(Exodo 26:31-37)
“At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube at pula at linong pinili na may mga querubing mainam ang pagkayari. At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto na pati ng kanilang ma pangipit ay ginto rin, na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak. At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo, at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako. At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako. At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong, at ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan. At igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube at pula, at linong pinili, na yari ng mangbuburda. At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto, na ang sima ng mga yaon ay ginto rin, at ipagbububo mo ng limang tungtungan.”
Ang Banal na Dako
Nais kong pagnilayan ang mga espirituwal na kahulugang nakapaloob sa mga haligi ng Banal na Dako at ang mga kulay ng tabing nito. Ang Tabernakulong ating isinaalang-alang dito ay may sukat na 13.5 metro ang haba at 4.5 metro ang lapad, at ito’y nahahati sa dalawang silid tinatawag na Banal na Dako at Kabanalbanalang Dako. Sa loob ng Banal na Dako, ay naroon ang isang kandelero, ang dulang ng tinapay, at ang dambana ng kamangyan, sa loob naman ng Kabanalbanalang Dako, ay ang Kaban ng Tipan at ang luklukan ng awa ay naroon.
Binubuo ng Banal na Dako at Kabanalbanalang Dako, ang Tabernakulo ay napapalibutan ng mga tabing na gawa sa akasiang kahoy na may sukat na halos 70 sentimetro ang lapad at 4.5 metro ang taas. At sa pintuan ng Tabernakulo, limang haligi ng akasiang kahoy na nilatagan ng ginto. Ang pintuan mismo, papasok mula sa bakuran sa labas ng Tabernakulo, ay gawa sa tabing na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Sa bakuran sa labas ng Tabernakulo, ay nakatayo ang anim na pung mga haligi, 2.25 metro ang taas ng bawa’t isa. Ang pintuan ng bakuran, na nakalagay sa silangan nito, ay hinabi rin sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at tanging sa pagdaan sa pintuang ito ng bakuran sa labas ay makapapasok ang sinuman sa bakuran ng Tabernakulo. Sa bakurang ito ng Tabernakulo ay naroon ang dambana ng sunuguan ng handog at ang hugasang tanso.
Sa pagdaan ng dalawang ito, mararating ang pintuan ng Tabernakulo, na may taas na 4.5 metro. Itong pintuan ng Tabernakulo ay may limang haligi, na ang mga tungtungan ay gawa sa tanso. Tulad ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, ang pinto ng Tabernakulo ay gawa rin sa mga tabing na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino at nakasabit sa mga gintong pangkawit na nakalagay sa itaas ng limang haligi. Ang tabing na ito ay ang dibisyong hahati sa looban at labasan ng Tabernakulo.
Anong Ating Unang Dapat na Isaalang-alang ay ang mga Haligi ng Pintuan ng Tabernakulo
Ang limang haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay may taas na 4.5 metro. Sa mga haliging ito, ay may isang tabing na hinabi sa apat na mga hibla ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Una sa lahat, ating ituon sa katotohanang ang limang haligi sa pintuan ng Tabernakulo ay may 4.5 metro ang taas. Anong kahulugan nito? Ibig sabihin na binayaran mismo ng Diyos ang isang malaking halaga ng pag-aalay upang alisin lahat ng ating kasalanan at gawin tayong Kanyang mga anak. Dahil ikaw at ako ay gayong walang kasapatan at mga mahihina sa ating saligan, tayo’y nabubuhay sa mundong ito na gumagawa ng maraming mga pagsalangsang. Dahil ikaw at ako ay lubhang mga makasalanan na laging nagkakasala sa bawa’t sandali sa mundong ito, taglay natin ang maraming karumihan at mga pagsalangsang. Itong mga haligi sa pintuan ng Tabernakulo ay pinakikita sa atin upang mailigtas tayo sa gayong mga karumihan at mga kasalanan ng mundo, hinandog ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesu-Cristo, bilang kabayaran ng ating mga kasalanan at sa gayo’y Kanya ngang iniligtas tayo sa mga kasalanan ng sanlibutan.
Dahil sa ating mga karumihan at mga kasalanan dito sa lupa, sa ibang salita, binigay ni Jesu-Cristo ang Kanyang sariling katawan bilang isang haing handog sa harap ng Diyos at binayarang lubos ang mga kasalanan ng sanlibutan, sa gayo’y iniligtas tayo. Kung ang isang tao’y nagkasala, at di-sinasadyang magkasala ukol sa banal na mga bagay ng Panginoon, kung gayo’y kailangan niyang magdala ng isang tupa bilang handog dahil sa kasalanan, at kailangan niyang dagdagan ng ikalimang bahagi nito at ibigay sa mga saserdote (Levitico 5:15-16). Ibig sabihin ay binigay ni Jesu-Cristo ang Kanyang sarili upang iligtas ka at ako mula sa ating mga kasalanan at sa gayo’y binayaran ang ating mga kasalanan nang higit sa nararapat. Naparito ang ating Panginoon upang alisin ang ating mga kasalanan at inalay ang Kanyang sarili bilang ating handog dahil sa ating mga kasalanan.
Ang mga handog sa Biblia, tulad ng mga handog na susunugin, handog ng kasalanan at mga handog ng kapayapaan, ay ibinigay upang ang taong nagkasala ay mapaglalaho ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa kanilang mga haing handog at sa gayo’y inilipat ang kanilang mga kasalanan sa kanila. Sa gayong mga handog, ang handog ng kasalanan ay isang haing handog na binibigay upang alisin ang mga karumihan. Itong handog ng kasalanan ay binigay, kapag ang isa’y nakapinsala sa iba dahil sa kapabayaan, upang bayaran ang biktima at mapanumbalik ang relasyon. At ang handog ng kasalanan na kasangkot ay ang pagdadagdag ng 20 porsiyento ng pagsasauli sa buong pagsasauli, pati na ang mga multa at mga bayad-pinsala. Ito ang pangunahing kailangan sa handog ng kasalanan. Ito’y isang handog na binigay sa tanging layon ng pagbabayad-sala ng mga karumihan ng isang tao kapag kanyang napinsala ang sinuman (Levitico 5:14-6:7).
Ikaw ba at ako’y malayo na sa kasalanan? Hindi ba tayo mabubuhay ng buong buhay na nagkakasala? Hindi natin ito maiiwasan, dahil ikaw at ako ay mga inapo ni Adan. Tayo mismo’y nalalaman kung gaano karami ang ating mga kapintasan, at paano tayo nabubuhay habang nagkakasala ng maraming mga kasalanan. Ilan ang kasamaan ang ating nagawa sa iba at laban sa Diyos? Ito’y dahil lang sa ating kabagalan at kapintasang kilalanin ang mga kasamaang ito bilang mga kasalanan at madalas nating nakakalimutan ang mga ito habang tayo’y nabubuhay. Nguni’t ikaw at ako ay hindi makaiiwas kundi ang kilalanin sa harap ng Diyos na tayo’y nakagawa ng maraming mga pagsalangsang laban sa iba at sa Diyos, na tayo’y mga pawang mga makasalanan sa harapan Niya.
Upang mapalaya ang gayong mga makasalanan sa lahat nilang kasalanan, ninais na isugo ng Diyos si Jesu-Cristo bilang kanilang sariling handog ng kasalanan. Sa pagpapahintulot na pasanin ni Jesu-Cristo ang hatol ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bayad ng Kanyang pag-aalay, binigay ng Diyos sa atin ang handog ng kaligtasan. Nang sinugo ng Diyos Ama ang Kanyang Anak dito sa lupa at pinabautismo Niya at pinapako, lahat upang iligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan at ginawa tayong Kanyang sariling bayan, paano natin maihahambing ang ating mga sarili sa lubos na kahalagahan ng pag-aalay ng ito? Upang mailigtas tayo sa lahat nating kasalanan, inalay ang ating Panginoon upang pagbayaran lahat ng kasalanan, at sa gayo’y iniligtas tayo sa mga kasalanan ng sanlibutan. Paanong magiging iba ito kundi ang kahanga-hangang biyaya ng Diyos? Gaano kalalim, lawak at taas ang pag-ibig ng Diyos? Sa lubos na katotohanang ang mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay kasing-taas ng 4.5 metro ay sinasabi sa atin ukol sa pag-ibig ng Diyos sa atin na binigay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Upang maligtas ang mga gayong walang-saysay na nilalang na tulad natin mula sa hatol ng kasalanan, niligtas tayo ng ating Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang sariling pag-aalay—nagpapasalamat sa Kanya dahil sa katotohanang ito. Hindi natin maiiwasan kundi ang mahantong sa impiyerno bilang kaparusahan sa ating mga kasalanan, at nang binigay ng Panginoon ang Kanyang sariling katawan upang tayo’y maligtas mula sa ating mga kasalanan, paanong hindi natin Siya mapasasalamatan? Binibigay natin ang pasasalamat sa Kanya! Dahil sa bautismo ni Juan, inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang mahalagang katawan, binayaran ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo sa Krus, at sa gayo’y iniligtas tayo sa lahat nating mga kasalanan at hatol. Atin Siya ngayong mapapasalamatan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyong ito. Ito ang malalim na kahulugan ng kaligtasang nakapaloob sa mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo.
