(Juan 13:1-11)
“Bago nga magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang Kaniyang oras ng paglipat Niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga Kaniya na nangasa sanglibutan, ay inibig Niya sila hanggang sa katapusan. At habang humahapon, nang mailagay na ng Diablo sa puso ni Judas Isacariote, na anak ni Simon ang pagkakanulo sa Kaniya. Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa Kaniyang mga kamay, at Siya’y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon. Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang Kaniyang mga damit, at Siya’y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa Kaniyang sarili. Nang magkagayo’y nagsalin ng tubig sa kamaw at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa Kaniya’y nakabigkis. Sa gayo’y lumapit Siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa Kaniya, ‘Panginoon, huhugasan Mo baga ang aking mga paa?’ Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, ‘Ang ginagawa Ko’y hindi mo nalalaman ngayon, datapuwa’t mauunawa mo pagkatapos.’ Sinabi sa Kaniya ni Pedro, ‘Huwag Mong huhugasan ang aking mga paa kailan man.’ Sinagot siya ni Jesus, ‘Kung hindi Kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa Akin.’ Sinabi sa Kaniya ni Simon Pedro, ‘Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo.’ Sinabi sa kaniya ni Jesus, ‘Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka’t malinis nang lubos, at kayo’y malilinis na, nguni’t hindi ang lahat.’ Sapagka’t nalalaman Niya ang sa Kaniya’y magkakanulo kaya’t sinabi Niya, ‘Hindi kayong lahat ay malilinis.’”
Lahat ng Salita ng Biblia ay isang hiwaga sa mga bulaang guro na hindi isinilang na muli. Sila kung gayon ay inisip na ipakahulugan ang Salita ng Diyos sa kanilang sariling paraan sa pamamagitan ng mga kaisipang likha ng tao. Subali’t, sila mismo ay hindi tiwala sa kanilang tinuturo. Sanhi nito, maging sa mga naniniwala kay Jesus, iilan ang taglay ang matibay na paniniwala sa kanilang kaligtasan.
Bakit ito ang nangyari? Ito’y dahil kanilang sinasabi na naniniwala sila kay Jesus bagaman wala silang malinaw na kaalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Inaakala ng gayong mga Kristiyano na hindi sila mapapahamak dahil sila’y naniniwala kay Jesus. Nguni’t kailangan nilang mabatid na kung titignan ang pananaw mula sa Biblia, ito’y isa lamang ganap na katotohanan para sa kanila na mapahamak maliban sila’y isilang sa tubig at sa Espiritu.
Pangkalahatang paniniwala ng tao na isipin na bagaman hindi nila nalalaman ang katotohanan, dahil sila’y bulag na naniniwala kay Jesus, gayunman sila’y hindi mapapahamak. Subali’t, yamang hindi nila nauunawaan ng wasto ang Salita, hindi nila mababatid mula sa Salita na sila nga’y may maling paniniwala, sila ma’y hindi naligtas nang wasto.
Kaya kung literal na ipinapakahulugan ng tao ang Salita ng Biblia at lumitaw ang kanilang mga sariling doktrina batay sa kanilang mga sariling kaisipan, ang gayong mga tao, bagaman naniniwala kay Jesus, ay di-makakamit ang kapatawaran sa kasalanan at sa huli’y mahahantong sa impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan. Sa gayon, ang Biblia ay hindi isang bagay na lulutas ng ating sariling kaparaanan, nguni’t tayo’y dapat maghintay sa Diyos upang igawad sa atin ang kaunawaan mula Kanyang mga lingkod na isinilang na muli sa pamamagitan ng Salita ng katotohanan. Dapat din nating mabatid na lahat ng Salita ng Diyos ay pinaliwanag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sinabi ni Jesus, “Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:5). Yaong wasto ang kaalaman at naniniwala sa talatang ito ay mapapalaya nga mula sa lahat ng kasalanan at makapapasok sa Kaharian ng Langit. Sinabi ni Jesus na yaon lamang may mga pusong nahugasan ng kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makapapasok sa Langit. Nguni’t kapag ang tao ay naniwala ng walang kaunawaan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon—ito ay, ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino ng Tabernakulo—sila sa gayo’y mapapahamak sa kanilang mga kasalanan.
Gaano lubos na nakatatakot kung tayo’y mapapahamak dahil sa ating mga kasalanan bagaman tayo’y naniniwala kay Jesus? Lubos na nakalulungkot kong isipin na bagaman ngayo’y maraming naniniwala kay Jesus sa mundong ito bilang kanilang Tagapagligtas, marami sa kanila ang di-tiwalang masasagot kapag sila’y tatanungin kung talagang sila’y naniniwalang sila’y naligtas na sa lahat ng kasalanan. Hindi kamaliang sabihing lahat ng makasalanan, sila ma’y hinahayag na naniniwala sila kay Jesus o hindi, ay mapapahamak dahil sa kanilang mga kasalanan. Ilang tao ang talagang mapapahamak bagaman sila’y naniniwala kay Jesus?
Sinasabi ng Mateo 7 sa atin na bagaman marami sa mga naniniwala sa Panginoon ay sasabihin kay Jesus na sila’y nakapaghula, nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng maraming mga himala sa Kanyang pangalan, sila’y tatalikuran pa rin Niya. Sinabi ni Jesus na Kanyang sasabihin sa kanila, “Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala, magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan!” (Mateo 7:23) Sinabi ng ating Panginoon na hindi lahat ng tumatawag sa Kanyang pangalan ay makapapasok sa Langit. Tulad nito, sasawayin ng Panginoon yaong may maling kaunawaan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Nguni’t maraming tao ang hindi nababatid na mali ang kanilang unawa at paniniwala kay Jesus, isang kalagayang lubos na nakalulungkot sa ating Panginoon. Lubos na maraming tao ang ligaw sa katotohanang ang Panginoon ay sadyang sinasaway sila dahil sa kanilang maling pananalig, ang matungo sa kanilang sariling pagkawasak.
Itong dahilan ang ating mga puso’y nananaghoy dahil sa naturingang mga Kristiyano ngayon. Walang-saysay lamang ang kanilang paniniwala kay Jesus, hindi pa rin maabot ang malinaw at Biblikal na kahulugan kung ano ang tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Itong dahilan kung bakit ito’y mahalaga at kailangang gawin para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang lahat.
Ito’y lubhang mahalaga para sa ating lahat na malaman at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Paano natin, kung gayon, malalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Sa pamamagitan ng pakikinig, sa mga aral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu nakapaloob sa Salita ng Diyos. Sadyang dapat nating malaman at maniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at tawagin ng Diyos bilang Kanyang mga hinirang. Sa gayong gawa tayo’y makapapasok sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, kamtan ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, at maging Kanyang sariling mga anak sa pamamagitan ng pananampalataya.
Itong dahilan ang Kristiyanismo’y nagtutuon sa kaligtasang natamo dahil sa pananampalataya. Ang mga relihiyon sa sanlibutan ay ginagantimpalaan ang sariling mga gawa. Nguni’t ang tunay na katotohana’y sinasabi sa atin na ang kaligtasan ay handog ng Diyos, hindi sa mga gawa ng tao, upang walang sinumang magmalaki (Efeso 2:8-9). Itinuturo ng tunay na Kristiyanismo ang daan upang maligtas sa kasalanan at makapasok sa Langit sa pamamagitan lamang ng pag-aalam at paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang pangunahing salaysay ngayon ay mula sa Juan 13 ay tungkol din sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yamang nalalaman na dumating ang oras para sa Kanya na mamatay sa Krus, pinili ni Jesus na hugasan ang paa ng Kanyang mga alagad. Ito ay bago maganap ang Pista ng Paskua. Ang Pista ng Paskua ay lubos na mahalaga sa mga Judio. Dahil ito ang araw nang ang bayan ng Israel ay lumaya mula sa Ehipto at naligtas sa pagka-alipin, ito’y naging dakilang araw para sa mga Judio. Kaya ang bayan ng Israel ay ginugunita ang Pista ng Paskua ng Lumang Tipan at inaalala sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga rituwal ng Paskua.
