• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-10] Ang Pananampalatayang Nahayag sa Hugasang Tanso (Exodo 30:17-21)

(Exodo 30:17-21)
“At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, ‘Gagawa ka rin ng hugasang tanso, at ang tungtunga ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng Tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig. At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa. Pagka sila’y pumapasok sa Tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila’y huwag mamatay, o pagka sila’y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon. Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay, at magiging isang palatuntunan magpakailanman sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.’”
 
 
Ang Hugasang Tanso sa Bakuran ng Tabernakulo 
 
Materyales: Gawa sa Tanso, ito’y laging puno ng tubig.
Kahulugang espirituwal: Ang tanso ay ang hatol sa lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan. Upang pasanin ang hatol ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, kinuha mismo ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pagbautismo ni Juan. Tulad niyaon, ang kahulugan ng hugasang tanso na tayo’y mahuhugasan sa lahat ng ating mga kasalanan dahil sa pananalig na lahat ng mga kasalanang ito’y inilipat kay Jesus sa Kanyang bautismo.
Ang mga saserdoteng naglingkod sa Tabernakulo’y hinugasan din ang kanilang mga kamay at paa sa hugasan bago pumasok sa Tabernakulo at sa gayo’y maiiwasan ang kanilang kamatayan. Ang tanso’y tumutukoy sa hatol ng lahat ng kasalanan, at ang tubig sa hugasan ay tumutukoy sa bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan at kung saan Kanyang kinuha mismo ang mga kasalanan ng mundo. Sinasabi sa atin ng hugasan na tinanggap ni Jesus lahat ng kasalanang inilipat sa Kanya at pinasan ang hatol ng mga kasalanang ito. Ang ibig sabihin ng tubig sa hugasan, sa Lumang Tipan, ang bughaw na sinulid ng Tabernakulo, at sa Bagong Tipan, ang bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan (Mateo 3:15, 1 Pedro 3:21).
Kaya ang hugasan ay tumutukoy sa bautismo ni Jesus, at ito ang lugar ating pinatutunayan ang ating pananampalatayang pinasan lahat ni Jesus ang mga kasalanan, maging ang ating mga kasalanan, at minsanang hinugasan lahat sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan Bautista halos 2,000 taong nakalipas.
Narito ang mga matuwid sa mundong ito na isinilang na muli dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sila ang mga nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga lakas dahil sa pananalig na lahat ng kanilang mga kasalana’y napatawad sa pamamagitan ng mga gawa ni Jesus nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Subali’t, kahit ang matuwid na nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan ay hindi sapat sa kanyang laman, walang magagawa kundi ang magkasala araw-araw, at ang gayong mga kasalanan ay tinatawag na tunay na mga kasalanan. Ang lugar kung saan ang matuwid na nagkamit ng kanilang kapatawaran ng kasalanan ay dumating upang lutasin ang kanilang mga kasalanan ay walang iba kundi itong hugasan. Sa tuwing ang matuwid ay nagkakasala, sila’y lalapit sa hugasan sa bakuran ng Tabernakulo at huhugasan ang kanilang mga kamay at paa, at sila ngayong mapapatunay ang katotohanang pinatawad na sila ni Jesus sa lahat ng kanilang mga kasalanan maging sa pananalig sa nakasulat na Salita ng Diyos.
Sa Biblia, ang tubig kadalasa’y tumutukoy din sa Salita ng Diyos, nguni’t ang pinakamahalagang kahulugan ng tubig ay ang bautismo ni Jesus. Sinasabi sa Efeso 5:26, “upang Kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, at sinasabi sa Juan 15:3, “Kayo’y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo’y aking sinalita.” Ang hugasan ay nagbibigay kakayanan sa mga banal na hinirang nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan upang maangking ang katibayang pinatawad ng Panginoon lahat ng kanilang mga kasalanan sa tubig gaano man walang-kasapatan ang kanilang laman.
Sinabi sa 1 Pedro 3:21 at 22, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo. Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat Niya sa langit, na ipinasakop sa Kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.” Bago ang mga talatang ito, pinaliwanag ni Pedro ang espirituwal na kahulugan ng tubig sa panahon ni Noe. Bagaman binalaan ni Noe ang mga makasalanan, ang mga kaluluwang nakagapos ng kasalanan sa ibang salita, ng bahang maglilinis ng lahat ng karumihan ng unang mundo, walo lamang ang naligtas sa pamamagitan ng tubig. Ang tubig baha sa panahong iyon pinuksa lahat ng mga di-nanalig sa Salita ng Diyos. At ngayon, hinango ni Pedro ang pangyayari sa baha na ang bautismo ni Jesus ay ang larawan nitong tubig. Tulad niyaon, ang hugasan ay ang lugar kung saan patutunayan muli ang ating kaligtasan sa harap ng Diyos nang tayo at pagkatapos tayong maligtas.
Ang mga hinirang na naligtas sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig ay dinamtan ng biyaya ng Diyos dahil sa pananalig sa tubig ng hugasan (ang bautismo ni Jesus), tanso (paghahatol ng Diyos sa lahat ng kasalanan), at pagligtas ni Jesus sa kanila mula sa kanilang mga kasalanan. Kahit pa tayo puno ng kahinaan at mga pagkukulang halos hindi natin makilala ang ating mga sarili bilang matuwid, tiyak na mapapatunayan na tayo’y ganap na matuwid dahil ating pinagkatiwalang muli ang ating pananampalataya sa bautismo ni Jesus (pagpasan ng mga kasalanan, tubig) at Kanyang dugong dumanak sa Krus (ang hatol ng mga kasalanan, tanso). Dahil tayo’y nananalig sa Salita ng Diyos na nagligtas ng lahat ng ating mga kasalanan at sa hatol ng mga kasalanang ito, tayo’y laging magiging matuwid na walang-kasalanan.
Ang Salita ng Diyos na ating pinapalinigan sinasabi sa atin na kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan, dumanak ang kanyang dugo sa Krus upang pasanin lahat ng hatol ng mga kasalanan alang-alang sa atin, at sa gayo’y ganap na niligtas tayo sa ating mga kasalanan. Nilagay ng Diyos ang hugasan sa bakuran ng Tabernakulo upang mapatunayan ang ating pananalig na tayo’y, anuman ang mga pangyayari sa atin, ang mga ganap na naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan.
 
 
Ikaw Ba’y Walang-hanggang Napalaya na sa Lahat ng Iyong mga Kasalanan?
 
Noong Huling Hapunan, matapos ibahagi ang tinapay ng Paskua at mga inumin sa Kanyang mga alagad, si Jesus, matapos mamatay sa Krus, ninais Niyang hugasan ng tubig ang paa ni Pedro at ang ibang alagad. Dahil kinuha na ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng Kanyang mga alagad sa Kanyang bautismo, nais Niyang ituro sa kanila ang katotohanan ng hugasang tanso. Sinabi ni Jesus sa kanila na matapos bautismuhan, Siya, bilang Cordero ng Paskua, ay babayaran ang bayarin (kamatayan) ng kasalanan sa pamamagitan ng pagsabit sa isang puno. Tulad niyaon, ang labingdalawang alagad ni Jesus, bagaman nanatiling walang-kakayanan matapos manalig sa Kanya, hindi na muling naging mga makasalanan.
Gayundin, ang katotohanang hinugasan ni Jesus ang kanilang paa’y pinatunayan sa kanila kung ano ang pinatotoo ng Salita ng katotohanan—na hinugasan na ni Jesus lahat ng kanilang kasalanan. Ganito kung paano ang mga alagad ipapangaral sa tao na si Jesus ay ang Tagapagligtas ang ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na Kanya ng tinupad (Hebreo 10:1-20). Ang hugasan nga’y itinulot sa matuwid na naligtas sa lahat ng kanilang mga lakas sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan upang maalala ang bautismo ni Jesus. Ito’y magbibigay sa kanila ng udyok ng kaligtasang pinalaya sila ng Diyos. 
 
 
Hindi Nakatala sa Biblia ang Sukat ng Hugasang Tanso
 
Habang ang sukat ng lahat sa Tabernakulo’y nakatala, ang sukat ng hugasan ay hindi. Pinakikita sa atin ang katotohanang kinuha ni Jesus, Anak ng Diyos, ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo ay walang-hanggang dakila. Sinasabi rin sa atin na ang pag-ibig ni Jesus na Siyang nagligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan at hatol ay walang-limitasyon. Sa hugasan ay pinakita ang dakilang pag-ibig ng Diyos na di-masusukat. Ang tao’y nahantong na patuloy sa kasalanan habang siya’y nabubuhay. Nguni’t sa pagkuha ng lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili sa Kanyang bautismo, at sa pagpako at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, inalis ni Jesus lahat ng ating kasalanan magpakailanman.
Ang hugasan ay gawa sa tinunaw na tansong salaminan ng mga babaeng naglilingkod sa Tabernakulo (Exodo 38:8). Ibig sabihin nito na ang Salita ng Diyos ay nagniningning ng liwanag sa kaligtasan sa mga makasalanan at inalis ang kanilang karimlan. Dapat nating mabatid na pinagawa ng Diyos ang hugasan upang Siya mismo’y mahugasan ang ating mga kasalanan. Itong Salita ng katotohanan ay nagliwanag sa mga kasalanan ng tao nakatago sa kahibuturan ng kanilang mga puso, hinugasan ang kanilang mga kasalanan magpakailanman, at binigay sa kanila ang kapatawaran ng mga kasalanan, at sa gayo’y sila’y ginawang matuwid. Sa ibang salita, ang hugasang tanso’y may malaking layon ng malinaw na nagpapatotoo ng katotohanan si Jesu-Cristo’y niligtas tayong mga makasalanan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. 
 
