• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-15] Dalawang Tungtungang Pilak at Dalawang Mitsa sa Bawa’t Tabla ng Tabernakulo (Exodo 26:15-37)

(Exodo 26:15-37)
“At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo, na kahoy na akasia na mga patayo. Sangpung siko ang magiging haba ng isang tabla, at isang siko at kalahati ang luwang ng bawa’t tabla. Dalawang mitsa magkakaroon ang bawa’t tabla na nagkakasugpong na isa’t isa ang gagawin mo sa lahat ng tabla ng tabernakulo. At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo, dalawang pung tabla sa tagilirang timugan sa dakong timugan. At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla, dalawang tungtungan sa bawa’t tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa. At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo, sa dakong hilagaan, ay dalawang pung tabla. At ang kanilang apat na pung tungtungang pilak, dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla. At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa dakong kalunuran ay igagawa mo ng anim na tabla. At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan. At pagpapatungin sa dakong ibaba, at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya, gayon ang gagawin sa dalawa, para sa dalawang sulok. At magkakaroon ng walong tabla, at ang kanilang mga tungtungang pilak ay labing anim na tungtungan, dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla. At gagawa ka ng mga barakilan na kahoy na akasia, lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tagiliran ng tabernakulo sa dakong hulihan, na dakong kalunuran. At ang gitnang barakilan ay daraan sa kalagitnaan ng mga tabla mula sa isang dulo hanggang sa kabila. At iyong babalutin ng ginto ang mga tabla, at gigintuin mo ang kanilang mga argolya na pagdaraanan ng mga barakilan, at iyong babalutin ng ginto ang mga barakilan. At iyong itatayo ang tabernakulo ayon sa anyo niyaon, na ipinakita sa iyo sa bundok. At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube at pula at linong pinili, na may mga querubing mainam na pagkayari. At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto na pati ng kanilang ma pangipit ay ginto rin, na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak. At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo, at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako. At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako. At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong, at ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan. At igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube at pula, at linong pinili, na yari ng mangbuburda. At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto, na ang sima ng mga yaon ay ginto rin, at ipagbububo mo ng limang tungtungan.”
 

Ang Tabernakulo mismo ay gawa sa 48 tabla; dalawampung tabla para sa timog at hilagang bahagi, anim na tabla sa kanlurang bahagi at dalawang tabla para sa dalawang sulok sa likuran. Ang bawa’t tabla’y may sukat na 4.5 metro ang haba at halos 67.5 sentimetro ang lapad. Upang ang bawa’t isang tabla ay maitayo, may dalawang tungtungang pilak at dalawang mitsa na nakasugpong sa isa’t isa. Pinakikita muli nito sa atin na ang kaligtasan ng Diyos ay binigay lamang dahil sa Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo.
 

Ang Kaligtasan sa pamamagitan ng Biyaya dahil sa Pananampalataya kay Kristo

Nalalaman ng maraming mga Kristiyano at isinalaysay ng Panginoon ang tanyag na talatang Efeso 2:8-9, “Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios, hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.” Nguni’t sa kasawiang-palad, hindi nila nalalaman kung ano ang Kanyang biyaya at kung anong uri ng pananampalataya ang kailangan upang maligtas. Subali’t, ang hiwaga ng dalawang tungtungang pilak at ang dalawang mitsa na magkasugpong sa isa’t isa ay malinaw na pinakikita sa atin ang hiwaga ng kaligtasan ng Diyos.
Upang ating mabatid ang katotohanan ng “dalawang mitsa at dalawang tungtungang pilak” na inilagay sa ilalim ng mga tabla, kailangan muna nating malaman ang pangunahing katotohanan sa ebanghelyo. Lahat ng pintuan sa Tabernakulo ay hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Itong apat na kulay ay pinakita sa atin na upang tayo’y maligtas sa ating mga kasalanan at kapahamakan, ang bautismo at dugo ni Jesus ay mahahalaga. At ito ang nagtulot sa atin na manalig sa katotohanan ng kaligtasan, malaya sa anumang alinlangan. Dapat tayong magkaroon ng malinaw na kaalaman ng katotohanang nagligtas sa atin, nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino at manalig dito.
Sinabi ni Jesus, “Inyong makikilala ang katotohanan at ang katotohana’y magpapalaya sa iyo” (Juan 8:32). Sa gayon, tayong lahat ay dapat na ganap na mapatawad sa ating mga kasalanan sa pag-aalam ng espirituwal na katotohanang nakakubli sa apat na kulay na makikita sa tabing na pintuan ng Tabernakulo at ang tabing sa Kabanalbanalang Dako. Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid mapinong binurdang lino ay ang mga materyales sa pintuan ng Tabernakulo.
Sa ibang salita, si Jesu-Cristo ay ang ating Tagapagligtas at Hari ng mga nananalig, Siya na minsanang nagligtas sa atin sa lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan at pag-ako ng lahat ng ating kasalanan sa Kanyang sariling katawan nang minsan at sa pagpapasan ng mga kasalanan ng mundo at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Na si Jesu-Cristo, na Hari, ay tiyak na niligtas tayo sa ating mga kasalanan ay dahil Siya’y binautismo at napako. Samakatuwid, ang bughaw at pulang mga sinulid ay nagsasabi sa atin ng malinaw at tiyak na katotohanan na hindi maaaring iliban upang tayo’y maligtas. Upang akuin ang ating mga kasalanan, binautismo ni Juan si Jesus, at sa pagpasan ng mga kasalanan ng mundo at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, Kanya tayong niligtas nang minsan para sa lahat mula sa lahat ng ating kasalanan, sa gayo’y natupad ang Kanyang mga gawa ng kaligtasan.
Dito, dapat tayong manalig na itong apat na puntos ng bughay na sinulid (bautismo ni Jesus), ang pulang sinulid (Kanyang pagbubo ng dugo), ang pulang sinulid (Siya ang ating Hari), at ang mapinong binurdang lino (Siya ang Diyos ng detalyeng Salita, at gumawa sa atin na matuwid) ay ang mga materyales na ginamit para sa ating kaligtasan. Dapat nating mabatid na kung tayo sa kabila nito ay sinisikap na maligtas sa lahat nating kasalanan dahil sa pananalig lamang sa isa sa mga ito, kung gayon ang kaligtasan ay hindi buo. Bakit? Dahil sa ilalim ng bawa’t tabla ng Tabernakulo, naroon ang dalawang mitsa na isusugpong sa tungtungang pilak upang tukuran ng tabla.
Ang pilak sa Biblia ay pinahuhulugan ang biyaya ng Diyos, ang handog ng Diyos. At nasusulat sa Roma 5:1-2, “Yamang nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan din naman Niya’y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo, at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.” Ang ating kaligtasan ay ginawad lamang sa atin kapag ang ating pananampalataya ay wastong natagpo ang biyaya ng Diyos. Tulad ng dalawang mitsa sa ilalim ng bawa’t tabla sa Tabernakulo, at itong mga mitsa ay sinugpong sa mga tungtungang tanso upang tukuran ng tabla, sinasabi ng Diyos sa atin na ang ating kaligtasan ay lubos nang tayo rin ay nanalig sa bautismo ni Jesus at sa dugo sa Krus.
Lahat tayo ay kailangang manalig sa dahilan at sa tiyak na sangkap kung bakit ang bawa’t tabla ay kailangan ang dalawang mitsang nakalitaw.
Itong dalawang tungtungan at dalawang mitsa ng tabla ay ang aninong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na sa panahon ng Bagong Tipan ay paparito si Jesu-Cristo, babautismuhan ni Juan Bautista, ipapako, magdadanak ng Kanyang dugo at mamamatay sa Krus, at sa gayo’y tinupad ang ating kaligtasan.
Ang biyaya ng kapatawaran ng kasalanan, sa ibang salita, ay ginawad sa mga puso ng mga nananalig lang sa kaniyang matuwid na kaligtasang tinupad ni Jesus dahil sa bautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus upang alisin ang kanilang mga kasalanan. Sa gayon, upang tayo’y maligtas sa ating mga kasalanan, kailangan natin ang pananampalataya na nananalig nitong dalawang gawa ni Jesus. Sa katunayan, lahat sa Tabernakulo ay naglalaan ng detalyeng paglalarawan ni Jesus na nagligtas sa atin sa ating mga kasalanan. Hindi sa anumang dahilan na ipagamit ng Panginoon sa mga Israelita ang dalawang mitsa at dalawang tungtungang pilak sa bawa’t tabla ng Tabernakulo.
Tayo’y naligtas at napalaya sa lahat nating kasalanan at lahat ng paghahatol ng kasalanan sa kabuuan sa pamamagitan ng mga gawa ng bautismo at pagbubo ng dugo na binigay ng Diyos sa atin. Sa ibang salita, dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ating nakamit ang karapatang maging anak ng Diyos. Ang ating pananampalataya ay tulad ng isang dalisay na ginto na itinayo sa pamamagitan ng pagtanggap nitong handog ng Diyos.
 

