(Exodo 26:31-33)
“At gagawa ka ng isang lambong na bughaw, kulay-ube at pula at linong pinili, na may mga querubing mainam ang pagkayari. At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto, na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin, na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak. At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako.”
Ang mga Materyales ng Tabernakulo
Ang Tabernakulo ay isang maliit natitiklop na bahay na natatakpan ng apat na uring mga panuklob. Ito’y gawa sa iba’t ibang uri ng materyales—ang dingding, halimbawa’y gawa sa 48 tabla ng akasiang kahoy. Ang taas ng bawa’t tabla ay 4.5 metro (10 siko) at ang lapad ay 67.5 metro (1.5 siko). Lahat ng mga tabla ay nilatagan ng ginto.
Ang mga panuklob ng Tabernakulo ay gawa sa mga sumusunod na materyal: ang unang panuklob ay gawa sa mga tabing na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino; ang ikalawang panuklob ay gawa sa balahibo ng kambing; ang ikatlo’y gawa sa balat ng tupa na may pulang tina, at ang ikaapat ay gawa sa balat ng poka.
Tulad ng ating pagsusuri, lahat ng pintuan ng Tabernakulo ay hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Ang mga kulay ng apat na sinulid na ginamit sa tabing ng pintuan ng Kabanalbanalang Dako ay inihayag ang mga gawa ni Jesu-Cristo na nagligtas sa tao mula sa kasalanan. Habang itong apat na kulay ay ang liwanag ng katotohanang hinayag na ibibigay ni Jesu-Cristo sa atin ang handog na kapatawaran ng kasalanan, ito ang mga bagay na lubos na pinasasalamatan at kinagagalak ng mga mananampalataya.
Ang mga Materyales ng mga Pintuan ng Banal na Dako at Kabanalbanalang Dako
Ang mga materyales ng mga pintuan ng Banal na Dako at ang Kabanalbanalang Dako ay mga tela na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Lahat ng pintuan ng Tabernakulo ay gawa sa mga telang ito. Ang sinumang lumapit sa pintuang tabing ng Kabanalbanalang Dako matapos dumaan sa pintuan ng Tabernakulo mula sa Banal na Dako. Ang pintuan ng Kabanalbanalang Dako ay pinakikita sa atin na tinubos ng Panginoon ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang apat na ministeryong makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit para sa Banal na Dako at Kabanalbanalang Dako ay ang aninong inahahayag na naparito ang Mesias sa lupa, binautismo, nagbubo ng Kanyang dugo, at sa gayo’y natupad ang mga gawa ng kaligtasan. Ang mga ito, ang bughaw na sinulid ay ang aninong naghahayag sa bautismo ni Jesus, at ang pulang sinulid ay ang anino ng pag-aalay Niya para sa mga kasalanan ng sanlibutan na Kanyang inako. Upang hugasan ang ating mga kasalanan, nabautismo si Jesus at pinasan ang hatol ng kasalanan. Ito ang pinapahiwatig nitong tabing na pintuan ng Kabanalbanalang Dako.
Ang Sahig ng Tabernakulo
Ang Tabernakulo ay itinayo sa kapatagan ng buhangin sa lupa. Ang lupa’y tumutukoy sa mga puso ng tao. Na ang sahig ng Tabernakulo ay gawa sa buhangin at lupa ay sinasabi rin sa atin na naparito sa laman ng isang tao si Jesus upang alisin ang mga kasalanan sa ating mga puso. Dahil naranasan ni Jesus ang lahat ng kahinaan ng sangkatauhan, Kanyang hinugasan lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at mahalagang dugong Kanyang binubo sa Krus. Naparito ang ating Panginoon upang magningning sa matingkad na liwanag ng katotohanan sa mundong ito at lutasin ang pangunahing suliranin ng kasalanan ng tao. Si Jesus ay ang Diyos ng nilikha na gumawa ng buong kalawakan at lahat ng bagay nito, at Siya ang liwanag ng kaligtasan na naparito sa lupa upang palayain ang sangkatauhan sa lahat nilang sumpa at kasalanan.
