(Exodo 27:9-19)
“At inyong gagawin ang looban ng Tabernakulo: sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pili, na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran: at ang ihahaligi doo’y dalawang pu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak. At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan, sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba, at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak. At sa kaluwangan ng looban sa kalunuran ay magkakaroon ng mga tabing na may limangpung siko: ang haligi ng mga yaon ay sangpu at ang mga tungtungan ng mga yaon ay sangpu. At sa kaluwangan ng looban sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay magkakaroon ng limangpung siko. Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay magkakaroon ng labinglimang siko: ang mga haligi ng mga yaon ay tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yao’y tatlo. At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko, na ang kayo’y bughaw, at kulay-ube, at pula, at kayong linong pinili, na yari ng mangbuburda: ang mga haligi ng mga yao’y apat, at ang mga tungtungan ng mga yao’y apat. Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak; ang mga sima ng mga yaon ay pilak, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso. Ang haba ng looban ay magkakaroon ng isang daang siko, at ang luwang ay limang pu magpasaan man, at ang taas ay limang siko, kayong linong pinili, at ang mga tungtungan ay tanso. Lahat ng mga kasangkapan ng Tabernakulo, sa buong paglilingkod doon, at lahat ng mga tulos niyaon, at lahat ng mga tulos ng looban ay tanso.”
May mga malinaw na kaibahan sa pagitan ng pananampalataya ng isinilang na muli at yaong naturing na mga Kristiyano: ang una’y nalalaman at nananalig na inalis ng Diyos ang lahat ng ating kasalanan, at ang huli’y nananalig kay Jesus batay sa kanyang sariling mga kaisipan, pawang isang bagay na mga relihiyosong kaugalian. Nguni’t yaong naniniwala lamang sa Diyos bilang isang relihiyosong bagay ay dumadami husto na yaong nananalig sa tunay na katotohanan ay nasisiraan din ng loob na makita ang mga taong ito na may maling pananampalatayang ikinakalat ang kanilang mga maling aral at nananagan. Sila’y nasisiraan ng loob dahil maliwanag nilang nalalaman na maraming mga Kristiyano ang naakay sa gayong mga maling relihiyon ng panlilinlang at mga pandaraya.
Ako rin, ay nasisiraan ng loob dito panumandali. Dahil ako’y tunay na isinilang na muli sa pagtagpo sa katotohanan, at tunay na nagpapasalamat sa Diyos dahil sa paggamit sa akin bilang isang kasangkapan para sa Kanyang mga gawain, at dahil ang aking puso’y hangad ang katotohanan ng Diyos upang ikalat ng malayo at malawak, nang ako’y nakakita ng maraming taong namumuhay sa relihiyosong buhay na nadaya ng mga kasinungalingan, ako’y lubos na nalulungkot.
Gayon paman, ang malinaw ay nasa aking puso ang Banal na Espiritu, at kahit pa sa aking mga pagkukulang, ang aking puso’y walang kasalanan. Sa aking puso, samakatuwid, ay makikita ang pasasalamat, at wala akong kinahihiya sa ebanghelyong aking sinasampalatayanan. Kapag aking pinangangaral ang ebanghelyong ito sa tao sa buong mundo, kung naririnig nila ang Salita ng katotohanang ito at manalig dito, sila rin, ay di-mahihiya sa harap ng Diyos, dahil sa kanilang pananalig sa katotohanang ito, sila nga’y tunay na magiging mga anak ng Diyos.
Ikaw din ay tiyak na matatamo ang gayon ding mga pagpapala sa pamamagitan ng pananalig. Bagaman hindi ka nag-aral ng teolohiya, kung ika’y mananalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, iyong matatamo ang kapatawaran sa iyong mga kasalanan, magiging anak ng Diyos, at tatanggapin ang Banal na Espiritu sa inyong mga puso. At sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ika’y mamumuhay ding kasama ang mga lingkod ng Diyos. Ito ang malinaw na katotohanan, at pananalig nga ay ang tunay na pananalig.
Bagaman ako’y naninirahan sa isang mundong puno ng mga kasinungalingan, dahil sa aking puso ay itong tunay na pananampalataya, nagawa kong manatiling mangaral ng ebanghelyo ng katotohanan hanggang sa pagkakataong ito. Mula ng ipangaral ko ang Salita ng paksa ng Tabernakulo, lalong malinaw na nalaman ko ang ukol sa mga paraan ng mga sinungaling, at sa gayo’y nalaman ko ang katotohanan sa kamalian. Ito ang dahilan kung bakit pinapatotoo ko itong katotohanan ng Tabernakulo. Nagdudulot ito sa akin ng lubos na galak na sa pagkalat ng tunay na katotohanan sa pamamagitan ng Tabernakulo, nalalaman ng tao ang katotohanan at ang kamalian.
Sa pagsulat sa aklat na ito ng Tabernakulo, ang pinakamahirap na gawain para sa akin ay ang pagsusumikap na bigyang-unawa ang mga katawagan. Ako’y naglaan ng malaking halaga ng pagtutuon sa paksang ito, tinitignan ang mga orihinal na kasulatan, upang tiyakin na ang mga mahihirap na talahuluganan kaugnay sa Tabernakulo ay di-magreresulta ng anumang maling impormasyon, ni sa gayong maling unawa sa mga mambabasa. Sa kabila ng aking sariling unawa at kaalaman sa Tabernakulo, dahil ang mga pamamaraan ng Tabernakulo at kanyang mga nakatagong espirituwal na kahulugan ay kailangang ipaliwanag sa kanila na ang kaalaman ay di-lubos, ako’y halos nag-aalala ukol sa gawaing ito, hindi tiyak kung paano ko tiyakan at tahasang ipaliwanag ang kahalagahan ng Tabernakulo.
Mainam kung ang tao’y maunawaan at maniwala agad kapag kanilang unang narinig. Nguni’t ang Roma ay hindi itinayo sa isang araw; gayon din, at sa lahat ng mga bagay, ang pagkalat ng katotohanan at ang tunay na pananampalataya’y hindi magaganap sa isang araw, nguni’t makakamit ng unti-unti, habang tayo’y palalim sa buod ng paunti-unti. Ako samakatuwid ay nababahala ukol sa paghukay ng napakalalim mula sa simula, dahil hindi lahat ay maaaring makaunawa nito, at ito ang isa sa pinakamahirap na mga hamong aking nakaharap sa pagsulat nitong aklat.
Gayunpaman, sa tulong ng Diyos, ang aklat sa wakas ay hindi nagkaroon ng maraming suliranin. Hindi na kailangang sabihin, ako’y lubos na maligaya at nagpapasalamat para dito. Sa pamamagitan nitong aklat, at dahil sa pag-aalam sa katotohanan mula sa kamalian, aking ipapakita kung gaano ang kahalagahan, kalinanawan, at walang-duda na ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y naligtas, at paano, sa kabaligtaran, ang relihiyoso at walang-saysay na paniniwa ng mga mananampalataya sa ibang mga ebanghelyo maliban kundi itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ako ngayo’y nagpapasalamat sa Diyos, sa lahat, dahil sa pagliligtas sa akin mula sa aking mga kasalanan.
Ngayon, maraming mga tinatawag na mga “evangelical,” ang walang-pasubaling umaangkin na sila’y walang-kasalanan dahil lamang sa paniniwala kay Jesus. Ang kanilang mga puso’y puno ng lahat ng uri ng walang-batayan at maling paniniwala. Habang pinag-aaralan ang Tabernakulo, lalong nabatid ko kung gaano walang-saysay at mali ang kanilang paniniwala, at dahil sa kabatirang ito, lalo akong nagpapasalamat sa Diyos ng buong puso dahil sa aking kaligtasan.
Ang Pintuan at ang Bakod ng Bakuran ng Tabernakulo
Mula sa pangunahing talata, makikita natin ang katotohanan na ang haba ng parisukat na bakuran ng Tabernakulo ay 45 metro at kanyang lawak ay 22.5 metro, ang isang siko ay isang batayan ng sukat ng haba katumbas sa 0.45 metro; na ang bakuran ng Tabernakulo ay napapalibutan ng mga 60 haligi sa lahat ng gilid, ang taas ng bawa’t haligi ay 2.25 metro; sa kanyang silangan ay ang pintuan, na may sukat na 9 metro ang lawak; at lahat ng ibang bakod (halos 126 metro sa mga 135 metro) ay napapalibutan ng mga tabing na puting mapinong lino.
Ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at ito’y may sukat na 9 metro ang lawak at 2.25 ang taas. Itong apat na iba’t ibang sinulid, sa ibang salita, ay binurdahan upang gumawa ng isang tabing na may sukat na 9 metro at 2.25 metro. Bughaw na sinulid ay unang binurda sa buong haba at lawak sa mapinong binurdang lino, at ang kulay-ubeng sinulid ay binurda sa 2.25 metro ang taas, at ang pulang sinulid ay binurda sa 2.25 metrong taas, sinundan ng pagburda ng puting sinulid, magiging isang makapal at matibay na tabing, binurdang parang isang karpet, na may 2.25 metro ang taas. Sa paraan ito, isang tabing na binurdahan sa sukat na 2.25 metro ang haba at 9 metro ang lawak ay inilagay sa apat na haligi ng bakuran ng Tabernakulo sa kanyang silangan.
Upang makapasok sa bakuran ng Tabernakulo, gaya nito, ang tao’y kailangang hilain ang animo’y karpet. Hindi tulad ng ibang mga pintuan, ang pintuan ng Tabernakulo ay hindi gawa sa kahoy. Bagaman ang mga haligi nito’y gawa sa kahoy, ang pintuang nakasabit sa mga haliging ito ay isang tabing na binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Maaring nakapunta ka na sa isang palabas ng sirko, at nakita mo kung paano itayo ang tolda ng sirko. Ang kanyang pinto kadalasa’y gawa sa makapal na mga tela. Ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay halos katulad nitong uri ng pinto. Ito’y gawa sa makapal na mga tela, hindi ito binubuksan sa pamamagitan ng paghihila o pagtutulak, tulad ng mga matigas na pinto, sa halip ito’y inihila paitaas upang pumasok. Ito ang halimbawa hindi lamang sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, kundi pati na ang mga pintuan sa Banal na Dako at ang Kabanalbanalang Dako sa loob ng Tabernakulo.
Bakit sinabi ng Diyos sa mga Israelita na gawin lahat ng tatlong mga pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, ang Banal na Dako at ang Kabanalbanalang Dako sa pamamagitan ng pagbuburda nito ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino? Kailangan nating malinaw na makita ano ang kalooban ng Diyos sa likod nitong kautusan. Ang Aklat ng Hebreo’y sinasabi sa atin na lahat ng mga mabubuting bagay ng Lumang Tipan ay mga larawan ng tunay na kalamnan na darating, ito ay si Jesu-Cristo (Hebreo 10:1).
Gayon din, ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay masalimuot na kaugnay ng bautismo ni Jesu-Cristo, Kanyang kamatayan sa Krus, at Kanyang sariling pagkakakilanlan. Tulad niyaon, kapag tayo’y may kahirapang unawain ang Lumang Tipan, mararating natin itong kaunawaan kung titignan ang Bagong Tipan. Kung hindi makikita ang tunay na kalamnan, mahirap na maunawaan ang paglalarawan nito, nguni’t kung ating titignan kung sino at saan nagmumula ang larawan, malalaman nating kung para saan ito. Dapat maliwanag nating mabatid kung sino talaga ang Tagapagligtas ng mga makasalanang inihanda ng Diyos mula sa Lumang Tipan, kilalanin Siya bilang tunay na sangkap ng Tabernakulo, at manalig na ang Kanyang mga gawa’y niligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan.
Sino, kung gayon, ang tunay na sangkap ng Tabernakulo, ang Siyang naging Tagapagligtas ng mga makasalananan? Walang iba kundi si Jesu-Cristo. Kapag ating sinuri kung sino si Jesu-Cristo, na ating Tagapagligtas, naparito sa mundo at kung paano Niya tayo niligtas sa ating mga kasalanan, makikita natin ang tiyak na katotohanan na Siyang nagligtas sa mga makasalananan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Sa pag-unawa sa pagliligtas ni Jesus sa mga makasalananan, nalalaman at naniniwala sa katotohanang inihayag sa mga kulay ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay ang pinakamahalaga. Kapag sinasaliksik ang Tabernakulo, ang unang bagay na dapat nating mabatid na ang pintuan nitong bakuran ay gawa sa apat na mga sinulid. At kapag ating nilutas ang misteryo nitong pintuan, tayo’y matutungo sa isang matibay na kaunawaan sa lahat ng mga gawa ni Jesu-Cristo. Kung titignan ang tabing sa pintuang binurdahan nitong apat na mga sinulid, mauunawaan din natin ng malinaw kung paano natin dapat alamin at manalig kay Jesus, at tiyakang malaman kung anong uri ng pananalig ay isang maling paniniwala.
Ang labas ng bakuran ng Tabernakulo’y tiyak na pinapaalala sa atin ang isang kulungan ng tupa. Si Jesus, ating Mesias, sa katunaya’y ang pintuan ng kulungan ng tupa ng Diyos, at Siya ring naging mabuting Pastol (Juan 10:1-15). Kapag ating iniisip ang mga haliging nakapalibot sa bakuran, pinapaalala sa atin ang Mesias, na naging pintuan at ang mabuting Pastol ng Kanyang tupa, ang mga hinirang na isinilang na muli.
Ang Pastol ay tunay na naglagay ng mga poste palibot sa kulungang upang kanlungin ang Kanyang tupa at gumawa ng pintuan doon, at sa pamamagitan nitong pinto, Kanyang binabantayan ang Kanyang tupa. Dahil sa pintong ito ang Pastol ay may malapit na pakikipisan sa Kanyang tupa at kinakalinga sila. Sa katotohanan, lahat ng hindi Kanyang tupa ay di pinapayagang dumaan sa pintong ito. Nakikilala ng Pastol ang tupa at mga lobo. Itong dahilan kung bakit kailangan ng tupa ang Pastol.
Nguni’t posible na mayroon sa mga tupang ito na tumatangging akayin ng Pastol. Ang gayong tupa ay maaaring pumasok sa daan ng kamatayan, inaakalang ito’y isang maganda at mabuting daan, nguni’t sa katotohana’y, isang mapanlinlang at mapanganib, dahil hindi sila nakinig sa tinig ng Pastol at tumangging maakay Niya. Itong mga tupa sa katunayan ay maliligtas at pakakainin ng lubos ng Pastol, mamumuhay ng maayos dahil sa Kanya. Ang ating Pastol, sa katotohana’y, si Jesu-Cristo, na naging ating Mesias.
Pinakita ni Jesu-Cristo sa Atin ang mga Apat na Kulay ng Pintuan ng Tabernakulo
Ang tabing na inilagay bilang pintuan ng Tabernakulo ay binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at mapinong binurdang lino. Itong sinulid na may apat na kulay ay ginamit upang gumawa ng pintuan ng Tabernakulo. Ang mga ito’y sumisimbulo sa apat na ministeryo ng Mesias, na kailangang tuparin upang iligtas ang nawawalang tupa—ito ang, mga espirituwal na mga Israelita sa buong mundo—mula sa kanilang mga kasalanan at gawin silang walang-kasalanang bayan ng Diyos.
Kung tunay na nalalaman natin kung sino ang ating Mesias na naparito sa atin kasama ang Kanyang apat na ministeryo, sa gayon, ang malinaw na katotohanan na tayo’y nahugasan sa lahat ng ating mga kasalanan sa pananampalatayang ito, inilaan ang ating mga natitirang buhay upang ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at papasok sa Langit sa pamamagitan nitong pinaka-pananampalataya. Samakatuwid, bawa’t isa’y dapat na malaman ang Salita ng katotohan na ang Mesias ay naparito sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at niligtas tayo sa ating mga kasalanan.
Nais mo bang makamit ang kapatawaran ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa apat na ministeryo ng Mesias? Ating ngayong pag-aralan ang Tabernakulo. Ang mga nakakaalam nitong apat na ministeryo ay tunay na magiging matuwid sa pagkamit ng kapatawaran ng kasalanang binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Ang bayan ng Israel, nakatingin sa pintuan ng Tabernakulong binurdahan ng apat na iba’t ibang kulay ng sinulid, ay tunay na maniniwala na ang Mesias ay paparito nga sa hinaharap at tutuparin itong apat na mga ministeryo.
Ang Katotohanan na Dapat Malaman ng Bawa’t Makasalanan
Atin nang nakita ang maputing linong nakasabit sa bakuran ng Tabernakulo, ating makikilala ang ating pangangailangan para sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng kabatiran kung gaano talaga ang kabanalan ng Diyos. Bawa’t isang nakaalam ng kabanalan ng Diyos, walang magagawa kundi ang aminin, sasabihing, “Oh Diyos, kinikilala ko na ako’y patungong impiyerno dahil sa aking mga kasalanan, dahil ako’y isang kumpol ng kasalanan.” Sa pagkilala sa puting lino nakasabit sa mga haligi ng bakuran, dahil ang kalinisan at kamaharlikaan ay lubos na dakila, ang tao’y makikilala ang mga kasalanang nasa kanilang mga puso at mababatid na sila’y lubos na hindi nararapat mamuhay kasama ang Diyos. Sa tuwing yaong may mga pusong baluktot nagsisikap na lumapit sa Diyos, ang kanilang mga kasalanan ay laging nahahayag. Sa gayon, ang tao’y nag-aatubiling lumapit sa Diyos, dahil sila’y natatakot na ang kanilang mga kasalana’y mahahayag.
Nguni’t kapag ang gayong makasalanang tao’y nalaman na ang kanilang Tagapagligtas ay nalutas na ang kanilang suliranin sa kasalanan dahil sa Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, sila’y makalalapit sa Diyos na may malaking pagtitiwala ng kaligtasan at pag-asa sa kanilang mga puso.
Ang apat na katotohanang pinakita sa pintuan ng Tabernakulo’y sinasabi sa atin na ang Mesias ay naparito sa laman ng isang tao, kinuha lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang bautismong tinanggap kay Juan, at dumanak ang Kanyang dugo sa Krus. Sila na, sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tunay na nalalaman at naniniwala sa katotohanan ng apat na kulay ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay makatatanggap ng walang-hanggang kapatawaran ng kasalanan. Ang bautismo ni Jesus ang Kanyang pagpako, ang katotohanang lubos na iniligtas tayo ni Cristo sa lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus, ay mga kaligtasang tulad ng mga apat na kulay sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo.
Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay tunay na pinakikita sa atin ang ministeryo ng Mesias na nagligtas sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Ang katotohanan ng kaligtasang binigay ng Diyos sa sangkatauhan ay nahayag nitong bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino. Ang mga nagkasala sa kanilang mga puso, sa katunayan, ay napatawad sa lahat ng kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa katotohanan ng kaligtasang nahayag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Hindi mabilang na mga relihiyon ang nagsilitaw sa mundong ito. Lahat ng mga makamundong relihiyong ito ay lumitaw sa kanilang sariling mga doktrinang gawa ng kanilang mga sariling kaisipan, itinuturo sa lahat ng tao na magsikap na makamit ang kabanalan. Nguni’t wala ni isang tao ang nahugasan ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan nitong mga makamundong relihiyon. Dahil sila’y nagsilikha at naniwala sa kanilang mga sariling doktrina ng kaligtasan batay sa kanilang mga sariling kaisipan, hindi nababatid na sila’y puno ng kasalanan. Dahil bawa’t isa’y isang malaking kumpol ng kasalanan na di-kailanman magiging banal sa pamamagitan ng sarili, gaano man ang pagsisikap upang maalis ang kanyang pangunahing likas ng kasalanan, walang isa ang makararating nito. Ito ay kung bakit bawa’t isa’y tiyakang kailangan ang Tagapagligtas na makapagliligtas sa kanila sa kasalanan—ito ay, kung bakit kailangan ninuman si Jesus. Dapat mong malaman na ang tao’y walang tunay na Tagapagligtas kung wala si Jesu-Cristo.
Dahil ang Kautusan ng Diyos ay hindi itinutulot ang mga makasalananan na pumasok sa Tahanan ng Diyos, dapat nating malaman at manalig na ang Mesias ay tunay na inalis lahat ng ating mga kasalanan.
Ang ebanghelyong nagpatawad sa mga kasalanan ng sangkatauhan nang minsanan para sa lahat ay walang iba kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang paglagay ng paniniwala sa mga doktrina ng makamundong relihiyon ay maaakay lamang siya sa kanyang matinding mga paghihirap sanhi ng kanyang mga kasalanan, dahil ng Banal na Diyos ay humahatol, ng walang kabiguan, bawa’t kasamaan ng mga makasalananan.
Ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay natupad sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa panahon ng Bagong Tipan. Narinig mo na ba ang isang umaangkin na ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay gawa lamang sa pulang sinulid o kulay-ube at pulang sinulid lamang? Kung gayon, dapat mong malaman, simula ngayon, na ang pintuan ng Tabernakulo ay tunay na binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Maliwanag na inutos ng Diyos sa mga Israelita na gumawa ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo sa isang tabing na binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong gawa ng isang mambuburda.
Nguni’t dahil maraming tao ang nagkamaling isipin na ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y binurdahan lamag ng pulang sinulid, hindi nila malulutas ang misteryo ng tunay na mga ministeryo ng ating Panginoon. Ito ay kung bakit may kasalanan sa kanilang mga puso kahit pa sila’y naniniwala kay Jesus. Alamin ngayon na inalis ni Cristo lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mga ministeryo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at manalig sa katotohanang ito. Ang gawa ng kaligtasang tinupad nitong mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay buong niligtas ka nga mula sa lahat ng iyong mga kasalanan. Dapat mong malaman na inalis ni Jesus lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan nitong apat na ministeryo. Pagtatalaga ng iyong sariling pamantayan ng kapatawaran ng kasalanan habang nananatiling mangmang sa katotohanang ito, sa ibang salita, ay simpleng kamalian.
Ang ibang tao, kahit sila’y nananatiling limot sa pakahulugan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na ginamit sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, di-nauunawaang inaangkin na ang isa’y walang-pasubaling maliligtas dahil lamang sa paniniwala bilang Tagapagligtas. Sa katunayan, kung ating tatanungin ang mga pinuno ng mga komunidad ng Kristiyano ukol sa apat na ministeryo ni Jesus, makikita natin na marami sa kanila ang mangmang nito. Sinasabi nila na sila’y naniniwala lamang sa ministeryo ng pulang sinulid. Kung sila’y naniniwala lamang sa isa pang bagay, maaaring sabihin nila na sila’y naniniwala sa ministeryo ng kulay-ubeng sinulid din. Subali’t, binuo nga ng ating Panginoon ang lahat ng mga gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Tulad niyaon, dapat nating panaligan na sinakatuparan ng ating Panginoon ang Kanyang apat na ministeryo ng kaligtasan para sa atin. Sinuman ang may pusong naghahangad na malaman ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ng pintuan ng Tabernakulo sa katotohana’y malalaman at maniniwala rito.
“Paano ko mauunawaan ang tunay na kahulugan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino?” Kung iyong itatanong ito kaninuman sa paghahanap ng katotohanan nitong mga sinulid at lino, maaari kang sawayin bilang kapalit, “Hindi mo dapat subuking alamin ang Biblia ng higit na malalim at detalye; maaaring ito’y magbigay kapahamakan sa iyo,” at ang iyong pagkamausisa’y maaaring pawalang-saysay. Nasiraan ng loob, maraming tao ang maaaring mawalan ng kanilang pag-usisa sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. At hindi mo matatagpo ang Mesias kailanman, Siyang inihayag na detalye sa pamamagitan ng pintuan.
Ang mga nagtatangkang makatagpo ang Mesias nang di-nababatid ang layon ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ng mapinong binurdang lino, sa katotohana’y, tanging mga relihiyosong naniniwala sa Kristiyanismo bilang isa sa mga makamundong relihiyon. Upang makapasok sa Tahanan ng Diyos, dapat nating malaman ng husto ang katotohanan ng apat na ministeryo ng kaligtasan ng Diyos na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at sa mapinong binurdang linong ginamit para sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. At sila na nasumpungan itong katotohanan ay dapat na mabatid na tinupad ng Panginoon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa panahon ng Bagong Tipan.
Iniutos ng Diyos kay Moises na burdahan ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ano, kung gayon ang espirituwal na kahulugan nito? Bawa’t kulay ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit para sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay ang gawa ni Jesus na Kanyang ginawa upang maglaho ang ating mga kasalanan. Itong mga sinulid at lino samakatuwid ay may-kaugnayan sa isa’t isa. Kung gayon, ang mga nagbibigay-tuon at naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay maniniwala sa kanilang walang-hanggang kapatawaran ng kasalanan bilang mga apat na ministeryo ni Jesus.
Bagaman, hindi nagsisikap na malaman at binabale-wala ang katotohanan ng kaligtasang nahayag sa mga kulay ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, samakatuwid, ang kapahayagan ng pagwawalang-bahala sa Mesias ay katulad ng pagiging kaaway na sumasalungat sa Kanya. Maraming tao, ay nananatiling nagsasawalang-bahala sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at ginagawa ang Kristiyano bilang isa sa maraming makamundong mga relihiyon. Kung ang mga taong ito’y kinikilala ang apat na ministeryo ni Jesus na may pagwawalang-bahala, ito ngayon ang katibayan na sila’y bunga ng mga makamundong reliyong sumasalungat kay Cristo. Sa kabutihang-palad, datapuwa’t, mayroon pa ring pag-asa para sa atin, dahil sa mundong ito maraming tao ang naghahanap pa rin sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Kapag ang tao’y may kaalaman sa espirituwal na katotohanan ng kapatawaran ng kasalanang nahayag sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, kanilang matatamo lahat ng mga espirituwal na pagpapala ng Langit. Dahil itong pananampalataya ay ang tunay na kailangang pananampalataya na dapat malaman ng isa at manalig upang makatagpo ang Mesias, dapat tayong manahan dito hindi lang minsan, kundi magpakailanman. Kung ikaw nga’y Kristiyano, dapat kang magbigay tuon sa katotohanang ito.
Sinuman ang nagnanais na pumasok sa Tahanan ng Diyos ay dapat saliksikin ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino, at purihin ang Diyos ayon dito.
Ang Mesias na Dumating bilang Tagapagtupad ng mga Hula
Pinangako ng Diyos sa Kanyang Salita na ang Mesias ay isisilang sa pamamagitan ng katawan ng isang birhen. Sinasabi sa Isaias 7:14, “Kaya’t ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang Kaniyang pangalan na Emmanuel.” Sa Micas 5:2, sa kabilang dako, nagsasabi na ang Mesias ay isisilang sa Betlehem: “Nguni’t ikaw, Bethlehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.” Ang Mesias nga’y naparito gaya ng hula nitong Salita sa Lumang Tipan. Siya’y naparito sa laman ng tao bilang katuparan ng mga hula ayon sa Salita ng Diyos.
Saang dako ng kasaysayan ng tao, dumating ang Mesias? Bakit naparito si Jesus? Siya’y naparito noong paghahari ng Emperador Agosto ng Roma (B.C. 27 hanggang A.D. 14). Si Jesus ay naparito upang ikaw at ako’y maligtas sa lahat ng ating kasalanan at sumpa dahil sa pagtanggap ng bautismo mula kay Juan at pagpako at pagdanak ng dugo sa Krus.
Si Jesus ay naparito bilang Tagapagligtas ng sangkatauhan nang ang Israel ay nasasakop ng Kaharian ng Roma at nang si Agosto ang naghahari bilang emperador. Dahil ang Israel ay nasasakop ng Roma, kailangang sumunod sa mga kautusan ng Roma. Sa panahong ito, si Emperador Agosto ay iniutos sa bawa’t isa sa buong Kaharian ng Roma na magbalik sa kanilang sariling bayan at magpatala para sa isang sensus. Sa pagsunod sa utos ni Agosto, itong sensus ay agad nagsimula. Dahil ang sensus ay kailangang bilangin ang bawa’t taong naninirahan sa Kaharian, kasama yaong naninirahan sa Israel, lahat ng mga Israelita’y dapat magbalik sa kanilang mga sariling bayan. Sa pagkakataong ito, si Jesu-Cristo’y kumikilos na sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Tignan ang Katuparan ng Salita ng Lumang Tipan!
Sa panahong iyon, sa lupain ng Judea, ang Mesias ay ipinaglihi na sa sinapupunan ng Birheng Maria. Si Maria ay may kasunduang ikakasal kay Jose. Si Maria at si Jose ay mula sa lipi ni Juda, tulad ng pangako ng Diyos na sa mga labing-dalawang lipi ng Israel, ang mga hari’y patuloy na isisilang mula sa lipi ni Juda.
Kaya nang iniutos ni Emperador Agosto ng Roma para maganap ang isang sensus, si Maria, sa lipi ni Juda, ay nagdadalang-tao na sa kanyang sinapupunan. Nang dumating na ang panahon upang siya’y magsilang, dahil sa utos ng Emperador, kailangan siyang sumama sa bayan ni Jose at magpatala sa sensus. Si Maria’y sumamang pumunta sa Betlehem kasama si Jose kahit na siya’y manganganak anumang oras. Nang si Maria’y magsimulang sumakit ang tiyan, kailangan silang makahanap ng silid para sa kanya, nguni’t wala silang makita sa anumang nayon. Kailangan nilang gamitin kung gayon anumang lugar na magagamit para sa kanila, kahit pa sila nahantong sa isang kabalyerisa.
Noong A.D. 1, si Jesus ay isinilang at inilagay sa isang sabsaban. Ang Makapangyarihang Diyos ay naparito sa laman ng tao. Sa lugar na ang mga hayop ay naninirahan, ang Tagapagligtas ng sangkatauha’y naparito. Ibig sabihin si Jesus ay isinilang sa pinakamababang lugar upang maging ating Mesias, at lahat ng mga ito’y itinakda at nilayon ng Diyos kahit bago pa ang paglalang. Bagaman nalalaman na ang Yahweh Diyos ay kumikilos sa kasaysayan ng sangkatauhan, walang makababatid na ang Diyos mismo’y paparito sa mundo upang iligtas sila. Ang Diyos, samakatuwid, nagawa para kaninuman na mabatid na Kanyang ililigtas sila sa pagbaba ng Kanyang sarili upang isilang sa mundong ito sa abang katawan ng isang tao upang iligtas lahat ng mga tao sa kanilang mga kasalanan.
Bakit, kung gayon, si Jesus ay isinilang sa Betlehem? Magtataka rin tayo kung bakit Siya’y kailangang isilang sa isang kabalyerisa, at bakit, sa lahat ng panahon, nang ang Israel ay nasa ilalim ng Roma bilang lupang-sinakop? Nguni’t ating makikita na lahat ng mga bagay na ito ay nangyari sa ilalim ng Kanyang masalimuot na kalooban na masusing iginuhit upang iligtas ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.
Nang si Jose at Maria’y nagpatala para sa sensus sa kanilang nayon, kailangan silang magbigay ng katibayan na sila nga’y mula sa nayong ito, at magbigay dokumento ng kanilang tunay na katauhan. Maaari lamang silang magpatala para sa sensus kung kanilang maipapakita ang kailangang katibayan na ang kanilang mga ninuno nga’y naninirahan sa Betlehem ng maraming henerasyon. Kaya kailangan nilang ibunyag kung sino ang kanilang mga ninuno at kung kaninong mga angkan sila kabilang, at itala lahat ng gayong mga detalye ng lahi ng kanilang pamilya sa sensus. Dahil wala sa mga ito ang maaaring imbentohin o kaligtaan, sa pamamagitan ng makasaysayang pagtala ng eksaktong mga katauhan ni Jose at Maria. Tiniyak ng Diyos na ang kasaysayan ng sangkatauhan ay magpapatotoo rin ng kapanganakan ni Jesus (Mateo 1:1-16, Lucas 3:23-38). Lahat ng mga ito’y gawa ng Diyos ginawa upang matupad ang mga hula ng Salita ng Lumang Tipan.
Sinasabi ng Mikas 5:2, “Nguni’t ikaw, Bethlehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.” Na ang araw ng pagsilang ay dumating at ang Tagapagligtas ay isinilang sa inihulang nayon ng Betlehem nang tiyakang pagdating ni Jose at Maria sa mismong nayon nangangahulugang ginawa ng Diyos itong gawin upang matupad ang mga hula ng Kanyang mga propeta. Ito ang tiyak na katuparan ng layon ng Diyos upang alisin lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan. Na si Jesus ay kailangang maisilang sa maliit na nayon ng Betlehem upang tuparin ang Salita ng Hula ng Lumang Tipan.
Daan-daang mga taon bago isilang si Jesu-Cristo sa maliit na bayan ng Betlehem, binigay na ng Diyos ang Kanyang Salita ng Hula sa pamamagitan ng Kanyang propetang si Mikas, tulad ng binanggit (Mikas 5:2).
Gayon din, ang Propetang Isaias ay hinula rin halos 700 taon bago ang pagdating ng ating Panginoon kung paano ang Mesias ay paparito sa Kanyang bayan upang maging Tagapagligtas ng mga makasalananan (Isaias 53). Si Jesu-Cristo nga’y isinilang sa Betlehem tulad ng hula ng Diyos sa pamamagitan ng Propeta Mikas, Kanya laging tinutupad lahat ng Kanyang Salita ng hula.
Itong hula’y natupad bilang isang tunay na kasaysayan nang si Maria at Jose ay nagpunta sa nayon ng kanilang mga ninuno para magpatala sa sensus. Tinupad ng Diyos ang Kanyang Salita sa pagtitiyak na ang panahon ng pagsilang ng sanggol ay magaganap halos nang si Maria’y makarating sa Betlehem, kaya siya’y walang mapipili kundi ang masilang sa nayong ito.
Dito, ay matutuklasan natin na ang ating Diyos ay ang Diyos na nagsasabi ng Kanyang Salita ng hula sa atin at tinutupad lahat ng Salita alinsunod dito. Mula rito, makikita natin na ang “mapinong binurdang lino” ay ginamit para sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y nagpapahiwatig ng kapinuhan at kabanalan ng Salita ng Diyos. Masalimuot na nilayon ng Diyos ang kaligtasan ng tao kahit bago pa ang Paglikha, at Kanyang tinupad ito ng walang-kabiguan ayon sa Kanyang Salita ng hula.
Atin ngang malalaman na ang Salita ng Lumang Tipan ay ang tiyak na Salita ng Diyos, at ang Salita ng Bagong Tipan ay siya ring Salita ng Diyos. Atin ding malalaman, at maniniwala, na ang Diyos nga’y naghahari at kumikilos sa lahat ng kasaysayan ng buong kalawakan at nitong mundo. Makikita natin, sa ibang salita, na yamang Diyos ang lumikha ng buong kalawakan, pinakita Niya sa atin na Siya’y naghahari sa lahat ng tao, lahat ng mga kasaysayan, at lahat ng mga kalagayan ng bawa’t isa. Pinakita nga ng Diyos sa atin na walang magaganap ayon sa kalooban ninuman, maliban ito’y Kanyang itinulot.
Nang ang Sanggol na si Jesus ay isinilang at naparito, Siya’y kailangang maisilang sa pahingahang lugar ng mga hayop, dahil walang silid sa bahay-tuluyan. At Siya mismo nga’y isinilang sa nayon ng Betlehem. Dapat nating mabatid na lahat ng mga ito’y kamangha-manghang katuparang kaloob ng hula ng Diyos ayon sa Kanyang katapatan.
Samakatuwid, dapa’t tayong manalig na ang Siyang kumikilos sa kasaysayan nitong kalawakan ay ang ating Diyos, ang Tagapagligtas na nagligtas sa ating mga kasalanan. Itong katotohanan ay ang Salita ng Diyos na pinakikita sa atin na Siya’y naghahari sa lahat, dahil ang Diyos ay Panginoon ng lahat.
Napatunayan ngayon na ang kapanganakan ni Jesus sa maliit na nayon ng Betlehem ay hindi isang nagkataong pangyayari, ni isang bagay na di-makatwirang likha sa manipulahin ang Salita ng Biblia. Ito mismo ang sinabi ng Diyos, at ito rin ang natupad ng Diyos mismo sa pamamagitan ni Jesus.