Hindi Mo na ba Nakikilala Kung Sino Ka Talaga Kahit Ika’y Naniniwala pa rin Kay Jesus? 

Kinikilala mo ba ang inyong mga sarili bilang mabuti? Inaakala mo ba sa inyong mga sarili na taglay mo ang matuwid na katauhan na hind mababata ang anumang karumihan, sa anumang pangyayari at sa anumang anyo? Wari mo ba na ikaw ay matuwid sa harap ng Diyos, dahil iyo lang sinusunod ang mga utos ng Diyos sa inyong mga puso araw-araw at sinisikap na sundin at gawin ang mga ito sa inyong mga buhay? Lahat nating ginagawa ay pawang pagkukunwari upang maging matuwid, habang tayo’y nangangalunya sa pribado.
Sa ngayon, daan-daang mga “channel” ay mapapanood mula sa “cable” o “satellite TV.” Mapapanood ng 24 oras sa isang araw, itong mga “channel” ay hatid ang kanilang mga natatanging program at pinapalabas ng walang-tigil. Sa mga “channel” na ito, ang pinaka-komersyal na maunlad na natatanging-channels ay, una sa lahat, mga malalaswang “channel.” Marami ang gayon mga malalaswang “channel” kung saan lahat ng uri ng pornograpikong materyales ay mapapanood sa pamamagitan ng paglilipat lang ng mga “channel.” Paano ang mga pornograpiko sa internet? Hindi na kailangan pang sabihin, naglipana ang pornograpikong “spam-mails” ang ngayo’y dinadagsa ang mundo. Sinuman ay nahahapis ang mga kasamaan nitong mga malalaswang website, nguni’t kung ating iisipin “ang batas ng pagtustos at kinakailangan,” ang kanilang tagumpay ay nangangahulugan lang na di-mabilang na mga tao ang nasisiyahan sa gayong mga website sa pribado.
Itong kababalaghan ay pinakikita sa atin na ang tao sa pangunahin ay masama at mahalay. Tinuturo ng Biblia ang masasamang puso ng tao sa pagtutukoy sa mga pakikiapid, pangangalunya at kahalayan. Sinabi ng Diyos na ang mga ito ay lumalabas sa puso ng tao at dinudungis sila, at ito’y mga malinaw na mga kasalanan. Hindi ba tayo, kung gayon ay puno ng kasalanan? Paulit-ulit na sinabi ng Diyos na ang likas na katangian natin ay masasama.
Nguni’t kailangan ba nating aminin ito? Paano ito? Atin bang matatakasan ang mga katangian ng kasalanan na likas sa atin kung isasara ang ating mga mata at takpan ang mga tainga? Wala tayong magagawa kundi ang makagawa ng lahat ng uri ng kasalanan sa pamamagitan ng mga imahinasyon ng ating mga isipan. Gaano man sabihin sa ating mga sarili na dapat tayong lumayo sa gayong mga kasalanan, at anumang sikap na gawin, lahat ng ito’y walang-saysay. Sa katunayan, ang ating laman ay gayon na lang na hindi lamang tayo magiging ganap na mga hinirang na hindi magkakasala, nguni’t tayo’y nahahalina sa kasalanan na walang hangad na lumayo rito. Ang laman at ang mga puso ng tao ay laging malayo sa mga bagay na kabanalan, at sa katotohana’y, dagdag nito, na hindi lamang nila nais na malapit sa kasalanan, nguni’t nais nilang gumawa ng higit na mga kasalanan.
Sa Silangan, marami ang natututunan ang mga aral ni Confucius mula sa pagsilang, at kaya sinisikap nilang gawin ang mga aral na ito. Sa Kanluran, sa kabilang dako, ang Katolosismo o legalistang iglesiang Kristiyano ay namamayani sa relihiyosong eksean, at maraming mga taga-Kanluran ang sinikap na sundin ang Kautusan ng Diyos, inaakalang sila’y lubos na magiging banal habang patuloy sa pagsisikap. Nguni’t gaano man ang kanilang relihiyosong kinagisnan, kung ihaharap nila ang kanilang mga sarili sa Diyos at ipakita ang kanilang tunay na mga sarili, silang lahat ay mga kumpol ng kasalanan at mga binhi ng manggagawa ng masama.
Ang tao’y di-matuwid, puno ng karumihan at mga kumpol ng kasalanang gawa sa alikabok at lupa. Maging ang animo’y mabuting tao na ang mga gawa’y para makilala nguni’t mula sa kanilang mga taimtim na puso, na nababalisa na tumanggap ng anumang papuri dahil sa kanilang mga mabubuting gawa, ay hindi makatatakas sa katotohanang kapag hinayag ang kanilang pangunahing katauhan sa harap ng Diyos, sila’y mga kumpol ng kasalanan at mga binhi ng kasamaan. Dahil ang pagtaguyod ng katuwiran ng tao ay isang malaking kasamaan sa Diyos, ang tao’y di-makatatakas sa hatol ng kasalanan maliban kanilang kilalanin ang kanilang parusa at tanggapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang pag-ibig ng Diyos. Sa harap ng Diyos, ang mga pagsisikap ng tao’y hindi magiging kabutihan, ni kasing-liit ng alikabok, at ang kalooban ng tao’y karumihan lamang sa harap Niya.
Sa Biblia, ang tao kadalasa’y pinapahiwatig bilang kahoy. Isang troso ng akasia mismo ay di-maitataas bilang isang haligi sa pasukan ng Templo ng Diyos maliban latagan muna ito ng Diyos ng ginto. At kung wala ang biyaya ng kaligtasang binigay ng Diyos, ang tao’y walang halaga kundi alikabok na haharap sa hatol ng apoy.
Subali’t, inalis lahat ng Diyos ang ating kasalanan at mga pagsalangsang sa pagbabautismo kay Jesu-Cristo ang Mesias at dumanak ng dugo sa kamatayan, habang tayo’y nananatiling mga makasalanan lamang. Ang gayong kaligtasan ay detalyeng inihula ni Haring David halos isang libong taong bago dumating ang Mesias, “Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo Niya ang mga pagsalangsang natin sa atin. Kung paanong ang ama ay naaawa sa Kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa Kaniya. Sapagka’t nalalaman Niya ang ating anyo, Kaniyang inaaalala na tayo’y alabok” (Mga Awit 103:12-14).
Bago natin makilala ang katuwiran ng Diyos, ang katuwiran ng tao’y naging panuntunan ng ating buhay. Ako rin, ay naging gayon nang hindi ko nalalaman ang handog na kaligtasan ng Diyos at hindi taglay ang pananampalataya sa Kanyang Salita. Sa katunayan, wala akong sariling katuwiran, nguni’t inakala ko pa rin ang aking sarili bilang maayos. Kaya mula ng aking kabataan, maraming ulit na hindi ko matiis ang walang-katarungan at napaaway maging sa mga taong wala akong laban. “Mamuhay ng isang matuwid” ang aking sawikain. Tulad nito, dahil ako’y nabigo makita ang aking sarili sa harap ng Diyos, ako’y puno ng aking sariling katuwiran. Kaya inakala ko sa aking sarili na nakahihigit ako kaysa sa iba at sinisikap ang matuwid na pamumuhay.
Nguni’t ang pagiging gayong sarili ay walang ihihigit kundi isang kumpol ng kasalanan sa harap ng katuwiran ng Diyos. Hindi ako ang isang taong makasusunod kahit isa sa Sampung Utos o ang 613 na mga kautusan na iniutos ng Diyos na sundin. Ang katunayang mayroon akong kapasiyahang sundin ang mga ito at ito mismo ang isang gawa ng di-matuwid na naghihimagsik sa Salita ng Diyos hinahayag ang sarili na ganap na walang-kakayanan kundi ang ang magkasala at lumaban sa Kanya. Lahat ng katuwiran ng tao ay pawang di-katuwiran sa harap ng Diyos.
Itong henerasyon, na naglaho ang Diyos at ang Kanyang Kautusan sa gitna ng pagbaha ng kahalayan at kasamaan, ay naglaho rin ang damdamin ng pagkakasala. Subali’t, kailangan nating makilala na tayong mga tao ay araw-araw na nagkakasala at sa gayo’y mapapahamak sa impiyerno nang walang kataliwasan.
 

