• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-14] Ang Tabing na Nahati (Mateo 27:50-53)

2021.04.13 103
(Mateo 27:50-53 >
“At muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig at nalagot ang Kaniyang hininga. At narito, ang tabing ng templo’y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba, at nayanig ang lupa, at nangabaak ang mga bato. At nangabuksan ang mga libingan, at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon at paglabas sa mga libingan pagkatapos na Siya’y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.”
 

Ang Kabanalbanalang Dako ay ang dako kung saan nananahan ang Diyos. At tanging ang Mataas na Saserdote ang makapapasok sa Kabanalbanalang Dako minsan sa isang taon, sa Araw ng Pagtutubos, dala ang dugo ng haing kambing para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mga Israelita. Kanya itong gagawin dahil ang Kabanalbanalang Dako ng Tabernakulo, ang Tahanang ng Diyos, ay isang banal na dako na hindi siya makapapasok malibang dala ang dugo ng handog, kung saan ang kanyang mga kamay ay pinatong, upang alisin ang mga pagsalangsang ng mga makasalanan. Sa ibang salita, maging ang Mataas na Saserdote’y di-maiiwasan ang paghahatol ng Diyos maliban siya’y napatawad sa kanyang mga kasalanan sa pagbibigay ng handog bago pumasok sa Kanyang presensiya. 
Kailan nahati ang tabing ng Templo? Ito’y nahati nang dumanak ang dugo ni Jesus at namatay sa Krus. Bakit kailangang dumanak ang Kanyang dugo sa Krus at mamatay? Dahil ang Anak ng Diyos, naparito sa lupa sa laman ng isang tao, ay inako lahat ng pagsalangsang ng tao sanhi ng bautismo ni Juan sa Ilog Jordan. Dahil inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, maaring wakasan ni Jesus lahat ng hatol ng kasalanan kung Kanya lang ibubo ang Kanyang dugo sa Krus at mamatay. Ito kung bakit ang tabing na humihiwalay sa Kabanalbanalang Dako sa Banal na Dako sa Tahanan ng Diyos ay napunit mula sa itaas pababa. Ibig sabihin na ang dingding ng kasalanan na naghihiwalay sa Diyos sa sangkatauhan ay nawasak nang minsan para sa lahat.
Sa ibang salita, sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at dugong Kanyang binubo sa Krus, pinaglaho Niya lahat ng kasalanan. Sa pamamagitan ng bautismo at dugo ni Jesu-Cristo, inalis ng Diyos Ama lahat ng ating kasalanan nang minsan para sa lahat at binuksan ang daan sa Langit, upang sinuma’y makapapasok ngayon sa Langit dulot ng pananalig sa bautismo at dugong dumanak ni Jesus.
Nang mamatay si Jesus sa Krus, nagdilim sa Kanyang kinaroroonan ng tatlong oras. Sa pagpasan ng lahat ng kasalanan ng sanlibutan sanhi ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan, si Jesus na nakapako at nalalapit sa Kanyang kamatayan, ay sumigaw, “Eli, Eli, lama sabachthani?”, ibig sabihin, “Dios ko, Dios ko bakit Mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46) Kanyang binanggit ang huling mga salita, “Naganap na!”, at namatay pagkatapos. At sa tatlong araw Siya’y nabuhay na muli, nagpatotoo sa loob ng 40 araw, at pagkatapos ay umakyat sa Langit habang nakatingin ang Kanyang maraming mga alagad at mga tagasunod.
 

Talaga Bang Pinabayaan ng Ama si Jesus?

Ang hirap ng pasakit ay sukdulan na Kanyang naramdaman na waring pinabayaan Siya ng Kanyang Ama. Ang paghihirap ng hatol ng kasalanan ay lubos-lubos. Dahil kinuha ni Jesus ang kasalanan ng sanlibutan dulot ng bautismo ni Juan, tunay na panandaliang kinaligtaan Siya ng Ama nang Kanyang pasanin ang hatol ng kasalanan sa Krus. Kailangang parusahan ng Diyos Ama ang sinumang may kasalanan, at dahil lahat ng kasalanan ng sanlibutan ay inilipat kay Jesus, kailangang sugatan si Jesus at magdanak ng Kanyang dugo sa Krus bilang kaparusahan sa mga kasalanang ito.
Dahil si Jesus, na Siyang Diyos mismo sa Kanyang pinakadiwa, inako lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo, ang kasalanan ng mundo’y inilipat sa Kanyang sariling banal na katawan. Kaya si Jesus, sa pag-ako ng kasalanan ng sanlibutan, ay kailangang iwasan panumandaling ng Diyos Ama, magdusa sa kamatayan sa Krus upang bayaran lahat nating kasalanan, at sa gayo’y iniligtas ang sangkatauhan sa lahat ng kasalanan. Ito kung bakit kailangang malagay si Jesus sa matinding paghihirap ng hatol ng kasalanan, at bakit sandaling tumalikod ang Diyos Ama sa Kanyang anak.
Nguni’t hindi ibig sabihin na magpakailanmang pinabayaan ng Ama si Jesus. Sa halip, ibig sabihin na si Jesus ay kailangang pasanin ang hatol ng mga kasalanan alang-alang sa atin, at samakatuwid kailangan Siyang pabayaan ng Ama panumandali. Nguni’t sa pagsigaw ni Jesus sa Kanyang paghihirap, “Dios ko, Dios ko bakit Mo ako pinabayaan?” ito’y dahil si Jesus ay dumanas ng matinding hirap ng kasalanan na tayo’y naligtas mula sa hatol ng kasalanan. Tayo ang dapat ang pabayaan ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t inako ni Jesus ang ating mga kasalanan, nagdanas ng hirap ng hatol ng kasalanan sa Krus, at dagdag nito, ay pinabayaan ng Ama panumandali alang-alang sa atin.
Tulad ng iyong nalalaman, matapos gawin ang Templo sa panahon ng paghahari ni Solomon, ang Tabernakulo ay pinalitan ng Templo. Nguni’t ang mga pangunahinng pamamaraan ng Tabernakulo ay ginagamit pa rin sa Templo tulad ng bago ito itayo. Kaya mayroon ding isang tabing na humihiwalay sa Kabanalbanalang Dako sa Banal na Dako ng Templo. At sa pagkakataong yaon nang sumigaw ang ating Panginoon sa Krus, “Eli, Eli, lama sabachthani?” itong tabing ng Templo ay nahati mula itaas pababa. Ang katotohanang sinalita sa pagkakataong ito ay dahil hinugasan ng Panginoon ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at mahalagang dugong Kanyang binubo sa Krus, ang pintuan ng Langit ngayo’y nabuksan, upang lahat ng mananalig ay makapapasok. Ngayon, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayong lahat ay makakapasok sa Langit sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sa pamamagitan ng kapahayagan ng pamamaraan ng Tabernakulo, ang tao sa Lumang Tipan ay nanalig din kay Jesus na dumating bilang ang Mesias, at sa gayo’y natubos din ang lahat nilang kasalanan at naging anak ng Diyos. Sa Bagong Tipan, ang lahat ng katuwiran ng Diyos ng kapatawaran ng kasalanan ay natupad nang minsan para sa lahat nang binautismo ang ating Panginoon sa Ilog Jordan at namatay sa Krus. Ang dahilan ng ating pusong nagpapasalamat, yamang narinig at nanalig sa ebanghelyo ng kapatawaran ng kasalanan na binigay ng Panginoon sa atin, ay dahil taglay natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sa ating sarili, hindi tayo mapapalaya sa kasalanan, nguni’t dahil sa katotohanan ng kaligtasan binigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, tayo’y natubos sa ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa katotohanang ito. Sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesus sa atin, ang ating mga kasalanan ay naglaho at tayo ngayo’y makapapasok sa Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pagbibigay nito, paanong hindi natin mapapasalamatan ang Diyos? Atin lamang mapapasalamatan Siya, dahil nalalaman natin na ang pintuan ng Langit ay nahati mula sa itaas pababa sa oras na mamatay ang ating Panginoon. Ito ang nakalulugod na balita na sinasabi sa atin na kinuha ng Panginoon ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan, pinasan ang hatol ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus, at sa gayo’y napalaya mula sa kasalanan lahat niyaong nanalig.
Ang katunayan na ang tabing ng Templo ay nahati mula sa itaas pababa nang mamatay si Jesus sa Krus ay tinuturo sa atin ang katotohanan na ito na ang panahon, yaong nalinis sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makapapasok ang lahat sa Langit. Ito ang makahulugang katibayan ng katotohanan ng kaligtasan na tinulot ng Panginoon sa atin. Dahil tayo’y mga makasalanan, mayroong isang pader ng kasalanan na humahadlang sa atin, sinasalanta tayo sa paglapit sa Diyos, nguni’t sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo, ginawang maglaho ni Jesus itong pader ng kasalanan nang minsan para sa lahat. Hinati ng Diyos ang tabing sa Templo mula sa itaas pababa ay nagpapakilala na sinumang manalig sa bautismo kung saan inako ng Anak ng Diyos ang lahat ng pagsalangsang ng mga makasalanan at sa dugo sa Krus ay ganap na mahuhugasan sa kanilang mga kasalanan at sa gayo’y walang-hadlang na makapapasok sa Langit. Niligtas tayo ng Diyos mula sa kasalanang tulad nito.
Pinunit ni Jesus ang tabing ng Templo mula sa itaas pababa bilang katibayan ng mga gawa ng kaligtasang Kanyang tinupad. Samakatuwid, sinabi sa Hebreo 10:19-22, “Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, sa pamamagitan ng daang bago at buhay na Kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga’y sa Kaniyang laman, at yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios, tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi, at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig.” 
Nang mamatay si Jesus sa Krus, ang daang papasok sa Kabanalbanalang Dako ay malawak na nabuksan nang ang tabing ay nahati, at itong bukas na pinto ng Kabanalbanalang Dako ay ang Salita ng Diyos ng ebanghelyong na nagbukas sa isang bago at buhay na daan tungo sa Langit. Narito, sinasabi muli ng Biblia sa atin na lahat ng kasalanan sa ating mga puso at mga katawan ay naglaho sa pamamagitan ng Kanyang bautismo (ang dalisay na tubig) at Kanyang dugo, at samakatuwid, tayo’y malilinisan ng buong katiyakan ng pananampalataya sa Kanyang ganap na kaligtasan.
Dahil dito, ako’y nagpapasalamat sa Diyos. Hindi tayo makapapasok sa Langit anuman ang ating pagsisikap, nguni’t sa gayong taong tulad natin, niligtas tayo ni Jesus sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan nitong makatuwirang gawa ng Kanyang bautismo at Kanyang dugong dumanak sa Krus, at Kanyang binuksang maigi ang pintuan ng Langit, upang lahat ng mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makapapasok sa Langit. Ngayon ay posible na para sa atin na mahugasan sa ating mga kasalanan at makapasok sa Langit dahil sa pananampalataya na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dahil binuksan ng Panginoon ang pintuan ng Langit para sa atin dahil sa bautismo at pagpapako, tayo ngayo’y mahuhugasan sa ating mga kasalanan at makapapasok sa Langit dulot ng pananalig sa katotohanang ito. Paanong hindi natin mapasalamatan ang Diyos? Hindi natin lubos na mapasalamatan Siya dahil sa Kanyang pag-ibig ng paghahandog. Ang tabing na pintuan sa Kabanalbanalang Dako ay nahati sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus upang akuin ang ating mga kasalanan at ang haing handog ng Kanyang katawan upang mahatulan dahil sa mga kasalanang ito alang-alang sa atin.
 