 
Ang Hugasan ay Gawa Rin sa Tanso
 
Alam mo ba kung ano ang kahalagahan ng tansong ginamit sa paggawa ng hugasan? Ang tanso’y tumutukoy sa hatol ng kasalanang ating haharapin. Upang lalong tiyak, sinasabi sa atin na dinala ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa Krus sa Kanyang bautismo at hinatulan alang-alang sa atin. Tayo ang dapat na hatulan dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t sa pamamagitan ng tubig sa hugasan, ating mapapatunayang muli na lahat ng ating mga kasalanan hinugasan na. Ang mga nananalig dito ay yaong mga nahatulan na sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, at samakatuwid hindi na sila muling mahaharap sa paghahatol.
Ang hugasang puno ng tubig ay sinasabi sa atin, “Sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, hinugasan na ni Jesus ang inyong mga kasalanan at ganap na niligtas sa mga kasalanan. Ginawa ka Niyang malinis.” Ang hugasan, ay ang positibong katibayan para sa matuwid na nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan kaya sila’y nahugasan ng kanilang mga kasalanan at naligtas.
Ang dambana ng sunugan ng handog ay nangangahulugang hatol ng kasalanan, habang ang hugasan, ay kaugnay ng bughaw na sinulid sa mga materyales ng Tabernakulo, sinasabi sa atin na kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo sa Bagong Tipan.
Tayo’y makapapasok lamang sa Banal na Dako kapag ating binuksan at pumasok sa pintuan bakuran ng Tabernakulo, dadaan sa dambana ng sunugan ng handog, at pagkatapos ay ang hugasan. Ang mga makapapasok sa Tabernakulo kung saan nananahan ang Diyos ay yaon lamang mga dumaan sa dambana ng sunugan ng handog at ang hugasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Tanging yaong tumanggap ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa katotohanan ng hugasan sa labasan ng bakuran ng Tabernakulo ang makapapasok sa Banal na Dako.
Ang sinumang magtangkang pumasok sa Banal na Dako sa pamamagitan ng kanyang lakas, lalabas ang apoy mula sa Banal na Dako at lalamunin ang taong ito. Maging ang mga anak ni Aaaron ay hindi liban dito, at ang iba sa kanila, sa katunayan, nangamatay sanhi nito (Levitico 10:1-2). Ang mga mangmang sa katuwiran ng Diyos sa pagpasan ng mga kasalanan at hatol at isawalang-bahala ang katotohanang ito ay mamamatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Ang taong magtangkang pumasok sa Kaharian ng Diyos sa pananalig ayon sa kanyang sariling mga kaisipan sa halip na manalig sa Kanyang labis na masalimuot na kaligtasan sa kasalanan ay tiyak na haharap sa hatol ng apoy dahil sa kanilang mga kasalanan. Dahil sa di-maiiwasang hatol ng kasalanan, ang tanging naghihintay sa kanila bilang parusa ay ang impiyerno.
Nabuo ni Jesus ang ating kaligtasan sa kasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino upang tayo’y makapapasok sa Banal na Dako. Dahil sa pananalig sa katotohanang ito kaya tayo lubos na naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan. Itinalaga ng Diyos ang Kanyang plano upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan kahit bago pa ang paglikha, at detalyeng pinaalam sa atin ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng katotohanan ng bughaw na sinulid (ang bautismo ni Jesus), ang pulang sinulid (ang kamatayan ni Jesus sa Krus), at kulay-ubeng sinulid (ang Diyos ay naging tao) sa Biblia. At ayon sa planong ito, Kanya ngang niligtas lahat ng makasalanan sa kanilang mga kasalanan at kasamaan sa pamamagitan ng mga gawa ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Sa 1 Juan 5:4 ay sinasabi, “At ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya,” at ito’y sinundan ng talatang 10, nagsasabing, “Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya.” Ano itong patotoo ng kaligtasan? Ang ebanghelyo ng katotohanang nagbigay sa atin ng kaligtasan sa pamamagitan ng tubig, dugo at Espiritu ay ang patotoo ng ating kaligtasan sa Anak ng Diyos (1 Juan 5:6-8). Sa ibang salita’y, tanging ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung ating pinapanaligan ay ang katibayang hinugasan ng Diyos ang ating mga kasalanan ginawa tayong Kanyang sariling bayan. Ang tanging daan lamang upang tayo’y maligtas sa lahat ng kasalanan, makapapasok sa Banal na Dako, kakain sa tinapay ng buhay na binigay ng Diyos, at mamumuhay sa Kanyang biyaya ay ang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pamamagitan nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung naglilinis ng ating mga kasalanan, tayo’y dapat na maligtas at mamuhay ng pananalig sa pakikiisa sa Iglesia ng Diyos.
Sa pamamagitan ng katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tayo’y makakakain ng Salita ng Diyos sa Kanyang Iglesia, makipag-isa rito, at mamuhay bilang matuwid na ang dalangi’y dinidinig ng Diyos. Kapag nanalig tayo sa katotohanang ito, tayo’y magiging matuwid na may pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at mamuhay na dinamtan ng biyaya ng Diyos sa Kanyang harapan. Ang buhay pananalig kung saan tanging mga bayan ng Diyos ay nagmumula lamang sa pananalig sa tubig, dugo at Espiritu. Tayo’y maliligtas sa lahat ng ating kasalanan dahil sa pananalig ng ating mga puso sa bautismo ni Jesus, Kanyang dugong dumanak at kamatayan, at si Jesus ang mismong Diyos. Ang pananampalatayang nagtulot sa iyo na mamuhay sa Iglesia ng Diyos ay ang pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Sa panahon ngayon, maraming tao ang nagsasabi, “Ang tanging magagawa natin ay manalig lang kay Jesus; bakit paaabala sa lahat ng mga kaguluhang ito? Huwag nating aksayahin ang ating oras sa mga walang-kabuluhang pag-uusap at manalig lamang sa anumang paraang ating inaakalang angkop.” Sa gayong mga tao, tayo’y maaaring maging mga panggulo lamang sa Kristiyanismo, nguni’t ang tiyak na malinaw na ang sinumang manalig kay Jesus nang di-natatamo ang kapatawaran ng kasalanan, dapat niyang harapin ang walang-hanggang hatol. Ang di-pananalig ng husto sa ebanghelyo ng tubig, dugo at Espiritu’y isang huwag at maling pananampalataya. Ito sa katotohana’y di-pananalig kay Jesus bilang Tagapagligtas.
Upang aking makuha ang pagkampi ng ibang taong di-kilala, bulag na ipipilit sa dayuhang ito, “Naniniwala ako sa iyo,” siya’y makukumbinse, “Itong taong ito ay dapat na maniwala sa akin,” at masisiyahan ukol dito? Salungat nito, maaaring kanyang sasabihin, “Kilala mo ako? Sa tingin ko’y hindi kita nakikilala.” Kung aking sasabihin sa kanya muli, “Nguni’t naniniwala pa rin ako sa iyo,” at titingin sa kanya ng matang mataimtim sinisikap na siya’y masiyahan, siya ba kung gayo’y masisiyahan? Maaaring kanyang iisipin lamang na ako’y isang manghihibo na walang tigas ng loob, na nagtatangkang basahin lamang ang kanyang isipan at langisan ang kanyang pagkampi.
Ang Diyos ay hindi nalulugod sa taong bulag ang paniniwala sa Kanya. Kapag ating sinabing, “Naniniwala ako sa Diyos. Naniniwala ako kay Jesus na Tagapagligtas ng mga makasalanan,” sa gayon dapat nating ipahayag ang ating pananalig sa Kanya matapos malaman at manalig kung paano kinuha ni Jesus ang mga kasamaan ng mga makasalanan. Kung tayo’y mananalig nang hindi nag-iisip o bulag, waring wala tayong katauhan, kung gayon hindi tayo maliligtas. Tayo’y naligtas lamang nang tayo’y manalig sa pag-aalam muna ng malinaw kung paano pinaglaho ni Jesus ang ating mga kasalanan. Kapag ating sinabing tayo’y naniniwala kaninuman, inilalagay natin ang ating tunay na tiwala sa taong ito dahil nakikilala natin siyang sapat at kinikilala itong tao bilang kapani-paniwala. Ang paglagay ng tiwala sa isang taong di-nakikilala ng husto nangangahulugang tayo lang ay nagsisinungaling o tayo’y mga hangal nangununa sa kadayaan. Tulad niyaon, kapag ating ipinahayag na naniniwala kay Jesus, dapat nating tiyak na malaman kung paano napaglaho ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan. Sa gayon lang hindi tayo pababayaan ng Panginoon sa huling sandali at makapapasok sa Langit bilang isinilang na muling mga anak ng Diyos.
Ang tunay na pananampalatayang mag-aakay sa atin sa Langit ay ang pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Sa ibang salita, ang tunay na pananampalataya ay ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagligtas sa atin sa pamamagitan ng tubig (ang bautismo ni Jesus), ang dugo (ang kamatayan ni Jesus), at ang Banal na Espiritu (si Jesus ay Diyos). Dapat nating alamin kung gaano ang dakila ng biyaya ng ating Panginoong nagligtas sa atin, at manalig dito, dahil ang pananalig sa katotohanang ito ang mag-aakay sa ating kaligtasan.
Kung ang pananampalataya ng isa’y lubos o hindi ay malalaman lang kung ang taong ito’y nalalaman ang katotohanan o hindi. Maaari kang maniwala kay Jesus bilang iyong Tagapagligtas lamang kung kayo’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa inyong mga puso. At itong pananalig kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, Siyang nagbigay sa atin ng kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay ang tunay na pananampalatayang nagligtas sa ating mga kasalanan.
 
 
Ang Hugasan Ay ang Pagpapatunay sa Kaligtasan ng Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan 
 
Ang hugasan ay puno ng tubig. Ito’y nakalagay sa harap ng Banal na Dako. Ang hugasan ay ang dakong nagpapaalala sa ating mga sarili na ating natamo ang kapatawaran ng kasalanan, at pinatunay ang pagtanggap dahil sa pananampalataya. Ito ang patunay ng katotohanang nilinis ng Diyos ang lahat ng kasalanan ng mga mananampalataya. Tulad ng paglilingkod ng mga saserdote sa Banal na Dako ay hinuhagasan ang kanilang mga kamay at paa sa hugasang tanso sa kapag sila’y marumihan, ang mga tumanggap ng kapatawaran ng kasalanan, sa tuwing sila’y magkakasala, hinuhugasan din ang gayong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapa-alala ng kanilang mga sarili at patunayang muli, sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, na si Jesus din ay inalis na itong mga kasalanang dumungis sa kanila at nagtubos sa kanila maging sa pamamagitan ng paghahatol.
Tayo’y madudungisan dahil tayo’y patuloy na nagkakasala habang narito sa mundong ito. Saan anong paraan mahuhugasan itong mga kasalanang nagdudungis sa atin? Mahuhugasan natin ang mga ito sa pananalig kay Jesu-Cristo, ang Hari ng mga hari, naparito sa mundong ito 2,000 taong nakalipas sa laman ng tao upang iligtas ang mga makasalanan, kinuha ang kanilang mga kasalanan sa Kanyang bautismo, nagbuhos ng Kanyang dugo sa Krus, at sa gayo’y napatawad ang mga makasalanan. Makakamit natin ang kapatawaran ng kasalanan at mahuhugasan ng lubos ang mga kasalananang ito kapag tayo’y nanalig sa katotohanang kinuha ni Jesus lahat ng mga kasalanan sa pagbabautismo. Malilinisan din ang ating mga kasalanan, sa ibang salita, kung tayo’y mananalig sa katotohanang ito na hinugasan na ng Diyos ang lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
 
 
Dapat Tayong Magkaroon ng Pananampalataya na Umaalam at Nananalig sa Katotohanan ng Hugasang Tanso
 
Ang di-pananalig sa hugasan, kailanman tayo’y di-makapapasok sa Banal na Dako kung saan ang Diyos ay nananahan. Laging di-ganap ang ating mga gawa. Dahil tayo’y may mga pagkukulang, nagkakasala tayo minsan. Nguni’t ang kaligtasang binigay ng Diyos sa atin ay ganap gayunpaman, dahil ang Salita ng Diyos ay ganap. Dahil hinugasan ng Diyos ang ating mga pagkukulang ng Kanyang ganap na kaligtasan, matapang na makapapasok sa Banal na Dako sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang hindi dumaan sa hugasan kailanma’y hindi makapapasok sa Banal na Dako. Tayo’y itinulot na pumasok sa Banal na Dako dahil sa ating pananalig sa katotohanang naparito si Jesus 2,000 taong nakalipas at inalis lahat ng mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung inihula sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang di-pananalig na inalis na ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan at ginawa tayong walang-kasalanan, hindi tayo makapapasok sa Banal na Dako.
Yamang hindi tayo makapasok sa Santuario ng Diyos nang di-nananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kung hindi tayo nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ni hindi tayo masisiya sa pagpapalang makalapit sa trono ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang Salita sa Kanyang Iglesia, ng pagdalanging sa Kanya at pagtanggap ng Kanyang biyaya, at ang mamuhay kasama ang Kanyang mga lingkod at hinirang. Makapamumuhay tayo sa Iglesia ng Diyos kasama ang ating mga kapwa mananampalataya, nakikinig at nananalig sa Kanyang Salita at dumadalangin sa Kanya, kapag tayo’y nanalig lamang na niligtas na tayo ng Diyos sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Ang hugasan ay ang huling patunay ng ating kaligtasan sa kasalanan. Nilagay ng Diyos ang hugasan sa pinakaharapan ng Banal na Dako at pinuno ng tubig upang ibigay ang patunay ng pananampalataya sa mga nanalig sa ebanghelyo ng kapatawaran ng kasalanan. Itong hugasan ang naglilinis ng mga maruruming budhi ng mga matuwid na nananalig.
Ating basahin ang 1 Juan 2:1-2. “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo’y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesu-Cristo na matuwid. At Siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi sa buong sanglibutan din naman.” Amen.
Kung tayo’y magkasala, tayo’y may Tagapamagitan sa Ama, si Jesu-Cristong matuwid. Hinuhugasan ni Jesus ang mga maruming puso ng mga matuwid ng malinis na tubig. Isang araw bago ang Kanyang pagpako, tinipon ni Jesus ang mga alagad para sa Huling Hapunan, nagbuhos ng tubig sa palanggana, at nagsimulang hinugasan ang kanilang mga paa. “Nang Ako’y bautismuhan, pinasan Ko lahat ng inyong mga kasalanan, maging ang mga kasalanang na inyong gagawin pa lang, at ako’y hahatulan sa Krus alang-alang sa inyo. Kinuha ko maging ang inyong mga kasalanan sa hinaharap, at inalis Ko na ang mga ito. Ako’y naging inyong Tagapagligtas.”
Ito’y upang sabihing hinugasan ni Jesus ang paa ng mga alagad noong Huling Hapunan ng Paskua. Si Pedrong tumangging mahugasan ni Jesus ang kanyang paa, Kanyang sinabi, “Ang ginagawa Ko’y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa’t mauunawa mo pagkatapos” (Juan 13:7). Nais ni Jesus na maging ganap na Tagapagligtas ng mga tunay na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa mga nanalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, si Jesus ay naging kanilang walang-hanggang Tagapagligtas.
 
