(Exodo 25:10-22)
“At sila’y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasya na may dalawang siko’t kalahati ang haba niyaon, at may isang siko’t kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko’t kalahati ang taas niyaon. At iyong babalutin ng taganas na ginto, sa loob at sa labas ay iyong babalutin at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot. At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto, at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon, at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon. At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasya at iyong babalutin ng ginto. At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban upang mabuhat ang kaban. Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban, hindi aalisin doon. At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo. At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto, na may dalawang siko’t kalahati ang haba niyaon, at may isang siko’t kalahati ang luwang niyaon. At gagawa ka ng dalawang kerubing ginto na yari sa pamukpok iyong gagawin sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. At gawin mo ang isang kerubin sa isang dulo at ang isang kerubin sa kabilang dako, kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga kerubin sa dalawang dulo niyaon. At ibubuka mo ng mga kerubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga kerubin. At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban, at sa loob ng kaban ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo na Aking ibibigay sa iyo. At diya’y makikipagkita Ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang kerubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay Ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.”
Ang Luklukan ng Awa
Ang isang siko ay ang haba ng pag-unat mula sa dulo ng kamay hanggang sa siko. Sa Biblia, isang siko ay halos 45 sentimetro sa panukat ngayon. Ang haba ng luklukan ng awa ay dalawa at kalahating siko, at kung sa “metric system,” ang haba nito’y halos 112.5 sentimetro. At ang lapad ay isa at kalahating siko, sumusukat ng halos 67.5 sentimetro. Ito’y nagbibigay sa atin ng kalahatang anyo ng luklukan ng awa.
Ang Kaban ng Tipan ay unang ginawa sa akasyang kahoy at nilatagan ng ginto sa loob at sa labas. Nguni’t ang luklukan ng awa, na inilagay sa Kaban, lahat ay gawa sa dalisay na ginto. At sa bawa’t dulo nito, naroon ang kerubin na nakaunat ang kanilang mga pakpak sa ibabaw, natatakpan ang takip ng Kaban—ito ay, ang luklukan ng awa—at ang kerubin nakaharap ang mukha tungo sa luklukan ng awa. Ang luklukan ng awa ay kung saan ginagawad ng Diyos ang Kanyang biyaya sa mga lalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya.
Apat na gintong argolya ang nakalagay sa bawa’t sulok ng Kaban. Dalawang gintong argolya ay kinabit sa bawa’t panig, at ang mga pingga ay sinuot sa mga argolya upang mabuhat ang Kaban. Itong mga pingga ay gawa sa akasyang kahoy at nilatagan ng ginto. Sa paglalagay ng mga pingga sa loob ng mga argolya sa isang panig at ang dalawa’y argolya sa kabilang panig, tiniyak ng Diyos na dalawang tao ang makabubuhat nito. At sinabi ng ating Panginoon, “At diya’y makikipagkita Ako sa iyo.”
Pinabubuhat ng Diyos sa mga Israelita ang Kaban ng Tipan kasama ang luklukan ng awa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pingga sa Kaban. Ibig sabihin na hangad ng Diyos sa atin na palawigin ang ebanghelyo sa buong mundo. Gayon din sa dambana ng kamangyan—ito ay, mga argolya ay nilagay din sa magkabilang panig, mga pingga na nakasuot sa mga argolya, at dalawang tao ang magbubuhat ng dambana. Ito rin, ay nangangahulugan na dapat tayong humingi ng tulong sa Diyos sa tuwing tayo’y nahaharap sa mga pasakit, at dapat din tayong manalangin para sa pagpapalawig ng ebanghelyo sa buong mundo saan man tayo magtungo.
Sa Kaban ng Tipan, tatlong bagay ang inilagay: ang gintong palayok ng mana, ang tungkod na namulaklak ni Aaron, at ang batong tableta ng Tipan. Anong kahulugan nito? Una, ang gintong palayok ng mana ay nangangahulugang nagbibigay si Jesu-Cristo ng bagong buhay sa mga mananampalataya. Minsan Kanyang sinabi, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lumalapit sa Akin ay hindi magugutom at ang sumasampalataya sa Akin kailanma’y hindi mauuhaw” (Juan 6:35).