Nang oras ng hapunan, tinipon ni Jesus ang Kanyang mga alagad at sinabi sa kanila ang isang bagay na may lubos na kahalagahan. Sa pamamagitan ng paghuhugas ng paa ng Kanyang mga alagad bago Siya mismo mamatay sa Krus, nais Niyang ituro sa kanila ang katotohanang maghuhugas ng kanilang mga kasalanan. Sa oras ng Pista ng Paskua, nalalaman ni Jesus na Siya’y dadakpin bilang Cordero ng Paskua, ipapako, mamatay, at babangong muli mula sa kamatayan. Kaya ninais ni Jesus na ituro sa Kanyang mga alagad na bilang Cordero na iaalay, Kanyang hinugasan maging ang kanilang kasalukuyang mga kasalanan. Sa ibang salita, hinugasan Niya ang paa ng mga alagad upang ibigay sa kanila ang napakahalagang aral bago mamatay sa Krus.
Ang Dahilan Bakit Hinugasan ng Panginoon ang mga Paa ni Pedro
Ating tignan kung ano ang sinabi ni Jesus nang Kanyang pinili na hugasan ang mga paa ng mga alagad at tumanggi si Pedro: “Kung hindi kita huhugasan ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa Akin” (Juan 13:8). Anong peligro at nakatatakot ang tugon na ito? Subali’t, sadyang hangad ni Jesus na ituro sa Kanyang mga lingkod kung anong uri ng pananalig ang kailangan upang hugasan ang kanilang mga kasalukuyang kasalanan, at kung gaano ang halaga para sa Kanyang mga alagad at sa Kanyang sarili na kailangan Niyang hugasan ang kanilang mga paa bago Siya mamatay sa Krus.
Kaya si Jesus ay tumayo sa oras ng hapunan, itinabi ang Kanyang mga balabal, kumuha ng isang tuwalya at binigkisan ang Sarili, pagkatapos ay naglagay ng tubig sa isang palanggana at sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad. Nang huhugasan Niya ang paa ni Simon Pedro, pilit na tumatanggi. Sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, huhugasan Mo baga ang aking mga paa?” Nasindak si Pedro sa pagnanais ni Jesus na hugasan ang kanyang paa. Dahil siya’y nanalig kay Jesus at naglilingkod sa Kanya bilang Anak ng Diyos, mahirap para sa kanya na tanggapin ang gayong kahibangang kalagayan. Itong dahilan nagtanong si Pedro kung bakit ninais ng Panginoon na hugasan ang kanyang mga paa, inaakala na sinumang dapat maghugas ng mga paa, ay kailangang si Pedro mismo ang maghugas ng mga paa ng Panginoon, dahil hindi nararapat at walang paggalang para sa kanya na hayaan ang Panginoon na hugasan ang kanyang mga paa. Kaya sa pagkakasindak ay sinabi ni Pedro, “Panginoon, huhugasan Mo baga ang aking mga paa?” at tumanggi na mahugasan.
Kaya sinabi ni Jesus sa talatang 7, “Ang ginagawa Ko’y hindi mo nalalaman ngayon, datapuwa’t mauunawaan mo pagkatapos.” Ibig sabihin, “Hindi mo nauunawaan ngayon kung bakit Ko ginagawa ito. Nguni’t matapos Akong mamatay sa Krus, mabuhay na muli sa kamatayan at umakyat sa Langit, sa gayon iyong malalaman ang dahilan kung bakit Ko hinugasan ang iyong mga paa.” Kaya pilit na sinabi ni Jesus, “Kung hindi kita huhugasan ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa Akin.” Malibang hugasan ni Jesus ang mga paa ni Pedro, si Pedro at si Jesus ay walang kaugnayan sa isa’t isa. Ang ibig sabihin ng walang bahagi kay Jesus ay kawalan ng relasyon sa Kanya, kaya walang pagpipilian si Pedro kundi ang ipahugas ang kanyang mga paa kay Jesus. Kaya nilagay ni Jesus ang mga paa ni Pedro sa palanggana, hinugasan ang mga ito, at pagkatapos ay pinunasan ng tuwalya.
Nang sabihin ng Panginoon kay Pedro, “Kung hindi kita huhugasan ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa Akin,” si Pedro ay nasindak, sinabi, “Kung gayon hugasan pa ng lubos upang ako’y magkaroon ng bahagi sa Inyo. Hugasan ang aking mga kamay, aking ulo, at ang buo kong katawan!” Nang marinig ito, tugon naman ni Jesus, “Siya na pinaliguan ay kailangan lamang hugasan ang kanyang mga paa. Siya’y lubos na malinis. Ikaw ay buong malinis, nguni’t hindi lahat kayo.”
Madalas sabihin ni Jesus kung bakit ang tao’y sa anumang sandali’y naguguluhan at nalilito. Di-nauunawaan ang sinabi ni Jesus, ang tao’y nauuwi sa maling-unawa, maling paniniwala, at nakagagawa ng di-karaniwang mga bagay. Yaong hindi nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa hindi pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-mauunawaan ang sinabi ni Jesus kay Pedro. Bakit? Dahil yaong hindi taglay ang Banal na Espiritu ay di-mauunawaan ang wastong kahulugan ng Salita ng Diyos.
Hindi mababatid ninuman ang katotohanang nahayag sa Biblia, bagaman siya’y isang henyong may malawak na makalupang katalinuhan. Habang ang gayong tao’y malinaw na nauunawaan ang Salita ng mga Kasulatan sa literal na unawa, hanggang hindi nila nalalaman ang katotohanan ng tubig at ng Espiritu, hindi nila mapagtatagpi-tagpi lahat ng mga palaisipan at malalaman kung anong uri ng pananampalataya upang hugasan ang kanilang mga kasalukuyang kasalanan anuman ang kanilang pagsisikap.
Sinabi ng Panginoon, “Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka’t malinis nang lubos at kayo’y malilinis na, nguni’t hindi ang lahat” (Juan 13:10). Ang talatang ito ay isang napakahirap na talata upang maunawaan para sa maraming mga Kristiyano ngayon, dahil hindi nila makumbinse ang kanilang mga sarili sa talatang ito kung nabayaran na nga ang lahat nilang mga kasalukuyang mga kasalanan o hindi. Sa katunayan, tangan nila ang talatang ito bilang batayan ng doktrina ng pangungumpisal, isa sa mga tinatawag na kaugaliang doktrina ng Kristiyanismo.
Kanilang ipinapakahulugan ang talatang ito tulad ng: “Minsang tayo’y naniwala kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, sa gayon tayo’y mapapatawad sa lahat nating kasalanan maging ang orihinal na kasalanan. Nguni’t, dahil tayo’y walang kasampatan kundi ang magkasala araw-araw, at sa gayo’y muling maging mga makasalanan, kailangan nating hingin ang kapatawaran sa Diyos upang mapatawad sa kasalukuyang mga kasalanang ito. Sa pamamagitan nito, tayo’y mahuhugasan sa ating mga kasalanan, at muling mapabalik ang ating kaugnayan sa Kanya.”
Kalokohan! Talaga bang mahuhugasan ang iyong kasalukuyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga dasal ng pangungumpisal? Paano ang mga kasalanang nalimutang hingan ng tawad dahil sa iyong hindi pag-iingat? Paano kung gayon mapapatawad ang mga kasalanang ito?
Ang Iglesia, ang katawan ng Diyos, sa katunayan ay ang pagtitipon ng mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng ating Panginoon. Kaya nang sabihin ni Jesus na ang katawan ay lubos ng malinis, nguni’t hindi lahat ng mga alagad ay malinis, Kanyang sinabi ito patungkol kay Judas na hindi nanalig sa Kanya. Ito’y dahil Kanyang nalalaman na si Jesus ay hindi nanalig sa Kanya kaya Kanyang sinabi, “hindi lahat kayo.”
Dapat tayong manalig na hinugasan ng Panginoon lahat ng ating kasalanan para sa lahat sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang sukdulang katotohanan ng Biblia. Kanya kung tayo’y bigong malaman ang pangunahing mga puntos ng Salita at sikaping unawain ang Salita ng Diyos sa ating sariling paraan, tayo’y mahuhulog sa lubos na kamalian. Hanggang ngayon, maraming tao, ang nahulog sa lubos na mga kamalian, ay sinusuko lahat ng kanilang mga ari-arian at nangamatay bilang mga martir gayong hindi sila naniniwala kay Jesus nang wasto, nguni’t ang hangganan, sila sa huli ay mapapahamak dahil sa kanilang mga kasalanan.
