Nating Isipin ang Pundasyon ng Ating Pananampalataya
Sinasabi sa atin ng Diyos na magkaroon ng pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid; dapat nating itanong sa ating mga sarili kung taglay nga natin itong pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, o kung tayo’y nananalig sa katotohanang nahayag lang sa kulay-ube at pulang sinulid, iniwan ang bughaw na sinulid.
Tignan natin ang ating mga sarili at tignan kung mayroon tayong maling uri ng pananalig sa Diyos na angkop lang sa ating sariling panlasa. Nang sinabi ng Diyos sa atin na dalhan Siya ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, tayo ba’y magbibigay sa Kanya ng kulay itim na sinulid? “O Diyos, ang sinulid na Inyong hiningi waring walang saysay para sa Tabernakulo. Ito’y mabubulok lang sa ulan. At ito’y parang nakapapagod tignan at dalhin lahat ng ito rito. Sa halip ay subukan Ninyo itong sinulid na plastik. Magagarantiya ko sa Inyo na ito’y magtatagal ng 50 taon, maaring 100 taon kung pananatilihin Ninyo ng husto. At kahit pa ibaon Ninyo sa lupa, ito’y di-mabubulok higit sa 200 taon. Ito ba’y kamangha-mangha?”
Hindi ba’t ito ang ating sinasabi sa Diyos? Dapat din nating saliksikin ang ating mga sarili at kilalanin kung tayo nga’y walang uri nitong makasarili at mapamanhiing pananalig sa Diyos. At kung mayroong tayong gayong pananalig, dapat taong magsisi ngayon. Sa ibang pananalita, tayo’y manumbalik.
Marami sa atin ang nag-aakalang sila’y mga mabuting Kristiyano, nguni’t kung titignang mabuti, mali ang kanilang kaunawaan at maging ang kanilang pananampalataya.
Ang Paniniwalang walang-batayang Nanatili sa Kristiyanismo Ngayon
Ang Paniniwalang walang-batayan ay ang karaniwang pinaniniwalaang lubos ng mga Kristiyano. Ang mga taong ito ay walang ideya kung ano ang tunay na sinasabi ng Salita ng Diyos. Dahil hindi nila nalalaman ang Salita ng katotohanan na binigay ng Mesias sa kanila, naniniwala sila at sumusunod sa Panginoon ayon sa kanilang mga sariling damdamin.
Ang mga taong ito ay walang idea kung ano talaga ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Dahil hindi nila nalalaman ang Salita ng katotohanang binigay ng Mesias sa kanila, sila’y naniniwala at sumusunod sa Panginoon ayon sa kanilang mga sariling damdamin. At sila’y tiwala na ang gayong mga damdamin ay katotohanan. Dahil mataimtim silang nagdarasal sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga sarili, at matapat na sumusunod sa kanilang mga sariling damdaming nararamdaman sa kanilang mga dasal, hindi nila malalaman kung ano ang tiyak na tunay na pananalig sa Diyos.
Tulad nito, ang paniniwala sa Diyos ayon sa kanyang sariling damdamin na laganap na gumegewang sa kanyang mga sariling kaisipan ay ang pananalig ng paniniwalang walang-batayan. Ang taong naniniwala sa Diyos na akay ng mga damdamin makakamit nila kapag sila’y nag-aayuno, nagpupuri, naniniwala, tuwing sila’y magbibigay ng mga dasal sa umaga, tuwing sila’y aakyat sa bundok upang magdasal, kapag sila’y nagkasala, tuwing sila’y mangungumpisal, at kung anupa—lahat ng mga taong ito ay mga mapaghimala. Sa ibang salita, ang pamumuhay na ng buhay pananalig sa pamamagitan ng pagtangan sa kanyang sariling damdamin ay di-pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na sinabi ng Mesias.
Maaaring kasingdami ng 99.9 porsiyento ng mga Kristiyano ngayon sa kasaysayan ay mga mapaghimala. Hindi ito pagmamalabis na sabihing maliban ang Naunang Iglesia, ang buong Kristiyanismo’y sumusunod sa paniniwalang walang-batayan. Yaong mga walang pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay nadaya sa pag-aakala na ang kanilang mga damdamin ay ang pananampalataya mismo. Kanilang inaangking nakita at nakilala ang Diyos sa kanilang mga dasal, at sinasabi sa atin ang kahanga-hangang kanilang damdamin tuwing sila’y nagpupuri.
Kanilang sinabi, “Tayo’y nagtipon dito sa miting ng pagpupuri, at itinaas ang ating mga kamay at sama-samang nagsisi ng ating mga kasalanan. Niyakap ang Krus at gumawa ng ilang orasyon sa paanan nito, at ang ating mga puso’y nag-alab, at si Cristo’y naging marubdob na mapagmahal. Nakadama tayo ng lubos na pasasalamat sa ating mga puso sa dugong dumanak ni Cristo. Tayo’y lalong taimtim na nanalig na hinugasan ng Panginoon lahat ng ating kasalanan, lalong nalaman kung bakit dumanak ang Kanyang dugo. Inibig natin ang gayong mga karanasan.” Nguni’t isang araw kapag ang kanilang mga damdami’y humupa, kanilang sasabihin, “Nguni’t lahat ng damdamin ay natuyo, at tayo’y may kasalanan sa ating mga puso.” Walang iba kundi itong paniniwalang walang-batayan.
Anuman ang denominasyong pagkakaiba, bawa’t Kristiyano’y kailangan ang pananampalatayang nananalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang pananampalataya sa lahat ng mga hindi taglay ang ganitong pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na sinabi ng Diyos ay paniniwalang walang-batayan at mapamahiin. Ang mga taong ito’y nag-aalay sa Diyos ng pananalig hindi ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kundi ang pananalig sa sinulid na gawa sa plastik. Nagbibigay sila sa Diyos ng kanilang paniniwalang walang-batayan, isang bagay na nahulog, isang bagay na hindi tinitignan ng Diyos.
Nakakita ka na ba ng makapal na lubid ginagamit na pangtali sa mga bangka sa mga piyer? Ang taong may paniniwalang walang-batayan ay malugod na inaalay sa Diyos itong uri ng materyal. Nang sabihin sa atin ng Diyos na magdala ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, ang ibang tao’y nagdala nitong makapal na lubid sa Diyos, sinasabi sa Kanya, “Panginoon, tanggapin itong pananampalataya!” At ibang tao’y nagdadala sa Kanya ng tanikalang bakal na pangtali sa mga malalaking barko sa daungan. Sa pag-rolyo nitong makapal na tanikalang bakal, iaalay ito sa paanan ng Panginoon, hinihiling na tanggapin Niya ito.
Nguni’t sinabi ng Diyos sa atin na magdala ng pananampalataya ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Hindi Niya sinabing magbigay sa Kanya ng tanikalang bakal. Nguni’t maraming tao ang nagdadala sa Kanya ng anumang higit na magandang tignan sa kanilang mga mata o anumang madaling makita. Bagaman may mga taong lumalapit sa Diyos na may tanikalang bakal, lubid, plastik na sinulid, o mga ugat ang Diyos sa katunaya’y tumatanggap lamang ng mga handog ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Itinakda ng Diyos na ang pananalig na Kanyang tatanggapin ay ang pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa harap ng Diyos.
Ang Mesias ay Hindi Lamang Basta Tumatanggap ng Anumang Handog
Ang mga Israelita din ay kailangang magdala sa Diyos ng ginto, pilak, tanso at ang labindalwang mahalagang mga bato upang ilagay sa efod ng pektoral. Nguni’t may mga iilang tao ang nagdadala ng tanso o bakal sa Diyos. Si Jesus ba’y nagpapatakbo ng isang tambakan pang-recycle, na parang Kanyang tatanggapin lahat ng mga uri ng bagay? Hindi!
Si Jesus ay hindi na lamang basta tatanggap ng anumang uri ng basura. Hindi Siya nagpapatakbo ng isang tambakan pang-recycle, tatanggapin ang anumang walang-saysay na bagay na iyong dadalhin sa Kanya. Si Jesus ay ang Mesias nagnanais na ipagkaloob sa atin ang Kanyang awa ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na magpapatawad ng ating mga kasalanan, at nais na ibigay sa atin ang Kanyang tunay na pag-ibig. Ito ay kung bakit tinawag si Jesus bilang Hari ng pag-ibig. Ang ating Pastol ay tunay na Hari ng pag-ibig. Si Jesus nga ay ating tunay na Mesias. Itinakda ng Mesias ang pananampalatayang nais Niya mula sa atin, pinaalam ang tiyak na mga anyo bilang pinaka-kailangan. Kapag tayo’y lumapit lamang sa Diyos dala itong pananampalataya, ibibigay Niya sa ating ang Kanyang pinangako sa atin.