 
Ang Gamit ng Hugasan
 
Ang hugasan ay ginamit upang hugasan lahat ng karumihan ng mga saserdote kapag sila’y gumagawa sa Tabernakulo ng paghahandog sa Diyos. Kailangan ito upang hugasan ang mga dungis na nakuha ng mga saserdote dahil sa pagpatay ng haing handog, kinukuha ang mga dugo nito, at pagpira-piraso upang ibigay sa Diyos ang handog na magtutubos sa mga kasalanan ng bayan ng Israel. Kapag ang mga saserdote’y nadungisan sa paghahandog, kailangan silang maghugas sa tubig, at ang hugasan ay ang lugar kung saan lahat ng karumihan ay maalis.
Sa tuwing tayo’y magkakasala, sa espirituwal o sa ating laman, at sa tuwing tayo’y nadudumihan dahil sa pagsuway sa mga utos ng Diyos, dapat nating hugasan ang ating mga dungis sa pamamagitan ng tubig ng hugasan. Ang mga saserdote, sa tuwing sila’y hahawak sa anumang bagay na marumi, kailangang maghugas ng nadumihang bahagi ng kanilang katawan sa tubig, sa gusto man nila o hindi.
Tulad nito, sa tuwing lahat ng mga nananalig sa Diyos ay nadikit sa anumang marumi, ang tubig ng hugasan ay gagamitin upang alisin lahat ng gayong karumihan. Ang tubig sa hugasan ay ibinigay upang panghugas ng dungis sa mga isinilang na muli. Sa gayon, ang hugasan ay naglalaman ng awa ng Diyos. Ang kahulugan ng hugasan ay hindi isang di-sapilitang bagay na ating tatanggapin o hindi, bagkus ito’y kailangang bagay para sa mga nananalig kay Jesus.
Itinakda ng Diyos ang sukat ng lahat ng mga bagay sa Tabernakulo, tinukoy kung ilang siko ang taas, haba at lawak. Nguni’t hindi Niya tinukoy ang sukat ng hugasan. Ito’y isang katangian para lamang sa hugasan. Nagpapakita ng walang-hanggang pag-ibig pinagkaloob ng Mesias sa atin, na mga nagkakasala araw-araw. Sa pag-ibig na ito ng Mesias ay makikita ang Kanyang bautismo, isang anyo ng pagpatong ng mga kamay na maghuhugas sa lahat ng ating kasalanan. Yamang maraming tubig ang ginagamit sa tuwing marurumihan ang mga saserdote habang ginagawa ang kanilang mga gawain, ang hugasan ay dapat laging puno ng tubig. Kaya ang sukat ng hugasan ay nakasalalay sa pangangailangang ito. Dahil ang hugasan ay gawa sa tanso, sa tuwing maghuhugas ang mga saserdote sa tubig, naaalala nila ang hatol sa kasalanan.
Ang mga saserdoteng naglilingkod sa Tabernakulo’y kailangang hugasan lahat ng dumi sa kanilang mga kamay at paa ng tubig sa hugasan. Kung ang tanso’y naghahayag sa hatol ng Diyos, ang tubig nama’y naghahayag ng paghuhugas sa kasalanan. Sinasabi sa Hebreo 10:22, “at mahugasan ang ating mga katawan ng dalisay na tubig,” at Tito 3:5 ay sinasabi, “paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo.” Tulad ng mga talatang ito, ang Salita ng Bagong Tipan ay nagsasabi rin sa atin ukol sa paghuhugas ng mga karumihan sa pamamagitan ng tubig ng bautismo.
Kung hinugasan ng mga saserdote ang kanilang naipong dungis sa kanilang mga buhay sa pamamagitan ng tubig ng hugasan, tayo, na isinilang na muling mga Kristiyano ngayon, ay mahuhugasan ang lahat ng ating kasalanang nagawa sa ating mga buhay dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus. Ang tubig sa hugasan sa Lumang Tipan ay pinakikita sa atin na ang Mesias ay naparito at hinugasan lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismong tinanggap mula kay Juan.
Sa pamamagitan ng Biblia, sinasabi sa atin ng Diyos na hindi lamang mga kasalanang nagawa ng bayan ng Israel kundi mga kasalanang nagawa ng lahat ng tao sa buong kasaysayan ng tao lahat ay isinalin kay Jesus sa Kanyang bautismo. Nang bautismuhan ni Juan si Jesus, Kanyang sinabi sa Mateo 3:15, “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Sa pagtanggap ng Kanyang bautismo, gayon ding paraan ng pagpapatong ng mga kamay, mula kay Juan, ang kinatawan ng sangkatauhan, tinanggap ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanyang katawan.
Samakatuwid, dahil sa pananalig sa katotohanang lahat ng ating kasalanan ay nilipat kay Jesus na Mesias sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, tayong lahat ay mahuhugasan lahat ng karumihan ng ating mga puso. Dahil atin ng nilipat lahat ng ating kasalanan kay Jesus dahil sa pananalig sa katotohanang ito, ang atin lang gagawin ay manalig na tinangay ng Anak ng Diyos ang mga kasalanan ng mundo sa Krus, pinako at nagdanak ng Kanyang dugo, naging ganap na haing handog para sa buong sangkatauhan, at sa gayo’y niligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan. Nananalig ba kayo rito sa inyong mga puso? Ang mga tunay na nananalig na ang Mesias ay naging ating sariling haing handog ay walang-hanggang ligtas.
 
 
Ang Suliranin ng mga Kasalanan ay Maaaring Malutas sa Pamamagitan ng Pananalig sa Bautismo ni Jesus 
 
Sinabi ng Biblia sa atin kung paano mahuhugasan ang lahat ng ating kasalanan? Sa paghugas ng mga saserdote sa kanilang karumihan ng tubig sa hugasan ng Lumang Tipan, sa Bagong Tipan, ating makakamit ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig na tinupad ni Jesus ang katuwiran ng Diyos sa pagkuha ng mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo. Sa huli’y, lahat ng kasalanan ay nahugasan dahil sa pananalig sa katotohanan.
Nang binigay ng bayan ng Israel ang handog para sa kasalanan sa Diyos, nagdala sila sa Tabernakulo ng walang-dungis na haing hayop tulad ng tupa o kambing, inihayag ang kanilang mga kasalanan at inilipat lahat sa handog sa pamamagitan ng pagpatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito, at pinatay itong haing handog na tumanggap ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay hiniwa ang leeg at pinatulo ang dugo, nilagay ang dugo sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog at ibinuhos ang natira sa lupa (Levitico 4). Maging ang isang taong halaga ng kanilang mga kasalanan lahat ay binayaran agad dahil sa pananampalataya sa pamamagitan ng handog ng kasalanan ng Araw ng Pagtutubos (Levitico 16). Sa huli’y, tinanggap natin ang ating kapatawaran ng kasalanan sa gayon ding paraang tulad ng handog ng kasalanan sa Lumang Tipan—ito ay, dahil sa pananalig sa bautismo ng Mesias na naparito upang alisin ang ating mga kasalanan at dahil sa dugo sa Krus.
Sa Lumang Tipan ng pagpapatong ng mga kamay ay katulad ng bautismong tinanggap ni Jesus sa Bagong Tipan. Inako at hinugasan ng Mesias lahat ng ating kasalanan sa pagbautismo ni Juan at pagpapako. Kung ito ay mga gawa ng pagbautismo ng Mesias at Kanyang dugo sa Krus ganap na niligtas tayo ng Diyos sa lahat ng ating kasalanan, ano pa ang ating gagawin upang mapatawad sa ating mga kasalanan? Ang ating dapat tandaan at paniwalaan na kahit pa tayo araw-araw na nagkakasala sa ating mga buhay dahil sa ating kahinaaan, lahat nitong mga kasalanan ay nahugasan na rin ni Jesu-Cristo. Bagaman nananalig tayo sa Diyos, dahil sa ating pagkukulang, tayo’y nahuhulog pa rin sa ating kahinaan at pagsalangsang. Nguni’t ang ating Diyos, nakakaalam ng lahat ng ito, ay niligtas tayo sa pagsugo ng Mesias sa mundo, ginawa Niya Siyang kuhanin ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pag-aalay sa Kanya.
Sa paglalagay ng dambana ng sunugan ng handog at ang hugasan sa bakuran ng Tabernakulo, itinulog ng Diyos na hugasan lahat ng ating araw-araw na kasalanan bago tayo pumasok sa Santuario, ang Tahanan ng Diyos. Nguni’t hindi ibig sabihin na kailangan nating hugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng araw-araw na pagkumpisal. Salungat nito, ang ating pananampalataya sa bautismo ng Mesias at Kanyang dugo sa Krus ang maghuhugas lahat ng ating kasalanan. Itinalaga ng Diyos na kapag ang matuwid ay nagkasala at mga pagkakamali matapos manalig kay Jesus, kailangan silang maghugas ng lahat ng gayong mga kasalanan sa pananalig sa bautismo ni Jesus na Mesias, ang Panginoon ng hugasan.
Maraming tao ang laging kumikilala sa pagpasan ni Jesus ng mga kasalanan at Kanyang pagkahatol para lahat ng kasalanan ay katulad din, ng bulag na pagtatali ng mga ito sa isang bungkos. Nguni’t dahil tayo’y araw-araw na nagkakasala sa ating kahinaan, ang paghuhugas ng kasalanan at hatol ng kasalanan ay dapat ihiwalay sa dalawa. Ang bautismong tinanggap ni Jesus kay Juan at Kanyang kamatayan sa Krus ay upang Kanyang pasanin lahat ng ating kasalanan, upang hatulan dahil sa mga kasalanang ito, at upang ganap silang maligtas. Sa pananampalatayang ito, atin ngang makakamit ang hatol ng ating mga kasalanan ng minsanan. Tulad niyaon, ang suliran ng ating mga araw-araw na kasalanan ay dapat na malutas sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ng Mesias. Sa pamamagitan ng pag-iisa nitong dalawang sangkap, ang bautismo at ang Krus, upang ang isa at ganap na kaligtasa’y mabuo. Ito ang katotohanan ng ganap na kapatawaran ng kasalanan. Sa lawak ng paglutas sa suliranin ng ating mga kasalanan ay nauukol, dapat nating isipin at manalig dito sa paghihiwalay ang bautismo ni Jesus at ang Krus sa isa’t isa.
Nang patayin ng mga saserdote ang mga haing hayop sa Tabernakulo, sila’y nadungisan at nabasa ng dugo. Ni hindi natin masisimulang isipin kung paano ang kanilang dungis. Ang mga saserdote’y kailangang hugasan lahat nitong karumihan, nguni’t kung walang tubig sa hugasan ng bakuran ng Tabernakulo, hindi nila ito magagawa. Hindi mahalaga kung ito man ang Mataas na Saserdote o ang karaniwang saserdoteng napatawad sa isang taon kasalanan, kung hindi huhugasan agad ang dungis sa kanya ng tubig sa hugasan, walang magagawa ang taong ito kundi mamuhay na may dungis.
Kahit pa ang Mataas na Saserdote’y taglay lahat ng karumihan sa kanya, nguni’t dahil may hugasan sa bakuran ng Tabernakulo, siya’y laging mahuhugasan. Kahit pa ang isang saserdote’y mapatawad ang isang taong kasalanan, sa pamamagitan pa rin nito mahuhugasan ang kanyang araw-araw na mga kasalanan. Itinalaga ng Diyos na ang mga saserdoteng naghahandog sa Kanya ay kailangang mahugasan sa lahat ng kanilang dumi sa hugasan. Atin ngayong malalaman kung bakit nilagay ng Diyos ang hugasan sa bakuran ng Tabernakulo. Malalaman din natin bakit itong hugasan ay nilagay sa pagitan ng dambana ng sunugan ng handog at Santuario.
 