Bawa’t isa sa limang haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay may 4.5 metro ang taas. Ang bilang na “5” ay tumutukoy sa “biyaya ng Diyos” sa Biblia. Samakatuwid, ang limang haligi ay nagbabadya ng handog ng kaligtasang binigay ng Diyos sa atin. Sa pagmamahal sa atin at pagdadamit sa atin ng Kanyang pag-ibig ng kaligtasan, ginawa tayo ng Diyos na hindi na mangangailangan pa upang maging Kanyang sariling bayan. Sa Biblia, ang ginto’y tumutukoy sa pananampalataya na nananalig sa Diyos na nagligtas sa atin mula sa Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa pamamagitan ng ginto, sa ibang salita, ang Biblia’y nangungusap sa “pananampalataya” na buong-pusong nananalig sa katotohanang naparito mismo ang Diyos sa lupa, kinuha ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo, kamatayan sa Krus, pagkabuhay na muli, at sa gayon tayo’y naging ganap na matuwid. Ito kung bakit ang mga haligi ng Banal na Dako ay nilatagan ng ginto.
Na ang mga tungtungan ng mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay gawa sa tanso ay hinahayag na ang Panginoon, hinatulan alang-alang sa atin, niligtas tayo, na mga tunay na mahahantong sa impiyerno dahil sa ating kasalanan, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Dahil tayo’y puno ng karumihan, tayo’y naging mga walang-silbing nilalang na hindi makaiiwas sa kamatayan, nguni’t tayo’y ginawang Kanyang sariling bayan, ang banal at pinaka-Diyos ay inalay ang Sarili, Siya na higit na karapat-dapat kaysa sa atin, at samakatuwid ay ginawa tayong mga anak ng Diyos Ama. Ito kung bakit ang ginto’y tumutukoy sa pananampalatayang nananalig sa katotohanang ito. Ganito natin dapat unawain ang mga kulay ng pintuan ng Tabernakulo, at dapat din nating pagnilay-nilayan, pasalamatan ito at paniwalaan sa kahibuturan ng ating mga puso.
Ang mga Tungtungang Tanso sa mga Haligi ng Tabernakulo
Sa Tabernakulo, tanging ang mga tungtungan sa mga haligi ng pintuan nito ang gawa sa tanso. Ibig sabihin na sa lupang ito ikaw at ako ay nagkasala ng marami laban sa iba at laban sa Diyos, at hindi natin maiiwasan ang hatol dahil sa mga kasalanang ito. Ang katotohanang nakakubli sa mga tungtungang tansong ito ay pinakikita sa atin ang dambana ng sunugan ng handog. Ang unang bagay na makikita ng mga makasalanan sa pagpasok sa bakuran ng Tabernakulo sa pamamagitan ng pinto ay itong dambana ng sunugan ng handog kung saan ibinibigay ang mga handog na susunugin.
Ang salitang “dambana” rito ay may kahulugan na “papaitaas.” Ang dambana ng sunugan ng handog ay tumutukoy sa katotohanang si Jesu-Cristo ay binautismo at inalay sa Krus alang-alang sa atin na mga makasalanan. Ang dambana ng sunugan ng handog ay ang dako kung saan ang mga handog na tumanggap sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ay papatayin bilang parusa sa mga kasalanang ito. Ilalagay ng mga saserdote ang dugo nitong haing handog sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, ibubuhos ang nalalabing dugo sa ibabaw ng lupa nito at susunugin sa apoy ang kanilang laman sa dambana. Ito ang dako ng kamatayan kung saan ang mga handog na kumuha ng kasalanan ay pinatay.
Ang dambana ng sunugan ng handog ay inilagay sa pagitan ng pintuan ng bakuran ng Tabernakulo at ang Tabernakulo mismo. Sa gayon, sinuman ang pumasok sa Tabernakulo ay kailangan munang dumaan sa dambana ng sunugan ng handog. Kung hindi dadaan sa dambana ng sunugan ng handog, samakatuwid, wala ng iba pang daan papasok sa Tabernakulo. Hindi na kailangan pang sabihin na ang dambana ng sunugan ng handog ay ang tiyak na kawangis ng bautismo ni Jesu-Cristo at ang Krus. At ang bautismo ng ating Panginoon at ang Krus ang magbabayad ng mga kasamaan ng lahat ng mga makasalanang lalapit sa Diyos.
Sa gayon, kung hindi muna dadalhin ang kanilang mga kasalanan at hihinto sa dambana ng sunugan ng handog, at kung hindi alalahanin na ang haing handog ang nagligtas sa kanila mula sa kanilang mga kasalanan sa pagkuha ng mga kasalanang ito sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at pagdanak ng dugo ng iaalay sa dakong ito, walang makasalanan ang makalalapit sa Diyos. Itong pananampalataya ay ang daan tungo sa Diyos, at sa gayon din ito ang mag-aakay sa atin tungo sa pagpapala ng kapatawaran ng ating kasalanan at ang pagpasan ng parusa ng kasalanan (ito ay ang kamatayan sa kasalanan).
Nang magdala ng handog ang bayan ng Israel upang bayaran ang mga kasalanan, kanila munang ililipat ang kanilang mga kasalanan sa handog sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito, papatayin ito at kukuhanin ang dugo ng hain, at pagkatapos ay ilalagay ang dugo sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog at ibubuhos lahat ng natitirang dugo sa paanan ng dambana. Ang ilalim ng dambana ng sunugan ng handog ay lupa. Ang lupa rito ay tumutukoy sa puso ng mga tao. Sa gayon, sinasabi sa atin na ang mga makasalanan ay nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig ng kanilang mga puso na ang haing handog ay tinanggap ang kanilang mga kasalanan at namatay para sa kanila, lahat ay ayon sa batas ng kaligtasan. Ang mga sungay sa dambana ng sunugan ng handog ay espirituwal na sinabi sa atin ang mga kasalanang nakatala sa Aklat ng Hukom.
Ang mga makasalanan sa panahon ng Lumang Tipan ay nakakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa katotohanang kanilang nilagay ang kanilang mga kamay sa ulo ng haing handog at sa gayo’y naisalin ang kanilang mga kasalanan dito, at itong handog ay magbububo ng kanyang dugo at ilalagay sa dambana ng sunugan ng handog. Kung wala ang pagpapatong ng mga kamay at ang kamatayan at ang pagsunog sa haing handog, na siyang magbibigay-daan para sa mga makasalanan na matubos ang kanilang mga kasalanan, ang daan upang sila’y makalapit sa Diyos ay maaaring lubos na mahadlangan, at hindi na sila maaari pang makalapit sa banal na Diyos. Sa maikling salita, wala ng ibang katotohanan maliban itong paraan ng paghahandog na magtutulot sa kanila na lumapit sa Diyos.
Tulad nito, kung wala ang ating pananampalataya sa bautismo ni Jesu-Cristo, sa Kanyang kamatayan, at Kanyang alay ng pagtutubos, wala ng ibang daan upang ating makamit ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at makalapit sa Diyos. Kahit pa dalhin ng bayan ng Israel ang pinakamaganda at walang-dungis na cordero sa kanilang mga saserdote, kung hindi nila ipapatong ang kanilang mga kamay sa ulo nito, kung hindi tinanggap ang kanilang mga kasalanan, at kung hindi dumanak ng dugo at namatay, kung gayon ito’y walang saysay sa kung ano pa man.
Kung sa ating pananampalataya, kung hindi tayo mananalig na ang bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo mula kay Juan at sa mahalagang dugo na Kanyang binubo sa Krus na tumubos ng lahat nating kasalanan, kung gayon hindi natin masasabi na ating nakamit ang ganap na kapatawaran sa mga kasalanan. Ang bautismong tinanggap ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus ay malinaw na tumatayo sa pagitan ng mga makasalanan at sa Diyos Ama, at samakatuwid sila’y naging mga tagapamagitan na nagligtas sa mga makasalanan mula sa kanilang mga kasamaan.
Ang dambana ng sunugan ng handog ay ang isang modelo na naglalaman ng layon ng kaligtasan na inihanda ng Makapangyarihang Diyos mismo sa Langit at tinupad ni Jesu-Cristo. Pinatayo ni Moises ang Tabernakulo ayon sa paraan ng kaligtasan at ang anyo na pinakita ng Diyos sa kanya sa Bundok ng Sinai. Kapag ating titignan ang Biblia, ating makikita na itong utos ay paulit-ulit na binigay. Tulad ng sinasabi sa Exodo 25:40 “At ingatan mo na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok.”
Ang tao’y maaaring gumawa ng isang krus at ilagay si Jesu-Cristo rito, nguni’t higit nito, wala na silang magagawa pa. Maari nilang igapos ang Kanyang mga kamay at kaladkaran tungo sa Kalbaryo. Pinako nila Siya gayong hindi nalalaman ang ginagawa nila sa harap ng Diyos. Maaaring umabot sa ganito ang mga makasalanan dahil ang mga bagay na ito ay kailangan maganap ayon sa nilayon ng Diyos. Subali’t, si Jesu-Cristo ang nagligtas sa lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus nang minsan, dahil sa bautismo ni Juan Bautista at sa gayo’y inako ang mga kasalanan ng sanlibutan, hinugasan lahat ng mga ito nang minsan, at nagdanak ng Kanyang dugo sa Krus.