Tayo’y Di-Matuwid at Puno ng Kasalanan, Nguni’t Ginawa Tayo Ngayon ng Panginoon na Kanyang Salirang Bayan sa Pagliligtas sa Atin sa Ating mga Kasalanan sa pamamagitan ng Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Lahat tayo’y di-matuwid, nguni’t sa pamamagitan ng ng handog na kaligtasan, niligtas tayo ng Panginoon sa lahat nating kasalanan. Bawa’t tabla sa Banal na Dako, ay may sukat na 4.5 metro ang taas at 67.5 sentimetro ang lapad, na gawa sa akasiang kahoy nilatagan ng ginto at itinayo bilang mga pader ng Banal na Dako. Sa ilalim ng bawa’t tabla, dalawang tungtungang pilak ay inilagay upang patungan ng tabla. Ang tungtungang pilak ay pinakita rito na ang Diyos ay nilagtas ka at ako sa kabuuan ng Kanyang sarili.
Ang katotohanang niligtas tayo ng Diyos mula sa ating kasalanan sa Kanyang pag-ibig, sa gayo’y naparito sa lupa si Jesu-Cristo at binautismo upang akuin ang ating mga kasalanan, pinasan ang hatol ng ating mga kasalanan sa kamatayan sa Krus, sa gayo’y niligtas tayo sa lahat ng kasalanan ng mundo at lahat ng hatol. Sa pananalig sa handog na kaligtasang Kanyang binigay sa atin, tayo’y isinilang na muli. Itong handog na kaligtasang binigay sa atin ng Panginoon ay hindi nasisira tulad ng ginto, at ito’y di-nagbabago magpakailanman.
Ang kaligtasang binigay ng Panginoon sa atin ay gawa sa bautismo at dugo ni Jesus, at ito’y lubos at malinis na inalis lahat nating kasalanan. Dahil iniligtas tayo ng Panginoon upang ikaw at ako ay ganap na mapalaya sa lahat ng kasalanang nagagawa ng ating isipan at ng ating mga gawa. Sa pananalig sa handog ng kaligtasang binigay ng Diyos sa ating mga puso, tayo’y naging Kanyang mahalagang mga hinirang. sa pamamagitan ng dalawang tungtungang umalalay sa bawa’t tabla ng Tabernakulo, sinasabi sa atin ng Diyos ang kaligtasan ng tubig at ng Espiritu. Sinasabi sa atin ng Diyos na ang 100 porsiyento na Kanyang biyaya at handog tayo’y naging Kanyang anak.
Kung ating aalisin ang ating pananampalataya sa bautismo at dugo ni Jesus, kung gayon wala ng matitira sa atin. Tayong lahat ay yaong patungo sa kahatulan ng kasalanan. Tayo’y naging mga mortal na nahantong upang mangatal sa ating tiyak na kamatayan ayon sa utos ng Diyos hinahayag ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, na nababatid at nanaghoy sa makatarungang hatol ng apoy na naghihintay sa atin. Ito kung bakit tayo’y walang-saysay kung iiwan natin ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mamuhay ngayon sa isang panahon na laganap sa kasalanan, huwag nating kaligtaan na ang ating tadhana ay naghihintay para sa hatol ng apoy. Tayo’y mga mortal na nilalang. Subali’t, ang biyaya ng Diyos ay ginawad sa atin dahil Kanyang binigay sa atin ang kaligtasan ng tubig at ng Espiritu. Naparito ang Mesias, binautismo ni Juan, nagdanak ng Kanyang dugo at namatay sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayo’y niligtas tayong lahat sa ating kasalanan, lahat ng ating karumihan, at lahat ng ating kahatulan. Sa pananalig nitong ganap na ebanghelyo ng tubig at ng dugo, tayo ngayo’y naligtas sa lahat ng kasalanan, at atin lamang pasalamatan ang Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya.
Bagaman tayo’y di-sapat sa laman, ang aming mga mangagawa, mga ministro at ako ay pinangangaral itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Bagaman itong panahon ay masama, dahil tayo’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ating napaglingkuran ang Panginoon, malaya sa anumang kasamaan. Nalaman natin ito sa ating kaisipan ay hindi dahil sa ating sariling kapangyarihan, kundi dahil binigay ng Panginoon sa atin ang kabanalan sa pagbibihis sa atin ng Kanyang biyaya ng kaligtasan. 
Ito’y dahil ganap na niligtas tayo ng Panginoon sa hatol at kasalanan na tayo’y binihisan ng kapangyarihan nitong kaligtasan, at sa kalahatang sanhi nito tayo’y nakapaglingkod na dalisay sa Panginoon. Dahil niligtas tayo ng Panginoon sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, nanalig ako na mapaglilingkuran natin Siya sa kabila ng ating mga kakulangan, hindi na gapos ng ating mga kasalanan, mga pagkukulang at hatol.
 

Na Ako ay Ako Ay Sukdulang Dahil sa Biyaya ng Diyos 

Tunay, ito ang ang lahat ng imposibleng bagay na gawin kung hindi sa biyaya ng ating Panginoon. Sa pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo at dalisay na paglilingkod nitong ebanghelyo ay hindi naging posible kung hindi sa biyaya ng Panginoon. 100 porsiyento dahil sa biyaya ng kaligtasang binigay ng Diyos na ikaw at ako ay namuhay sa pagtatanggol at paglilingkod ng ebanghelyo.
Tayo’y naging mga haligi ng Templo ng Diyos (Apocalipsis 3:12) at ang bayan ng Kanyang Kaharian sanhi ng pananampalataya. Dahil binigay ng Panginoon sa atin ang pananampalatayang tulad ng ginto, tayo ngayo’y naninirahan sa Tahanan ng Diyos. Sa panahong ito nang ang mundo’y binaha at nalunod ng kasalanan, sa panahon nang ang karamihan sa tao’y nalilimot o nilalapastangan ang Diyos, tayo’y nahugasan ng malinaw na tubig at naging malinis at tayo’y makakainom ng malinaw na tubig at dalisay na nakapaglingkod sa Panginoon—ang mga salita’y di-maihayag kung gaano ang lalim ng aking pasasalamat sa pagpapalang ito.
Ito nga kung paano ang ating pananampalataya. Paano tayo magiging matuwid? Paano natin natawag ating mga sarili na matuwid gayong walang kabutihan sa atin. Paano ang mga makasalanang tulad mo at ako ay naging walang kasalanan? Ikaw ba’y naging walang kasalanan at matuwid dahil sa katuwiran ng iyong laman? Ang mga isip ng laman, iyong sariling pagsisikap, at iyong sariling mga gawa—ang alin ba sa mga ito ay gagawing kang walang kasalanan, isang matuwid? Ikaw ba’y naging matuwid kundi dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ikaw ba’y naging matuwid kundi dahil sa iyong pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ikaw ba’y naging matuwid kundi dahil sa iyong pananampalataya sa kaligtasan ng Diyos na makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino? Ikaw ba’y naging matuwid nang hindi nananalig sa iyong kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinupad ng Mesias at nahayag sa Salita ng Diyos? Hindi mangyayari sa iyo ang gayon! Tanging sa pananalig lamang sa pulang sinulid, kailanma’y hindi tayo magiging matuwid.
Dahil si Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas at Mesias, ay pinasan lahat ng kasalanan ng mundo, pati lahat ng kasalanan ng ating buong buhay, dahil sa bautismong tinanggap mula kay Juan upang alisin lahat ng ating kasalanan alang-alang sa atin, tayo’y naging matuwid dulot ng pananampalataya. Tulad ng haiing handog sa Lumang Tipan pinasan ang kasalanan nang ang mga makasalanan at ang Mataas na Saserdote ay inilagay ang ating mga kasalanan sa kanyang ulo, sa panahon ng Bagong Tipan, inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanya sa bautismo ni Juan. Inako ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo (Mateo 3:15). At Kanyang pinatotoohanan ni Juan bilang “ang Cordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). 
Yamang tinanggap ang Kanyang bautismo, namuhay si Jesus ng susunod Niyang tatlong taon ng Kanyang buhay para sa ating kaligtasan, nagwakas lahat ng ating kasalanan at hatol sa pagtungo sa Krus at pagbibigay ng Kanyang sariling katawan sa Diyos, bilang isang tahimik na tupa sa harap ng kanyang mga manggugupit ng balahibo, at binigay sa atin ang bagong buhay.
Ito’y dahil inako ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismong tinanggap Niya mula kay Juan na Kanyang walang-imik na inalay ang Kanyang sarili at pinako ang Kanyang dalawang kamay at paa nang Siya’y ipako ng mga kawal ng Roma. Sinabit sa Krus, nagbubo si Jesus ng dugo na nasa Kanyang katawan. At Kanyang winakasan ang ng ating kaligtasan sa pagsabi “Naganap na” (Juan 19:30).
Yamang namatay, Siya’y nabuhay na muli sa ikatlong araw, umakyat sa Kaharian ng Langit, at naging ating Tagapagligtas sa pagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Sa pagpasan ng mga kasalanan ng mundo sanhi ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan Bautista, at dahil sa Kanyang Krus, pagkabuhay muli at pag-akyat, si Jesus ay naging ating ganap na Tagapagligtas. Kaya sinabi ng Biblia, “At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan” (Hebreo 10:18).
 

