(Exodo 27:1-8)
“At gagawin mong kahoy ng limang siko ang haba at limang siko ang luwang; ang dambana ay gagawing parisukat: at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko. Ang gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon: ang mga anyong sungay ay kaputol din, at iyong babalutin ng tanso. At igagawa mo ng kaniyang mga kawa upang magalis ng mga abo, at ng mga pala, at ng mga mangkok, at ng mga pangalawit at ng mga subuuan: lahat ng mga kasangkapa’y gagawin mong tanso. At igagawa mo ng isang salang tanso na tila lambat ang yari, at ang ibabaw ng nilambat ay igagawa mo ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok niyaon. At ilalagay mo sa ibaba ng gilid ng dambana, sa dakong ibaba, upang nilambat ay umabot hanggang sa kalahatian ng dambana. At igagawa mo ng mga pingga ang dambana, mga pinggang kahoy na akasia at babalutin mo ng tanso. At ang mga pingga niyao’y isusuot sa mga argolya, at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng dambana, pagka dinadala. Gagawin mo ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla kung paano ang ipinakita sa iyo sa bundok, ay gayon gagawin nila.”
Nais kong talakayin ang pananampalatayang nahayag sa dambana ng sunugan ng handog. Kapag ang bayan ng Israel ay sinuway ang alinman sa 613 na mga lathalain ng Kautusan ng Diyos at mga utos na kailangan nilang tuparin sa kanilang araw-araw na pamumuhay, at kapag kanilang kinilala ang kanilang mga kasalanan, binigay nila sa Diyos ang kanilang mga walang-dungis na handog ayon sa pamamaraan ng paghahandog na Kanyang itinalaga. Ang lugar kung saan nila binigay ang mga handog na ito ay ang dambana ng sunugan ng handog. Ang bayan ng Israel, ay nakamit ang kanilang kapatawaran ng kasalanan sa pagpatong ng kanilang mga kamay sa ulo ng walang-dungis na ihahaing hayop, gigilitin ang kanilang lalamuna at kukuhanin ang dugo, ilalagay itong dugo sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog at ibubuhos ang matitira sa lupa, at susunugi ang laman nitong handog sa dambana.
Ano ang Espirituwal na Kahulugan ng Dambana ng Sunugan ng Handog?
Ang dambana ng sunugan ng handog, may sukat na 2.25 metro ang haba at lawak at 1.35 metro ang taas, ay gawa sa acaciang kahoy at kinalupko sa tanso. Sa tuwing titingin ang mga Israelita sa dambana ng sunugan ng handog, kanilang mababatid na sila’y nakakulong sa kanilang paghahatol at di-makaiiwas sa kanilang kaparusahan. At tulad ng paghahandog ng hayop ay papatayin, kanila ring nabatid na sila rin ay kailangang mamatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Nguni’t sila’y naniwala rin na kailangang mamatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Nguni’t kanila rin nalaman na ang Mesias ay paparito at aalisin ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paghatol at kamatayan tulad ng paghahandog dahil sa kanilang mga kasalanan.
Ang dambana ng sunugan ng handog ay isang larawan ni Jesu-Cristo ating Tagapagligtas. Ang walang-dungis na mga hayop ay inahandog sa pagpapatong ng mga kamay at pagdanak ng dugo, si Jesu-Cristo’y naparito bilang Anak ng Diyos at pinasan ang hatol ng lahat ng ating mga kasalanan. Tulad ng mga inaalay na handog sa Lumang Tipan ay kailangang lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay at pagdanak ng kanilang dugo, Kanyang tinanggap lahat ng kasalanan ng mundo na inilipat sa Kanya dahil sa pagbautismo ni Juan, at pinasan ang hatol nitong mga kasalanan dahil sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus.
Sa paraang ito, ang dambana ng sunugan ng handog ay pinakikita sa atin na kinuha lahat ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, namatay sa Krus, bumango sa kamatayan, at sa gayo’y niligtas tayo.
Upang Mapatawad sa Kanilang mga Kasalanan, ang mga Israelita’y Kailangang Magbigay ng Kanilang mga Haing Handog sa Dambana ng Sunugan ng Handog
Kapag ating titignan ang kapitulo 4 ng Aklat ng Levitico, makikita natin na tuwing ang mga saserdoteng pinahiran, ang buong kapisanan ng Israel, isang pinuno, o alinman sa karaniwang tao’y nagkasala, nakamit nila ang kapatawaran ng kasalanan sa pagdadala ng isang haing handog sa Diyos, ipapatong ang kanilang mga kamay sa ulo nito, papatayin, kukuhanin ang dugo, at dadalhin sa dambana ng sunugan ng handog at ialay sa Diyos.
Sa katunayan, itong dambana ng sunugan ng handog kung saan ang mga Israelita’y ibibigay ang kanilang handog para sa kasalanan araw-araw, walang araw na hindi abala. Ang mga Israelitang nais mag-alis ng kanilang mga kasalanan maghahanda ng walang-dungis na hayop at inihain sa Diyos sa dambana ng sunugan ng handog bilang kanilang haing handog. Ang mga makasalana’y ililipat ang kanilang mga kasalanan sa haing hayop sa pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito, at, sa paghatol nitong mga kasalanan, kinuha ang dugo sa paggilit ng kanyang lalamunan. Ang mga saserdote’y ilalagay ang dugo sa haing handog sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, at susunugin ang laman at taba sa dambana. Ganito natamo ng bayan ng Israel ang kanilang kapatawaran sa kasalanan.
Sinuman ang nagkasala, maging ito’y pinuno ng bayan ng Israel, ang Mataas na Saserdote, mga ordinaryong saserdote, ang buong kalipunan, o sinumang karaniwang tao, kailangan nilang matamo ang kanilang kapatawaran ng kasalanan sa pagdadala ng haing hayop, tulad ng isang baka, kambing o lalaking tupa, at ibibigay sa Diyos bilang haing handog.
Ang mga makasalanan o kanilang mga kinatawan ay kailangang ilagay ang kanilang mga kamay sa ulo ng hain, papatayin ito, ilalagay ang dugo sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, ilalagay ang natirang dugo sa lupa, at sa gayo’y susunugin ang taba ng kanilang haing handog na magpapatawad sa kanilang mga kasalanan. Samakatuwid, marami ang maaaring magdala ng kanilang haing mga hayop sa dambana ng sunugan ng handog, ipatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga hain, kukunin ang dugo at ibibigay sa mga saserdote.
Kapag ang mga handog ay binigay sa dambana ng sunugan ng handog, itong mga haing handog kailangang walang-dungis. At kapag ang mga makasalana’y nagbigay ng mga handog sa Diyos, kailangan nilang tiyakin na magdala ng walang-dungis na hayop sa Diyos, at sa pamamagitan lang ng pagpatong ng mga kamay sa mga ulo nitong walang-dungis na mga haing handog ang kanilang mga kasalana’y malilipat sa kanila. Sa gayon, walang maiiwan sa pagbibigay ng haing handog.
Karaniwan, ang taong nagkasala’y kailangang ilagay ang kanyang mga kamay sa ulo ng kanyang inaahing hayop, nguni’t kapag ang buong kalipunan ng Israel ay nagkasala, ang kanilang mga kinatawang matatanda’y ilalatag ang kanilang mga kamay sa haing handog (Levitico 4:15). Ang haing hayop kung saan ang mga ulo ang mga kamay ay ilalagay ay kailangang patayin sa paggilit ng kanyang leeg at kukuhanin ang dugo. At sa huli, kailangan itong sunugin sa dambana.
Ang usok ng nasusunog na laman, taba at kahoy kaya laging puno ang lugar sa paligid ng dambana ng sunugan ng handog, sa mga sungay at ang lupa sa ilalim ay babad ng dugo ng mga haing hayop. Ang dambana ng sunugan ng handog ay ang lugar na kapatawaran ng kasalanan kung saan ang mga haing handog ay ibibigay sa Diyos upang hugasan ang mga kasalanan ng Israel.
Itong dambana ng sunugan ng handog, kung saan walang-tigil ang pagtaas ng usok, ay isang parasukat na may 2.25 metro ang haba at lawak, at 1.35 metro ang taas. Isang rehas na tanso ang nakalagay sa gitna nito, at ang usok ay walang-humpay na tumataas mula sa mga handog na sinusunog sa apoy ng kahoy sa mga rehas. Tulad nito, ang lugar kung saan ang mga handog ay sinusunog at binigay sa Diyos ay ang dambana ng sunugan ng handog.
Ang mga Kasangkapan ng Dambana ng Sunugan ng Handog Lahat ay Gawa sa Tanso
Ang mga kasangkapan ng dambana ng sunugan ng handog na ginamit upang alisin ang mga abo lahat ay gawa sa tanso. Ang dambana ng sunugan ng handog mismo ay gawa sa pagkalupkop ng tanso sa acacia, at maging ang dambana at mga kasangkapan nito lahat ay gawa sa tanso.
Itong tanso ng dambana ng sunugan ng handog ay may tiyak na espirituwal na kahulugan. Ang tanso’y tumutukoy sa hatol ng kasalanan sa harapan ng Diyos. Sa gayon, ang dambana ng sunugan ng handog ay isang lugar na malinaw na pinakikita sa atin na ang makasalanan ay tiyak na hahatulan sa kanilang mga kasalanan. Tiyak na hahatulan ng Diyos ang tao sa kanilang mga kasalanan. Ang lugar kung saan ang mga haing handog ay hinatulan alang-alang sa mga makasalanan sa pagsusunog ay itong dambana ng sunugan ng handog, ang dambana mismo at lahat ng mga kasangkapan nito ay gawa sa tanso; tulad niyaon, ang mga ito’y sinasabi sa atin na bawa’t kasalanan ay tiyak kailangan ng paghahatol.