Ang tungkod ni na Aaron na namulaklak ay sinasabi sa atin na si Jesu-Cristo ay Panginoon ng pagkabuhay muli at Siyang nagbibigay ng walang hanggang buhay. Ang batong tableta ng Tipan ay sinasabi sa atin na tayo’y di-maiiwasang mahatulan sa kamatayan sa harap ng Kautusan. Subalit, ang awa ng Diyos ay lubos na nagtatakip ng lahat ng hatol sa ating mga kasalanan na sinumpa ng Kautusan. Ang luklukan ng awa ay hustong ganap upang sa takip ng Kaban ay hindi lumabas ang sumpa ng Kautusan. Ganap na tinapos ng Diyos ang luklukan ng awa sa pamamagitan ng ganap na pag-aalay ng Kanyang Anak na si Jesus. Bawa’t mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa gayo’y buong tapang na makalalapit sa trono ng biyaya, ang luklukan ng awa.
Ang Mahalagang Dugo na Winisik sa Luklukan ng Awa!
Una dapat nating malaman muna kung anong hiwaga ang nakakubli sa luklukan ng awa. Minsan isang taon, kukuha ang Mataas na Saserdote ng dugo ng isang haing handog at papasok sa Kabanalbanalang Dako. Kanya ngayong iwiwisik itong dugo ng haing handog sa luklukan ng awa ng pitong ulit. Sinabi ng Diyos na Kanyang katatagpuin ang mga Israelita sa luklukan ng awang ito. Tinatagpo ng Diyos sinuman ay may iisang pananampalataya tulad ng Mataas na Saserdote, ito ay, ang pananampalataya sa Kanyang kapatawaran ng kasalanang nahayag sa paraan ng paghahandog.
Ang dugo ng handog na winisik sa luklukan ng awa ay pinakikita sa atin ang makatwirang hatol ng Diyos sa kasalanan at Kanyang awa sa sangkatauhan. Sa Araw ng Pagtutubos, sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ipapatong ng Mataas na Saserdoteng si Aaron ang kanyang mga kamay sa isang haing handog upang ilipat lahat ng taunang kasalanan ng bayan ng Israel. At kanyang gigilitin ang lalamunan nito upang kumuha ng dugo, at kanyang dadalhin ang dugo sa loob ng tabing at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa (Levitico 16:11-16).
Sa pamamagitan ng dugo na winisik, tinagpo ng Diyos ang mga Israelita at binigay ang pagpapala ng kapatawaran sa kasalanan sa kanila. Ang biyaya ng Diyos sa mga Israelita na Kanyang tinalaga ang paraan ng paghahandog. Sa pagpapatong ng mga kamay sa haing hayop at dugo nito, matuwid na inalis ng Diyos ang kanilang mga kasalanan at binigay sa kanila ang Kanyang awa, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng biyaya.
Paano kung gayon, matatamo ang biyaya? Sa pamamagitan ng anong Salita inalis ng Diyos ang lahat nating kasalanan nang minsan? Tinulot ng Diyos na mabatid na dapat tayong magkaroon ng pananampalataya na nalalaman at naniniwala sa katotohanang nahayag sa paraan ng paghahandog para sa atin na makamit ang biyaya na Kanyang ginawad sa atin. Hinayaan ito ng Diyos na mangyari dahil sa Kanyang katuwiran upang matupad itong dalawang bagay: ang pagpapatong ng mga kamay sa ulo ng alay at dugo nito. Itong pag-aalay sa Lumang Tipan ay tumutukoy walang iba kundi sa bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo at ang dugong Kanyang binubo sa Krus.
Upang ang ating mga kasalanan, si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos ay binautismo ni Juan upang akuin ang mga kasalanan ng mundo, naging haing handog sa Krus upang bayaran itong mga kasalanan. Ang bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo at Kanyang dugong dumanak sa Krus upang tayo’y patawarin sa kasalanan, at ito ang mga biyaya ng tunay na pagpapala na nagtulot sa mga taglay ang gayong pananampalataya upang makatagpo ang Diyos. Itong katotohanan ay ang anino ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang katotohanang nagtalaga ng pundasyon ng tunay na pananampalatayag nagtulot sa mga makasalanan na mapatawad sa kasalanan mula sa Diyos. Si Jesu-Cristo ay naging haing handog para sa ating mga kasalanan. Siya’y naging tulay ng katotohanang nagtulot sa atin na lumapit sa Diyos na Amang Banal.
Muli, makikita nating ang huling katibayan para sa katotohanang ito sa mga kulay ng apat na sinulid na ginamit sa pintuan ng Tabernakulo: ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang apat na sinulid ng pintuan ng Tabernakulo, sa ibang salita, ay nagbigay sa atin ng mga tanda ng tunay na ebanghelyo.