 
Bakit Kailangan Natin ang Hugasan?
 
Ang katotohanang pinahiwatig sa hugasan ay nahayag sa Juan 13. Sa Paskua, matapos ang Huling Hapunan kasama ang Kanyang mga alagad, nagsimulang hugasan ni Jesus ang kanilang paa, simula kay Pedro. Nang subukang hugasan ni Jesus ang kanyang paa, hiniling Niya kay Pedro na ilabas ang paa upang Kanyang hugasan. Subali’t, tumanggi si Pedro, sinabing, “Ako ang dapat maghugas ng Inyong paa, bakit Kayo ang maghuhugas ng aking paa, Panginoon?”
Tumanggi si Pedro dahil inakala niyang di-nararapat sa isang guro ang maghugas ng paa ng kanyang mga alagad. “Paano ako mangangahas na hingin sa aking guro na hugasan ang aking paa? Hindi ko magagawa.”
Si Pedro’y pilit na tumatanggi sa paglilingkod ni Jesus. Ang tugon ni Jesus kay Pedro ay napakahalaga.
“Ang ginagawa Ko’y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa’t mauunawa mo pagkatapos” (Juan 13:7). Ito ang ibig sabihin ni Jesus: “Hindi mo mauunawaan ngayon kung bakit kailangan kong hugasan ang iyong paa. Nguni’t ito ang pinaka-susi sa paglulutas ng suliranin ng iyong mga kasalanan. Ika’y magkakasala ng marami mula ngayon, nguni’t Akin ng inalis ang iyong mga kasalanan maging sa bukas, at dahil sa mga kasalanang ito, Ako’y dapat na magbubo ng Aking dugo sa Krus. Samakatuwid ika’y dapat na malaman at manalig na Ako ang Mesias na nag-alis maging ng mga kasalanang hinaharap.”
Sa isip ni Pablo, animo’y maling tuntunin para sa Mesias ang maghugas ng kanyang paa, at ito ay kung bakit tumanggi siya. Nguni’t sinabi ni Jesus kay Pedro, “Malalaman mo matapos nito,” at hinugasan ang kanyang paa.
“Kapag Akin lang nahugasan ang iyong paa saka ka magkakaroon ng kaugnayan sa Akin. Hindi mo nauunawaan ngayon bakit Ko hinuhugasan ang iyong paa. Nguni’t matapos Akong ipako at umakyat sa Kaharian ng Langit, malalaman mo kung bakit hinugasan Ko ang iyong paa. Dahil Ako ang iyong Mesias, pinasan Ko na maging ang iyong mga kasalanan sa bukas sa pamamagitan ng Aking bautismo, at naging haing handog para sa iyong mga kasalanan, Ako’y naging iyong Tagapagligtas.”
Tulad ng sinabi ng Panginoon, di-naunawaan ni Pedro ito sa panahong iyon, nguni’t matapos bumangong-muli ang Panginoon, nalaman din niya. Tunay, ito ang pangyayaring nag-alis maging ang mga kasalanan sa hinaharap.
“Dahil ako’y nakagagawa ng mga tunay na kasalanan ng sanlibutan, hinugasan ng Panginoon ang aking paa upang ako’y manalig na kinuha ni Jesus ang aking mga kasalanan sa Kanyang bautismo mula kay Juan Bautista! Sa bautismo ng Mesias ay kinuha maging itong mga tunay na kasalanan sa hinaharap! Kinuha ni Jesus lahat nitong mga kasalanan sa Kanyang bautismo, pinasan ang mga kasalanan ng mundo sa Krus, at tiniis ang hatol ng lahat ng kasalanan sa pagpapako! At sa pagbangong-muli sa kamatayan, tunay at ganap na niligtas Niya tayo sa lahat ng ating mga kasalanan!”
Matapos lamang ng ilang sandali, matapos niyang ipagkanulo ang Panginoon ng tatlong beses, nabatid ito ni Pedro ay nanalig dito. Ito ay bakit kanyang sinabi sa 1 Pedro 3:21, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo.” Narito, ang salitang ‘larawan’ ay ipakahulugang “isang paghahawig noon o pagkilala sa naunang simbolo o halimbawa, tulad ng isang anyo sa Bagong Tipan na may isang katulad na katulad sa Lumang Tipan.” Kaya, ang naunang nilalaman ay malinaw na inihahayag na ang bautismo ni Jesus ay ang pinaka-larawan ng ‘tubig’ sa Lumang Tipan.
Sa Lumang Tipan, kapag ang handog dahil sa kasalanan sa Araw ng Pagtutubos ay binigay sa Diyos upang kamtan ang kapatawaran ng isang taong pagkakasala, ang Mataas na Saserdote, kumakatawan sa bayan ng Israel, kailangang ilagay ang kanyang mga kamay sa inaalay na handog at ihayag ang mga kasalanang ginawa ng mga Israelita upang isalin ang kanilang mga kasalanan sa hinahandog. Itong paraan ng pagpatong ng mga kamay ay katulad din ng anyo ng bautismo kay Jesus. Sa Lumang Tipan, ang haing handog ay kailangang magdanak ng dugo hanggang kamatayan dahil kailangang tanggapin nito ang mga kasalanan ng lahat ng mga Israelita na nilipat sa kanya. Ang leeg ay hihiwain, at pagdaka’y magbubo ng dugo. Ang mga saserdote’y babalatan ito, pagpuputul-putulin, at ihahandog ang laman nito sa Diyos sa pagsusunog.
Ang Mesias, na Siyang tunay na sangkap ng haing handog sa Lumang Tipan, naparito, tinanggap ang ating mga kasalanan sa pagpapatong mga kamay, nagbubo sa Krus, at namatay alang-alang sa atin. Ngayon, ikaw at ako samakatuwid ay lubos na nagtamo ng kapatawaran ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang kamatayan sa Krus. At dapat nating hugasan ang ating mga kasalanan nagawa sa araw-araw sa pamamagitan din ng pananalig na itong mga kasalanan ay nahugasan na sa bautismong tinanggap ng Panginoon at sa dugong Kanyang binubo sa Krus. Dapat nating malaman ang katotohanang ito at manalig. Tayo’y maliligtas sa lahat ng ating mga kasalanan kung tayo’y nanalig na kinuha ni Jesus lahat ng ating kasalanan at hinugasan lahat sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Sa tuwing tayo’y magkakasala, dapat nating patunayan ang ating pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa katotohanang maging ang mga tunay na kasalanan ay inalis ni Jesus sa Kanyang bautismo at sa Krus, di-maglalaho ang ating kaligtasan anumang mangyari, at mababalik agad sa tuwing ang ating mga puso’y salakayin ng pagkakasala.
Dahil inalis na ni Jesus maging ang mga araw-araw na kasalanan ng mga matuwid na nagtamo ng kapatawaran ng kasalanan sa kanilang mga araw-araw na pamumuhay, itinulot ng Diyos ang hugasan sa kanila upang ang mga matuwid, na kapatawaran ay nangyari dahil sa tubig, sa dugo at sa Espirtu, mahuhugasan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. 
Kaya ginawa ng Diyos ang hugasan sa pagtitipon at pagtunaw ng mga salaminang ginagamit ng mga kababaihang naglilingkod sa Tabernakulo, dahil itong mga salamin ay nagpapakita ng sarili. Sa tuwing tayo’y nagkakasala at nawawalan ng pag-asa dahil sa ating mga kahinaan, dapat tayong lumapit sa hugasang tanso at maghugas ng ating mga kamay at paa. Ang layunin ng hugasan ay upang ipaalala sa atin ng kinuha ni Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan nang minsanan nang Siya’y bautismuhan ni Juan. Upang ituro ang katotohanang ito sa mga matuwid na nagtamo ng kapatawaran sa kasalanan kaya pinagawa ng Panginoon sa mga Israelita ang hugasan sa pamamagitan ng pagtunaw sa mga salamin ng mga kababaihan, punuin ng tubig, at hayaan ang mga saserdote na maglinis ng dumi sa kanilang mga kamay at paa sa pamamagitan nitong tubig.
Nananalig tayong si Jesus ay ang Anak ng Diyos, ang Manlilikha, at Tagapagligtas ng sangkatauhan. At dapat nating tandaan na ang Mesias ay naparito sa laman ng isang tao at tinanggap lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan sa pamamagitan ng bautismo—ito ay, sa tuwing tayo’y magkakasala, mahulog sa mga kahinaan o ang ating mga kahinaan ay nabunyag, higit na dapat nating tandaan na ang Mesias ay naparito sa laman, binautismo at pinako, at sa gayo’y inalis lahat ng ating mga kasalanan.
Kung hindi natin tinandaan ito at nanalig, bagaman nakamtan natin ang kapatawaran sa kasalanan, tayo pa rin ay magagapos muli sa ating mga kasalanan at magbalik sa ating luma at makasalanang mga sarili. Tulad niyaon, araw-araw tayong manalig na lahat ng ating mga kasalanan dahil sa ating mga kahinaan at mga pagkukulang ay nalipat na kay Jesus sa Kanyang bautismo. Araw-araw, dapat nating tandaan, manalig muli, at sang-ayunan na kinuha ng Mesias lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismong tinanggap mula kay Juan at nahugasan lahat ng mga ito.
Wala ni isa sa mundong ito ang makatatanggap ng kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus nguni’t di-naniniwalang pinasan ni Niya ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo. At kahit pa ang tao’y nakamit ang kapatawaran sa kasalanan, wala ni isang tao ang hindi nagkakasala. Tulad niyaon, ang di-pananalig sa bautismo ni Jesus, bawa’t isa’y magiging makasalanan, ang kalooban ng Diyos ay di-matutupad sa bawa’t isa. Itong dahilan kung bakit binigay ng Diyos ang Kanyang Anak, pinabautismo kay Juan, at pinapatay sa Krus upang dumanak ang dugo.
Kung tayo’y mananalig kay Jesu-Cristo bilang ating Mesias, dapat tayong manalig na lahat ng ating kasalanan ay inilipat sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, at Kanyang pinasan lahat ng ating hatol sa pamamagitan ng pagdadala ng mga kasalanan ng mundo sa Krus, pagpako, at pagdanak ng Kanyng dugo. Nakamit natin ang ating kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Lahat ng ating kasalanan ay naglaho dahil sa pananalig sa katotohanangn ito. Ating narating ang katuwiran dahil sa pananalig ng ating mga puso sa pag-ibig ng Diyos. Ngayon ang ating mga puso’y walang-kasalanan, malinis at walang-dungis. Nguni’t may mga pagkukulang pa rin ang ating laman. Ito kung bakit kailangan nating tandaan ang bautismo ni Jesus araw-araw at ipaalala sa ating mga sarili ang pananampalatayang ito. Sa tuwing ang ating mga pagkukulang at mga kahinaan ay nahahayag, tuwing ang mga masamang kaisipan ay lumalabas at tayo’y nadudungisan, at tuwing ang ating mga gawa’y naliligaw, nalulugod lamang ang ating Panginoon sa tuwing naaalala nating kinuha ni Jesus itong mga kasalanan sa Kanyang bautismo at nilinis ang ating mga puso dahil sa pananalig muli sa katotohanang ito.
Tuwing tayo’y magkakasala, dapat muna nating aminin ang ating mga kasalanan sa harap ng Diyos. Dapat tayo ngayong manalig muli na lahat nitong mga kasalanan ay inilipat na kay Jesus sa Kanyang bautismo. Tayo na mga nalinisan sa pamamagitan ng gawa sa bautismo ni Jesus ay dapat malinisan ang ating mga kasalanan araw-araw dahil sa pananalig sa gawang ito. Ito ay kung bakit nating lubos na tandaan at manalig sa katotohanang nahugasan na lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesu-Cristo.
Ating ngayong nasaliksik bakit nilagay ng Diyos ang hugasan sa pagitan ng dambana ng sunugan ng handog at Tabernakulo upang tayo’y makalapit sa Kanya, makalalapit na may malinis na katawan at mga puso. Kahit matapos naging matuwid na nagtamo ng ganap na kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Krus, ang ating mga puso’y nakikiling pa rin na madungisan tuwing tayo’y nagkakasala, ito ma’y sinasadya o hindi. Ito kung bakit dapat nating linisin itong karumihan sa hugasan kung tayo’y lumampas sa dambana ng sunugan ng handog at lumapit sa Diyos. Dahil tayo’y di-makalalapit sa Diyos kahit pa taglay natin ang pinakamaliit sa lahat ng karumihan, nilagay ng Diyos ang hugasan sa pagitan ng dambana ng sunugan ng handog at Tabernakulo upang tayo’y makapasok sa presensiya ng Diyos na may-kalinisan, nahugasan ang ating mga sarili sa tubig.
 