Pinakikita sa atin ng dambana na dahil sa kanilang mga kasalanan, ay tao’y nahantong upang hatulan at patayin, nguni’t sa pagdadala ng kanilang haing handog sa dambana ng sunugan ng handog at ibibigay sa Diyos, sila’y mahuhugasan sa kanilang mga kasalanan, kakamtan ang kapatawaran ng kasalanan, at samakatuwid ay mabubuhay muli. Dito, ang mga handog na inihain sa dambana ng sunugan ng handog lahat ay sinasabi sa atin na ang bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang dugong dumanak ay pinatawad ang mga kasalanan ng mga mananampalataya. Kaya ang pananampalatayang ito na nagbigay ng haing handog sa dambana ng sunugan ng handog ay nagpatuloy sa panahon ng Bagong Tipan bilang pananampalataya sa bautismo at dugo ni Jesu-Cristo.
Kapag tayo’y nanalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas, dapat nating ibigay sa Diyos ang ating pananampalatayang nananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo bilang ating kapatawaran sa kasalanan. Sa Lumang Tipan, itong pananampalataya’y mababakas sa pananampalatayang magbubukas at papasok sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulong binurdahan sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Lahat ng mga Handog na Inihain sa Dambana ng Sunugan ng Handog ay Sumisimbulo kay Jesu-Cristo
Anong gagawin ni Jesu-Cristo nang Siya’y naparito sa mundo? Tayo’y mga makasalanan; tayo’y nagkasala sa Diyos at sinuway ang Kanyang Kautusan at mga utos. Nguni’t upang alisin lahat nitong ating mga kasalanan, si Jesu-Cristo’y binaustismo ni Juan at inalis ang mga kasalanan ng mundo, at sa gayo’y dumanak ang Kanyang dugo sa Krus. Tulad ng haing handog na pumasan ng mga kasalanan ng Israel ay isinalin sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay, at pinatay sa dambana ng sunugan ng handog, dahil si Jesu-Cristo’y naparito bilang walang-bahid na haing handog, at binautismo, Kanya ngayong mabububo ang Kanyang dugong hain sa Krus at mamatay alang-alang sa atin. Sa pagpako sa Kanyang mga kamay at paa at pagdanak ng Kanyang dugo, pinasan ng Panginoon ang hatol ng ating mga kasalanan para sa atin, sa halip na tayo ang mahatulan sa ating mga kasalanan. Sa gayon, Kanya tayong naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan at sumpa.
Anong ginawa ni Jesu-Cristo, Siyang naging tunay na sangkap nitong dambana ng sunugan ng handog, nang Siya’y naparito? Niligtas tayo ni Jesu-Cristo sa pagkuha ng lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, pagkapako at kamatayan sa Krus, at bumangong muli sa kamatayan. Ang ating Panginoon ay naparito, binuo ang tiyak na kaligtasan, at pagkatapos ay umakyat sa Kaharian ng Langit.
Tayo na Walang Magagawa Kundi ang Magkasala Araw-araw
Mayroon ibang kahulugan ang dambana ng sunugan ng handog, na “paitaas.” Sa katunayan, ikaw at ako’y nagkakasala araw-araw. Samakatuwid, kailangan namin laging ibigay ang aming haing handog sa Diyos, at dahil dito, ang usok ng paghatol ng ating mga kasalanan ay laging paitaas sa Diyos. Mayroon bang anumang araw na hindi ka nagkasala at nabuhay nang ganap? Ang mga haing handog ng bayan ng Israel ay patuloy na ibinibigay hanggang ang mga saserdote’y mapagod ng lubos sa pagbibigay nitong mga handog na nagpapatawad sa mga di-mabilang na kasalanan ng mga Israelita at hindi na magagawa pa ang mga ito. Dahil ang bayan ng Israel ay sinuway ang Kautusan at nagkasala sa Diyos araw-araw, kailangang araw-araw nilang ibigay ang mga haing handog.
Si Moises, kinatawan ng Israel, ipinahayag ang 613 na mga artikulo ng Kautusan at mga utos ng Diyos sa mga Israelita: “Kaya’t, ngayon, kung tunay na inyong susundin ang Aking tinig, at iingatan ang Aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa Akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka’t ang buong lupa ay Akin. At kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa Akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita ng inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel” (Exoso 19:5-6).
Kaya pinangako ng Israel, “Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin” (Exodo 19:8). Kaya kinailangan ng bayan ng Israel na kilalanin at manalig sa Diyos na nagpakita kay Moises at sinabi sa kanila sa pamamagitan niya bilang kanilang tunay na Diyos, at nais nila ang kalinga ng Diyos. Sa pagtalima sa lahat ng sinabi ng Diyos sa kanila, ninais din nila hindi lang maging isang espesyal na kayamanan sa Kanya, kundi isa ring kaharian ng mga saserdote at isang bayang banal ng Diyos. Sa gayon, sinikap nilang tupdin lahat ng mga utos ng Diyos na binigay sa kanila.
Alam ba ng Diyos na ang mga Israelita’y magkakasala? Alam Niya. Ito kung bakit tinawag ng Diyos si Moises sa Bundok ng Sinai, pinakita sa kanya ang Tabernakulo sa pangitain, detalyeng pinaliwanag ang anyo nito, sinabing itayo ito, at ipinatayo sa kanya alinsunod dito. At Kanyang ring tinaguyod ang pamamaraan ng paghahandog kung saan ang mga handog ay ibibigay sa Tabernakulong ito.
Nang naghanap ang bayan ng Israel upang magbigay ng handog sa kasalanan sa Diyos, dapat sila’y magdala ng isang walang-dungis na baka, tupa, kambing, batubato, o kalapati; at magtira ng ilang mga pinili, tiyakin nilang maililipat ang kanilang mga kasalanan sa kanilang haing handog sa pagpatong ng kanilang mga kamay sa ulod nito (Levitico 1:1-3). At kuhanin ang dugo nito sa pamamagitan ng paggilit ng leeg at ibibigay itong dugo sa mga saserdote. At kukuhanin ng mga saserdote ang dugo at ipapahid sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, ibubuhos ang ibang dugo sa lupa, pagpira-pirasuhin ang haing handog, ilalagay ang mga pirasong ito sa dambana, at ihahandog nila sa Diyos sa pagsunog ng mga ito.
Ganito kung paano mapapatawad sa mga kasalanan ang mga Israelita. Kapag ang handog ay nasunog, kailangan nilang sunugin di-lamang ang laman nito, kundi kanilang ring aalisin at susunugin lahat ng taba nito mula sa mga lamang-loob at ang atay. Sa paraang ito, pinatawad ng Diyos ang kanilang mga kasalanan.
Ang Tanging Paraan Upang Makamit ang Kapatawaran sa Lahat ng mga Kasalanan
Kung titignan ang ating mga sarili, ating mababatid lahat na tayo’y laging nagkakasala. Nabubuhay na laging nagkakasala. Di-mabilang ang nagagawang mga kasalanan at maraming dahilan, ito ma’y dahil tayo’y mahina, maraming dungis, sakim ng lubos, o taglay ang lubos na kapangyarihan. Maging yaong nananalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, wala ni isa ang di-nagkakasala.
Ang tanging paraan para sa atin, laging nagkakasala ng ganito kahit pa tayo nananalig sa Diyos, upang mahugasan lahat nitong mga kasalanan at maligtas ay ang manalig sa bautismo ni Jesu-Cristo. Siya ang Diyos mismong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo (1 Juan 5:6); Siya’y naparito bilang haing handog sa dambana ng sunugan ng handog sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Nang kinuha ni Jesus ang mga kasalanan sa pagbautismo at binayaran ang ating mga kasalanan sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus at namatay, paanong hindi nating makakamit ang kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya? Dahil sa pagliligtas ng ating Mesias na Jesu-Cristo, dahil sa pananalig ikaw at ako ay nakamit ang ating kapatawaran sa kasalanan nang minsanan.
Bagaman tayo nga’y nagkakasala lagi, dahil sa kaligtasan ng bautismo at dugong natupad ni Jesu-Cristo nang Siya’y naparito, tayo’y mapapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan. Kinuha ng ating Panginoon ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, pinasan ang mga kasalanan sa Krus at napako, at sa gayo’y buong pinalaya sa ating mga kasalanan. Sa pagbautismo para sa ating mga kasalanan, pagpasan sa sumpa ng lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang pagpako, at pagbangong muli mula sa kamatayan, ganap ang Kanyang pagligtas sa atin na mga nananalig sa katotohanang ito. Bagaman hindi natin maiiwasan kundi ang mahatulan sa ating mga kasalanan, dahil sa pag-ibig ng kaligtasan at habag na binigay ni Jesus sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, ikaw at ako’y naligtas dahil sa pananalig. Niligtas tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan. Dahil sa pananalig sa Kanya kaya tayo naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan. Ito ang pinapakita sa atin ng dambana ng sunugan ng handog.
Maaaring iniisip mong lahat ng nasa loob ng Tabernakulo’y magaganda, nguni’t kung ikaw ay papasok sa kanyang bakuran, makakakita ka nang di-inaasahan at mga nakaduduwal na tanawin. Ang tansong dambana ng sunugan ng handog, sukat parihaba, nagbabantang magsuka ng usok at apoy anumang oras. Ang tansong dambana’y naghihintay sa mga makasalanan, ang lupain nito’y basa sa dugo, at sinuma’y malalamang ito ang lugar ng paghatol sa kasalanan. Ito ang lugar kung saan ang mga haing handog ay binibigay araw-araw, mamangha ka sa lansa ng nasusunog na laman at kahoy.