Dapa’t nating malaman at paniwalaan ito. Dapa’t nating isapuso at maniwala na ang kaligtasan ng ating Mesias ay ang katotohanang natupad sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Pinakita sa atin ng Diyos na ang kapatawaran ng kasalanan din, ay hindi isang bagay na di-sinasadyang naganap, bagkus ito’y nangyari sa pamamagitan ng apat na mga ministeryo ni Jesus inihanda sa kaloob ng Diyos.
Ipinakikita rin, dagdag nito, na ang Kristiyanismo’y hindi lang basta isa sa maraming makamundong relihiyon. Ang nagtatag ng isang makamundong relihiyon ay isang pawang mortal, nguni’t ang nagtatag ng Kristiyanismo ay ating Tagapagligtas na si Jesus, at pinakita ng Diyos sa atin na ang katotohanan ng Kristiyanismo’y nagsisimula sa katotohanang itong Tagapagligtas natin ay ang Diyos mismo. Pinatotoo ng Diyos sa atin, sa ibang salita, na ang Kristiyanismong ating sinasampalatayanan ay hindi pawang isang makamundong relihiyon. Hindi tulad ng ibang makamundong mga relihiyon, ang Kristiyanismo’y naitatag sa lahat ng biyayang binigay ng Diyos. Gaya ng nasusulat sa Roma 11:36, “Sapagka’t Kaniya, at sa pamamagitan Niya, at sa Kaniya ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man,” binigay Niya sa atin ang Kanyang bugtong na Anak bilang ating Tagapagligtas, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, ang pakikipisan ng Banal na Espiritu, at ang Kaharian ng Langit. Samakatuwid, dapa’t nating malamang lahat at maniwala sa ating mga puso na tayo’y dapa’t matakot at sumunod sa Diyos at sa Kanyang Salita ng ating buong puso.
Ang pagsilang ng Mesias sa mundong ito ay ayon sa plano ng kaligtasang itinakda ng Diyos Ama kahit bago pa ang paglikha. Ang ating kaligtasan ay ganap na nilayon sa loob nito. Malinaw na itinulot ng Diyos na mabatid na ang katotohanang ito ay ang tunay na nilalaman ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Samakatuwid, dapa’t nating kilalanin ang kaligtasang dumating sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang kapatawaran ng ating mga kasalanan, at manalig nga. Sa pamamagitan nitong pananampalataya na ikaw at ako’y maliligtas sa lahat ng ating mga kasalanan. Dapa’t tayong maniwala na ang katotohanang ito ng apat na mga kulay din, ay naging buo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu.
Si Jesu-Cristo, ang Tagapagligtas na Siyang Nagligtas sa Atin sa Kanyang Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid at Mapinong Binurdang Lino
Ang mga gawa ni Jesu-Cristo sa pagliligtas ng mga makasalananan sa kanilang mga kasalanan ay makaapat: ang bughaw na sinulid (bautismo ni Jesus); ang kulay-ubeng sinulid (si Jesus bilang Hari ng mga hari—Diyos mismo, sa ibang pananalita); ang pulang sinulid (ang dugo ni Jesus); at ang mapinong binurdang lino (ang pagbuo ng pagliligtas ng lahat ng mga makasalananan sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng masalimuot na Salita ng Luma at Bagong Tipan). Si Jesus ay naging tiyak na Tagapagligtas sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Dapa’t nating mabatid na maliban tayo’y manalig na si Jesus, Siyang naparito sa atin sa pa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, niligtas tayo sa ating mga kasalanan ng bughaw na sinulid (bautismo ni Jesus), ang kulay-ubeng sinulid (Jesus ay Diyos), ang pulang sinulid (dugo ni Jesus), at ang mapinong binurdang lino (si Jesus ay natupad ang kaligtasan sa Salita ng Luma at Bagong Tipan), hindi tayo maliligtas sa ating mga kasalanan at sumpa ng mga ito. Kung walang pagliligtas sa atin, ang ating Panginoon ay maaaring hindi magiging ganap na Tagapagligtas.
Dapa’t nating mabatid sa espirituwal na dahilan bakit ang tabing ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino upang bawa’t isa’y maliwanag na makikilala ang pintuan at agad na makikita ito. Sa pintuang ito, itinulot ng Diyos ang sinuman na pumasok sa Kanyang maningning na Tahanan.
Ang Tabernakulo mismo ay ang maningning na Tahanan ng Diyos. Walang nagnanais na pumasok sa Tahanan ng Diyos nang di-nakikilala ang katotohanan ng kaligtasang nahayag sa bakod at ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Sinabi ng Diyos na yaong mga nagwawalang-saysay sa kabanalan ng puting linong tabing na bumabalot sa Tabernakulo, hindi dumadaan sa pintuan ng Tabernakulo, kundi’y umaakyat sa ibang paraan, sila’y mga magnanakaw. Ang pintuan ng kaligtasa ay tumutukoy kay Jesu-Cristo (Juan 10).
Nang sabihin ng Biblia na itong pintuan ay binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Malinaw na pinakikita ng Diyos sa atin, sa pamamagitan ng Kanyang tunay na Salita ng Luma at Bagong Tipan, na naparito si Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos, binautismuhan, namatay sa Krus, bumangon sa kamatayan, at sa gayo’y naging ating Mesias. Atin ngang makikita ang misteryo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Dapa’t tayong manalig na itinulot ng Diyos na tayo’y manalig na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos na naparito upang tayo’y iligtas sa sumpa ng mga kasalanan ng mundo, at Siyang Tagapagligtas na ngayon tumupad ng kaligtasan ng tao sa pamamagitan ng Salita ng Luma at Bagong Tipan.
Tayo’y dapa’t tiyak na makababatid bakit ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y binurdahan nitong mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Anong sinasabi ng bughaw na sinulid sa atin? At ano ang sinasabi sa atin ng kulay-ube sinulid, pulang sinulid at mapinong binurdang lino? Kapag ating nalaman ang plano ng Diyos, malalaman din natin na ang mga gawa ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino lahat ay mga plano ng kaligtasan ng Diyos para sa atin at ang katotohanan ng buhay na walang hanggan, at sa gayon tayo’y makapapasok sa Kanyang Kaharian dahil sa ating pananalig sa kapatawaran ng kasalanan.
Kapag ating sinabi na ating alam at naniniwala sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, ibig sabihin lubos nating alam ang dahilan kung bakit si Jesus ay nabautismo at dumanak ng Kanyang dugo sa Krus, Siyang Mesias, lahat ng mga misteryo ng pamamaraan ng paghahandog sa Lumang Tipan, at ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Bagong Tipan. Sa maikling salita, ang katotohanang pinahiwatig sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay kailangan ng lahat ng mga mananampalatayang mataimtim na naghahanap ng katotohanan upang maligtas ng walang katapusan.
Waring maraming tao ang lubos na nalalaman ang Tabernakulo, nguni’t sa katunayan, hindi ito ang pangyayari. Ang tao ay tunay na sadyang mangmang sa kahulugan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid binurda sa pintuan ng bakuran Tabernakulo. Sa misteryo nitong mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay mahirap unawaan, maraming tao ang may tunay na hangad na matutunan at maniwala sa mga ito. Subali’t dahil ang misteryong ito’y hindi basta maunawaan ninuman, marami sa kanila ay nahantong sa maling pakahulugan ayon sa kanilang mga sariling kuru-kuro. Maraming mga relihiyong pinuno, sa katotohanan, ay nagkaroon ng maling kahulugan at maling-unawa nitong katotohanan sa anumang paraang gusto nila, ginagamit lamang ito para sa kanilang sariling relihiyosong layon. Nguni’t hindi na mapahintulot ng Diyos ang mga Kristiyano na magpatuloy na madaya nitong mga sinungaling. Kailangan Niya ngayong malinaw na ipaliwanag ang kahulugan ng katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit para sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, at sa gayo’y niligtas sila sa kanilang mga kasalanan.
Mula sa Bagong Tipan ng 1 Juan 5:6-8 ay sinasabi, “Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesu-Cristo, hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan. Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.” Itong talata’y malinaw na sinasabi sa atin na ang ating Panginoon ay naparito sa laman ng tao, kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, at niligtas tayo sa pagdanak ng Kanyang dugo. Ito ay kung bakit ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay binurdahan lahat sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Una, anong pinakikita sa atin ng bughaw na sinulid? Pinakikita nito sa atin ang isang bahagi ng katotohanan kay Jesus, na Siyang tunay na naging Mesias ng mga makasalananan, naparito sa mundo at kinuha ang mga kasalanan ng mundo sa pagtanggap ng Kanyang bautismo kay Juan sa Ilog ng Jordan ay ang katotohanan ng pagkuha ni Jesus ng lahat ng mga kasalanan ng mundo ng minsanan. Tunay na tiniis ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanyang balikat sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan Bautista, ang kinatawan ng lahat ng tao. Dahil ang mga kasalanan ng lahat ng tao ay naisalin nga sa ulo ni Cristo, yaong mga nanalig sa katotohanang ito ay walang-kasalanan sa kanilang mga puso.
Pangalawa, ano ang tunay na kahulugan ng kulay-ubeng sinulid na binurda sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo? Sinasabi sa atin na si Jesus ay ang tunay na Hari ng mga hari. Si Jesus, sa katunayan, lumikha ng kalawakan, ay Siyang Manlilikha mismo, hindi isang nilalang, at Siya ang tunay na Mesias na naparito sa mundo. Siya, ang Mesias, tunay na naparito sa mundo sa wangis ng isang laman ng tao. At sa pagpasan ng lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sariling katawan sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan, at sa Kanyang pag-aalay ng kamatayan at pagkabuhay na muli, niligtas ni Jesus lahat ng Kanyang bayan, mga nakakakilala, natatakot, at nanalig sa kanilang Mesias, mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan at kanilang hatol ng kasalanan.
Si Jesus nga’y ating makapangyarihang Diyos at Mesias. Siya ang makapangyarihang Tagapagligtas. Dahil inalis ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, sa pagdanak ng dugo at kamatayan sa Krus at pagkabuhay na muli mula sa Kanyang kamatayan, hindi lamang Niya hinugasan lahat ng ating mga kasalanan, nguni’t Kanya ring tinanggap ang pagtitiis alang-alang sa hatol ng kasalanan sa ating lugar.
Ang pulang sinulid, pangatlo, ay tumutukoy sa dugong binubo ni Jesus sa Krus, at ang kahulugan nito na binigay ni Cristo ang bagong buhay sa atin na nananalig. Ang katotohanang ito ng pulang sinulid ay sinasabi sa atin na si Jesu-Cristo’y hindi lamang tinanggap ang hatol ng ating mga sariling kasalanan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kasalanan sa Kanyang sarili sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan, kundi Kanya ring binigay ang bagong buhay sa mga mananampalataya sa pagkakaloob ng nagbibigay buhay na pananampalataya sa mga namatay sa kasalanan. Sa mga nananalig sa Kanyang bautismo at dugong Kanyang binubo, si Jesus nga’y nagbigay ng bagong buhay.
Ano, kung gayon, ang kahulugan ng mapinong binurdang lino? Pinakita na sa Bagong Tipan, tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako ng kaligtasang nakatala sa Lumang Tipan. At sinasabi sa atin nang kinuha ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at nahatulan para sa ating mga kasalanan sa Krus sa Bagong Tipan, Kanyang tinupad ang kaligtasang pinangako ng Diyos sa mga Israelita at sa atin sa Kanyang Salita ng tipan.
Sinabi ng Yahweh Diyos sa Isaias 1:18, “‘Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiran, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa.’” Gayon din, ang pamamaraan ng paghahandog sa Lumang Tipang pinamamahalaan kung paano ang mga handog ay inaalay sa Tabernakulo, kung saan ang mga kasalanan ng bayan ng Israel ay isinalin sa inahandog na tupa sa pagpapatong ng mga kamay, ay ang pangakong ginawa ng Diyos sa mga Israelita at sa atin. Ito ang kapahayagan ng Diyos sa pangakong Kanyang ililigtas lahat ng tao mula sa kanilang araw-araw na mga kasalanan at mga taunang kasalanan sa pamamagitan ng Cordero ng Diyos sa hinaharap.
Ito rin ang tanda ng pangako ng Mesias na darating. Kaya sa panahon ng Bagong Tipan, nang kinuha lahat ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng mundo nang minsanan sa pagtanggap ng bautismo ayon sa paraan ng Lumang Tipan, ito ang kaganapan ng tipan ng Diyos. Yamang binigay sa atin lahat ng Kanyang Salita ng pangako, pinakita sa atin ng Diyos na Kanyang tinupad lahat, tulad ng Kanyang pinangako. Ang bautismong tinanggap ni Jesus ay pinakita ang katotohanang ito, na ang Diyos ng tipan ay tinupad lahat ng Kanyang mga tipan.
Si Jesu-Cristo na Siyang Naparito sa pamamagitan ng Tubig, ang Dugo at ang Espiritu
Bakit binautismo ni Juan si Jesus? Upang kuhanin Niya ang lahat ng mga kasalanan ng mundo, at tanggapin ang sumpa ng kasalanan alang-alang sa atin. Upang maglaho lahat ng mga kasalanan ng buong sangkatauhan, at upang maging ating tunay na Tagapagligtas, si Jesus ay binautismo, nagtungo sa Krus, nagbubo ng dugo at namatay. Sa pamamagitan nito hindi lamang Niya hinugasan lahat ng ating mga kasalanan, nguni’t Kanya ring tinanggap lahat ng tahol nitong mga kasalanan alang-alang sa atin, at sa gayo’y naging ating walang-hanggang Tagapagligtas. Lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesus nang Siya’y binautismo ni Juan, at Kanyang pinasan ang mga kasalanan sa Krus. Ito’y dahil pinasan ni Cristo ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, Siya’y maipapako, dumanak ang Kanyang dugo, at namatay alang-alang sa atin.
Sinabi sa Isaias 53:5, “Nguni’t Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.” Sa pamamagitan ng bautismo ng Panginoon, ang ating mga orihinal na kasalanan na ating namana mula sa ating ninunong si Adan at ang ating mga kasalanang nagawa sa ating buong buhay lahat ay inilipat sa Kanya. At Siya’y nahatulan dahil sa lahat ng mga kasalanang ito. Sa pagparito nga sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng dugo, pinaglaho ng Panginoon ang ating mga kasalanan (1 Juan 5:5-8).
Sino, kung gayon, itong si Jesu, na ating Tagapagligtas at Mesias na kumuha ng ating mga kasalanan at pinaglaho ang mga ito? Sinabi sa Genesis 1:1, “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.” Sino itong makapangyarihang Diyos na lumikha ng kalawakan sa pamamagitan ng Kanyang Salita? Siya’y walang iba kundi ang Mesias ng mga makasalananan, Siya’y naparito sa tubig ng Kanyang bautismo upang iligtas ka at ako sa lahat ng mga kasalanan, ang Siyang naparito bilang Tagapagligtas na nagbubo ng dugo sa Krus upang hatulan lahat ng kasalanan ng mundo. Sa pamamagitan ng tubig, ng dugo at ng Espiritu, niligtas tayo ni Jesus sa ating mga kasalanan at sumpa. Ang Panginoon ay naparito sa atin bilang ating Tagapagligtas upang kuhanin lahat ng ating mga kasalanan sa ating lugar.
Si Jesu-Cristo, sa katunayan, ay ang Anak ng Diyos at Diyos mismo, dahil ang Mesias ay tunay na ating Diyos. Ang pangalang “Jesus” ay nangangahulugang “Tagapagligtas na magliligtas sa Kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mateo 1:21). “Cristo,” “Basileus” sa Griego sa kabilang dako, nangangahulugang “Hari ng mga hari.” Si Jesus ay ang Manlilikha ng buong sangkatauhan, ang makapangyarihang sa lahat, ang Tagapagligtas ng mga makasalananan, at ang Hari ng mga hari na hahatol kay satanas.
Itong makapangyarihang Diyos nilikha ang tao ayon sa Kanayang sariling anyo. Tulad natin, na Kanyang sariling nilikha, nahulog sa kasalanan at nahatulan sa kapahamakan dahil sa ating mga kahinaan, itong Hari ng mga hari’y pinangako sa atin na ililigtas tayo sa ating mga kasalanan, at upang tuparin itong pangako Siya’y naparito sa atin. At upang gawin tayong ganap na bayan ng Diyos at walang-kasalanan, ang ating Panginoon mismo’y naparito sa pamamagitan ng tubig, dugo at ng Espiritu.
Ang Mesias, na Manlilikha, tunay na naparito sa laman ng tao upang maglaho ang ating mga kasalanan, at Kanyang kinuha ang ating mga kasalanan sa pagtanggap ng bautismo mula kay Juan sa Ilog ng Jordan. At sa kamatayan sa Krus, Siya’y nahatulan dahil sa lahat ng ating mga kasalanan alang-alang sa atin. Dahil si Jesus nga’y pinaka-Mesias para sa atin, dahil Siya ang ating Tagapagligtas at ang Panginoon ng ating buhay, ating makakamit ang bago at walang-hanggang buhay sa pananalig sa Kanya. Ang Mesias nga’y naging ating Diyos. Ito ay kung bakit ang pintuan ng Tabernakulo’y binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, dahil ito ang paraan ng misteryo ng tubig at ng Espiritu na magliligtas sa atin sa lahat ng mga kasalanan at hatol ng ating mga kasalanan.
Ang katotohanang niligtas nga tayo ng Panginoon sa ating mga kasalanan ay hindi walang-kabuluhan. Hindi pinangako ng Panginoon sa atin ang Kanyang kaligtasan ng di-tiyak, hindi ito nakamit na pawindang-windang, at hindi pagtitibayin ang pananalig ng mga nanalig sa Kanya ayon lamang sa sariling kagustuhan, kung malayo sa Kanyang matibay na katotohanan na Kanya ngang niligtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo. Ang ating Panginoon ay sinabi sa mga naturingang naniniwala sa Kanya, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).