Iisa Lang ang Daan upang Makapasok sa Langit

Dahil tayo’y nananalig sa bautismo ni Jesus at sa dugo sa Krus, tayo’y makapapasok sa Langit. Walang ibang daan upang makapasok sa Langit kundi sa pamamagitan nitong ebanghelyo ng katotohanan. Tanging sa pananalig sa ginawa ni Jesus para sa atin tayo’y makapapasok sa Langit, dahil ginawa ng Diyos ang gayong mga gawa para sa mga mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ito kung bakit ang mga Kristiyano ay hindi makapapasok sa Langit sa pamamagitan ng kanilang mga sariling pagsisikap, panata, o anumang mapag-imbabaw na pagtangka. Itinakda ng Diyos na yaon lang nahugasan sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugong dumanak ang makapapasok sa Langit. Yaong nanalig sa katotohanang ito ay ang mga mga nanalig na si Jesus ay ang Anak ng Diyos, Siyang Diyos, at ang walang hanggang Tagapagligtas na naglitas sa kanila sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugong dumanak. Sa gayong tao na hinayaan ng Diyos ang paghuhugas ng kasalanan. Tanging sa bautismo ni Jesus at ang paghihirap na Kanyang tiniis sa Krus, tinulot ng Diyos Ama sa mga nanalig nito ang makapapasok sa Kaharian ng Langit dahil sa pananampalataya.
Kailangan ba natin ang salapi upang pumasok sa Langit? Kung ito ang mangyayari, makakamit ang ating kaligtasan sa pagbabayad nito, at sa gayo’y hindi ito ang kaligtasang binigay sa atin ng Panginoon na walang-bayad. Upang tayo’y makapasok sa Langit, kailangan natin ang isang bagay kundi ang pananampalataya na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa ibang salita, upang makapasok sa Langit, walang bayad, gawa, o pagsisikap ng ating sarili ang kailangan. Wala sa katauhan ng tao ay kailangan upang makapasok sa Langit. Upang tayo’y magkaroon ng karapatan sa Langit, hindi hiningi ng Diyos ang anumang pagsisikap, gawa, kapasiyahan, kabayaran, o kabutihan mula sa atin.
May isang bagay lamang na kailangang-kailagan para sa atin na makapasok sa Langit, at ito ang pananampalatayang nananalig sa bautismo ng paghuhugas ng kasalanan na tinanggap ni Jesus sa Ilog Jordan at ang alay ng Kanyang binubong dugo sa Krus bilang ating sariling kapatawaran ng kasalanan. Wala ng ibang paraan. Ang tanging ating kailangan ay ang pananampalataya na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at dugo ni Jesus. Ito kung bakit para sa atin na napatawad sa kasalanan at makapasok sa Langit, dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinupad ni Jesus.
Si Jesus, ang Panginoon ng pag-ibig, ay tinupad ang ating ganap na kaligtasan dulot ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil ganap na binuo ni Jesus ang kaligtasan sa kapatawaran ng kasalanan, kung mananalig lang ang mga makasalanan sa ebanghelyo ng buong-puso, sila’y maliligtas sa lahat nilang kasalanan. Tinubos ng Diyos lahat ng ating kasalanan, bagaman tayo’y marami o iilan lang ang kasalanan, at Kanyang hinayaan ang sinuman na pumasok sa Langit dahil lang sa pananalig.
Yamang binuksan ni Jesus ang pintuan ng Langit, upang ang mga makasalanan ay makapasok dito dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay ang biyaya ng kaligtasan na tunay na natatangi. “Ang Panginoon ay binautismo upang pasanin lahat ng aking kasalanan at namatay sa Krus alang-alang sa akin! Kanyang hinugasan ang aking mga kasalanan at binuksan ang pintuan ng Langit para sa akin! Lubos Niya akong minahal na Siya’y binautismo, nagdanak ng Kanyang dugo, at tinupad ang pagtubos ng kasalanang tulad nito!” Sa paraang ito, kung ikaw nga’y mananalig sa katotohanan ng kaligtasan, ika’y makapapasok sa Langit dahil sa pananampalatayang ito.
Upang ang tao’y manalig kay Jesus bilang Tagapagligtas ay hindi gayong kahirap, bagkus sa katotohana’y madali, ang gagawin lamang nila’y tanggapin sa kanilang mga puso ang naisakatuparang katotohanang ginawa ni Jesus nang Siya’y naparito sa lupa at manalig sa mga ito. Dahil inalis ni Jesus lahat nating kasalanan at napalaya mula sa mga ito sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan na Kanyang tinanggap mula kay Juan Bautista, at sa pamamagitan ng dugong Kanyang binubo sa Krus at sa pamamagitan ng Espiritu, kapag tayo’y mananalig kay Jesus sa ating puso, tayong lahat ay maliligtas.
“At iyong makikilala ang katotohanan, ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32). Ang ating mga kasalanan ma’y malaki o maliit, sa pamamagitan ng bautismo at pagdanak ng Kanyang dugo, pinaglaho ni Jesus ang lahat ng mga ito. Sa pamamagitan ng pananalig nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang katotohanang nagpalaya sa atin sa kasalanan, ating makakamit ang ating walang hanggang kaligtasan at matamo ang kalayaan nitong katotohanan ng kaligtasan.
Sa pamamagitan ng pagtupad ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, malawak na binuksan ng Panginoon ang Langit. Naparito sa lupa ang Panginoon, binautismo, namatay sa Krus, at nabuhay na muli sa ikatlong araw—itong katotohanan, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang naglapit sa atin sa Diyos, at nagtulot sa atin na maging atin ang Langit sa hinaharap. Ngayon, kung nais mong pumasok sa Langit, at mapalaya sa kasalanan at maging anak ng Diyos, kung gayon dapat mong tanggapin ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus at dugo sa Krus. Sa pananampalatayang ito ang magtutulot sa iyo na makamit ang kapatawaran sa kasalanan at akayin ka sa pintuan ng Langit.
Nalalaman ng Panginoon ang lahat ukol sa atin. Alam Niya ang ating pagsilang, at nalalaman Niya lahat ng ukol sa mga kasalanan na ating nagawa at gagawin. At alam din Niyang lubos na kung gaano man tayo magsikap, hindi mapaglalaho ang ating mga kasalanan. Dahil lubos na kilala tayo ng Panginoon, Siya mismo ang nag-alis ng lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus. 
 