Ang Pananampalataya Lamang sa Dugo sa Krus at Doktrina ng Unti-unting Pagbabanal Kailanma’y Hindi Nagligtas sa Iyo ng Buo mula sa Iyong mga Kasalanan

Dapat malaman ng mga Kristiyano na hindi sila ganap na maliligtas sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig lang sa dugo ni Jesus sa Krus. Dahil araw-araw nagkakasala ang tao sa pamamagitan ng kanilang mga mata at mga gawa, hindi nila maaalis ang kanilang mga kasalanan dahil lang sa pananalig sa dugo sa Krus. Isa sa pinakalaganap na mga kasalanan ng tao sa ngayon ay ang kalaswaan. Habang ang kultura ng maliwanag at mahalay na seksuwalidad ay laganap sa mundo, itong kasalanan nakatanim sa ating laman. Inutos ng Biblia na huwag mangalunya, nguni’t ngayon ay dahil sa pangyayari sa paligid nila, maraming tao ang nahantong na nagkakasala kahit na hindi nila ito nais.
Hinayag ng Diyos na ang sinumang tumingin sa isang babae na may pagnanasa ay nangalunya na sa kanyang sa puso (Mateo 5:28), nguni’t lahat halos ng nakikita ng ating laman ay malaswa. Kaya ang tao’y nakagagawa ng kahalayan bawa’t minuto at bawa’t segundo. Sa pangyayaring ito, paano sila mapapabanal sa pangungumpisal at makapapasok sa Kaharian ng Diyos? Paano sila magiging matuwid? Ang kanila bang mga puso’y naging mawutid tuwing dinidisiplina nila ang kanilang mga sarili nang mahabang panahon at kahit papaano’y naging banal sa kanilang pagtanda? Ang kanila bang katauhan ay higit na mapagkumbaba? Sila ba’y lalong matiisin? Hindi! Ang nangyari ay ang tiyak na salungat nito.
Sa mga namamayaning dokrtina ng Kristiyano ay ang “doktrina ng unti-unting pagbabanal.” Itong doktrina ay tangan kapag ang mga Kristiyano ay nanalig sa kamatayan ni Jesus sa krus nang mahabang panahon, araw-araw na pangungumpisal, at araw-araw na paglilingkod sa Panginoon, sa gayon sila’y unti-unting magiging banal at mahinahon. Inaangkin na habang lumilipas ang panahon yamang naniniwala kay Jesus, lalo tayong nagiging isang tao na walang kaugnayan sa kasalanan at ang mga gawa’y mabubuti at sa paglapit ng kamatayan sa atin, tayo’y lubos na naging banal at lubos na walang kasalanan.
At ito’y tinuturo rin sa atin na dahil ating binibigay ang ating pangungumpisal sa lahat ng oras, tayo’y mahuhugasan ang ating mga kasalanan araw-araw, yamang nahugasan ang ating mga damit at samakatuwid kapag tayo’y namatay sa huli, tayo’y patungo sa Diyos bilang yaong ganap na naging matuwid. Marami yaong nananalig tulad nito. Nguni’t ito’y isa lamang haka-hakang pag-iisip na likha ng tao.
Sinasabi sa Roma 5:19, “Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.” Sinasabi ng talata sa atin na tayong lahat ay walang kasalanan dahil sa pagsunod ng isang Tao. Ikaw at ako na hindi magagawa, natupad ni Jesu-Cristo nang Siya’y personal na naparito sa lupa. Nalalamang lubos na ikaw at ako’y hindi mapapalaya ang ating mga sarili sa kasalanan, tinubos ni Jesus ang ating mga kasalanan alang-alang sa atin, isang bagay na hindi natin magagawa. Sa pagparito sa lupa, tinanggap ang bautismo, pinako at nabuhay na muli, niligtas Niya ako at ikaw at nilinis tayo mula sa lahat nating kasalanan nang minsan.
Na maibibigay ni Jesu-Cristo ang kaligtasan sa Kanyang bayan sa pagtutubos ng kanilang mga kasalanan ay dahil sinunod Niya ang kalooban ng Diyos. Sa pagsunod sa kalooban ng Diyos bilang ang Mesias, ginawad ni Jesu-Cristo sa atin ang biyaya ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, Krus at pagkabuhay na muli. Sa pagbibigay sa atin ng handog ng kaligtasan, ganap na tinupad ni Jesus ang kapatawaran ng kasalanan. At ngayon, sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo’y binihisan sa biyaya nitong kaligtasan, dahil tinupad ng Panginoon ang ating kaligtasan sa kasalanan, na hindi magagampanan ng ating mga sariling pagsisikap.
Subali’t, karamihan sa mga Kristiyano ay di-nananalig sa bautismo na tinanggap ni Jesus, nguni’t sa halip na manalig lang sa dugo na Kanyang binubo sa Krus at sinikap na maging banal sa pamamagitan ng kanilang mga sariling gawa. Sa ibang salita, yamang inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo nang Siya’y bautismuhan ni Juan, ang tao’y hindi pa rin naniwala sa katotohanang ito. Kabanata 3 ng Mateo ay sinasabi sa atin na ang unang bagay na ginawa ni Jesus sa Kanyang pampublikong buhay ay ang pagtanggap ng bautismo mula kay Juan. Ito ang katotohanang pinatotohanan ng lahat ng apat na manunulat ng Ebanghelyo.
Inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pagbautismo ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan at ang dakila sa lahat ng mga isinilang ng babae, subali’t maraming tao ang mangmang sa katotohanang ito at hindi nananalig. Ang gayong tao’y naniniwala kay Jesus na hindi naniniwala sa Kanyang bautismo, at taimtim na nagpupuri lamang sa mahalagang dugo sa Krus na Kanyang binubo. Naghirap sa kamatayan ni Jesus sa Krus, pinukaw ang kanilang mga damdamin, gumawa ng lahat ng uri ng malakas na ingay sa kanilang pagpupuri, sumisigaw, “♫Mayroong nakamamanghang kapangyarihan sa dugo. ♪May kapangyarihan, nakamamanghang-gawa ng kapangyarihan sa banal na dugo ng Cordero!♫” Sinisikap nilang lumapit sa Diyos, sa ibang salita, sa pagningas ng kanilang sariling mga damdamin at lakas. Nguni’t dapat mong mabatid na sa lalong paggawa nito, lalo silang pakunwari, nagkukunwaring banal nguni’t sa katotohana’y dumarami ang mga kasalanan sa kanilang mga puso sa pagiging lihim.
 

Paano Tayong Mananalig kay Jesus bilang Ating Tagapagligtas nang Hindi Nalalaman ang Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu?

Kapag ating narinig ang tao’y nangungusap ukol sa Tabernakulo, kadalasa’y makikita natin na wala sila kahit maliit na kaalaman kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Pagdating sa pananalig sa Tabernakulo, paano tayo mananalig lang sa anumang paraan na ating ipalagay na maginhawa at nararapat? Dahil ang kaligtasan sa kasalanan na tinupad ng Panginoon ay gayong detalye, tinulot ng Diyos na malaman natin kung gaano ang detalye at gaano ang katiyakan ng ating kaligtasang isinakatuparan.
Sa pamamagitan ng Tabernakulo, Kanya ring pinaalam sa atin na ang Panginoon ay niligtas tayo sa pamamagitan ng bughaw at kulay-ubeng sinulid, ang tubig at ang dugo. Ating nalaman na upang alisin ang ating mga kasalanan, naparito ang Panginoon, “hindi sa tubig lamang kundi sa tubig at sa dugo” (1 Juan 5:6). Ang tubig, ang dugo at ang Espiritu na ating pinaniniwalaan ay iisa. Sa pagparito bilang isang tao, sa bautismo ni Juan Bautista, kamatayan, at pagkabuhay na muli tayo’y nailigtas ng Diyos.
Sa pamamagitan ng Tabernakulo, ating natuklasan at naniwala sa detalyeng paglalarawan ng kaligtasan. Sa pag-aaral ng dalawang mitsa at dalawang tungtungan ng bawa’t tabla, ating nabatid ang paraan kung paano tayo niligtas ni Jesus sa ating mga kasalanan. At ating ngang natagpuan ang katotohanan na tayo’y dapat na manalig sa mga ministeryo ni Jesus na makikita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Kung wala ang Biblia, hindi natin makikita ang pinagmulan nitong kaligtasan. Kailangan natin ang handog na kaligtasang gawa sa dalawang elemento ng bautismo at Krus. Ang nanalig sa katotohanang ito sa gayo’y naisilang sa Diyos. Sa pagliligtas mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, ganap na tinupad ng ang ating kaligtasan.
Ang dalawang mitsa, sa ibang salita, ay inilagay sa ilalim ng bawa’t tabla at isinugpo sa dalawang tungtungan. Itong katotohanan ay sukdulang kailangan at napakahalaga para sa atin at sa kapatawaran ng ating kasalanan. Lalot higi’t, dapat tayong manalig sa ating kaligtasan na tinupad ng Diyos para sa atin, dahil kung hindi tayo mananalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, hindi tayo maliligtas.
Yamang bawa’t tabla sa Banal na Tabernakulo ay kailangan ang dalawang tungtungan upang tuwid na maitayo, sa pananalig kay Jesu-Cristo, itong dalawang katotohanan ng Kanyang biyaya ay sukdulang kailangan. Ano ang mga ito? Ito ay ang pag-ako ni Jesus ng ating mga kasalanan dahil sa bautismo, at Kanyang pinasan lahat ng hatol at mga sumpa ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagdala ng mga ito sa Krus at napako. Ang sinuman ay magiging matuwid lamang kung sila’y lubos na nananalig sa dalawang biyayang ito ng ganap ng kaligtasan. Ang ating pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa dugo sa Krus, ang dalawang sentro ng Kanyang handog na kaligtasan, tayo’y matibay na makatatayo sa Tahanan ng Diyos. Habang ang dalawang mitsa ay inilagay sa dalawang tungtungan, bawa’t tabla’y tuwid na maitatayo.
Tulad nito, sa pamamagitan ng ating wastong pananampalataya na nananalig sa dalawang sentro ng Kanyang kaligtasan na tayo’y naging Kanyang tunay na walang-bahid na bayan. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesus, ating nakamit ang pananampalatayang tulad ng ginto na walang hanggang di-nagbabago. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, tayo’y naging mga hinirang na nagkamit ng kaligtasan ng ganap na kapatawaran ng kasalanan.
 