Ang Dahilan Bakit Kailangang Hugasan ni Jesus ang Ating mga Paa
Bakit magkakaroon ng kaugnayan si Pedro kay Jesus kung huhugasan lamang ni Jesus ang kanyang mga paa? Ang dahilan ay dahil si Jesus ay magiging tunay na Tagapagligtas ni Pedro kung Kanya lamang aalisin lahat ng kasalanan niya nang buong buhay. Si Jesus ay naparito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismo na Kanyang nakamit mula kay Juan, namatay sa Krus, bumangon sa kamatayan, at sa gayo’y hinugasan ang mga kasalanan ni Pedro at lahat ng kasalanan ng Kanyang mga alagad nang minsanan. Hangad ni Jesus na ilimbag ang katotohanang ito sa kanilang mga kaisipan. Nguni’t dahil ang mga alagad ay inakala ang Kanyang paghuhugas sa kanilang mga paa bilang isang bagay na mga tuntunin lang, hindi nila nalalaman ang dahilan kung bakit hinugasan ni Jesus ang kanilang mga paa.
Kailangan nilang malaman na hindi lamang kasalukuyang mga kasalanan kundi ang mga hinaharap na kasalanang magagawa ang nagbabanta rin sa kanila sa espirituwal na kamatayan. Kaya kailangan nilang malaman na maging ang mga kasalanang magagawa sa hinaharap ay inilipat na rin kay Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Dahil walang bahagi si Pedro kay Jesus hanggang hindi ito magaganap, kailangang mabatid ni Pedro ang dakilang aral ng paghuhugas ni Jesus sa kanya at maging sa mga alagad. Kailangang ituro ni Jesus kay Pedro ang katotohanan ng pagbautismo, Kanyang huhugasan “ang bawa’t kasalanang” nagawa ni Pedro dahil sa kanyang mga kakulangan at mga kahinaan. Itong dahilan bakit kailangang hugasan ni Jesus ang mga paa ni Pedro, at kailangan ipahugas ni Pedro ang kanyang mga paa kay Jesus. Magkakaroon lamang ng bahagi si Pedro kay Jesus kung siya’y mananalig na lahat ng kasalanan niya sa buong buhay dahil sa kanyang mga kahinaan at mga kakulangan ay minsanang ding nahugasan nang bautismuhan ni Juan si Jesus.
Mauunawaan natin ang katotohanan ng tubig at ng Espiritu sa pakikinig ng Salita ng Diyos. Sa pag-aalam at paniniwala sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na tumubos sa lahat nating kasalanan saka mahuhugasan maging lahat ng ating kasalukuyang mga kasalanan. Sinabi ni Jesus, “Siya na pinaliguan ay kailangan lamang hugasan ang kanyang mga paa.” Dahil hinugasan na ni Jesus lahat ng ating kasalanan at tayo’y nilinis, yaong nananalig dito ay ang mga tinubos sa lahat ng kasalanan.
Si Jesu-Cristo sa katotohana’y hinugasan lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo sa Ilog Jordan at inako lahat ng ating kasalanan. At sa pagtungo sa Krus, pagkapako, pagdanak ng Kanyang dugo, kamatayan, at pagkabuhay na muli, Siya’y naging ating walang hanggang Tagapagligtas. Sa bautismong Kanyang tinanggap at sa dugo sa Krus, naging ganap na Tagapagligtas ang ating Panginoon. Tulad nito, dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hinayaan ng ating Panginoon lahat ng mga nananalig sa Kanya na mahugasan sa lahat nilang kasalanan nang minsanan dahil sa pananalig.
Yaong nakakaalam ng katotohanang ito at nanalig ay ganap na matutubos din sa kanilang mga kasalukuyang kasalanan. Sa pananaw ng Diyos, tunay na ang buong sangkatauhan ay nahugasan sa lahat ng kasalanan dahil sa makatuwirang gawa ni Jesus. Ang dapat lamang nating gawin upang ganap na mahugasan sa lahat nating kasalanan ay tanggapin itong biyaya sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hindi ba’t ito ang nararapat? Oo! Sa pamamagitan ng pananampalatayang nananalig sa katotohanang ito, tayo nga ang naging mga napaliguan na.
Sinabi ni Jesus na yaong napaliguan na ay kailangan lamang hugasan ang kanilang mga paa, dahil bagaman araw-araw tayong nagkakasala, inako na ni Jesus lahat ng kasalanan nang Siya’y bautismuhan at lubos tayong naligtas. Dahil sa bautismo, hinugasan ni Jesus lahat ng kasalanan ng ating buong buhay, at sa araw-araw na pagsang-ayon sa ating bahagi gayo’y malulutas ang ating kasulukuyang mga kasalanan.
Ito ang sinasabi ng talatang ito sa atin. Ang katotohanan na maging yaong nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—ito ay, inako ni Jesus lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, namatay sa Krus habang pasan ang mga kasalanan ng sanlibutan, at bumangong muli sa kamatayan—nabubuhay pa rin habang nagkakasala, dahil sila ma’y nasa laman. Subali’t, kinuha na ng Diyos lahat maging mga kasalukuyang kasalanang nagawa ng tao araw-araw matapos manalig kay Jesus, dahil Siya’y makapangyarihan.
Sa paglipas ng panahon, mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan, minsanang tinupad ng Diyos ang gawaing ito ang pag-aalis lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Tulad nito, inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng ating buong buhay sa pamamagitan ni Juan matapos mabautismo, namatay sa Krus habang pasan lahat ng ito, bumangong muli, at sa gayo’y nahugasan lahat nating kasalanan. Nguni’t sa kabila nito, paano tayo maniniwala? Sa kabila ng paniniwala sa katotohanang ito, bawa’t araw tayo’y nililigalig ng mga kasalanang ating nagagawa sa ating buhay at sa ating mga pagkukulang.
Kanya kailangan bawa’t araw dapat tayong sumang-ayon, sa pamamagitan ng ating pananalig, sa katotohanang inako ni Jesus lahat nitong kasalanang ating nagagawa sa ating buong buhay habang narito sa lupa. Sa pamamagitan ng bautismo, hinugasan ni Jesus ang mga kasalanan ng sanlibutan nang minsan para sa lahat, nguni’t dapat nating pagtibayin ang katotohanang ito sa pamamagitan ng ating pananalig sa bawa’t araw, bawa’t oras.
Tulad ni Pedro, upang manitiling kasama si Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya, ay kailangang alalahanin na hinugasan ni Jesus ang kanyang mga paa, upang tayo’y manatili sa Kanyang kaligtasan, tayo rin, ay dapat pagtibayin bawa’t araw ang katotohanang Kanyang inalis lahat ng ating kasalanan dahil sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Nguni’t yaong hindi naniniwala sa katotohang ito ay di-mahuhugasan ang alin mang kasalanan nila magpakailanman. Yaong hindi nahugasan ng lahat nilang kasalanan dahil sa hindi pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay siyang walang bahagi kay Jesus. Bagaman araw-araw walang-patid silang sinisikap na hugasan ang kanilang mga kasalanan, hindi mahuhugasan ang kanilang mga kasalanan, dahil ang mga kasalanang nais nilang hugasan sa pamamagitan ng pangungumpisal ay hindi mga magagaan na kasalanan. Bawa’t kasalanan ay sinusundan ng nakatatakot na hatol ng Diyos.
Sa gayon, yaong nagsisikap na hugasan ang kanilang mga kasalanan sa pangungumpisal, sa halip na mahugasan sila sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay mararanasan at malalaman na kahit isang kusing na halaga ng kanilang mga kasalanan ay hindi maglalaho. Maaari bang mahugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng dasal ng pangungumpisal araw-araw? Kahit pa tayo mismo maniwala na nahuhugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pangungumpisal, ang mga kasalanang ito sa katotohana’y mananatili sa kabuuan.
Yaon lang napaliguan ang kanilang buong katawan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang nararapat na mahugasan ang kanilang mga paa habang sila’y nabubuhay, at sila lamang din ang madadamitan ng biyaya na magtutulot sa kanila na mahugasan ang kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa bawa’t araw at sa gayo’y mananatiling malinis magpakailanman.
Dahil sa bautismo, inako ni Jesus lahat ng ating kasalukuyang kasalanan nang minsanan. Tayo sa gayo’y nananalig na sa Kanyang bautismo, inako rin ni Jesus lahat ng kasalanang ating nagawa dahil sa ating mga kakulangan habang nabubuhay, at Kanyang ding pinasan lahat ng kahatulan. Sinabi ni Jesus sa atin, sa ibang salita, na dapat walang gayong bagay na balakid o ang kamatayan sanhi ng pagkakahulog sa ating sariling mga kahinaan.