Ang unang tanda ay ang hiwaga ng bughaw na sinulid na nahayag sa pintuan ng Tabernakulo. Itong hiwaga ay ang bautismo ni Juan kay Jesus, ibig sabihin Kanyang inako ang ating mga kasalanan ng mundo. Inako ng Panginoon, sa ibang salita, ang ating mga kasalanan na inabot ni Juan sa Kanya. Ito kung bakit hinimok Niya si Juan na bautismuhan Siya sa pagsabing, “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15).
Ang ikalawang tanda ay ang kulay-ubeng sinulid na nahayag sa Tabernakulo. Ang kulay-ube ay ang kulay ng hari. Si Jesu-Cristo ay ang Hari ng mga haring naparito sa lupa bilang Tagapagligtas ng sangkatauhan upang palayain sila sa kasalanan. Kanyang nilisan ang luwalhati ng Langit at naparito sa lupa upang alisin ang ating mga kasalanan. Si Jesu-Cristo ay ang Diyos mismo sa Kanyang kabuuan, nguni’t upang maligtas tayo sa lahat nating kasalanan, Siya’y naparito sa lupa, at binautismo at pinako sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Upang alisin lahat nating kasalanan, sa ibang salita, nilisan ng Diyos ang trono ng luwalhati ng Langit at isinilang sa katawan ng Birheng Maria dito sa lupa upang iligtas ang mga makasalanan. Tayo samakatuwid ay dapat manalig na ang Diyos mismo ay kailangang isilang sa katawan ng isang birhen, bautismuhan, at magdanak ng Kanyang dugo sa Krus, lahat ayon sa pangakong binigay Niya kay Propeta Isaias higit na 700 taong lumipas.
Ang ikatlong tanda ay ang pulang sinulid. Ito’y nagbabadya ng dugo ni Jesus. Itong katotohanang nahayag na binuo ni Jesus ang misyon ng kaligtasan ng Diyos sa pagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Ang Kanyang pagbubo ng dugo sa Krus ay kaparusahang inilaan para sa lahat ng masasamang kriminal. Sa kaparusahan ng mga kasalanang tiniis ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay hinatulan. Sa pagpapako at pagbubo ng Kanyang dugo, Kanyang tiniis ang hatol sa lahat ng kasalanan ng mundo at sa gayo’y napalaya tayo sa kasalanan. Sa pag-ako ng ating mga kasalanan mula kay Juan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagsunod sa Ama sa kamatayan, niligtas ng Diyos lahat ng mga makasalanan sa kanilang kasamaan.
Batid mo ba na winakasan ni Jesus lahat ng hatol ng kasalanan at naging anak ng Diyos ang mga mananampalataya dahil sa pagtitiis ng paghahatol alang-alang sa atin sa pamamagitan ng Kanyang kaparusahan sa Krus? Ginawa lahat ito ng Diyos upang tayo’y manalig sa katotohanang ito at kamtan ang walang hanggang buhay. Na si Jesus ay binautismo at pagkatapos ay hinatulan sa Krus ay nangangahulugang niligtas Niya tayo mula sa kasalanan. Kaya Kanyang sinigaw sa Kanyang huling hininga “Naganap na!” (Juan 19:30) Buong galak at maginhawang sinabi ni Jesus na Kanyang naganap ang ating kaligtasan mula sa kasalanan ayong sa kalooban ng Diyos Ama.
Panghuli, ang mapinong binurdang lino ay nagbabadya na si Jesus ay ang Salita ng Diyos. Kanyang hinayag ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang detalye at matuwid na Salita. Sa buong Lumang Tipan, pauna Niyang sinabi na Siya’y paparito sa lupa at ililigtas ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagpako sa Krus. Kanya ngang tinupad lahat ng Kanyang mga pangako sa Bagong Tipan nang tiyakan. Kaya sinasabi sa Biblia, “Nang pasimula Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios… at nagkatawang-tao ang Verbo at tumahan sa gitna natin (at nakita naming ang Kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa Bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanaan” (Juan 1:1, 14).
Itong katotohanan ang nagtulot sa atin upang mahugasan sa lahat nating kasalanan na kasingputi ng niyebe. Ang bautismo na tinanggap Jesus at Kanyang dugong dumanak ay walang iba kundi ang pagpapatong ng mga kamay at ang katubusan ng hatol sa paraan ng paghahandog. Dahil pinasan ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang sariling katawan na Kanyang binubo ang Kanyang dugo sa Krus. Yamang si Jesus ay binautismo upang pasanin ang ating mga kasalanan alang alang sa atin, at nagtungo sa Krus at nagdanak ng Kanyang dugo, itong katotohanan ang naging katubusang naghugas sa ating mga kasalanan.