Nguni’t makikita natin sa kanila na ang pananalig sa Mesias ay batay sa kanilang maling kaalaman sa Kanya, may iilan na ang katigasan ng ulo’y di-mailalarawan. Sila’y mga masasama, tulad ni Faraon na ipinilit ang katigasan ng kanyang ulo sa harap ng Diyos. Nang sinabi ni Moises sa kanya, “Ipinahayag ni Jehova ang Kanyang sarili; palayain mo ang Kanyang bayan,” tumugon si Faraon, “Sino si Jehova?”
Nang sabihin sa Kanya ang tunay na Diyos, naging mabuti na sana sa kanya ang agarang pagsuko at sumunod sa Kanya matapos malaman ang halaga at benepisyo ng kanyang katigasan ng ulo. Kung siya’y hindi pa rin lubos na maniniwala at kailangang ipilit ang katigasan ng kanyang ulo, sinubukan niya sanang pigilin ito panumandali, nguni’t matapos ang dalawang salot, sumuko na sana siya. Anong kamangmangan at kaawa-awa para kay Faraon at igiit ang katigasan ng kanyang ulo at suwayin ang Salita ng Diyos, kahit pa ang salot ng mga palaka ay takpan ang kanyang buong bayan?
Hindi lamang mga palaka, kundi mga kuto ay naging salot sa palasyo ni Faraon. Kaliwa’t kanan, kahit saan bumaling, kahit saan sa buong lupain ng Ehipto ay puno ng kuto, nguni’t si Faraon ay di-sumuko. Paanong makapamumuhay gayong kahit saan ay puno ng kuto? Sa kalagayang ito, kanya sanang nabatid, “Dahil ako’y sumuway sa Diyos, pinakikita Niya sa akin kung sino ang talaga ang Hari. Ako ma’y isang hari ng aking kaharian sa mundong ito, nguni’t ako’y wala kung ihahambing sa Kanya. Bagaman ako’y hari ng dakilang bansa sa ibabaw nitong mundo, at bagaman taglay ko ang kapangyarihan sa buong mundo, ang Diyos ay lubos na makapangyarihan kaysa sa akin, at Siya ang nagpapadala ng mga salot dahil sa aking pagsuway.” Ganito sana kung siya’y sumuko.
Ang matalinong bagay na magagawa ni Faraon ay ang daliang pagsuko matapos makita ang halaga ng kanyang pagtutol. Gaano mang ang kapangyarihan ni Faraon, kapag kanyang narating ang hangganang wala ng ibang paraan upang kalabanin niya ang Diyos, ang kanya lang magagawa ay ang sumuko sa Kanya, sasabihing, “Opo, Diyos, Inyo ang unang puwesto, kukuhanin ko na ang pangalawang puwesto.” Nguni’t dahil si Faraon ay tumangging sumuko, ang kanyang buong bansa at bayan ay pineste ng kuto.
Dahil dito, walang magagawa ang isa mang Ehipgto. Nang ang bawa’t isa’y pinaparusahan ng malulupit na kuto, paanong walang gagawin ang sinuman kundi ang subukang alisin ang kuto? Lahat tayo’y mailalarawan itong kawawang mga Ehipto nagtatakbong paikot na may mga sulo upang ialis ang mga kuto, marahil maging pagsunog sa kanilang mga sariling tahanan, at malansang sunog na mga kuto’y pinuno ang mga kanayunan.
Maraming mga bagay ang magagawa ng tao, at maraming mga bagay na hindi. Dahil ang Diyos ay ang Panginoon ng Karamihan, ang Diyos ang namamahala sa buhay at kamatayan, kaligayahan at kalungkutan, mga pagpapala at mga sumpa. Kapag ito ang kalagayan, sa halip na magtiwala sa ating sarili at tangkaing lumaban sa Diyos, tayong lahat ay makatwirang mag-isip at marating ang lohikang hangganan upang iwaksi ang katigasan ng ating mga ulo. Sa atin, maari nating igiit ang sariling paraan at subukang mangibabaw kaysa sa iba, nguni’t pagdating sa Mesias, hindi na ito maisasagawa.
Dapat nating isipin kung anong uri ng tao dapat tayo sa harap ng Diyos. Dapat mataimtim nating ipalagay kung tayo’y sasalungat sa Diyos, o kung ang ating mga puso’y dapat na maging maamo at magiliw. At ating dapat na marating ang tiyak na hangganan na tayong lahat ay dapat na maamo sa harap ng Diyos. Sa harap ng tao, tayo’y maaaring maging matigas ang ulo at kung minsa’y nahaharap sa mga kahinatnan nito, nguni’t sa Diyos, ang ating mga puso’y dapat tunay na maging maamo.
“O Diyos, ako’y nakagawa ng kamalian”—ang mga umamin nito ay yaong pumili ng tamang daan. Ito ang mga taong maliligtas sa kanilang mga nasumpang buhay. Yaong mga umiwas sa Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan, ang paraan upang mayakap sa mga bisig ng Diyos at makabahagi sa Kanyang tubig na nagbibigay-buhay ay ang maisilang muli sa tubig at sa Espiritu. Ano ang ating mahihita sa ating mga buhay, kung ang gayong mga buhay ay walang-saysay na ginugol sa ilang nitong mundo, lumulutang sa kawalan at tigang na lupang walang layon, babalik lamang sa isang dakot na alikabok?
Ang tanging paraan para sa atin, na babalik sa alikabok at patungong lawa ng apoy, upang maligtas ay sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sa gayo’y matatamo ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Ito ay para sa mga walang pag-asang buhay na naitalaga sa walang-hanggang kapahamakan dahil sa pagsalungat sa Diyos at sa kanilang mga kasalanan, upang mahimalang manariwa muli sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig sa habag, ang pag-ibig sa kaligtasan. Samakatuwid, tayong lahat ay dapat na madamtan nitong kaligtasan.
Paano ang sinuman, na isang mortal, ay mahahamon ang Diyos? Kapag sinabi ng Diyos sa atin na magdala ng gayong mga handog, lahat tayo’y dapat na sumunod sa Kanyang Salita. Kung titignan ang pangunahing sanaysay sa itaas, kapag sinabi ng Diyos kung anong mga handog ang ating dadalhin sa Kanya, tayong lahat ay mabatid, “Ah, ang uri ng pananampalatayang ito ang hinihiling ng Diyos sa atin na dadalhin sa Kanya.”
Sa pektoral ng Mataas na Saserdote, labindalawang mga mahahalagang bato ang ilalagay. At sa ilalim ng pektoral ng hatol, ang Urim at Tummim, na ibig sabihin ay ang mga Ilaw at ang mga Kaganapan, ay dapat ilagay upang ang Mataas na Saserdote ay dala-dala ang wastong hatol sa bayan ng Israel.
Ito’y tumutukoy sa katotohanang tanging mga lingkod ng Diyos ang maghahatid ng makatwirang hatol sa kanilang espirituwal na mga anak sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay liwanag ng Banal na Espiritung nananahan sa kanila at sa Salita ng Diyos.
Tayong lahat ay dapat malaman ngayon sa harap ng Diyos, ang katotohanan bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay ang tunay na katotohanan at ang tunay na kaligtasan. Itong katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay ang tunay na kaligtasang magbibigay buhay sa atin, at kung wala ito, walang ibang magbubuo sa ating kaligtasan. Lahat ng ito’y batay sa Salita ng Diyos, malinaw at tunay.
Lahat ng mga Materyales ng Tabernakulo ay Kaugnay sa Kaligtasan ng Tao mula sa Kasalanan
Nguni’t sa kamangmangan, ang tao sa katigasan ng ulo’y tumangging manalig. Ano kung gayon ang mangyayari sa kanila? Kailanma’y, hindi sila maliligtas. Sa harap ng Diyos, atin ding iwaksi ang ating kamangmangan. At alisin ang laman ng ating mga puso. Dapat nating iwaksi ang ating mga sariling kaisipan at katigasan ng ulo sa harap ng Diyos, at sa halip ay sumunod sa Kanyang Salita at ibigay sa Kanya ang ating mga puso. Huwag tayong sumalungat sa Diyos, iginigiit ang ating sariling mga suwail na pamamaraan. Atin ngang magagawa sa harap ng ibang tao, nguni’t bilang mga Kristiyano, hindi natin magagawa ito, sa harap ng Diyos. Nguni’t ang taong mangmang ay lumalaban sa Diyos at maamo lamang sa harap ng tao. Ito ang mali sa kanila. Dapat tayong magpatirapa sa harap ng Diyos at amining wasto ang sinasabi ng Diyos sa atin.