Ang Teolohiya Hanggang Ngayon at ang Panahon ng Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Maliban ang panahon ng Naunang Iglesia, mula ng Kautusan sa Milan noong 313 A.D., ang Kristiyanismo, pati na ang Kristiyanismo ngayon, ay pinangangaral ang ebanghelyo ng Krus na iniwan ang bautismo ni Jesus. Mula sa panahon ng Naunang Iglesia noong 313 A.D., na siyang nagbigay batas sa Kristiyanismo bilang bagong relihiyon ng Roma, ang Kristiyanismo ay pinalaganap ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t pagkatapos ay namayani sa eksena ng relihiyon ang Iglesia Romano Katoliko. Pagkatapos mula sa unang siglo ng ika-14, isang kultura ang namayani sa lahat ng bagay sa mga likhang-isip ng tao at nanawagan ng panunumbalik ng tao ay nagsimulang lumitaw, una sa ibang mayayamang lungsod-estado ng hilagang Italia. Ito ang “Renaissance.”
Sa panahon ng ika-16 na siglo, ang nakakubling opinyon nitong kulturang nagsimula sa Italita ay kumalat sa buong kanluranan ng mundo, at ang mga iskloar na nag-aral ng makatao, pilosopiang likha ng tao ay nagsimulang mag-aral ng teolohiya. Pinapakahulugan ang Biblia sa kanilang sariling mga isip, nagsimula silang magtatag ng mga doktrinang Kristiyano. Nguni’t dahil hindi nila nalalaman ang katotohanan, hindi maunawan ng kanilang mga isip, sila’y nagtagumpay sa pag-iisa ng kanilang makalupang kaalaman at mga kaisipan, sa gayo’y nagbunga ng kanilang mga sariling doktrina.
Sanhi nito, isang kawan ng mga doktrina ng Kristiyano at mga teolohiya ang umusbong sa kasaysayan ng Kristiyanismo: Lutheranismo, Calvinismo, Arminianismo, “New Theology”, Conservatismo, Rationalismo, “Critical Theology, Mystical Theology, Liberation Theology, Feminist Theology, Black Theology at maging Atheistic Theology”, at iba pa.
Ang kasaysayan ng Kristiyanismo ay waring nakapahaba, nguni’t sa katotohana’y hindi. Sa loob ng 300 taon mula ng panahon ng Naunang Iglesia, ang tao’y natutunan ang Biblia, nguni’t ito di-naglao’y sinundan ng “Medieval Age,” ang madilim na panahon ng Kristiyanismo. Sa panahong ito, para karaniwang tao na nagbabasa ng Biblia ay isang krimen na kamatayan ang parusa sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo. Hanggang sa ika-17 siglo nang ang hangin ng teolohiya ay nagsimulang umihip, at pagkatapos waring namukadkad ang Kristiyanismo sa ika-18 at ika-19 na siglo habang itong mga teolohiya ay mataginting at tahasang dumami, nguni’t ngayon, maraming tao ang nahulog sa mga mahiwagang doktrina, ang pananalig sa Diyos batay sa kanilang sariling mga personal na karanasan. Nguni’t sa kabila ng mga ibat ibang teolohiya, lahat ng sangay ay dumaloy sa Kristiyanismo ay may iisang halaga ng pananampalataya, ito ay, pananalig lamang sa dugo ni Jesus.
Nguni’t ito ba ang katotohanan? Kung ika’y nanalig sa ganitong paraan, ang iyo bang mga kasalana’y tunay na naglaho? Araw-araw kang nagkakasala. Ika’y araw-araw na nagkakasala ng inyong mga puso, mga isip, mga gawa at mga pagkukulang. Matutubos ba kung gayon itong mga kasalanan dahil lamang sa pananalig sa dugo na binubo ni Jesus sa Krus? Na pinasan ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at kamatayan sa Krus ay ang biblikal na katotohanan. Nguni’t maraming tao ang nagsasabi na ang kanilang mga kasalana’y natubos dahil sa pananalig lamang sa dugo sa Krus at araw-araw na pangungumpisal. Nahugasan ba ang mga kasalanan sa inyong puso at mga budhi sa pamamagitan ng gayong pangungumpisal? Imposible ito.
Kung ika’y Kristiyano, kung gayon dapat mo ngayong malaman at manalig sa kaligtasan nitong katotohanan, naparito sa lupa si Jesu-Cristo at inako ang ating mga kasalanan sa pagbautismo ni Juan. Sa kabila nito, sinasawalang-bahala mo pa rin ba ang katotohanang ito, ni hindi tinangkang alamin ito, ni ang paniwalaan ito? Kung gayon, ika’y nagkakasala ng paglibak kay Jesus, sa pagbababa at paghamak sa Kanyang pangalan, at hindi mo masasabi na ika’y tunay na nananalig kay Jesus bilang iyong Tagapagligtas. Sa pag-iwan ng bautismo ni Jesus mula sa kaligtasang ito na tinupad ni Jesu-Cristo at pananalig sa Kanya sa anumang paraang nais mo, kailanma’y hindi ka mabibihisan ng biyaya ng kaligtasan.
Nguni’t maraming Kristiyano ang di-nananalig sa katotohanan nang gayon, na inalis ni Jesus ang ating mga kasalanan, bagkus sa halip ay sinunod ang kanilang sariling mga isip at naniwala sa anumang baluktot na katotohanang nais nilang paniwalaan. Sa panahon ngayon, ang kanilang mga puso ay lalong tumigas dulot ng kanilang maling doktrina ng pananampalataya, inaakala na ang kanilang mga kasalanan ay maaalis dahil lamang sa paniniwala sa dugo sa Krus.
Nguni’t ang kasagutan sa kaligtasang nilayon ng Diyos ay ang sumusunod: Ating makakamit ang walang-katapusang kapatawaran ng kasalanan dulot ng paniniwala sa bautismo ni Jesus, Kanyang kamatayan sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli. Nguni’t may mga umusbong na di-mabilang na tao ang naniniwala kay Jesus sa pag-alis ng Kanyang bautismo mula sa katotohanan ng kaligtasan, maling unawa at maling paniniwala sa sumusunod na “equation” bilang isang di-nagbabagong batas: “Jesus (ang Krus ang Kanyang pagkabuhay) + pangungumpisal + mga mabubuting gawa = kaligtasang natamo sa pamamagitan ng unti-unting pagbabanal.” Yaong naniniwala sa ganitong paraan ay sinasabi lamang ng kanilang mga bibig na sila’y napatawad sa kasalanan. Subali’t, ang katotohanang ang kanilang mga puso ay sadyang puno ng mga tumpok na kasalanan na nananatiling hindi nalulutas.
Mayroon pa ring bang kasalanan sa inyong mga puso? Kung may kasalanan sa inyong mga puso kahit ngayo’y naniniwala kay Jesus, kung gayon malinaw na may seryosong suliranin sa inyong pananampalataya. Ito’y dahil ika’y naniniwala lamang kay Jesus bilang isang bagay ng relihiyon na ang inyong mga budhi’y di-malinis at may kasalanan. Subali’t, ang katotohanang iyong malalaman na taglay ninyo pa rin sa inyong mga puso ang kasalanan ay sukdulang na mapalad. Bakit? Dahil yaong tunay na nakakaalam na sila’y may kasalanan ay makikilala na hindi nila maiiwasn kundi ang matungo sa impiyerno dahil sa kasalanang ito, at gayong alam nila sila sa wakas ay naging maralita sa espiritu at sa gayo’y maririnig ang Salita ng tunay na kaligtasan.
Kung hangad mo ang kapatawaran sa kasalanan mula sa Diyos, kung gayon ang inyong mga puso ay dapat ihanda. Yaong ang mga puso ay handang aminin sa Diyos, “Oh Diyos, nais ko ang kapatawaran sa kasalanan. Dahil ang kabayaran sa kasalanan ay kamatayan, ako’y patungong impiyerno.” Tulad nito, nakikilala nila ang kanilang mga sarili bilang lubos na makasalanan sa harap ng Diyos. Yaong nakakilala sa Salita ng Diyos, yaong naniniwala na ang Salita ng Diyos ay tiyak na tinupad tulad ng sinasabi—walang iba kundi ito ang mga tao na ang kanilang mga puso ay inihanda.
Tinatagpo ng Diyos ang gayong mga kaluluwa nang walang kataliwasan. Ang gayong tao’y naririnig ang Kanyang Salita, nakikita ang Salita sa pamamagitan ng kanilang mga sariling mata at nagtitiwala, at sanhi nga nito kanilang nababatid, “Ah, mali ang aking paniniwala. At di-mabilang na tao ay mali ang paniniwala ngayon.” At sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, anuman ang sabihin ng iba, sila sa gayo’y napatawad sa kanilang kasalanan.
 