Ang mga Haligi ng Kabanalbanalang Dako
Ang mga haligi ng Kabanalbanalang Dako ay gawa sa apat na mga haligi ng puno ng akasia. Sa Biblia, ang bilang na apat ay nangangahulugang paghihirap. Pinakikita ng mga haligi ng Kabanalbanalang Dako na ang tao’y di-maliligtas maliban sila’y manalig sa maningning na liwanag ng kaligtasang nahahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Hinahayag ng mga ito, sa ibang salita, na ating matutuklasan ang maningning na liwanag ng kaligtasan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinupad ng Diyos mismo sa pamamagitan ng Kanyang paghihirap.
Sinuman ang nagnanais na pumasok sa Banal na Dako at tumayo sa presensiya ng Diyos ay dapat manalig sa maningning na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng kaligtasang inihanda ng Diyos. Nguni’t yaong lumapit sa Diyos nang hindi nananalig sa ebanghelyong tinakda ng Diyos ay haharap sa Kanyang matinding poot. Ang mga tatayo sa harapan ng Diyos ay dapat magkaroon ng pananampalataya na nananalig sa maningning na katotohanang makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa pamamagitan ng maningning na liwanag ng katotohanan, lahat tayo’y dapat na pumaroon sa Kabanalbanalang Dako kung saan nananahan ang Diyos.
Ang ebanghelyo ng kapatawaran ng kasalanan hinayag sa Lumang Tipan ay ang katotohanan ng kaligtasang makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang ebanghelyo ng kapatawaran ng kasalanang hinayag sa Bagong Tipan ay sinakatuparan sa bautismo ni Jesus, ng dugo sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli. Tayo’y makapapasok lang sa Kabanalbanalang Dako kung taglay natin ang pananampalataya na nananalig sa pinakabanal na ebanghelyo.
Dapat Tayong Manalig sa Ating Kaligtasang Hinayag sa Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid
Sinasabi sa Hebreo 11:6, “At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa Kaniya, sapagka’t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at Siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa Kaniya’y nagsisihanap.” Ang Diyos ay nabubuhay magpakailanman. At upang ibigay sa atin ang buhay na walang hanggan, kailangan Niya tayong pagpalain upang makamit ang kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesu-Cristo na naparito sa lupa sa laman ng isang tao, binautismo at napako, namatay, nabuhay na muli, at naging ating Tagapagligtas. Sa paghuhugas ng lahat nating kasalanan ng ating lumang katauhan sa pamamagitan ng Kanyang hatol sa ating mga kasalanan alang-alang sa atin, at bibigyan ang ating mga kaluluwa ng pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, binihisan tayo ng Panginoon ng kabanalan ng buong ganap.
Sa pagdadamit sa atin ng bagong buhay, itinulot ng Panginoon upang lumapit sa Diyos at manalangin sa Kanya. Dagdag nito, Kanya ring binigay sa atin ang biyaya upang makatayo sa harapan ng Diyos at tawagin Siyang Ama. Lahat ng bagay na ito ay mga handog ng Diyos na nagdulot ng kaligtasang binigay Niya sa atin. Sa pagdadala nitong kaligtasan sa atin sa pamamagitan ng katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, tinulot ng Diyos na magkaroon tayo ng pananampalataya upang tayo’y maligtas at makatayo sa Kanyang harapan.
Kung ikaw at ako’y mamamatay bukas, tiwala ba tayong lahat ay makakarating sa Langit? Ating tignan ang ating kinabukasan ng ilang sandali. Kapag namatay ang tao, silang lahat ay haharap sa paghahatol ng Diyos. Ito’y nagbabadya lang na dapat nating lutasin ang suliranin sa lahat ng kasalanan na ating nagawa dito sa lupa—paano kung gayon, natin malulutas ang paksang ito? Kung tayo’y bulag na naniniwala kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, ibig bang sabihin tayo’y naniniwala lamang sa isang animo’y relihiyon?
May isang panahon sa aking buhay nang ako’y mangmang pa sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sinikap na lutasin ang suliranin ng aking mga kasalanan sa pamamagitan ng kabulagang paniniwala lamang sa dugo sa Krus. Sa panahong iyon, ako’y suwail na naniniwala na napako at namatay si Jesus para sa taong tulad ko, at Kanyang nalutas lahat ng suliranin ng kasalanan. Nguni’t sa pananampalatayang ito, hindi ko malulutas ang suliranin sa araw-araw na kasalanang aking nagagawa. Higit nito, sa pamamagitan ng pananalig sa kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ang aking espiritu ay lubos na naisilang na muli.