At dapat tayong manalig at magtiwala sa Salita ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang pananalig ay pagtitiwala sa Salita ng Diyos. Kapag tayo’y magpatirapa sa paanan ng Diyos, ipapahayag lahat ng ating mga ligalig sa Kanya, at kumapit sa Kanya sa paghingi ng tulong, ang Diyos ay tiyak na tutugon sa atin. Dapat nating tanggapin ang Kanyang ginawa sa atin ng may pasasalamat. Ito ang pananampalataya. Sa anong kabalighuan at kabaliwan, kung gayon, ang ating maipapakita sa Diyos kundi ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, magdadala sa Kanya ng mga pamingwit o mga tanikalang bakal? Ang pagdala ng walang-saysay na sinulid sa Diyos at sasabihin sa Kanya, “Ito ang aking sariling pananampalataya. Ganito ako matibay na nanalig. Ito ang matatag na pananalig na aking sinunod,”—hindi ito ang pananampalataya, kundi ang pagiging hangal sa sarili sa harap ng Diyos.
Ang isa’y dapat tumigil sa kanyang katigasan ng ulo sa harap ng Mesias. Sa harap ng Diyos, kanya dapat baliin ang kanyang kalooban. Dapat nating kilalanin ang ating mga sarili sa harap ng Diyos. Dapat nating kilalanin ayon sa sinasabi ng Diyos sa atin at kung paano Siya magpasiya para sa atin. Walang iba kundi itong wastong pananampalataya ng mga Kristiyano. Ang pagsunog at pananalig ayon sa Salita ng Diyos ay ang wastong tindig at puso ng matapat. Ito ang ating dapat ilagay sa ating isipan sa harap ng Diyos.
Sa atin, maaring tayong magmalaki sa ating mga sariling tagumpay, ihambing ang isa’t isa, magtunggali sa isa’t isa, at hamunin ang isa’t isa. Bagaman ito rin, ay isang walang-saysay na gawaing panukat na pareho lang din sa harap ng Diyos, sa gitna ng mga tao ito ay isang bagay na maliit ang ating pagpipilian kundi ang patuloy na lumaban.
Maging ang mga tuta ay kinikilala kung sino ang kanilang mga amo, at papasailalim sa kanilang mga amo at susunod sila. Maging mga aso, ay sumusunod sa kanilang mga amo, nakikilala ang kanilang mga tinig, at sumusunod lamang sa kanilang mga amo. Kapag sila’y sinuway ng kanilang mga amo, nalalaman nila ang kanilang mga kamalian, ibababa ang kanilang mga ulo sa pagsunod, at susubukang bumalik sa mabuting awa ng kanilang mga amo sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng uri ng nakatutuwang mga gawain. Kung maging ang mga hayop ay ginagawa ito, nguni’t ang tao’y patuloy na nanghahamon sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kaisipan. Sila’y patuloy na nakakapit sa Diyos kahit sila’y patuloy sa kanilang mga sariling paraan at sa kanilang mga sariling kaisipan.
Sa pamamagitan ng Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, napaglaho ng Diyos lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, at lahat ng Kanyang sinabi sa atin ay ang taglayin ang pananampalatayang nananalig sa mga gawa ng ating Panginoon. Nguni’t ang tao’y nanatiling matigas ang ulo at naghahamon sa Diyos.
Sinabi ng Panginoon sa atin na ibigay sa Kanya lahat ng ating kasalanan, at Kanyang ipaglalaho sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, binigay Niya sa atin ang kapatawaran ng kasalanan. Nang sinabi ng Diyos sa atin na dalhin sa Kanya ang pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, ang tao ay hindi pa rin nananalig, at humahamon sa kanilang sariling Amo. Ang mga taong ito’y masusumpa.
Kapag sila’y nagdala sa Mesias hindi ng pananampalataya na Kanyang nais kundi ang pananampalatayang hindi Niya nais, mapapagalit lamang Siya. Sila’y patuloy na nagdadala ng katigasan ng kanilang ulo sa Diyos at sinasabi sa Kanya, “Napanatili ko ang aking pananampalataya ng ganito kalayo at ganito kabuti. Purihin ako dahil sa magandang gawaing nagawa!” Magpupuri kaya ang Diyos sa kanila dahil lamang napanatili ang kanilang pananampalataya, nguni’t sa katunayan ang pananampalatayang ito ay walang-saysay noon pa man?
May mga pagkakataon ang katigasan ng ulo ay marapat na kailangan sa ating mga buhay. Nguni’t ang katigasan ng ulo sa maling pananalig ay ganap na walang-saysay sa Diyos. Ginamit ng Diyos bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa pagpapalaho ng ating mga kasalanan. Hindi sinabi ng Biblia na ginamit lamang Niya ang kulay-ubeng sinulid, ni Kanyang ginamit lamang ang pulang sinulid, lalo na ang paggamit ng tanikalang bakal, ni wala ring sinabi sa paggamit ng sinulid na plastik. Sa loob ng Tahanan ng Diyos, at sa Kanyang kautusan ng kaligtasang binigay sa atin, hiniling ng Mesias mula sa atin ang pananampalataya ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Ang mga Kristiyano’y tumutukoy sa mga nananalig at sumusunod kay Jesu-Cristo. Tayo rin, ay mga Kristiyano rin. Subali’t, maraming mga tao ang hindi isinilang na muli kahit pa sa paniniwala kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, ang di-nagtamo ng kapatawaran ng kasalanan, at di-taglay ang pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid—sila’y mga naturingang mga Kristiyanong patungong impiyerno, dahil sila’y nanalig ayon sa kanilang mga sariling pamamaraan. Iiwanan ng Diyos ang ganitong mga tao, dahil sila’y mga relihiyoso lamang, at hindi tunay na mga Kristiyano.
Sa harap ng Diyos, tayong lahat ay maging tapat, at kilalanin ang ating mga sarili bilang ganito. Bawa’t pagkakataon, bawa’t minuto at segundo, ating dapat ipahayag na tayo’y patungong impiyerno dahil sa ating kasalanan. Sa harap ng Mesias, tayong lahat ay taglayin ang pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Sa pananalig ito ang tamang gawin. At tuwing ating ipinapahayag, dapat nating ipaalala sa ating mga sarili kung ano ang ginawa ng Mesias sa atin, na Siya’y binautismo upang palayain tayo sa kasalanan at nahatulan para sa ating mga sariling kasalanan sa Kanyang pagpapako, at laging kilalanin ang ating kaligtasan. Ito ang pananampalatayang hinihiling ng Diyos mula sa atin.
Hindi natin malulugod ang Diyos hanggang hindi natin ginawa ang Kanyang ninanais. Bakit? Dahil yamang Siya ang naging ating walang-hanggang Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kailangan nating manalig bawa’t sandali sa ginawa ng Diyos sa atin. Yamang ang pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay totoo, higit na kailangan natin para sa kapatawaran ng ating mga kasalanang ating nagagawa araw-ar
Malulugod ba ang Diyos Kung Ating Ibibigay sa Kanya ang mga Bunga ng Ating Sariling mga Pagsisikap?
Kung ating ibibigay sa Diyos ang mga bagay ng mundo, hindi lamang natin iniipon ang galit ng Diyos para sa atin, kundi tayo’y gumagawa ng matinding kasalanang paghamon sa Kanya. Gayong pananalig ay kataksilan, dahil naghahamon sa Diyos. Wala sa mundong ito, gaano man ang halaga nito, di-makalulugod sa Diyos. Ang pagdala ng gayong mga materyales sa Diyos ay hindi ang wastong pananalig na magpupuri ang Diyos. Gaano man kabuti sa makamundong salita, hindi tatanggapin ng Diyos ang gayong mga materyales. Dapat tayong magkaroon ng pananalig na talagang gusto ng Diyos mula sa atin, at ibigay sa Kanya itong pananampalataya.
Ang ating pananampalataya’y dapat nananalig sa Salita ng Diyos, pananampalatayang tunay na inahandog ang hiniling ng Diyos mula sa atin. Samantala, sa paglipas ng sandali, dapat din nating kilalanin ang ginawa ng Diyos sa atin, at aminin ang ating mga kaninaan at mga kakulangan. Dapat nating tandaan ang mga masaganang pagpapalang pinagkaloob ng Diyos sa atin, at dapat nating malaman ng lubos at manalig sa Kanyang ginawa sa atin, at Siya’y handang nakipagtagpo sa atin.