Matapos hugasan ni Jesus ang paa ng mga alagad, lahat ng nalalabi na lamang sa Kanya ay ang mamatay sa Krus, bumangong muli mula sa kamatayan, at umakyat sa Langit. Si Jesus ay wala na ngayon sa tabi ng mga alagad, nguni’t ayon sa nasusulat na Salita, Siya’y nasa kanang kamay ng luklukan ng Diyos Ama. At Siya’y magbabalik muli.
Nguni’t kung namatay si Jesus sa Krus na hindi tinuturo ito sa Kanyang mga alagad, paano sila maaaring mananatili sa mundong ito at palawigin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ang mga alagad ni Jesus ay mabubuhay habang nakagagawa ng mga kasalanan, sapagka’t sila’y mahihina at walang kasapatan, at hindi nalalaman kung ano ang gagawin kung sila’y nagkakasala ng pag-iimbot, pagkapoot, hindi sila maaaring mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Paano nila kung gayon mapapalawig ang ebanghelyo sa iba? Hindi nila ito magagawa. Itong dahilan bakit kailangang sabihin ni Jesus sa Kanyang mga alagad na Kanya ng hinugasan maging lahat ng mga kasalanang ito, at itong dahilan kung bakit hinugasan Niya ang kanilang mga paa.
Tulad ng Kapatawaran ng Kasalanang Nahayag sa Tabernakulo
Kapag ating binuksan at pumasok sa pintuan ng looban ng Tabernakulo, ating unang makikita ang dambana ng sunugan ng handog at ang hugasang tanso. Ang unang aral na pinakikita sa atin ng Tabernakulo para sa ating buhay pananampalataya na kung tayo’y nagkasala sa Diyos, ang hatol ng kasalanan ay naghihintay sa atin. Ang ating buhay pananampalataya, tulad din ng nasasaad sa dambana ng sunugan ng handog, pangunahing nagsisimula sa paghahatol ng kasalanan at kamatayan. Tayo’y dapat na hatulan sa harap ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t naparito ang Panginoon upang akuin lahat ng ating kasalanan.
Tulad ng pag-aalay ng handog sa Lumang Tipan ay tinanggap ang mga kasalanan ng mga makasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, pagdanak ng dugo at kamatayan, at ang kanyang laman ay inilagay sa dambana ng sunugan ng handog at sinunog sa apoy, sa gayo’y tiniis ang hatol dahil sa mga kasalanan ng mga makasalanan sa pamamagitan ng pagpasan ng hatol ng apoy, gayon din ang ginawa ni Jesus para sa atin. Sa halip na tayo ang mamatay, tinanggap ni Jesus ang pagpapatong ng mga kamay mula kay Juan, nagdanak ng Kanyang dugo at namatay sa Krus, at sa gayo’y binayaran ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling kamatayan.
Tayo’y araw-araw na nagkakasala, at tayo’y patuloy na magkakasala hanggang sa araw ng ating kamatayan. Ikaw at ako ang dapat mamatay dahil sa ating mga kasalanan. Nguni’t upang maligtas ang gayong taong tulad natin mula sa ating mga kasalanan at hatol, iniwan ng Panginoon ang trono ng kaluwalhatian ng Langit at naparito sa lupa, tinanggap ang ating kasalanan sa pamamagitan ng pagtanggap ng bautismo mula kay Juan sa Kanyang sariling katawan, binigay ang Kanyang buhay sa Krus, napako, at nagdanak ng Kanyang mahalagang dugo, nagbangon mula sa kamatayan, at sa gayo’y naging ating tunay na Tagapagligtas. Batid at kinikilala ang kautusan ng kamatayan, na tayo’y dapat hatulan at mamatay dahil sa ating mga kasalanan, ay ang simula ng pananampalataya.
Yaon lamang nakakaalam at naniniwala na dapat silang mamatay dahil sa kanilang mga kasalanan ang maaaring mapaliguan ng paghuhugas ng kasalanan at makamit ang kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng paglilipat lahat ng kanilang kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang tunay na pananalig ay nagmumula sa gayong paniniwala. At tayo na nagsimula sa paniniwalang ito ay naging ganap dahil sa pagpapatibay ng ating pananalig na inalis ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanang ating araw-araw na nagagawa at hinugasan maging ang mga kasalanang magagawa sa hinaharap.
Maging ang Mataas na Saserdote at kanyang mga anak na makikita sa Tabernakulo ay binigay ang kanilang mga handog na susunugin bawa’t umaga at bawa’t gabi. Palagian nilang dinadala ang kanilang haing handog, nilalagay ang kanilang mga kamay sa kanilang ulo, kinukuha ang dugo at inaalay sa Diyos. Ito kung bakit walang upuan sa Tabernakulo. Sila, sa ibang salita, ay patuloy na naghahandog sa bawa’t oras na walang panahon upang sila’y maupo at magpahinga. Tulad nito, tayo ang mga tao na walang-tigil ang pagkakasala at hindi maiiwasan ang Kanyang hatol dahil sa mga kasalanang yaon, nguni’t lubos tayong niligtas ni Jesu-Cristo sa lahat nating kasalanan dahil sa bautismong Kanyang tinanggap at sa Kanyang dumanak na dugo.
Dapat nating simulan ang ating pananampalataya sa paniniwala na wala tayong magagawa kundi ang mamatay dahil sa ating mga kasalanan. Sa gayong taong tulad natin, si Jesus ay naparito sa lupa at inako ang ating mga kasalanan nang minsan para sa lahat sa pamamagitan ng bautismo. Yamang kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, pinasan ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan sa Krus at binayaran ang mga kasalanang ito sa pamamagitan ng Kanyang dumanak na dugo sa pag-aalay ng Kanyang sariling buhay. At sa pagkabuhay na muli, Siya ang naging ating walang-hanggang Tagapagligtas.
Sinasabi ng Roma 6:23, “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon.” Tayo nga ang dapat mamatay dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t ganap na niligtas tayo ni Jesu-Cristo. Sa ibang salita, dahil sa bautismo, kamatayan sa Krus, at pagkabuhay na muli, binigay ng Panginoon sa atin ang kapatawaran ng kasalanan at buhay na walang hanggan. Naniniwala ka ba rito? Dito nagsisimula ang pananampalataya.
Sa anumang pagkakataon, hindi mo ba iniisip, “Hindi na ako makasusunod kay Jesus dahil ako’y hindi sapat?” Iyo bang inaakala na ika’y basura lamang at lubos na makasalanan, na kahit ka pa maniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lubos na mahirap upang ikaw ay sumunod? Ito ang pananampalatayang magpapanumbalik sa kapahamakan.
Ating tignan ang Hebreo 10:36-39: “Sapagka’t kayo’y nangangailangan ng pagtitiis upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako. Sapagka’t sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating at hindi magluluwat. Nguni’t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya, at kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa. Nguni’t tayo’y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.” Sinabi na hindi tayo ang nagsisibalik sa kapahamakan. Yaong nananalig sa katotohanang ito ay lubhang inuusig, nililibak at nahaharap sa maraming mga paghihirap. Nguni’t ang mana ng Langit, na hindi humihina magpakailanman, ay naghihintay sa atin. Lahat ng mga bagay sa Langit ay naghihintay sa atin bilang mga nagmamay-ari.
Sinabi ng Hebreo 10:34-35, “Sapagka’t kayo’y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ang buong galak ang pagkaagaw ng inyong pagaari, palibhasa’y inyong nalalamang mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pagaaring lalong mabuti at tumatagal. Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.” Tama. Ikaw at ako na naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang nananatiling mana ng Langit ay naghihintay sa atin. Binigay ng Diyos ang Langit bilang Kanyang handog ng mana sa mga nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan.
Itong dahilan na Kanyang sinabi na huwag nating lisanin ang ating tiwala sa Kanyang pangako. Nalalamang makakamit natin ang dakilang gantimpala dahil sa ating pananalig, huwag tayong bumalik sa ating kapahamakan, bagkus ating patibayin pa ng husto ang ating pananampalataya at huwag iwaksi ang ating tiwala. Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya na nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang tunay na katotohanan, makibaka sa ating espirituwal na pakikibaka hanggang sa huli, iligtas ang mga kaluluwa at magtagumpay.