Iginigiit ng mga bulaang guro na sila nga’y pinapatanggap ang sa tao ang Banal na Espiritu sa ngalan ni Jesus, pinapalayas ang mga demonyo sa Kanyang ngalan, at gumawa ng maraming mga himala sa Kanyang ngalan. Nguni’t sinabi ng Diyos sa kanila sa Mateo 7:23, “Kailanma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasan!” sinasabi nito sa atin na sa mga Kristiyano, marami ang nananatiling makasalananan, na mahahatulan dahil sa kanilang mga kasalanan sa Araw ng Paghuhukom, at matatapon sa impiyerno.
May mga, sa katunayan, maraming Kristiyano ang malinaw na ipinahahayag, “si Jesus ang ating Tagapagligtas. Si Jesus ay tiyak na niligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan.” Nguni’t sa kabila ng gayong mga pag-angkin, hindi talaga nila sinisikap na aralin na ang Mesias nga’y kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, at Kanya ngang pinasan ang kanilang mga kasalanan at hatol nitong mga kasalanan sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Lahat ng taong ito’y haharap sa Diyos habang nananatiling makasalananan, dahil sila’y naturingang naniniwala lang, animo’y nakaugalian ang isa sa maraming makamundong relihiyon.
Sa gayon, dahil hindi sila naniniwala ayon sa katotohanan na sanabi ng ating Panginoon, “At iyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo,” hindi sila tinanggap ng Panginoon. Sila ma’y manalig kay Jesus o hindi, yaong may kasalanan sa kanilang mga puso’y di-makapapasok sa Kaharian ng Diyos, kung saan walang kasalanang matatagpuan, dahil hindi sila nararapat na pumasok. Sila’y dapa’t, samakatuwid, kailangang tiyakin na sila’y karapat-dapa’t na pumasok sa Langit tanging dahil sa paniniwala sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid habang narito sa mundo. Gagawin ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo sa pagbuburda nitong tabing sa mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay ang kaloob ng Mesias. Yaong mga patungo sa impiyerno dahil sa kasalanan ay dapa’t maniwala rito.
Dahil ang mga tao’y mangmang sa katotohanan, at dahil sila’y mayroong maling paniniwala kay Jesus na nakamit sa kanilang sarili, sila’y nananatiling makasalananan. Sila’y may kasalanan pa rin dahil sa halip na manalig ayon sa katotohanang nakatago sa mga materyales ng Tabernakulo, inisip ang kanilang Tagapagligtas sa kanilang sarili at gumawa ng kanilang sariling mga doktrina ng kaligtasan ayon sa mga kaisipang ito, naniniwala na ang kaligtasa’y nagmula sa kanilang mga sariling pagsisikap sa pag-aalay ng mga panalanging pangungumpisal sa Diyos at pagsisikap na marating ang unti-unting pagbabanal.
Marami sa mundong ito ang umaangking naniniwala kay Jesus bilang Tagapagligtas, nguni’t hindi tunay na naniniwala sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Marami sa mundong ito, sa halip na tunay na maniwala sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid bilang kanilang kaligtasan, inaakalang sila’y makapapasok sa Banal ng Kaharian ng Diyos dahil lang sa paniniwala kay Jesus, kahit sila’y nananatiling makasalananan.
Ang Pagtambal ng Luma at Bagong Tipan
Sinasabi sa atin ng Diyos sa Isaias 34:16 na bawa’t Salita ng Diyos ay may katambal. Ang Salita ng Diyos, sa ibang salita, lahat ay magkaagpang. Sinabi ng tumingin at tignan sa ating mga sarili kung ang Kanyang Salita sa Lumang Tipan ay ugma sa Kanyang Salita sa Bagong Tipan o hindi. Ang nakasulat sa Lumang Tipan ay may kaukulang Salita sa Bagong Tipan. Halimbawa, samantalang ang mga Israelita’y nalipat ang kanilang mga kasalanan sa pag-aalay ng tupa sa pagpatong nga mga kamay sa Lumang Tipan, sa Bagong Tipan ito’y katambal ni Jesu-Cristo sa pagbautismo upang alisin lahat ng ating mga kasalanan, at inilipat sa Kanya.
Sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo, si Jesus ay naparito bilang handog na iaalay at ang Tagapagligtas ng mga makasalananan. Kung hindi Niya kinuha lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pagtanggap ng Kanyang bautismo, tiyak na hindi na kailangan na Siya’y mamatay sa Krus. Malinaw na pinaglaho ng Panginoon ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ito rin, ay pinangako ng Diyos sa Kanyang Salita, sa gayon naparito ang Panginoon sa atin sa pamamagitan nitong Salita at hinugasan ang ating mga pulang kasalanan, ginawang kasing-puti ng niyebe.
Bago mabatid ang katotohanang ito, tayo’y walang-dudang nag-uumapaw sa walang-tigil na mga kasalanan. Tayo samakatuwid ay walang maipagmamalaki sa Diyos. Hindi lamang sa wala tayong maipagmamalaki sa Diyos, bagkus walang bagay na taglay natin upang maging ganap sa harap ng Diyos. Walang bagay, sa ibang salita, na magtutulot sa atin upang magkunwaring matalino. Sa harap ng Diyos, ang atin lang masasabi ay, “Opo, tama Kayo.”
Kung sinabi ng Diyos, “Ikaw ay isang binhi ng mga kasamaan, patungong impiyerno.”
“Opo, Kayo’y tama; iligtas po Ninyo ako.”
“Niligtas kita sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng tubig, dugo at sa Espiritu.”
“Opo, Panginoon! Nananalig ako sa Inyo!”
Ating lang masasabi ang “oo” sa lahat ng oras. Sa harap ng Diyos, hindi natin masasabi sa Kanya, “Ginawa ko ito at iyan; naglilingkod ako ng husto sa aking iglesia; buong puso ako naniniwala kay Jesus; pinagtatanggol ko ang aking pananalig na may katigasan ng ulo na kailanma’y di-mailarawan!”
Paano talagang pinaglaho ng Panginoon ang ating mga kasalanan? Pinakita Niya sa atin na Kanyang pinaglaho ang mga ito sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at sa pamamagitan ng Salita ng Luma at Bagong Tipan. Sa Lumang Tipan, Kanyang pinaglaho ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, habang sa Bagong Tipan, si Jesus ay naging ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagparito sa laman ng tao, kinuha lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismong mula kay Juan, at inalis lahat ng ating mga kasalanan at hatol nitong mga kasalanan sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus.
Sa pagbautismo, kinuha ng Panginoon lahat ng kasalanan ng sanlibutan nang minsanan (Mateo 3:15). Lahat ng ating mga makamundong kasalanan ay isinalin sa balikat ni Jesus. Matapos ngang kunin lahat ng ating kasalanan sa Kanyang bautismo, Kanyang pinasan itong mga kasalanan sa Krus, pinako, nagbubo ng Kanyang dugo, namatay sa Krus, bumangong muli, at dahil doon pinaglaho nga ang lahat ng ating kasalanan. Si Jesu-Cristo nga’y naging ating tiyak na Tagapagligtas.
Ang katuwiran ng Diyos na ating nakamit ay ang katuwirang natamo dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo na Siyang naparito sa pamamagitan ng tubig, dugo at Espiritu. Ito ang sakdal na kaligtasang natamo mula sa Diyos, hindi isang bagay na ating nakamit sa ating sarili. Walang bagay tayong maipagyayabang sa harap ng Diyos.
Sa katunayan, tayo’y naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus na Siyang naging ating tiyak na Tagapagligtas. Tayong mga dating mga makasalananan ay tunay na natamo ang kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus at ang dugong Kanyang binubo para sa atin. Kung ang gawa ng kaligtasan ng Panginoon’y bibigyang halaga, sasabihing, halos 70 porsiyento ng ating kaligtasan, at ang natitirang 30 porsiyento’y bibigyang halaga sa pamamagitan ng ating mga sariling pagsisikap sa hindi paggawa ng kasalanan, upang tayo’y unti-unting pabanalin at upang ang ating kaligtasan ay unti-unting mabuo, tayo’y literal na mananatiling gising buong gabing taimtim na nagdarasal, araw-araw na nangungumpisal, naglilingkod sa komunidad, o kaya’y nagsisikap na gawin ang lahat at anumang posible!
Nguni’t sinabi ni Apostol Pablo sa Roma, “Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; dapatuwat ang laman ay sa kautusan ng kasalanan. Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 7:24-8:1). Tulad nga ng pinahayag ni Pablo, tayo rin ay dapat manalig kay Jesu-Cristo tulad niya. Sinasabi ng Kasulatan sa atin na si Jesu-Cristo ay lubos na niligtas tayo mula sa katawan ng kamatayan, 100 porsiyento. Sino, kung gayon, ang maaaring humatol sa atin? Walang makapaghahatol sa atin, dahil si Jesu-Cristo’y niligtas tayo 100 porsiyento, anuman ang ating mga kahinaan.
Ikaw at Ako rin, Tayong Lahat ay mga Espirituwal na Fariseo
Iba sa inyo ay maaaring nakikilala at naniniwala kay Jesus ng halos mahabang panahon. Ika’y nanalig kaya bilang iyong Tagapagligtas, kahit bago mo masumpungan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ako mismo ay isang Kristiyano, nang hindi isinisilang na muli ng sampung taon.
Nang tayo’y unang nanalig kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, ito’y isang maginhawang karanasan. Ang simula nito’y lubos na maginhawa na inisip natin na tayo’y walang-pasubaling magliligtas dahil lang sa pananalig Kanya bilang ating Tagapagligtas, kahit tayo’y manatiling mangmang sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Nang ako’y unang manalig kay Jesus, ang aking puso’y puno ng kagalakan. Kaya ako’y lubos na nagagalak nang ako’y unang manalig kay Jesus, nguni’t matapos ang halos limang taon, nakita ko ang aking sarili, at nakita ko na ako’y nakatalagang patuloy sa mga kasalanang aking nagawa, at nakilala ko na ako’y hindi pa rin malaya. Sa wari mo ba’y ako’y nagkasala, o hindi nakagawa ng kahit ano, sa loob ng limang taon ng aking unang pamumuhay Kristiyano? Kilala mo man ako o hindi, ang sagot ay tiyak na malinaw: oo nagkakasala ako. Sa panahong iyon, nang hindi ko nalalaman ang katotohanan, ako’y naghihirap tuwing ako’y nagkakasala, at upang mapaalis itong pasakit kailangan akong mangumpisal, kung minsan kahit mag-ayuno ng tatlong araw. Ang dalahin ng aking puso sa gayon ay waring pumapaitaas ng kaunti, nagtulot sa akin na purihin ang Diyos, “♫Kahanga-hangang biyaya! ♫Anong tamis ng tinig, na nagligtas sa abang tulad ko!♪” Nguni’t matapos nito, ako’y mahahantong sa paggawa ng kasalanan muli. Dahil ako’y maraming mga pagkukulang at puno ng dungis, nagkakasala araw-araw, kahit namumuhi ako sa aking sarili sa paggawa nito. Ni minsan hindi ko nalutas lahat ng aking mga problema sa kasalanan.
Sa mga pangyayaring ito, limang taon pa ang nakalipas, at nang ako nga’y naging isang Kristiyano halos sampung taon na, bigla, ako’y nagitlang matuklasan kung gaano ang dami ng aking mga kasalanang nagawa sa mga taong iyon. Sa pagtingin sa aking sarili sa paggawa ng mga kasalanan araw-araw, ako’y lubos na nalungkot at labis na nanghina ang loob. At nang ako’y maharap sa Kautusan, natuklasan ko rin kung gaanong makasalananan ako. Lalong naging mahirap para sa akin ang humarap sa Diyos, at ako’y nahantong maging isang makasalananan na hindi man maaangkin, sa mabuting budhi, upang makilala si Jesus ng husto at manalig sa Kanya. Kaya sa aking ikasampung taon bilang isang Kristiyano, wala akong magagawa kundi ipahayag ang aking pagkakasala sa aking sarili.
Nang ako’y unang manalig kay Jesus, aking napag-isip na ako’y katamtamang mabuting Kristiyano. Nguni’t habang lumipas ang panahon, akin lamang lalong nabatid na ako’y walang maipagmamalaki sa Diyos. Kinilala ko, “Ako’y tunay na isang Fariseo. Ang mga Fariseo’y hindi lang basta makikita sa Biblia, dahil ako mismo’y isang Fariseo ngayon!”
Ang mga Fariseo ay mga uri ng tao, sa kanilang mapagkunwaring kabanalan. Bawa’t Linggo sa kanilang pagtungo sa iglesia na ang Biblia’y nakaipit sa kanilang mga tagiliran, sila’y kasamang sumisigaw sa mga kapwa Kristiyano, “Magandang umaga! Hallelujah!” At kapag sila’y sumasamba, tuwing sila’y nakaririnig ng taong nagsasalita ukol sa Krus, sila’y napapaiyak. Ako mismo rin, ay napapaluha, naiisip ang dugo ni Jesus. Akala ko ito ang nagbibigay sa akin ng tunay na pagsamba. Nguni’t habang nabubuhay sa mundong ito, bawa’t isa’y di-maglao’y matutuklasan ang sarili, magkakasala pa rin. Kaya ang tao’y muling dudulog sa pangungumpisal. Sila marahil ay bubuti panumandali, nguni’t di-maglaon, sila’y mauubusan nitong pangungumpisal, dahil higit na marami ang kanilang mga pagkakasala. Ang ibang tao pa nga’y nagsasalita ng mga ibang wika at nakakakita ng mga pangitain, nguni’t lahat ng mga ito’y walang-saysay. Anumang uri ng pagtatangka ang kanilang ginawa, walang-saysay sa kanila na lutasin ang mga problema ng kanilang kasalanan sa kanilang mga puso.
Kung kanilang ring malalaman na sila’y mga taong walang-halaga sa Diyos at kikilalanin na sila’y patungong impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan, kahit pa ang pag-aalam na ito’y huli na, ito pa rin ay magiging isang kapalarang kahahantungan. Sa katunayan, sa tagal ng ating pananalig kay Jesus, lalo nating nalalaman kung gaano kalubha ang pagiging makasalananan natin. Nguni’t ang mga Fariseo’y magaling sa pagkubli nito. Sila’y lubhang magaling sa pagkubli ng kanilang mga kasalanan ng kanilang mga puso at ang magkunwari na sila’y sinang-ayunan ng mga tao sa paligid dahil sa kanilang banal na gawain.
Ang mga relihiyoso sa mundong ito ay lubos ang paggalang sa isa’t isa. Nguni’t gaano man ang paggalang at pag-sangayon na kanilang nakukuha sa iba, kapag sila’y humarap sa Diyos, sila’y isang kumpol ng kasalanan.
Nang hindi natin nalalaman ang katotohanan, tayo rin, ay dating nangungumpisal ng mataimtim. Nguni’t pagkatapos, tayo’y mapapagod, kaya mananalanging, “Panginoon, gawin po Ninyo ang nais Ninyong gawin. Ako’y puno ng kasalanan. Nagkasala akong muli. Ngayon ay nakakahiya para sa akin na sabihin ito sa Inyo.” Bagaman ito’y sadyang kahiya-hiya, dahil sinabi sa atin na malulugod ang Diyos sa tuwing ikukumpisal natin ang ating mga kasalanan, at Kanya tayong patatawarin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran at hugasan ang lahat ng ating mga kasamaan, patuloy tayong mananalangin sa Kanya, “Panginoon, ako’y nagkasala. Patawarin po ako, Panginoon!” Subali’t ang ating mga kasalanan, gayon pa man, ay nananatili sa ating mga puso.
Sa tuwing ang tao’y yuyukod ang kanilang mga ulo sa Diyos, ang kanilang budhi’y ipapaalala ang kanilang mga kasalanan at kakainin ang kanilang mga puso. Pahihirapan ng budhi ang ating mga puso sasabihin sa atin, “Sa maraming kasalanang nagawa, anong kapahangasan ang magdasal sa Diyos?”
Kaya, pagkatapos, dahil tayo nga’y walang masasabi, tayo’y mapapaiyak, “Panginoon, Panginoon!” Kadalasan lalo, makikita natin ang ating mga sarili paakyat ng bundok at isisigaw ang pangalan ng Panginoon. Upang maiwasan ang kahihiyan sa pagtawag ng pansin, tayo’y umakyat ng bundok sa ilalim ng gabi, papasok sa isang yungib, at iiyak sa ngalan ng Panginoon. Nguni’t ito rin, ay paglalagay lang ng kasiya sa ating mga sarili, ang ating mga kasalanan nga’y nanatili sa atin.
Tinatangka rin nating paamuin ang ating budhi, sinasabi sa ating mga sarili na tayo’y hindi na makasalananan, “Ang Diyos ay maawain na Kanyang pinaglaho ang aking mga kasalanan. Ako’y nag-ayuno at nagdasal ng tatlong araw. Higit nito, sa tingin ko, ako’y lubos na nagkasala. Patatawarin ba ako ng maawaing Diyos?”
Nguni’t madadaya ba talaga natin ang ating mga sarili, kahit papurihan natin ang Diyos sa Kanyang kahabagan? Paano natin madadaya ang ating sariling mga puso kapag tayo’y nanatiling makasalananan sa harap ng Diyos? Hindi natin magagawa! Gaano man ang kataas ng ating pag-akyat sa posisyon ng pamumuno sa ating iglesia, at gaano man tayo pinupuri ng iba, hanggang tayo’y patuloy na nagkakasala sa ating sarili, hindi tayo mapapalaya sa mga kasalanang ito, at mahahantong bilang mga mga mapagkunwari sa huli.
Makasalananang pagnanais ay patuloy sa ating mga puso. Bagaman sinasabi natin ang dugo ni Jesus sa Krus ng maraming beses, bagaman tayo’y napaluha sa pag-iisip sa Kanyang dugo sa Krus, at kahit tayo’y naging mga mabuting Kristiyano, tayo pa rin ay mananatiling makasalananan hanggang natagpuan natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bagaman namumuhay ayon sa lahat ng mga rituwal ng Kristiyanismo, tayo’y may kasalanan pa rin. Ito ang relihiyon ng Fariseo. Maraming tao pa rin taglay ang ganitong uri ng pananampalataya, at sila’y makikita maging sa ating mga komunidad ng mga Kristiyano.