Dapat nating itapon lahat ng paniniwalang kababalaghan, at dapat tayong magkaroon ng pananampalatayang nananalig sa Salitang sinabi ng Diyos. Ang mga handog nitong pananampalataya ay ating dapat na ibigay sa Diyos. Kapag atin lamang binigay sa Diyos ang mga handog ng wastong pananampalataya saka Siya malulugod, makikitagpo sa atin, at tatanggapin ang ating pananampalataya. At kung ating ngang ginawa kaya ibibigay ng Diyos sa atin ang lahat ng mga pagpapalang Kanyang tinalaga at inihanda para sa atin.
Kapag tayo’y nanahan sa Salita, samakatuwid tayo’y dapat na magnilay-nilay, “Anong pananampalataya ang talagang nais ng Diyos sa akin? Anong uri ng dasal ang Kanyang nais?” Atin ngayong malalaman na ang dasal na nais ng Diyos mula sa atin ay walang iba kundi sa pamamagitan ng pananampalataya. Nais ng Panginoon sa atin ang mga dasal na inialay sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaligtasan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, sa pananampalatayang tinanggap ang binigay ng Diyos sa atin. Lahat ng gusto ng Diyos sa atin ay ang mapagpasalamat na dasal sa pananampalataya; hindi Niya tatanggapin ang anumang ating likha sa pagtangkang ibibigay sa Kanya o iiwan sa Kanyang paanan. Dapat nating malaman na hindi natin kailangan gawin ito.
Sinasabi ng Diyos sa atin, “Hindi, hindi, iyan ay hindi ang pananampalataya nais Ko mula sa iyo. Ako’y binautismo at pinako para sa iyo. Tinanggap Ko ang bautismo upang maglaho lahat ng iyong kasalanan. Dahil Aking kinuha ang iyong mga kasalanan bago Ako hatulan dahil sa mga kasalanang ito at namatay sa Krus. Ako ang iyong Tagapagligtas, nguni’t Ako rin ang iyong Diyos. Ako ang Hari ng mga hari, nguni’t dahil Ako rin ang iyong Diyos, Ako’y naparito at tinupad lahat. Nais Kong tunay kang manalig sa Akin, kilalanin ang Aking karapatan sa inyong mga puso, at buong pusong ipahayag na Ako ang iyong tunay na Diyos.” Sa hangaring ito na binigay sa atin ng Diyos ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. At ito ang pananampalatayang hinihiling ng Diyos mula sa atin.
Dapat talaga tayong magkaroon nitong pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Maaring isipin mo sa iyong sarili, “Ito pa rin ay mapamumuhay. Maayos pa rin ako, at ang mga bagay ay mabuti. Kung hindi sira, bakit aayusin? Bakit ako’y kailangang maniwala sa paraang ito? Ako man ay maniwala sa paraang ito o doon, hindi ba ito pareho?” Hindi, hindi ito pareho! Kung mayroon kayong ibang pananampalataya sa inyong mga puso, kung gayon ika’y tiyak na hindi ligtas. Dahil sa gayong mga puso’y makikita pa rin ang kasalanan, dapat ninyong ayusin ang inyong mga puso at magbalik sa pananampalatayang tunay na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mga puso ng mga nananalig sa tunay na ebanghelyo at yaong hindi ay may pangunahing pagkakaiba sa isa’t isa. Nalalaman ito ng Diyos, at maging tayo, na isinilang na muli. Kapag inyong nakilala ang inyong mga sarili, dapat kayong magbalik. “O Diyos, ako nga’y makasalanan. Iligtas po ako.” Kapag ang inyo ngang mga puso’y nanumbalik at hinanap ang inyong kaligtasan, makikitagpo ang Diyos sa inyo sa katotohang ito.
Niligtas Tayo ng Panginoon sa Lahat ng Ating mga Kasalanan
Ang ating Panginoon ay nabautismo at napako para sa atin. Tulad ng nasusulat sa Mateo 3, ito ang ginawa ng Panginoon sa atin. Tayo’y nanalig rito. Nagpasalamat sa Kanya. Nang si Jesus ay binautismo, lahat ng ating mga kasalanan ay nilipat sa Kanya. Nang Siya’y pinako, dahil Kanyang kinuha lahat ng ating kasalanan at pinasan itong mga kasalanan sa Krus. Siya’y hinatulan hindi lamang para sa ating mga kasalanan, kundi lahat ng mga kasalanan ng buong mundo.
Nang sabihin ng Panginoon sa atin na magdala sa Kanya ng mga handog na materyales sa pagpapatayo ng Tabernakulo, o sa tuwing Siya’y magsabi sa atin ng anumang bagay, Siya’y nagpapatuloy sa isang pagkasunod-sunod. Lagi Niyang sinasabi sa atin, “Dalhan ninyo Ako ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.” Ang bughaw na sinulid ay laging nauuna. At ito’y Kanyang susundan sa Kanyang pagsabi ng mapinong binurdang lino, sinasabi sa atin na manalig sa Salita ng Diyos. Ang unang pananalig sa dugo sa Krus at pagkatapos ay pananalig sa bautismo ni Jesus animo’y nararapat sa unang tingin, nguni’t sa katunayan ito’y kamalian. Dahil si Jesus ay binautismo muna kaya ang Kanyang dugo’y nabubo sa Krus. Sinasabi kong muli ito sa inyo na hindi wastong manalig muna sa dugo sa Krus at pagkatapos ay sa Kanyang bautismo. Hindi tinutulot ng Diyos ang gayong pananampalataya.
Sa pagparito sa mundo sa laman ng isang tao, nang ang Panginoon ay naging 30, siya’y binautismo muna upang kuhanin lahat ng ating kasalanan sa Kanyang sarili. Matapos gawin ito, Kanyang pinasan itong mga kasalanan ng mundo sa Krus, hinatulan sa Kanyang pagkapako, at pagkatapos ay bumangong muli mula sa patay, sa gayo’y naging ating Tagapagligtas. Sa gayon, dapat tayong manalig sa ginawa ng Panginoon sa atin ayon sa pagkasunod-sunod na Kanyang tinupad ang Kanyang mga gawain. Ganito tayo dapat manalig. Sa gayon lamang ang ating pananampalataya makatatayong buo, di-malilito, ni di-maliliglig. At kapag ating ikalat ang ebanghelyo sa iba, alinsunod na dapat nating gawin. Tayo’y dapat na manalig, ayon sa makalulugod sa Diyos, ayon sa kung paano Niya itinalaga para sa atin.
Anong mga handog ng pananampalataya ang hinihiling ng Diyos na inyong dalhin sa Kanya? Hindi ba Niya sinabi sa iyo na magdala ng pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino? Taglay mo ba ang ganitong pananampalataya? Hindi ka ba, sa anumang pagkakataon, nananalig sa baligtad na ayos? “Kung ako ma’y nananalig sa ganitong paraan o sa gayong paraan ay di-mahalaga. Naniniwala pa rin ako, at iyon lang. Naniniwala ako sa pulang sinulid muna, pagkatapos ay sa bughaw na sinulid, at pagkatapos ay sa kulay-ubeng sinulid.” Kung ganito ang inyong paniniwala, kung gayon dapat kang manalig muli. Hindi aaprubahan ng Diyos ang iyong baligtad na paniniwala.
Ang ating Panginoon ay ang Diyos ng katarungan at katotohanan. Tulad niyaon, hindi Niya sinasang-ayunan ang maling pananampalataya. Dahil ang pananampalataya’y di-makatatayong matuwid kapag ang pagkasunod-sunod nito’y naghalo, hindi aaprubahan ng Diyos itong pananampalataya kahit pa nais Niya. Hindi natin magagawang maglagay ng pundasyon matapos mabuo ang isang bahay, ito’y dahil tinangay ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo upang sa gayon Siya’y ipapako.
Samakatuwid dapat tayong manalig ayon sa sinabi ng Panginoon sa atin. Ito ang paglalatag ng panulukang-bato para sa wastong pananampalataya. Dahil wasto, makatarungan, at makatwirang niligtas tayo ng Diyos, hindi natin mababago ang Kanyang utos sa ating sarili. Kung tayo’y nananalig muna sa Krus at pagkatapos sa bautismo ni Jesus, sa gayon ito’y maling pananalig. At ang kasalanan ay makikita pa rin sa mga puso ng mga nananalig ng gayon, dahil ang kanilang mga kasalanan ay di-nahugasan dahil sa baligtad na ayos ng kanilang pananampalataya. Ito’y tunay na nakamamangha. Wala ng iba pa rito kundi ang kamangha-manghang katotohanan.