Tayong mga hinirang ay dapat na tiyakang taglayin ang pananampalatayang ito na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat tayong magkaroon nitong pananampalataya, na bagaman tayo’y hindi sapat kaya tayo’y araw-araw na nagkakasala habang tayo’y nabubuhay dito sa lupa, ganap na niligtas pa rin tayo ng Panginoon dahil sa bautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus para sa atin. Sa pananampalatayang ito magkakaroon tayo ng lubos na tiwala at mamuhay na matuwid hanggang sa katapusan ng mundo. Dapat tayong lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, tumakbo sa karera ng pananampalataya sa paglilingkod sa ebanghelyo. Ito ang sinasabi ng Biblia sa atin, “Sapagka’t kayo’y nangangailangan ng pagtitiis upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako” (Hebreo 10:36).
“‘Nguni’t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya, at kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.’ Nguni’t tayo’y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa” (Hebreo 10:38-39). Tayo na nabubuhay sa pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay ang mga makapagliligtas din sa iba sa kanilang mga kasalanan. Dahil dito, bagaman taglay ang pananampalatayang magliligtas sa iba, paano tayo maaaring manumbalik sa kapahamakan? Kung hindi tayo patuloy na tumitingin tungo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon ang ating pananampalataya ay manghihina at tayo’y mahahantong na mahuhulog sa latian ng kamatayan at lubusang mamatay. Yamang nakamit ang kapatawaran ng kasalanan, ang ating gagawin ngayon ay ang patuloy na tumakbo sa ating pananampalatayang sumusunod sa kalooban ng Diyos, hindi mahulog sa ating sariling mga kahinaan, manatili kung nasaan tayo, at mahantong sa kamatayan.
Tayo na naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi yaong bumabalik sa kapahamakan. Tayo yaong nagtataglay ng uri ng pananampalatayang makapagliligtas din sa kaluluwa ng ibang tao. Kung tayo ang gayong mga tao, paano tayo madadapa ang mamamatay dahil sa ating mga kahinaan? Hindi mangyayari ito. Yaong mga naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kailanma’y hindi ang mga magbabalik sa kapahamakan. Anuman ang aking kakulangan at kahinaan mo, tayo ang mga matuwid na nabubuhay sa pananampalataya na may lubos na pagtitiwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ikaw at ako ay dapat na isipin patungkol kung saan nagsimula ang ating pananampalataya, lumayo sa kapahamakan at namuhay sa pananampalataya. Una tayo ang mga mamamatay dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo kung saan iniligtas tayo ng ating Panginoon sa lahat ng kasalanan, ay nakamit ang ating walang hanggang kaligtasan.
Sa ibang salita, dahil ating sinimulan ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng lubos na pagkilala sa lahat nating kahinaan, mga kakulangan, walang-kakayanan at kasamaan ng 100 porsiyento, kung tayo, yamang nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan, ay nabubuhay sa mundong ito habang nagkakasala, hindi tayo magtatagumpay maliban na ating ilipat lahat ng ating kasalanan kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at hugasan ang mga ito sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang bautismo. Itong dahilan bakit kailangan nating tiyak na malaman na hindi tayo yaong manunumbalik sa kapahamakan, at sadyang mamuhay sa pananampalataya.
Kung minsan, nakatali sa ating sariling mga katayuan at mga kalagayan, maaari tayong mahulog sa iba’t ibang mga pagsubok at mga paghihirap, at habang tayo’y mahihina, ang ating buhay pananampalataya ay maguguho rin, di-magagawang magpatuloy. Nguni’t hindi tayo mamamatay. Sa hangad na maituro ito kay Pedro na Kanyang sinabi, “Kung hindi kita huhugasan ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa Akin.” Pinunasan ni Jesus lahat ng kasalanan ni Pedro. Tulad ng bautismo ni Jesus at inako lahat ng kasalanang ginawa ni Pedro sa kanyang buong buhay, namatay sa Krus, bumangon mula sa kamatayan, at sa gayo’y niligtas siya, niligtas ka at ako ng Panginoon sa lahat nating kasalanan at hatol.
Kung hindi magkagayon, paanong ikaw at ako ay magkakaroon ng kaugnayan sa Kanya? Kung hindi sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, paano tayo maliligtas sa lahat nating kasalanan at maakay ang iba upang maligtas din? Hindi natin magagawa ang alin man sa mga ito kung hindi sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang katotohanang nais ituro ni Jesus kay Pedro.
Ikaw at ako’y narinig at nauunawaan ang aral na ito, nguni’t kumusta na talaga tayo? Hindi ba tayo laging nalulumbay sa espiritu dahil sa ating mga pagkukulang? Tayo ba’y nahuhulog sa ating sariling mga kahinaan o hindi? Dahil ating nakikita na tayo’y hindi sapat at mahina, tayo’y madaling mahulog sa paghamak sa sarili. Maaaring nasasabi mo sa iyong sarili, “Paano ako makasusunod kay Jesus sa huli? Marapat na huminto na ako ngayon sa pagsunod sa Kanya! Nakatitiyak ako na iniisip din ng Panginoon na ako’y huminto na sa Kanyang Iglesia.” Kung hindi sa ebanghelyo ng bautismong tinanggap ni Jesus, sa gayon mahahantong tayo sa walang hanggang kapahamakan.
Manalig sa katotohanang, maging ikaw at ako sa katunayang walang magagawa kundi ang mamatay dahil sa ating mga kasalanan, niligtas na tayo ng ating Panginoon mula sa ating mga kasalanan at kahatulan. Kahit pa mahina ang ating laman at magkasalang muli matapos makamit ang kapatawaran, dapat pa rin nating kilalanin ang ganap at walang hanggang kaligtasan ni Jesus na ginanap sa bautismong Kanyang nakamit at Kanyang dugong dumanak.
Ikaw at ako ay dapat ipahayag ang ating pananampalataya, “Sa pangunahing salita, ako’y kailangang mamatay dahil sa aking mga kasalanan. Tama. Nguni’t hindi ba’t naparito sa lupa ang Panginoon para sa akin at inako lahat ng aking kasalanan dahil sa bautismo? Hindi ba inako ni Jesus lahat ng aking kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo? At hindi ba Siya namatay sa Krus? Hindi ba Siya bumangong muli mula sa kamatayan, at hindi ba Siya nabubuhay ngayon? Yamang ang aking mga kasalanan ay inilipat kay Jesu-Cristo, anuman ang aking kakulangan, at kahit paano man nabubunyag ang aking mga kakulangan, ako pa rin ay walang kasalanan. Ako samakatuwid ay hindi yaong manunumbalik sa kapahamakan at mamamatay.” Sa gayong paraan ng paniniwala, dapat nating iwaksi ang ating mga kahinaan.
Kahit pa tayo may mga kakulangang muli sa kinabukasan, dahil sa pananalig sa bautismong tinanggap ni Jesus sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, atin pa ring maiwawaksi ang ating mga kahinaan. Sa ating pananampalataya, dapat nating itapon ang ating espirituwal na kamatayan at mga sumpa na dumadaloy sa atin mula sa ating mga kahinaan.
Dapat nating pagnilayan ang katotohanang ito nang madalas, sasabihing, “Niligtas ako ng Panginoon. Yamang lahat ng aking kasalanan ay inilipat sa Panginoon, mayroon pa bang kasalanan sa akin o wala? Wala!” Sa gayong paniniwala, ating maiwawaksi ang ating mga kahinaan at mga kasalanan, sang-ayunan muli ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at bigyang-bisa ang katotohanang ganap tayong naligtas dahil sa pananampalataya. Ito ang paraan upang tayo’y makatakbo tungo sa Diyos bawa’t araw.
Lahat ng Kasalanan ay Naglaho nang si Jesus ay Bautismuhan
Mga kapatid, anong halaga nitong Salitang sinabi ni Jesus kay Pedro at sa Kanyang mga alagad? Kanyang hinugasan ang kanilang mga paa upang sila’y matibay na manangan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu maging pagkatapos ng Kanyang kamatayan, lalo na kung sila’y mahuhulog dahil sa kanilang mga kahinaan. Kung hindi hinugasan ni Jesus ang mga paa ni Pedro at ang ibang mga alagad, anong mangyayari sa mga alagad kapag namatay si Jesus sa Krus, magbangon mula sa kamatayan sa ikatlong araw, at umakyat sa Kaharian ng Diyos? Paano malulutas ng mga alagad ang kanilang mga kahinaan nang ang mga ito’y mahayag? Kailangan nilang lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng pananampalatayang naniniwala sa bautismong tinanggap ni Jesus, kung hindi sila naniwala, kung gayon mahirap para sa kanila na malutas ang kanilang mga kahinaan.