Lahat ng Ating mga Kasalanan ay Naglaho dahil sa Pananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu
Bago malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at bago manalig sa ebanghelyong ito, lahat tayo’y may kasalanan sa ating mga puso. Bago tayo manalig sa katotohanang ito ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, ang ating budhi’y makasalananan. Sa buong katapatan, tayong lahat ay makasalananan sa harap ng Diyos, at tayong lahat ay patungong impiyerno dahil sa ating mga kasalanan, dahil sinabi ng Biblia na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Tayo nga’y lubos na pinahirapan dahil sa ating mga kasalanan. At tayo’y patungong impiyerno sa pisikal at espirituwal dahil sa sumpa ng Diyos sa ating mga kasalanan.
Napagbago natin ang maraming tao sa Kristiyanismo at nagturo sa kanila. Nguni’t tayo’y kumilos habang tayo’y walang kakayanang hugasan ang ating sariling budhi. Hindi natin ito maitatatwa sa Diyos. Kinikilala natin sa harap ng Diyos na ang ating mga puso’y makasalananan at tayo’y patungong impiyerno.
Ako’y laging may isang di-malutas na katanungan: “Bakit binautismo ang ating Panginoon nang Siya’y naparito?” Nais kong malaman kung bakit si Jesus ay binautismuhan. Bakit, at anong layon para si Jesus ay bautismuhan? Mauunawaan ko ang aking sariling bautismo bilang tatak ng aking pananalig kay Jesus, nguni’t aking di-maunawaan bakit binautismuhan ni Juan si Jesus. Bakit Siya binautismuhan? Bakit?
Kaya nagtanong ako sa mga ibang lider ng mga komunidad ng Kristiyano, “Pastor, ako po’y may isang tanong. Maari po bang itanong?” Sinabi nilang magpatuloy ako, kaya’t aking tinanong sila. “Ukol sa Biblia. Maliwanag na tinanggap ni Jesus ang bautismo mula kay Juan sa Bagong Tipan. Nguni’t hindi ako tiyak kung bakit Siya binautismuhan. Alam po ba ninyo, Pastor?” pagkatapos sila’y ngingiti, sasabihin sa akin, “Hindi mo nalalaman iyon? Ito’y isang bagay na maging ang aming mga anak sa Lingguhang aralin ay alam! Makikita ito sa orihinal na sulat sa Kasulatan, maging sa mga diksiyonaryo ng Biblia. Hindi ba’t si Jesus ay binautismuhan upang maging halimbawa natin, isang modelo, at upang ipakita sa atin ang Kanyang kababaang-loob?” Kaya aking sinabi, “Nguni’t Pastor, kung ang sagot ay gayon kadali, maging mga bata sa ating Lingguhang aralin ay nalalaman nga. Sinaliksik ko ito sa orihinal na kasulatan at kasaysayan, nguni’t ang Kanyang bautismo’y hindi gayon ang kahulugan. Wala bang kahit isang dahilan bakit si Jesus ay talagang binautismo ni Juan?”
Patuloy akong nagtanong. Nagsimula akong hanapin ang tamang tanong matapos akong maging Kristiyano. Wala akong pagpipilian kundi ituon ang maraming taon upang hanapin ang kasagutan sa tanong. Hinanap ko sa lahat ng mga gawain ng iskolar sa tanong na ito. Kahit akin ngang hinanap, tinanong, at sinaliksik lahat, wala kahit saan ko makikita anumang malinaw at tiyak na magpapaliwanag sa bautismo ni Jesus. Ako’y nagpumiglas na makita ang pangwakas na kasagutan hanggang liwanagin ako ng Panginoon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Habang ako’y nabihag sa hindi malutas na palaisipan ng bautismo ni Jesus, aking nagkataong nabasa ang Mateo 3:13-17: “Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya’y bautismuhan Niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’”
Sa pagbasa nitong Salita, sa huli’y aking nabatid, “Kaya ito na! Ang dahilan kung bakit si Jesus ay nabautismuhan dahil Siya ang handog sa Lumang Tipan! Ito ang katotohanan ng Kanyang kaligtasang nakatago sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino!”
Si Juan Bautismo ay siyang Elias na pinangako ng Diyos na isusugo sa Lumang Tipan. Sinabi ng Diyos sa Malakias 4:5 na Kanyang isusugo si Elias bago ang araw ng paghahatol, at sinasabi ng Mateo 11:14 sa atin na itong Elias na Kanyang pinangako sa atin ay walang iba kundi si Juan Bautista. Kaya nalaman ko ang ukol kay Elias, nguni’t hindi pa rin ako tiyak bakit si Jesus ay binautismuhan ni Juan. Kaya ako’y nagbalik sa Mateo 3:13-17 at nabasa muli ang talata, “‘Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran’… Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’” Lahat ng aking mga alinlanga’y naglaho. “ang pagganap ng buong katuwiran,” Kanya ngang tinanggap ang Kanyang bautismo. Si Jesus nga’y tinupad itong makatwirang gawa ng pagliligtas sa lahat ng tao sa Kanyang bautismo.
Ang bautismo’y katulad ng pagpapatong ng mga kamay sa Lumang Tipan, tulad ng pagpatong ng mga kamay sa mga handog ayon sa pamamaraan ng paghahandog sa Tabernakulo. Para sa mga kasalanan na makapagdala nitong mga handog sa damabana ng sunugan ng handog, upang ipatong ang kanilang mga kamay sa kanila at sa gayo’y ihahayag ang kanilang mga kasalanan at ilipat ang mga ito sa kanilang inaalay na handog; upang ang mataas na saserdote’y ihahayag lahat ng mga kasalanan ng bayan ng Israel at isalin sa kanila sa mga handog para sa mga Israelita at para sa kanilang mga sarili; at para kay Jesus upang mabautismuhan ni Juan Bautista sa panahon ng Bagong Tipan—lahat ng mga bagay na ito’y ugma sa isa’t isa. Sa huli’y aking nabatid na tinanggap nga ni Jesus ang Kanyang bautismo (pagpatong ng mga kamay) upang kuhanin Niya lahat ng mga kasalanan ng mundo at upang maglaho ang kasalanan.
Kaya aking tinignan ang orihinal na Kasulatan. Tinignan ko paano ang parirala, “sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran,” ay sinulat sa Griego, “δικαιοσύνην” Sa pariralang ito, “sapagka’t ganyan” at “katuwiran” ay isinulat sa Griego bilang “hustos” (οὕτως γὰρ” at “dikaiosune (δικαιοσύνην” Ang una’y nangangahulugang “tulad nito,” “nararapat,” “tanging sa pamamaraang ito,” “pinaka-angkop,” o “sa paraang ito.” At ang huli’y nangangahulugang, “katuwiran, katarungan o ang kabutihang katanggap-tanggap sa Diyos.”
Sinabi sa atin na niligtas ni Jesus ang mga makasalananan. Sinabi sa atin na tinupad ni Jesus ang katuwiran ng Diyos sa pagbautismo at pagdanak ng Kanyang dugo. Ibig sabihin, sa ibang salita, na Kanyang kinuha lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo. Lahat ng ating mga palaisipan ay nalutas na, dahil atin ngayong nabatid ang tunay na kahulugan kung anong nagdulot sa atin ng kalituhan at pagkaligaw. Ito’y dahil kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo na Siya’y dumako sa Krus at namatay bilang hatol ng mga kasalanang ito. Ito ang katotohanang makikita sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Tayo, mga isinilang na muli, nabatid na ang bautismo ni Jesus na tinanggap kay Juan ay pinaka-kailangang sangkap ng ating kaligtasan, at minsanan Niyang kinuha ang ating mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo. Ikaw din ay kailangang mabatid ang gayon ding katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Saka lamang ang inyong kaluluwa’y magliliwanag.
Sa katunayan, hindi natin malilimutan ang araw nang tanggapin ni Jesus ang bautismo ni Juan. Hindi rin natin malilimutan ang araw na ating mabatid na lahat ng ating mga kasalanan ay tunay na nilipat kay Jesus. Nakita natin ang mga pagbabagong naganap sa ating mga puso nang malaman itong katotohanan. Kumalat sa ating buong puso tulad ng alon ng isang lawa. Tumatagos sa karimlan, ang maningning na liwanag ng bukang-liwayway dumating sa atin, itinulot na malaman natin ang katotohanan ng kaligtasan.
Ang Bautismong Tinanggap ni Jesus Inilipat ang mga Kasalanan ng Mundo sa Kanya
Matapos basahin ang Mateo 3:13-17, hindi ko masabi kahit isang salita nang mahabang panahon. Bagaman ako’y tunay na makasalananan, tinanggap ni Jesus ang Kanyang bautismo, at sinabi, “‘Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Samakatuwid, ang dahilan kung bakit kailangan Niyang magbubo ng dugo sa Krus (ang pulang sinulid) ay dahil sa bautismo ni Jesus (ang bughaw na sinulid). Itong si Jesus ay ang Diyos mismo (ang kulay-ubeng sinulid). At sa Salita ng Luma at Bagong Tipan (ang mapinong binurdang lino), tinuro Niya sa atin ang tunay na kaligtasan. Si Jesus, sa madaling salita’y, kinuha lahat ng ating kasalanan.
“Tayo ba’y may kasalanan pa rin o wala na? Nang si Jesus ay nabautismuhan ni Juan Bautista, bawa’t mga kasalanan ay nilipat sa Kanya. Ang atin bang mga kasalana’y nalipat sa Kanya? Ang mga kasalanan ba ng mundo’y nalipat sa Kanya sa panahong iyon? Ang mga kasalanan ba nang tayo’y nasa sinapupunan ng ating mga ina ay mga makamundong kasalanan o hindi? Paano ang ating mga kasalanang nagawa nang tayo’y isang taong gulang? Hindi ba ito mga kasalanan ng mundo rin? Paano ang mga kasalanang ating nagawa noong kabataan? Hindi ba ito kabilang sa mga kasalanan ng mundo?”
Kailangan itanong ang mga ito sa ating mga sarili upang makatiyak na tayo’y nasa tamang kalagayan. Tulad nito, ang pananampalataya’y ukol sa pagiging tiyak na tayo’y nakatayo sa tamang lugar sa Salita ng Diyos. Ang mga kasalanan noong pagkabata’y mga kasalanan nga ng mundo, maging mga kasalanan noong ating kabataan. Lahat ng ating mga kasalanan sa buong buhay, maging sa katandaan, ay mga kasalanan ng mundo. Lahat ng gayong mga kasalanan ay nilipat na kay Jesus. Hindi ba? Oo mga nalipat na! Nasusulat na kinuha ng Panginoon hindi lamang ng ating mga kasalanan, kundi lahat ng mga kasalanan ng bawa’t isa. Kaya ating nabatid, “Lahat ng ating mga kasalana’y inilipat nga kay Jesus. Mayroon pa ba tayong kasalanan? Hindi, wala ng natitirang kasalanan sa atin!”
Ito’y dahil si Jesus ay binautismuhan ni Juan na kanya ring pinatotoo, “Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29) Kinuha ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng bawa’t isang nabuhay at mabubuhay, mula pa sa pasimula ng sangkatauhan hanggang sa katapusan. Lahat ng mga kasalanang nagawa ninuman sa buong buhay, at maging mga kasalanan ng bawa’t anak, lahat ay kinuha ni Jesus. Gaano man ang itatagal ng mundong ito, libu-libong taon o maging bilyun-bilyong taon, kinuha ng Panginoon ang mga kasalanan ng lahat ng tao sa Kanyang bautismo, pinasan itong mga kasalanan sa Kanyang balikat sa Krus, pinako, at gayo’y tinanggap lahat ng hatol ng kasalanan alang-alang sa atin—ito ang ating nabatid.
Nang ating mabatid na si Jesus ay bumangon mula sa kamatayan at naging ating Tagapagligtas sanhi nito, at sa atin ngang pananalig, lahat ng ating mga katanungan ay nasagot.
Sa bautismong Kanyang ngang tinanggap at pagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, kinuha ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan. Ito ang dahilan ang Biblia’y nagsasabi ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino sa pintuan ng bakuran Tabernakulo, at bakit sinasabi sa atin sa 1 Juan 5:4-6 na si Jesus ay naparito hindi lamang sa tubig, kundi sa tubig at sa dugo. Atin ngang nabatid, “Kaya ito ang sinasabi ng Biblia sa atin na tinupad ng ating Tagapagligtas na si Jesus ay tinupad lahat ng katuwiran ng Diyos sa pagtanggap ng Kanyang bautismo. Ito ang katotohanan! Subali’t, ang mga Kristiyanong lider ay hindi tinuro itong katotohanan sa atin dahil sila’y mga mangmang ukol dito!”
Tayo’y naging walang kasalanan lamang nang ang katotohan ng Diyos sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino’y sinasabi sa atin na tayo’y walang-kasalanan. Walang aapruba sa kaligtasan ng ibang kaluluwa. Walang saysay ang makamit ang mabuting salita ng iba. Ang pagpuri ba ng tao sa atin—na tayo’y mabuting mga Kristiyano, o kaya’y ibibigay ang marka A+ sa atin—makapagbubuo sa ating kaligtasan sa kasalanan? Tayo’y naging walang-kasalanan hindi sa apruba ng tao, kundi tanging sa Salita ng Diyos na nagsasabi sa atin na pinaglaho ni Cristo lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin na hindi lang pinaglaho ni Jesus ang ating mga kasalanan, kundi mga kasalanan mo rin. Sinasabi sa atin dahil si Jesu-Cristo na Mesias ay ginawa lahat ng mga kasalanan ng tao’y naglaho, tayong lahat ay magkakamit ng kapatawaran sa kasalanan kung tayo’y mananalig lang. Ganito kung paano tayo makapapasok sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, sa pagtanggap ng kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng tubig at Espiritu.
Ano ang Ganap na Pananampalataya?
Ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Bawa’t isa’y kailangang taglayin itong ganap na pananampalatayang nananalig na ang Panginoon ay naparito at niligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan. Nang tayo’y manalig na ang Panginoon ay isinilang sa mundong ito sa laman ng tao, binautismuan ni Juan, namatay sa Krus, bumangon mula sa kamatayan, at sa gayo’y naging ating Tagapagligtas, tayong lahat ay magiging mga anak ng Diyos. Bagaman ang ating mga gawa’y di-umabot, at bagaman ang ating laman ay di-mahalaga, dahil sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino sa ating mga puso, tayo’y naging walang-kasalanan. Samakatuwid, upang maging matuwid ay posible lamang sa pamamagitan ng pananlig. Dahil sa pananalig sa kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, tayo’y binihisan ng katuwiran ng Diyos. Dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo’y naging mga anak ng Diyos.
Ang iba sa inyo ay hindi pa lubos na nauunawaan. Kung gayon, ang kailangan mong gawin lamang ay patuloy sa pagbabasa nitong aklat o dumalo sa iglesia ng Diyos. Sa ngayon atin ng tinalakay lamang ang pangkalahatang anyo ng Tabernakulo, nguni’t kapag nagsimulang basahin mo ang mga detalyeng kapaliwanagan, mararating mo ang buong kaunawaan ng Tabernakulo. Ito’y madali ng maging isang bata’y madaling mauunawaan.
Kung ang tao’y ibabatay ang kanilang pananampalataya sa kanilang pagewang-gewang na kaalaman kay Jesus, hindi sila maliligtas sa kanilang mga kasalanan, gaano man ang haba ng paniniwala kay Jesus, sa isang libo o sampung libong taong darating. Sila’y araw-araw na magkakasala pa rin. Araw-araw silang iiyak, dahil hindi sila makatatakas sa sumpa ng kanilang mga kasalanan. Kapag ang mga bagay ay nagsimulang maiayos para sa kanila, inaakala ng mga taong ito na tumutulong ang Diyos sa kanila. Nguni’t kapag ang mga bagay ay naging masama kahit kaunti, sila’y magtataka, “Dahil ba ako’y hindi nagbigay ng ikapu? O dahil ako’y nagliban sa iglesia noong Linggo? Ako’y nagkasala at nabigo sa paglilingkod sa Diyos, at dahil sa mga ito’y ako ay Kanyang pinarurusahan.” Sa paraang ito, sila’y nahantong na mamamatay sa Kautusan, dahil sinasabi ng Kasulatan sa atin na “ang kautusan ay gumagawa ng galit” (Roma 4:15).
Upang magkaroon ng uri ng pananampalatayang buo, ating wastong malaman at maniwala sa apat na ministeryo ni Jesu-Cristo na naparito sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Dapa’t nating mabatid ang katotohanang binigay ni Jesu-Cristo. Kapag tayo’y may malinaw na kaunawaan nitong apat na bahagi ng katotohanan at manalig dito, tataglayin natin ang buong pananampalataya sa Diyos, ay tayo’y tunay na magiging Kanyang ganap na anak. Dahil tayo’y naging walang-kasalanan sa paniniwala nitong apat na ministeryo ni Jesus, tayo’y laging matuwid na walang-kasalanan, kahit pa wala ang ating sariling pagpupumiglas upang palayain ang ating mga sarili mula sa alipin ng kasalanan; tayo ang walang-kasalanan bayan ng pananampalataya, kahit pa hindi pagpilitan ang ating sariling kapangyarihan; at tayo ang ganap na mga anak ng Diyos na lahat ng mga kasalana’y hinugasang kasing-puti ng niyebe, kahit pa wala ang ating sariling mabubuting gawa.
Tulad ng isang batang naglalaro at mapayapang namamahinga sa ilalim ng nagmamatyag na mga mata ng magulang, dahil sa pananalig nitong katotohan, tayo sa katunaya’y may kapayapaan at kapanatagan sa ating mga puso sa harap ng nahahabag na mga mata ng Diyos Ama. Bagaman ang iyong mga gawa’y hindi sapat, ang iyo lamang gagawin ay manalig sa mga gawa ng Panginoon, dahil sa iyong lalong di-kasapatan, iyong lalong nadarama ang pag-ibig ng Panginoon.