Yaong Naligtas sa Lahat Nilang Kasalanan ay Dapat Ipagtanggol ang Pananampalataya Nila sa pamamagitan ng Pananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Subali’t, itong mundo’y puno ng di-mabilang na masasamang doktrina na guguluhin at dudumihan maging ang mga puso ng isinilang na muli. Binalaan tayo ng Panginoong Jesus, “Tignan ninyo, mangag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at sa lebadura ni Herodes” (Marcos 8:15). Subali’t ni hindi man lamang natin mabilang kung ilan ang gayong mga lebadurang aral na nagpapadumi sa puso ng tao dahilan lang sa pakikinig nang minsan. Dapat nating malaman kung paanong itong mundo ay dinadaluyong ng malaswang imoralidad.
Tayo na naniniwala ay dapat tiyak na malaman kung anong panahon tayo ngayo’y nabubuhay at ipagtanggol ang ating pananampalataya. Nguni’t kahit tayo’y nabubuhay sa gayong makasalanang sanlibutan, sa ating mga puso ay ang di-masasalakay na katotohanan na pinalaya tayo ng Panginoon sa ating kasalanan. Ang Salita ng patotoo na nagbigay saksi sa ating di-nagbabagong kaligtasan ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya sa katotohanan na hindi naliligalig ng mundo ni nakakaladkad.
Bawa’t bagay dito sa lupa ay hindi katotohanan. Sinabi ng Diyos sa atin na ang matuwid ay magtatagumpay sa mundo. Dahil sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo na di-nagbabagong katotohanan na ang matuwid ay nagtagumpay sa Diablo at sa mundo. Bagaman tayo’y di-sapat, ang ating mga puso, ating mga kaisipan, at ating mga katawan ay naroon pa rin sa Tahanan ng Diyos at matibay na nakatayo sa ebanghelyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Tayo’y matapat na nakatayo sa ebanghelyo ng tubig at ng dugo kung saan iniligtas tayo ng Panginoon.
Dahil dito, tayo’y nagpapasalamat sa Diyos. Gaano man managana ang kasalanan dito sa lupa, kahit papaano tayong mga matuwid ay tunay na walang-dungis ang ating mga budhi at ang ating pananampalataya’y na nagningning tulad ng ginto sa ating mga puso. Tayong mga matuwid ay mamumuhay na nagtatagumpay sa mundo dahil sa pananampalatayang ito. Hanggang sa pagbalik ng Panginoon, at habang tayo’y nasa Kanyang Kaharian, lahat tayo’y magpupuri sa pananampalatayang ito. Magpakailanman tayong magpupuri sa Panginoon na nagligtas sa atin at pupurihin ang ating Diyos na nagbigay nitong pananampalataya.
Yamang itong makatotohanang pananampalataya na taglay natin sa harap ng Diyos ay nailagay sa ibabaw ng bato, hindi ito matitinag ng anumang pangyayari. Tulad niyaon, anuman ang mangyari sa atin habang tayo’y nabubuhay sa mundong ito hanggang sa araw na tayo’y tumayo sa harap ng Panginoon, ating ipagtatanggol ang ating mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya. Kahit pa mawasak lahat ng bagay dito sa lupa, kahit pa ang mundong ito’y binaha ng kasalanan, at kahit pa itong mundo’y maging kasing-lubha ng Sodoma at Gomorra, hindi tayo susunod sa mundong ito, nguni’t tayo’y malinis na naniniwala sa Diyos, ating hahanapin ang Kanyang katuwiran, at patuloy nating gagawin ang mga gawa na palawigin itong dalawang mga biyaya (ang bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus) ng kaligtasan, ang tunay na biyaya ng Diyos.
 

Sila na Nagkukunwaring Nananalig sa Tunay na Ebanghelyo

Ang ibang tao, bagaman sila’y hindi tunay na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, pakunwari pa ring naniniwala sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Nguni’t ating makikita na ang gayong tao’y may kasalanan sa kanilang mga puso dahil sa di-paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sila’y tulad ng taong nawalan ng talim ng palakol, na kanyang hiniram sa kapitbahay, sa tubig (2 Mga Hari 6:5).
Sa ganito ring paraan, ito’y imposible, dahil kinakailangan, sa ibang tao upang gamitin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ilang sandali. Nguni’t kung wala ang paniniwala na itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang katotohanan, hindi sila makapagsasalita ng tunay na pananampalataya sa tuwing nangangaral o nagkakatipon. At yaong walang pananalig sa katotohanan ay kalunos-lunos na mahahantong sa pagtalikod sa kanilang buhay pananampalataya sa kalagitnaan. Nguni’t ang katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-nagbabago, at ito kung bakit kailangan nilang maniwala dito sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Nguni’t sa pagbanggit sa Hebreo 7:12, na sinasabi, “Sapagka’t nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan,” inaangkin ng ibang tao, “Nagbago rin ang Kautusan. Kaya ang kaligtasang tinupad ni Jesus ay di-tunay na natupad ayon sa iisang paraan ng Lumang Tipan. Naparito si Jesu-Cristo at niligtas tayo sa kamatayan lang sa Krus, isang nabagong paraan.” Inaangkin din ng iba, “Animo’y malamang nang si Jesus ay namatay sa Krus nang inilipat ng Diyos ang ating mga kasalanan sa Kanyang Anak.”
Nguni’t lahat ng gayong mga pag-angkin ay kapintasan at walang-batayan. Madali nating pabulaaanan ang kanilang mga pag-angkin sa pagtatanong, “Nangangahulugan ba nito na pinako lang ng Diyos si Jesus na Siyang walang kasalanan at saka lang masasalin ang mga kasalanan ng mundo sa Kanya?” Kapag tayo’y nananalig sa Salita ng Diyos, dapat nating paniwalaan ng gayon, hindi sa pagpipilit ng ating mga sariling kaisipan. Kahit pa nagkataon na taglay natin ang ating sariling mga paninindigan, kung sinasabi ng Biblia sa atin na itong mga paninindigan ay mali, kung gayon kailangan nating putulin ang ating sariling katuwiran at manalig sa Salita ng Diyos.
Sa paglipas ng panahon, lalong pasasalamat at mahalaga ang katotohanang niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag tayo’y nanalig ayon sa ating sariling mga kaisipan, may mga panahon na ang ating buhay pananampalataya ay nasa panganib at halos tayo’y mahulog mula sa Iglesia. Nguni’t sa dalawang mitsa na nakatukod sa bawa’t tabla ng Tabernakulo sa pamamagitan ng pagsupong sa dalawang tungtungang pilak, ang ating pananalig sa katotohanan ni Jesus, na Kanyang inako ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at dugong Kanyang binubo, matibay tayong tangan. Sa pagbautismo ni Juan at pagpasan ng ating hatol sa pamamagitan ng pagpako at pagdanak ng Kanyang dugo, niligtas tayo ng ating Panginoon sa lahat nating kasalanan. Sa gayon, hindi aandap-andap ang ating pananampalataya magpakailanman.
Mga Kawikaan 25:4 ay sinasabi, “Alisin ang dumi sa pilak at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo.” Tulad ng talatang ito, kahit maraming mahahalay, kasamaan, at katiwalian mga bagay ay lumitaw sa ating mga isip ng laman, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo, dinalisay tayo ni Jesus sa mga maruruming bagay na ito, ng kasalanan ng tao, at ginawa tayong mga manggagawa ng katuwiran ng Diyos. Dinalisay tayo ng Panginoon sa mga kasalanan ng mundo. Sa bautismo ni Juan at sa gayo’y tinanggap lahat ng ating kasalanan nang minsanan at sa pagpapako at pagdanak ng Kanyang dugo at sa pagpasan lahat ng hatol ng ating kasalanan, malinis na niligtas tayo ni Jesus sa mga kasalanan ng mundo.
Sa gayon, yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tiyak sa kanilang walang hanggang kaligtasan. Ang ating mga gawa waring nakababahala kung minsan, nguni’t ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay matibay na tangan ang ating pananampalataya, tulad ng tungtungang pilak na umaalalay sa bawa’t tabla sa pamamagitan ng pagsugpong sa dalawang mitsa.
 