Bakit Naparito sa Lupa si Jesus?

Ang kahulugan ng pangalang Jesus ay Tagapagligtas. Si Jesus ay isinilang dito sa lupa dahil ang ating kaligtasan sa kasalanan ay matutupad sa pamamagitan ng hindi sinumang tao, nguni’t ito’y saklaw ng kapangyarihan ng Diyos. Tulad nito, ang pagsilang ni Jesus ay sinundan ng isang malinaw na layunin. Ito kung bakit upang mailigtas ang sangkatauhan sa lahat ng kasalanan, isinilang si Jesus sa lupa sa pamamagitan ng katawan ng isang birhen. Sa ibang salita, isinilang si Jesus sa pamamagitan ng katawan ng isang babae alang-alang sa mga makasalanan na nagmana ng kasalanan dahil sa pagsalangsang ni Adan at Eba. Upang maging Tagapagligtas na magliligtas sa lahat ng makasalanan nitong lupa mula sa lahat ng kanilang karumihan, naparito sa lupa ang Panginoon, pinaglihi ng katawan ng isang birhen sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
Isinilang ang ating Panginoon sa lupa sa pamamagitan ng katawan ng Kanyang sariling nilikha upang Siya mismo ay maging ating walang-dungis na handog. At nang dumating ang panahon, unti-unti Siya’y nagpatuloy sa Kanyang layon upang ihatid ang kaligtasan sa atin. Nang ang Panginoon ay naging 30, Siya’y binautismo sa Ilog Jordan. Upang makamit ang layunin ng Kanyang pagsilang dito sa lupa, inako ni Jesus ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pagbabautismo, at ito nga’y tinupad ang gawaing ito na Siya’y bautismuhan ni Juan (Mateo 3:13-17).
Makalipas ang tatlong taon yamang tinanggap ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, Siya’y pinako. Dahil binautismo ang atin Panginoon at inako ang mga kasalanan ng mundo na Siya’y hinatulan dahil sa ating mga kasalanan. Sa pagbautismo ni Juan Bautista at sa Kanyang dugo sa Krus, pinaglaho ng Panginoon lahat ng kasalanan, at Siya sa gayo’y tinulot yaong mananalig na maligtas sa kanilang mga kasalanan.
Anuman ang kamangmangan ng tao na makikita sa sarili, sa anong mga kahinaan sila’y nasilo, at anong uri man ng mga makasalanan sila, tinulot tayo ng Diyos na mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na pumasok sa Langit, ang Kaharian ng Panginoon. Upang pagbayaran ang kasalanan si Jesus ay binautismo sa Ilog Jordan at nagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Dahil sa kaligtasan na tinupad ni Jesus sa pagbabayad ng ating mga kasalanan at pag-aalay ng Kanyang sarili, tayo na nanalig ngayon ay mahuhugasan lang ang ating mga kasalanan dahil sa ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang pangunahing katotohanan ng Kristiyanismo at ang buod ng kapatawaran sa kasalanan.
Naparito sa lupa ang Panginoon upang maging Tagapagligtas ng lahat na makasalanan dito sa lupa. At ganap na niligtas tayo ng Panginoon sa kasalanan. Hinayaan ng Diyos ang lahat ng makasalanan, nasaan man sila, na pumasok sa Langit sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang mga gawa.
Ito ang pag-ibig ng Panginoon. Ito’y dahil lubos na iniibig tayo ng Panginoon na Siya’y binautismo at nagdanak ng Kanyang dugo upang tayo’y maligtas. Upang lumaya tayo sa kasalanan, na Kanyang inibig ng higit sa Kanyang sariling katawan, tinupad ng Panginoon ang kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo at pagdanak ng Kanyang dugo. Tayo’y mga makasalanan na patuloy na magkakasala hanggan sa kamatayan. Pinahirapan ng ating mga kasalanan, tayo’y patuloy na papalayo sa Diyos. Upang iligtas ang tao tulad natin, tinupad ng Panginoon ang mga gawa ng kaligtasang magtutulot sa atin na makapag-isa sa Kanya.
Ang ating Panginoon ang nagligtas sa atin na mga makasalanan sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos. Upang iligtas tayong mga makasalanan sa ating mga karumihan, Kanyang ginanap ang katuwiran at pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagdanak ng Kanyang dugo. Tayo na nananalig sa ebanghelyong ito ay lubos na pasasalamat sa Kanyang ginawa sa atin na ang mga salita’y bigo na ipahayag ang ating pasasalamat ng pananampalataya habang tayo’y yumuyuko sa Kanya. Ang katotohanan ng kapatawaran ng kasalanang binigay ng Panginoon sa atin ay isang maharlika at sukdulang pag-ibig na walang mga salita ng lohika, mga matatamis na salita ang makapagpapaliwanag nito.
Higit 2,000 taon, wala ni isa sa atin ang isinisilang sa panahong yaon. Halos 2,000 taon na ang tabing sa makalupang Templo at ang makalangit na Templo ng Kaharian ng Diyos ay nabuksan. Ni wala pa tayo sa sinapupunan ng ating ina sa panahong yaon, nguni’t lahat ay nalalaman ng Panginoon ang ukol sa atin. Nalalaman Niya na ika’y isisilang, at kayong lahat ay mabubuhay ayon sa inyong sariling natatanging paraan. At inibig ka ng Panginoon—hindi lang ako, nguni’t Kanyang inibig ka at ang bawa’t isa sa gayon ding paraan. Lubos na inibig tayo ng Panginoon na Kanyang tinulot lahat ng makasalanan na pumasok sa Langit sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinupad ni Jesus para sa atin. Sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu (ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus) natupad lahat ni Jesus ang ating kaligtasan mula sa kasalanan.
Na ang tabing sa Templo ay nahati mula sa itaas pababa ay tunay na nakamamanghang pangyayari. Paanong itong tabing ng Kabanalbanalang Dako ay mahahati, dahil lang namatay si Jesus sa Krus? Itong tabing ay tulad ng ngayong mga “carpet.” Ito’y makapal at matatag na hinabi. Sa Palestino, hanggang ngayon ay makikita pa rin natin ang mga tabing na hinabi tulad ng mga “carpet.” Ang mga ito’y matibay na hinabi na sinasabing na kakailanganin ang apat na kabayo upang ito’y mahati. Gaano ang lakas ng kabayo? Nguni’t ang tabing na matibay na kakailanganin ang apat na kabayo upang ito’y punitin mula sa itaas pababa nang mamatay si Jesus sa Krus.
Bakit nahati ang tabing? Ito’y nahati dahil hinugasan ni Jesus ang lahat ng kasalanan na nasa puso ng sangkatauhan. Ito’y nahati dahil tinupad ni Jesus lahat ng Kanyang matuwid na mga gawa dulot ng bautismo at kamatayan. Sa pag-ako ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at hatol sa Krus, binuksan ni Jesus ang daan para sa mga mananalig na pumasok sa Langit. Ang tanging inyong gagawin ay ang manalig lamang. Binuksan ng Panginoon ang pintuan ng Langit upang kayong lahat ay makapasok sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. 
 