Ang bautismong tinanggap ng ating Panginoon nang Siya’y naparito bilang isang tao at ang dugong nabubo sa Krus ay ang mga nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Sinilang si Jesus dito sa lupa 2,000 taong lumipas, inako ang mga kasalanan ng mundo dahil sa bautismo, namatay sa Krus, nabuhay muli sa ikatlong araw, pinatotoo ng 40 araw pagkatapos at umakyat sa kanang kamay ng trono ng Diyos—ito ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Sinasabi ng Diyos sa atin na manalig sa katotohanang ito, na Kanya tayong niligtas sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan na pagaalis nitong ating mga kasalanan.
Kapag tayo’y nanalig sa katotohanang ito, sasabihin ng Diyos sa atin, “Ngayon ika’y naging Aking anak. Hindi ka makasalanan. Ikaw ang aking bayan at hindi na makasalanan. Aking kang niligtas sa lahat ng iyong kasalanan, hatol at mga sumpa. Niligtas ka ng Aking walang-pasubaling pag-ibig. Dahil ika’y kaibig-ibig sa Akin, niligtas ng walang anumang kundisyon. Dahil iniibig kita, niligtas kita ng Aking sarili. Hindi lamang kita inibig, nguni’t Aking pinakita ang Aking pag-ibig sa iyo sa ganitong paraan. Tignan mo ang dugo ng Aking handog. Ito ang katibayan ng Aking pag-ibig sa iyo. Pinakita Ko sa iyo itong katibayan.”
Nang tayo’y lumapit sa Panginoon bilang dukha sa espiritu, pinakita Niya sa atin na tayo’y niligtas Niya sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Naparito ang ating Panginoon, binautismo, nilibak at hinatulan sa kamatayan sa Krus, nabuhay muli at umakyat sa Langit. Tinagpo ng Diyos yaong nananalig sa Kanyang pag-ibig ng kaligtasan.
Ginawad ng Diyos ang biyaya ng kaligtasan sa mga nanalig. Ang Kanyang kaligtasan ay ginawa ako bilang sariling anak ng Diyos mula sa pawang nilalang. Sasabihin ng Diyos sa atin, “Ikaw ngayon ay Aking anak. Kayo ang Aking mga anak na lalaki at mga anak na babae. Hindi na kayo anak ni Satanas, nguni’t Aking sariling anak. Hindi na kayo mga nilalang, kundi Aking sariling bayan. Tinubos Ko lahat ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Aking Anak na si Jesus. Ginawa Ko kayo ngayon na Aking bayan, at kayo’y naging Aking bayan ng pananampalataya.” Hindi lang niligtas ng Diyos ang mga makasalanan, bagkus ay Kanyang binigay sa kanila ang biyaya ng pagiging Kanyang sariling anak.
Tinawag ng Diyos ang takip ng Kaban ng Tipan sa Tabernakulo bilang luklukan ng awa. Dalawang querubin ang inilagay na nakayuko rito. Bakit sinabi ng Diyos na Kanyang katatagpuin ang bayan ng Israel sa ibabaw ng luklukan ng awa? Ang dahilan dito ay dahil tinubos ng Diyos ang mga kasalanan ng bayan ng Israel sa pamamagitan ng pagtanggap ng dugo ng haing hayop kung saan lahat ng kasalanan ay inilipat sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.
Sinabi nga ng Diyos, sa ibang salita, dahil nais Niyang ibigay sa bayan ng Israel ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan bilang isang handog sa pagpapasalin ng kanilang mga kasalanan sa kanilang haing handog sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa mga ulo nito, at sa pamamagitan ng pagtulot nitong mga haing handog upang bayaran itong mga kasalanan alang-alang sa kanila, lahat upang alisin lahat ng kasalanan ng Kanyang bayan. Dahil hindi matatagpo ng Diyos ang mga makasalanan kung wala ang handog ng pagtutubos, sa pamamagitan nitong paraan ng paghahandog Kanyang inalis ang kanilang mga kasalanan at kinatagpo sila.