 
Anong Uri ng Budhi ang Isang Mabuting Budhi sa Diyos?
 
Sa 1 Pedro 3:21 ay pinaliwanag din ang bautismo ni Jesus “ang paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios.” Dito, ‘ang isang mabuting budhi’ ay siyang nananalig na hinugasan ni Jesus lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, kasama ang mga araw-araw na kasalanan, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog ng Jordan. Upang Kanyang makuha ang ating mga kasalanan, ang Panginoon ay binautismo ni Juan at sa gayo’y tinanggap ang ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan. Dahil pinasan ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa Kanyang katawan, kailangan Siyang mamatay sa Krus. Kung isasawalang-bahala natin at di-mananalig sa Kanyang ginawa, kung gayon ang ating mga budhi’y ay maaaring kasamaan lamang. Ito ay kung bakit dapat tayong manalig sa Kanyang bautismo. Dapat tayong magkaroon ng mabuting budhi sa harap ng Diyos. Bagaman sa ating laman tayo’y di-ganap na makapamumuhay ng 100 porsiyento, kahit papaano sa ating mga budhi, makakaya natin at dapat magkaroon ng mabuting budhi sa paningin ng Diyos.
Halos makalipas ang kalahating siglo, nang masupil ang Korea sa mga pagkawasak sa Digmaang Korea, bumaha ng mga tulong ng dayuhan sa bansa upang pawiin itong kalagayan. Kahit pa ang mga bahay-ampunan ay unang tatanggap ng gayong mga tulong, sa halip, ang ibang taong walang-konsiyensiya’y inililihis ang mga ito para sa kanilang sariling mga bulsa at ginawang kanilang sariling yaman. Sila’y walang mga budhi. Kapag ang mga dayuhan ay nagbigay ng gatas, arina, mga kumot, sapatos, mga damit at ibang tulong, ang mga tumutulong ay nagpapadala ng mga ito upang ang mga hubad at gutom na tao sa pangangailanga’y madadamitan at mapapakain ng husto; hindi nila maalintana na ibang masamang pampublikong mga pinuno at mga manunuba’y ililihis itong mga mabubuting tulong.
Ang mga taong may mabubuting budhi malamang ay ipinamahagi ng wasto ang mga ito sa mahihirap. Sa halip na ilagay ang mga tulong upang maging kanilang kayamanan, pantay na ipamahagi ang mga ito sa mga mahirap na naghihikahos sa gutom ay walang ikinahihiya sa harap ng Diyos, dahil sila sana ay namuhay na malinis na budhi. Nguni’t ang mga hindi gumawa nito ay paparatangang mga magnanakaw sa pamamagitan ng kanilang mga budhi. Oo, itong mga magnanakaw ay maaaring mahugasan pa rin ang kanilang mga kasalanan kung sila’y tatalikod at mananalig sa bautismo ni Jesus maging ngayon.
Upang kuhanin Niya ang ating mga kasalanan at upang alisin lahat ng ating kasalanan, si Jesus ay naparito at binautismo. Yamang nabautismo ni Juan, hinugasan agad ni Jesus ang ating mga kasalanan. Nais kong sawayin ang mga di-mananampalataya sa Kanyang bautismo, sasabihing, “Ano, kung gayon, ang inyong pagmamalaki kung bakit ayaw ninyong manalig sa Kanyang bautismo? Sa anong tapang ng inyong di-pananalig? Kayo ba’y sapat na mabuti upang makapasok sa Kaharian ng walang pananalig sa Kanyang bautismo?”
Kung tunay nating nais na maging bayan na may mabubuting budhi, dapat mahugasan lahat ng ating kasalanan sa bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan. Upang maging gayon, dapat tayong manalig ang ating mga puso na kinuha ni Jesus mismo lahat ng kasalanang ating nagawa sa buong buhay at hinugasan lahat ng mga ito. Itong dahilan si Jesus na ating Mesias ay binautismo ni Juan bago pumunta sa Krus.    
Sinabi ni Jesus sa babaeng nahuling nangalunya, “Hindi rin kita sinusumpa. Ni hindi kita hahatulan.” Bakit? Dahil kinuha na rin ni Jesus ang kasalanang pangangalunya nitong babae, at dahil si Jesus mismo’y papasanin din ang hatol nitong kasalanan. Kanyang sinabi, “Ako ang masusumpa para sa iyong mga kasalanan. Nguni’t magpahugas ka sa lahat ng iyong kasalanan sa pananalig sa Aking bautismo. Samakatuwid, maligtas ka rin sa lahat ng sumpa ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya. Malinisan ka sa mga kasalanan ng iyong budhi at inumin ang tubig mula sa Akin upang hindi ka na muling mauuhaw.”
Ngayon, ikaw at ako’y nananalig na si Jesus ang Siyang nagligtas sa atin sa ating mga kasalanan. Tunay ka bang nananalig na kinuha nga ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at hinugasan ang mga ito? Nilinis ng ating Panginoon ang ating mga kasalanan sa pagbautismo. Tayo na ngayo’y makalalapit sa Diyos na may budhing malinis. Bakit? Dahil kinuha ng ating Panginoon lahat ng ating mga kasalanan at hinugasan sa pagbabautismo, pinasan itong mga kasalanan sa Krus, sinumpa alang-alang sa atin sa pamamagitan ng pagpapako, at bumangong-muli. Mahabang taong lumipas, si Jesus ay naparito, at sa Kanyang 33 taong buhay, kinuha Niya lahat ng ating kasalanan at hinugasan lahat ng ito sa Kanyang bautismo.
Sa pamamagitan ng pagkuha Niya ng ating kasalanan at paghuhugas ng mga ito, itinulot ng Panginoon na lumapit sa Diyos at maging mga matuwid, at upang mahatulan sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ni Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon, tayong lahat ay makatatawad sa Diyos bilang ating Ama at malapit sa Kanyang presensiya. Sa gayon, ang mga nanalig sa mga gawa ni Jesus sa tubig, dugo at Espiritu ay ang mga may mabubuting budhi. Salungat nito, tiyak na ang masamang budhi ang di-naniniwala sa mga makatwirang gawa ng Panginoon, Kanyang bautismo at pagpako sa Krus.
 
 
Sa Panahong Ngayon, Maraming Tao ang Di-seryoso sa Salita ng Diyos Dahil sa Kanilang Mapamahiing Pananampalataya
 