Lahat nga ba ng ating kasalanan ay naaalis kapag tayo’y bulag na naniniwala kay Jesus bilang Tagapagligtas? Ang pananampalatayang nagtutulot sa atin na lumapit sa banal na Diyos ay hindi makikita sa pamamagitan ng bulag na paniniwala sa Kanya, bagkus ito’y makikita sa kaalaman at pananalig sa katotohanang ito. Gaano man taimtim ang ating paniniwala kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, kung hindi natin nalalaman ang ebanghelyo ng katotohanang nagligtas sa mga makasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kung gayon hindi natin makikita ang banal na Diyos. Kung taglay lamang natin ang pananampalataya na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu saka natin matatagpo ang banal na Diyos. Anong mga materyales ng pananampalataya, kung gayon, ang binubuo ng katotohanang nagtutulot sa atin na tumayo sa harapan ng Diyos bilang mga ligtas? Anong ebanghelyong nagtulot sa atin upang magkaroon ng gayong pananampalataya? Itong ebanghelyo ay ang nagniningning na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Naparito ang ating Panginoon, inako ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, pinako, nagbubo ng Kanyang dugo, nabuhay na muli sa ikatlong araw, at sa gayo’y tinupad ang Kanyang ganap na kaligtasan para sa atin na nananalig. Kung ang ating mga kaluluwa’y hangad na mahugasan sa kasalanan, tanging sa pananalig lamang sa bautismo na tinanggap ni Jesus kay Juan (Mateo 3:15) at sa dugo sa Krus (Juan 19:30) tayo’y magkakaroon ng maningning na paghahari ng katotohanan. Maliban tayo’y manalig kay Jesu-Cristo na nagdala ng maningning na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang ating Tagapagligtas, hindi tayo magkakaroon ng mga puso na kasing-puti ng niyebeng puti.
Kung minsan, sa pagtingin sa mga kahinaan ng ating laman, tayo’y napapanaghoy. Nguni’t gayon man, dahil ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, mapapasalamatan pa rin natin ang Diyos, dahil sa pag-alis ng Panginoon sa lahat nating kasalanan dahil sa Kanyang bautismo at dugo. Ikaw at ako ay hindi naging banal sa anumang paraan, nguni’t dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo’y naging banal. Ganap na niligtas tayo ng ating Panginoon mula sa kasalanan. Dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng bughaw at pulang sinulid, ating masasaliksik ang maningning na liwanag ng katotohanang nagligtas sa lahat nating kasalanan. Sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo’y ginawang banal ng Panginoon.
Sa Mateo 19:24, ay sinabi ng Panginoon, “Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.” Yaong mayaman sa espiritu ay di-maliligtas, dahil sila’y hindi naniniwalang nakamit ang kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yaon lang tunay na dukha sa espiritu ang nagnanais na makapasok sa Langit, hingin ang tulong ng Diyos, itapon ang kanilang sariling katuwiran at sa halip ay manalig sa katuwiran ng Diyos nang 100 porsiyento ay makakamit ang walang hanggang buhay sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nagningning ang liwanag ng kaligtasan upang ating makatagpo ang pinakabanal na Diyos. Sa ating sarili, kailanma’y hindi tayo magiging banal, nguni’t kapag tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa atin, tayo nga’y magiging banal at mararating ang maningning na paghahari ng katotohanan.
Dapat Nating Iwaksi ang Relihiyoso at Doktrinang Pananampalataya
Sa Juan 3:3, sinabi mismo ni Jesus, “Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.” Dahil dito, nagtanong si Nicodemo, “Paanong maipapanganak ang tao kung siya’y matanda na? Makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina at ipanganak?” (Juan 3:4)
Sa mga hindi isinilang na muli, ang pagsilang na muli sa pananampalataya lamang ay waring hindi maaari. Minsan, maging ang Kanyang mga alagad ay di-nauunawaan ang Kanyang Salita at nag-aalinlangan pa. Sa gayon, minsang sinabi ng Panginoon sa Kanyang mga alagad, “Hindi mangyayari ito sa mga tao, datapuwa’t sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari (Mateo 19:26).” Oo, imposible sa tao na pumasok sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga relihiyosong pananampalataya, nguni’t posible para sa kanila na pumasok sa Kaharian sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bagaman hindi tayo magiging banal sa pamamagitan ng ating sarili, yaong nanalig na naparito sa lupa ang Panginoon, inako ang mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang katawan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, napako, nabuhay na muli, at sa gayo’y nagningning ang liwanag ng kaligtasan na nag-alis ng ating mga kasalanan magpakailanman—tinulot ng Diyos na pumasok sila sa Kanyang Kaharian.
Ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na ginamit bilang materyales sa Tabernakulo ay masalimuot na kaugnay sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinupad ni Jesus sa Bagong Tipan. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa ibang salita, ay tulad ng katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay isang anino ng Kanyang kaligtasan, at ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tunay na sangkap ng aninong ito.
Kung gayon ating masasaliksik ang maningning na katotohanan ng kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at makapagpapahinga. Mayroong kapayapaan sa maningning na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tulad ng paglalaro ng bata, namamahinga, at mapayapang natutulog sa bisig ng ina. Sa pagsaliksik sa pinakabanal na liwanag ng ebanghelyo tayo’y makatatagpo sa pinakabanal na Diyos. Sa pananalig sa maningning na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ating makikita ang kaligtasang binigay ng Diyos sa atin. Yaon lamang nanalig sa kaligtasang binigay ng Diyos ang magkakamit ng walang hanggang kapahingahan.
Sa madaling salita, ang pananalig sa pinakabanal na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tanging pananampalatayang magtutulot sa atin na pumasok sa Kabanalbanalang Dako. Ang pananampalatayang nananalig sa maningning na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang magpapatawad sa ating mga kasalanan. Naparito sa lupa ang ating Panginoon, at sa katotohanan ng ebanghelyong nag-alis ng ating mga kasalanan nang minsan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at sa Krus. Kanyang ganap na natupad ang pangakong binigay Niya sa atin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Yaon lang nanalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas at sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang magkakamit ng walang hanggang buhay at pumasok sa Langit.
Kung pinangaral itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu mula noong 30 taong nakalipas, ito nga’y lalaganap sa mundo. Nguni’t sa pagtutulot ng Diyos para maipangaral ang katotohanang ito sa mga huling araw. Sinabi ng Panginoon sa Apocalipsis na di-mabilang na tao ang maliligtas sa kanilang mga kasalanan sa mga huling araw. Kanya ring sinabi na marami ang magiging martir, at sa panahon ng kapighatian isang maraming bilang ng tao ang magpapakita ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Panginoon at pagyakap ng kanilang pagmamartir. Ang ating Panginoon, sa ibang salita, ay nagtuon sa mga huling araw bilang panahon ng pag-aani ng mga kaluluwa. Ang layon ng Diyos ay para lamang sa mga tunay na mananalig nitong ebanghelyo ng katotohanan upang makamit ang handog na kaligtasan sa lahat ng mga kasalanan.
Dahil ikaw ay mapalad na narinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon sa panahong ito na ika’y naligtas sa lahat ng kasalanan. Ako’y tunay na nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa atin nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Anong mangyayari sa ating lahat kung hindi natin narinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Nguni’t isang katotohanan na maging ngayon ay hindi lahat ay tatanggapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang katotohanang ito ay hindi isang bagay na papasok sa puso ninuman.
Sa katunayan, makikita rin natin na bagaman maraming Krisitiyano sa buong mundo, marami sa kanila ang hindi nalalaman ni nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Paano, kung gayon, mapapalaya ang taong mangmang sa tunay na ebanghelyo? Ito kung bakit tinulot ng Diyos sa atin na palawigin ang tunay na ebanghelyo sa pamamagitan ng mga Kristiyanong babasahin.
Marami sa buong mundo ang nagpapatotoo na kanilang nakilala kung ano ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu matapos lamang mabasa ang ebanghelyong babasahin na aming pinalalawig. Lahat sila’y nalalaman lamang ang dugo sa Krus bago makilala itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t ngayon sila’y nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa malinaw na kaunawaan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nanalig. Gayon din, maraming nagpapatotoo na hindi nila alam ang gayong malaking kahalagahang nakakubli sa katotohanan ng bautismo ni Juan kay Jesus. Sila ngayo’y nananalig sa ebanghelyo at hindi lubos na mapasalamatan ang Diyos.