Sa ilalim ng dambana ng sunugan ng handog, ang dugo’y dumadaloy na parang ilog. Sa tuwing magkakasala ang mga Isaelita, sila’y magdadala ng haing hayop sa Tabernakulo, ililipat ang kanilang mga kasalanan sa pagpatong ng kanilang mga kamay, gigilitin ang leeg, kukuhanin ang dugo, at ibibigay sa mga saserdote. At ilalagay ng saserdote ang dugo sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog at ibubuhos ang natira sa lupa.
At kanilang pagpira-pirasuhin, kasama ang mga bato at taba, ilalagay ang laman sa rehas at susunugin. Kapag nakuha ang dugo, ito’y halos tunaw sa umpisa, pulang dumadaloy. Nguni’t matapos ang ilang oras, ito’y mamumuo at magiging parang malagkit. Kung ika’y talagang nakapasok sa Tabernakulo, makikita mo itong mga nakatatakot na dugo.
Sa tuwing ang bayan ng Israel ay sumuway sa mga utos ng Diyos, sa pamamagitan ng dambana ng sunugan ng handog, kinikilala nilang kailangan silang mamatay tulad ng kanilang mga haing handog sa dambana. Bakit? Dahil gumawa ang Diyos ng Kanyang tipan sa kanila sa pamamagitan dugo. “Kung inyong tutupdin ang Aking Kautusan, kayo’y magiging Aking bayan at kaharian ng mga saserdote, nguni’t kung kayo’y mabibigong sundin ito, dapat kayong patayin tulad nitong mga haing handog.” Ganito itinalaga ng Diyos ang Kanyang tipan sa dugo. Tulad niyaon, ang bayan ng Israel ay tinanggap ito bilang isang katotohanan na kung sila’y nagkasala at sumuway sa Kautusan, kailangang dumanak ang kanilang dugo.
Sa katunayan, hindi lang ang mga Israelita, kundi yaong mga nananalig sa Diyos lahat ay dapat ding magbigay ng dugong hain para sa kanilang mga kasalanan. Pinakikita sa atin na sinumang magkasala sa Diyos at samakatuwid ay may kasalanan sa kanyang puso, gaanuman ang liit o laki nito, dapat humarap sa hatol nitong kasalanan sanhi nito. Bagaman ang utos ng hatol—na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan—angkop sa lahat sa hatol ng Diyos at sa gayo’y sinusubok na tupdin ang mga utos sa kanilang mga sarili sa kautusan ng kaligtasan ng Diyos nahayag sa Kanyang pamaraan ng alay.
Ang dambana ng sunugan ng handog ay sinasabi sa atin ayon sa kautusang nagtalaga na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, niligtas tayo ni Jesu-Cristo sa ating mga kasalanan at sumpa sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong nahayag sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Para sa atin, na laging nagkakasala at dapat hatulan dahil sa ating mga kasalanan, si Cristo’y naparito sa laman, kinuha lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang katawan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, pinasan ang mga kasalanang ito sa Krus, pinako at nagdanak ng Kanyang dugo, pinasan ang mga matinding hirap at sakit, inalay ang Kanyang sarili, at sa gayo’y naligtas ka at ako sa lahat ng ating mga kasalanan.
Ito’y dahil inalay ni Cristo ang Kanyang sariling katawan at sa gayo’y naligtas upang ikaw at ako’y mapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan dahil sa pananalig. Alang-alang sa mga di-makaiiwas sa kamatayan dahil sa kanilang mga kasalanan, kinuha lahat ni Jesus ang kanilang mga kasalanan sa Kanyang bautismo, namatay sa pagpako, bumangong muli, at sa gayo’y niligtas sila sa lahat ng kanilang mga kasalanan at sumpa.
Kapag ating tinitignan itong dambana ng sunugan ng handog, makalalapit tayong may pananalig dito. Makikita na ang haing handog ay laging inihain, malalaman natin at maniniwala na bagaman tayo ang kailangang mamatay dahil sa ating mga araw-araw na mga kasalanan, hindi tayo ang hiningan ng Diyos bilang mga haing handog sa Kanya, sa halip ang Panginoon ay naparito at tinupad ang ating kaligtasan. Sa pagbautismo, pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, at pagbangong muli mula sa kamatayan, niligtas tayo ni Jesus.
Ito ay bakit ang Diyos Ama’y tinanggap ang haing handog ng mga Israelita at pinatawad lahat ng kanilang mga kasalanan, sa halip na hatulan sila sa pagkakasala. Sa pagpapasalin ng kasalanan ng bayan ng Israel sa kanilang haing hayop sa pamamagitan ng pagpatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito, at sa pagpatay nito at pag-alay ng dugo, laman at taba sa Kanya, pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng Israelita. Sa haing handog, nahugasan din Niya lahat ng ating mga kasalanan. Walang iba kundi ang awa at pag-ibig ng Diyos.
Pinakitunguhan Tayo ng Diyos Hindi Lamang sa pamamagitan ng Kautusan
Kung hahatulan ka at ako ng Diyos, at lahat ng bayan ng Israel ayon lang sa Kanyang Kautusan, ilan ang mananatiling buhay dito sa mundo? Kung susukatin at hahatulan tayo ng Diyos sa pamamagitan lamang ng Kanyang Kautusan, wala ni isa sa atin ang mabubuhay kahit isang araw. Ang karamihan sa atin ay di-tatagal kahit 24 oras, mamatay kahit ilang oras. Ang iba sa atin ay mamamatay sa isang oras lang habang ang iba’y maaaring makatagal hanggang 10 oras, nguni’t ang kaibahan ay di-mahalaga—alin mang paraan, tayong lahat ay mamamatay. Ang tao’y hindi mabubuhay kasing-haba ng ngayon, aabot ng 60, 70, 80 at maging lampas nito. Walang panahon, bawa’t isa’y mahahatulan.
Isipin mo anong nangyari ngayong umaga. Ang iyong anak ay naghihirap pa rin sa kanyang higaan, dahil sa pagpupuyat sa party. Ang iyong asawa’y nagsisikap na magising. Isang sigawan ang susunod nito, ang iyong anak na sumisigaw sa kanyang ina dahil sa pagkagising, at ang iyong asawa’y sumisigaw sa iyong anak dahil sa pagsigaw sa kanya—at samakatuwid magsisimula ang umagang digmaan. Sa huli’y, ang ina at anak ay mahahantong na magkakasala sa Diyos, at wala sa kanila ang tatagal ngayon, dahil sila’y mahahatulan sa kasalanang ito.
Nguni’t pinakitunguhan tayo ng Diyos hindi lamang sa Kanyang makatuwirang Kautusan. “Siya’y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan” (Awit 103:10).
Malayo sa paghahatol ng makatwirang Kautusan sa atin, ang Diyos sa halip ay hinanda ang haing handog na hahalili sa atin, upang tuparin itong makatwirang Kautusan. Sa paglilipat ng ating mga kasalanan sa handog na ihahain sa pamamagitan ng pagpatong ng ating mga kamay dito, at sa pagbibigay natin sa Kanya ang dugo nitong handog sa halip ng ating sariling buhay, tinanggap ng Diyos ang haing handog sa halip ng ating sariling buhay, at pinatawad lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan, pati na ang atin at yaong sa mga Israelita, nagligtas tayo sa lahat ng mga ito, at ginawang mabuhay tayong muli. At sa pamamagitan ng pagliligtas sa mga mananampalataya sa kanilang mga kasalanan, sila’y ginawang sariling bayan ng Diyos. Ganito ang ginawa ng Diyos sa bayan Israel upang maging mga saserdote ng Kaharian ng Diyos.
Ang haing handog dito’y tumutukoy kay Jesu-Cristo. Dahil sa ating mga kasalanan, si Jesu-Cristo’y naging haing handog, at upang iligtas tayong mga haharap sa hatol ng kasalanan, kinuha Niya lahat ng ating mga kasalanan sa pagbautismo, nagdanak ng Kanyang dugo at namatay sa Krus. Upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ang bugtong na Anak ng Diyos ay naparito sa laman ng tao at naging haing handog sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, lahat sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Sa pagkuha Niya ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang bautismong tinanggap kay Juan, sa pagpasan nitong mga kasalanan ng mundo sa Krus, napako, nagdanak ng Kanyang dugo, at sa gayo’y inihain ang Sarili, at sa kamatayan at pagbangong muli mula sa kamatayan, lubos na niligtas ka at ako ni Jesus.
Kapag ating narinig ang Salita ng kaligtasang sinasabi sa atin na si Jesus, sa ating kinalalagyan, ay nabautismo, napako, at bumangong muli sa ikatlong araw, ang ating mga puso’y lubos na sumigla. Dahil Siya na walang-kasalanan ay tinanggap, sa halip na tayo, ang bautismong maglilipat lahat ng mga kasalanan sa Kanya, at bilang kabayaran sa mga kasalanang ito, pinasan Niya lahat ng uri ng pag-uusig, pagsisiil, pasakit, pagtitiis, at sa huli’y kamatayan, lahat ng mga ito’y dapat sa atin. Nang niligtas nga tayo ni Cristo sa ating mga kasalanan, wala ng iba pang higit na may masamang hangarin kundi ang hindi manalig sa katotohanang ito.
Dapat Tayong Manalig sa Kaligtasang Tinupad sa pamamagitan ng Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid
Kapag pinasan ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan at sumpa sa mga ito sa pamamagitan ng Kanyang bautismo para sa atin, at kapag niligtas ka Niya at ako sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sarili para sa atin, tayong lahat dapat ay taglayin ang uri ng pananampalatayang nagsasabing, “Salamat po, Panginoon!” Bagaman ang tao’y madaling sumigla sa mga kwentong pag-ibig, pagdating sa kanilang puso tungo sa walang-pasubaling pag-ibig ng Diyos, sila’y kasing-lamig ng yelo. Kapag lubos ang biyaya ng ating Panginoon na Siya’y binautismo at namatay sa Krus alang-alang sa atin, mayroon pa ring mga malupit na tao ang di-malalaman itong biyaya at hindi magpapasalamat sa Kanya.