Dapat nating lutasin ang suliranin ng ating mga kahinaan at mga kasalukuyang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig na nakakaalam at naniniwala sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, ang mga ministeryo ni Jesus. Kung hindi tinuro ni Jesus sa Kanyang mga alagad ukol sa kapangyarihan ng bautismong Kanyang tinanggap, ang Kanyang mga alagad din ay espirituwal na nalumbay at namatay. Hindi sila magkakaroon ng kalakasang kamtan ang pananampalatayang ialay ang kanilang buong buhay sa ebanghelyo, iukol ang kanilang mga buhay sa pagliligtas sa ibang mga kaluluwa, at sa huli, ang maging martir, at sila samakatuwid sa huli ay mabibigong ipagtanggol ang kanilang pananampalataya at mangalungkot.
Nguni’t ayon sa sinalitang kaugaliang pinamana sa atin, sinasabi na ang labing-dalawang mga alagad ni Jesus ay pinangaral ang ebanghelyo at silang lahat ay naging mga martir. Sa mga alagad ni Jesus, ang pangalan ng alagad na lubhang nag-alinlangan ay si Tomas. Nguni’t maging itong si Tomas ay nagtungo sa India at naging martir doon.
Saan kung gayon, ang pananampalatayang ito na nagtulot sa lahat ng mga alagad ni Jesus na maging mga martir? Ang pananampalatayang ito na puspos ng pagtitiwala, na kinuha ni Jesus lahat ng kasalanan ng kanilang buong buhay sa pamamagitan ng bautismo, na sila’y naging ganap na malinis habang ang lahat ng kanilang mga kasalanan ay inilipat kay Jesus, at sila’y naging lubos na mga anak ng Diyos at magmamana ng Kaharian—ito sa katiyakang dahil taglay nila ang pananampalatayang ito upang kanilang mapalawig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu dito sa lupa at magtungo sa Diyos nang tawagin Niya sila. Lahat tayo, sa ibang salita, ay magiging mga martir din dahil sa pananampalatayang ito kapag ninais ng Diyos.
Nang ipagkanulo ni Pedro si Jesus nang tatlong ulit sa labas ng hukuman ni Pilato, kanyang higit na nabatid ang ibig sabihin ni Jesus nang Kanyang sabihin ito sa kanya, “Kung hindi kita huhugasan, ikaw ay walang bahagi sa Akin.” Matapos umakyat sa Langit ni Jesus, si Pedro at ang ibang mga alagad ni Jesus ay nabatid kung bakit kailangang hugasan ni Jesus ang kanilang mga paa, at ang manalig at ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na may lubos na pagtitiwala.
Ang mga Kristiyano ngayon, kung hindi sila maniniwala sa katotohanang ito na tangan ng bautismo ni Jesus, ay makikita rin na mahirap ang mamuhay sa pananampalataya at unti-unting susuko sa pananalig sa Kanya. Kung tayo’y gapos ng ating mga sariling kahinaan, ang ating mga budhi ay mawawasak dahil sa ating walang-kakayanang lutasin ang suliraning ito at dahil sa ating mga masasamang budhi, hindi na tayo maghahangad na dumalo sa iglesia. Ito ay tunay sa bawa’t kasapi ng Kanyang Iglesia, maging sa ating mga anak.
Mga kapatid, kung ikaw ay gapos ng kasalanan, makapagsasamba ka ba sa Diyos? Ngayon, maging yaong hindi pa isinilang na muli ay dumadalo sa iglesia, nangungumpisal para sa kanilang mga kasalanan, at sumasamba sa Diyos, at kanilang ngang ginagawa dahil sila’y naniniwala lamang kay Jesus bilang isang bagay ng relihiyon.
Nguni’t yaong mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kapag kanilang nararamdaman na ang kanilang mga kaluluwa’y nagkasala dahil sa kanilang mga kahinaan at nagagapos ng mga ito, hindi sila makalalapit sa Diyos at sambahin Siya. Sa panahong tulad nito, dapat nating linisin ang ating mga kaluluwa sa pananalig sa kapangyarihan ng bautismong tinanggap ni Jesus sa pananalig na inako lahat ni Jesus ang ating mga kasalanan dahil sa Kanyang bautismo.
Ito ang mga naturingang Kristiyano na mangmang sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi rin nalalaman ang daan ng pananampalataya, kaya sila’y bulag na sinisikap na matubos sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga pangungumpisal. Tulad ng mga sumusunod sa mga relihiyon ng mundo ay bulag na nagdarasal sa kanilang mga diyos-diyosan, “Nagmamakaawa ako, patawarin mo ang aking mga kasalanan at pagpalain ako at ang aking pamilya. Gagawin ko ang lahat, magbibigay ako ng higit na mga handog, gagawa ako ng mga kabutihan; pakiusap patawarin ang aking mga kasalanan,” ang gayong mga naturingang mga Kristiyano ay pawang sumusunod sa isang relihiyon na kanilang likha.
Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Ang Aking ginagawa ngayon ay hindi mo nauunawaan, nguni’t malalaman mo pagkatapos nito. Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa Akin.” Kung hindi nabatid ng mga alagad ni Jesus ang katotohanang nakakubli sa Salitang ito kahit matapos nito, hindi sila maisisilang na muli nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesus at magagawa ang mga gawaing magliligtas sa iba mula sa kasalanan. Kung hindi naitanim, habang hinuhugasan ni Jesus ang mga paa ni Pedro, sa kanya ang paghimok ng ganap na kaligtasan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng bautismo, hindi magiging martir si Pedro at matupad ang kanyang layon bilang pinuno ng Iglesia ng Diyos.
Kung hindi sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi tayo makalalapit sa Diyos at maibibigay sa Kanya ang pagsamba ng pananampalataya dahil sa kasalanan, dahil sa mga kasalanang patuloy nating nagagawa. Yaong mga nagkamit ng malinaw na katubusan ng kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makadadalo sa Kanyang Iglesia. At kanilang mahuhugasan ang kanilang mga kasalanan saan mang dako dahil sa kanilang pananampalataya. Tulad ng sinabi ng Panginoon na yaong ang mga buong katawan ay malinis ay kailangan lamang hugasan ang kanilang mga paa, kapag tayo’y nagkakasala dahil sa ating mga kahinaan, dapat nating tandaan at maniwala na ang gayong mga kasalanan natin ay inilipat na kay Jesus nang Siya’y bautismuhan.
Ang ating mga kasalana’y inilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan (Mateo 3:15). Kung ang mga kasalanang nasa ating mga puso ay inilipat kay Jesus, mayroon pa bang kasalanan sa ating mga puso o wala na? Wala ng kasalanan. Dahil ang ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesus nang minsan para sa lahat sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, tayo’y naging malinis nang ang ating mga kasalanan ay inalis dahil sa pananampalataya, at dahil tayo’y malinis, anuman ang ating kakulangan, tayo pa ri’y mga saserdote ng Diyos. Ito kung bakit yaong nananalig sa ebanghelyo ng katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay matiwasay na makatatakas sa kanilang mga kahinaan at makalalapit sa Diyos dahil sa pananalig, magagawa ang Kanyang mga gawain dahil sa pananalig, pasalamatan Siya dahil sa kaligtasang binigay Niya, mabibigay sa Kanya ang mga papuring luluwalhati sa Kanya, at palawigin din ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa iba.
“Ang ginagawa Ko’y hindi mo nalalaman ngayon, datapuwa’t mauunawa mo pagkatapos.” Nalaman mo ba ang katotohanang ito nang una mong makamit ang kapatawaran sa kasalanan? Maaaring hindi. Subali’t, narinig nating lahat ang aral na ito at nalaman. Bagaman ikaw at ako’y nagkakasala bawa’t araw at ang ating mga kakulangan ay nahayag, tulad ng paghuhugas ni Jesus sa mga paa ni Pedro, Kanya ring hinugasan ang ating mga paa bawa’t araw.
Sa pasimula, tayo’y nagalak nang tayo’y unang nanalig na ang mga kasalanang nasa ating mga puso ng maraming panahon at ang mga kasalanang ating nagawa kamakailan ay inilipat lahat ito kay Jesus, nguni’t ating nakita kung paano ang ating mga kakulangan ay nahayag at kung paano tayo gapos ng ating mga kahinaan kahit matapos makamit ang kapatawaran sa kasalanan. Sa gayong mga panahon, sa pag-aalam at pananalig na inako ni Jesus maging ang gayong mga kasalanan dahil sa Kanyang bautismo na atin ngang maililipat rin sa Kanya lahat ng kasalanang ating magagawa sa hinaharap.