Sa gayon, bago ang kamatayan ng Panginoong Jesu-Cristo sa Krus, ang Kanyang bautismo mula kay Juan ay ang pinakamahalagang pangyayari na kailangang-kailangan para sa ating ikaliligtas. Ang Kanyang pagpasan ng mga kasalanan at kanilang paghahatol ay nilayon ng Diyos bago ang paglikha. Sa Juan 3, sinabi ni Jesus kay Nicodemo na ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Samakatuwid, ang bautismo ni Jesus at ang Krus ay ang mga paglalayon ng Diyos at ni Jesu-Cristo.
Sinabi mismo ni Jesus, “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya’y sumampalataya at huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). At sa bautismo ni Jesus, sinabi rin ni Pedro, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, samakatuwid baga’y ang bautismo” (1 Pedro 3:21). Nasusulat din sa Aklat ng Mga Gawa, “Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay” (Mga Gawa 2:23).
Ang bautismong tinanggap ni Jesus at ang dugo sa Krus lahat ay natupad ayon sa layon at plano ng Makapangyarihang Diyos. Sa gayon, dahil walang sinumang makapapasok sa Kaharian ng Diyos kung hindi tatanggapin ang katotohanang ito sa kanilang mga puso at maniwala, dapat nating malirip na hinangad ng Diyos mula sa ating pananampalataya, at dapat nating makamtan. Kung wala ang pananampalataya na naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, wala ni isa ang maliligtas. At kung hindi pinasiya ni Jesus, sa Kanyang sariling pagpili, upang bautismuhan ni Juan, upang ibigay ang Kanyang sarili sa mga kamay ng mga makasalanan, at upang magdanak ng Kanyang dugo sa Krus, kung gayon hindi Siya maipapako ng mga makasalanan. Si Jesus ay hindi pinilit na hatakin sa Kalbaryo ninuman, bagkus ito’y lubos sa Kanyang sariling kapasiyahan na Kanyang inako ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo, pagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, at dahil dito’y niligtas ang mga makasalanan sa lahat nilang kasalanan.
Sinabi sa Isaias 53:7, “Siya’y napighati, gayon man nang Siya’y dinalamhati ay hindi nagbuka ng Kaniyang bibig, gaya ng cordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa Kaniya ay pipi, gayon ma’y hindi Niya binuka ang Kaniyang bibig.” Samakatuwid, ang bautismo ng Panginoong Jesu-Cristo at Kanyang kamatayan sa Krus ay sukdulang ayon sa Kanyang sariling pasiya, at sa pamamagitan ng mga ito Kanyang niligtas, nang minsan para sa lahat, yaong naniwala sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus mula sa lahat nilang kasalanan. Sa mga gawaing ito ng Panginoon, ang may-akda ng Aklat ng Hebreo ay sinulat din, “Ngayon ay minsan Siya’y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng Kaniyang sarili” (Hebreo 9:26).
Sa dambana ng sunugan ng handog ay pinakikita sa atin ang kawangis ng bautismo ni Cristo at Kanyang kamatayan sa Krus, ating ngang masasaksihan ang espirituwal na handog ng kaligtasan ng Langit. Ang kamatayan ng haing handog sa dambana ng sunugan ng handog ay nagbabadya nga ng bautismo at kamatayan ni Jesus na kinakailangan dahil sa mga kasalanan ng bawa’t isa. Sa Lumang Tipan, ang mga makasalanan ay natubos sa kanilang mga kasamaan sa pamamagitan ng kanilang haing handog na magtatangay ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay at mamatay sa halip na sila. Sa ganito ring paraan, sa Bagong Tipan, bago ang kamatayan ng Anak ng Diyos sa mga kamay ng mga malulupit sa Kalbaryo, Kanya munang inako ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, at dahil dito si Jesus ay pinako, nagdanak ng Kanyang dugo at namatay.
Sa gayon, nilayon ng Diyos at tinalaga si Jesus na patungan ng mga kamay at mapako sa kamatayan, lahat upang magbigay kapayapaan sa pagitan nitong mga mamamatay na pumatay sa Kanyang Anak at sa Kanya mismo. Nilayon ng Diyos ang kautusan ng kaligtasan kalakip ng pagpapatong ng mga kamay at kamatayan, at ayon sa kautusang ito, hinayaan Niya ang bayan ng Israel na kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pagbibigay ng Kanyang mga haing handog.
Sa ibang salita, ang Diyos mismo ay naging tanging handog ng kapayapaan upang iligtas ang mga makasalanan. Anong lalim na hindi masusukat, karunungan at matuwid itong pagliligtas ng Diyos! Ang Kanyang karunungan at katotohanan ay mga kamangha-mangha, na hindi malilirip natin. Sino ang mangangahas na maisip ang Kanyang kalooban ng kaligtasang nakalaan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at pagbubo ng dugo at nahahayag sa dambana ng sunugan ng handog? Tulad ni Pablo, ang atin lamang magagawa ay ang mamangha, “Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! Oh di matingkalang mga hatol Niya, at hindi malirip na Kaniyang mga daan!” (Roma 11:33) Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tanging matuwid na ebanghelyo na kung saan ganap na maliligtas ng Diyos ang mga makasalanan.
Ang mga Sungay sa Dambana ng Sunugan ng Handog
Sa apat na sulok ng dambana ng sunugan ng handog na naroon sa bakuran ng Tabernakulo, mga tansong sungay ang nakakabit. Sa Biblia, itong mga sungay ay pinakita ang kahatulan sa kasalanan (Jeremias 17:1; Apocalipsis 20:11-15). Pinakikita sa atin na ang ebanghelyo ng Krus ay batay sa bautismong tinanggap ni Jesus. Kaya sinabi ni Apostol Pablo, “Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio, sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya” (Roma 1:16). Nasusulat din sa 1 Corinto 1:18, “Sapagka’t ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak, nguni’t ito’y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.”
Itong mga sungay sa dambana ng sunugan ng handog ay malinaw na hinayag na ang makatuwirang hatol ng Diyos at kaligtasan ay ganap na naisakatuparan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, Kanyang kamatayan sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli.
Ang Dalawang Pingga na Nakalagay sa mga Argolya ng Dambana ng Sunugan ng Handog
Lahat ng mga kasangkapan ng Tabernakulo sa ilang ay naililipat. Ito ay isang paraang angkop sa likas na pamumuhay ng mga manlalakbay ng bayan ng Israel. Kailangan silang lumibot sa ilang hanggang sila’y manatili sa lupain ng Canaan. Dahil ang kanilang manlalakbay na pamumuhay ay nagpapatuloy habang sila’y naroon sa ilang, pinagawa ng Diyos sa kanila ang dalawang pingga upang isuot sa dambana ng sunugan ng handog, upang ang kanilang mga saserdote’y mabubuhat ang dambana kapag iniutos ng Diyos sa bayan ng Israel na sumulong.
Tulad ng sinasabi sa Exodo 27:6-7, “At igagawa mo ng mga pingga ang dambana, mga pinggang kahoy na akasia at babalutin mo ng tanso. At ang mga pingga niayo’y isusuot sa mga argolya, at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng dambana, pagka dinadala.” Sa paglalagay ng dalawang pingga sa apat na tansong argolya ng dambana ng sunugan ng handog sa bawa’t gilid nito, maaaring pasanin ito ng mga Levita at dalhin ito kapag ang bayan ng Israel ay kailangan umalis. Ang dambana ng sunugan ng handog ay pinakikita ang bautismo ni Cristo at ang Krus. Sa gayon, tulad ng pagdadala ng mga Levita sa dambana ng sunugan ng handog sa pamamagitan ng dalawang pingga at madadala ito sa ilang, ang ebanghelyo ng Kanyang bautismo at ang Krus ay madadala rin sa kabuuan ng ilang nitong sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod.
Isa pang paksa na kailangan nating suriin bago tayo magpatuloy ay ang katotohanang mayroong dalawang pingga upang maaaring ilipat ng mga Israelita ang dambana ng sunugan ng handog. Gayon din, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay binubuo rin ng dalawang bahagi. Una ay ang bautismong tinanggap ni Cristo mula kay Juan, at ang isa ay ang parusang pagpasan ng Panginoong Jesu-Cristo sa Krus. Kapag pinagsama ang dalawang ito, ang kaligtasan ng kapatawaran ng kasalanan ay ganap na. Ang dambana ng sunugan ng handog ay may dalawang pingga. Sa ibang salita, ito’y mayroong mga hawakan. Ang isa ay hindi sapat, dahil sa isang hawakan, ang dambana ay hindi balanse sa paglilipat nito.
Tulad nito, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay binubuo rin ng dalawang bahagi. Ito ay ang bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang dugo sa Krus. Sa madaling salita, ang bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus ay may kapwa ganap na mga elemento sa isa’t isa na binubuo ng matuwid na katotohanan. Ang bautismo at dugo ni Jesus ay matuwid na naisakatuparan ang kapatawaran sa kasalanan ng mga makasalanan. Sa dalawang ito (ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus), kung isasawalang-bahala ang isa, ito’y tulad din ng pagwawalang-bahala sa isa pa. Wala ang kaligtasan kung wala ang bautismo ni Cristo at ang Kanyang dugong dumanak.