Ang Bautismo ba ni Jesus at Dugo ay Mahalaga sa Ating Ikaliligtas?

Ito’y ayon sa paraan ng kaligtasang nilayon bago pa ang panahon ng Lumang Tipan na ang mga kamay ay pinatong sa ulo ni Jesus, isang rituwal na nilaan lamang para mga haing handog. Dahil ito’y kautusan ng kaligtasang tinalaga ng Diyos para sa haing handog upang tanggapin lahat ng kasalanan sa pagpapatong ng mga kamay at upang mamatay, si Jesus sa pagparito bilang ating sariling haing handog upang tayo’y iligtas magpakailanman, isang anyo ng pagpapatong ng mga kamay. Ito kung bakit upang makapasok sa Kabanalbanalang Dako, maging ang mga Mataas na Saserdote ay kailangang tiyakin na dala nila ang dugo ng haing handog na mag-aalis ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong nga mga kamay.
Bakit kung gayon, kailangang pumasok ang Mataas na Saserdote sa lugar na ito na dala ang dugo? Dahil ang buhay ng laman ay nasa dugo, binigay ng Diyos sa Mataas na Saserdote upang tubusin ang kanilang kaluluwa bago siya lumapit sa Kanyang presensiya (Levitico 17:11). Lahat ng tao’y kailangang mamatay dahil sa kanilang mga kasalanan, nguni’t dahil inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng tao sa pamamagitan ng bautismo sa Ilog Jordan (lahat ng kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo) at pinasan lahat ng ito, pinako si Jesus at sa gayo’y niligtas tayo ng Kanyang dugong dumanak, ng Kanyang sariling buhay. Sinasabi nito sa atin na kapag ang mga makasalanan ay humarap sa Diyos, dapat nilang tiyakin na dala nila ang pananampalataya na nananalig sa tubig at sa dugo. Tanging kapag tayo’y buong puso na nananalig sa tubig ng bautismo ni Jesus at sa dugong Kanyang binubo tayo’y mapapalaya sa hatol ng ating mga kasalanan.
Ngayon ay hinugasan ni Jesus lahat ng kasalanan, upang wala na ang magbibigay kumpisal, o mag-aayuno, o magbibigay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Hindi na tayo kailangang mangumpisal, ni kailangan pang parusahan dahil sa ating mga kasalanan, dahil binigay na ni Jesus ang handog ng kapatawaran ng kasalanan at hatol. Ang ating tanging gawin ay manalig lamang ng ating puso sa kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Ang tanging gagawin ay manalig lang sa bautismo ni Jesus bilang bughaw na sinulid na ginamit sa Tabernakulo sa Lumang Tipan, at upang manalig sa dugo ni Jesus na dumanak sa Krus bilang pulang sinulid. Ang katotohanan na si Jesus ay ang Hari sa Kanyang pangunahing kailangan ay nahayag sa kulay-ubeng sinulid na ginamit para sa pintuan ng Tabernakulo. Sa gayon, kung tayo’y nahugasan sa ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa kapatawaran ng kasalanang nahayag bilang ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at manalig na lahat ng ating hatol ay nagwakas na, kung gayon ang sinuman sa atin ngayo’y makapapasok sa Kaharian ng Langit. Itong ebanghelyo ay ang pinaka-ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 

Bakit Napunit ang Tabing sa Templo Nang si Jesus ay Mamatay sa Krus? Ating Pag-aralan Itong Muli

Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na nahayag sa Lumang Tipan ay ang ebanghelyong magdadala ng mga pagpapala ng pagtanggap ng kapatawaran ng kasalanan at pumasok sa Kaharian ng Langit para sa mga mananalig. Ito kung bakit ang tabing ay napunit nang si Jesus, sa pagbautismo, namatay sa Krus. Sa mga mananalig kay Jesus, ito ang katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos. “Ah, dahil binautismo si Jesus ni Juan para sa akin na Siya’y nagdanak ng Kanyang dugo at namatay sa Krus, at gayo’y binayaran ang kamatayan, ang kabayaran ng kasalanan.” Sa kamatayan sa Krus, sinabi ni Jesus, “Naganap na,” at sa pagkakataong ito na Kanyang binuksan ang daan para sa atin na makapasok sa Kaharian ng Langit.
Naparito sa lupa si Jesus upang iligtas yaong nalayo sa Diyos dahil sa mga pader ng kasalanan na kanilang hindi maiiwasan kundi ang patuloy na magtayo. Ito ang sariling pasiya ni Jesus, nguni’t sa gayon din ito ay utos din ng Diyos Ama at Kanyang pag-ibig sa atin. Ang pagsunod sa kalooban ng Ama, tinanggap ni Jesus ang bautismo na naglipat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sariling katawan. Ito’y dahil pinasan ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo na Siya’y nagtungo sa Krus, pinako, nagbubo ng Kanyang dugo at namatay, nabuhay na muli sa ikatlong araw, at sa gayo’y natupad ang mga gawa ng kaligtasan. Ito ang mga ministeryong nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, ang kapatawaran ng kasalanan na magliligtas sa mga makasalanan mula sa kanilang kasamaan at ang pagbuo ng paraan ng paghahandog.
Dahil tinupad ni Jesus ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang mga ministeryo na ang pintuan ng Langit, na walang tao ang makapapasok, ngayo’y binuksan. Dito’y pinakikita na ang pintuan ng kaligtasan ay hindi na muling mabubuksan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at ang dugo ng hayop na ginamit para sa haing handog sa Lumang Tipan, nguni’t ito’y bukas na ngayon sa pamamagitan ng pananampalataya na nananalig sa bautismo ni Jesus at sa dugo na Kanyang binubo sa Krus. Na ang nahating tabing ay inahayag na ang pagtapos ng kaligtasan, na tinulot ng Diyos ang sinuman na malaman at tunay na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinupad ng Panginoon upang pumasok sa Langit. Ito kung bakit ang tabing ng Templo ay nahati.
Dapat kang pumasok sa Kaharian ng Langit sa pananampalatayang nananalig sa bautismo ni Jesus at ang dugo sa Krus. Si Jesus na walang kasalanan ay naparito sa lupa na nagkatawang-tao sa laman at binautismo ni Juan upang akuin lahat ng ating kasalanan (Mateo 3:15). Dagdag nito, binigay ng Panginoon ang buhay ng Kanyang katawan bilang kabayaran sa ating mga kasalanan at naging walang hanggang handog ng pagtubos na dapat nating dalhin kapag tayo’y paroroon sa Diyos. Samakatuwid, lahat tayo’y dapat na manalig sa dugo na binubo ni Jesus at gawin silang sariling bayan ng Diyos, binuksan ni Jesus ang pintuan ng Langit sa paglatay ng Kanyang sariling katawan.
Pagdating sa pagliligtas sa atin ni Jesus, dapat nating malaman na hindi lamang Siya nagbubo ng dugo sa Krus. Tatlong taon matapos mamatay sa Krus, Kanya ring inako ang ating mga kasalanan dulot ng bautismo sa Ilog Jordan. Kaya si Jesus ay binautismo ni Juan alang-alang sa buong sangkatauhan at pinako ng mga hukbo ng Roma. Bago pa man ikaw at ako’y isilang dito sa lupa, hinugasan na ni Jesus lahat ng ating kasalanan dahil sa bautismo at pagdanak ng Kanyang dugo.
Na si Jesus ay binautismo ni Juan ay ang paraan ng kaligtasan na Kanyang tiyak na tinupad upang akuin ang ating mga kasalanan nang minsan para sa lahat. At ang dugong Kanyang binubo ay ang kabayaran ng lahat nilang kasalanan. Dahil si Jesus ay Diyos mismo, ang bautismo at dugo na Kanyang binubo sa Krus ay tiyak na naglalaman ng ating kaligtasan sa kasalanan. Ito ang ganap na handog ng Panginoon na Kanyang niligtas ang buong sangkatauhan. Nananalig ka ba na ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay nilinis ang ating mga kasalanan at pinalaya tayo sa lahat nating kasalanan at paghahatol?
 

Sa Bautismo ni Jesus at sa Dugo ng Krus, Lahat ng Kasalanan ng Sangkatauhan Ngayo’y Hinugasan

Upang hugasan ang mga kasalanan ng sangkatauhan na si Jesus ay binautismo ni Juan. Kung ating titignan ang mga ministeryo ng kaligtasan ni Jesus sa pag-iwan nitong bautismo ni Jesus sa Kanyang pampublikong buhay, pagkatapos ang kaligtasan ng sangkatauhang nilayon ni Jesu-Cristo mula sa pasimula ng mundo ang lahat ay naging kasinungalingan. Kahit bago pa ang paglikha sa sanlibutan, inihanda na ni Jesus ang bautismo upang akuin ang mga kasalanan ng sangkatauhan at nagdanak ng Kanyang dugo.
Ito kung bakit binautismo si Jesus ni Juan Bautista, ang kinatawan ng buong sangkatauhan, at sa gayo’y inako lahat ng kasalanan (Mateo 11:11-12; Mateo 3:15). Upang mahugasan ni Jesus ang mga kasamaan ng mga makasalanan sa pamamagitan ng bautismo ay ang paraaan ng kaligtasan. Inako ni Jesus ang mga kasamaan ng mga makasalanan at hinugasan ang mga ito, at sa halip na tayo ang mamatay dahil sa ating mga kasalanan, Siya’y namatay alang-alang sa atin, at sa pamamagitan nito Kanyang pinalaya yaong nanalig nito mula sa lahat nilang kasalanan at kahatulan. Sa paraang ito (ang paraan ng pagbautismo kay Jesus), inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili at pinasan lahat ng hatol ng kasalanan sa pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. “Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15). Binautismo si Jesus sa Ilog Jordan ay nangangahulugan na Kanyang inako lahat ng kasalanan nating mga makasalanan.