Makikita natin tulad ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay gawa rin sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Itong apat na kulay ay katulad din ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At sa gayon ding paraan, ang maningning na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hinayag din ang tabing na pintuan ng Banal na Dako at ang tabing na pintuan ng Kabanalbanalang Dako. Ang unang pangtaklob ng Tabernakulo, dagdag nito, ay hinabi rin sa apat na kulay; bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Itong katotohana’y tumutukoy sa bautismo at dugo ni Jesus. Ito kung bakit hinayag ni Jesus ang Kanyang sarili bilang daan tungo sa Kaharian ng Langit. Sa pagparito sa lupa at pagliligtas sa mga makasalanan sa pamamagitan ng katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, Kanya tayong ginawang walang kasalanan.
Ang daan sa Kaharian ng Langit ay makikita sa pananampalataya na nananalig sa bautismo at dugo ni Jesus. Sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, ganap tayong niligtas ni Jesus mula sa kasalanan. Saan sa iyong akala makikita ang katotohanang ito? Kung ika’y mananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at sa dugo sa Krus, ikaw kung gayo’y maliligtas sa lahat mong kasalanan at matamo ang walang hanggang buhay nang minsan.
Ano kung gayon, ang kaibahan ng pananampalatayang nananalig kay Jesu-Cristo na kahit papaano at ang pananampalatayang nananalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Dahil sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu naligtas ng Panginoon ang mga makasalanan mula sa kanilang mga kasamaan, pananalig sa ebanghelyong ito ay wastong pananalig sa Panginoon. Dahil niligtas ng Panginoon ang mga makasalanan sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus, ang pananalig sa Panginoon bilang Tagapagligtas ay katulad din ng pagliligtas sa kasalanan dulot ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung Kanyang tinupad. Ang pananalig lamang sa Kanyang pangalan ay hindi ibig sabihin na tayo’y mapapatawad sa ating mga kasalanan at makapapasok sa Langit.
Sa halip, sa pamamagitan ng wastong pananalig na si Jesu-Cristo ay binautismo ni Juan alang-alang sa atin, nagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, pinasan ang hatol ng mga kasalanan, at nabuhay na muli ay makakamit natin ang kapatawaran sa kasalanan at maging sariling bayan ng Diyos. Tinulot lang ng Diyos sa mga may pananampalataya na nananalig sa pinakabanal na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa Kaharian ng Langit. Nguni’t yaong di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi makapapasok sa Kaharian ng Langit, dahil sila’y hindi isinilang na muli.
Sa pananalig sa ebanghelyo ng maningning na liwanag ng tubig at ng Espiritung inihayag sa Tabernakulo, ating nakamit ang pinakabanal na pananampalataya habang narito sa lupa. Bagaman ang ating mga gawa ay hindi sapat, kung mayroon tayong gayong pananampalataya, paanong masasabi ng iba na tayo’y hindi naging matuwid? Kapag tayo’y naging banal dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, paanong may kasalanan pa rin tayo? Ang ibang tao’y nagtataka kung paanong nasasabi natin na tayo’y walang kasalanan gayong tayo’y nagkakasala pa rin sa laman.
Nguni’t ito ang kanilang mga sariling kaisipan ng laman. Yaong nakakaalam at nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay sumasang-ayon na ang tao’y may di-ganap na katawan at sa gayo’y nagkakasala hanggang sa sila’y mamatay. Subali’t, naniniwala rin sila na lahat nilang kasalanan ay napatawad na magpakailanman, kasama ang mga kasalanang kanilang gagawin sa hinaharap, sa loob ng ganap na kaligtasan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang Krus.
Na ikaw at ako ay nagbabahagi ng gayong Salita ng espirituwal na pananampalataya at taglayin ang pinakabanal na pananampalataya habang narito sa lupa ay dahil sa katotohanan na binigay ng Panginoon sa atin na kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Dahil binigay ng Panginoon sa atin ang pananampalataya na magtutulot sa atin na manalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang Kanyang handog sa atin. Sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon, magkakaroon tayo ng pakikipisan sa isa’t isa at mamuhay habang naglilingkod sa Panginoon at umiibig sa isa’t isa—ito kung saan naroon ang ating tunay na kaligayahan.