Bawa’t isang isinilang dito sa lupa na may kasalanan bilang inapo ni Adan. Bawa’t isa samakatuwid ay may kasalanan, at wala ni isa ang makalalapit sa Diyos kung wala ang pag-aalay ng handog. Ito kung bakit sinabi ng Diyos na Kanyang aakuin ang haing handog na magtutubos sa mga kasalanan ng mga Israelita at katagpuin sila sa ibabaw ng luklukan ng awa.
Pinagawa ng Diyos sa bayan ng Israel na itakda ang ikasampung araw ng ikapitong buwan bilang Araw ng Pagtutubos. Pinagawa Niya sa Mataas na Saserdote na ilipat ang isang taong halaga ng mga kasalanan ng mga Israelita sa haing handog at ibigay itong dugo ng hain sa Kanya. Sa araw na yaon, ang mga kasalanan ng bayan ng Israel ay natubos sa isang buong taon, at ito’y dahil sa araw na ito, ang Mataas na Saserdote’y binigay ang handog ng kasalanan para sa kanila.
Ang Paraan ng Paghahandog sa Lumang Tipan para sa Ikaliligtas ng mga Makasalanan mula sa Kanilang Kasalanan
Tulad ng sinasabi sa Levitico 1:4, “At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin, at tatanggapin sa ikagagaling niya upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya,” lahat ng kasalanan ng isang makasalanan ay tunay na inilipat sa kambing sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ulo ng handog. Tatanggapin ng Diyos na may kasiyahan ng uri ng mga handog na binigay na may pananampalataya na tunay na nananalig sa Kanyang Salita. Ito ang kabuuan at unang hakbang ng paraan ng paghahandog na tinalaga ng Diyos para sa Kanyang bayang Israel.
Pagkatapos ay gigilitin ng tao ang lalamunan nito at kukuha ng dugo nito, at ibibigay itong dugo sa mga saserdote. Ang mga saserdote pagdaka’y ilalagay itong dugo sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, inilagay ang laman sa dambana at susunugin, at sa gayo’y ibinigay sa Diyos bilang haing handog para sa mga kasalanan ng makasalanan. Ito ang kautusan ng pagliligtas na tinakda ng Diyos upang tubusin ang mga kasalanan ng bawa’t makasalanan.
Subali’t, sa Araw ng Pagtutubos, sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, itinulot ng Diyos sa Kanyang bayan na mag-alay ng isang handog na tutubos sa isang taong halaga ng kanilang mga kasalanan. Sa araw na yaon, ang Mataas na Saserdote, ang kinatawan ng buong Israel, ay kailangang maghanda ng dalawang kambing. “At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing, ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel. At ihaharanp ni Aaron ang kambing na kanahulugan ng kapalaran sa Panginoon at ihahandog na pinaka handog dahil sa kasalanan” (Levitico 16:8-9). Kailangan niyang ipatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng unang kambing upang ang isang taong halaga ng mga kasalanan ng lahat ng Israelita ay mailipat sa handog. Pagkatapos siya’y kukuhanin ang dugo nito sa pamamagitan ng pagpatay, pupunta sa Kabanalbanalang Dako, at iwiwisik ang dugo sa pamamagitan ng kanyang daliri sa luklukan ng awa sa silangang dako, at sa luklukan ng awa kanyang iwiwisik ito ng pitong ulit. Sa pagtanggap nitong dugo ng haing handog, hinugasan ng Diyos ang kanilang mga kasalanan at pinayagan sila bilang Kanyang sariling bayan.
Matapos nito, lalabas ang Mataas na Saserdote sa Tabernakulo, at ibibigay ang utos sa harap ng bayan ng Israel. Upang ilipat na ang mga kasalanan ng kanyang bayan, ilalagay niyang muli ang kanyang mga kamay sa ulo ng haing handog. Kanyang sasabihin, “Aking ililipat lahat ng kasalanang nagawa ng aking bayan sa loob ng isang taon dito sa handog.” Matapos nito, kanyang pakakawalan ang handog sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang nararapat na tao.
Itong kambing ay kailangang pakawalan sa tuyong ilang upang mamatay (Levitico 16:20-22). Sinasabi nito sa atin na ang mga kasalanan ng bayan ng Israel ay buong tinubos nang minsan sa pamamagitan ng handog ng kasalanan na binigay sa Araw ng Pagtutubos.