Si Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, ay naparito at naging haing handog para sa atin. Tinanggap Niya lahat ng ating kasalanan sa Kanyang katawan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pag-aalay ng Kanyang sarili sa pagsuko ng Kanyang katawan sa Krus. Siya’y sinampal, hinubaran, inusig at siniil, lahat para sa atin. Ganito kung paano Niya tayo niligtas. Sa pananalig sa katotohanang ito kaya tayo naging mga anak ng Diyos. Ito ang pinakadakilang inspirasyon sa lahat, ang dakilang biyaya ng Diyos na di-maipaliwanag sa salita. Kung ganito tayo niligtas ni Cristo, buong kalungkutan makikita sa maraming tao ang patuloy na hindi nananalig at nagpapasalamat sa Kanya kahit matapos itong marinig.
Dahil si Jesus ay naparito sa mundo, tinanggap ang Kanyang bautismo, at inalay ang Kanyang sarili upang ikaw at ako’y maligtas sa lahat ng ating mga kasalanan. Datapuwa’t, sinasabi sa Isaias 53:5, “Nguni’t Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.”
Buong buhay natin tayo’y nagkakasala. Upang iligtas tayo, mga di-makaiiwas kundi ang mahatulan, sa lahat ng ating mga kasalanan, hahatulan, kapahamakan at mga sumpa, iniwan ng Panginoon ang trono ng Kaharian ng Langit, at pumanaog dito sa mundong ito. Niyuko ang Kanyang ulo kay Juan at nagpabautismo, pinasan ang mga kasalanang ito sa Krus at lubos na nagtiis, binubo lahat ng dugo ng Kanyang puso sa lupa, bumangong-muli, naging haing handog para sa atin, at naging tunay na Diyos ng ating kaligtasan.
Naiisip mo ba ang katotohanang ito at isinasapuso ito? Kapag iyong narinig ang Salita, wasto lamang na ikaw ay manalig at lubos na magkaroon ng inspirasyon sa inyong mga puso na si Jesu-Cristo nga’y naparito sa laman, at Siya’y binautismo, pinako, at bumangong muli upang iligtas ang Kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan. Kung ating nalalaman na tayong lahat ay patungong impiyerno, malalaman natin ng buong puso paano ang kalakihan ng pagpukaw at pasasalamat nitong kaligtasan. Bagaman ninais nating manalig sa Diyos at maging Kanyang bayan, walang ibang paraan upang makamit ito. Nguni’t sa iyo at sa akin, mga tunay na naghahanap ng ating kapatawaran sa kasalanan, tinagpo Niya tayo sa Salita ng katotohanang si Cristo’y naparito, binautismo, namatay sa Krus, at bumangong muli sa ikatlong araw.
Kung hindi sa alay na ito ni Jesus, paano natin makakamtan ang ating kaligtasan? Hindi natin makakamit! Kung hindi sa bautismo ni Jesus at sa dugo sa Krus, at kung hindi sa kaligtasan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong makikita sa Tabernakulo, ang kaligtasa’y isang hatinggabing panaginip lamang ito sa atin. Kung hindi sa Kanyang pag-aalay, kailanma’y hindi tayo mapapalaya sa ating mga kasalanan at makaiiwas sa kanilang parusa, kundi’y mabubulid sa walang-hanggang apoy ng impiyerno at maghihirap magpakailanman. Nguni’t niligtas tayo ni Cristo sa pag-aalay ng Kanyang sarili para sa atin, tulad ng pag-aalay ng handog sa Lumang Tipan.
Ang Kaligtasan ng Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid Tinupad sa Bagong Tipan
Mga minamahal kong mambabasa, huwag mong kalilimutan ang katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit sa Tabernakulo. Ang mapinong binurdang lino ay ang Salita ng Luma at Bagong Tipan, ang Salitang pinangako ng Diyos noon pa na Siya mismo’y paparito sa atin bilang ating sariling Tagapagligtas, at ayon sa pangakong ito, si Jesu-Cristo’y naparito sa mundo. Ang bughaw na sinulid ay sinasabi sa atin na si Cristo, sa pagparito sa mundo, kinuha lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo. Siya’y binautismo, ayon sa pangakong Kanyang ililigtas tayo sa ating mga kasalanan at palalayain sa ating hatol. Upang kuhanin ang ating mga kasalanan at mga kasalanan ng bawa’t isa, Siya’y binautismo ni Juan, at pinasan nga lahat ng ating mga kasalanan. Huwag nating kalilimutan ito, dahil kung ating kalilimutan na si Jesus ay naparito bilang ating haing handog at kinuha lahat ng ating kasalanan sa Kanyang bautismo, mawawala ang kaligtasan.
Kadalasan, tayo’y nabubuhay sa mundong ito nakahugpong ang isang malaking kahambugan sa ating mga sarili. Ang puso ng mga tao’y gayon na lamang bagaman hindi nila matitiis ang pagmamayabang ng isa, sila mismo’y gustong magmayabang gayunpaman. Nguni’t dumating ang isang panahon nang ako’y nagsimulang magmayabang hindi ng aking sarili, kundi ng iba, at ito ay noong ako’y nagpasalamat kay Jesus sa pagliligtas sa akin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa ibang salita, ako’y nagmayabang para kay Jesus. Ngayon, aking sinasabi at nagmamalaki ng maraming ulit na si Jesus ay naparito; upang alisin ang ating mga kasalanan, Kanyang kinuha lahat ng ating kasalanan sa bautismo; na si Jesus ay papatayin dahil sa Kanyang bautismo; at ganito kung paano tayo niligtas ng ating Panginoon. Hindi ako pumapalya sa pagmamayabang nitong katotohanan, upang ipangaral, at ibigay ang lahat ng luwalhati sa Diyos.
Nguni’t maraming mga tao ang siyang, bagaman sinasabing naniniwala kay Jesus, pinangangaral ang Salita habang iniiwan ang Kanyang bautismo, o pinagyayabang ang kanilang sarili sa paghiram ng Kanyang pangalan. Mayroong isang huwad na ministrong dating umaangkin na gumugugol lamang siya ng 300 dolyar sa isang buwan. Animo’y parang isang malaking katuparan, nagmamalaking sapat na ang 300 dolyar isang buwan, at hindi na niya kailangan pang kumuha ng anumang salapi kapag siya’y naglalakbay dahil binabayaran ng kanyang mga tagasunod ang kanyang gastusin. Nguni’t ang salapi ba ng mga mananampalataya’y hindi salapi? Ang salapi bang ito’y hindi ibibilang sa anumang bagay, dahil ang kanyang salapi lamang ang mahalaga? Itong Kristiyanong lider ay umangkin na nagdarasal lamang siya kung siya’y may kailangan. “Panginoon, saklawin Ninyo ang gugulin sa aking paglalakbay! Naniniwala ako sa Inyo, Panginoon!” Sa panalanging ito, ang mga hinirang ay sumulpot at binigyan siya ng maraming salapi, kanyang patotoo. Sa gayong tao nagsasabi ng nitong mga bagay animo’y may maipagmamalaki, anong uri ng kaisipan ang nasa inyong mga isipan?
Sa Mateo 3:13-17 ay sinabi, “Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya’y bautismuhan Niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’”
Nilalarawan ng talatang ito anong nangyari nang bautismuhan si Jesus. Nang si Jesus ay binautismo ni Juan sa Ilog ng Jordan at umahon mula sa tubig, ang pintuan ng Langit ay nabuksan at narinig ang tinig ng Diyos Ama: “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.” Si Juan Bautismo ay natigilan sa oras na yaon.
Si Juan Bautista ay namangha ng dalawang beses sa Ilog ng Jordan. Una siya’y natigilan nang makita niya na si Jesus ay palapit sa kanya at nais magpabaustimo sa kanya, at siya’y natigilang muli nang ang pintuan ng Langit ay nagbukas at narinig ang tinig ng Diyos Ama nagsasabing, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.”
Anong dahilan kailangang bautismuhan ni Juan Bautista si Jesus? Sa Mateo 3:15 ay binigay sa atin ang sagot. Ating basahin ang mga talata 15 at 16 muli: “Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya.”
Sinasabi sa atin sa Mateo 3:15 ang dahilan bakit binautismo ni Juan si Jesu-Cristo. Bagaman si Jesus ang Mataas na Saserdote ng Kaharian ng Langit at bugtong na Anak ng Diyos, gayunpaman Siya’y naparito upang tayo’y maligtas, ang Kanyang bayan, mula sa ating mga kasalanan. Sa ibang salita’y, naparito si Jesus bilang haing handog na magbabayad ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga ito at pag-aalay alang-alang sa atin. Ito ay kung bakit hinanap ni Jesus si Juan upang pabautismo.
Nguni’t bakit binautismo ni Juan Bautista si Jesus? Dahil si Juan ang kinatawan ng sangkatauhan, dahil siya ang dakila sa lahat ng isinilang ng babae. Sinasabi sa Mateo 11:11, “Sa gitna ng mga babae ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista.” Si Juan Bautista ay lingkod ng Diyos na inihula sa panahon ng Lumang Tipan sa Aklat ng Malakias: “Narito Aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon” (Malakias 4:5). Si Juan Bautista ay siyang si Elias na pinangakong isusugo ng Diyos.