Ang mga matuwid ba kung gayo’y malaya ng magkasala dahil dito? Hindi. Sinasabi sa Roma 1:17, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Ang ibang tao’y sumalungat sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, walang-saysay na sinasabi, “Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti” (Roma 3:8). Malaya bang magkasala ang isinilang na muli matapos nilang makamtan ang kapatawaran ng kasalanan? Tiyak na hindi!
Kapag ating iniisip ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, mga kapatid, tayo ba’y may kasalanan o wala? Wala! Gayon din, kahit mayroon tayong mga kakulangan, tayo ba’y ganap o hindi sa pananampalataya? Tayo’y ganap. Nang sinabi sa atin ni Jesus na ang ating buong katawan ay malinis, ibig Niyang sabihin na dahil sa Kanyang bautismo, dugo at pagkabuhay na muli, ginawa Niya tayong ganap na malinis.
Tayo rin, ay nalaman ang kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu matapos manalig kay Jesus. Sa gayon, dapat nating gamitin itong kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ating buhay araw-araw. Habang isinasapamuhay itong pananampalataya bawa’t araw, maaaring tayo’y mapagod, magtataka kung hanggang kailan natin gagawin ito. Nguni’t, sa oras ding ito, saan tayo muling magbabalik? Dapat tayong magbalik sa Panginoon sa pananalig na bagaman na tayo’y mamamatay lamang dahil sa ating mga kasalanan, niligtas tayo ng Panginoon sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagkuha ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, kamatayan sa Krus at pagkabuhay na muli mula sa kamatayan.
Alalahanin na ang mga saserdote’y kailangang magbigay ng mga handog na susunugin sa looban ng Tabernakulo bawa’t araw at hugasan ang kanilang mga kasalanan at mga paa sa hugasang tanso sa tuwing sila’y dadaan dito. Tulad nila, dapat nating isipin ang unang pag-ibig ng Panginoon at pagnilayin sa pamamagitan ng pananampalataya. Tayo sa pangunahin ay mamamatay, nguni’t inako ng Panginoon ang ating mga kasalanan at hinugasan, at sa kahatulan sa ating mga kasalanan sa Krus, winakasan Niya ang hatol ng kasalanan. Sa paraang ito, sa bautismo at dugo ng Panginoon, ganap Niyang iniligtas tayo mula sa lahat nating kasalanan at kahatulan.
Araw-araw, ay dapat nating iukit sa ating mga puso itong pag-ibig na buong nagligtas sa atin, na sana’y mamamatay, at lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang nananalig dito. Wala tayong mapipili kundi ang mamatay, nguni’t dahil sa Panginoon, tayo’y ganap na naligtas at naging ganap na naging matuwid na anak ng Diyos. Nang binigay ng Panginoon sa atin ang gayong pananampalataya, hindi ba kailangan lagi nating taglay ang pananampalatayang ito?
Tayo ang mga manlalakbay na naninirahan lamang sa lupang ito panumandali at pagkatapos ay lilisan. Ang ibig sabihin ng mga manlalakbay ay yaong palipat-lipat ng lugar. Tayo ang mga manlalakbay na naninirahan sa isang lugar panumandali at pagkatapos ay lilipat muli kapag natapos na ang ating misyon. Tayo ang mga manlalakbay na magbabalik sa Kaharian ng Langit matapos manirahan panumandali dito sa lupa. Habang tayo’y namumuhay bilang mga manlalakbay na dumadaan sa mundong ito at magtungo sa Kaharian ng Langit, may mga pagkakataong nais nating huminto at sumalampak sa lupa. May mga panahon na ikaw rin ay nais na sumalampak, sa laman at sa espirituwal. Ang pagkakataong ito ay maaaring dumating dahil habang ikaw mismo ay ganap, ang iyong mga kalagayan ay hindi ang pinakamimithi, o habang ang iyong mga kalagayan ay hindi mainam, ang mga masasamang kaisipan ng iyong laman ay patuloy na dumarami.
Sa atin na tulad nito, binigay ng Panginoon sa atin ang Salita na kailang-kailangan natin. “Hindi mo nalalaman ngayon, datapuwa’t mauunawaan mo pagkatapos.” Oo, ngayong alam natin. Habang tayo’y nabubuhay bilang mga manlalakbay, sa tuwing nahahayag ang ating mga kakulangan, at sa tuwing tayo’y nagagapos ng ating mga kahinaan at bihag ng ating mga kalagayan, dapat nating tandaan na tayo’y lubos na nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus na nag-alis ng lahat ng mga ito, at sa dugo sa Krus. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ating ganap na nakamtan ang kapatawaran ng kasalanan.
Kung ating pagmamasdan ang Tabernakulo, matutuklasan natin kung gaano ang detalye nito. Tulad ng makikita sa dambana ng sunugan ng handog, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Dahil tayo’y araw-araw na nagkakasala, tayo’y kailangang hatulan at araw-araw na patayin dahil sa mga kasalanang ito. Sa dambana ng sunugan ng handog ay makikita ang katotohanang naparito si Jesu-Cristo bilang haing Cordero, tatanggapin ang pagpapatong ng mga kamay at mamatay para sa atin. Sa pagdaan sa dambana ng sunugan ng handog, naroon ang hugasang tanso, kung saan tayo’y magninilay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang hugasan ang ating mga kasalanan araw-araw. Itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang ganap na katotohanang nagligtas sa atin mula sa ating orihinal at kasalukuyang mga kasalanan.
Ano ang handog ng Diyos na nasa Panginoong Jesu-Cristo? Hindi ba ito ang kapatawaran ng kasalanan at buhay na walang hanggan? Ganap na niligtas tayo ng Panginoon. Lubos na niligtas tayo na mamamatay anumang oras dahil sa ating mga kasalanan. Lahat ng ating mga kasalanang nagawa sa buong buhay ay nalinis na dahil sa ating pananampalataya sa tubig at sa dugo, at dahil sa Salita, na hinugasan ng Panginoon maging ang ating mga paa. Dahil inako ni Jesus lahat ng ating kasalanan nang Siya’y bautismuhan at lahat ng kasalanang nagawa sa ating buong buhay ay inilipat sa Kanya, kay Jesu-Cristo, pasan ang ating mga kasalanan, hinatulan ang mga ito sa Krus at namatay, nabuhay na muli at sa gayo’y naging ganap na Tagapagligtas. Nang tayo’y naging lubos na nanalig kay Jesu-Cristo kaya tayo naging ganap. At bagaman ang ating laman ay may kakulangan, yamang mayroon tayong ganap na pananampalataya, tayo’y mamumuhay espirituwal na mapalad at makapapasok sa walang hanggang Kaharian ng Diyos.
Hindi Ka ba Tulad ni Pedro Ngayon?
Tulad ng paghugas ni Jesus sa mga paa ni Pedro, hindi ba Niya hinugasan din ang iyong mga paa? Nararapat na hugasan din ni Jesus ang ating mga paa bawa’t araw. Ito kung bakit inako ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo, at dahil sa mga kasalanang ito, Siya’y namatay sa Krus alang-alang sa atin. At Siya’y bumangong muli matapos ang ikatlong araw. Tulad nito, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, Kanyang dugo sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli, si Jesus ay naging ganap na Tagapagligtas natin. Lubos tayong naniniwala rito.
Dahil sa pananampalataya tayo’y ganap na nakasasamba sa Diyos, at dahil sa pananampalataya ating ganap nagagawa ang Kanyang mga gawa. Ang ating mga gawa ay hindi ganap. Ang ating pananampalataya ang gumagawang ganap. Ito kung bakit kailangan tayong mamuhay bilang mga alagad ni Jesus sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hindi tayo ang manunumbalik sa kapahamakan ng pananampalataya. Bagaman tayo’y may kakulangan, tayo’y makatatakbo sa pamamagitan ng pananampalataya, at sa katotohanang tayo’y higit na makatatakbo sa pamamagitan ng pananampalataya. “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” “Hanapin muna ninyo ang Kaniyang kaharian, at ang Kaniyang katuwiran.” Sa katotohanang tayo’y naging mga matuwid dahil sa pananampalataya, at sa gayon tayo ang makapagliligtas sa mga kaluluwa ng iba, kung hindi natin iaalay ang ating mga sarili sa misyong binigay ng Diyos sa pagliligtas sa iba, tayo’y mahuhulog sa latian ng kapahamakan at malulumbay at mahahantong na mamatay sa ating mga kasalanan.