Mga kapatid, hindi ka ba maaaring manalig na naparito si Jesus nang higit na 2,000 taong lumipas, na Siya’y binautismo nang Siya’y naging 30, at nagdanak ng Kanyang dugo para sa iyo, dahil hindi mo nakita ito ng iyong sariling mga mata? Nguni’t sa pag-aalam ng lahat ukol sa ating mga pagkukulang, nilayon na ng Diyos ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo bago pa ang paglikha ng mundo, at sa pagsugo kay Jesu-Cristo at Juan Bautista dito sa lupa ayon sa layong ito, Kanyang tinupad ang kaligtasan para sa ating lahat. Upang itulot tayo na mabatid at malaman lahat nitong katotohanan, pinasulat ng Diyos sa Kanyang mga lingkod ang Kanyang Salita. Sa pamamagitan nitong nakasulat na Salita, hinayag ng Diyos ang lahat ng bagay ukol sa layon ng kaligtasan at ang katuparan sa buong sangkatauhan. Kanya ngayong pinayagan ang sinuman na malaman sa pamamagitan ng nakasulat na Salita ng Diyos ang katotohanan na binautismo si Jesus ni Juan sa Ilog Jordan upang alisin lahat ng ating kasalanan.
Lahat tayo’y dapat na manalig ngayon sa bautismo ni Jesus at sa dugong Kanyang binubo sa Krus bilang ating sariling kaligtasan. Bagaman hindi natin nakita ng ating mga mata ang laman, dapat tayong manalig ng ating mga puso. Ang tunay na pananampalataya ay dumarating sa atin kapag ang ating pananampalataya ay batay sa Kanyang Salita. Sinabi ng Panginoon kay Tomas, “Mapapalad yaong hindi nangakakita at gayon ma’y nagsisampalataya” (Juan 20:29). Niligtas ka at ako sa pamamagitan ng bautismong tinanggap Niya at ang dugo na Kanyang binubo. Tinulot ng Diyos ang sinuman na mananalig dito upang pumasok sa Langit.
Ito kung bakit pinunit ng Diyos ang tabing sa Templo nang mamatay si Jesus sa Krus. Sinira ni Jesus ang pader ng kasalanang naglalayo sa tao sa Diyos. Ang ginawa ni Jesus ay higit na sapat upang wasakin lahat ng pader ng kasalanan. Ginawa Niya itong posible sa sinuman upang pumasok sa Langit sa pamamagitan ng pananalig nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa puso. Nagpapasalamat ako pagbibigay sa atin ng Panginoon itong katotohanan, upang tayong lahat ay tunay na makapasok sa Langit kung tayo’y mananalig lang sa ating mga puso.
Anong dakila ang pangyayaring ito, isinilang si Jesus dito sa lupa sa katawan ng isang karaniwang nilalang upang iligtas ang mga makasalanan? Ito’y isang bagay lamang na ang Panginoon, ang Manlilikha ng lahat ng bagay, lilikhain ang Kanyang mga nilalang, nguni’t ang Manlilikha ay naging tulad ng isang nilalang, inako ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo, at pinako, hindi na maging kung anu pa man kundi ang isang dakilang pangyayari ng kaligtasan.
Paanong ang mismong Manlilikha ay maging tulad ng Kanyang mga nilikha? Nguni’t si Jesus, ang Diyos mismo, ay nagpakababa sa Kanyang sarili sa gayong lawak na Siya’y binautismo ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan, sa Ilog Jordan. Anong kamangha-mangha itong pangyayari? Nguni’t hindi ito ang wakas nito, dahil sa pagbababa mismo ng Kanyang sarili, naging masunuring hanggang sa Kanyang kamatayan, upang mabata ang di-mabilang na malupit na paghihirap sa Krus, upang magbubo ng Kanyang dugo at mamatay. Lahat nitong bagay ay hindi anumang bagay kundi pag-ibig ng Diyos, Kanyang awa at Kanyang dakilang biyaya.
Lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay ganap na nalinis nang minsan para sa lahat sa pamamagitan ng bautismo ng Panginoon at Kanyang dugo sa Krus. At yamang nahati ang tabing sa Tabernakulo, nabuhay muli si Jesus sa ikatlong araw, at Kanyang nais ngayon na matagpo lahat ng nanalig sa katotohanang ito. Tulad nito, ang mga gawa ng Panginoon na nagligtas sa mga makasalanan ay isang pangyayari na higit na malawak kaysa sa Kanyang gawa ng paglikha sa kalawakan at sa lahat ng bagay. Ang pagsilang ni Jesus, Kanyang bautismo, Kanyang kamatayan sa Krus, Kanyang pagkabuhay muli, pag-akyat at pagbabalik, at Kanya tayong ginawang Kanyang sariling anak na mga gawa ng pagibig ng Diyos.
Niligtas ka at ako ng Panginoon sa lahat ng kasalanan. Pinalaya ka at ako ng Panginoon nang minsan para sa lahat mula sa kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tayo sa gayo’y naging mga matuwid dahil sa pananampalataya at salamat sa Diyos. Ginawad ng Diyos sa atin ang Kanyang pagpapala sa kapuspusan. Nananalig ka ba?
Mga kapatid, ikaw at ako ay yaong patungo sa impiyerno. Tayo yaong mapapahamak dahil sa ating mga kasalanan at namuhay sa kalungkutan, nguni’t tayo’y niligtas ng Panginoon sa kasalanan sa pamamagitan ng kaligtasang Kanyang nilayon bago ang paglikha ng sanlibutan. Wala tayong mapagpipilian kundi ang mamuhay na nakaupo sa gitna ng ating kasalanan, nananaghoy, may hinanakit at pagsumpa sa atin tadhana, nguni’t upang itulot ang gayong tao tulad natin na pumasok sa Kaharian ng Langit, pinalaya tayo ng Panginoon sa lahat nating kasalanan. Sa gayon ang Panginoon ay naging Panginoon ng kaligtasan.
Binigay ni Jesus sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at Kanya ring tiniyak ang kapatawaran ng kasalanan. Si Jesus mismo ay naging Panginoon ng kaligtasan. Inako ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo alang-alang sa atin, namatay alang-alang sa atin at sa gayo’y naging ganap na Tagapagligtas.
 