Wala tayong magagawa kundi ang pasalamatan ang Diyos dahil sa ebanghelyong ito. Kahanga-hanga na aking malalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at manalig dito. Nang hindi ko taglay ang kaunting kaalaman ng bautismo ni Jesus, sa pamamagitan ng Salita ng katotohanan, binigay ng Diyos sa aking puso ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ating lahat na nakamit ang mga pagpapala ng Langit.
Dahil ang Tunay na Ebanghelyong nasa Aking Puso, Aking Pinangangaral ito na may Tunay na Pasasalamat
Habang binabasa ang Biblia, nagsimulang dumating ang isang tanong sa aking isipan: bakit binautismo si Jesus? Dahil itong katanungan ay patuloy na dumarating, hinanap ko ang kasagutan sa Biblia, nguni’t wala ni isa ang nakapagturo sa akin. Iyan ang dahilan bakit malaki ang aking interes sa paksang ito hanggang nalaman ko ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Madalas kong mabasa ang salaysay mula sa Mateo 3:13-17, lalo nang sinabi ni Jesus kay Juan matapos mabautismo, “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran,” nguni’t hindi ko maunawaan ang kahulugan nito. Kaya ako’y patuloy na nagtanong sa iba ukol sa dahilang bakit binautismo ni Juan si Jesus sa Ilog Jordan, nguni’t hindi ako lubos na nasiyahan sa kasagutan. Gayon pa man, hinayaan ako ng Diyos na mabatid ang layunin ng bautismo ni Juan kay Jesus. Ito ang espirituwal na pagbabago sa akin, tulad ng isang bulag na simulang makakita. Sa gayon, ito’y matapos kong malaman ang kahulugan ng Mateo 3:13-17 na aking nabatid ang tunay na kapahayagan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na nagligtas sa akin mula sa aking mga kasalanan.
Dahil aking naunawaan itong katotohanan, naniwala lamang ako sa dugo sa Krus bilang aking kaligtasan, nguni’t sa katotohana’y mayroon pa ring kasalanan sa akin at samakatuwid ay isang makasalanan. Sa panahong yaon, naniniwala ako na ang natubos lamang ang orihinal na kasalanan dulot ng dugo ni Jesus at ang aking kasalukuyang mga kasalanan ay nananatili sa aking puso. Hindi ko nalalaman ang pananampalatayang lubos na ako’y magiging walang kasalanan—ito ay, ako’y lubos na nalito sa bautismo ni Juan kay Jesus. Subali’t, tinanglawan ng Diyos ang aking puso sa pamamagitan ng maningning na liwanag ng kapatawaran ng kasalanan, tulad ng liwanag sa madilim na silid. “Ah, ang bautismo ni Juan kay Jesus ay malapit ang kaugnayan sa pagpapatong ng mga kamay sa paraang paghahandog sa Lumang Tipan! Kaya ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu!”
Ano kung gayon? Lubos na namangha sa aking pagkilala, isang malaking ligalig ang nagsimula sa aking puso matapos mabatid ang katotohanang ito: kung walang ibang ebanghelyo kundi itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tanging tunay na ebanghelyo, anong mangyayari sa mundong ito? Inakala ko na ang pananampalataya ng mga “evangelica” ay hango sa Biblia. Nguni’t ngayon, unti-unti kong nalaman na lahat ng ebanghelyo maliban sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mga huwad na nagmula kay Satanas.
Kaya, lahat ng aking ginawa mula noon ay paniniwala at pangangaral na walang ibang tunay na ebanghelyo kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ibang tao’y pinupuna ako dahil dito. Pinakita rin ng Diyos sa akin, isang taong puno ng mga pagkukulang, ang katotohanan ng kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at Kanyang tinulot ako na manalig at ipangaral itong katotohanan ng tunay na ebanghelyo. Maraming magkatulad na ebanghelyo dito sa lupa, nguni’t iisa lamang ang tunay na ebanghelyo. Ito kung bakit pinasiya ko na palawigin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo.