Ang Kanyang pagkabuhay na muli ay mahalaga rin. Kung wala ang pagkabuhay ni Cristo, ang Kanyang kamatayan ay walang kabuluhan, wala ni anumang resulta. Kung tayo’y maniniwala lamang sa kamatayan ni Cristo, kung gayon wala ni isa ang maililigtas Niya, ni ang Kanyang sarili. Nguni’t si Cristo, binautismuhan, nagdanak ng dugo sa Krus, at nagtagumpay sa kamatayan upang mabuhay muli ay naging tunay na Tagapagligtas sa mga naniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at lumapit sa Diyos. At Siya rin ay naging kanilang walang hanggang Panginoon ng kaligtasan at Tagapagtanggol.
Ang pagpapalaganap lang ng kamatayan ni Cristo kung wala ang Kanyang pagkabuhay na muli ay isa lang kabulaanan at isang pagpapanggap. At kung wala ang pagkabuhay ni Cristo, ang Kanyang Krus ay isa lamang kabiguan ng Diyos. Ito rin ang magsasabi na si Jesus ay pawang isang walang-saysay na kriminal. Hindi lamang ito, ang Diyos ay magiging isang sinungaling, magbubunga ng isang paghamak sa Salita ng Biblia. Yamang si Cristo ay binautismo ni Juan, Siya’y namatay sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayo’y naging tunay na Tagapagligtas ng mga nananalig sa Kanya.
Ang ebanghelyong iniiwan ang bautismo ni Jesus mula sa kabuuan ng ebanghelyo, na sinusunod ng maraming mga Kristiyano ngayon, ay nagkakanulo sa Diyos, dinadaya ang tao at inaakay ang kanilang mga kaluluwa sa impiyerno. At ang paniniwala sa gayong ebanghelyo ay pagwalang-bahala at pagtanggi sa Salita ng walang hanggang katotohanan ng Diyos. Ang mga bulaang propeta na tinuturo lamang ang Krus ni Cristo ay ginagawa ang Kristiyanismo tulad ng maraming mga relihiyon sa mundo. Ito ang dahilan bakit ang ebanghelyo na kanilang sinusunod ay sukdulang kaiba sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang Kristiyanismo ang tanging relihiyon na naniniwala sa tanging Diyos at buhay na Cristo. Subali’t, maging ang Kristiyanismo na animo’y higit sa lahat ng ibang mga relihiyon ng mundo at hinahayag ang sarili bilang tunay na katotohanan, kung ito’y ipinaliliwanag lamang ang kanyang paniniwala sa iisang Diyos nguni’t iniiwan ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon ito’y hindi isang pananampalataya sa pag-ibig at katotohanan, bagkus ay isang relihiyon ng pagmamataas.
Ang Kinalalagyan ng Dambana ng Sunugan ng Handog
Dito, atin muling pag-aralan ang kinalalagyan ng dambana ng sunugan ng handog sa bakuran ng Tabernakulo. Sa lahat ng mga kagamitan sa Tabernakulo, ang dambana ng sunugan ng handog ang pinakamalaki. Ito rin ang unang kagamitan sa Tabernakulo na makikita ng mga saserdote kung sila’y papasok sa Banal na Dako upang sumamba. Ang dambana ng sunugan ng handog ay simula sa pananampalataya sa Diyos, at kinailangan sa tao upang masunod ang Kanyang reseta upang makalapit sa Kanya. Sa ibang salita, ang dambana ng sunugan ng handog ay pinakikita ang katotohanang ang tao’y kailangang lutasin ang suliranin sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pagiging mananampalataya kaysa maging mga di-mananampalataya, dahil sa hindi paniniwala sa bautismong tinanggap ni Jesus kay Juan at sa Krus ay hindi maitutulot ang sinuman na lumapit sa buhay na Diyos.
Sa pananalig sa bautismo at kamatayan ng Anak ng Diyos kaya tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan, hindi sa hindi pananalig. Tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan nakamit ang bagong buhay dahil lang sa pananalig sa bautismo at dumanak na dugo ng Anak ng Diyos. Dahil itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay lubos na mahalaga, ang pangunahin at ang pinaka-ganap, dapat tayong patuloy na paulit-ulit na pagnilayan ito sa ating mga puso. Dapat nating kilalanin itong ebanghelyo at maniwala rito. Dapat tayong manalig sa ating mga puso na tayong lahat ay patungo sa impiyerno, at dapat din tayong manalig, nang sama-sama sa pananampalatayang ito, na inako ng Panginoon lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at pagpasan ng hatol ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus.
Kasama nitong dambana ng sunugan ng handog, na ang mga tungtungan ng mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo na gawa sa tanso ay sinasabi sa atin na dapat nating tanggapin ang katotohanang nararapat ang lahat ng ito sa atin, dahil sa ating mga karumihan, upang itapon sa impiyerno. At ayon sa hatol ng Diyos, naghahayag na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan,” malinaw na tayong lahat ay patungong impiyerno dahil sa ating mga kasalanan.
Nguni’t upang iligtas ang mabababang nilalang na tulad natin, mga nararapat na matungo sa impiyerno, mula sa mga hatol ng lahat nating kasalanan, ang ating Panginoon ay nagkatawang-tao at naparito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang sariling katawan sa pamamagitan ng bautismo, pinasan ang mga kasalanan ng sanlibutan sa Krus, hinatulan sa pagdanak ng Kanyang dugo, at sa gayo’y ganap na niligtas ka at ako mula sa ating mga kasalanan at kahatulan. Tanging yaong nananalig sa katotohanang ito ang makapag-uugnay sa Iglesia ng Diyos at naging Kanyang bayan. Ang tabing at mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay pinakita sa atin na tanging yaong may ganitong pananampalataya ang maaaring maging bayan ng Diyos at makapapasok sa Kanyang Kaharian.
Dapat Tayong Manalig sa Katotohanag Inihayag sa Apat na Kulay ng Tabing ng Pintuan ng Tabernakulo
Naniniwala ka bang iniligtas tayo ng Panginoon sa pagparito sa lupa sa pamamagitan ng Kanyang mga ministro ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang puting mapinong binurdang lino? Ang sinulid na kulay-ube ay nangangahulugan na si Jesus ay ang Diyos mismo; ang bughaw na sinulid ay nangangahulugan na si Jesus ay ang Diyos mismo, naging tao at inako ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo dito sa lupa; at ang pulang sinulid ay nangangahulugan na si Jesu-Cristo, na Siyang tumanggap ng lahat nating kasalanan, inalay ang Kanyang mahalagang buhay sa pagkapako sa Krus. Ito’y lubhang mahalaga para sa atin upang manalig na ang bautismo at pagkapako ni Jesus ay nabuhay na muli at sa gayo’y ganap na iniligtas ka at ako.
Tanging yaong tunay na nananalig sa katotohanang ito ang maaaring maging mga manggagawa sa Iglesia ng Diyos. Ang mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay tumutukoy sa mga manggagawa. Pinakita sa atin na tanging yaong nananalig sa ganitong paraan ay ang bayan ng Diyos, at tanging gayong mga tao ang gagamitin ng Diyos bilang Kanyang mga manggagawa at mga haligi.
Ang puting mapinong binurdang lino ay sinasabi sa atin na yaong naging bayan ng Diyos, ang mga matuwid, ay ang mga hindi nagtataglay ng kasalanan sa kanilang mga puso. Ang mga matuwid ay yaong nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Naparito ang ating Panginoon sa lupa at iniligtas lahat ng mga makasalanan sa pamamagitan ng bautismo na Kanyang tinanggap mula kay Juan at sa dugo sa Krus. Yamang niligtas tayo ng Panginoon sa pagbibigay ng Kanyang sariling buhay, dapat lamang tayong manalig sa Kanya na naparito sa tubig at sa dugo (1 Juan 5:6).
Ang kulay-ubeng sinulid ay tumutukoy sa katotohanang si Jesus ay ang Hari ng mga hari. Sa ibang salita, dapat tayong manalig na ang Panginoon ay niligtas tayo, tayong mga mabababa at puno ng mga karumihan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang mahalagang buhay, at sa gayon ginawa Niya tayong bayan ng Diyos. Ngayon, kung mananalig lamang tayo sa katotohanang ito sa ating mga puso, kung gayon dahil sa ating pananalig sa ganap na kaligtasan, tayong lahat ay magiging mga matuwid na walang kasalanan. Dapat nating pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay sa atin nitong handog ng pananampalataya, upang tayo’y magkaroon ng gayong pananampalataya.
Sa katunayan, sa mismong pananalig sa katotohanang ito, isang handog ng Diyos. Ang ating kaligtasan mula sa kasalanan ay isang handog din ng Diyos. Kung hindi tayo niligtas ng Diyos mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng Kanyang mahalagang buhay, lubos na mahalaga kaysa sa atin? Dahil si Jesus ay binautismo, namatay sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayo’y binigay sa atin ang handog ng kaligtasan, lahat ng ngayo’y nananalig sa ebanghelyong ito ay makakamit itong handog ng kaligtasan at naging sariling bayan ng Diyos. Sa kaligtasan, sukdulang walang kailangang gawa mula sa atin. Wala ng kailangan pa para sa atin na gawin kundi ang manalig kay Jesu-Cristo na naparito sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Itong kaligtasan ay handog ng Diyos sa atin.