Bakit tinawag ng Diyos si Juan Bautista bilang si Elias? Si Elias ay isang propetang nagpabalik ng mga puso ng mga Israelita sa Diyos. Sa panahong iyon, ang bayan ng Israel ay sumasamba kay Baal bilang kanilang diyos, nguni’t malinaw na pinakita ni Elias kung sino ang tunay na Diyos, kung ito nga ay si Baal o ang Jehova Diyos. Siya ang propeta na ang kanyang pananampalataya at sa pamamagitan ng haing handog, pinakita sa bayan ng Israel kung sino talaga ang buhay na Diyos, at sa gayon inakay sila, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, pabalik sa tunay na Diyos. Ito ay kung bakit sa katapusan ng Lumang Tipan, pinangako ng Diyos, “Aking susuguin sa inyo si Elias.” Dahil lahat ng sangkatauhan, mga nilikha sa anyo ng Diyos, ay nasa maling daan ng diyus-diyosan at pagsamba sa diablo, sinabi ng Diyos na Kanyang isusugo ang Kanyang lingkod na mag-aakay sa kanila pabalik sa Diyos. Ang isusugong darating ay si Juan Bautista.
Sinabi sa Mateo 11:13-14, “Sapagka’t ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hangang kay Juan ay nagsipanghula. At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya’y si Elias na paparito.” Itong si Elias na darating ay walang iba kundi si Juan Bautista. Sa talatang 11-12 ay nasusulat, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Sa gitna ng mga babae ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng lahat ay lalong dakila kay sa kaniya. At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.”
Kaya kapag sinasabi rito na “Sa gitna ng mga babae ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista,” ibig sabihin na isinugo ng Diyos si Juan Bautista bilang kinatawan ng buong sangkatauhan. Ipinasilang ng Diyos si Juan Bautista sa mundong ito anim na buwan bago ang pagsilang ni Jesus. Inihanda siya ng Diyos bilang huling propeta at saserdote ng Lumang Tipan. Samakatuwid, bilang Mataas na Saserdote ng mundo, binautismo ni Juan si Jesus at sa gayo’y inilipat lahat ng kasalanan ng tao sa Kanya. Sa ibang salita, ang dahilan bakit binautismo ni Juan si Jesus ay upang ilipat lahat ng kasalanan ng tao sa Kanya dahil sa Kanyang bautismo.
Ito ay kung bakit sinabi ni Jesus sa Mateo 3:15, “Payagan mo ngayon: sapagkat ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Dahil lahat ng katuwiran ay matutupad lang kapag si Jesus ay tinanggap ang Kanyang bautismo mula kay Juan Bautista upang tanggapin lahat ng kasalanan ng mundo, sinabi ni Jesus ito ang nararapat.
Niligtas nga ng Ating Panginoon ang mga Makasalanan sa Paraang Ito
Itong bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan ay siya ring pagpapatong ng mga kamay sa Lumang Tipan. Ito, sa ibang salita, ang pagpatong ng mga kamay na gagawin sa dambana ng sunugan ng handog sa panahon ng Lumang Tipan upang isalin ang mga kasalanan sa haing handog. Sa pagparito sa mundo at pagbautismo, tinupad ni Jesu-Cristo ang pangako ng pagpapatong ng mga kamay—ang pangakong ginawa sa tuwing ang mga araw-araw na handog ay ibinibigay kung saan ang mga makasalanan ay ililipat ang kanilang mga kasalanan sa haing handog sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito, at sa tuwing ang taunang handog ay ibinibigay sa ika-sampu ng ikapitong buwan, ang araw ng dakilang pagpapatawad, kung saan ang Mataas na Saserdote’y isasalin ang isang taong halaga ng mga kasalanan ng lahat ng mga Israelita sa haing handog sa pagpapatong ng kaniyang mga kamay sa ulo nito.
Tulad ng pagpapatong ng mga kamay sa Lumang Tipan, dahil tinanggap lahat ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili sa pagbautismo, hinugasan Niya lahat ng mga kasalanang ito, pinasan Niya ang hatol nitong mga kasalanan alang-alang sa atin at pinako. Ganito kung paano si Jesu-Cristo’y magiging tunay na Diyos ng ating kaligtasan.
Sa gayon, dapat nating aminin na dahil sa ating mga kasalanan, hindi natin maiiwasan ang ating tiyak na kamatayan at sumpa. Dapat nating malaman at maramdaman ito. At dapat nating mabatid na si Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas ay niligtas tayo sa pagparito at pag-aalay alang-alang sa atin—ito ay, sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa ng kaligtasan sa Kanyang bautismo, pagpako, at pagbangong muli, hinugasan ni Jesu-Cristo lahat ng ating mga kasalanan at ganap na niligtas tayo sa ating mga kasalanan. Dapat din tayong maniwalang binigay ni Jesus sa atin ang handog ng kaligtasan, na Kanyang tinupad ang ating kaligtasan at binigay sa atin itong buong kaligtasan bilang Kanyang handog sa atin. Tinupad ni Jesus lahat ng katuwiran, upang ang siyang mananalig at tatanggap, tiyak na maliligtas.
Upang mabatid natin ito, ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y binurda sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ito rin ang dahilan bakit kailangan muna nating makita ang dambana ng sunugan ng handog kung ating bubuksan at papasok sa pintuan nitong bakuran ng Tabernakulo. Ang mga handog na binigay sa dambana ng sunugan ng handog ay larawan ng pamamaraan ng kaligtasan kung saan niligtas tayo ni Jesu-Cristo. Ang mga handog na iaalay sa dambana ng sunugan ng handog ay kailangang tanggapin ang mga kasamaan ng makasalanan sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay at pagdanak ng dugo hanggang mamatay alang-alang sa mga makasalanan. Ang dugo ng mga haing handog ay ilalagay sa mga sungay ng dambana, at ang natira’y ibubuhos sa lupa. Pagkatapos, kanilang ihahandog ang laman at taba ng mga hayop sa dambana bilang mga handog na susunugin. Ito ang mga paraan kung saan ang mga haing handog ay binigay sa Diyos. Lahat nitong mga katangian ng mga haing handog ay katulad ng pamamaraan kung saan si Jesu-Cristo’y naging ating Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng mga haing handog, sa ibang salita’y, pinakita ng Diyos sa atin na si Jesu-Cristo’y paparito at ililigtas tayo sa ganitong paraan.
Walang kabiguan, ang mga kamay ng mga makasalanan ay kailangang ipatong sa mga haing handog sa dambana ng sunugan ng handog. Ito ay kung bakit ang Tabernakulo’y sinasabi sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pagparito sa mundo, si Jesu-Cristo’y binautismo upang kuhanin ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang bautismo ay larawan ng kaligtasang tinanggap ni Cristo upang maging haing handog sa lahat ng mga makasalanan sa harap ng Diyos Ama.
Sa pamamagitan nitong Tabernakulo, tayo ngayo’y magtataglay ng malinaw na pananampalataya. Tulad ng haing handog na tumanggap ng mga kasalanan ng bayan ng Israel sa Araw ng Pagtubos sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote, at tulad ng pangangailangang ialay sa halip na sila dahil sa kanilang mga kasalanan ay nailipat na lahat (Levitico 16), si Jesu-Cristo’y naparito upang kuhanin lahat ng ating mga kasalanan at upang maging ating sariling haing handog para sa mga kasalanang ito, naging atin ngang haing handog, at sa gayo’y naligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan at sumpa. Maaari na ngayon tayong ganap na maniniwala sa kaligtasan ng pag-ibig na ito. Sa paniniwala sa katotohanang ito’y mapapasalamatan at mababayaran ang ating utang sa Diyos para sa kaligtasan ng pag-ibig na Kanyang binigay sa atin.
Gaano man ang kaalaman sa Tabernakulo, kung hindi siya mananalig, kaya lahat nitong mga kaalaman ay walang-saysay. Tulad niyaon, dapat nating malaman, maging manalig, kung gaano ang kahalagahan ng bautismo ni Jesu-Cristo. Ang Tabernakulo’y may tatlong pintuan, lahat ng mga ito’y binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang tao’y mailalahad ang bawa’t kaibahan ng pintuan ng Tabernakulo dahil sa kanilang kamangmangan.
Sa pagkasunud-sunod ng mga sinulid, ang unang pamburda ay bughaw na sinulid, susundan ng kulay-ubeng sinulid, pulang sinulid, at mapinong binurdang lino. Tanging sa paggawa ng ganitong paraan ay wastong mailalarawan bilang tunay ng pintuan ng Tabernakulo, dahil ito ang talagang utos ng Diyos sa mga Israelita upang gawin ito sa panahon ng Lumang Tipan.
May isang dahilan bakit ang mga pintuan ay kailangang gawin sa ganitong paraan. Paano man isinilang si Jesu-Cristo bilang Tagapagligtas ng sangkatauhan sa laman ng tao at sa pamamagitan ng katawan ni Birheng Maria, kung hindi Siya binautismo upang kuhanin ang ating mga kasalanan sa unang pagkakataon, hindi Siya ang magiging tunay na Tagapagligtas natin. Kung hindi Siya binautismo, hindi rin Siya mapapako at mamamatay sa Krus. Tulad niyaon, ang bughaw na sinulid ay kailangan munang ipangburda at mahalagang kaugnayan nito ay kailangan din.
Kanino Tayo Dapat Manalig?
Samakatuwid, dapat tayong manalig kay Jesu-Cristong nagligtas sa ating mga kasalanan. Tayo’y tunay na magiging isinilang na muli lamang kung tayo’y mananalig sa kaligtasang binigay ng Anak ng Diyos, si Jesu-Cristo ating Tagapagligtas. Kung tayo’y mananalig sa Anak ng Diyos bilang Diyos ng ating kaligtasan, at kapag tayo’y nanalig sa katotohang Siya’y naparito, kinuha ang ating mga kasalanan nang minsanan sa pamamagitan ng bautismo para sa atin, at pinasan ang ating hatol sa Krus, makakamit nating lahat ang tunay na kaligtasan.