Ikaw ba’y nag-iingay na kamtan ang kapatawaran ng iyong mga kasalanan, hindi pa rin taglay ang pananampalataya para sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino? Ngayon sa mga nakakaalmam nitong katotohan ay hindi na kailangang mag-ingay upang kamtan ang kapatawaran ng kasalanan, kung tahimik na manalig lamang. Ang mga naging mga anak ng Diyos dahil sa pananalig ay yaong mga tunay na nalaman at naniwala kay Jesu-Cristo, Siya na naparito sa pamamagitan ng tubig, dugo at Espiritu. Naglingkod sila sa Diyos hindi sa kanilang panlabas na mga gawa, nguni’t umibig at naglingkod sa Kanya munang sa kanilang pananalig. Dahil tayo’y nanalig, ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Kanyang tagapakinig at namuhay kasama natin. Dahil tayo’y nanalig sa Kanya, tayo’y tinulungan Niya. At dahil tayo’y nanalig kay Jesus na nagligtas sa atin dahil sa bautismo at dugo kung saan inilagay natin ang ating pananalig, tayo’y naging mga lingkod ng Diyos mga naglilingkod sa Kanyang makatwirang gawa.
Tayong lahat ngayon ay dapat na malaman ang katotohang ginawa ng Diyos ang ating kaligtasan sa labas ng bakuran ng Tabernakulo, binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, upang ibigay sa atin ang kaligtasan ng tiyak na kapatawaran ng kasalanan. Sinasabi ng Kasulatan sa atin na si Jesus ay naparito sa pamamagitan ng tubig, dugo at ng Espiritu, at Kanya tayong niligtas mula sa ating mga kasalanan sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo sa Lumang Tipan. Ang ating Panginoon ay naging pintuan ng ating kaligtasan sa kasalanan. Dapa’t tayong manalig, at manalig muli, nitong apat na mga gawa ng Mesias na Siyang tunay at totoong nagligtas sa atin.
Ang Bautismong Tinanggap ni Jesus mula kay Juan ay ang Tunay na Sangkap ng Bughaw na Sinulid na Nahayag sa Pintuan ng Bakuran ng Tabernakulo
Ating buksan sa Mateo 3:13-17 muli: “Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya’y bautismuhan Niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’” Sa panahong ito, nang si Jesus ay nabautismuhan, 30 taong nakalipas nang Siya’y isinilang ni Birhen Maria. Ang salitang “Nang magkagayon,” ay tumutukoy sa panahon nang si Juan Bautista at si Jesus ay naging 30.
Si Juan Bautista, isinilang 6 na buwan bago si Jesus, ang kinatawan ng sangkatauhan na nagbibigay sa kanila ng bautismo ng pagsisisi (Mateo 3:11, 11:11). Nang si Jesus ay naging 30, Siya’y lumapit kay Juan, na nagbabautismo sa tao sa Ilog ng Jordan, upang bautismuhan. Nguni’t tinangka Siyang pigilan ni Juan, sinabing, Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? At sumagot si Jesus, “Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Pinayagan ni Juan, at si Jesus ay binautismuhan niya. Naitala rin ng Kasulatan nang si Jesus nga’y nabautismo, ang Langit ay nagbukas sa Kanya, at isang tinig ay nagmula rito, sinabing, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.” Sa Matero 3:15, sinabi ni Jesus sa atin ang dahilan Siya’y binautismuha ni Juan. Itong katotohana’y tumutukoy sa bughaw na sinulid ng bakuran ng Tabernakulo: “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.” Ang layon ng bautismo ni Jesus mula kay Juan ay upang patawarin ang kasamaan ng mga makasalananan sa pamamagitan ng Kanyang mga gawang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ng Tabernakulo—“sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.”
Na kukuhanin ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng bawa’t isa sa pagbabautismo ni Juan Bautista ang makatuwirang pag-ibig ng Diyos at kaganapan ng Kanyang gawa ng kaligtasan sa lahat ng mga makasalananan. Tulad ng siinabi sa Juan 3:16, “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Si Jesus ay nabautismo upang iligtas tayo sa mga kasalanan, upang hindi na tayo hatulan dahil sa ating mga kasalanan. Ito ay kung bakit kinuha ni Jesus lahat ng katuwiran ng Diyos at lahat ng mga kasalanan ng tao sa pagbautismo ni Juan, sa gayon ito’y naging nararapat para sa kanila upang tuparin lahat ng katuwiran.
Ano ang “lahat ng katuwiran ng Diyos?” Ang talata’y sinasabi sa atin na ang dahilan bakit si Jesus ay binautismuhan ni Juan ay upang tuparin lahat ng katuwiran ng Ama.
Dito, dapa’t nating makita ng buo kung ano ang katuwiran ng Diyos. “Lahat ng katuwiran” ay tumutukoy sa katotohanang si Jesu-Cristo, sa pagbautismo ni Juan, Kanyang kinuha lahat ng mga kasalanan, nang minsan. Gaya ng layon ng Kanyang pagsilang ay upang minsanang alisin lahat ng kasalanan ng mundo, ang bautismo ni Jesus ay maliwanag na makatwiran. Upang tuparin lahat ng katuwiran ng Diyos ay upang tuparin ang makatwirang mga gawa upang ang mga kasalanan ng mundo’y maglaho—upang ang kaligtasa’y matupad.
Ang bautismo ni Jesus ang pinaka-kailangang paraang maililigtas tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan. Initinakda ng Diyos sa Lumang Tipan na upang alisin ang ating mga kasalanan, Kanyang itinayo si Juan Bautista bilang kinatawan ng mundo, mapabautismuhan Niya ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at sa gayo’y maisalin lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang Anak. Walang iba kundi ito ang gawa ng habag ng Diyos. Dahil lubos na inibig tayo ng Diyos, pinabautismuhan Niya si Jesus upang tayo’y maging Kanyang sariling mga anak at mabuo ang makatwirang gawa ng pag-aalis ng ating mga kasalanan. Ito ay bakit sinabi ng Diyos, nang si Jesus ay mabautismuhan at umahon sa tubig, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.” Ang Diyos Ama ay nagsabi, “Sa Kanyang bautismo, kinuha ng Aking Anak lahat ng iyong mga kasalanan.”
Si Jesu-Cristo, sa ibang salita’y naparito, at dahil sa paraang ito ng bautismo ni Juan, Kanyang pinasan lahat ng ating mga kasalanan, sa pinaka-nararapat na paraan, at sa gayo’y naging handog upang maglaho ang ating mga kasalanan.
Ito’y dahil ang Anak ng Diyos ay binautismo alang-alang sa atin, at dahil Siya nga’y tinanggap lahat ng ating mga kasalanan, na Kanyang pinasan itong mga kasalanan sa Krus, at pinako at nagbubo ng Kanyang mahalagang dugo, at naging Tagapagligtas nating lahat. Tayong nananalig ay niligtas ni Jesus, dahil sa pagbautismo para sa ating mga kasalanan, pag-aalay ng Kanyang sarili sa Kanyang dugo sa Krus, at pagbangong muli mula sa kamatayan. At matapos bumangong muli at nabuo ang Kanyang mga gawa ng kaligtasan, Siya ngayo’y nakaluklok sa kanang kamay ng trono ng Diyos, at kapag ang Kanyang araw ay dumating, Siya’y tunay na magbabalik. Itong katotohanan ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang buod ng kaligtasan.
Sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, nakatala sa Exodo 27:16, “At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko, na ang kayo’y bughaw, kulay-ube at pula, at kayong linong pinili, na yari ng mangbuburda.” Kaya ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y binurda nitong mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sinasabi sa atin ang katotohanang magpapapasok sa atin sa Kaharian ng Langit dahil sa pananalig sa handog ng kaligtasan.
Ang bughaw na sinulid ay binurda sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y tumutukoy sa katotohanang lahat ng ating mga kasalanan ay nilipat kay Jesus nang Siya’y naparito upang bautismuhan.
Ang kulay-ubeng sinulid ay tumutukoy sa atin na si Jesu-Cristo, nabautismuhan para sa ating mga kasalanan, ay Siyang pangunahing Manlilikhang lumikha ng buong kalawakan at lahat ng bagay, ang iyo at aking Panginoon. Ang kulay-ube ay ang kulay ng mga hari (Juan 19:2-3), at samakatuwid sinasabi sa atin na si Jesu-Cristo ay ang Hari ng mga hari at Panginoon ng lahat. Ang salitang “Cristo” ay “ang pinahiran,” at tanging mga hari, mga saserdote, o mga propeta ay mapapahiran. Tulad niyaon, bagaman si Jesu-Cristo’y naparito sa laman ng isang tao, ang Kanyang tunay na katauhan ay talagang Hari ng mga hari. Si Jesus, ay ang Panginoon at Manlilikha na gumawa ng buong kalawakan. Si Jesus ay ang Makapangyarihang Diyos mismo at ang tanging Anak ng Diyos Ama.
Ang pulang sinulid binurda sa pintuan ng Tabernakulo’y tumutukoy sa pag-aalay na ginawa nitong Hari ng mga hari nang, matapos pumarito sa laman ng isang tao at kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, Siya’y pinako at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Binayad ni Jesus ang mga bayarin ng ating mga kasalanan alang-alang sa atin, sa pagbautismo, pagdanak ng Kanyang mahalagang dugo, at sa gayo’y inialay ang Kanyang sarili alang-alang sa atin. Ang pulang sinulid ay pinakita ang alay ng dugo ni Jesu-Cristo.
Ang huli, ang mapinong binurdang lino ay tumutukoy sa masalimuot na Salita ng Diyos sa Luma at Bagong Tipan. Sinasabi ng Biblia sa atin ang kaligtasan sa pamamagitan ng Salita ng Luma at Bagong Tipan. Mula sa Lumang Tipan, pinangako ng Diyos na Siya’y paparito bilang Tagapagligtas ng mga makasalananan, at sa Bagong Tipan, gaya ng Kanyang pinangako, si Jesu-Cristo, ang Diyos mismo, naparito nga, pinako, at nagdanak ng Kanyang dugo sa Krus—lahat ay binigay ang Kanyang sarili bilang handog para sa ating mga kasalanan.
Sa bughaw na sinulid, pinakita ng Diyos ang Salita na si Jesu-Cristo’y naparito upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan at kinuha ang mga kasalanang ito sa Kanyang bautismo; at sa pamamagitan ng kulay-ubeng sinulid, pinakita Niya Siya na binautismuhan sa katotohanan ay ang Diyos. At sa pamamagitan ng pulang sinulid, pinakita ng Diyos na Kanyang niligtas ikaw at ako sa ating mga kasalanan sa pagparito bilang ating Tagapagligtas, pagbautismo, pagpasan ng mga kasalanan sa Krus, at pagdanak ng Kanyang dugo.
Na ang kaligtasang ito’y dumating sa pamamagitan ng Salita ng Diyos pinangako mula sa Lumang Tipan, sa kabilang dako, ay nahayag sa mapinong binurdang lino. Ito ay bakit ang bakuran ng Tabernakulo’y binurdahan nitong mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Kapag ating tinitignan ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, itong pintuan ay malinaw pinakikita sa atin kung paano tayo niligtas ng Diyos sa ating mga kasalanan at ginawang Kanyang bayan; sa gayon, tayong lahat ay dapa’t na maniwala sa espirituwal na kahulugan ng apat na sinulid na ginamit sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo.
Ukol sa mga kulay sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, unang binanggit ng Biblia ang bughaw na sinulid. Kadalasa’y ating iniisip sa pagkasunud-sunod na kulay-ube, bughaw at pulang sinulid, nguni’t ang Biblia’y naitala sa ayos na bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ipinakikita sa atin ang kahalagahan ng bughaw na sinulid. Si Jesu-Cristo nga’y naparito sa atin bilang Tagapagligtas, kung hindi Siya binautismo ni Juan, hindi tayo mahuhugasan ng ating mga kasalanan. Ito ay bakit si Jesus, upang iligtas tayo sa mga kasalanan ng mundo, nabautismuhan ni Juan at pinako, lahat sa pagsunod sa kalooban ng Ama.
Si Jesus ay ang Panginoon ng kalawakan Siyang lumikha ng lahat ng bagay, at Siya ang ating Diyos. Siya ang Diyos mismo na nagtulot sa atin na isilang sa mundo, nagbigay sa atin ng bagong buhay, at naghahari sa ating mga buhay. Upang tayo’y Kanyang maligtas sa ating mga kasalanan, Kailangan Siyang bautismuhan ng kinatawan ng buong sangkatauhan at sa gayo’y kinuha lahat ng ating mga kasalanan. Sa pagbabautismo ni Juan, si Jesu-Cristo’y naging ating tunay na Tagapagligtas.
Upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan si Jesu-Cristo’y naparito, at upang kuhanin lahat ng ating mga kasalanan kaya Siya binautismuhan. Kung hindi sa Kanyang bautismo sa unang pangyayari, si Cristo’y hindi mapapako. Ito ay bakit ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay malinaw na pinakikita sa atin kung paano niligtas tayo ni Jesu-Cristo sa ating mga kasalanan—ang tiyak na paraan ng Kanyang pagliligtas.
Ang mga kulay ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y sinasabi sa atin na si Jesus paparito sa atin, kinuha lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pagbautismo ni Juan sa Kanya, at pagpako—na Siya, sa ibang salita, kukuhanin lahat ng ating kasalanan. Nang si Jesus ay nabautismo, ang pintuan ng Langit ay nabuksan, ang nagsalita ang Diyos Ama, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.” Si Jesus ay ating Mesias at Tagapagligtas, nguni’t Siya rin ang Anak ng Diyos, ang Siyang Diyos na Maylikha na lumikha ng buong kalawakan sa Kanyang sariling Salita. Sa pagiging Banal na Diyos, pinasan ni Jesus lahat ng kasalanan sa pagbautismo upang Siya’y maging ating tunay na Tagapagligtas.
Si Jesu-Cristo na lumikha ng buong kalawakan at naghahari sa atin ay malinaw na pinakita ang kaligtasan sa ating mga kasalanan. Ito’y dahil si Jesu-Cristo, upang alisin ang ating mga kasalanan, naparito, kinuha lahat ng mga kasalanan sa Kanyang bautismo at namatay sa Krus upang ikaw at ako’y tunay na maligtas. Si Jesu-Cristo ay ang Manlilikhang naghahari sa ating buhay at kamatayan, lumikha ng buong kalawakan, at nagdala sa ating mga ninuno at buong sangkatauhan nitong mundo. Siyang pinakasangkap ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Ang Diyos mismo’y naparito bilang handog ng mga makasalananan. Si Jesus na nagligtas sa atin ay ang Diyos, ang Makapangyarihan at ang Diyos ng awa. Dahil kinuha ni Jesus lahat ng mga kasalanan sa Kanyang bautismong Kanyang tinupad lahat ng katuwiran ng Diyos, at sa paraang ito Kanyang pinasan ang mga kasalanan ng mundo sa Krus, pinako at dumanak ng Kanyang mahalagang dugo. Tulad ng nahayag sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, si Jesu-Cristo naging ating sariling handog upang alisin ang lahat ng ating mga kasalanan.
Ito ay bakit hindi lamang ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, kundi pintuan din ng Banal na Dako, ang pintuan ng Kabanalbanalang Dako, at maging mga tabing ng Tahanan ng Diyos ay binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ito’y dahil si Jesu-Cristo ay binautismo alang-alang sa iyo upang ikaw at ako ay hugasan lahat ng ating mga kasalanan sa pananalig dito. Si Jesus ay binautismo upang tuparin lahat ng katuwiran, at ang katuwirang ito ay nakamit sa pagkuha ng lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo. Ang dapat nating gawin, samakatuwid, ay mabatid na lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa panahong iyon, at manalig nga.
Datapuwa’t, maraming mga Kristiyanong naniniwala sa Kanya ayon sa sariling kagustuhan. Matigas ang kanilang ulo na lisanin ang kanilang sariling relihiyosong pananalig ng kasamaan, hinamon ang Diyos mula sa pasimula. Dapat tayong manalig sa Kanya ayon sa paraan ng kaligtasang binigay Niya sa atin. Sinabi ni Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). Sinasabi Niya sa atin, “Ako ang daan. Ako ang daang mag-aakay sa iyo sa Langit. Ako ang Pastol, ang daan at ang katotohanan. Ako nga ang buhay na magliligtas sa iyo.” Sa pagliligtas sa atin sa kasalanan, si Jesus ay naging Panginoon ng bagong buhay sa atin.
Kapag Tayo’y Nanalig kay Jesus, Paano Tayo Makauunawa at Mananalig sa Kanya?
Tayo’y maliligtas sa lahat ng ating kasalanan lamang sa pamamagitan ng paniniwala sa tamang paraan na Siya’y naparito at niligtas tayo. Ang salitang “pananampalataya” ay kasama ang gayong mga kahulugan bilang “upang umasa,” “manangan dito,” at “upang magtiwala.” Ang mga matatanda kadalasa’y umaasa sa kanilang mga anak kapag sila’y tumanda ng husto, dahil alam nilang mahirap mabuhay sa pamamagitan ng kanilang mga sarili. Gayon din, ang dahilan bakit tayo nabubuhay sa pagbibigay tiwala sa ating mga sarili sa Diyos ay dahil hindi natin mapaglalaho ang ating mga kasalanan. Kahit pa subukan nating hindi magkasala, tayo’y mahahantong na mamumuhay na laging magkakasala. Ito’y dahil hindi natin mapapalaya ang ating mga sarili sa ating mga kasalanan na tayo’y nananalig sa Diyos at nilagay ang ating tiwala kay Jesu-Cristong ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng pananalig na Kanyang ginawa sa atin.
Ito ay bakit nang tayo’y nanalig kay Jesus at hinanap ang ating kaligtasan, dapat muna nating malaman anong uri ng pananampalataya ang tamang pananampalataya. Higit na 2,000 taong nakalipas, si Jesus ay naparito tupang iligtas ka at ako—tunay, bawa’t isang tao sa mundong ito—mula sa ating mga kasalanan. Nang Siya’y naging 30, Siya’y binautismo ni Juan at dahil doo’y kinuha lahat ng kasalanan ng mundo. Tayong lahat ay dapat manalig sa katotohanang ito. Tayo’y dapat na manalig nang si Jesus ay tinanggap hindi lang iyo at aking mga kasalanan kundi lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo, bawa’t kasalanan, ng lumipas, ngayon at maging ang hinaharap, lahat ay kinuha na ni Jesu-Cristo.