Ang pananalig kay Jesus ay nagsisimula sa pag-iisip muna ukol sa “kung tayo’y tunay na patungo sa impiyerno o hindi.” Bakit? Dahil nang una nating makilala at aminin ang ating makasalanang mga sarili, hindi natin maiiwasan kundi ang manalig sa katotohanang naparito si Jesus bilang ating handog ng kasalanan dahil sa ating mga kasalanan. Na tayo’y maliligtas kahit tayo’y nagkakasala ang ating lamang magagawa ay naging posible dahil sa handog na kaligtasang binigay ng Panginoon na nag-alay ng Kanyang sarili alang-alang sa atin. Tayo ba’y naligtas dahil lang sa pananalig sa Kanya? Tayo nga ba’y naging bayan ng Diyos dahil sa pananampalataya? Taglay nga ba natin ang gayong pananampalataya? Maaari ba nating ipahayag na ang ating kaligtasan ay handog ng Diyos, hindi sa ating mga gawa? Atin nga bang maangkin na tayong lahat ay patungong impiyerno bago tayo manalig sa handog na kaligtasang binigay ng Diyos? Dapat nating suriing muli itong mga paksa.
Ang Tabernakulo ay isang Detalyeng Paglalarawan kay Jesus
Ang katotohanang nahayag sa Tabernakulo ang magsasara ng mga bibig ng mga bulaang propeta. Kapag ating binuksan ang Salita ng Tabernakulo at salitain ito sa kanila, mahahayag ang kanilang panlilinlang.
Lahat ng mga haligi sa pintuan ng Tabernakulo ay nilatagan ng ginto. Pinakikita rito na wala sa Tabernakulo na makikita ang bakas ng tao. Lahat ng bagay sa loob ng Tabernakulo ay nilatagan ng ginto. Ang mga haligi sa pinto nito ay nilatagan ng ginto, at ang takip sa itaas ng mga haligi ay nilatagan din ng ginto. Subali’t, ang mga tungtungan sa mga haligi ay likha sa tanso. Sinasabi sa atin na dahil sa ating mga kasalanan at mga karumihan, ikaw at ako’y patungong impiyerno. Hindi ba ito ang katotohanan? Hindi ba’t ito ang nangyayari? Talaga bang naniniwala ka na ikaw din ay patungo sa impiyerno dahil sa iyong mga kasalanang nagagawa araw-araw? Na ika’y patungong impiyerno dahil sa iyong mga kasalanan ay isang matuwid na hatol na ginawad ng Diyos. Iyo bang inaangkin ang hatol na ito? Dapat! Ito’y hindi isang pawang kaalaman, bagkus ay dapat mong tanggapin sa pamamagitan ng pananalig.
Sinasabi ng Biblia, “Sapagka’t ang tayo’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Kapag ating kinilala sa ating mga puso na tayo’y patungo sa impiyerno, at kapag tayo’y nanalig sa katotohanang niligtas tayo ng Panginoon sa pagbibigay sa atin ng handog ng kaligtasang sinakatuparan ng Kanyang mga gawa na makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, sa gayon lahat tayo’y makapapasok at maninirahan sa Banal na Dako. Nananalig tayo na naparito ang Panginoon, na Siyang lubos na mahalaga kaysa sa atin, inako ang ating mga kasalanan sa pagbabautismo, nagbubo ng Kanyang dugo at namatay sa Krus, at sa gayo’y hinugasan Niya lahat ng ating kasalanan at niligtas mula sa ating kahatulan. Sa pagliligtas sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, tayo’y naging matuwid.
Tayo’y dapat na tunay na manalig dito nang ating buong puso. Tanging yaong nanalig sa katotohanang ito ng kanilang mga puso ay magiging bayan ng Diyos at Kanyang mga manggagawa. Sa pagtanggap lamang sa katotohanang ito bilang likhang isip ng tao ay hindi tunay na pananampalataya. “Oh, taglay nga ng Tabernakulo ang kahulugang ito. Madalas kong marinig ukol sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa aking iglesia, kaya ang kahulugan ay maaaring ipakahulugan ng gayon!” Bagaman ika’y may paniniwala sa katotohanan dahil sa iyong mga pag-iisip tulad nito hanggang ngayon, ngayon na ang oras upang ikaw ay dapat na mataimtin na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mga tungtungan sa mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay gawa sa tanso. Nguni’t ang mga tungtungang tanso ay ginamit lamang para sa limang haligi ng pintuan ng Tabernakulo; ang mga haligi para sa tabing ng Kabanalbanalang Dako, sa kabilang dako ay walang tungtungang tanso, nguni’t ang apat na tungtungan nitong mga haligi ay gawa sa pilak. Sa Biblia, ang pilak ay tumutukoy sa handog at biyaya ng Diyos, habang ang ginto ay tumutukoy sa tunay na pananampalatayang nananalig sa kahibuturan ng puso. Ang tanso, sa kabilang dako, ay tumutukoy sa hatol ng kasalanan. Hindi ba lahat tayo’y nahantong sa hatol ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan? Ang bawa’t isa sa inyo ay kailangang hatulan dahil sa inyong mga kasalanan at mga karumihan sa harap ng Diyos at ng tao. Hindi ba ito ang nangyayari? Hindi ko sinasabi na kayo lang ang ganito? Bagkus, inaamin ko sa harap ng Diyos na ako rin ay ganito. At para sa akin, aking lubos na kinikilala ang Diyos na ako’y nahantong na hatulan Niya dahil sa aking mga karumihan at ayon sa Kanyang kautusan, ako rin ay nahantong sa impiyerno dahil sa aking mga kasalanan. Malinaw kong inaamin ito.
Sa gayong taong tulad ko, naparito ang Panginoon. Siya’y naparito sa laman ng isang tao, inako lahat ng aking kasalanan sa Kanyang sariling katawan sa pamamagitan ng bautismo, pinasan lahat ng hatol ng aking kasalanan sa kamatayan sa Krus at naging aking ganap na Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli. Ito ang aking pinapanaligan. At kung ako nga’y nananalig, ang aking kaligtasang nilayon ng Diyos mula sa pasimula lahat ay naisakatuparan. Ito’y natupad dahil sa aking pananalig dito mula sa kahibuturan ng aking puso.
Ang inyong mga puso ay tulad din nito. Sa pananalig sa katotohanang ito, ang kaligtasang nilayon ng Diyos kay Jesu-Cristo bago pa ang pasimula nitong mundo ay naisakatuparan na rin sa inyong mga puso. Ang layon ng Diyos sa iyo upang maging Kanyang bayan ay natupad nang ika’y manalig sa layong ito sa kahibuturan ng inyong mga puso. Dahil sa pananalig sa inyong mga puso na ang tunay na kaligtasan ay naganap sa kahibuturan ng inyong mga puso. Ang kaligtasan ay di-nakakamit sa pamamagitan ng kaisipan ng ating laman. Ang kaligtasan ay di-nagmumula sa anumang teolohiyang mga doktrina. Sa halip, ito’y nagmumula lamang sa pananampalataya sa katotohanan.
Itong Kaligtasan ay Nilayon kay Jesu-Cristo Bago pa ang Paglilikha
Ang kaligtasan ay handog ng Diyos na binigay sa atin kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Itong kaligtasan ay tunay na natupad sa mundong ito halos 2,000 taong nakalilipas. At wala ni isa ang hindi kasama sa handog ng kaligtasang ito, dahil tinupad ni Jesus ang layon na kaligtasan ng Diyos upang alisin ang mga kasalanan ninuman. Sa gayon, yaong nanalig sa kaligtasang ito sa kahibuturan ng kanilang mga puso lahat ay naging anak ng Diyos. Lahat nilang kasalanan ay naglaho, kasing-puti ng niyebe, at lahat sila’y walang bayad na napatawad sa kasalanan.
Nguni’t maraming tao sa mundong ito ang hindi nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan. Sino ang mga taong ito? Sila yaong hindi nanalig sa katotohanan bagaman nalalaman nila ito. Yaong hindi naghayag sa kanilang mga puso na sila’y patungo sa impiyerno, at yaong hindi kumilala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—ang gayong tao’y walang kaugnayan sa Panginoon.
Ang kaligtasan ng Diyos ay binigay lamang sa mga nakakaalam ng kanilang sariling likas na kasalanan at kinikilala na sila’y hahatulan at itatapon sa impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan. Saan itinaas ang limang haligi ng pintuan ng Tabernakulo, na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino? Ito’y itinaas sa mga tungtungang tanso. Ikaw at ako’y nahantong sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan. Kapag inamin lamang natin ang katotohanang ito sa gayo’y itataas sa pagkilalang ito. “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios,” para sa iyo at sa akin, naparito sa lupa ang Panginoon, binautismo ni Juan Bautista, nagdanak ng Kanyang dugo sa Krus at inihandog, at sa gayo’y binigay sa atin ang kaligtasaan mula sa ating mga kasalanan.
Sa gayon, ikaw at ako ay dapat na tunay na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kahibuturan ng ating mga puso. Kahit minsan, dapat kilalanin ng ating mga puso, “Ako’y tunay na mahahantong sa impiyerno, subali’t niligtas ako ng Panginoon sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.” Dapat kung gayon tayong manalig sa ating mga puso upang maligtas. Tulad ng sinabi sa Roma 10:10, “Sapagka’t ang tayo’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.”