Sa harap ng Mesias, marami sa atin ay dating nananalig lamang sa dugo ni Jesus sa Krus. Tayo’y nananalig, “Kinuha ni Jesus lahat ng aking kasalanan at pinasan lahat ng hatol sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Tayo sa gayon ay ganap na naligtas. Ang ating kaligtasan ay nagmula kay Kristo na namatay para sa atin sa Krus. Ang sinumang nananalig dito ngayon ay ligtas na.” Atin ngayong mababatid ang orihinal na kahulugan ng bautismo ni Jesus. Kaya sa ibabaw ng ating unang maling pananampalataya, ating dinagdag ang pananalig sa katotohanan. Anong nangyari? Sa katotohanan ang ating mga kasalanan ay di-naglaho. Dahil itong uri ng pananampalataya ay pawang isang katalinuhan at doktrina, hindi ito ang tunay at totoong pananalig ng ating mga puso.
Kung ang iyon pananalig ay tulad nito, dapat kang mabilis na magbalik at magbago. Una sa lahat, dapat mong aminin na ang inyong pananampalataya’y hindi wasto. At pagkatapos, dapat mong baguhin agad ang pundasyon ng iyong pananampalataya. Ang dapat mo lang gawin ay baguhing muli ang pagkasunod-sunod nito. “Sa pagparito sa mundong ito, nang ang Panginoon ay binautismo ni Juan Bautista sa Ilog ng Jordan, kinuha Niya lahat ng aking kasalanan. Dahil si Jesus ay binautismo lahat ng mga kasalanan ng mundo’y inilipat sa Kanya, lahat ng aking kasalanan ay nilipat kay Jesus. At pagkatapos, nagdanak ng Kanyang dugo sa Krus upang bayaran ang lahat ng ating kasalanan. Ganito ka dapat manalig.
“Sino ang papansin kung ako ma’y nananalig sa ganito o sa ganyang paraan? Ang mahalaga ako’y nananalig sa apat na mga ministeryo ng Panginoon. Bakit magmamatigas ng ulo at igigiit ang pagkasunod nito?” Ikaw ba, sa anumang pagkakataon, kumakapit sa pananaw na ito? Dapat mong ilagay sa iyong puso ang katotohanang ito: si Jesus ay namatay sa Krus matapos mabautismo. At ito ang katotohanang dapat mong panaligan.
Ang Banal na Espiritu’y hindi sinasang-ayunan ang di-makatwiran. Sasang-ayunan lamang ng Banal na Espiritung Diyos ang ating pananampalataya kapag tayo’y nanalig sa ginawa ng Mesias para sa atin. Hindi sinabi ng Banal na Espiritu, “Kung gayon ika’y nananalig nitong mga apat na gawa ni Jesus. Amen. Kung ikaw ay wastong nananalig o sa maling pagkasunod-sunod, ikaw man ay nananalig sa ganitong paraan o sa paraang iyon, ayos lamang kung ika’y nananalig sa anumang paraan. Amen. Sa gayon ika’y Akin.
Si Jesus na Mesias ay naparito ayon sa kalooban ng Diyos Ama at ginawa ayon sa kagustuhan ng Ama. Ganito Siya namuhay ng Kanyang 33 taong buhay dito sa mundo. Sa pagparito, Kanyang naganap lahat ng Kanyang gawa ng ating kaligtasan sa pagbautismo, pagpako, at pagbangong-muli, at pagkatapos ay umakyat sa Langit. At Kanyang sinugo ang Kanyang Banal na Espiritu.
Ang Diyos Banal na Espiritu ay nananahan sa mga puso natin na nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan, at Kanyang sinasang-ayunan ang pananampalataya ng mga nanalig sa ginawa ng Panginoon para sa kanila. Itong dahilan kailanma’y hindi tayo mananalig ayon sa ating sariling mga kaisipan. Bagaman ikaw at ako ay nananalig kay Jesus, ang iyong bang pananalig ay pabaligtad? Kung gayon, dapat kang wastong manalig muli.
Kapag iyo ngang ginawa, ang Banal na Espiritu’y kikilos sa inyong mga puso. Bagaman tayo’y puno ng mga pagkukulang, matibay na hahawakan ng Banal na Espiritu ang ating mga puso, sumasaatin, at ipagkakaloob sa atin ang Kanyang biyaya kapag tayo’y nagkukulang sa Kanya. Ang Banal na Espiritu’y nagbibigay sa ating ng kapangyarihan. Siya’y nagbibigay sa atin ng kalakasan.. Nagpapala sa atin. Nangako sa atin ng isang maningning na bukas. At sa atin na nanalig, inaakay Niya tayo mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya upang hindi mawala ang pangangailangang makapasok sa Kanyang walang-hanggang Kaharian.
Ito ang ating kailangan nang tayo’y nanalig sa ginawa ng Panginoon sa atin, nang Kanyang sabihin sa atin na magdala sa Kanya ng mga handog—ito ay, dapat tayong manalig na tayo’y Kanyang niligtas sa tubig at sa Espiritu. Lahat ng mga bagay sa loob ng Tabernakulo ay mahalaga dahil lahat ng ito’y naalinsunod na sinasabi sa atin ukol sa lihim ng pagiging isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Sa pamamagitan ng maraming mga bagay ng Tabernakulo, sa ibang salita, nais sabihin ng Diyos sa atin ukol sa isang bagay—ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Para sa Ating Pananampalataya, ang Pundasyon ay Lubos na Kailangan
Kung ating itatayo ang tahanan ng pananampalataya nang di-nilalagay muna ang pundasyon ng ating matibay na pananampalataya, sa haba ng ating pananalig kay Jesus, lalong mga kasalanan ang maiipon, lalo tayong magbibigay ng dasal sa pangungumpisal, at higit tayong magiging mga mapagkunwaring makasalanan. Nguni’t nang tayo’y nanalig sa handog na kaligtasan, niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, kung gayon tayong lahat ay magiging ganap na mga anak ng Diyos. Samakatuwid, lahat tayo’y manalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at lahat tayo sa gayo’y magiging mga anak ng Diyos.
Sila na ang pundasyon ng pananampalataya ay ganap ay laging magagampanan ang kanilang pagka-saserdote sa maningning na ilaw, kahit bagaman sila mismo ay maraming mga pagkukulang. Kanilang matutupad lahat ng mga gawain ng pagka-saserdote tunay na yumayakap sa lahat ng tao sa kanilang mga dibdib, nagdarasal sa Diyos para sa kanilang kapatawaran ng kasalanan, at pinaglilingkuran itong ebanghelyo sa harap ng Diyos.
Salungat nito, sa kanila na ang pundasyon ng pananampalataya’y di-malinaw, habang maraming oras ang lumilipas, higit na mapagkunwari sila. Sila’y naging masasama. Sila’y higit na nagiging mga mapagkunwaring relihiyoso. Tulad ng sinabi ng Panginoon sa atin na ating malalaman ang isang puno ayon sa kanyang bunga, ang mga bunga ng gayong tao lahat ay nakasusuya, marumi at mapagkunwari. Subali’t, tayong mga isinilang na muli ay hindi mga mapagkunwari. Silang lahat ay mga tapat. Bagaman sila’y may mga pagkukulang, sila’y tunay na taos sa puso. Kinikilala nila ang kanilang mga kahihaan at mga pagkakamali, at sila’y laging nananatili sa gitna ng maningning na liwanag. Dahil ang ating Panginoon ay binautismo at napako upang alisin lahat ng ating kasalanan, at dahil Kanya ngang pinaglaho ang ating mga kasalanan, sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang ito ating nakamit ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. Dahil ang pundasyon ng ating pananalig ay matibay, bagaman tayo’y hindi sapat, bagaman tayo’y nagkakasala, at bagaman tayo’y mahihina, ang ating mga buhay ay maningning pa rin, dahil ang ating mga puso’y laging walang-kasalanan. Dahil sa ating mga pagkukulang tayo’y maliligaw kung minsan, nguni’t dahil tayo’y tunay na walang-kasalanan, hindi tayo maliligaw upang akayin ang iba at ang ating mga sarili sa kapahamakan. Bagaman tayo’y di-sapat, gayunpaman tayo’y lumalakad sa daang nalulugod ang Diyos, umuusad ng dahan-dahan at higit na naglilingkod sa Ebanghelyo. Lahat ng ito’y naging posible dahil ganap na niligtas tayo ni Jesus.