Maraming mga sinungaling, inaalis ang Salita ng Diyos parang ito’y isang palamuti, pinangangaral lang na tayo’y kailangang gumawa ng mabuti sa ating ating pananalig sa Diyos upang makapasok sa Kaharian ng Langit. At sa kaligtasan, sila’y nagsasabi lamang ng dugo sa Krus, at maling pag-aakalang kailangan silang umakyat sa bundok upang manalangin o mag-ayuno upang sa gayo’y makatagpo ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa laman. Bagaman wala ng ibang mali kundi ang paniniwalang ito, sila’y nakatitiyak ukol nito. Kanilang sinabi, “Ako’y pinarusahan sa aking mga kasalanan, kaya ako’y nanalangin buong gabi, ‘O Diyos, ako’y nagkasala. Nananalig ako sa Inyo, Panginoon.’ Sa araw na iyon, ako pa rin ay pinahihirapan sa gabi, nguni’t matapos akong nanalangin ng buong gabi, nang dumating ang bukang liwayway, biglang nakaramdam ako ng isang bungkos ng apoy ang tumulak sa akin, at, sa oras ding iyon, luminaw ang aking isipan—lahat ng kasalanan ng aking puso’y nahugasan kasingputi ng niyebe. Kaya sa panahong ito ako’y isinilang na muli. Hallelujah!”
Ang gayong mga kaisipa’y likha lamang ng tao, mangmang at hangal na mga kaisipang nagpapawalang-bahala sa Salita ng Diyos. Dapat mong tandaan na paparusahan ng Diyos, ng maraming ulit, ang mga nagsasabi ng walang-saysay at sa gayo’y nililinlang ang tao at inaakay sila sa apoy ng impiyerno.
“Lubos na masakit ang aking tainga. Nguni’t ako’y nananalig sa sinabi ng Panginoon, na tayo’y gagaling kung tayo’y mananalig, kaya aking tiniis ang aking sakit sinasabing, ‘Panginoon, ako’y nananalig!’ Kapag ako’y nanalig ng ganito, pagkatapos ang sakit ay maglalaho!”
“Ako’y may sakit sa sikmura, kaya sa tuwing may kakainin ako, matindi ang pananakit. Kaya bago ako kumain, ako’y nagdarasal, ‘Panginoon, ako’y nasasaktan, nguni’t Inyong sinabi na Inyong diringgin anuman ang aming dalanging may pananalig. Nananalig pa rin ako sa Inyong Salita.’ Tiyak at sapat na nawala ang aking suliranin sa pagtunaw ng pagkain!”
Ano ang mga ito? Ito ang mga pangyayari kung saan hindi natatagpo ng tao ang Panginoon sa pamamagitan ng Salita. Ang mga pangyayaring ito’y nagpapakita ng kamalian ng kanilang pananampalatayang di-nananalig sa Salita. Hindi ito ang mga kasagutan sa kanilang mga dalanging natanggap mula sa Salita, kundi kanilang mga kataka-takang pananampalataya. Naniniwala sila sa Diyos hindi sa pamamagitan ng Salita, nguni’t sa kanilang maling kalituhan batay sa kanilang sariling mga damdamin at mga karanasan. Ang nakapanghihinayang at nakalulungkot ay marami ang may gayong misteryo sa mga Kristiyano ngayon.
Tulad nito, inaalis ang Salita ng Diyos at bulag na naniniwala kay Jesus batay sa kanilang mga damdamin o mga karanasang umaabot sa isang mapamahiing pananampalataya. Ang mga taong umaangking naniniwala kay Jesus kahit sila’y di-naniniwala sa Salita ay kailangang saliksikin ang kanilang mga sarili upang makita kung sila’y inaaniban ng mga demonyo o hindi. “Nakita ko si Jesus habang nagdarasal. Nagpakita si Jesus sa aking panaginip. Mataimtim akon nagdasal at ang aking karamdama’y gumaling.” Sinuman ang bawas ang bibig ganyan ang kanyang mga pag-angkin, nguni’t malinaw na hindi ito ang pananampalatayang binigay ng Diyos, kundi isang maling pananampalatayang bigay ni satanas.
Sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, inahayag ng Panginoon ang Kanyang sarili sa atin. Inihahayag ba ng Panginoon ang Kanyang sarili sa atin sa bago at kakaibang pamamaraan ngayong panahong ito? Siya ba talaga’y nagpapakita sa atin sa isang guni-guni o isang panaginip? Hila-hila Niya ang mabigat na tanikala sa Kanyang paa, nadurugo, may koronang tinik sa Kanyang ulo, at sinasabing, “Nakita mo, ganito Ako lubos na naghirap para sa inyo. Ngayon, anong gagawin ninyo para sa Akin?”—ganito ba nagpapahayag ang Panginoon sa atin? Lahat ng ito’y walang-saysay!
Nguni’t maraming tao pa rin, matapos managinip ng tulad nito, ay magbibigay ng tipan sa Diyos, “Panginoon, ako’y Inyong magiging lingkod at maglilingkod sa Inyo ng aking buong puso hanggang sa kamatayan. Ako’y magpapatayo ng isang dalanginang tahanan dito. Dito ako’y magpapatayo ng iglesia. Aking papasanin ang aking krus sa buong buhay ko at ipapatoo Ka sa buong bansa at sa buong mundo.”
Sa katunayan, madali tayong makatagpo ng gayong mapanatang mga mangangaral sa mga kalsada o pampublikong mga lugar. Nang walang pagliban, sila lahat ay mga misteryong nagsasabi na nagpasiya silang mamuhay tulad nito matapos makita si Jesus sa kanilang mga panaginip o makarinig ng tinig ng Panginoon habang nagdarasal. Nguni’t pinahahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang Salita; hindi Siya nangungusap sa atin sa isang panaginip o habang tayo’y nagdarasal, lalo na sa panahong ito gayong ang lahat ng Kanyang Salita ay ibinigay ng lubos sa sangkatauhan. Ang mga panaginip ay nagmumula sa mga masalimuot na mundo ng malalim na kamalayan ng tao. Ang mga taong ito’y taglay itong uri ng panaginip dahil taglay nila lahat ng uri ng mga imahinasyon ukol kay Jesus sa kanilang di-mabayarang pag-ibig at lubos na pag-iisip lamang.
Kapag ang iyong kaisipan ay malalim na nananahan sa ibang bagay bago ka tuluyang makatulog, iyong makikita ang sarili na nakikipagbuno sa bagay na ito sa iyong panaginip din. Tulad nito, ang mga panaginip ay likha ng iyong malalim na kamalayan. Itong dahilan kapag tayo’y lubos na nag-iisip, magkakaroon ng tayo ng lahat ng uri ng mga kakaibang panaginip. Ang mga ito’y walang kinalaman sa pananampalataya, bagkus animo’y mga salamin ng pagbabagong pisikal o mga malalalim na kamalayan.
Itong dahilan kung ang maraming tao ang nag-iisip ng marami ukol sa pagdurugo ni Jesus sa Krus, sa kanilang panaginip Siya’y magpapakita na may koronang tinik sa Kanyang ulo. Walang mali sa gayong panaginip. Nguni’t kung seryosohing lubos itong panaginip ay isang malubhang kamalian. Paano kung si Jesus ay magpakita sa kanila, nagdurugo, at sabihin, “Anong iyong gagawin sa Akin? Buong buhay kang mabubuhay para sa akin bilang isang taong mapagpenitensiya. Para sa Akin, hindi mo makakamit ang Aking pag-aari”? May mga mangmang na tao na isinusuko lahat ng kanilang mga ari-arian upang sila’y mamuhay tulad nito. Mayroon bang sinumang natatakot dahil sa isang panaginip, sumeseryoso nito, o ang buhay ay nagbago sanhi nito? Walang iba kundi ito’y isang misteryo.
Tinatagpo tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Salita. Hindi Siya tulad ng isang nilalang na ating makikita sa isang panaginip o isang pangitain sa ating pagdarasal. Ang Salita ng Diyos ay nakasulat sa Luma at Bagong Tipan, at kapag ang ating narinig ang Salitang pinangaral sa atin at tinanggap sa ating mga puso na ang ating mga espiritu’y makikilala Siya sa pamamagitan ng Salita. Sa pamamagitan ng Salita at sa pamamagitan lamang ng Salita ang inyong mga espiritu’y makikilala ang Diyos. 
Mula sa Salita kaya natin nalaman na kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo; sa pamamagitan ng pagkikinig nitong Salita tayo’y nanalig sa ating mga puso. Ang sagot sa katanungang bakit si Jesus ay kailangang mamatay sa Krus ay makikita rin sa Salita. Ang pagkuha ni Jesus sa ating mga kasalanan sa pagpabautismo kaya Siya namatay sa Krus at tayo’y naligtas. Sa pamamagitan ng Salita, nakilala natin ang Diyos, at sa Salita, nanalig tayo sa Kanya. Na si Jesu-Cristo ay Diyos ay nalaman din at pinaligan natin sa pamamagitan lamang ng Salita.
 
 
Paano Tayo Nanalig sa Diyos? Kung Hindi sa Salita ng Diyos?
 
Kung wala ang Salita ng Diyos, paano natin makikilala at mananalig kay Jesus, Siya na nag-alis ng lahat nating mga kasalanan? Kung wala ang Salita ng Diyos, ang ating pananampalataya’y walang-saysay. “Ito ang aking inaakala”—maari nating sabihin ang ating iniisip, nguni’t hindi ito ang katotohanan, at kapag ang ating mga puso’y puno ng di-katotohanan, ang tunay na katotohana’y di makapapasok sa ating mga puso. Ang wastong sabihin ay hindi, “Ito ang aking iniisip,” nguni’t “Ito ang sinasabi ng Biblia.” Kapag ating binasa ang Biblia, ang katotohanang sinabi ng Diyos ay darating sa ating mga puso at iwawasto ang mga mali ng ating dating mga kaisipan.
Gawa saan ang inyong pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ito’y gawa ng inyong mga sariling kaisipan? O kayo’y naisilang na muli nang malaman at manalig nito mula sa pakikinig ng Salita? Sa pamamagitan ng Salita tayo’y nanalig at nakatagpo ang Diyos sa ating mga puso. Ito’y kung bakit ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo’y binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Ang ibig sabihin ng tubig na nasa hugasan ay bautismo kung saan kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan. “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15). Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, nalaman natin ang bautismo ni Jesus kung saan kinuha ni Jesus ang kasalanan ng mundo. Dahil ito’y nagmula sa Salita kaya nalaman natin ang bautismo ni na nag-alis ng lahat ng kasalanang iyo at aking nagawa sa ating buong buhay, ginawa na Salita ng ating makamit ang pananampalataya ng bautismo sa ating mga puso. Sa pamamagitan ng Salita ating nakita ang katotohanang nahayag sa hugasan.
Mula sa Salita ng Diyos, ating makikita ang hugasang gawa sa tanso. Sa Biblia, paghahatol ang ibig sabihin ng tanso. Sa gayon, ang kahulugan ng hugasang tanso ay kapag tayo’y tumingin sa ating mga sarili, tayong lahat ay masusumpa. Ito ay kung bakit ang hugasang gawa sa mga salamin ng mga babaeng naglilingkod sa Tabernakulo. Niligtas tayo ng Panginoon, tayong mga di-makaiiwas kundi ang masumpa dahil sa ating mga kasalanan, sa pagparito sa mundo, pagbautismo, at kamatayan sa Krus. Sa pamamagitan ng nakasulat ng Salita ng Diyos, ating nalaman dahil si Jesus ay binautismo Kanyang kinuha lahat ng ating mga kasalanan, dumako sa Krus, at pinasan ang sumpa ng kasalanan. At sa pamamagitan ng pagtanggap ng ating mga puso at pananalig sa katotohanang ito tayo’y naligtas. Ikaw ba? Naligtas ka na ba?
Sa isang denominasyong sumusunod sa mga kababalaghan, kanilang inaangkin na ang mga miyembro’y dapat malaman ang tiyak na araw ng kanilang kaligtasan, kung anong buwan at araw. At ang pastor nitong denominasyon na kanyang pinatotoo sa harap ng mga mananampalataya na siya’y nananalig kay at naligtas nang siya’y umakyat sa bundok upang magdasal at nalamang siya’y walang-saysay. Ipinagmapuring angkinin na hindi niya malimot ang tiyak na araw at oras ng kanyang pagsilang muli. Ito’y tiyak na walang kinalaman sa mapinong binurdang lino, kundi isang emosyon lamang. Ang pananalig nitong pastor ay walang kinalaman sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang kaligtasang tinuro nitong denominasyon ay walang kaugnayan sa tunay na kaligtasang mula sa Salita ng Diyos, kundi kanilang sariling likha.
Ito’y tunay na posibleng hipnotismuhin ang sarili. Kung ang tao’y ipipilit na sila’y walang-kasalanan, at isipin ito ng paulit-ulit, kanilang mahihipnotismo ang kanilang mga sarili at magiging walang-kasalanan dahil sa kanilang sarili. Kapag sila’y patuloy na mag-orasyon sa kanilang mga sarili, kanila ngang mararamdaman na parang sila’y walang-kasalanan, nguni’t ang gayong mga damdamin ay di-magtatagal. Kaya, di-maglaon, kailangan nilang hipnotismuhing muli ang kanilang mga sarili, mag-oorasyon, “Ako’y walang-kasalanan. Ako’y walang-kasalanan.” Anong makasarili, sinungaling, mangmang at mapamahiin itong pananampalataya!
Ang kahulugan ng mapinong binurdang lino’y ang Salita ng Diyos sa Luma at Bagong Tipan. Na ang mga pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, Banal na Dako, at Kabanalbanalang Dako lahat ay binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay sinasabi sa atin na si Jesus ay naging pintuan ng ating kaligtasan at tiyak na Tagapagligtas tulad ng nakatala sa Luma at Bagong Tipan. Ako ngayo’y tunay na nagpapasalamat sa Diyos, dahil anong tiyak nitong kaligtasang binanggit ng Diyos sa atin!
Kaya kapag ako’y nagdadasal, hindi ko tinatangkang gamitin ang damdamin o ipakita ito. Nagdarasal ako at iniiwan sa Diyos lahat ng bagay at magtitiwala sa Kanya. “Ama, tulungan po kami. Maipangaral namin ang ebanghelyo sa buong mundo. Kailangain at ingatan lahat ng aking kapwa ministro at mga hinirang. Bigyan kami ng mga manggagawang makapaglilingkod sa ebanghelyo, itulot itong ebanghelyo na maikalat, at hayaan ang mga mananampalataya na malaman at manalig sa Inyong Salita.” Ito lahat ng aking panalangin; hindi ako nananalanging subuking pukawin ang aking damdamin at mananangis, at wala nitong mga satsat ay bahagi ng aking mga panalangin.
Ibang tao, kapag hindi nila mapukaw ang kanilang mga damdamin gaano mang pagpilit, kahit pa isipin ang kanilang mga yumaong mga magulang upang lumuha at upang ikunwari ang kanilang mga dasal upang seryosohin sila ng iba. Ang gayong mga likhang dasal ay tulad ng kumpol na basurang magpapaduwal sa Diyos. Ang mga tao’y pinupukaw din ang kanilang mga damdamin sa pag-iisip ng pagkapako ni Jesus at bulag na sumisigaw, “Naniniwala ako sa Inyo, Panginoon!”
Nguni’t tunay bang ibig sabihin na ang pananampalataya ng gayong tao’y matatag? Kung iyong iisipin ang iyong mga kasalanan at subukang pukawin ang iyong damdamin, sasabihing, “Panginoon, ako’y nagkasala. Tulungan akong mabuhay na matuwid,” kung gayong posibleng pukawin ang inyong sariling damdamin. Dahil ang magkaroon ng gayong madamdaming karanasan at isang iyakan ay maibulalas ang maraming ligalig, maraming tao, mararamdaman ang ginhawa, aakalaing ganito ang pananalig. Bagaman ang kanilang pamumuhay ay puno ng ligalig, ang gayong mga karanasan kahit papaano’y giginhawa sila kahit panumandali, kaya sila’y patuloy sa relihiyosong pamamaraan ng pamumuhay.
 