Nananalig Ka ba sa Bautismo na Tinanggap ni Jesus at sa Dugong Kanyang Binubo?

Ang ating kalayaan sa kasalanan ay natupad dahil sa pananalig sa bautismong tinanggap ni Jesus at sa dugo sa Krus. Upang maligtas ang mga makasalanan dahil sa pananalig kay Jesus bilang Tagapagligtas, dapat nilang tiyaking kilalanin ang Kanyang bautismo at Krus na may kaayusan, at dapat silang manalig na sa pag-iisa nitong dalawa kaya natupad ang ganap na kaligtasan.
Sa anumang pagkakataon, hindi ka ba nananalig na binautismo si Jesus at namatay sa Krus? Hindi mo ba sinasawalang-bahala ang bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan at tumatangging manalig dito? Ang katuwiran ng Diyos ay natupad dahil ang bautismong tinanggap ni Jesus ay ang proseso kung saan Kanyang kinuha lahat ng kasamaan ng mga makasalanan, at ang kamatayan Kanyang dinanas sa pagdanak ng Kanyang dugo ay ang hatol ng ating mga kasalanan. Sa gayon, kapag ikaw at ako’y hinayag na nanalig kay Jesus, dapat tayong manalig sa Kanyang bautismo at sa Kanyang dugo sa Krus bilang iisang kaligtasan.
Sinulat ng Diyos ang kailangan sa bautismo at pagdanak ng dugo ni Jesus sa Kanyang Salita, at sa kabila nito maraming tao ang nagpipilit pa rin na kailangan nilang maniwala lamang sa dugo sa Krus upang maligtas. Kung isa ka sa kanila, kung gayon dapat kang taimtim na isaalang-alang ang iyong paniniwala, talikdan, at manalig sa dalawang mga kailangang ito. Kung hindi bagkus ay naniniwala lamang sa dugo sa Krus, ika’y mahahantong sa pagwalang-saysay sa mga banal na ministeryo ng pampublikong buhay ng Panginoon. Kung mangyaring taglay mo ang gayong paniniwala, kung gayon dapat kang tumalikod sa ganitong maling pananampalataya at taglayin ang tunay na pananampalataya na winika sa buong Biblia. Kung wala ang Kanyang bautismo, anong halaga ng Kanyang kamatayan sa Krus sa atin? Kung hindi binautismo ni Juan Bautista si Jesus, ang Kanyang kamatayan ay walang kaugnayan sa ating mga kasalanan.
Mga kapatid, kung iyong buburahin ang mga pangalan sa isang bayarin, hindi ka ba magdadala ng salapi at bayaran ang utang? Ang mga may-utang ay dapat iabot ang salapi para sa nararapat na halaga ng kanilang mga utang, at saka lamang maaalis ang kanilang mga pangalan sa listahan. Tulad nito, upang bayaran ang ating kasalanan, inako ni Jesus ang gayong mga kasalanan at kasamaan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at inalis ang mga ito sa pagdanak ng Kanyang dugo.
Sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap, inalis nga ni Jesus lahat ng ating kasalanan, at ito kung bakit Siya’y mahahatulan dahil sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng pagdanak ng Kanyang dugo. Upang bayaran ang utang, sentido kumon ay sinasabi sa atin na dapat dalhin ang halagang ayon sa halaga ng utang. Kung hindi magdadala ng salapi ang may-utang bagkus ay angkining siya’y bayad na sa kanyang mga utang at hihingin na alisin ang kanilang pangalan sa listahan ng utang, ang kanila bang mga pangala’y aalisin? Gaano man ang taimtim nilang paniniwala na ang kanilang mga pangalan ay inalis, ang katotohanan sa bagay na ang kanilang mga pangalan ay mananatiling nakatala sa bayarin.
Bilang mga may-utang ay maaring mapalaya sa kanilang pagkakautang kung talagang nabayaran na ang kanilang mga utang, sa atin na mga makasalanan upang matamo ang kapatawaran ng kasalanan, dapat mayroon sa ating mga puso ang pananampalatayang nananalig na ang ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinaggap. Tayo mismo ay hindi binigay itong bautismo na naglipat ng ating mga kasalanan sa ulo ni Jesus.
Nguni’t sa pamamagitan ng tagapamagitang si Juan Bautista, ating nailipat ang ating mga kasalanan kay Jesus. Si Jesus na binautismo ni Juan Bautista ay pinasan ang mga kasalanan ng mundo, nagtungo sa Krus, nagbubo ng Kanyang dugo at namatay. Sa pananalig sa Kanyang bautismo, ang kawangis at resibo ng kaligtasan, kung saan inako ni Jesus ang ating mga kasalanan at niligtas tayo, ating matatamo ang katibayan ng ating kaligtasan. Sa pananalig sa kung ano ang ginawa sa atin ng Panginoon sa ating mga puso, atin ngayong matatamo ang kapatawaran sa kasalanan. Bakit? Dahil sa Kanyang bautismo at dugo, binigay ng Panginoon sa atin ang bagong buhay.
Nang mamatay si Jesus sa Krus, ang tabing ng Kabanalbanalang Dako ay nahati sa dalawang piraso, nayanig ang lupa, gumulong ang mga bato, nabuksan ang mga libingan, at maraming katawan ng mga tulog na hinirang ang nabuhay. Sa pamamagitan ng mga pangyayaring ito, pinakita ng Diyos na Kanyang bubuhayin yaong nanalig sa Kanyang Salita, na si Jesu-Cristo ay paparito at aalisin lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Kanyang pinakita na si Jesus nga’y bubuhaying muli at yaong nanalig kay Jesus ay bubuhaying ngang muli. Hindi lang niligtas ni Jesus tayo sa kasalanan, kundi Kanya ring binigay ang bagong buhay sa atin na patay sa espirituwal. Ito’y upang ibigay sa atin ang bagong buhay na si Jesus ay binautismo, namatay sa Krus, at nabuhay muli. Tinulot ng Diyos na tayo’y pumasok sa Kanyang Banal na Lungsod at mamuhay magpakailanman. Binibigay ko ang aking tunay na pasasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng aking pananampalataya.
Ang lugar kung saan yaong napatawad ay maninirahan sa Langit. Kaya manalig na yaong napatawad sa kasalanan sa mundong ito ang lahat ay papasok sa Langit maninirahan doon. Ang Langit ay kabilang sa mga napatawad sa kasalanan. Ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at pagsilang na muli at hindi dalawang bagay, kundi ito’y iisa.
Kung sinomang nananalig sa ebanghelyong Salita ng tubig at ng Espiritu, kung gayon itong tao’y isinilang na muli nang siya’y manalig. Kapag napatawad ang mga makasalanan sa kasalanan, sila’y magiging sariling anak ng Diyos, at sa Kanyang anak, binibigay ng Diyos ang Langit bilang handog. Bagaman ang ating laman ay walang magagawa sa atin, sa pagtingin sa isang bagay, ang ating pananampalatayang nananalig sa Tagapagligtas, binigay ng Panginoon sa atin ang kapatawaran ng kasalanan at Langit bilang Kanyang mga handog sa atin.
Ang katotohanang naparito sa lupa ang Panginoon, na Siya’y binautismo, at nagdanak ng Kanyang dugo, lahat ay katotohanan. Nang mamatay si Jesus sa Krus, Kanyang inalis na ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo. Bago ipako si Jesus, bago bautismuhan ni Juan, dala-dala na Niya ang mga kasalanan ng mundo. Kaya dahil pinasan lahat ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pagbabautismo na Kanya ngang pasan ang parusa ng kautusan na hinahayag ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Upang mailigtas ni Jesus ang sangkatauhan sa kasalanan, kailangan Siyang mamatay sa Krus habang pasan Niya ang mga kasalanan ng mundo na Kanyang inako sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Nang ipako si Jesus, ang taong nagpako sa Kanya ay hindi mga Judio, kundi sila’y mga sundalo ng Roma. Si Jesus ay pinako ng mga sundalong Gentil. Sa pagdanak ng Kanyang dugo alang-alang sa ating mga kasalanan, sumigaw si Jesus, “Naganap na!” sa Kanyang huling hininga. At sa pagkakataong yaon, ang tabing ng Templo ay nahati mula sa itaas pababa. Dagdag nito, sinasabi rin ng Biblia sa atin na lumindol ang lupa, nabiyak ang mga bato, at nabuksan ang mga libingan; at maraming katawang natutulog ang nabuhay (Mateo 27:51-52). Nang ang senturion at ang mga kawal ng Roma ay nakita ang nangyari nang mamatay si Jesus sa Krus, kanilang pinatotoo, “Tunay na ito ang Anak ng Dios!” (Mateo 27:54) Ginawa ng Diyos ang mga bibig nitong mga Gentil na ipatotoo “Si Jesus ay ang Anak ng buhay na Diyos.”
Ngayon, yaong dapat na magpatotoo sa tunay na ebanghelyo sa buong mundo ay walang iba kundi tayo, ang mga mananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ang bawa’t isa’y nagbago. Nang ang tao’y mapatawad sa kasalanan mula kay Jesus, sila’y nagbago sa espirituwal nang walang pagsisikap, dahil dumating sa kanila ang Banal na Espiritu upang manahan sa kanilang mga puso. At ang mga puso ng matuwid na isinilang na muli ay nababago araw-araw, dahil sa Iglesia ng Diyos sila’y patuloy na makaririnig ng Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kanilang maririnig ang Salita, purihin si Jesus, at habang sila’y nagpupuri, kanilang mararanasan na ang mga titik ay nakaukit sa kanilang mga puso, sa gayo’y nababago ang kanilang mga puso araw-araw. Ang mga matuwid ay nababago ang kanilang mga puso araw-araw, at kanilang nakikita ang mga pagbabago sa kanilang mga sarili.
At nakikita ang pagbabago sa ating mga sarili, na naging matuwid, ipatotoo ng mga di-mananampalataya, “Sila nga’y tunay na naligtas. Sila’y tunay na mga Kristiyano, ang bayan ng Diyos.” Tulad nito, ang ating kapatawaran sa kasalanan ay hindi ang uri ng kaligtasang mapapatibay ng ating mga sarili lamang. Ang Romanong senturion at mga kawal ay pinatotoo rin itong katotohanan, na si Jesus ay ang Anak ng Diyos na nagligtas sa mga makasalanan mula sa mga kasalanan ng mundo nang Siya’y ipako. Tulad nito, ang Diyos mismo ay nagbigay saksi sa mga nanalig sa katotohanang niligtas tayo ni Jesus sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo.
 