Kapag aking iniisip ukol sa kung paano ko pinangaral ang katotohanan ng kapatawaran ng kasalanan, at kung paano ko nalaman, nanalig at pinalawig ang pinakabanal na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, aking nabatid kung gaano kadakila ang pagpapala ng Diyos sa akin. Ang tangi kong ginawa ay manalig lamang na inako ni Jesus ang kasalanan ng mundo dulot ng bautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, at lahat ng aking kasalanan ay naglaho! Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tunay na katotohanan, at nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagbibigay sa akin nitong ebanghelyo. Ako’y isang tao na lubos na pinagpala nga ng Panginoon. Sa inyo na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mga mapapalad ding tao.
Naniniwala ako na lahat ng bagay na ito ay mga pagpapala na ginawad ng Diyos sa akin. Tulad ng kapahayagan ni Apostol Pablo, “Datapuwa’t sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ako nga’y ako, at ang Kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan,” (1 Corinto 15:10) Nagpupuri ako sa Kanyang biyayang ginawad sa akin. Sa buong katapatan, kung hindi sa Iglesia ng Diyos, saan mo maririnig ang ebanghelyo ng katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid? Ang sinumang makarinig at manalig sa Salita ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay mahuhugasan ang puso. Ano kung gayon, ang iniisip ng mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ukol sa ebanghelyong ito? Para sa kanila, ang katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay nakapapagod lamang.
Mayroon ka bang pananampalataya na nananalig sa bughaw at pulang sinulid sa tabing na pintuan ng Kabanalbanalang Dako? Kapag iyong narinig itong Salita, huwag mong akalain na iyo nang nalalaman, bagkus ay suriin ninyo upang makita kung ang katotohana’y nasa inyong mga puso. Ngayon, dapat kang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ayon sa Salita ng mga Kasulatan. Kabutihang palad at mapalad ka kung ika’y makadadalo sa Iglesia ng Diyos, pakinggan ang Salita ng Diyos, at magkaroon ng layang makapasok sa Langit.
Nguni’t hindi ito ang nangyari, kung hindi mo malalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, upang magkaroon ng tunay na pananampalataya, at makapasok sa Kaharian ng Langit, ang lahat na maririnig lang ay makalupa at karaniwang kasaysayang likha ng tao, anong pakinabang ang maaaring idulot nito? Kung ang ebanghelyo na iyong pinaniniwalaan ay kaiba sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, paanong mauugnay ang inyong mga kaluluwa sa Panginoon? Ang Salita ng Diyos ang iyong pananampalataya ay dapat na iisa, tulad ng pananampalataya ni Apostol Pablo at ating pananampalataya ay iisa. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung pinaniniwalaan ni Pedro ay tulad din ng ebanghelyong ating pinaniniwalaan (1 Pedro 3:21).
Ako’y nagpapasalamat sa Diyos sa pagtutulot sa akin na manalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga huling araw na ito. At kung iyong tangan ang katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa aming mga aklat at ibahagi sa iba, sila rin, ay makakamit ang kapatawaran sa kasalanan buong galak na pasasalamatan ang Diyos. Dapat nating mabatid na lahat ng mga anyo at mga kasangkapan sa Tabernakulo ay nagbibigay ng isang detalyeng paglalarawan ng Panginoon ng kaligtasan na nag-alis ng lahat nating kasalanan, at dapat nating pasalamatan ang Diyos sa katotohanang ito.
Tayo’y mapalad na maliligtas at makapapasok sa Langit kapag tayo’y mananalig sa katotohanang nahayag sa tabing na pintuan ng Kabanalbanalang Dako. Dagdag nito, tinulot tayo ng Diyos na palawigin sa buong mundo ang katotohanan ng kapatawaran ng kasalanang gawa sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Pinagkatiwala ng Diyos sa atin ang gawaing ito. Mula sa ating mga kanya-kanyang gawain, tayo’y tapat sa mga gawa na iniatas sa bawa’t isa sa atin, at pinagpapala tayo ng Diyos sa katapatang ito.
Nagpapasalamat ako sa Diyos. Niluluwalhati ko Siya sa pamamagitan ng aking pananampalataya, pananalig na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung naihayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na ginamit sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo ay tulad din ng apat na kulay na inihayag sa tabing na pinto ng Kabanalbanalang Dako. ngayon, ito ang aking taos-pusong pag-asam na kayong lahat ay ang maliligtas sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, na makapapasok sa Kabanalbanalang Dako kung saan nananahan ang Diyos magpakailanman. Ang pananampalataya mo ba’y matibay na nakatayo rin?