 
Dapat Kang Manalig na ang Panginoon ay Naparito sa Atin sa pamamagitan ng Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid at Mapinong Binurdang Lino
 
Ang ating Panginoon ay naparito sa pamamagitan ng Salita. Samakatuwid hindi mo dapat hintayin ang inyong mga damdamin, kundi’y dapat makinig sa anong sasabihin ng Salita ng Diyos sa inyo. Ang mahalaga ay kung ika’y nananalig sa Salita ng Diyos na ito sa inyong mga puso o hindi. Kapag ika’y magdarasal, huwag tangkaing pag-isipang mabuti ang inyong mga damdamin. Sa halip, inyong pigilin ang mga ito sa angkop na yugto. Bakit? Dahil maraming mga sinungaling sa mundong ito ang lalapit sa mga nais na mapukaw ang damdamin at masiyahan upang samantalahin ang kanilang damdaming mahina. Dahil ang tao kadalasa’y nawawala ang matalinong bahagisa pagsunod sa kanilang mga damdamin, kapag ang mga pagtitipong “revival” ay ginaganap sa ilalim ng baner ng “Dakilang Revival sa Espirituwal,” kadalasa’y, ang layon ay pukawin lang ang damdamin ng mga dadalo.
Subali’t, ngayon ako’y isinilang ng muli, hindi ko na magagawa ang gayong “revival” kahit pa aking subukan, dahil ang pangangaral ng Salita ng Diyos ay hindi sa pag-antig ng damdamin ng mga tao tulad nitong pagtitipon ng mga espirituwal na “revival” ng mundo. Dahil ako’y isinilang na muli sa Salita ng katotohanan, matagal na akong nagpaalam sa aking damdaming anyo na dating nanghihimasok sa aking espirituwal na pamumuhay.
Tayong mga matuwid na nakinig sa Salita ng Diyos, gamitin ang ating talino, at manalig sa ating mga puso, hindi mapupukaw ang damdamin. Tayo’y nananalig sa katotohanan na madaling malaman kung ang isa’y nagpapahayag ng Salita ng Diyos sa atin o hindi, at madaling malaman kung ang taong ito’y nagsasalita sa atin na talagang nananalig dito o hindi. Dahil tayo na nakakaalam at nananalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay taglay ang Banal na Espiritu sa ating mga puso, malalaman nating lahat na ang pagpukaw sa damdamin ay malayo sa katotohanan, at tinatanggap lamang natin ang tunay na katotohanan sa ating mga puso.
Si Jesus ay naparito sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Gaano nakamamangha itong katotohanan? Gaano nakamamangha ang pag-ibig ng ating Panginoong nagligtas sa atin? Sa pamamagitan ng apat na gawa ni Jesus na nakasulat sa Salita ng Diyos, tayong lahat ay nanalig na kinuha ni Jesus lahat ng inyong kasalanan sa Kanyang bautismo, namatay sa Krus, at sa gayo’y niligtas ka sa pamamagitan ng Kanyang pagtupad sa lahat ng katuwiran.
Nananalig ba ang inyong mga puso sa katotohanang ito? Yaong nangangaral ng ebanghelyo’y dapat ikalat ito sa loob ng mapinong binurdang lino, ito ay ang Salita ng Diyos sa Luma at Bagong Tipan, at ang nilalaman nito’y dapat ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Yaong nakinig ay dapat tanggapin sa kanilang mga puso at manalig ng buong puso.
 
 
Ang Tubig ng Hugasan ay Hinugasan ang Ating mga Kasalanan 
 
Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, kinuha ni Jesus lahat ng ating kasalanan at hinugasan lahat ng ito. Ang bautismo ni Jesus ay tumutukoy sa tubig ng hugasan; tayo’y nilinis, tayong mga patungong impiyerno dahil sa kasalanan, at tayo’y tinulot na humarap sa Diyos. Dahil tinanggap ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa Kanyang bautismo, Siya’y dumako sa Krus at hinugasan sa pagpapako sa Krus. Ang bautismo ni Jesus at ang Krus ay pinatunay na pinasan ni Jesus ang sumpa ng lahat ng ating kasalanan. Sa pamamagitan ng bautismo at Krus, natupad ni Jesus lahat ng ating kaligtasan.
Ang mga dasal ng pagkumpisal kailanma’y di-maghuhugas ng ating mga kasalanan. Dahil kinuha na ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo kaya nahugasan lahat ng ating kasalanan. Sa pakikinig nitong Salita at pananalig sa ginawa ni Jesus para sa atin tayo’y maliligtas sa sumpa ng lahat ng ating kasalanan. Salamat sa sumpang pinasan ni Jesus, pinasan na natin lahat ng sumpa ng kasalanan sa pamamagitan ng ating pananalig sa Kanyang bautismo. Tunay, tayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa isang paraan, ang kaligtasa’y simple lamang. Kung tayo’y mananalig sa handog at pag-ibig ng kaligtasan, tayo’y maliligtas, kung hindi mananalig, tayo’y di-maliligtas.
 
 
Kung wala ang Kaligtasan Tinupad ng Diyos, Wala Tayong Magagawa Upang Maligtas
 
Wala tayong magagawa para sa ating ikaliligtas, kung hindi sa Diyos. Pinasiya ng ating Panginoon na tayo’y iligtas sa paraang ito bago ang ang paglikha at tinupad ang ating kaligtasan, lahat ay nakasalalay kung paano nagpasiya ang Diyos. Nagpasiya ang Diyos Ama upang tayo’y iligtas sa pamamagitan ng Kanyang Anak at Banal na Espiritu, at nang dumating ang takdang oras, sinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesus. Nang si Jesus ay 30 taon at dumating ang oras upang Kanyang tuparin ang mga gawa ng kaligtasan, pinabautismo ng Ama si Jesus at namatay sa Krus, Siya’y bumangong muli, at sa gayo’y niligtas tayo. Tayo’y naligtas nang malaman at manalig sa ginawa ng Panginoon sa atin mula sa Salita ng Luma at Bagong Tipan, at dahil sa pananalig ng ating mga puso. Ang pagiging ligtas dahil sa pananalig ng ating mga puso ay walang iba kundi ang pagtanggap ng pananampalataya sa ating mga puso.
Naniniwala ka bang itong Salita ng Biblia ay ang Salita ng Diyos? Walang iba kundi itong Biblia ay ang Diyos mismong nabubuhay mula pa sa pasimula, at Kanyang Salita. Sa pamamagitan ng Salita ng Luma at Bagong Tipan, ang Salita ng Diyos, makikilala at matatagpuan ang Diyos. At sa pamamagitan ng Salita ng Luma at Bagong Tipan, ating mababatid at mananalig na Kanya tayong niligtas sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Gayon din, dahil yaong tunay na nanalig sa katotohanang ito ay naligtas, kanilang mapapatotoo na itong Salita’y may tiyak na kapangyarihan. Hindi natin dapat hatulan at sukatin ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga makikitid na isip, bagkus sa halip ay dapat na mabatid kung paano tayo tiyak na niligtas ng Diyos.
Mula sa Luma at Bagong Tipan, nawa at aking dalangin na kayong lahat ay marinig at manalig sa Salita ng bughaw (bautismo ni Jesus), kulay-ube (si Jesus ay Hari ng mga hari), at pulang sinulid (ang Krus), at mapinong binurdang lino (ang Salita ng Diyos sa Luma at Bagong Tipan). Kung iyong isasantabi ang Salita ng Diyos at hahatulan ang Kanyang Salita sa inyong sariling panukat sa inyong nalalabing buhay, hindi kayo maliligtas.
Kung iyong aaminin sa iyong sarili na hindi mo lubos na nalalaman ang Salita ng Diyos, kaya dapat kang makinig ng mabuti sa sinasabi ng mga nauna sa iyo. Sila ma’y mga pastor, mga manggagawa, o karaniwang tao, kapag iyong pinakinggan ang Salita ng Diyos pinangangaral nila, at kapag ang kanilang itinuturo’y ay tunay na mula sa Diyos, ang iyo lamang gawin ay kilalanin na ito’y wasto at manalig sa inyong mga puso.
Yaong nagpapalawig ng Salita hindi pinapalawig dahil ito’y madali, nguni’t kanilang ginagawa dahil ito ang nararapat sa Diyos. Itong dahilan kanilang pinangangaral ang tamang kaalaman sa Diyos—ito ay, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Kaninuman tayo nakikinig, kung ito ang tunay na Salita ng Diyos, kung gayon walang tayong magagawa pa kundi ang tanggapin ito na may oo, dahil walang isang tuldok ni isang maliit na bahagi ang mali sa Salita ng Diyos.
Dapat tayong manalig sa Salita ng Diyos. Ano ang ‘pananalig’? Ito ang pagtanggap. Pagtitiwala. Sa ibang salita’y, dahil ang ating Panginoon ay binautismo para sa atin, ating pinagkakatiwala lahat ng ating mga kahinaan sa Kanya at umaasa sa Kanya. “Niligtas ba talaga tayo ng Panginoon sa paggawa nito? Nagtitiwala ako at nananalig sa Inyo.” Ang manalig tulad nito ay tunay na pananampalataya.
Sa mga teolohiya ng mundong ito, napakahirap na makakita ng isang taong nakakaalam at nananalig ng wasto. Kahit pa bago marating ang hugasan, sila’y di-makaalis sa pintuan ng bakuran ng Tagapagligtas, ni di-makapapasok sa bakuran. Kapag sila’y nagbibigay ng mga sermon sa Tabernakulo, sila’y gumagawa ng masusing pagsisikap upang tusong mamaybay sa pintuan ng bakuran nito, at kapag sila’y naglathala ng mga aklat ng Tabernakulo, sila’y maglalakip ng mga larawan na iiwan ang malaking pintuan na may taas na 9 metrong bakod.
Paminsan-minsan, may mga matapang na nangangaral ukol sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, nguni’t dahil di-nalalaman ang pangunahing nilalaman ng bughaw na sinulid, kanila lamang sinasabi, “ang bughaw ay kulay ng langit.” Kaya kanilang inaangkin na ang bughaw na sinulid ay ang kulay ng himpapawid na nagpapakita na si Jesus ay Diyos, at ang pulang sinulid ay tumutukoy sa dugo na binubo ni Jesus sa Krus, sa gayo’y tusong nagbabaybay, sa katotohanan ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo. Paano ang kulay-ube? Ang kulay-ube ay tumutukoy sa atin na si Jesus ay ang Hari ng mga hari at Diyos mismo. Ang kabanalan ni Jesus ay ganap na makikita sa kulay-ube, kaya hindi na kailangan pang igiit ang katotohanan sa ibang kulay ng sinulid.
Ang katotohanan ng bughaw na sinulid ay ang pagparito ni Jesus at kinuha lahat ng kasalanan ng sanlibutan nang minsanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan. Nguni’t ang mga teolohiya, dahil di-nalalaman ang bautismo ni Jesus, di-malalaman din, ni maipangangaral, kundi sasambit lamang ng walang-saysay. Yaong hindi isinilang na muli dahil sa di-pananalig na si Jesus ay naparito sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino hindi nalalaman na kinuha ni Jesus lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at pinasan ang kanilang sumpa. Tulad niyaon, sila’y naging bulag sa espirituwal at di-malulutas ang Salita, at samakatuwid ginawang relihiyon ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan ayon lamang sa kanilang sariling kaisipan. Tinuturo nila, “Maniwala kay Jesus. Sa gayo’y kayo’y maliligtas. At maging mabuti at mapagpakumbaba mula ngayon.” Ginawa nila ang pananalig kay Jesu-Cristo bilang isang relihiyon na idinidiin lamang ang kanilang mga mabubuting gawa.
Dahil alam ng tao na sila’y hindi magiging mabuti anuman ang pagsisikap, sila’y madaling madaya ng gayong mga salita na mananawagan sa kapasiyahan ng tao upang sikaping maging mabuti. Sinusunod ng mga relihiyong ang dating lumang paraan, “Kung iyong susubukan, magagawa mo,” o “Gawin ang iyong makakaya upang maging banal.” Ang karaniwang paksa sa lahat ng mga relihiyon ay ang pagbigay ng mataas na pahalaga sa kainaman ng mga kaisipan, mga pagsisikap at kapasiyahan ng tao. Paano halimbawa ang Budismo? Iginigiit ng Budismo ang walang hanggang mga pagsisikap at kapasiyahan ng tao at tinuturo sa mga tagasunod na sikaping maging banal sa pamamagitan ng kanilang mga sarili, sasabihing, “Huwag kang papatay; hanapin ang katotohanan at maging mabuti.” Sa ibang paraan, ang kanilang mga katurua’y ay katulad ng mga doktrina ng Kristiyano. Ang dahilan kung bakit ang Kristiyanismo at Budismo animo’y may kaugnayan bagaman salungat sa isa’t isa ay dahil ang mga ito’y pawang mga relihiyon.
Ang relihiyon at pananampalataya ay ganap na iba sa isa’t isa. Ang tunay na pananampalataya ay upang kilalanin at tanggapin sa ating mga puso ang handog na binigay sa atin ng Panginoon, Siyang nagligtas sa atin dahil lamang sa katuwiran ng Diyos. Ang pananampalataya’y pagkamit ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig ng ating mga puso na ang Panginoon ay naparito at binautismo upang kuhanin Niya ang ating mga kasalanan, at Kanyang pinasan lahat ng sumpa ng ating mga kasalanan sa pagpapako. Pananalig na niligtas tayo ng Panginoon mula sa lahat ng ating kasalanan at sumpa sa pagliligtas sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu ay ang pananampalataya. Nananalig ka ba? Tayo’y tunay na manalig sa ating mga puso.
 