Ang Walang Hanggang Biyaya ng Kaligtasang Nag-aalalay sa Atin

Ngayon, ating iukol ang pansin sa mga baralikan na tangan ang mga tabla ng Tabernakulo. Sinasabi sa Exodo 26:26-27, “At gagawa ka ng mga barakilan na kahoy na akasia, lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tagiliran ng tabernakulo sa dakong hulihan, na dakong kalunuran.” Ang kalahatang hugis ng Tabernakulo ay parisukat. Ang mga haligi ay nakalagay sa pintuan ng Tabernakulo at para sa tabing ng Kabanalbanalang Dako at ang natitira’y gawa sa mga tabla. Itong mga tabla ay nababalutan ng limang barakilan.
Upang hawakan itong mga baralikan, limang gintong argolya ay ilalagay sa bawa’t tabla, at ang mga tabla mismo ay gawa sa akasiang kahoy ay nilatagan din ng ginto. Ang limang baralikan ay inilagay sa mga tabla sa lahat ng tatlong gilid ng Tabernakulo, sa hilaga, sa timog at sa kanluran. Ang mga tabla ay inaalalayan nitong mga baralikan na nakasuot sa mga argolyang ginto, ang mga ito’y nakapirmi. Nakaalalay sa ilalim ng mga tungtungang pilak at nakakabit sa isa’t isa sa tagiliran ang limang baralikan, nakatayong matibay ang mga tabla.
At habang nakabalot ng limang baralikan ang 48 na tabla at nakasugpong sa isa’t isa, ang bayan ng Diyos ay magkakasama rin sa Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Iglesia ng Diyos ay ang dako kung saan ang nagtamo ng handog ng kaligtasan ng tubig at ng Espiritu ay nagtitipon at namumuhay sa pananampalataya. Sinabi ni Jesus kay Pedro na Kanyang itatayo ang Kanyang Iglesia sa bato (Mateo 16:18-19). Sa gayon, ang dako kung saan ang Kaharian ng Diyos ay nabuo sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga napatawad sa kasalanan ay ang Iglesia ng Diyos. Pinakikita sa atin ng Diyos na Kanyang ganap na niligtas tayo sa mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng mga gawa ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Sa Exodo 26:28 sinasabi, “At ang gitnang barakilan ay daraan sa kalagitnaan ng mga tabla mula sa isang dulo hanggang sa kabila.” Itong gitnang mahabang baralikan ay ginawa upang itali lahat ng mga tabla sa isang gilig nang minsanan. Ano kung gayon, ang kahulugan nitong gitnang baralikan na nakasuot sa gitna ng mga tabla mula dulo hanggang sa dulo? Ibig sabihin na ang matuwid ay ay sama-sama sa isa’t isa, at ang kanilang pananampalataya’y naniniig sa isa’t isa. Sa ibang salita, sa pananalig sa kaligtasang tinupad sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon, sila’y nakikipagniig sa isa’t isa sa pananampalataya. Ang mga matuwid ay nagkikita sa mata sa mata dahil sa kanilang pananampalataya. Ito kung bakit kapag nakita ang ating kapwa mga hinirang o mga ministro at nakikipisan sa isa’t isa, atin ngang mararamdaman itong paniniig ng mga puso.
 

“Isang Pananampalataya, Isang Bautismo at Isang Diyos”

Ating tignan ang Efeso 4:3-7: “Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan. May isang katawan at isang Espiritu, gayan naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo, isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, isang Dios at Ama ng lahat, na Siyang sumasa ibabaw ng lahat, at sumasa lahat at nasa lahat. Datapuwa’t ang bawa’t isa sa atin ay binigyan ng biyaya yaon sa sukat na kaloob ng Cristo.” Sinabi ni Apostol Pablo sa atin na magsikap upang panatilihin ang pag-iisa sa Espiritu sa buklod ng kapayapaan. Ang bautismo ni Jesus at sa Krus—nang makamit natin ang handog na kaligtasan dulot nitong dalawa, ang kapayapaan ay darating sa ating mga puso. Kapag tayo’y mapatawad sa kasalanan sa ating mga puso, sa gayon tayo’y magiging isang pamilya kay Cristo. Sa maikling salita, tayo’y magiging isang katawan.
“Isang Panginoon.” Si Jesu-Cristo na nagligtas sa atin ay iisa. “Isang pananampalataya.” Anong iyong pinaniniwalaan? Nananalig ka sa kaligtasan ng tubig at ng dugo ni Jesus at ang Espiritu, nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. “Isang bautismo.” Idiniin muli ni Apostol Pablo ang bautismo ni Jesus. Hindi niya tinukoy ang Krus dito, nguni’t sa halip ay kanyang giniit ang bautismo ni Jesus na naglinis sa lahat ng mga mananampalataya nang walang-pasubali. Upang tayo’y manalig sa Kanyang bauitsmo ay ang bautismo kay Cristo at sa gayo’y ibinihis si Cristo (Galacia 3:27). “Isang Diyos.” Ang Diyos ay iisa. Itong Diyos ay niligtas tayo sa pagsusugo ng Kanyang sariling Anak.
Lahat ng bagay na ito ay tumukoy sa isang pananampalataya sa tubig, sa dugo at sa Espiritu (1 Juan 5:8). Nang tayo’y magkaroon ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ang ating mga puso ay naniig sa isa’t isa. Yaong ang napatawad sa kasalanan ay magkikita sa isa’t isa mata sa mata. May mga iilang panahong hindi nila lubos nauunawaan ang isa’t isa. Nguni’t habang ang gitnang baralikan ay nakasuot sa gitna ng mga tabla dulo hanggang sa dulo, kung sila talaga’y napatawad sa kasalanan sa kahibuturan ng kanilang puso, lahat sila’y makapaniig sa isa’t isa. “Itong kapatid ay naligtas din sa kasalanan, nguni’t ang kanyang laman ay mahina at maraming masasamang nalalabi sa kanyang puso. Tulad ng iba, siya rin, ay isang binhi ng manggagawa ng masasama, nguni’t tinubos pa rin ng Panginoon ang kanyang kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.” Tulad nito, kanilang naunawaan ang isa’t isa at nagpuri sa Panginoon.
Anuman ang kakulangan ng tao, kung sila’y napatawad sa kasalanan at nanatili sa Iglesia, sa gayon ang kanilang mga mukha ay magliliwanag, ang kanilang isip ay magliliwanag, ang kanilang mga puso’y magliliwanag din at sila’y maniniig sa isa’t isa. Ang mga matuwid ay magkikita mata sa mata. Paano mangyayari ito? Sa pananampalataya ito’y mangyayari. Magkikita sila mata sa mata hindi dahil sa anumang kundisyon kundi dahil sa pananampalataya. Ano kung gayon, ang paliwanag sa ating kakayanang makapaniig sa iba? Hindi natin mababahagi ang ating mga puso sa mga di-kabilang sa Iglesia, dahil sa kanilang mga puso sila’y di-naniniwala sa katotohanan, sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yaong di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-makapaniniig sa atin.
Mga kapatid, ano ang ganap na Iglesia ng Diyos? Ito ang pagtitipon ng mga binanal ni Jesu-Cristo, tinawag upang maging mga banal (1 Corinto 1:2). Ito’y kapisanan ng mga nananalig sa katotohanang hinugasan ni Jesus ang kanilang mga kasalanan dahil sa bautismo, na Kanyang mga niligtas dahil sa pagpasan nitong mga kasalanan at dala lahat nilang kahatulan sa Krus, at Siya’y nabuhay na muli at naging kanilang sariling Tagapagligtas. Ang Iglesia ng Diyos ay walang iba kundi ang pagtitipon ng mga naging isa dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dahil itong pananampalataya ay nasa aking puso at sa inyong mga puso kaya ating makikita ang isa’t isa mata sa mata kapag tayo’y nasa Kanyang Iglesia. Tulad ng hindi pagtinging ng Diyos sa atin mga panlabas na anyo kundi sa sentro ng ating mga puso kapag Siya’y tumitingin sa atin, tayo na napatawad sa kasalanan ay hindi rin tumitingin sa panlabas na anyo, bagkus tayo’y may pakikipisan sa pamamagitan ng pagtingin sa sentro ng pananampalataya ng iba. “Tunay bang ang taong ito ay sa puso nananalig sa katotohanan?”—ito ang ating hinahanap. Anuman ang kaibahan sa kanyang katauhan, ito’y di-mahalaga hanggang siya’y nananalig sa “isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, isang Dios at Ama ng lahat.” 
Dahil tayo’y nananalig, tayo’y naging mga haligi at mga tabla ng Tabernakulo, at dahil tayo’y nananalig, tayo’y naging pamilya ng Diyos. Nananalig ka ba sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Dahil tayo’y nananalig kaya namin pinalalawig ang liwanag ng kaligtasan sa buong mundo, tulad ng dalisay na ginto (pananampalataya) nagliliwanag sa Tahanan ng Diyos. Mababahagi natin ang ating mga puso sa mga katatanggap lamang na kapatawaran ng kasalanan, dahil ang Banal na Espiritu’y nananahan din sa kanila. Kapag tayo’y napatawad lang sa kasalanan, kung gayon tayong lahat ay maniniig sa isa’t isa, nguni’t kung hindi napatawad ang kasalanan, kung gayon hindi tayo makapaniniig sa isa’t isa. Ang mga makasalanang nagtatangi ng tao batay sa panlabas na mga anyo ay iba ang pakikisama sa iba batay sa mga panlabas anyo tulad ng mga hitsura, yaman, o katanyagan, nguni’t tayong mga matuwid ay hindi ginagawa ito sa ating mga puso. Walang pagtatangi sa mga matuwid.
Kapag ang tao’y unang mapatawad sa kasalanan, madalas kong tinatanong sa kanila, “Napatawad ka nga ba sa kasalanan? Mayroon pa bang kasalanan sa iyo, o lahat ng iyong kasalanan ay naglaho? Siya nga pala, marami kang katanungan ukol sa Biblia, hindi ba? Tanunging mo sila habang patuloy ka sa iyong buhay pananampalataya. Ang iyong mga pagkukulang din ay mahahayag at marahil ika’y magkakamali rin. Nguni’t ang mga pinuno at yaong mga nauna sa iyo sa Iglesia ay tutulong sa iyo, upang ang lahat ay maging maayos.”
Mga kapatid, tayong mga matuwid ay kailangan ang Iglesia. Ang Tabernakulo ay nangangahulugan din na Iglesia ng Diyos. Yaong di-nanalig sa tubig at sa dugo ay di-makalalapit sa Iglesia ng Diyos at mananahan dito. Yaong di-nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay di-makakalapit at mananahan sa Kanyang Iglesia. Yaong nananalig lang sa katotohanan ang mananahan sa Iglesia, magiging bayan ng Diyos at Kanyang mga manggagawa, at makikita rin ang luwalhati ng din. Hindi sa dugo lamang o sa ibang kailangan ng kanilang laman ang tao’y magiging anak ng Diyos. Anuman ang kapangyarihan ng mga pastor, kung hindi sila mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon hindi sila anak ng Diyos.
 