Dahil hindi makukuha ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan sa iba pang paraan kundi sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, tanging sa pagpasan ng ating mga kasalanan nitong hustong paraan kaya Siya’y makapupunta sa Krus, nagdanak ng Kanyang dugo at namatay. Gaano man kung paano Siya bilang Anak ng Diyos at kung paano Siya naparito bilang ating Tagapagligtas, kung hindi Niya kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, ang ating kaligtasa’y di-masusumpungang sa mundong ito.
Samakatuwid, kailangan-kailangan para sa iyo upang detalyeng patotohanan ang mga katibayan ng Biblia upang magkaroon ng matibay na paniniwala na ang iyong mga kasalanan ay inalis na.
Ating ipalagay sandali na ikaw ay may malaking pagkakautang. At may nagsabi sa iyo, “Huwag kang mag-alala; babayaran ko para sa iyo. Hindi na kailangang pang mag-alala; lulutasin ko ang suliraning ito.” Sa tuwing makikita mo siya, laging sasabihin nitong tao sa iyo, “Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na huwag kang mag-alala? Sinabi ko sa iyo na aking aayusin ito!” Ating lubusang ipalagay na ang taong ito’y nagalit, nagtatanong bakit ayaw mong maniwala. Kahit pa sinasabi nitong tao sa iyo araw-araw, “Binayaran ko na lahat, basta magtiwala ka sa akin,” kung hindi talaga niya binayaran ang iyong pagkakautang, talaga bang mapapalaya ka sa utang dahil lamang sa paniniwala sa kanya? Hindi!
Gaano man ang tiyak niyang sabihin sa iyo, “Kung magtitiwala ka sa akin, lahat ng iyong utang ay malulutas,” kung hindi talaga niya ito binayaran, kung gayon ang iyong utang ay mananatili, at nililinlang ka lang ng taong ito. Kaya paulit-ulit mong itatanong sa kanya, “Bakit mo binayaran ang aking utang?” At kanyang paulit-ulit na sasabihin sa iyo, “Bakit ka nag-aalinlangan? Basta’t walang-pasubali kang magtiwala sa akin! Sinabi ko sa iyong binayaran ko lahat ng iyong utang. Ang gagawin mo lamang ay maniwala, nguni’t ika’y naghihinala! Huwag kang tulad nito!” Kaya, ating ipalagay muli, nagtiwala ka sa iyong buong puso. Nguni’t gaano man ang iyong paniniwala sa kanya, kung hindi talaga niya binayaran ang iyong utang, kung gayon ang lahat ng kaniyang mga salita’y pawang mga kasinungalingan.
Ganito Kung Paano ang Pananampalataya ng mga Kristiyano Ngayon
Ang mga Kristiyano ngayo’y nagsasabi, “Niligtas ka ni Jesus sa pagdanak ng Kanyang mahalagang dugo sa Krus. Pinasan Niya lahat ng sumpa ng kasalanan doon. Ganito ka Niya niligtas.” Maraming pastor ang nangangaral tulad nito sa kanilang kalipunan. Ang sinuman sa kalipunan ang magsalita sa kanila, “Nguni’t ako’y makasalanan parin,” kanilang sasabihin, “Iyan ay dahil sa iyong maliit na pananalig. Manalig ka lang! Walang iba kundi ang iyong di-paniniwala ay ang iyong kasalanan!” Ginoo, ako ma’y nais manalig. Nguni’t hindi ko alam kung bakit hindi ako nananalig.” “Hindi ko alam kung bakit ako’y makasalanan pa rin bagaman ako’y nananalig. Nananalig akong tunay.” “Wala kang sapat na pananalig. Kailangan kang manalig pa. Umakyat ka sa isang bundok at subukang mag-ayuno. Manalig ka habang nag-aayuno.” “Hindi ba ako maaaring manalig kahit hindi nag-aayuno?” “Hindi, kailangan mong manalig habang nag-aayuno ka.”
Maraming mga pastor ngayon ang nagsasabing manalig ka, nguni’t hindi nila nalulutas ang kanilang suliranin sa iyong mga kasalanan, at kanila lamang sinasaway kayo sa di-pananalig. Sa iyong bahagi, nagsisikap kang manalig nguni’t mahirap ang manalig, o bulag kang naniniwala at ang iyong suliranin sa mga kasalanan ay nananatili. Anong mali rito? Anong paliwanag nito? Ang tao’y hindi magkakaroon ng tunay at malakas na pananalig dahil hindi nila nalalaman na kinuha ni Jesus lahat ng kanilang mga kasalanan sa Kanyang bautismo. Dahil naniniwala sila sa mga kahibangan kung saan hindi nila malulutas ang suliranin ng kanilang mga kasalanan gaano man ang kanilang pananalig.
Ang pananalig ba’y nagmumula lang sa walang-pasubaling paniniwala nang walang tiyak na katibayan? Hindi! Ang buong pananalig lahat ay nagmumula agad kapag iyong nalalaman kung paano nilutas ang suliranin ng kasalanan at nanalig dito. “Bagaman ako’y nag-alinlangan sa Inyo, malinaw na Inyo ng nilutas ang suliranin ng aking mga kasalanan. Gaano man ang aking pagtangkang di-maniwala, naniniwala ako sa Inyong kaligtasan, dahil tiyak ang kaligtasang ito. Salamat po sa paglutas ng aking suliranin.” Bagaman sa una’y mag-aalinlangan tayo, dahil ang katibayan ng ating kaligtasan ay tiyak hindi na tayo muling mag-aalinlangan. Bilang tanda ng ating kaligtasan at katibayan nito, pinakita ni Jesus sa atin ang Kanyang resibo tinatawag na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. “Aking binayaran ang iyong utang sa paraang ito.” Tanging sa resibong ito nagpapakita na lahat ng ating mga utang ay nabayaran na saka darating ang tunay na pananalig.
Hindi tayo makakapanalig kahit pa ating sabihing nananalig tayo sa Diyos, kay Jesu-Cristo, ang Diyos mismo, ating Tagapagligtas, at amining naniniwala tayo sa Tagapagligtas, gayong wala tayong katibayang niligtas Niya tayo at kung paano inalis ang ating mga kasalanan. Sa ibang salita, hindi tayo magkakaroon ng matatag na tiwala hanggang hindi natin nakikita ang resibong nagbayad ng buo sa mga kabayaran ng kasalanan. Ang taong nananalig ng di-nakikita ang resibong ito maaaring taglay ang isang matibay na pananalig sa simula, nguni’t ang kanilang pananalig, sa katunayan, ay bulag na pananalig. Isang panatikong pananalig.
Iyo bang Kinikilala ang isang Panatikong Pananalig bilang isang Mabuting Pananalig?
Paano mo magugustuhan kung ang isang pastor na may panatikong pananalig at hingin ang gayong panatiko mula rin sa iba? “Manalig! Tanggapin ang alab! Alab, alab, alab! Ang Banal na Espiritung tulad ng apoy, puspusin mo kami ng alab! Naniniwala akong pagpapalain kayong lahat ng Panginoon! Naniniwala akong pagyayamanin Niya kayong lahat! Naniniwala akong pagpapalain Niya kayong lahat! Naniniwala akong pagagalingin Niya kayo!” Kapag ang gayong pastor ay nagpakita ng ganitong palabas, ang mga tainga ng nakikinig ay magsisimulang kumampana at magtatatalon ang kanilang mga puso. Sila’y mamangha sa damdamin, animo’y isang matibay na pananalig nga ang dumating, at mananaghoy, “Halika Jesu-Cristo! Halika, Banal na Espiritu!”
Sa oras na ito, ang pastor ay lalong mag-aantig sa mga damdamin ng nakikinig sa pagsasabing, “Tayo’y manalangin. Naniniwala akong ang Banal na Espiritu ngayon ay nananaog at pinupuspos tayong lahat.” Pagkatapos ang musiko’y tumutugtog ng nakasisiyang mga himno, itataas ng mga tao ang kanilang mga kamay, masigla, at ang bugso kanilang ng damdamin ay mararating ang sukdulan. Sa tamang hudyat, sasabihin ng pastor, “Ating ibigay ang ating mga kaloob. Natatangi sa gabing ito, nais ng Diyos na tumanggap ng espesyal na handog mula sa inyo. Ating ibigay lahat itong espesyal na handog sa Diyos.”
Mangha sa kanilang mga damdamin, ang tao’y magsisimulang magbibigay. Itong huwad na pastor ay naghanda na malaking pulpito na may sapat na kalakihan upang magkamal ng lahat ng salaping nalikom, at maglalagay ng mga lalagyanan ng mga kaloob sa harapan. Kapag ang musiko ay magsimulang magpatugtog ng mga himno at ang mga puso ng tao’y namangha sa galak, kanya ngayong ipalilibot ang mga lalagyan ng mga kaloob sa mga nakikinig.
Sa pagsisinungaling na higit na kaloob ay nangangahulugang higit na mga pagpapala, at sa pamamagitan ng pag-antig ng mga damdamin ng tao, ang gayong mga huwad na pastor ay nag-uudyok sa tao na sila’y umiyak at buksan ang kanilang mga pitaka. Kanyang ipaaabot ang kanilang salapi ng di-nalalaman sa pag-aagaw sa kanila ng kanilang katwiran at pang-unawa at sa halip ay pamamanghain sila sa kanilang mga damdamin. Ito’y hindi batay sa Salita ng Diyos, ni anumang uri ng sermon, kundi isang panatiko at bulag na gawaing panlilinlang. Tulad nito, ang mga panatikong pastor ay inaantig ang damdamin ng mga tao upang makamit ang kanilang sariling mga lihim na layunin.