Subali’t, maraming tao ang patuloy na nagwawalang-saysay nitong katotohanan na hindi lamang lahat ng kasalanan ng mundo kundi maging lahat ng kanilang mga kasalanan ay nilipat kay Jesus nang Siya’y nabautismo, at patuloy na nananalig lamang sa dugo sa Krus. Kaya wala sa kanila ang madaling makaaalam kung aling pananampalataya ang wasto, bagaman nakikita nilang lahat na lahat ng mga pintuan ng Tabernakulo ay binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Nang si Jesu-Cristo’y naparito upang iligtas tayo, hindi Niya tayo niligtas ng madalian lamang. Ito’y dahil Kanya ngang kinuha lahat ng ating kasalanan sa Kanyang bautismo at pinasan lahat ng hatol ng ating mga kasalanan sa Kanyang pagkapako na ikaw at ako ay ganap na naligtas. Ganito niligtas ni Jesu-Cristo ang buong sangkatauhan. Ito ay bakit sinabi ng ating Panginoon, “Ang lumalapit sa Akin sa anomang paraan ay hindi Ko itataboy” (Juan 6:37).
Kapag ating sinabing nananalig tayo kay Jesus, hindi lamang tayo nananalig sa Kanyang katauhan, ni hindi lang sa Kanyang kapangyarihan. Sa halip, tayo’y naligtas dahil sa pananalig na si Cristo, bagaman Siya’y Diyos, naparito, kinuha lahat ng iyo at aking mga kasalanan sa Kanyang bautismo, at hinandog sa Krus alang-alang sa atin. Kapag ating tinignan ang kaligtasang nahayag sa Tabernakulo, naging malinaw na kristal sa atin tulad ng kung anong wastong pananampalatayang dapat nating taglayin kapag ating sinasabing nananalig tayo kay Jesus.
Ngayon, maraming tao ang naniniwala lang sa dugo sa Krus, walang-tigil sa pag-awit, “♫ Maliligtas ka ba sa bigat ng kasalanan? ♪Mayroong kapangyarihan sa dugo, kapangyarihan sa dugo ♫,” at bulag na sumisigaw, sa kanilang sariling sigasig, “Panginoon! Nananalig ako!” Gaano man ang sigasig ng kanilang pananalig kay Jesus, kailanma’y hindi sila mapapalaya sa kanilang mga kasalanan dahil lang sa paniniwala sa dugo sa Krus.
Dahil tayo’y gayon na lamang kaya tayo’y di-mapapalaya sa ating mga kasalanan sa ating buong buhay, kailangan natin ng Tagapagligtas, at itong Tagapagligtas ay walang iba kundi si Jesu-Cristo. Si Jesu-Cristo na naparito upang iligtas ka at ako ay ang Tagapagligtas, ang Hari ng mga hari, ang Manlilikha ng buong kalawakan at lahat ng bagay, at ang Panginoon ng ating buhay. Siya’y naparito, kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at nilinis ang ating mga kasalanan sa kamatayan sa Krus. Tayo’y naligtas, sa ibang pananalita, sa pananalig kay Jesu-Cristo, Siyang nagpasan ng lahat ng hatol ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at Krus, bilang ating Tagapagligtas. Ito ang maliwanag at tiyak na pagpapakita sa atin ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo.
Ang Taong Naniniwala kay Jesus ay Relihiyoso Lamang
Sa panahong ito, inaangkin ng tao na sila’y maliligtas dahil sa paniniwala sa dugo sa Krus lamang. Ang pag-angkin ng walang-saysay ay walang iba kundi isang pagpapakita ng kanilang relihiyosong paniniwala. Sinasabi ng mga taong ito, “Kapag ako’y nangungumpisal sa Diyos, nangusap ang Banal na Espiritu sa aking puso, ‘Anak Ko, pinatawad Ko ang iyong mga kasalanan.’ Nagpasalamat akong lubos nang marinig ko ang Kanyang tinig!” Umaangking sa pagsabi ng gayong mga paniniwala ay ang kanilang patotoo ng pananampalataya.
Nguni’t ang ating kaligtasa’y di-dumating sa pamamagitan ng ating sariling mga damdamin. Sa halip, tayo’y naligtas sa pamamagitan ng kabuuan ng ating katauhan: kaalaman, damdamin at kapasiyahan. Dapat tayong maligtas, una sa pag-aalam kung paano tayo niligtas ng Diyos ating Tagapagligtas, at manalig dito. Nguni’t paano ang mga relihiyon? Ano ang mga ito? Ang mga relihiyon ay mga institusyong likha ng tao itinatag sa sariling kaisipan.
Mahabang taong nakalipas, sa aking pamilya, ang aking ina ay ang tagapagluto. Kadalasa’y ako ang kanyang katulong, sumusunod sa kanya sa kusina, nagtatanong anong aking maitutulong—wari mo’y parang Jacob ng Biblia. Nang ang aking ina’y abala sa kusina sa paghahanda ng pagkain, ako’y abala sa pag-aayos ng mesa sa hapag-kainan. Ang aking ina at ako ay nakakagawa ng isang magaling na kombinasyon. Paggising sa umaga, ihanda ang lutuan at mesa, at pagkatapos kumain, wawalisin ang sahig ng kusina. Lahat ng mga gawain sa umaga ay natatapos sa pamamagitan nitong walis.
Ito’y hindi isang kakaibang tagpo sa Korea noong mga araw na iyon. Nguni’t ang higit na nakawiwiling bagay na ang walis na ito ay ginagamit na panglinis ng kusina ay biglang magiging isang diyos tila ibibigay sa atin anuman ang ating hingin. May mga taong tunay na nananalangin nitong pudpod na walis. Ang gayong mga kahibangan ay madalas sa ating buhay; hindi lamang nito, nguni’t tuwing may mga kasawiang-palad sa ating pamilya o kapitbahay, kadalasa’y tumatawag tayo ng mapagkunwaring-tao upang gumawa ng pangkukulam. Dahil ang tao sa panahong iyon ay naniniwala sa panteismo at naniniwala na ang mga diyos ay naroon kahit saan, hindi lamang itong walis na ginamit sa pangwalis ng lupa ang magiging isang diyos, kundi mga ninunong lapida kung saan ang pangalan ng kanilang mga ninuno’y nakasulat, isang malaking bato sa maliit na bundok o sadyang lahat ng bagay na nakikita ng kanilang mga mata’y maaaring maging isang diyos.
Sa panahon ngayon, sa paglipas ng panahon, ang tao’y unti-unting iniiwan itong uri ng kamangmangan, nguni’t sa panahong iyon, ito’y isang madalas na kaganapan kahit na ano’y nagiging isang diyos. Kaya isa sa pinakamabilis na kalakalan ng panahon ay ang pangkukulam. Naalala kong makakita ng mga mangkukulam na bumibigkas ng di-maunawaang mga orasyon habang nangungulam. Dati’y ginagaya ko ang paraan ng orasyon ng mangkukulam, nagsasabing, “Abrakadabra Abrakadabra, nawa’y dumating ang liwanag, dumating ang liwanag, lahat ay pasaakin kapag dumating ang liwanag. Ang isang bariles ng kalabasa’y nabasak dahil sa kakulangan ng debosyon. Abrakadabra Abrakadabra.” Wala akong ideya kung anong kahulugan nito.
Kapag ang gayong pangkukulam ay ginawa sa isa sa mga tahanan ng kapitbahay, bawa’t isa mula sa buong nayon ay dati-rati’y nagpupulong upang makita ito. Ang sentro ng gayong pangyayari’y dumating nang ang mga bayarin ay ipalaman sa ulo ng patay na baboy, ngumingiti na walang bakas. Kung ilang bayarin ang pinalaman ang gagamitin upang malaman ang orasyon ng mangkukulam at ang bisa nito. Itong pangkukulam ay patuloy hanggang sa magdamagan.
Sa pakikisalamuha ko noon, may isang umangkin siya’y nasasaniban ng isang babaeng espiritu. Dati niyang inaangkin na siya’y nakapagpapalayas ng maraming mga demonyo, dahil siya’y nasasaniban ng babaeng espiritu—ang mga babaeng espiritu’y pinapalagay na taglay ang labis na kapangyarihan kaysa sa iba. Kanyang sinabi na kapag siya’y naharap sa isang higit na makapangyarihang demonyo, siya mismo’y maaaring masakal sa halip na makapagpalayas ng demonyo, nguni’t gayon pa man kanyang inangking siya’y makapagpapalayas ng iba’t ibang uri ng demonyo. Siya’y isang salamangkero.
Ordinaryong ginugugol niya ang kanyang oras, tulad ninuman. Nguni’t kapag may humiling sa kanya na magpalayas ng demonyo, nagpapalit siya ng damit ng isang salamangkero at ginagawa ang nakagigilas na pagpapakita. Dahil ang puso ng tao’y abala sa gayong mga pamahiing kaisipan na kanilang sinusunod itong uri ng makalumang mga relihiyon na walang kinalaman sa Salita ng Diyos at naniniwala sa lahat ng uri ng kahibangan at kahi-hiyang mga bagay.
Ang tao ay nakalikha ng kanilang sariling mga relihiyon. Tulad ng kwentong nabanggit, lumikha sila ng kanilang sariling mga diyos. Dahil ang tao’y taglay itong uri ng katutubong ugali, kahit pa mga Kristiyano, kapag sinabi sa kanila na si Jesus ay napako para sa kanila, sila rin ay madaling namamangha sa kanilang sariling mga damdamin, sumasagi lagi sa isip at bulag na mananalig sa Kanya. At kapag sinabi sa kanila na si Jesus ay ang Anak ng Diyos at Manlilikha ng buong kalawakan, siyang-siya sila, at muli’y maniniwala ng walang-pasubali. Nais din nilang marinig, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko,” at muli, walang-pasubaling maniniwala nang walang tunay na kauunawaan. Dahil walang Salita ng Diyos ang mali, kahit pa marinig nila ang mabuting Salita sa umpisa, ang masasabi lang nila ay iniibig nila si Jesus.
Nguni’t si Jesus ay darating upang hatulan ang mga taong ito na ang puso’y nananatili pa ring makasalananan sa kabila ng pagsasabi ng kanilang paniniwala kay Jesus. Siya’y babalik din upang alisin yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Karamihan sa mga tao’y mangmang sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at naniniwala lang kay Jesus batay sa kanilang sariling mga kaisipan ay di-maglao’y malalaman, sa halos 10 taon mula sa simula ng kanilang relihiyosong mga buhay, na sila’y mga makasalananang walang kakayanang mamuhay ayon sa Kautusan ng Diyos.
Ako rin ay dating naniniwala kay Jesus batay sa sariling kagustuhan. Ako’y dating nagpupuri sa lahat ng oras, puspos ng galak nang makilala si Cristo. Nguni’t matapos makilala si Jesus, natutunan ko ang Kautusan, at matapos malaman ang Kautusan, nakilala ko ang aking mga kasalanan. Matapos malaman ang aking mga kasalanan, nabatid ko na mayroong walang-hanggang kahatulan ng kasalanan, at sanhi nito, ang paghihirap ng kasalanan ay susunod.
Upang lutasin itong kahirapan ng kasalanan, akin ngayong inalay ang aking mataimtim na pangungumpisal. Datapuwa’t, gayong paniniwala’y tulad lang ng mga pamahiing paniniwala na dalangin ng tao sa lahat ng bagay upang pagpalain. Dahil ang aking puso’y puno ng ligalig matapos kong malaman ang Kautusang nakasulat sa Salita ng Diyos at nalaman ang aking mga kasalanan, akala ko kailangan akong mangumpisal, at sa gayong pangungumpisal ay naghatid sa atin ng ilang damdaming kaginhawaan. Nguni’t nananatili ang kasalanan sa aking budhi, at nasasaliksik na ang aking kaluluwa’y alipin pa rin ng kasalanan, patuloy akong naghihirap.
Sa paraang ito, hindi dahil ako’y alipin ng aking mga kasalanan kaya ko nakilala at inibig si Jesus, nguni’t dahil ako’y nanalig kay Jesus kaya ko nabatid ang aking mga kasalanan, at sa gayon aking nabatid ang aking mga kasalanan kaya ang paghihirap ay dumating sa akin. “Dapat ay nananalig na ako kay Jesus noong una pa,” inakala ko pa, at pinagsisihan nang aking nalaman at nanalig ako agad kay Jesus nang ako’y kabataan pa. Nguni’t hindi ko mapipigil ang manalig kay Jesus. At sa gayon upang makatakas mula sa alipin nitong kasalanan, ako’y nangungumpisal, nguni’t walang-saysay, dahil ang mga dasal na ito’y kahit maliit ay di nalutas ang pangunahing suliranin.
Mga ordinaryong tao’y di-alintana ang mga kasalanang kanilang nagawa kahit pa kanilang nagagawa pa ang mga ito, nguni’t kapag sila’y nagsimulang dumalo sa iglesia, maririnig nila ang ukol sa Kautusan at mababatid nila ang kanilang mga kasalanan, at samakatuwid ay nakulong pa sa kanilang mga kasalanan. Pagkatapos kanilang susubukang lutasin ang suliranin ng kanilang mga kasalanan sa pagbibigay ng madamdaming mga pangungumpisal, nguni’t habang lalong dumadaan ang panahon, lalo nilang nababatid na sila’y alipin ng kanilang mga kasalanan at kailangang mapatawad.
Gaano man ang kanilang pangungumpisal, sa lalo nilang panalangin, lalo nilang nababatid na ang kanilang mga kasalanan ay di-naglalaho, nagiging lalong malinaw nahahayag at pinaalala sa kanila ang lalong presensiya ng mga ito. Mula sa panahong ito, ang mga relihiysong pamumuhay ng gayong mga tao ay napupunta sa paliko-likong hirap at sila’y patuloy na naghihirap. Sila’y magtataka, “Mabuti ang naramdaman ko nang ako’y unang nanalig, nguni’t bakit naging lumala ngayon kaysa 5 o 10 taong nakalipas? Bakit ako lalong naligalig?” Nabatid nila na kahit ang kanilang matibay na paniniwala sa kaligtasan, matibay na pagtangan nang sila’y unang nanalig, ay wala na roon. Inaakalang sila’y naging makasalanan matapos manalig kay Jesus, sila’y nauwi sa pag-akma ng lahat mga uri ng doktrina sa kanilang paniniwala, at nahantong na maging mga relihiyoso.
Ito’y dahil ang mga taong ito ay mangmang sa katotohanang niligtas sila ni Jesus sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na sila sa huli’y nahantong na maging mga relihiyoso. Bagaman sila’y nagkunwaring naniwala kay Jesus, sila’y naliligalig pa rin, dahil ang kanilang mga puso’y hindi mapayapa. Ang gayong tao’y di mahahantong na magpalit ng ibang diyos, dahil kahit kanilang subukan, alam nila na ang maniwala sa anumang bagay kaysa sa Diyos mismo ay pagsamba sa diyus-diyosan. Dahil malinaw nilang nalalaman na si Jesus lang ang Anak ng Diyos, na Siya lang ang Diyos, at Siya lang ang kanilang Tagapagligtas, hindi sila maniniwala sa ibang diyos. Nguni’t dahil hindi nila alam ang katotohanan, sila’y namumuhay sa kahirapan, laging naliligalig dahil sa kasalanan.
Ito’y bakit dapat nilang malaman at manalig kay Jesu-Cristo na dumating sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino. Ang mga Kristiyanong ito na naging mga relihiyoso ay nalalaman din na si Jesus ay ang Hari, na Kanyang binubo ang Kanyang dugo sa Krus, at ang Salita ng Biblia ay ang Salita ng Diyos.
Anong hindi nila nalalaman, datapuwa’t, hindi lamang kinuha ni Jesus ang kanilang mga kasalanan kundi lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo, at ang kamangmangang ito ang dahilan bakit sila’y namumuhay bilang mga makasalanan kahit kanilang sinasabi ang kanilang pananampalataya, at bakit silang lahat ay matutungo sa lugar na inilaan para sa mga makasalanan. Dahil ang gayong mga relihiyosong Kristiyano ay di-nalalaman kung paano kinuha ni Jesus ang kanilang mga kasalanan, nananalig sila sa kanilang sariling mga damdamin sa tuwing ang mga ito’y sumisibol. Sanhi nito, ang tunay na reyalidad ay di- katulad ng kanilang pinaniniwalaan, tulad ng bulag na nagsisikap na malaman ang elepante sa pamamagitan ng paghipo ng kanyang mga bahagi ng katawan. Ito ay bakit sila’y lubos na di-alintana kung anong mali sa kanilang pananalig, at itong dahilan kung bakit sila nalilitong muli.
Anong Mangyayari sa Atin Kung Hindi Tayo Maniniwala sa Katotohanan ng Bughaw na Sinulid?
Anong mangyayari kung tayo’y mananalig kay Jesus bilang ating Tagapagligtas gayong isinasantabi ang bughaw na sinulid sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo? Nang inutos ng Diyos na gumawa ng pintuan ng bakuran ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagburda ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, anong Kanyang maaaring sabihin kung sa halip ay sinabi ni Moises sa mga Israelita na gawin ang pintuan sa pamamagitan lang ng kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at tinapos ng Israelita ang pintuan ng ganitong paraan? Tatanggapin ba ito ng Diyos bilang pintuan ng Kanyang Tabernakulo? Hindi Niya ito tatanggapin. Dahil sinabi ng Diyos sa mga Israelita na gawin ang pintuan ng Tabernakulo sa pamamagitan ng apat na sinulid na iba-iba’t kulay, kung hindi ito ginawa ayon dito, hindi ito tatawagin bilang pintuan ng Tabernakulo. Wala ni isa sa apat na sinulid ang dapat maiwan.
Ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y kailangang burdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Dahil si Jesus, ay Diyos mismo, naparito bilang ating Tagapagligtas sa laman ng tao, kinuha lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang sariling katawan, namatay sa Krus, bumangong muli, at sa gayo’y hinugasan ang ating mga kasalanan kasing-puti ng niyebe, sa pagtitiwala at pananalig kay Jesu-Cristo kaya tayo’y naligtas. Ang mga kulay ng pintuan ng Tabernakulo’y sinabi sa atin kung paano tayo mananalig kay Jesus upang maligtas. Ang mga nanalig sa katotohanang ito na nahayag sa pintuan ng Tabernakulo lahat ay naligtas sa kanilang mga kasalanan. Kanilang tinanggap lahat ng kapatawaran ng mga kasalanan, kasing-puti ng niyebe. Hinugasan ni Jesu-Cristo ang iyo at aking mga kasalanan, kasing-puti ng niyebe. Si Jesu-Cristo’y naging tunay na Tagapagligtas mo at ako.