Kung si Jesu-Cristo, ating Mesias, at ating Tagapagligtas ay hindi nga tayo lubos na niligtas sa pamamagitan ng apat na sinulid, hindi tayo maliligtas. Ito’y dahil tayo’y Kanyang niligtas kaya tayo naligtas, at dahil dito tayo’y nanalig, ikinalat ang ebanghelyo, nagpuri sa Diyos sa ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng ating pananalig tayo’y nakapagpapasalamat sa Diyos, tayo’y nakapaglilingkod sa Kanya, at nakasusunod sa Kanya. Siya na taglay na natin kaya tayo naging ganito. Tayo, sa ibang salita, ang siyang magbibigay lugod sa Diyos sa pamamagitan ng ating pananalig. Tayo na ang pundasyon ng pananalig ay matibay na nakatayo.
Sila na ang pundasyon ng pananalig ay di-wastong nailagay ay dapat na ilagay muli. Ito ay bakit sinabi sa Hebreo 6:1-2 “Kayat tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios. Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong n mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan.”
Ano ang sinasabi sa atin ng talatang ito? Sinasabi sa atin na alamin at malinaw na patotohanan, at matibay na ilatag ang pudasyon sa gayong mga katanungan tulad ng: “Bakit binautismo si Jesus?”; “Ang bautismo bang ito ay larawan ng pagpapatong ng mga kamay sa Lumang Tipan?”; “Mabubuhay ba tayong muli?”; at, “Ano ang walang-hanggang paghahatol?” sinasabi sa atin na magkaroon ng buong pananalig at matatag na ilatag ang pundasyon nito mula sa simula, upang hindi tayo maliliglig ni ipipilit sa atin na ilagay muli ang ating pundasyon sa pamamagitan ng mga ito. Ang pananampalatayang nananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay ang buong pananampalatayang nananalig na nakumpleto ng ating Panginoon ang ating ganap na kaligtasan. Tayo’y matatag na tumayo sa pundasyong ito ng pananampalataya, at tayo’y dapat na tumakbo mula rito. Dapat tayong tumakbo sa takbuhin ng pananampalataya.
Ang ibang tao’y pinapakahulugan ang talata sa itaas mula sa Hebreo nagsasabing hindi na muli natin masasabi na ang ating mga kasalanan ay nilipat kay Jesus sa Kanyang bautismo, at sinasabi ng talata sa atin na hindi natin kailangang itayong muli ang pundasyon ng pananampalataya. Sasabihin ba ng Diyos sa atin na huwag itayong muli ang ating pundasyon ng pananampalataya kung ito’y naitayo ng wasto noong una pa? Sinasabi ng talatang ito sa atin na sila na hindi taglay ang wastong pundasyon ng pananampalataya ay kailangang higit na gawing matatag at matibay, at magpatuloy.
Upang iligtas tayo, iniutos ng Diyos kay Moises na gumawa ng Tabernakulo at upang tanggapin ang mga handog ng Kanyang bayan. Sa bayan ng Israel, Kanyang iniutos sa kanila na magdala sa Kanya ng ginto, pilak at tanso; bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, mapinong lino, balahibo ng kambing; mga balat ng may pulang pula, mga balat ng poka, at acaciang kahoy. Tulad ng mga inilahad ng mga materyales, binigay nga ng Panginoon sa atin ang handog ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagliligtas sa iyo at sa akin mula sa mga kasalanan ng sanlibutan. Sa paraang ito, sinabi nga ng Diyos sa mga Israelita na magdala ng mga handog na ito sa Kanya, gumawa ng Tabernakulo, itakda ang mga pamamaraan ng paghahandog, at pinatawad ang kasalanan ng mga Israelitang nagbigay sa Kanya ng kanilang mga handog ayon sa pangangailangan nitong pamamaraan ng paghahandog.
Ang Ating Pananampalataya’y Naging Ganap sa pamamagitan ng Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid at Mapinong Binurdang Linong Inihula sa Atin sa Ganap na Pagtupad ng Ating Kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo
Kung tayo, ay walang kakayahang manalig sa ganap na katotohanang tinupad ni Jesu-Cristo, huwag matatag na ilagay agad ang pundasyon ng ating pananalig, kundi ito’y patuloy na maliligalig. Kung wala ang kaalaman, pagkabatid at pananampalataya sa katotohanang lubos na niligtas tayo ng Panginoon, tayong lahat ay mahahantong sa pagsisikap na abutin ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng ating mga sariling pagsisikap. Ang gayong pananalig ay hindi ganap, kundi isang kamalian.
Ating tignan ang Hebreo 10:26-31: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan. Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway. Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa. Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya? Sapagka’t, ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ao ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan. Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.”
Sinasabi ng talata sa atin na kung tayo’y magkakasala ng sinasadya matapos nating matamo ang kaalaman ng katotohanan, wala ng matitirang alay para sa ating mga kasalanan, kundi nakatatakot na hatol na lamang. Dito, sa mga sadyang nagkakasala matapos matamo ang kaalaman ng katotohanan ay sumasangguni sa mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kahit pa alam nila ito. Dapat tayong manalig sa katotohanang niligtas tayo ng Diyos sa Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, na tayo’y Kanyang niligtas sa pamamagitan ng ginto, pilat at tanso, at Kanyang ginawa ang bubong ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga tabing na bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, ng balahibo ng kambing, ng mga balat ng lalaking tupa na may pulang tina, at ng balat ng poka. Tayong lahat ay malinaw na dapat malaman ang mga bagay na ito at matatag na ilagay ang pundasyon ng ating pananampalataya.
Pinangako ng Panginoon sa atin na Kanyang lubos na ililigtas tayo, at nang ang panaho’y dumating, Siya’y binautismo upang kuhanin ang ating mga kasalanan, namatay sa Krus, bumangong muli mula sa kamatayan, at sa gayon tayo nga’y lubos na naligtas.
Nguni’t yaong nakakaalam nitong katotohanan nguni’t tumatangging manalig ay tiyak na haharap sa nag-aapoy na hatol ng Diyos kapag ang araw ng kanilang huling paghahatol ay dumating. Ang kanilang mga katawa’y di-mamamatay kundi magdurusa magpakailanman. Sinasabi sa atin ng Biblia na mayroon lamang nag-aapoy na galit para sa kanila, at ang kanilang pagdurusa sa impiyerno’y lubos na dakila na ito’y isinasalarawan bilang pagaasnan ng apoy (Marcos 9:49). Sinasabi sa atin na mayroon lamang tiyak na nakatatakot na inaasahang paghahatol, at nag-aapoy na galit na lalamon sa mga kaaway.
Kung ang kabiguan sa pagtalima sa Kautusan ay mag-aakay sa nakatatakot na hatol, gaano kalaki ang hatol ang paghahatol para sa mga di-nananalig sa kanilang kaligtasang binigay ng Anak ng Diyos? Ito ay kung bakit lahat tayo’y dapat na manalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas, sa Panginoon na naparito sa laman ng isang tao, kumuha ng lahat nating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, tinangay itong mga kasalanan sa Krus at pinasan lahat ng sumpa ng mga kasalanan sa Kanyang pagpako, bumangong muli mula sa kamatayan, at ngayo’y nabubuhay.
Ang Pundasyon ng Ating Pananampalataya Samakatuwid ay Dapat na Matatag na Mailagay
Bakit sinabi ng Diyos kay Moises na gumawa ng Tabernakulo? Kapag ating titignan at bawa’t isang bagay sa lahat ng mga materyales na ginamit para sa Tabernakulo, makikita nating lahat ng ito’y pinakikita ang katotohanang naparito si Jesu-Cristo sa laman ng isang tao, tinangay ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan Bautista, pinasan ang mga kasalanang ito sa Krus at namatay, bumangong muli, umakyat sa Langit, at nakaluklok sa kanang kamay ng trono ng Diyos Ama, at ngayo’y naging ating walang-hanggang Diyos. Mula sa pintuan nito hanggang sa haligi at mga tuntungang tanos, lahat ng mga bagay sa Tabernakulo’y pinakikita sa atin ang katotohanan ng ebanghelyo. Ang buong Lumang Tipan, ay sinasabi sa atin ukol sa bautismo ni Jesu-Cristo, Kanyang pag-alay, Kanyang katauhan at Kanyang mga gawa ng kaligtasan.
Mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan, dahil si Jesu-Cristo’y sinasabi sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—ito ay, ang ebanghelyo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino—ang mga nanalig sa katotohanang ito ay laging nagsasabi ng katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ng mapinong binurdang lino sa tuwing sila’y may pagkakataon. Dahil ang mga ito’y laging pinangangaral at madalas marinig, kung minsa’y ating nalilimot ang kahalagahan ng katotohanang ito. Nguni’t gaano kahalaga ang katotohanang ito? Parang tayo’y namumuhay noong paghahari ni Haring Solomon nang ang mga mahahalagang ginto at pilak ay masagana na ang mga ito’y ipinapalagay parang mga bato, dahil naririnig natin itong Salita ng katotohanan araw-araw sa Iglesia ng Diyos, maaaring minsan binabale-wala nating itong kaligtasan. Nguni’t kailangan mong tandaan ito: ang katotohanang ito’y di-maririnig kahit saan sa labas ng Iglesia ng Diyos, at kung wala itong kaligtasan wala ni isa ang maliligtas, ni maglalagay ng pundasyon ng matibay na pananampalataya.