Kung alam nating kinuha ng Panginoon ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, at kung nananalig tayo kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas, kung gayon hindi tayo maliligalig, kundi mananatilig mapayapa. Ang tanging bagay na magpupukaw sa atin ay pinasan ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at pinako hanggang kamatayan. Kapag ating inalala lahat ng ito, na si Jesus na Diyos mismo, kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at namatay sa pagbayad nitong mga kasalanan, tayo’y naging lubos na mapagpasalamat, at ang ating mga puso’y puspos ng dakilang kalagakan. Subali’t, itong kapanatagan sa ating mga puso ay higit sa anumang bagay ng mundong ito; alinma’y hindi sa romantikong pahayag ng pag-ibig, ni anumang handog ng pinakamahalagang diamante nitong mundo ang magpupukaw ng lubos sa atin kaysa dito.
Sa kabaligtaran, ang pagpukaw sa damdamin ng mga panatiko’y hindi magtatagal. Bagaman sila’y mananahan ng ilang sandali sa ganitong pagpukaw, kapag sila’y araw-araw na nagkakasala at nalagay sa kahihiyan sanhi ng gayong mga kasalanan, sila’y magtatakip ng mga mukha sa kahihiyan. “Kung pinasan ni Jesus ang ating sumpa at namatay sa Krus para sa atin, bakit araw-araw pa rin akong nagkakasala?” Ikukubli nila ang kanilang mukha at hindi na muling mapupukaw sa paglipas ng panahon; higit dito, sa kahihiyan, ay hindi na makalalapit pa sa Diyos.
Ito ay kung bakit pinakita ng Diyos sa atin ang dambana ng sunugan ng handog. Ang handog na inalay sa dambana ng sunugan ng handog ayon sa pamamaraan ng paghahandog ay walang iba kundi si Jesu-Cristo ating Tagapagligtas. Tulad niyaon, ang dambana ng sunugan ng handog pinakikitang si Jesus ay naparito at sa katunaya’y minsanan tayong niligtas sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Itinulot ng Diyos na makita natin itong dambana ng sunugan ng handog, at nais Niyang maligtas tayo sa pamamagitan ng pananalig rito.
Anong Dapat Nating Gawin sa Panahong Ito?
Maraming bagay tayong mga isinilang na muli na dapat gawin sa panahong ito. Una sa lahat, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Dapat nating ikalat ang katotohanan sa mga taong nanatiling mangmang nitong katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at sa gayo’y dapat nating silang tulungang maligtas mula sa sumpa ng apoy ng impiyerno. Bakit? Dahil maraming tao ang sumusunod kay Jesus nguni’t di-nalalaman at di-naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung pinakita sa Tabernakulo.
Upang mapalawig itong katotohanan sa kanila, maraming bagay pa rin ang aming magagawa. Kailangan mapalathala ang aming mga aklat na pinamamahagi sa buong mundo; mula sa pagsasalin, babasahing-muli, at iwawasto upang ang mga aklat na ito’y makamit ang mga laang-salapi sa pagpapalathala at ipadala sa lahat ng mga bansa, tunay na maraming kailangang gawin.
Kaya sa tuwing nakikita ninyo ang aming mga kapwa manggagawa at mga ministro, makikita ninyo kung gaano sila abala. Dahil ang mga hinirang at mga manggagawa ng Iglesia ng Diyos ay abala sa ganitong paraan, sila’y dumadaan sa mga mga mahirap na panahon sa pisikal. Sinasabi na ang mga mananakbo sa karera ay nararating ang isang tiyak na dako sa kanilang 42.195 kilometrong daraanan na sila’y magiging hapung-hapo hindi na sila nakatitiyak na kung sila’y tumatakbo o gumagawa ng kakaibang bagay. Ang matinding pagkahapo ay mababakante ang kanilang isipan. Maaaring tayo rin ay narating na ang kalagayang ito sa ating pagtakbo para sa ebanghelyo. Namumuhay para sa ebanghelyo tulad ng pagtakbo ng mahabang takbuhan tungo sa ating layon nang walang-tigil, tulad ng ginagawa ng mga mananakbo. Dahil ang ating pagtakbo para sa ebanghelyo’y dapat magpatuloy hanggang sa pagdating ng Araw ng Panginoon, lahat tayo’y haharap sa paghihirap.
Nguni’t dahil ang ating Panginoon ay nasa atin, dahil taglay natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dahil ang ating pananampalataya’y nananalig na niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at dahil naniwala tayo sa pinakatiyak na katotohanan, lahat tayo’y makakamit ang bagong kalakasan. Dahil binigay ni Jesus sa atin ang handog ng kaligtasan kaya ikaw at ako’y natamo itong handog. Kaya ang ating mga paghihirap sa laman ay di-magliligalig sa atin. Salungat nito, lubos na kahirapan, lubos na kalakasan ang masusumpungan ng matuwid. Tunay akong nagpapasalamat sa Panginoon.
Sa espirituwal na mga puso, sa ating mga kaisipan, at sa ating mga kapaligiran, mararamdaman natin ang bagong lakas na binigay ng Panginoon sa atin, ay Siya’y nasa atin. Dahil mararamdaman natin na tinutulungan at tangan Niya tayo, at Siya’y sumasaatin, lalong pasasalamat ang maibibigay natin sa Kanya. Kaya, sinabi ni Apostol Pablo, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” (Filipos 4:13). Atin ngayong araw-araw na mapapahayag na wala tayong magagawa kung hindi tayo bibigyan ng lakas ng Panginoon. Hindi lamang binautismo si Cristo, kundi Siya rin ay inalay para sa atin sa pagpako, hinarap ang Kanyang sariling kamatayan, bumangong muli mula sa kamatayan, at sa gayo’y naging ating tunay na Tagapagligtas. Sa tuwing ating titignan ang dambana ng sunugan ng handog, mapapaalala natin ang ating mga sarili sa katotohanang ito.
Ang dambana ng sunugan ng handog ay gawa sa kahoy ng acacia, at ito’y pinahiran ng makapal na tanso. Ang taas nito’y 1.35 metro, at ang rehas, pinagdugtong na tanso, ay inilagay sa gitna nito, halos 68 sentimetro ang taas. Ang laman ng mga handog ay inilalagay sa rehas nito at susunugin.
Sa tuwing makikita natin ang dambana ng sunugan ng handog, makikita natin ang ating mga sarili bilang tayo. Makikita rin natin na kinuha ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan sa pagbautismo sa Kanyang laman, at Kanyang pinasan lahat ng hatol ng ating mga kasalanan sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Ikaw at ako’y di-maiiwasan kundi ang mamatay sa harap ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan at sumpa. Dahil sa ating mga kasalanan at sumpa, ikaw at ako’y di-makaiiwas sa kamatayan at masumpa magpakailanman. Nguni’t dahil kay Jesus, naparito bilang ating walang-hanggang handog ng pagtutubos, binautismo, at namatay, lahat para sa atin, tulad ng haing handog sa Lumang Tipan, tayo’y naligtas.
Ang haing hayop ay maaaring maganda at nakasisiyang alagaan kapag buhay pa, nguni’t gaanong nakapangingilabot kapag ito’y magdugo hanggang kamatayan, gilit ang leeg, matapos nitong tanggapin ang mga kasalanan sa pagpapatong ng mga kamay? Tayong nararapat na mamatay nitong nakapangingilabot na paraan, nakalaya sa ating hatol ay tunay na dakilang pagpapala. Itong pagpapala’y naging posible dahil binigay ng Panginoon sa atin ang handog ng kaligtasan. Tulad ng makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, nang si Jesus ay naparito sa laman ng tao, niligtas ka at ako sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus, at sa gayo’y binigay sa atin ang tunay na handog ng kaligtasan. Binigay nga ng Diyos sa iyo at sa akin ang handog ng kaligtasan—naniniwala ba kayo rito sa inyong mga puso? Naniniwala ka ba itong handog ng kaligtasan, ang pag-ibig ni Jesus? Tayong lahat ay dapat taglayin itong pananampalataya.
Kapag ating tinitignan ang dambana ng sunugan ng handog, dapat nating malaman na sa ganitong paraan niligtas tayo ni Jesu-Cristo. Siya’y inalay tulad nito upang ibigay sa atin ang handog ng kaligtasan. Ang mga kamay ay ipinatong sa haing handog, at ang haing ito’y nagdugo hanggang kamatayan, binigay ni Jesus sa atin ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng ganitong paghihirap. Ganito kung paano Niya tayo niligtas sa ating mga kasalanan. Dapat natin itong mabatid, manalig sa Diyos, at buong pusong magpasalamat sa Kanya.
Nais ng Diyos na makamit natin sa pamamagitan ng handog at pag-ibig ng kaligtasang Kanyang binigay sa atin. Nais Niyang manalig tayo sa ating mga puso sa kaligtasan ng bautismo at dugo sa Krus na Kanyang tinupad sa pagparito sa tubig at Espiritu. Umaasa ako na kayong lahat ay manalig sa pag-ibig ng ating Panginoon sa inyong mga puso at tunay na tanggapin nila ang Kanyang handog ng kaligtasan. Tunay bang tinatanggap ng inyong mga puso?
Sino ang Inalay sa Ganitong Paraan para sa Iyo?
Minsan ako’y nakakita ng isang maliit na babasahin ukol sa paglalahad ng ebanghelyo nagsasabing, “Sino ang mamamatay para sa iyo? Sino ang iyong nasalubong ngayon upang magbigay ginhawa sa iyo? Si Jesu-Cristo’y inalay para sa iyo. Hindi ba guminhawa ang iyong puso rito?” Sino talaga ang magpapasan ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at kamatayan sa Krus alang-alang sa iyo upang alisin ang iyong mga kasalanan? Sinong magdadanak ng lahat ng kanyang dugo at mamatay upang ipagkaloob ang kanyang pag-ibig sa iyo? Sino ang handang humarap nitong pag-aalay para sa iyo? Ang iyong bang mga kamag-anak? Iyong mga anak? Iyong mga magulang?