 
Niligtas na ng Diyos Ikaw at Ako mula sa Lahat ng Ating mga Kasalanan
 
Sa gayon, ang atin lamang gagawin ay manalig sa ating mga puso at tanggapin ito. Ito ang kailangang gawin ng tunay na masunuring anak ng Diyos sa Kanyang harapan, at ang ibang bagay ay hindi gayong kahalaga. Dahil inibig ka ng Diyos, sinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak, pinakuha Niya ang inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa Kanya, pinapako Niya sa Krus at nagdanak ng dugo, at Kanyang pinapatay sa pamamagitan ng pagsumpa sa Kanya, binuhay Niyang muli, at sa gayo’y niligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan.
At kung hindi ka mananalig sa katotohanang ito, anong mararamdaman ng Diyos? Kahit ngayon, kung nais mong maging Kanyang masunuring anak na magbibigay lugod sa Kanyang puso, dapat kang manalig sa Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang Anak, Kanyang inalis lahat ng inyong mga kasalanan at niligtas ka mula sa mga ito. Kung mananalig kayo sa inyong mga puso at sa pasasalamat, inyong dapat na ipahayag sa inyong mga labi. Nais mo rin bang manalig sa Kanya, nguni’t parang napakahirap sa iyo na manalig sa iyong puso? Kung gayon, subukang mong ipahayag ang iyong pananampalataya ng malinaw sa iyong bibig. At kapag iyo ngang ipinahayag na ika’y nananalig, ang pananampalataya’y matatanim at unti-uting lalago. Ang pananampalataya’y mapapasakanya na tatanggap nito nang may katapangan.
Ating ipalagay sandali na ako’y may isang tunay na diamanteng singsing. At ating lubos na ipalagay na ibibigay ko ito sa inyo, nguni’t isa sa inyo’y tumangging tanggapin at sinabing siya’y di-naniniwala na ang singsing ay tunay na diamante. Bagaman ito’y tunay na diamanteng singsing, dahil siya’y di-naniniwala, ang diamante’y hindi mapapasa-kanya, kaya nawalan siya ng pagkakataong magkaroon ng tunay na diamanteng singsing.
Ang pananampalataya’y tulad nito. Kung ang tunay na alajero’y mapapatunayan sa tao sa kasulatang sanaysay na ang singsing ay tunay na diamante, sila’y maniniwala. Detalyeng sinabi ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang nakasulat na Salita na ang kaligtasang binigay Niya sa atin ay tunay. At yaong nanalig sa Kanyang kaligtasan dahil sa pinatotoo ng Kanyang Salita gayon din ang taong may pananalig. “Mahirap para sa akin na maniwala na ito’y totoo, nguni’t yamang Kayo ang Makapangyarihan na totoo, ako nga’y naniniwala.” Kapag ang tao nga’y nanalig, sila sa gayon ay magiging bayan na may pananalig, at ang pinakamahalagang handog ay mapapasakanila tulad ng pangako.
Sa kabilang dako, mayroon pa ring isang kakaibang uri ng pananampalataya. Ating ipalagay na ang manunuba’y ginaya ang diamanteng singsing, at mayroong nalula sa maniningning na kulay nito at kanyang binili, naniwalang itong tunay. Ang taong ito’y lubusang naniwala na kanyang ginawa ang matalinong gawa, nguni’t sa katunayan, siya’y nalinlang. Kapag ang tao’y naniwala sa mga bulaang patotoong umaangkin na ang singsing ay diamante nguni’t hindi, kung gayon itong huwad na diamante’y katulad din ng tunay na diamante para sa mga taong ito, dahil sila’y bulag na naniwala na ang singsing ay isang diamante. Nguni’t ang taglay nila ay huwad lang. Gayon din, may mga taong taglay ang huwad na pananampalataya. Bagaman sila’y tiwala sa kanilang pananalig, ito’y huwad, walang-batayan at misteryo, dahil ito’y hindi nagmula sa Salita ng Diyos.
Sinabi ng Diyos, “Huwag kang sasamba ng ibang diyos maliban sa Akin.” Ang Salita ng Diyos ay ang Diyos mismo, at sinasabi ng Salita sa atin na maliban tayo’y isilang na muli sa tubig at Espiritu, hindi tayo makapapasok sa Kaharian ng Diyos (Juan 3:5). Sinasabi ng Diyos sa atin na kung hindi muna dadaan sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulong binurdahan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, tayo’y di-makapapasok sa bakuran ng Tabernakulo, at sila na hindi muna maghugas ng kanilang mga kamay at paa sa hugasan ay di-makapapasok sa Tabernakulo. Dahil ito lamang ang Salita ang katotohanan, anumang bagay maliban nito lahat ay huwad.
Tanging pananampalataya sa katotohanan ay ang tunay na pananampalataya, at pananampalataya sa iba lahat ay huwad. Gaano mang sigasig ng paniniwala ng tao, ang hindi Salita ng Diyos at hindi Salita ng Diyos hanggang sa huli. Kapag sinabi ni Jesus sa iyo na Kanyang inalis lahat ng iyong kasalanan sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus, ang iyong tanging magagawa ay manalig. Yamang Siya na nagsabi na Kanya ngang ginawa ay Diyos, itong pananampalataya sa Kanyang Salita ay tunay. Kung hindi talaga ginawa ng Panginoon ito, kung gayon ito ang Kanyang kamaliang gawa, at ang iyong pananalig ay hindi mali. Sa kabilang dako, kung tiyak na ginawa nga ito ng Panginoon, nguni’t hindi ka nanalig at samakatuwid ay di-ligtas, kung gayon maliwanag na lahat ng ito’y iyong sariling responsibilidad. Kaya ang ating kailangang gawain ay manalig. Dapat tayong manalig sa sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang iglesia. Nananalig ka ba?
Anong Salita ang sinabi sa pamamagitan ng Iglesia? Ito ang Salita ni Jesu-Cristong naparito sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Pinalawig ng Iglesia lahat ng Salita ng Diyos, na kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pagbautismo, na si Jesus ay Diyos mismo, at Kanyang pinasan ang sumpa ng lahat ng ating kasalanan sa Krus. Pananampalataya sa katotohanag ito, na tayo’y niligtas nga ni Jesus, ay ang pananalig ng tunay na diamanteng ginarantiya ng Diyos.
Nang ating unang nalaman ang kalooban ng Diyos at ang mga espirituwal na kahulugang makikita sa Tabernakulo at pagkatapos ay magsabi ukol sa mga ito, ganito kadali. Nguni’t kung ating hahangarin lamang ang mababaw na kaalaman ukol sa panlabas na anyo ng Tabernakulo, ang orihinal na Hebreong salita nito, o ang kasaysayan sa likod nito, kung gayon tayo’y di-makikinabang kundi magkakaroon lamang ng sakit sa ulo.
Manalig sa bautismo ni Jesus. Tinanggap ni Jesus ang bautismong maglilinis sa lahat ng karimlan, mga maruruming kasalanan na nasa ating mga puso pa. Ang kahulugan ng bautismo ay upang hugasan ang kasalanan, ilipat, ilibing, isalin at takpan. Sa pagtanggap ni Jesus ng bautismo kaya Kanyang kinuha lahat ng inyong mga kasalanan. Ang mga di-nananalig ngayon dito lahat ay papatayain at ibubulid impiyerno. “Gagawa ka rin ng isang hugasan tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan…Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa upang huwag silang mamatay. At magiging isang palatuntunan magpakailanman sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi” (Exodo 30:18, 21). Ang di-manalig ay masusumpa. Ang di-pananalig ay ang pagbulid sa impiyerno. Kung ika’y di-mananalig, ang sumpa ni Jehovah at pagwasak ay bababa sa iyo, at ika’y itatapon sa walang-hanggang impiyerno.
“Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa upang huwag silang mamatay.” Sinabi ito ng Diyos sa Mataas na Saserdote, sinabing ito’y isang walang-hanggang kautusan na siya at kanyang mga inapo sa lahat ng mga henerasyon ay dapat manatili. Ang sinumang nagnanais na manalig kay Jesus bilang kanyang Tagapagligtas ay dapat na manalig sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Ang pananampalataya ay sa kanila na matapang na nanalig. Ang kaligtasan ay mapapasainyo kung inyong tatanggapin sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananalig. Ang katotohana’y magiging pakinabang sa atin kung tayo’y mananalig lamang. Dapat tayong manalig sa sinabi sa atin ng Diyos. Walang hadlang sa isang puso na higit sa di-pananalig.
Sinabi ng Diyos na kapag ang mga saserdote’y lumapit sa Kanya, dapat muna silang maghugas ng kanilang mga kamay at paa sa hugasang tanso, nguni’t maraming tao ang walang pananalig na hugasan ang kanilang mga kamay at paa sa pamaam ng tubig sa hugasang tanso. Ang sinumang di-taglay itong pananampalatayang nahayag sa hugasan silang lahat ay mamamatay sa harap ng Diyos. Manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa inyong mga puso at malinis na mahugasan, at sa gayo’y makalalapit sa Diyos, maiiwasan ang kamatayan, at matatamo ang Kanyang Kaharian bilang inyong regalo. Gaano man ang ang inyong pakikipagtalo at pagpilit sa Diyos, kayo’y tiyak na masusumpa dahil sa di-pananalig nang kayo’y bigyan ng pagkakataon. Nawa at dalangin ko na wala ni isa sa inyo ang mahaharap sa kamatayan dahil sa di-pananalig sa katotohanan.
Kung hindi ka mananalig sa katotohanan ng kaligtasang mag-aalis ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus, ika’y lubos na mapapahamak. Nananalig ka ba? Dapat tayong magbigay ng ating mga pasasalamat sa Diyos dahil sa pagliligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan at pagkasumpa sa pamamagitan ng hugasang tanso.
Ang natitirang bahagi ng Tabernakulo ay tatalakayin sa mga karugtong niton aklat. Nawa kayong lahat ay magkaroon ng pribilehiyong maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng mga mensahe sa mga aklat na ito.