Ang walang kasalanan ay nagagalak habang ginagawa ang Kanyang mga tuwirang mga gawain. Sila’y nagagalak na palawigin ang ebanghelyo ng Diyos na nagliligtas sa iba. Nguni’t ang mga makasalanan ay hindi nagagalak na gawin ang nararapat. Sa mga nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan, ang paggawa ng tama ay nagiging kanilang espirituwal na tinapay. Ang pagpapalawig ng ebanghelyo sa buong mundo ay ang bagay na nararapat na gawin upang iligtas ang ibang mga kaluluwa, at sa gayon din, ito rin ang ating sariling tinapay ng buhay. Sa paggawa ng nararapat, ang ating mga puso ay puspos ng Espiritu, ang bagong kalakasan ay sisibol sa atin. Habang ang ating mga espiritu ay lumalago at humihinog, tayo’y nagiging higit na matapang. Upang mamuhay tulad ni Abraham, upang pagpalain ng Diyos at ibahagi itong mga pagpapala sa iba, dapat nating ibigin ang katuwiran, ibigin ang nararapat, at ibigin ang pagpapalawig ng ebanghelyo. Bagaman tayo’y mahihina, malibang tayo’y patuloy sa paggawa nitong mga matuwid na gawain, ang ating mga kaluluwa’y mamamatay. Tayong mga matuwid ay tiyak na mamamatay sa espirituwal kung tayo’y hihinto sa paggawa ng Kanyang matuwid na misyon. Ito kung bakit sinabi ni Jesus, “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran sapagka’t sila’y bubusugin” (Mateo 5:6).
Sinabi rin ni Jesus, “Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagka’t makikita nila ang Dios” (Mateo 5:8). Yaong nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan at nanalig na lubos na hinugasan ng Panginoon lahat ng ating kasalanan ay makikita ang Diyos. At sila’y mananalig sa Diyos, upang sumunod, at upang ibahagi ang makalangit na mga pagpapala sa buong mundo.
Tayo’y naging ganap dahil sa pananampalataya. Tayo’y mamamatay dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t sa pagparito ng Panginoon sa lupa, nabautismo, at namatay sa Krus para sa atin, at sa gayo’y ganap na niligtas tayo. Ito ang katotohanan, at ang daan sa Kaharian ng Langit. Ang kaalaman nito ay kaalaman sa daan ng pananampalataya. Wala ng ibang daan kundi ito. Hindi tayo makapapasok sa Langit dahil sa ating mga mabubuting gawa. Tanging sa kaalaman at paniniwala sa ginawa ng Panginoon tayo’y makapapasok sa Langit.
Sa kalahatan, kung ating hahatiin ang tao sa dalawang uri, naroon ang mga taong sanay sa nararapat, at yaong sanay sa kasamaan. Yaong sanay sa kasamaan ay yaong hindi nakamit ang kapatawaran ng kasalanan. Sa pamamagitan ng pananalig sa kung ano ang ginawa ng Panginoon sa atin, tayo’y naging mga kasangkapan ng katuwiran, nguni’t yaong hindi nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan ay nananatili pa rin bilang mga kasangkapan ng Diablo, anuman ang kanilang pagnanais.
Sa oras na ito, may pananalig akong masasabi sa inyo na binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang ganap na kaligtasan, ang ganap na pananampalataya, at ang ganap na kapatawaran ng kasalanan. Ang iyo bang mga gawa ay may kakulangan kahit ika’y naniniwala sa ebanghelyong ito, at sa anumang pagkakataon, ang inyo bang mga puso ay hinihila nito? Hindi na kailangan pang gawin yaon, dahil ang mga matuwid ay maaaring mamuhay sa pananampalataya. Hindi ba ang Diyos, Siya na hindi maaaring maging mangmang sa ating mga kakulangan at mga kahinaan, ay kinuha lahat nitong mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang bautismo?
Hayaan ninyong ibigay ko ang araw-araw na halimbawa kung gaano ang ating kakulangan. Minsan kami’y naglalaro ng “soccer.” Kapag ang aking pangkat ay nasa kabalisahan, kapag ang bola ay papalapit mula sa itaas tungo sa aming “goalpost,” akin lamang itong pinapasa o aagawin ng aking mga kamay. Ako ba’y isang “goalie?” Hindi. Nais ko lamang manalo. Sa gayong isang katayuan, lahat kami, ang mga ministro, mga hinirang, at mga manggagawa ng Diyos lahat ay ginagawa ang lahat upang sikaping manalo. Maaari mong kalimutan ang maging madali; upang manalo, ginagawa natin lahat ng mga masasamang paglalaro. Ang laro ay nagiging mabuno dahil bawa’t isa’y ginagawa ang lahat ng bagay upang manalo, lalong higit na waring wala ng ibang laro na naghahayag ng kahubaran, pinakikita ang sariling ugali ng tao nang higit pa sa “soccer.” Kung ang aming pangkat ay natatalo, hindi kami mag-aatubiling gumawa ng mga maling bagay, mga pandaraya, at igiit ang aming mga kaparaanan.
Lahat ng mga bagay na ito ay maaari para sa amin, nguni’t kung ang kabilang grupo ay gumawa ng mali sa amin, sisigaw kami ng “foul” at hihingin sa “referee” na magbigay ng dilaw na “card,” nguni’t maging ang mga tuntunin ng “referee” ay hindi maasahan na mayroong ding idudulot. Ito kami talaga. Nais namin lagi ang mga kapaki-pakinabang sa amin, para sa aming pangkat, at para sa aming mga sarili, at nais lang namin ang pakinabang sa amin. Nguni’t niligtas ng Diyos ang gayong mga taong tulad namin. Bagaman tayo’y puno pa rin ng mga dumi at palasak sa hindi pagsunod sa batas, ayon sa aming pananampalataya, tayo yaong naging isinilang na muli na walang dungis.
Ganap tayong niligtas ng Panginoon sa lahat nating kasalanan. Ito kung bakit tinatawag natin ang Panginoon bilang Diyos ng kaligtasan. Ang Panginoon ay ang Diyos ng kaligtasan. Hinayag ni Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:16). At pinagtibay ng Panginoon ang kanyang pananalig bilang kaloob ng Diyos. Ang salitang Cristo ay Siyang umako ng ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan at inalis ang mga ito. Si Jesu-Cristo ay ang Anak na buhay na Diyos. Bilang Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas, ganap Niya tayong niligtas. Kaya, maging matapang sa inyong mga puso, kahit na ramdam ang kakulangan at kahinaan upang maglingkod sa ebanghelyo.
Ang inyong mga kaluluwa, mga puso at mga katawa’y hindi dapat umurong at yumukod; sa halip, ituwid ang mga ito sa pananampalataya at maging matapang, na dakilang bayan ng katuwiran na nagpapalawig ng pananampalatayang bigay ng Diyos na malawak at malayo. Tingnan ninyo ako. Wala akong maipapakita sa laman, nguni’t hindi ko ba napapalawig ang ebanghelyo sa buong mundo? Hindi ba ganito rin kayo? Huwag ninyong akalain na yaong animo’y walang kakulangan ay talagang malaya sa anumang mga pagkukulang. Ang mga makasalanan ay sadyang mapagkunwari. Ang mga mapagkunwari rin, ay ang gayon ding mga tao tulad ninyo, kaya paanong ang kanilang laman ay mabubuti, mararangal at malilinis? Ang laging may kakulangan ay ang laman ng tao. Kailangan mong malaman na yaong nagpapakita ng kanilang mga mabubuting gawa, lalo na sa kalipunan ng mga Kristiyano, ay pinakikita lamang ang kanilang kapaimbabawan at huwad na kalikasan.
Ganap tayong niligtas ng ating Diyos. Samakatuwid, ating mapaglilingkuran ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng ating pananampalataya na gumawang ganap sa atin, binigyang kapangyarihan nitong ganap na katuwiran ng Diyos. Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa paggawad sa atin na maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, sa pamamagitan ng katotohanan ng kaligtasan na Kanyang nilayon maging bago pa paglikha ng sanlibutan. Lahat ng inyong mga kasalanan ay nahugasan na nang si Jesus ay bautismuhan at dumanak ng Kanyang dugo sa Krus. Nawa lahat kayo’y naniniwala sa katotohanang ito.