Ang pananampalataya kung saan ikaw at ako ay naligtas ay ang paniniwala sa katotohanang niligtas tayong lubos ng ating Panginoon at matibay na inilagay ang pundasyon ng ating pananalig sa apat na sinulid ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Hayaan ninyong igiit kong muli na tayong lahat ay dapat na manalig dito sa ating mga puso. Pinangako ng Diyos sa atin, tulad ng Kanyang pangako, Siya’y naparito bilang Binhi ng isang babae (Genesis 3:15), tinangay lahat ng ating kasalanan sa Kanyang bautismo, pinasan lahat ng sumpa ng ating mga kasalanan sa Krus, bumangong muli, at sa gayo’y ganap tayong naligtas. Dahil ito nga’y isang simpleng katotohanan na madaling ipaliwanag at unawain, araw-araw na maipangangaral natin itong ebanghelyo sa buong mundo. Marami pa rin ang mga nakaaawang tao na di-nalalaman itong katotohanan. Subali’t, ang higit na nakalulungkot kaysa sa mga di-nakakaalam nitong katotohanan ay ang mga di-nananalig kahit sila’y nananatili sa Iglesia ng Diyos.
Bagaman kayo’y tunay na nagkamit ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan, ang inyong mga kaisipan ay masasama pa rin, nguni’t kahit papaano ang inyong mga puso’y naging lubos na maamo. Nguni’t sa mga mapagkunwari, kahit pa subukan nilang maglagay ng pintura sa kanilang mga sarili bilang maamo sa panlabas, ay mga masasama sa kanilang mga panloob na katauhan na patuloy na nililinlang ang Diyos at sa mga di-mabilang na tao araw-araw. Ikaw at ako ay dapat na matibay na ilagay ang ang pundasyon ng pananalig. At sa kaligtasang ito matibay na naitaguyod ng Panginoon para sa atin, dapat tayong tumayo sa harap ng Diyos sa pananalig.
Ang Pananampalatayang Matatag na Tumatayo Tulad ng mga Bahagi ng Tabernakulo
Sinabi ng Diyos na magdala tayo ng gayong mga handog at magtayo ng Tabernakulo. Ikaw at ako at dapat na maging bayan ng pananampalataya na nananalig na si Jesu-Cristo’y naparito at gayo’y niligtas tayo sa espirituwal na paraan. Matatag tayong dapat na tumayo sa harap ng Diyos sa pagkakaroon ng uri ng pananalig na tulad ng mga materyales na ginamit para sa Tabernakulo. Nananalig ka ba? Talaga bang taglay mo itong uri ng pananampalataya? Sa pamamagitan ng Iglesia ng Diyos, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay pinangangaral pa rin. Dahil ito ang sakdal na pundasyon ng tunay na pananampalataya, hindi ko madidiin ng sapat.
Lubos ang dami ng mga iglesia at mga denominasyon nitong mundo ang nananatiling mangmang sa katotohanan na tinanggap ni Jesus lahat ng kasalanan sa Kanyang bautismo, at sa halip ay manalig lamang sa dugo sa Krus. Kahit pa sa mga pangyayaring ito, itinulot pa rin ng Panginoon sa atin na makita ang katotohanan. Ang dahil kung bakit pinako si Jesus at sinaksak sa Krus dahil Siya’y binautismo ni Juan Bautista sa Ilog ng Jordan. Dahil Kanyang tinanggap lahat ng kasalanan ng mundo na pinasa sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo kaya Siya’y pinako at sinaksak sa Krus.
Tulad niyaon, ang pananampalataya ng mga umaangking nakamit ang kapatawaran ng kasalanan dahil lamang sa pananalig sa dugo sa Krus ay isang huwad na pananalig na unti-unting magguguho sa lahat. Kahit gaano man ang walang-kapaguran nilang pangangaral sa mga tao na may malakas na tinig upang manalig kay Jesus, ang kanilang pananampalataya, na nananalig lamang sa dugo sa Krus, ay nag-aalay lamang ng dasal ng pagkumpisal, at ni hindi malulutas ang kanilang sariling suliran ng kasalanan, ay mabubuo sa isang pundasyong may kapintasan na magpapaguho kapag bumuhos ang ulan, humampas ang hangin , at dumating ang baha.
Ako mismo ay di-narinig ang bautismo ni Jesus sa anumang detalye sa buong 10 taon mula nang aking makilala si Jesus. Subali’t, nakita ako ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang Salita ng katotohanan, at ako’y maisisilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Ngayon, nalalaman ko na maraming mga tao sa buong mundo ang naghahanap ng katotohanan nguni’t hindi pa ito narating. Nais kong mangusap sa kanilang lahat, upang kanilang marinig ang katotohanan ng tubig at ng Espiritu, at upang sila’y magkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig ng kanilang puso.
Bago ka maisilang na muli, ikaw din, ay namuhay bilang relihiyoso. Sa panahong iyon, maaaring hindi mo pa naririnig ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Hindi lamang iyon, maaaring hindi mo pa narinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lalo higit ang ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan.
Lubos na mahalaga para sa mga Kristiyano na malaman at manalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino bilang ito. Kapag ang pundasyon ng pananalig ay nailagay lamang sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino tayong lahat ay matibay na makatatayo sa pamamagitan ng ating pananalig. Kung hindi ka mananalig, hindi pa huli—ang dapat mo lang gawin ay manalig ngayon pa lang. Kapag ikaw nga’y nanalig saka ka lubusang maliligtas, matibay na mailalagay ang pundasyon ng iyong pananampalataya at itaguyod ang iyong pananampalataya sa pundasyong ito.
Yaong Mga nasa Iglesia ng Diyos ay Dapat na Matatag na Ilagay din ang Pundasyon Kanilang Pananampalataya
Sa Mateo 24:40 ay sinasabi, “Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.” Kapag lahat tayo’y nagsasabing tayo’y nananalig sa iisang katotohanan at sama-samang naglilingkod sa iisang ebanghelyo sa Iglesia ng Diyos, ano ang higit na trahedya kung ang iba sa atin sa huli’y maiiwan?
Dahil ang Salita ng Diyos ay matalino at magalang, ang pananampalataya’y hindi maaaring ipilit kaninuman. Kung inyo ngang narinig ang Salita ng Diyos na mapitagang ipinangaral sa iyo, ika’y dapat marangal na manalig, nakatuon ang iyong isip sa katotohanang ika’y nakikinig ng Salita ng Diyos. Kapag ang bayan ng Israel ay narinig ang sinabi ni Moises sa kanila, kinikilala nila ito hindi bilang kanyang sariling mga salita kundi siyang Salita ng Diyos. Tulad nito, kung sinabi sa iyo ang ukol sa sinasabi ng Salita ng Diyos, kailangan mong malaman kung ikaw nga’y nananalig ayon sa Salita ng Diyos o hindi. Kailangan mong kilalanin ang Salita na may malamig na ulo, at pagkatapos ay manalig sa talagang sinasabi nito.
Pinuri ng Biblia ang mga mananampalataya sa Berea dahil sa kanilang marangal na ugali sa Salita ng Diyos. Ang mga mananampalataya sa Berea “lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito” (Mga Gawa 17:11). Sa maikling salita, sila’y makatwirang nananalig sa Kanyang Salita tulad ng tinuro sa kanila
Ang tunay na pananampalataya’y nagmumula sa makatwiran at marangal na pusong naghahanap sa Salita. Mayroon ba saysay kung ika’y pipiliting manalig laban sa iyong kalooban? Kahit pa ang isa’y ipilit kaninuman na manalig, sa katotohanan ito’y buong walang-saysay, dahil ang taong pinipilit ay hindi kailangang manalig sa sinabi sa kanya na panaligan. Sa harap ng Diyos, lahat ng bagay ay nakasalalay sa pinaniniwalaan ng isa sa kanyang sariling pasiya. Kung ang isa’y di-mananalig sa mga paulit-ulit na sinasabi sa kanya, kung gayon wala ng ibang paraan kundi mabulid ang taong ito sa impiyerno.