Wala sa kanila! Ang Diyos mismo na humirang sa iyo. Upang maligtas ka sa iyong mga kasalanan, itong Diyos ay naparito sa laman ng tao, binautismo upang kuhanin ang iyong mga kasalanan, pinako at nagdanak ng Kanyang dugo upang pasanin ang hatol sa iyong mga kasalanan, naging iyong tunay na Tagapagligtas, bumangong muli mula sa kamatayan, nabubuhay hanggang ngayon, at binigay sa atin ang Kanyang kaligtasan ng pag-ibig sa inyong mga puso? Naniniwala ka ba talaga sa iyong puso?
Sinuman ang nanalig ay tatanggapin ang Panginoon, at simuman ang tumanggap sa Kanya’y maliligtas. Ang pagtanggap sa Kanya’y nangangahulugang tatanggapin ang kaligtasan at pag-ibig na binigay ni Cristo sa atin. Sa pananalig ng ating mga puso sa pag-ibig na ito, itong kapatawaran ng mga kasalanan, pagpasan ng mga kasalanan, at itong sumpa ng mga kasalanan, tayo’y naligtas. Ito ang pananampalatayang tumatanggap ng handog ng kaligtasan.
Lahat ng bagay sa Tabernakulo’y inihahayag si Jesu-Cristo. Ang Diyos ay hindi humingi ng anumang hain mula sa atin. Tanging Kanyang hinihiling sa atin na tayo’y manalig sa handog ng kaligtasang Kanyang binigay sa ating mga puso. “Upang ibigay sa iyo ang handog ng kaligtasan, ako’y naparito sa mundo. Tulad ng haing handog sa Lumang Tipan, tinanggap Ko lahat ng iyong mga kasalanan na inilipat sa Akin sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay, at tulad nitong haing handog, pinasan Ko ang nakapangingilabot na hatol ng iyong mga kasalanan para sa iyo. Ganito Ko kayo niligtas.” Ito ang sinasabi ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Tabernakulo.
Gaano man tayo niligtas ng Diyos, minahal Niya tayo ng lubos, at binigay sa atin ang handog ng kaligtasang ganap sa paraang ito, kung hindi tayo mananalig, lahat ay mawawalang-saysay. Ang asin sa iyong tukador ay dapat munang ilagay sa iyong sabaw upang ito’y maasnan; gayon din, kung ikaw at ako’y di-mananalig ng ating mga puso, maging ang Kanyang ganap na kaligtasa’y magiging lubos na walang-saysay. Kung hindi tayo magpapasalamat ng ating sariling mga puso, ang pag-aalay ni Jesus ay magiging walang-halaga.
Ang kaligtasan ay mapapasaiyo lamang kung anong alay at pag-ibig ni Jesus, ang Diyos na Tagapagligtas, na binigay sa iyo, tatanggapin ang mga ito ng inyong mga puso at pasalamatan Siya dahil sa mga ito. Kung hindi mo tatanggapin ang ganap handog na kaligtasang ni Cristo sa inyong mga puso kundi’y uunawain lamang sa inyong mga ulo, kung gayon ito’y magiging walang-saysay.
Ang Dapat Mo Lang Gawin ay Sunggaban ang Katotohanan
Hindi mahalaga kung gaano ang pagkulo ng sabaw sa kalan; kung iyong aakalain lang sa iyong sarili na iyong inilalagay ang asin nguni’t hindi mo naman ginagawa, hindi maaasnan ang iyong sabaw. Maliligtas ka lamang kung inyong tinanggap sa inyong mga puso at manalig na niligtas kayo ng Panginoon sa inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at alay para sa atin, tulad ng haing handog na inalay sa dambana ng sunugan ng handog. Kapag binibigay ng Diyos sa inyo ang handog ng kaligtasan, basta tanggapin ito ng may pasasalamat. Kapag sinasabi ng Diyos sa atin na lubos Niyang niligtas tayo, ang wastong dapat nating gawin ay ang manalig.
Ang pag-ibig ba na binigay ng Diyos sa inyo’y hindi buong-puso? Hindi! Ang pag-ibig ng ating Panginoon ay ganap. Ang ating Panginoon, sa ibang salita, niligtas ka at ako ng buo at ganap. Dahil ganap na kinuha Niya ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at tiyak na namatay sa Krus, tayo’y walang-duda sa pag-ibig na ito. Ganap Niyang niligtas tayo at binigay sa atin itong handog ng kaligtasan. Tayong lahat ay dapat tanggapin itong handog ng kaligtasang binigay ng Diyos sa atin.
Ating ipalagay panumandali na ako’y may tangang isang nakapahalagang alahas gawa sa mamahaling mga hiyas. Kung ibibigay ko sa iyo bilang isang handog, ang iyo lamang dapat gawin ay likas na tanggapin ito. Hindi ba ito ang pangyayari? Anong dali nito para sa iyo upang ito’y mapasaiyo? Upang mapasaiyo itong alahas, ang dapat mo lang gawin ay umabot at kuhanin. Iyon lang.
Kung iyo lamang bubuksan ang inyong mga puso at ilipat lahat ng inyong mga kasalanan kay Jesus sa Kanyang bautismo, inyong makakamit agad ang kapatawaran ng inyong mga kasalanan at pupunan ang inyong mga pusong ng katotohanan. Ganito ang sinabi ng Panginoon na Kanyang ibibigay sa atin ang kaligtasan bilang handog. Ang kaligtasa’y mapapasaiyo sa pamamagitan lamang ng pag-abot at pagkuha nito.
Ating nakamit ang ating kaligtasan bilang isang handog, di-nagbayad kahit kusing. At dahil ang Diyos ang Siyang nalugod na magbigay nitong handog kaninumang nagnanais, mapalad yaong tumanggap na may pasasalamat. Ang mga tumanggap ng pag-ibig ng Diyos na may galak ay dinamtan ang Kanyang pag-ibig, at sila ang umiibig sa nagbigay, dahil sa pagtanggap nito, binigyang-lugod nila ang Kanyang puso. Ang pagtanggap nitong handog ay ang wastong bagay na gawin. Kapag inyo lamang ganap na tinanggap ang handog ng kaligtasang binigay ng Diyos sa inyo nitong tunay na handog ng kaligtasa’y mapapasaiyo. Kung hindi ninyo tanggapin ng inyong mga puso, ang handog ng kaligtasa’y di-mapapasainyo, anuman ang inyong pagsisikap.
Ako rin, ay nakamit itong handog ng kaligtasan. “Ah! Ang Panginoo’y binautismo sa paraang ito para sa akin. Sa bautismo’y, Kanyang pinasan ang hatol ng lahat kong mga kasalanan. Siya’y ganap na binautismo alang-alang sa akin. Salamat sa Inyo, Panginoon!” Ito ang aking pinaligan. Ako, samakatuwid, ay walang-kasalanan. Nakamit ko ang ganap na kapatawaran ng kasalanan. Kung ikaw din, ay nais na tanggapin itong kapatawaran ng kasalanan at maligtas, tanggapin ito ngayon.
Napag-isip ko na itong handog ng kaligtasan sa lahat ng oras mula noon. Kahit ngayon, kapag naiisip itong muli, nabatid ko na wala ng magagawa pa kundi magpasalamat sa Panginoon sa aking kaligtasan. Dahil itong pag-ibig ng kaligtasa’y nasa aking puso, hindi ko ito malilimot. Nang aking unang tanggapin ang aking kapatawaran ng kasalanan dahil sa pagtanggap at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, walang-hanggan akong nagpapasalamat sa Diyos. At kahit ngayon, matapos ang maraming taon na lumipas, taglay ko pa rin itong pusong nagpapasalamat, at nababago araw-araw.
Si Jesus ay tiyak na pumarito upang iligtas ako, binautismo upang kuhanin lahat ng aking kasalanan, at namatay sa Krus upang pasanin ang hatol ng aking mga kasalanan. Nang mabatid na lahat ng mga ito’y ginawa para sa akin, agad kong tinanggap ang mga ito at inaring akin. Nababatid ko lagi na ito ang pinakamagandang bagay na aking ginawa sa aking buong buhay, ang pinakamatalinong gawa sa lahat. Ako ngayo’y nananalig na tunay na minahal ako ng Panginoon at kumakalinga sa akin, at ako ri’y nanalig at inihayag na ginawa Niya lahat ng mga ito dahil iniibig Niya ako. “Panginoon, sa Inyo ang aking buong pasasalamat. Tulad ng Inyong pag-ibig sa akin, iniibig ko rin Kayo.” Ang paghayag nga’y isang dakilang galak para sa isinilang na muli.
Ang pag-ibig ng Panginoon ay walang-hanggang di-nagbabago. Tulad ng Kanyang pag-ibig sa ati’y di-nagbabago magpakailanman, gayon din ang ating pag-ibig sa Kanya’y di-nagbabago. Kung minsan, kapag tayo’y naghihirap, ang ating mga puso’y maaaring maligaw at maaaring ating malimot at itatwa itong pag-ibig. Nguni’t kahit tayo’y nilalamon ng hirap at nabibigo tayo sa ating mga pagkabatid, at kahit na lahat ng ating maalala’y ating sariling hirap, matapat tayong tangan ng Diyos upang ang ating mga puso’y hindi limutin ang Kanyang pag-ibig.
Magpakailanman tayong iniibig ng Diyos. Na ang ating Panginoo’y naparito bilang isang nilikha alang-alang sa atin dahil inibig Niya tayo sa Kanyang sariling kamatayan. Ngayo’y nagsusumamo akong manalig kayo sa pag-ibig ng Diyos para sa inyong mga sarili. At tanggapin sa inyong mga puso. Nananalig ka ba ngayon?
Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa ganap na pagliligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan nitong pag-ibig.