Ito ang lubos na katotohanang makikita sa pintuan ng Tabernakulo. Nguni’t maraming tao ngayon ang di-naniniwala sa pahiwatig ng bughaw na sinulid, kahit pa kanilang sabihing naniniwala sila sa kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Upang gawin ang pangunahing pagsusuri sa aklat na ito, ako’y minsang nagpunta sa isang tindahan ng pang-Kristiyanong aklat. Doon ay nakita ko ang ibang mga aklat ng Tabernakulo sinulat ng ibang mga kilalang Kristiyanong mga pinuno. Subali’t, ang iba’y hindi tinalakay ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, habang ang iba’y nagbigay ng malalim na sanaysay: “Anong sinasabi ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ng bakuran ng Tabernakulo? Ang bughaw ay kulay ng langit, at samakatuwid ay nagsasabi sa atin na si Jesus ay Diyos. Ang pula’y tumutukoy sa mahalagang dugong nabubo ni Jesus sa Krus nang Siya’y naparito. Ang kulay-ube ay sinasabi na Siya’y hari.”
Itong uri ng pakahulugan ay malayo sa tanda. Na si ay Diyos sinasabi sa atin sa pamamagitan ng kulay-ubeng sinulid. Nang sinabi ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng kulay-ubeng sinulid na si Jesus ay ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, bakit Niya muling uulitin ito sa bughaw na sinulid? Ito’y dahil ang mga taong ito’y di-nalalaman ang misteryo ng bughaw na sinulid na sila’y nabigong ipakahulugan ito ng wasto.
Dahil alam nilang tanging dugo lang sa Krus, sila’y naglalagay ng malaking diin sa pulang sinulid. Kapag ating nakikita ang kanilang mga larawan ng pintuan ng Tabernakulo, makikita natin ito’y puno ng puti at pulang mga kulay. Kapag ang apat na kulay na bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay malinaw na pinakita sa pintuan, ang kanilang mga larawan ay pinakikita lang ang pula at puting sinulid, na may iilang kulay-ube, nguni’t lubos na walang bughaw.
Maraming tao dito sa mundo ngayon ang nagsasalita ng gayong walang-paninindigang pananampalataya nang di-nalalaman ang katotohan ng bughaw na sinulid. Marami sa panahong ito ang umaangkin na sila’y maliligtas sa pamamagitan ng pananalig sa dugo ni Jesus sa Krus lamang, kahit hindi man lamang nila nalalaman na kinuha na ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo nang minsanan upang pasanin ang ating paghahatol. Ang puso ng gayong tao’y mananatiling makasalanan. Ngayon, bukas o sa lampas nito—sa katotohana’y, hanggang sila’y mamatay—ang gayong tao’y mananatili sa kaparusahan dahil hindi sila mapapalaya sa kanilang kasamaan. Kaya ang ibang tao’y nagsasabing, “Ako’y isang makasalanan sa harap ng Diyos hanggang ako’y mamatay.” Nguni’t ito ba talaga ang tunay na pananampalataya, na sila’y mananatili bilang mga makasalanan hanggang kanilang kamatayan, kahit pa sila’y naniniwala kay Jesus?
Matapos manalig kay Jesus, kailan ba tayo magiging matuwid? Hindi ba ang Langit ay lugar na nilaan para sa mga naging walang-kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo at dugo ni Jesus? Ang Langit nga’y isang lugar para sa matuwid, hindi sa makasalanan. Mga matuwid lamang ang tiyak na maliligtas sa kanilang mga kasalanan at naging walang-kasalanan ang makapapasok sa Langit.
Ang mga nagsabing sila’y mga makasalananan hanggang kamatayan habang nananalig kay Jesus ay walang matibay na paniniwala sa kanilang kaligtasan ilang beses man nilang ipinahayag ang kanilang pananampalataya sa Kanya, dahil sila’y mangmang sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Kahit pa silay maniwala at magdasal kay Jesus, wala silang tiwala na ang kanilang mga dasal ay matutugunan. Bagaman sila’y naniniwala kay Jesus, hindi sila matutulungan at iibigin Niya. Maaaring ramdam nilang iniibig sila sa kanilang pagpapakita ng kanilang debosyon, nguni’t kapag humina ang kanilang debosyon, aakalain nilang sila’y iniwan ng Diyos, parang sila’y kinamuhian Niya. Inaakala nilang iniibig sila ng Diyos at pinagpapala lang sila kapag binigay nila ang kanilang mga handog at debosyon sa Kanya, at hindi na Niya mahal sila kapag sila’y nabigong ibigay sa Kanya ang kanilang mga handog. Kapag sila’y naharap sa mga paghihirap, inaakala nilang namumuhi ang Diyos sa kanila, di-nauunawaan bakit sila kailangang dumaan sa gayong mga paghihirap, at sa huli’y sinisisi Siya sa kanilang kalungkutan at hindi na muling mananalig sa Kanya.
Sa katapusan, ang tiwala sa pagitan ng tao at Diyos ay nawasak. Dahil ang kanilang pananampalataya ay isang bunga ng kanilang sariling mga kaisipan at mga damdamin, ayon lang sa kanilang sariling kagustuhan, di-tiyak at mali. Kapag tayo’y lalapit sa Diyos, dapat nating iwaksi ang ating mga damdamin. Kapag tayo’y lumapit sa Diyos, lalapit lamang tayo sa pananampalatayang malinaw na nananalig sa katotohanang niligtas tayo ni Jesu-Cristo, tayo na patungong impiyerno dahil sa ating mga kasalanan, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Sa harap ng Salita ng Diyos at Salita ng Kautusan, sa harap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa ating mga budhi din, dapat na malinaw nating kilalanin na tayo’y patungong impiyerno na may katiyakan. Kapag atin lamang nalaman, natutunan at nagtiwala kung anong makasalananan tayo at kung paano tayo niligtas ng Diyos saka natin mababatid na si Jesu-Cristo ay naging ating tunay na Tagapagligtas.
Tanging sa Tunay na Pananampalataya Ating Makakamit ang Handog ng Kaligtasan
Samakatuwid, ikaw at ako ay dapat malaman na tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, hindi dahil sa mga mabubuting gawa. At dapat nating malaman at maniwala na upang iligtas tayo sa ating mgas kasalanan, si Jesu-Cristo’y malinaw na pumarito sa atin sa katotohanan nitong apat na bahagi. Ang pangako sa Lumang Tipan na darating bilang Mesias, at tulad ng pangakong ito, Siya nga’y naparito, sa sa Kanyang bautismo, kinuha ang ating mga kasalanan at mga kasalanan ng buong sangkatauhan nang minsanan. Kanyang ngang pinasan itong mga kasalanan sa Krus, pinako, nagbubo ng Kanyang dugo, at namatay matapos sabihing, “Naganap na!” (Juan 19:30). Bumangon muli mula sa kamatayan matapos ang tatlong araw, Siya’y nagpatotoo ng 40 araw at umakyat sa kanang kamay sa trono ng Diyos, nangakon babalik muli. Dapat nating paniwalaan ito.
“Akin kayong tiyak na niligtas sa Aking mga ministeryo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. At Ako’y babalik muli upang kuhanin ang mga nanalig nitong katotohanan ng kaligtasan. Akin ding ibibigay sa kanila ang karapatang mgaing mga anak ng Diyos. Dahil ang mga nanalig ng katotohan sa kanilang mga puso, Aking lilinisin ang kanilang mga kasalanan kasing-puti ng niyebe, Aking ibibigay sa kanila ang Banal na Espiritu, at Aking silang gagawing sarili kong anak.” Ito ang sinabi ng Panginoon sa atin.
Dapat tayong manalig sa Salita. Tinupad na ng Panginoon itong mga pangako, at Siya’y tunay na kumikilos sa mga buhay ng taong narito. Kinakalinga Niya ang nanalig sa katotohanan at pinatotoo sa kanila. Ganito kung paano tayo naligtas sa pamamagitan ng mga gawa ng bautismo at dugo ng Panginoon, nanahan sa biyaya, kalinga at pag-ibig ng Diyos, at namuhay na matuwid. Dahil Kanya tayong niligtas kaya tayo’y napalaya sa ating mga kasalanan dahil sa pananalig.
Kapag itong aklat ng Tabernakulo ay naisalin sa lahat ng mga wika ng buong mundo, nakatitiyak ako na ang tao sa buong mundo’y maliligtas dahil sa kanilang pananalig sa katotohanan. Ang mga umaangkin na ang kapatawaran ng kasalanan ay dumating lang dahil sa dugo ni Jesus ay hindi na muling makaaangking ng gayon, sa halip kanilang mababatid kung gaano ang mali ng kanilang mga pag-akin. Hindi na sila muling tatangan sa bagay na mali at aangkin na ito’y kaligtasan. Hindi na sila muling makapagsasabi na sila’y maliligtas dahil lang sa paniniwal sa dugo ni Jesus.
Sa pintuan ng bakuran Tabernakulo ay makikita ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang malinaw na Salita ng kaligtasan sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Dahil ito ang Salita ng Diyos na pinangako at hula mula sa Lumang Tipan, at dahil tinupad ng Diyos itong pangako sa Bagong Tipan sa pamamagitan ng pagtupad ng kaligtasan sa lahat ng mga kasalanan sa Kanyang bautismo at pagpako, kung tayo’y mananalig lamang nitong handog ng kaligtasan na may galak at pasasalamat, tayong lahat ay matatamo ang walang-hang kapatawaran ng kasalanan.
Ito ang Salita na maginhawa at ganap, nguni’t ito rin ay katotohanan na di-mauunawaan ng lahat ng kaalaman ng buong kalawakan, kung hindi mo taglay ang pananampalatayang dalisay sa Kanyang Salita. Kaya dapat tayong manalig sa Kanyang Salita bilang ito. Dahil ito’y isang mahalagang katotohanan na hindi natin makakayang ipagwalang-bahala, ikaw at ako ay dapat tiyak na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa atin ng katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong malaya at madaling nahayag sa Tabernakulo, itinulot ng Diyos sa atin na makamit ang napakahalagang handog ng kaligtasan sa ating pananalig.
Ikaw at ako, na nananalig sa katotohanang ito, binibigay natin ang lahat ng ating pasasalamat sa Diyos dahil sa Kanyang pag-ibig sa katotohanan. Nguni’t marami ang nananatiling mangmang sa tunay na katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at nagtuturo at inaakay ang tao sa kanilang mga maling pamamaraan. Sa kanila rin, nais nating ikalat itong katotohanan. Sa kanila na ang mga puso’y pinahirapan dahil sa kanilang kamangmangan sa katotohanan, ipinangangaral natin itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nais natin na sila’y mapalaya sa kanilang mgakas at makapasok sa pintuan ng kaligtasan. Kapag ating pinangaral ang katotohanan ng Tabernakulo, ang mga mananalig ay maliligtas, nguni’t ang di-nanalig ay mapaparusahan sa kanilang mga kasalanan. Kung ating pinasynag manalig kay Jesus, dapat tayong manalig sa Kanya nalalaman ang katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Walang nakakaalam ng katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid mula sa pasimula. Sinabi ng Diyos sa atin, “At iyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32). Ano ang katotohanan? Ang katotohana’y ang tunay na ebanghelyo (Efeso 1:13), ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Sa wastong kaalaman sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at maniwala sa mga ito ay ang wastong pananalig sa katotohanan.
Bakit sinabi ng Diyos na ang katotohana’y palalayain tayo? Paano ka naligtas sa iyong mga kasalanan? Sa pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, hindi ba hindi ka lang naligtas sa iyong mga kasalanan, kundi ang inyong mga puso’y pinanahan ng Banal na Espiritu? Sa inyong mga puso at mga budhi, naglaho na nga ba ang inyong mga kasalanan? Naniniwala ka ba talaga at mapapahayag mo ba mula sa kahibuturan ng inyong mga puso na ang Diyos nga’y inyong Ama? Dahil kinikilala lang ng Diyos yaong mga walang kasalanan bilang Kanyang mga anak, tinatanggap lang ang pananampalataya ng mga nakakaalam at naniniwala sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino binurda sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Ang mga makasalananan ay hindi mga anak ng Diyos; yaon lang mga isinilang muli na naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos sa atin, ay ang anak ng Diyos Ama.
Bagaman nahaharap tayo sa maraming kahirapan, pagtitiis, at mga pasakit habang nabubuhay sa mundong ito, dahila ang Diyos ay nananahan sa atin, tayo’y maligaya. Bagaman tayo’y walang kasapatan, tayo’y nabubuhay na mapalad, nananalig sa katuwiran ng Diyos at pinangangaral sa buong mundo ang salita ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, ang ebanghelyong pinagkaloob ang katuwiran ng Diyos sa atin.
Lubos ang pasasalama ko sa Diyos, sa lahat, dahil sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Nang ako’y unang nanalig kay Jesus, gaano man ang debosyon ng aking paniniwala, ang aking puso’y nanatiling makasalanan, at ako’y lubos na naghirap sanhi nito. Gaano man ang taimtim ang aking pagsabing ako’y naniniwala kay Jesus, ang kasalana’y nasa aking budhi. Malalaman ninuman kung siya’y makasalananan o hindi sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang budhi. Sa ibang salita, yaong pa ring may mga kasalanang nakasulat sa kanilang mga budhi ay yaong mga hindi pa rin nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan. Kung ang kanilang mga budhi’y taglay kahit ang pinakamaliit na kasalanan, ito ang katibayan na hindi nila nakamit ang kapatawaran ng kasalanan.
Subali’t, nang hindi ko nalalaman ang katotohang maglulutas sa aking mga kasalanan, kahit pa ang pinakamaliit, at kapag lahat ng mga uri ng katanungan at mga pagtataka’y dumating sanhi nito, kinatagpo ako ng Diyos sa Kanyang Salita ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Ang Salitang ito ay makikita sa mga talata mula sa Ebanghelyo ng Mateo na ating binasa kanina. Habang binabasa ang Mateo 3:13-17, nakita ko ang talaga, “Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15). Akin ngayong nalaman at nanalig nang si Jesus ay binautismo at umahon sa tubig, pinatotoo ng Diyos ang Kanyang katuwiran, at lahat ng mga katuwiran ay natupad tulad ng lahat ng mga kasalanan ay naalis sa pamamagitan nitong bautismo ni Jesus.
Nang si Jesus ay nabautismo ni Juan, lahat ng aking mga kasalanan ay malinaw na isinalin sa Kanya, at ang mga ito’y agad na nilutas sa Krus. Nang oras na aking nalaman at nanalig bakit si Jesus ay binautismo, lahat ng mga suliranin at mga katanungan ukol sa di-malutas na mga kasalanan ay sinagot, lahat ng aking mga kasalanan ay naputol agad sa akin. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa katotohanang nitong kapatawaran ng kasalanan sa pag-aalam at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang tunay na Salita ng Diyos.
Ang Panginoon ay naparito sa akin sa pamamagitan ng Kanyang nakasulat na Salita, at aking nakamit ang kapatawaran ng aking mga kasalanan sa pamamagitan nitong Salita ng tubig at Espiritu, sa pananalig nito sa aking puso. Mula noon, sa pamamagitan ng Salita ng Luma at Bagong Tipan, aking pinatotoo ang ebanghelyo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa maraming tao, at kahit ngayon, ako’y patuloy sa paglalaganap nitong lahat ng katotohanan at mga misteryo ng kaligtasan. Ang tunay na ebanghelyo ay hindi bagay na gawa ng sariling kaisipan ng tao, mga doktrina, o mga damdaming karanasan.
Sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, inalis ng ating Panginoon ang ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, bawa’t isa sa buong mundo’y malalaman ng malinaw ang katotohanan ng kaligtasan at upang makilala na itong katotohanan ay walang iba kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito rin ang katotohanan na kailangang-kailangan nitong mga huling panahon. Di-mabilang na tao ay maniniwala sa katotohanang ito.
Ang panahon ngayon ay isang panahon na ang katuwiran ng tao lahat ay nawawasak at ang kanilang mga kasamaan ay laganap. Kapag ang mga kalagayan sa paligid ay lumubha, lahat ng kasamaan ng tao’y mabubuhos na nananahan sa kanila. Nguni’t sa kabila nito, niligtas ka at ako ng Panginoon sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Anong pasasalamat at walang-kasinghalaga itong pagpapala? Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa malinaw na kaligtasang ito, dahil nag-uumapaw ako sa galak at kaligayahan.
Ang mundo ngayo’y patungo sa mga huling araw na hula ng Diyos, at pumasok na sa panahong ito. Sa panahong tulad nito, kapag papaunti ng papaunting tao ang naglilingkod sa Diyos na mataimtim, at kapag maging ang pananampalataya ng mga mananampalata’y humina, kung iyong subukang ilaan ang iyong sarili sa ibang bagay maliban sa katotohanan ng tubig at Espiritu, magkakaroon ka lang ng mga sugat sa iyong mga puso. Kapag nananalig sa Diyos, kung hindi ka nananalig sa ebanghelyo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ika’y mabibigo lang, dahil hindi mag-iiwan sa iyong puso ng anumang kahalagahan ni magbubunga ng mga tunay na bunga.
Dahil ang katotohanan ng ebanghelyo ng apat na kulay ng Tabernakulo—ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino—ay ang katotohanang malinaw, ito lang, pinaka-ebanghelyo nitong mundong madilim. Na tayo’y mamumuhay na taglay ang kapatawaran ng ating mga kasalanan sa pag-aalam at pananalig sa katotohanang nahayag sa Tabernakulo ay ang pinakamahalagang pagpapala, isang mahalagang handog, at malaking kaligayahan para sa atin.
Dahil yaong nakakaalam at nananalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong nahayag sa pintuan ng Tabernakulo ang naglilingkod sa katotohanan, hindi kamalian, isang malaking kagalakang makikita sa kanilang mga puso magpakailanman.
Alam mo rin ba at naniniwala sa katotohanang ito na nahayag sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo? Dapat mo itong malaman, at dapat kang manalig.