Itong mga kambing ay anino ni Jesus. Itong handog ng kasalanan ay pinakikita na ang katotohanan ng kaligtasang tinupad ni Jesu-Cristo sa pagbabautismo ni Juan at pagpapako upang alisin ang mga kasalanan ninuman dito sa mundo. Pinangako ng Diyos na katatagpuin ang bayan ng Israel sa ibabaw ng luklukan ng awa kung kanilang inalay ang nararapat na handog sa pamamagitan ng Mataas na Saserdote. Ang bayan ng Israel ay kinikilala ang Mataas na Saserdote at ang luklukan ng awa na mahalaga, dahil ang Mataas na Saserdote ang nagbibigay ng handog ng kasalanan bawa’t taon para sa kanila, at sa luklukan ng awa kung saan ang kanilang mga kasalanan ay pinatawad.
Tulad nito, pinagkakasundo tayo ni Jesus sa Diyos, yamang nag-alay ng isang handog sa pamamagitan ng Kanyang katawan para sa ating mga kasalanan magpakailanman sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagdanak ng dugo. Ito kung bakit hindi tayo lubos na makapagpasalamat sa Panginoong Jesus, at kung bakit kailangan tayong manalig sa Kanyang bautismo kasama ng Kanyang pagpapako.
Ang Luklukan ng Awa ang Nagselyo ng Dalawang Tabletang Bato ng Sampung Utos na Inilagay sa loob ng Kaban ng Tipan
Sa Bundok ng Sinai, inutos ng Diyos kay Moises na isilid ang dalawang tabletang bato na inukitan ng Sampung Utos sa Kabanalbanalang Dako at selyohan ang Kaban ng luklukan ng awa. Sinabi nga ng Diyos dahil nais Niyang igawad ang Kanyang pag-ibig na awa sa bayan ng Israel, dahil hindi nila masusunod ang Kautusan. Sa ibang salita, dahil maaaring makitungo ang Diyos sa bayan ng Israel na nagkakasala araw-araw sa Kanyang matuwid na Kautusang naghayag na ang kabayaran sa kasalanan ay kamatayan. Ito rin, ay upang magbigay patawad sa kasalanan ng bayan ng Israel.
Ang bayan ng Israel, sa ibang salita, ay lubos na di sapat sa harap ng Diyos upang tupdin ang Kanyang kautusan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Kaya binigay ng Diyos sa kanila ang paraan ng paghahandog sa pamamagitan ng Kautusan. Upang mahugasan lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog. Pinakikita nito sa atin na upang maglaho ang mga kasalanan ng bayan ng Israel, hiningi ng Diyos sa kanila na ilipat ang kanilang mga kasalanan sa haing handog sa pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito, at patayin para sa kanila sa pamamagitan ng paggilit ng lalamunan nito. Binigay ng Diyos ang kautusan ng Kanyang pag-ibig ng kaligtasan kasama ang kautusan ng Kanyang makatarungang poot sa bayan ng Israel. sa gayon, kailangan din natin manalig sa dalawang sentro ng katotohanan ng kaligtasan ng Diyos; ang bautismo na tinanggap ng Mesias mula kay Juan at ang dugong Kanyang binubo sa Krus.
Ang haing hayop para sa handog ng kasalanan sa Lumang Tipan ay ang katawan ng Mesias sa Bagong Tipan. Ang mga haing handog na binigay sa atin sa mga Kasulatan ay ang pag-ibig na awa ng Diyos na mag-aalis ng lahat nating kasalanan. Ngayon tulad ng dati, upang matubos sa ating mga kasalanan, sukdulang kailangan natin ang haing handog ng pagtutubos. Mula sa malayong panahon, upang alisin ang mga kasalanan ng sangkatauhan, kailangan ang katarungan ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig na awa.
Dahil ang katarungan ng Diyos ay dapat hatulan kung tayo’y may kasalanan, kailangan nating hugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga ito sa handog ng kasalanan. Tulad ng kasabihan sa Korea, “Kamuhian ang kasalanan, nguni’t huwag ang mga makasalanan,” ang Diyos ay muhi sa ating mga kasalanan nguni’t hindi Siya namumuhi sa ating mga kaluluwa. Upang alisin ng Diyos ang mga kasalanan sa ating mga kaluluwa, kailangan nating ipatong ang ating mga kamay sa haing handog, kunin ang dugo at ialay sa Kanya. Sa Lumang Tipan, ang pagtubos ng Diyos sa mga kasalanan ng bayan ng Israel ay nangangahulugang tinanggap ng Diyos ang kanilang paghahandog at sa gayo’y natubos sa kanilang mga kasalanan.