Dapat tayong tunay na manalig sa ating kaligtasan sa kahibuturan ng ating mga puso at ihayag ng ating mga bibig: “Niligtas ako ng Panginoon sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Dapat akong itapon sa impiyerno at hatulan, nguni’t hinugasan ng Panginoon ang aking mga kasalanan alang-alang sa akin, inako ang aking mga kasalanan, pinasan lahat ng hatol para sa akin, at sa gayo’y lubos akong naligtas. Ganap Niya akong ginawang anak ng Diyos.” Sa paraang ito, dapat tayong manalig sa kahibuturan ng ating mga puso at ihayag ng ating mga bibig. Nananalig ka ba rito?
Ikaw ba, sa anumang pagkakataon, ay hindi pa rin inaamin ang katotohanang ikaw ay patungong impiyerno, kahit ika’y naniniwala sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at kahit ika’y naniniwalang iniligtas ka ng Panginoon sa ganitong paraan? Sinasabi ng Biblia, “Ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Roma 3:23). Ang tunay na pananampalataya ay paniniwala na bagaman lahat ay nagkasala at sa gayo’y lahat ay patungong impiyerno, naparito sa lupa ang Panginoon, binautismo, namatay sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayo’y ganap tayong naging matuwid.
Gaano kahanga-hanga ang kaligtasang ito? Hindi ba’t ito’y nakamamangha? Ang Tabernakulo ay hindi ginawa sa kung anumang paraan, bagkus ay detalyeng itinayo ayon sa Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng Tabernakulo, detalyeng sinabi ng Diyos sa atin na Kanyang ililigtas tayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng Kanyang mahalagang buhay. Sinasabi sa atin, sa pamamagitan ng Tabernakulo, binigay ni Jesus sa atin ang mahalagang kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo at kamatayan sa Krus, at ang ating dapat gawin ay manalig sa kahibuturan ng ating mga puso. Sinong makapagbibigay sa iyo ng kaligtasan? Ikaw ay maaaring maligtas dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo na naparito sa laman ng isang taong tulad mo.
Kung ang sinuman ay akuin ang iyong mga kasalanan at mahatulan alang-alang sa iyo, walang dahilan upang hindi ka magpasalamat, nguni’t ang Panginoong Jesus na higit sa isang milyong ulit na maharlika at mayaman kaysa sa atin ay inalay ang Kanyang mahalagang buhay para sa atin—gaanong pasasalamat ito? Gaano kahalaga ang isang handog ay sa katotohanang ang itinataas na Panginoon ay binigay sa atin ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid? Gaanong walang-kasinghalaga ang handog na ito? Paano maaaring hindi tayo mananalig sa ating mga puso?
Ito kung bakit lahat ng umamin ng kanilang kasamaan ay dapat manalig sa katotohanang ito. Yaong nararapat na manalig sa katotohanang ito ay yaong umaming hindi nila maiiwasan na matungo sa impiyerno. Yaon lamang kumikilala na sila’y tunay na mga makasalanan, at sila’y tiyak na patungong impiyerno, ang maaaring manalig sa mahalagang kaligtasan ng Diyos, gayon din ang magkakamit dahil sa pananampalataya. At yaong nanalig sa katotohanan sa kanilang mga puso ang magiging mga manggagawa sa Iglesia ng Diyos.
Tayo’y mga mabababang tao lamang na walang maaaring ipagmalaki, kahit pa ihambing ang ating mga sarili sa mga taong naging tanyag sa mundong ito kahit pa sa kanilang higit na mga kakayahan. Sa pangyayaring ito, paano natin mapapangahas na ipagyabang ang ating mga sarili sa harap ng banal, ganap at makapangyarihang Diyos? Ang ating lamang magagawa sa Kanyang harapan ay aminin na niligtas tayo ng Panginoon at hindi maiiwasang mamatay dahil sa ating mga karumihan.
Sinasabi ng Biblia sa atin, “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6:23). Tunay, na kailangang pagbayaran natin ang kabayaran ng kamatayan dahil sa ating mga kasalanan. Nguni’t dahil niligtas tayo ng ating Panginoon, tayo na patungong impiyerno, ay makapapasok na ngayon sa Langit dahil sa pananampalatayang ito. Kung aalisin natin ang pananampalatayang ito, tayong lahat ay mahahantong sa impiyerno ng isang-daang ulit. Hindi ba ito ang nangyayari? Oo. Tayong lahat ay nararapat na itapon sa impiyerno.
Nguni’t dahil ang dakilang Panginoon na may di-malirip na pag-ibig ay naparito sa lupa, binautismo, at nagdanak ng Kanyang dugo at nahatulan sa Krus, tayo ngayo’y ligtas na mula sa tiyak na impiyerno. Dahil sinuko ng Panginoon ang Kanyang mahalagang buhay alang-alang sa atin, ating nakamit ang kapatawaran ng kasalanan. Sa pangyayaring ito, paanong hindi tayo mananalig na niligtas tayo ng Panginoon sa lahat nating kasalanan nang minsan para sa lahat, at sa gayo’y binigay sa atin ang handog ng kaligtasan? Paano nating matatanggihan ang maging matuwid? Paanong hindi ka mananalig dito? Tulad ng mga haligi sa tabing ng pintuan ng Tabernakulo ay nilatagan ng ginto, kaya tayo rin ay dapat na lubos na balutan ng ating mga puso sa pananampalataya. Dapat nating lubos na takpan ang ating mga sarili sa pananampalataya. Dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kahibuturan ng ating mga puso. Kung wala ang pananalig sa tunay na ebanghelyo sa kahibuturan ng ating mga puso, hindi tayo makalalapit sa Diyos.
Sa pamamagitan ng pananampalataya tayo’y naging mga makasalanan na tunay na matutungo sa impiyerno. Sa pamamagitan ng pananampalataya rin tayo’y magiging mga matuwid sa harap ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananampalataya, sa ibang salita, upang makamit ng mga makasalanan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan—sa pananalig na niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo. Ganito ang Salita ng ating Panginoon, “at kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Hebreo 9:27), ay naisakatuparan.
Kapag tayo’y minsang isinilang sa mundong ito, tayo’y nahatulan na dahil sa ating mga kasalanan. Subali’t, binigay ng Diyos sa atin ang handong ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kahibuturan ng ating mga puso, samakatuwid, tayo’y naging mga anak ng Diyos. Binigay ng Diyos ang Kanyang walang-pasubaling pag-ibig ng kaligtasan sa lahat ng nanalig. Nguni’t Kanyang hahatulan ang mga hindi nananalig sa ebanghelyo dahil sa kanilang mga kasalanang hindi pananalig (Juan 3:16-18).
Dapat Tayong Manalig sa Dalawang Katotohanan ng Kaligtasan
Tayo’y naging mga makasalanan na nahantong na mahatulan at mamatay dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t sa pananalig sa kaligtasan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na nilayon ng Diyos at binigay sa atin, ating nakamit ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Tunay na ihayag natin sa Diyos, “Ako’y tunay na matutungong impiyerno,” at dapat din nating ihayag, “Nguni’t ako’y nanalig na niligtas ako ng Diyos sa pamamagitan ng tubig at ng dugo.” Dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu; ito ay, sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa pananalig sa katotohanang ito sa kahibuturan ng ating mga puso tayo’y naligtas. Sa pananalig sa ebanghelyo kaya tayo’y naligtas.
Tayo’y naligtas dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang tao’y maaaring maging sariling bayan lamang ng Diyos kung sila’y mananalig na niligtas ng Panginoon ang buong sangkatauhan na patungo sa impiyerno sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Nananalig ka ba rito? Tanging pananalig sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay ang tunay na pananampalataya.
Ito ang espirituwal na kahulugang nahayag sa tabing ng pintuan ng Tabernakulo. Nananalig ka ba rito? Kapag nanalig ang tao sa katotohanan na nasa kanilang mga puso, kung gayon kanilang wastong masasabi ang ukol sa tunay na pananalig. Ang tunay na pananalig ay hindi lamang paghahayag ng katotohanan ng mga labi lamang nguni’t hindi naniniwala ang puso, kundi ito’y kapahayagan ng pananampalataya sa pamamagitan ng kanyang bibig habang naniniwala sa katotohanan mula sa kahibuturan ng puso. Lahat kayo ay dapat na manalig sa kaligtasan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na walang hanggang magliligtas sa inyo.
Hindi lubos na mapasalamatan natin ang Diyos gaano man ang paghihirap na paglingkuran Siya. Paano natin makakaligtaan ukol sa ating kaligtasan? Paano natin makakaligtaan na ikaw at ako’y niligtas ng Panginoon? Paano natin makakaligtaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu gayong ang ating mga karumihan ay araw-araw na nahahayag? Paano nating mapagwawalang-bahala itong ebanghelyo gayong walang ibang paraan upang maligtas kundi sa pamamagitan nitong ebanghelyo? Tayo’y laging magpasalamat. Tayo’y laging nagagalak. Laging purihin natin Siya.