Si Jesus na Naparito sa Tubig at sa Dugo ay Ganap na Nagligtas sa Atin

Ang ginawa ng Panginoon nang Siya’y naparito sa lupa ay mabubuod sa Kanyang pagsilang, bautismo, pagdanak ng dugo at pagkabuhay muli. Lahat ng mga ito ay Kanyang ministeryo sa kapatawaran ng kasalanan. Natupad ni Jesus ang Kanyang misyon sa pamamagitan ng Kanyang mga ministeryo sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na makikita sa Tabernakulo ay para sa ating sariling kaligtasan sa kasalanan. Ang kaligtasan ng Diyos ay detalyeng lubos upang hindi tayo manalig sa Kanya sa ating sariling paraan. Kailangan tayong manalig sa Kanyang kaligtasan tulad niyaon.
Ang ating pananampalataya ay kailangang wasto ayon sa dalawang katotohanan ng Kanyang kaligtasan: Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus. Ito kung bakit ang dalawang mitsa ay wasto ang pagkakalagay sa mga butas ng dalawang tungtungang pilak. Hindi natin ipapalagay ang katotohanang binigay ni Jesus sa atin bilang isa lamang kaalaman ng mundo at manalig lamang ng gayon. Ikaw at ako ay yaong naligtas sa kasalanan sa harap ng Diyos dahil sa pananalig sa kaligtasang gawa ni Jesus na nahayag sa dalawang tungtungang pilak.
Sinasabi ng Tabernakulo sa atin ang detalyeng paraan ng kaligtasan ni Jesus, at itong kaligtasan ay tunay na natupad para sa atin. Manalig sa dalawang handog na kaligtasang binigay ng Diyos sa iyo. Ang gintong ginamit sa Tabernakulo ay tumutukoy sa pananampalataya. Kung naniniwala ka sa katotohanan bilang gayon, ang kaligtasan at luwalhati ng Panginoon ay sasaiyo, nguni’t hindi kung hindi ka mananalig. Nais mo bang manirahan sa loob ng Tabernakulo sa pananampalataya, madamtan ng luwalhati ng Diyos at Kanyang kupkupin, o nais mong masumpa magpakailanman dahil sa patuloy na di-pananalig? Kung nanalig ka lamang sa dugo sa Krus, kung gayon hindi ka maliligtas. Dapat kang manalig na ang dugo sa Krus at ang bautismo ay iisa. Ang handog ng Panginoo’y likha sa dalawang ito.
Ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa ating mga puso kung tayo’y naniniwala sa dalawang elementong ito (bautismo ni Jesus at dugong nabubo). Ang Banal na Espiritu’y di-mananahan sa mga puso ng mga di-nananalig sa mga ito. Kung iyo lamang ipapahayag ng iyong bibig nguni’t di-mananalig ang inyong mga puso, at kung ang inyong kaalaman ay hindi higit kaysa sa isang paggamit lamang ng katalinuhan, kung gayo’y di ka maliligtas. Upang maligtas, una dapat kang maglagay ng malinaw na guhit ng pagkakaiba sa paglalagay ng mga hangganan ng iyong kaligtasan: “Hanggang ngayon, ako’y di ligtas. Hindi tunay ang kaligtasang aking pinaniniwalaan. Nguni’t sa pananalig kay Jesus na naparito sa tubig at sa dugo, ako ngayo’y naligtas.” Ang tao’y magiging matuwid lang kung sila muna’y nagin mga makasalanan nang minsan. Kailangan nilang aminin na bilang di-ligtas, sila’y patungo sa hatol ng kanilang mga kasalanan, at sa gayo’y maging ganap na ligtas dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sa pamamagitan ng bughaw at pulang sinulid, ang bautismo at dugo ni Jesus, dapat nating tanggapin ang ganap na kaligtasan. Sa Kanyang bautismo at dugo, binigay ng Panginoon sa atin ang ganap na kaligtasan. Upang iwasang manalig batay sa ating sariling mga kaisipan, detalyeng hinayag ng Panginoon itong kaligtasan sa pamamagitan din ng Tabernakulo. Dahil itong kaligtasan ay lubos na mahalaga at ganap, bawa’t isa’y nararapat na manalig. Huwag manalig sa isang anyo lamang ng kaligtasan, ang dugo sa Krus, nguni’t manalig sa bautismo at dugo ni Jesus nang minsan! Kung mayroon sa atin na hindi pa ligtas, kung gayon taimtim akong umaasa na siya’y maliligtas sa pamamagitan ng pananalig, maging ngayon, sa katotohanang ito.
Mayroon sa atin ang tulad nito? Laging mayroong posibilidad. Nguni’t ang aking hangad na itong posibilidad ay hindi mangyayari sa alin man sa atin. Anuman ang mangyari, hindi ako mabibilang sa maraming taong di ligtas. Tayo yaong ganap na naligtas dahil sa pananalig sa dalawang ito (bughaw at pulang sinulid)—ito ay, sa bautismo at dugo ni Jesus. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa dalawang handog ng kaligtasan kung saan niligtas ako ng Panginoon. Dahil ganap na natupad ng Diyos ang aking kaligtasan, ako nga’y napalaya na mula sa mga sumpa at mga paghahatol din.
Tunay, ang ating kaligtasan ay nagmula sa bughaw at pulang sinulid ay higit na mahalaga kaysa sa lahat ng salita. Alalahanin at manalig na ang iyong kaligtasan ay naging ganap hindi lang dahil sa dugo sa Krus, ni hindi lang sa bautismo ni Jesus, kundi sa bautismo at dugo sa Krus at ito’y dahil sa pananalig sa dalawang ito ika’y naging anak ng Diyos. Ating nakamit ang walang hanggang buhay dahil sa pananalig sa ebanghelyong Salita ng tubig at ng Espiritu, ang hiwagang nakakubli sa dalawang mitsa at dalawang tungtungang pilak sa mga tabla ng Tabernakulo.
Binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa ating Panginoong nagligtas sa atin mula sa mga kasalanan ng sanlibutan. Alelluiah!