Sa bayan ng Israel, ang tanging Mambabatas ay ang Diyos. Si Yahweh, Siyang naghayag ng Kanyang sarili sa harap ng bayan ng Israel, ay Siyang mismong nabubuhay. Yamang nakikilala natin ang Diyos bilang tanging Mambabatas, dapat nating kilalanin na Siya ang Diyos nating lahat at tumanggap ng paraan ng paghahandog na Kanyang tinakda upang alisin ang ating mga kasalanan. Sa paraan ng paghahandog na tinalaga ng Diyos, ating mababatid kung gaano ang pag-ibig ng Diyos sa atin at kung paano tuwiran Niya tayong niligtas sa kasalanan. At sa Kautusan ng Diyos, ating ding nabatid kung paanong hindi natin masusunod ang Kanyang mga utos. Sa ating kabuuan, tayo’y mga mananamba sa diyus-diyosan sa harap ng Diyos, nagagawa lahat ng uri ng kasalanan at pagsalansang. Samakatuwid, aamining tayo’y patungo sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan anumang oras. Ito kung bakit ang Diyos mismo ay naparito bilang Tagapagligtas.
Binigay ni Jesu-Cristo ang Kanyang katawan bilang handog para sa mga kasalanan ng mundo magpakailanman. Kanyang hinandog ang Sarili tulad ng paraang paghahandog ng kasalanan sa Lumang Tipan, lalo na ang pinakita sa salaysay ng Araw ng Pagtutubos: sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa ulo ng handog at pagdanak ng dugo. Ang dalawang tabletang bato sa Kaban ng Tipan at ang luklukan ng awa ay lubos na kailangan para sa bayan ng Israel upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan, dahil tinulot ng Diyos yaong nanalig sa tuwirang Kautusan ng Diyos at Kanyang pangako ng buhay upang matamo ang bagong buhay. Ngayon, ang Kautusang pinakikita ang katarungan ng Diyos at ang Salita ng katotohanang naghahatid ng walang hanggang kaligtasan mula sa kasalanan ay nagtulot hindi lamang sa bayan ng Israel kundi tayong lahat upang matagpo ang Diyos at makamit ang walang hanggang buhay.
Ikaw at ako ay nabubuhay sa panahong ito ay dapat na malaman at manalig kung sino ang ating Diyos, ano ang Kanyang sinasabi sa atin at sa pamamagitan ng ano Kanya tayong ginawang mapatawad sa ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong inahayag sa pintuan ng Tabernakulo sa Lumang Tipan, tinawag ka at ako ng Diyos, tayo’y tinanggap, at binigay sa ating ang pananampalatayang nananalig dito.
Ang Bughaw na Sinulid ay Ipinahihiwatig Nga ang Bautismong Tinanggap ni Jesus
Tignan natin sa Mateo 3:13-17: “Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang Siya’y bautismuhan niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, ‘Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?’ Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’”
Sa pamamagitan ng mga handog na binigay sa paraan ng paghahandog sa Lumang Tipan, pinakita ng Diyos Ama na Kanyang ililipat lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang bugtong na Anak na si Jesu-Cristo. Binautismo nga ni Juan Bautista si Jesus upang tuparin lahat ng katuwiran ng Diyos. Dahil ang kasalanan ng mundo ay nilipat nga kay Jesus nang Siya’y bautismuhan ni Juan, yaong nanalig dito ay napatawad sa lahat nilang kasalanan sa kanilang mga puso.
Itong bautismong tinanggap ni Jesus ay may isang ganap na ibang kahulugan sa bautismo sa tubig na karaniwang natatanggap ng tao bilang isang rituwal upang maging mga Kristiyano. Sa ibang salita, ang bautismo sa tubig na ngayong tinatanggap ng tao ay pawang panlabas na tanda ng kanilang pagbabago ng Kristiyanong relihiyon. Binautismo si Jesus sa Ilog Jordan upang akuin lahat ng kasalanan ng mundo sa pagpapatong ng mga kamay ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan. Ang bautismong tinanggap ni Jesus ay ang bautismong tumupad sa pangako ng Diyos na walang hanggang kaligtasan, ng kapatawaran ng kasalanang tinalaga ng Diyos sa pamamagitan ng paraan ng paghahandog sa Levitico. Na inako ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng personal na bautismo at pagdanak ng dugo sa kamatayan sa Krus upang bayaran itong mga kasalanan ay pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan at ganap na kapatawaran ng kasalanan.