Yaong hindi nakakaalam nitong katotohana’y sinasabi na nilikha ng lamang ng Diyos ang tao bilang mga laruan at kinatutuwaan ang mga ito. Ang paglabag sa Diyos, kanilang sinasabi, “Naiinip ang Diyos. Nilikha tayo bilang Kanyang mga laruan at kasama tayong naglalaro. Alam Niyang tayo’y magkakasala, subali’t tinitignan lamang tayong nagkakasala, at ngayo’y Kanyang sinabi na niligtas Niya ang mga makasalanan. Hindi ba’t nakikipaglaro lamang Siya sa atin? Nilikha Niya tayo, at pagkatapos ay nakikipaglaro lamang sa atin sa anumang nais Niya. Hindi ba’t nilikha lamang tayo ng Diyos bilang Kanyang mga laruan kung gayon?” Di-mabilang na mga tao ang nag-aakalang tulad nito. Sila’y naghihinakit sa Diyos, sinasabing kung sila’y tunay na iniibig Niya, Kanya sanang nilikha sila bilang mga ganap na nilalang, sa halip na likhain sila bilang may pagkukulang na mga makasalanan. Maraming mga tao ang nananatiling mangmang sa puso ng Diyos at sinisisi Siya.
Tayo’y mga Nilalang na Nilikha ng Diyos
Tulad ng mga halaman at mga hayop, ang mga tao’y nilalang na likha ng Diyos. Nguni’t hindi tayo nilikha ng Diyos tulad ng mga halaman at mga hayop. Kahit bago tayo likhain ng Diyos, pinasiya ng Diyos na likhain tayo bilang Kanyang sariling bayan kay Jesu-Cristo na Kanyang Anak at hayaan tayo na makabahagi sa Kanyang kaluwalhatian, at sa layong ito tayo’y nilikha ng Diyos. Ang layunin ng paglikha sa tao ay may kaibahan sa ibang mga nilalang. Ano kung gayon, itong layunin sa paglikha ng Diyos sa tao? Upang sila’y mamuhay magpakailanman sa Kanyang Kaharian sa buong kaluwalhatian, hindi tulad ng mga halaman at mga hayop na nilikha upang purihin ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng paglikha ng Diyos sa tao ay upang itulot sila na malaman ang kanilang mga sarili, kilalanin at manalig sa Tagapagligtas na nagligtas sa kanila bilang Panginoon ng nilikha, at sa gayo’y naging ganap at makapasok sa Kaharian ng Diyos sa hinaharap.
Hindi tayo nilikha ng Diyos bilang mga robot o mga laruan, bagkus ay nilikha tayo upang tayo’y maging Kanyang anak sa pagkilala sa Manlilikha, pananalig sa Tagapagligtas, at maisilang muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon, sa pagsunod sa layunin ng paglikha, ating makakamit at magsasaya sa luwalhati. Bagaman sa mundong ito ay inaalay ang ating mga sarili upang maglingkod sa ibang mga kaluluwa sa pamamagitan ng ebanghelyo sa Kaharian ng Diyos, tayo’y paglilingkuran. Ano sa wari mo ang pangunahing layunin ng Diyos sa tao? Upang itulot ang tao na magsaya sa luwalhati ng Diyos magpakailanman. Ang layunin ng Diyos sa paglikha sa tao ay upang gawin silang Kanyang bayan at itulot sila na makabahagi sa Kanyang luwalhati.
Bakit tayo isinilang? Ano ang layunin ng buhay? Saan tayo nagmula, at saan tayo patungo? Ang gayong pilosopong mga tanong ay hindi pa natutugon, kaya ang tao’y patuloy na nananangis sa pagsisikap na lutasin ang suliranin. Hindi nalalaman ang kanilang bukas, ang ibang tao’y nagtutungo sa mga manghuhula at mga manggagaway. Lahat ng mga ito ay sanhi ng kabiguan ng tao na makilala ang Diyos na lumikha sa atin at manalig sa kaligtasang binigay Niya sa atin.
Subali’t, upang tayo’y maging Kanyang sariling anak, nilikha tayo ng Diyos na kaiba sa lahat ng ibang nilikha. At Kanya tayong niligtas sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, yamang nilayon ang ating kaligtasan bago pa ang paglikha sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa pagliligtas sa atin sa pamamagitan ng kautusan ng kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, tunay na sinakatuparan ng Diyos ang Kanyang layunin para sa atin.
Samakatuwid, dapat ngayon nating malaman at manalig sa layuning ito ng Diyos upang igawad sa atin ang buhay na walang hanggang kay Jesu-Cristo. Kung hindi natin nalalaman ito, ang hiwaga ng buhay kailanma’y mananatiling hindi nalulutas. Bakit tayo isinilang sa mundong ito? Bakit kailangan nating mabuhay? Bakit kailangang kumain? Bakit kailangang mabuhay tayo ng tapat? Paano natin malulutas ang suliranin ng buhay at kamatayan, ng pagtanda at mga karamdaman? Bakit kailangan tayong matungo sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan? Bakit kalunos-lunos ang buhay? Bakit mahirap ang buhay? Ang lahat ng gayong mga katanungan ay makikita ang mga kasagutan mula sa Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at dugo na nagligtas sa atin kay Jesu-Cristo.
Hinayaan tayo ng Diyos na maisilang dito sa lupa at binigyan ng pag-asa ng Kaharian ng Langit sa gitna ng ating pagpapagal at mahirap na mga buhay, upang ikaw at ako’y Kanyang iligtas, mula sa impiyerno, mula sa lahat nating kasalanan at upang makamit natin ang buhay na walang hanggan. Kapag tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang lahat ng hiwaga ng buhay ay malulutas.
Ang Diyos ay may Dakila at Nakamamanghang Layon para sa Iyo at sa Akin
Tulad ng layon ng Diyos, Kanyang sinugo ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo dito sa lupa, inilipat lahat ng ating kasalanan sa Kanyang mahalagang katawan sa pagbabautismo, hatol at kamatayan alang-alang sa atin, at sa gayo’y iniligtas tayo, na nahaharap sa walang hanggang kapahamakan, mula sa lahat nating kasalanan, hatol at mga sumpa. Ngayon, dapat tayong manalig sa katotohanang ito, at dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa pag-aalis sa atin mula sa di-maiiwasang tadhana ng kapahamakan tungo sa Kaharian ng Anak ng Diyos, at pagtutulot sa atin na magsaya sa buhay na walang hanggan. Ang katotohanan ng kaligtasan mula sa Diyos, sa ibang salita, ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang nahayag sa tabing na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino at isinabit sa mga pintuan ng Tabernakulo.
Ang tungtungang tanso sa mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo ay pinakikita sa atin ang ating pangunahing makasalanang sarili, at siyang nagtulot sa atin na manalig sa ebanghelyo ng tubig at dugo ni Jesus. Ang mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo at ang tabing na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay hinayag ang awa ng Diyos na nagligtas sa atin, na patungo sa impiyerno, mula sa ating hatol sa pamamagitan ng mahalagang pag-aalay ni Jesu-Cristo. Sa gayong pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ako’y naligtas sa lahat kong kasalanan. Ikaw din ba’y nananalig?
Nananalig ka ba sa katotohanang inihayag sa Tabernakulo? Ikaw at ako’y mapalad. Ito’y lubos na pagpapala, bagaman maraming tao ang patungo sa impiyerno, ating nakita ang katotohanan at ngayo’y nabubuhay kay Jesu-Cristo. Tayo nga’y walang-saysay at walang-silbi dito sa lupa, kung saan, isinilang dito, hindi maiiwasan ang magkasala at mabulid sa impiyerno, upang mamuhay na takot itapon sa impiyerno. Nguni’t gayun man, naparito ang ating Panginoon, binautismo, namatay sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayo’y walang hanggan na niligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ang mamangha sa katotohanang wala na tayong kaugnayan sa impiyerno, kundi tayo’y naging mahalaga, may-saysay at may matuwid na gawa.
Yaong makapapasok sa Banal na Dako ay yaong nagtamo ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Hindi lamang inalis ng Panginoon ang ating nakalipas na mga kasalanan, nguni’t sa pagbautismo, Kanyang inako lahat ng kasalanan sa buong buhay natin, at dahil sa kamatayan sa Krus, Kanyang inalis lahat nating kasalanan magpakailanman. Samakatuwid, yaong nanalig sa kaligtasan ang tumupad lahat nang minsan ay yaong may pananalig sa mga saserdote at yaong gayong tao ang makapapasok sa Banal na Dako.
Sa mahigpit na pananalita, ayon sa pamamaraan ng Tabernakulo, ang mga karaniwang saserdote’y hindi makapapasok sa Kabanalbanalang Dako, kundi yaong Mataas na Saserdote lamang. At ang walang hanggang Mataas na Saserdote ay walang iba kundi si Jesu-Cristo. Tanging yaong nanalig na niligtas tayo ni Jesu-Cristo ang makapapasok sa Tahanan ng Diyos, maging sa Kabanalbanalang Dako kasama si Jesu-Cristo.
“At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan. Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, sa pamamagitan ng daang bago at buhay na Kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga’y sa Kaniyang laman, at yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios, tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi, at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig” (Hebreo 10:18-22). Yaong kumilala sa kanilang mga sarili bilang mga masasama na patungo sa impiyerno at nagkamit ng kapatawaran sa lahat nilang kasalanan dahil sa pagliliinis ng dalisay na tubig (bautismo ni Jesus) at ang dugo ni Jesus ang makapapasok sa Kaharian ng Diyos upang manahan kasama Niya magpakailanman.