Ang Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu na Nagpasuko sa Diablo

Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang kaligtasan kung saan maging ang Diablo ay sumuko. Nang sabihin ni Jesus, “Naganap na” sa Kanyang kamatayan, maaring sinabi ng Diablo, “Ah, Ito’y kahihiyan, nguni’t wala na akong magagawa ukol dito! Siya’y tama. Wala ng kasalanan pa dito sa mundo. Ang bawa’t isa ngayon ay lubos na walang kasalanan! Kinakain ito ng aking puso, nguni’t wala na akong magagawa pa!”
Sa ibang salita, ang Diablo mismo ay di matutulong kundi kilalanin din itong kaligtasang tinupad ni Jesus. Nguni’t kanya pa ring sinisikap na hadlangang yaong napatawad sa kasalanan mula kanilang buhay pananampalataya. Yamang yaong nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinupad ni Jesus ay mga anak ng Diyos, sinisikap nilang mamuhay para sa Kanya. Nguni’t sa Diablo, nangangahulugan lang na iilang mga lingkod na lamang niya ang alipin ng kasalanan, at kaya sinisikap niya na hadlangan ang mga lingkod ng Diyos sa pagpapalawig nitong katotohanan sa buong mundo.
Kapag yaong napatawad sa kasalanan ay patuloy sa pagkalat ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon marami pang tao ang matutubos sa kasalanan. Ito kung bakit binabaon ni Satanas ang kanyang mga ngipin sa mga kahinaan ng tao at ayaw bumitaw, pinipigil sila upang kahit isang tao’y hindi sumunod kay Jesus.
Pinupukaw ang mga puso ng tao sa pagsabing, “Patayin si Jesus!”, nagawa ng Diablo na ipapako sa kanila Siya sa kamatayan. Nguni’t nang inakala ng Diablo na ang lahat nagwakas na, si Jesus, napako at sa bingit na kamatayan, ay sumigaw, “Naganap na!” Nagulat si Satanas dito. Malayo sa kabiguan, sa pamamagitan ng pag-ako ng lahat nating kasalanan sa Kanyang bautismo sa Ilog Jordan at kamatayan sa Krus, matuwid na ginanap ni Jesus ang kaligtasang magpapalaya sa sangkatauhan mula sa kasalanan at hatol. Ang Diablo ay nalito sa karunungan ng Diyos. Kanyang inakala na lahat ng bagay ay natapos na kung kanyang napatay si Jesus sa Krus, nguni’t hindi ito ang kaganapan. Matapos akuin ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo, naganap ni Jesus ang kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng paghandog ng Kanyang buhay sa Krus at mamatay.
Sa kamatayan ng Kanyang katawan, binayaran ni Jesus lahat ng kasalanan. Sa gayon, ang kasalanan ay hindi na makikita pa sa tao. Bakit? Dahil ayon sa kautusang hinahayag ang kabayaran ng kasalanan sa kamatayan, namatay si Jesus sa halip na ang mga makasalanan. Dapat tayong manalig na dahil inako ni Jesus lahat ng mga kasamaan ng mga makasalanan sa Ilog Jordan na Siya’y mamamatay sa halip na ang mga makasalanan.
“Naganap na!” Ito ang sinigaw ni Jesus sa Krus sa Kanyang huling hininga. Dahil namatay si Jesus, hindi na masasabi ng Diablo sa atin, “Mayroon kang kasalanan, hindi ba?” Dahil ang pagsilang ni Jesus, Kanyang bautismo, Kanyang kamatayan sa Krus, at Kanyang dugo at pagkabuhay na muli, dumanas ang Diablo ng nakawawasak na pagkatalo kay Jesus. Bagaman ang Diablo ay ginawang kakaiba ang ating relasyon sa Diyos sa pagpapasala sa atin sa lahat ng oras, sa huli, dahil sa karunungan ni Jesus na Anak ng Diyos, sa Kanyang paghuhugas ng kasalanan at hatol, sukdulan siyang natalo.
Nang ika’y manalig sa bautismo ni Jesus at dugo sa Krus, may kasalanan pa rin ba sa iyong puso? Wala! Sa pagsabing walang kasalanan ay isang bagay na hindi lamang basta na masabi sa pamamagitan ng budhi ng laman. nguni’t sa pananalig sa bautismo at dugo ni Jesus, ating ngayong matapang na mahahayag na tayo’y walang kasalanan. Nananalig ka ba sa katotohanang kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pagbautismo sa Ilog Jordan, namatay sa Krus alang-alang sa atin, at sa gayo’y naligtas tayo? Dahil sa ating pananampalataya sa katotohanang ito, atin ngayong masasabi na tayo’y walang kasalanan. At sa katunayan, wala ng kasalanan sa ating mga puso, kahit pa kasing-liit ng isang pera. Ito kung bakit ang mga mapagpasalamat na puso ay bumubukal sa atin sa harap ng Diyos, binibigay ang ating pasasalamat na may pananampalataya.
“Oh Diyos, ang aking pananalig ay hindi gayon ang laki, nguni’t sa isang pananampalataya na kasing-laki ng buto ng mustasa, binibigay ko sa Inyo ang aking pasasalamat. Ako yaong hindi man lang mapapasan ang Inyong dakilang pag-ibig, nguni’t pumasok pa rin Kayo sa aking puso, at sa aking pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, aking ngayong hawak ang Inyong pag-ibig sa aking puso. Ang aking puso’y nagpapasalamat sa Inyo bawa’t araw, dahil ang Panginoon ay nananahan sa aking puso at kasama ko. Sa pusong ito, binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa Inyo.” Tulad nito, binigay ng Panginoon sa atin ang pusong nagpapasalamat. At pinagpapala tayo ng Panginoon araw-araw.
Kaya hindi lang ako, kundi bawa’t isa rin na nakikinig at nananalig sa katotohanan ng Kanyang ganap na kaligtasan, tayo’y malinaw na walang kasalanan sa lahat nating puso. Dahil tayo’y nananalig sa katotohanan ng tubig at ng Espiritu, ating natamo ang pagpapala ng kaligtasan, ng pagiging sariling anak ng Diyos. At buong pusong nais ng Diyos na ang lahat ay malaman na walang ibang daan upang maligtas sa lahat nilang kasalanan kung wala ang pananalig sa pagsilang ni Jesus at Kanyang bautismo at dugo, at ang magbalik sa Kanya at manalig sa katotohanang ito.
Sinasabi ng Mga Gawa 4:12, “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan, sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” Tayo’y nananalig kay Jesus bilang ating Tagapagligtas. yaong nanalig dito, sumisibol ang pusong mapagpasalamat. Tayo nga’y taglay ang mga puso na nagpapasalamat sa Panginoon. Binigay ng Panginoon sa atin ang kaligtasan at binigay din ang mapagpasalamat na mga puso. Binigay ng Panginoon sa atin ang buhay na walang hanggan. Walang magagawa kundi ang lumulwahati sa Panginoon dulot ng pasasalamat sa pagbibigay sa atin nitong mga masaganang pagpapala.
Maging ang ating pananampalataya’y kasing-liit ng mustasa, kung tayo’y nananalig pa rin sa ginawa ni Jesus sa ating mga puso, lahat tayo’y maliligtas. Sumasamo ako sa inyong lahat na malaman na wala na tayong magagawa pa para sa ating ikaligtas kundi ang manalig lang, ang malaman itong kaligtasang binigay ng Diyos sa atin, at manalig nito. Dahil sa kapatawaran ng kasalanan ay di-makakamit sa pamamagitan ng ating pagsisikap na mag-isang inalis ng Diyos ang lahat nating kasalanan sa Kanyang sarili at binigay ang kaligtasan sa mga mananalig. Ngayon, lahat ng nalalabi sa atin na gawin ay tanggapin itong kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
May isang kasabihan sa Korea na ganito, “Kung gusto mo ang mga walang-bayad ng sobra, ika’y magiging kalbo.” Sa kasabihang Ingles, ito’y katumbas ng, “Walang gayong libreng tanghalian.” Ito’y katotohanan; wala sa buhay natin ang libre. Ay tayo’y madalas na nililibak na naghahangad ng mga regalo nang di-pagbibigay bilang kapalit. Gayunman, ang kaligtasan at pagpunta sa Langit ay makakamit sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lahat ng ito’y walang bayad. Ang pagiging kalbo dahil sa pagtanggap ng maraming mga walang-bayad na bagay ay maaaring di kanais-nais sa laman, nguni’t ang espirituwal na pagkalbo upang makamit ang handog ng Diyos ay isang pagpapala sa Diyos. Dalangin ko na lahat kayo’y mabatid na ang Diyos ay nagagalak na makita ang ating mga pusong walang kasalanan, at sanhi nito, Kanya tayong yayakapin ng Kanyang mga bisig.
Tayo’y nasisiyahan sa mga walang bayad na biyaya ng Diyos. At walang magagawa kundi ang pasalamatan ang Panginoon: Naparito sa lupa ang ating Panginoon, natamo ang Kanyang bautismo sa tubig, nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, at sa gayo’y nabuksan ang pintuan ng Langit. Sa pagkakapunit ng tabing sa Kabanalbanalang Dako mula sa itaas pababa, Kanyang tinulot ang sinuman na isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa Kaharian ng Langit. Ikaw din, ay dapat na pumasok din sa Langit sa pamamagitan nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa inyong mga puso.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa bautismo, pagdanak ng Kanyang dugo, pagkabuhay na muli at sa biyaya na siyang nagbukas sa pintuan ng kapatawaran ng kasalanan para sa  atin.