Samakatuwid, bawa’t makasalanan sa buong mundo ay nararapat sa ating awa, nguni’t kung ang iba sa atin ay di-mananalig sa Kanyang Salita tulad ng sinasabi kahit pa tayo nasa ilalim ng iisang bubong ng Iglesia ng Diyos, kung gayon sila’y higit na kaawa-awa pa. Paano pang magkakaroon ng lubos na kaawa-awa kaysa sa mga atin na patungong impiyerno, kahit pa sila nananatili sa iisang Iglesia ng Diyos kasama natin?
Si Jesus ay may dalawampung alagad, at sa kanila ay si Judas lamang ang di-nanalig na si Jesus ay ang Mesias at Tagapagligtas. Kaya si Judas ay laging tinatawag si Jesus bilang isang guro. Si Pedro rin, ay dating tinatawag si Jesus bilang isang guro kung minsan, nguni’t di-maglaon siya’y nanalig at pinahayag, “Panginoon, Ikaw ang Cristo at ang Anak ng Diyos. Kayo ang Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas na nag-alis ng aking mga kasalanan. Kayo ang Diyos ng kaligtasan.”
Ang pananalig ni Pablo, sa ibang salita, ay kaiba sa taglay ni Judas. Matapos ipagkanulo ni Judas si Jesus at pinagbili Siya, siya’y nagbigti at nagpakamatay sa sarili. Bagaman si Judas ay kasama ng labing-isang mga alagad, sa huli, siya’y nabigong makilala kung sino si Jesu-Cristo, at sa gayo’y nahantong sa impiyerno. Si Pedro, salungat nito, ay naligtas sa pagkilala kay Jesu-Cristo at pananalig sa Kanya bilang kanyang Tagapagligtas, bagaman sa katotohanang siya’y walang pasensiyang tao na maraming mga pagkukulang.
Gayundin, ang kaligtasan ay nakasalalay kung ang isa’y nalalaman ang katotohanan at nananalig dito sa kanyang puso o hindi. Ang isa’y di-makapananalig sa katotohanan kahit pa nalalaman niya ito, sila’y lalo pang mahaharap sa dakilang kaparusahan (Lucas 12:48). Itong dahilan kung bakit sinasabi sa atin ng Diyos na ang pundasyon ng ating pananampalataya’y dapat na matibay at nakatayong matuwid.
Kumusta na ang Ating Pananampalataya?
Ang pundasyon ba ng ating pananampalataya’y naging matibay na ngayon? Ito ba’y matatag? Nananalig ka bang tiyak na niligtas ka ng Panginoon? Sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, tayo nga’y tiyak na niligtas ng ating Panginoon. Ito’y hindi ibang kakaibang bagay na tinuturo lamang ng ating denominasyon, nguni’t ito ang pangako ng Diyos sa Lumang Tipan at ano talaga ang natupad ni Jesus sa Bagong Tipan—ito ay, kung paano tayo tunay na niligtas ni Jesus.
Si Jesus ay Hari ng mga hari (ang kulay-ubeng sinulid) Siyang naparito sa laman ng isang tao, kinuha ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo (ang bughaw na sinulid), pinasan itong mga kasalanan sa Krus at napako (ang pulang sinulid), bumangong muli mula sa kamatayan, at sa gayon tayo’y naligtas. Kanya ngang pinangako na Kanyang gagawin sa Lumang Tipan at niligtas tayo sa pagtupad nitong pangako sa Bagong Tipan. Nananalig ka ba? Walang iba kundi itong paglagay ng matibay na pundasyon ng pananampalataya.
Milyong-milyong mga Kristiyano sa buong, nguni’t karamihan sa kanila, ang pundasyon ng kanilang pananampalataya’y nanatiling marupok. Malalaman natin kung ang tao’y taglay ang wastong pananampalataya o hindi sa pamamagitan lamang ng pagsilip ng maraming mga pang-Kristiyanong aklat na makikita ngayon. Ang mga may-akda nitong mga aklat ay nagiging mga pinuno ng mga lupon ng mga Kristiyano, at sa pamamagitan ng pagbasa ng kanilang mga aklat, makikita natin kung taglay nila ang wastong kaalaman ng katotohanan. Kahit pa isa sa kanila’y mangmang o di-nananalig sa katotohanan kahit nalalaman pa niya ito, kung gayon lahat ng sumusunod sa gayong lider ay mabubulid sa impiyerno. Ang nakalulungkot na realidad ay bahagyang sinuman ay nalalaman ang katotohanan, kasing-liit ng isang milyon. Itong dahilan iilan sa atin na nakakaalam ng katotohanan ay kailangang matapat na ikalat ang ebanghelyo sa buong mundo.
Ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan natin. Ikaw at ako’y di-maiiwasang ipangaral ang ebanghelyo, ang di-paghahayag nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mundo ay katulad na paggawa ng matinding kasalanan sa Diyos. Sa katunayan, kung hindi tayo tunay na sumunod at naglingkod sa gawaing ito sa pananampalataya, kung gayon tayo’y tunay na makakagawa ng matinding kasalanan sa Diyos. Ito ang kasalanan ng pagsugo ng mga tao sa impiyerno kahit pa laman natin paano ito pigilin; ito’y isang di-mapapatawad na kasalanan na ang tao’y nahahantong sa impiyerno sa kanilang kamangmangan dahil sa atin na nakakaalam ng katotohanan nguni’t nanatiling tikom ang kanilang mga bibig.
Kung hindi natin tutuparin ang gawaing naitalaga sa atin, ang mga taong ito’y tututol sa atin, dahil ito ang ating sapilitang gawain. Binalaan tayo ng Biblia, “Nguni’t kung makikita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya’y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, nguni’t ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay” (Ezekiel 33:6). Tayo na unang nakaalam at unang nanalig ay dapat ating isagawa itong gawain ng bantay.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagbibigay sa atin nitong ebanghelyo at pagtulot sa atin na malaman itong katotohanan. Nagpapasalamat ako sa Kanya ng higit nang mabatid kong tayo ang iilang napili sa mundong ito na nalaman itong katotohanan at nananalig nitong ebanghelyo. Aming naituro ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa maraming mga pastor at mga karaniwang mga mananampalataya sa buong mundo, nguni’t araw-araw aming napatunayan ang katotohanang wala ni isa ang tunay na nakaalam at nanalig sa ebanghelyong ito noon. Sa pamamagitan natin, ang mga mangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay lumilitaw sa buong mundo. Tulad natin, sila rin, ay may matibay na pundasyon ng pananampalataya, at ikinakalat itong matibay na pananampalataya.
Kung marami ang gayong tao na nagpapalawig ng ebanghelyo, maaaring tayo’y madaling makahihinga at makapagpapahinga ng ilang sandali sa ating pangangaral ng ebanghelyo, nguni’t nakakalulungkot, iilang tao ang hindi nalalaman at di-nananalig sa katotohanang ito. Marami ang nagmalabis sa kalkula sa mga nagawa ng mga Repormasyon sa kasaysayan ng mundo. Kapag ating detalyeng sinaliksik ito, makikita natin na ang mga repormista ay nailagay sa ibang lugar ang unang bitones ng pundasyon ng biblikal na pananampalataya sa Repormasyon, at lahat ng bagay pang sumunod ay nailagay din sa ibang lugar. Anuman ang pagtutuwid sa mga panghuling kamalian, na ang unang bitunoes ay nailagay pa rin sa ibang lugar, nanatili itong may kapintasan; tulad niyaon, ang kasaysayan ng Kristiyanismo ay dapat na isulat muli.
Nawa at aking dalangin na kayong lahat ay makatatayo sa harap ng Diyos sa inyong matibay na pundasyon ng pananampalataya, at sa pundasyong ito, ika’y mamumuhay alang-alang sa paglingkod sa tunay na ebanghelyo. Kapag ika’y namuhay para sa ebanghelyo, ang iyong puso’y tiyak na mapupuspos ng galak. Kapag ang isa’y namuhay para sa ebanghelyo, ang kanyang puso ay espirituwal na mababago. At habang pinupuspos ng Banal na Espiritu ang kanilang mga puso at mga gawa sa kanila, silang lahat ay mag-uumapaw sa galak.
Nguni’t kung hindi ka mananalig sa ebanghelyo bagkus ay magpatuloy lamang sa mga nasa ng inyong mga puso kahit pa inyong nakamit ang kapatawaran ng kasalanan at nalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kayo’y mahahantong na nabubuhay na walang-kabuluhan, at buhay na walang-saysay.
Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay sa atin nitong mahalagang ebanghelyo, at sa pagbibigay sa atin nitong walang-bayad na kaligtasan. Ang aking dalangin at inaasam na kayong lahat ay saliksikin muli ang inyong mga pananampalataya, at tanggapin ang handog na kaligtasang ganap sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.