Hindi dahil tayo’y araw-araw na nangungumpisal kaya ang mga kasalanan ay nahugasan, kundi ito’y dahil naparito ang Panginoon, inako ang ating mga kasalanan nang minsan para sa lahat dahil sa bautismo, hinatulan sa Krus upang Kanyang alisin magpakailanman ang lahat nating kasalanan. “Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Binautismo si Jesus at inako ang kasalanan ng mundo nang minsan, pinasan ang mga kasalanan sa Krus at namatay, at nabuhay na muli at sa gayo’y naligtas tayo nang minsan magpakailanman. Yaon lang nanalig sa katotohanang ito sa kanilang mga puso ang makapapasok sa Banal na Dako. Ating nakamit ang kapatawaran ng kasalanan nang minsan dahil sa pananalig na niligtas tayo ng ating Panginoon, at Kanyang inako lahat ng kasalanan sa ating buong buhay at sa buong kalawakan.
Nananalig ka ba na inako ng Panginoon ang ating mga kasalanan nang minsan sa pamamagitan ng bautismo? At nananalig ka ba na Kanyang pinasan ang mga kasalanan ng mundo, namatay sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayo’y naging ating ganap na Tagapagligtas nang minsan? Sa Kanyang buong 33 taong buhay, inalis ng Panginoon lahat ng kasalanan ng mundo magpakailanman. Pinaglaho Niya, hindi iniwan kahit maliit na dungis. Buong-puso akong nananalig dito. Nananalig ako nang Siya’y bautismuhan, Kanyang inako ang mga kasalanan ng mundo nang minsanan, na Kanyang pinasan ang hatol ng lahat kong kasalanan nang minsan sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, at Siya’y naging aking ganap na Tagapagligtas sa pagkabuhay na muli nang minsan para sa lahat. Sa pananampalatayang ito kaya ako’y naligtas sa lahat kong kasalanan.
Sa pananalig na ito, tayong lahat ay makapapasok sa Kaharian ng Langit, at habang narito sa lupa, dapat nating pagnilayan itong pananampalataya araw-araw. Bakit? Dahil inalis ng Panginoon maging ang mga kasalanang ating gagawin. Nguni’t tuwing tayo’y magkakasala, dapat nating ihayag. At tayo’y dapat na manalig sa kahibuturan ng ating puso na kinuha ni Jesus maging yaong mga kasalanan sa Kanyang bautismo. Dapat nating kilalaning minsanan kinuha ng Panginoon ang mga kasalanan ng mundo dahil sa pananalig na muli. Bakit? Dahil kung hindi natin pagninilayan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng paulit-ulit, marurumihan ang ating mga puso. Dahil inalis ng Panginoon maging ang mga kasalanan na ating gagawin, sa tuwing mahahayag ang ating mga kahinaan, dapat nating pasalamatan Siya sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanyang mga ministeryo sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Tayong lahat ay dapat manalig na naparito sa lupa ang Panginoon at inako ang ating mga kasalanan nang minsan. Minsanan para sa lahat, lahat ng ating kasalanan ay inilipat kay Jesu-Cristo, dahil Kanyang inako lahat ng kasalanan sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Yamang binigay ni Jesu-Cristo sa atin ang walang hanggang kaligtasan dahil sa pagbautismo at kamatayan sa Krus, dapat tayong matibay at matapang na manalig sa katotohanang ito. Sinabi ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ating makakamit ang Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating matatag na paniniwala sa Kanyang bautismong nakamit mula kay Juan. Sinabi ni Jesus, “At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas” (Mateo 11:12). Sa pananampalatayang ito tayo’y napatawad sa lahat nating kasalanan ng karumihan sa ating mga katawan, mga kaisipan, mga isip at laman. Sa pananalig na kinuha ng Panginoon ang lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pinasan lahat ng hatol ng kasalanan, tayo’y maliligtas mula sa lahat ng kasalanan upang makamit ang Kaharian ng Diyos.
Anuman ang iyong kakulangan, kung taglay mo lang ang pananampalataya, ikaw ang bayan ng pananampalataya. Bagaman may kakulangan ka, ganap na niligtas ka ng Panginoon, at sa gayo’y manalig ka rito. Yamang nabubuhay ang ating Panginoon magpakailanman, gayon din ang ating ganap na kaligtasan magpakailanman. Ang ating lamang gagawin ay manalig sa ating kaligtasang binigay ni Jesu-Cristo. Tama! Tayo’y naligtas dahil sa pananalig ng ating mga puso.
Dahil ang Panginoon ay ating ganap na Tagapagligtas, Kanyang nilutas lahat ng suliranin ng ating kasalanan. Nananalig ka ba na ang Panginoon ay binautismo, nagbubo ng dugo sa Krus, minsang namatay, nabuhay na muli, at sa gayo’y binigay ang walang hanggang kaligtasan sa atin? Anong kamangha-mangha ang kaligtasang ito? Bagaman tayo’y hindi sapat sa ating mga gawa, tayo pa rin ay makapapasok sa Kaharian ng Diyos dahil sa ating pananalig. Dahil sa pananampalataya kaya tayo’y makapapasok sa Kaharian ng Diyos at magsaya sa lahat ng luwalhati ng Diyos. Yaong nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nararapat na magsaya sa mga ito. Nguni’t kung wala ang pananampalataya na ito, walang makalalagay ng paa sa Kaharian ng Diyos.
Ang katotohanang nagligtas sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay nilayon ng Diyos kay Jesu-Cristo kahit bago ang paglikha. Tulad ng tinakda ng Diyos na iligtas tayo, Siya’y naparito sa lupa, binautismo at inako ang ating mga kasalanan nang minsan, pinasan ang mga kasalanan ng mundo sa Krus at minsanang hinatulan, minsang namatay, nabuhay na muli, at sa gayo’y ginawad sa atin ang walang hanggang kaligtasan. Ito ang ating kaligtasang likha ng Kanyang ministeryo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at dapat tayong manalig sa katotohanang ito. Tayo’y magiging mga manggagawa ng Diyos dahil sa pananampalataya. Tayo’y makapapasok sa ganap na Kaharian ng Diyos magpakailanman.
Ang ganap na Diyos ay ganap tayong niligtas, nguni’t tayo’y araw-araw na di-sapat, dahil ang ating laman ay di-sapat. Nguni’t paano ito? Nang ang Panginoon ay lubos na binautismo, Kanya bang inalis ang ating mga kasalanan o hindi? Oo! Dahil inalis ng Panginoon ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, nalalamang lahat ng ating kasalanan ay inilipat nga sa Kanya sa Kanyang bautismo. Alam mo ba ang iyong mga kasalanan nga’y inilipat kay Jesus? Sa gayon nga, pinasan ni Jesus ang aking mga kasalanan at ang kasalanan ng mundo sa Krus, pinako, at gayo’y lubos na tinupad ang layon ng kaligtasan ng Diyos. Bagaman tayo’y di-sapat, makapapasok tayo sa Kaharian ng Diyos dahil sa pananalig. Pananalig saan? Makapapasok sa Kaharian ng Diyos dahil sa pananalig sa Kanyang mga ministeryo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Matapos nating matamo ang kapatawaran ng kasalanan, sa di-kasapatan ng may mabuting pananalig at kabutihan sa Iglesia. Ang Iglesia ng Diyos ay hindi isang dako kung saan naghahari ang malakas, bagkus ay naghahari ang mahihina dahil sa pananampalataya. Bakit? Dahil ang Iglesia ng Diyos, atin pa ring masusunod ang Panginoon dahil sa pananalig kung nalalaman natin ang kahinaan. Ito’y isang dako ng pagkalinga at kagalingan ng mga sugat. Tulad ng Langit ay isang dako kung saan ang bata ay maaaring “isusuot ang kanyang kamay sa lunggan ng ulupon” (Isaias 11:8) at hindi makakagat, ang paraiso dito sa lupa ay walang iba kundi ang Iglesia ng Diyos. Ito ang nakamamanghang hiwaga ng Iglesia ng Diyos.
Sa pamamagitan ng pananampalataya tayo’y makapapasok sa Kaharian ng Diyos. Ito’y sa karahasan ng matatag na pananampalataya ang magkakamit ng Kaharian ng Diyos. Nananalig ba kayo sa katotohanang ito sa inyong puso? Ako rin, ay nananalig, at ito ang dahilan ng aking pasasalamat sa Diyos.
At ito’y dahil ako’y nagpapasalamat sa Diyos na ako’y naglilingkod sa ebanghelyong ito. Ako’y nabubuhay sa katotohanang ito at naglilingkod sa ebanghelyo, dahil marami pa ring mga tao ang hindi nalalaman ang katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Nguni’t ngayon, isasantabi ang katanungan kung ang iba’y naglilingkod sa ebanghelyo o hindi, ang kailangan para sa iyo ay manalig muna para sa inyong mga sarili.
Nawa at dalangin ko na lahat kayo’y manalig sa katotohanan na si Jesus ay niligtas ka mula sa iyong mga kasalanan nang minsan para sa lahat, at sa gayo’y maliligtas ka mula sa lahat ng iyong mga kasalanan.