Upang iligtas tayo sa lahat ng kasalanan ng mundo pinabautismo ng Diyos Ama ang Kanyang Anak kay Juan. “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15). Ang “ganyan” ay nangangahulugang aakuin ni Jesus ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan sa pagbabautismo. Dahil binautismo ni Juan si Jesu-Cristo, ang ating mga kasalanan ay inilipat sa Kanya. Dahil inako ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo Siya’y binubo ng Kanyang dugo at namatay para sa atin. Ang bautismong tinanggap ni Jesus ay ang pag-ibig na handog ng Diyos at ang kapatawaran ng kasalanan. Matapos Niyang akuin lahat ng ating kasalanang inilipat sa Kanya, Siya’y naglubog sa tubig. Ang paglubog ay nagbabadya ng Kanyang kamatayan. At Siya’y umahong nagpapatotoo ng Kanyang paunang pagkabuhay muli.
Si Jesus ay Ating Manlilikha at Tagapagligtas
Tunay si Jesu-Cristo na naparito sa atin ay ang Diyos mismo na lumikha ng kalawakan at lahat ng bagay. Genesis 1:1 ay sinabi, “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa,” at sinasabi sa Genesis 1:3, “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng liwanag at nagkaroon ng liwanag.” Sinabi rin sa Juan 1:3, “At sa lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan Niya at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala Siya.” Si Jesu-Cristo ang talagang lumikha ng buong kalawakan kasama ang Ama at ang Banal na Espiritu.
Sa Filipos 2:5-8 ay sinabi, “Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip na ito’y na kay Cristo Jesus din naman, na Siya bagamat nasa anyong Dios ay hindi Niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay Niya sa Dios, kundi bagkus hinubad Niya ito at naganyong alipin na nakitulad sa mga tao, at palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, Siya’y nagpakababa sa Kaniyang sarili na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.” Siyang tunay na Manlilikha na gumawa nitong lupa at lumikha sa ating sangkatauhan. Upang mapalaya tayo sa kasalanan, itong Panginoon mismo’y naparito sa atin bilang isang tao, inako ang mga kasalanan ng mundo sa pagbabautismo ni Juan, nagbubo ng Kanyang dugo dahil sa bautismong ito, at sa gayo’y niligtas tayong lahat sa ating mga kasalanan.
Ang Mesias ang nagpagawa sa mga Israelita na gumawa lahat ng mga pintuan sa Tabernakulo sa paghahabi ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Kanyang pinagamit sa kanila ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid para sa mga pintuan ng Tabernakulong nahahayag sa Kanyang pagnanais upang iligtas lahat ng sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan: upang akuin ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus, at upang bayaran ang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus.
Sa Lumang Tipan, nagdadala ang mga makasalanan ng kanilang haing handog sa Tabernakulo at nililipat ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito sa harap ng dambana ng sunugan ng handog. At kanyang kukuhanin ang dugo nito sa pamamagitan ng paggilit ng lalamunan at ibibigay itong dugo sa mga saserdote. At iaalay ng mga saserdote sa Diyos sa pamamagitan ng papapahid ng dugo sa apat na sungay ng dambana ng sunugan ng handog, gayon din sa pagbuhos ng natitira sa lupa.
Sa Araw ng Pagtutubos, nang kinuha ng Mataas na Saserdote ang dugo sa haing handog kung saan ipinatong niya ang kanyang mga kamay tungo sa Kabanalbanalang Dako at iwiwisik ito sa luklukan ng awa, tinanggap ng Diyos itong dugo ng haing handog bilang hatol sa Kanyang bayan alang-alang sa kanila. Bakit ang haing hayop ay kailangan patayin? Dahil kinuha nito lahat ng kasalanan ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote sa ulo nito. Ang dugo, sa ibang salita, ang siyang sanhi nitong pagpapatong ng mga kamay. Kung gayon, tinanggap ng Diyos ang dugo ng haing hayop at nangamoy ang matamis na samyo ng laman nito sa dambana, at sa gayo’y natubos lahat ng kasalanan ng bayan ng Israel.
Sa panahon din ng Bagong Tipan, si Jesus ay dumating din tulad nito. Upang akuin ang ating mga kasalanan at pasanin ang hatol ng kasalanan, kailangang pumarito ang Panginoon sa pamamagitan ng katawan ng Birheng Maria, at Kanyang ginanap ang kaligtasan dahil sa bautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay siyang ebanghelyong naghahayag ng katotohanang si Jesus, ang Diyos mismo, ay binautismo at pinako.
Dahil inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo kaya Siya’y pinako, nagbubo ng Kanyang dugo, namatay, nabuhay muli sa ikatlong araw, at sa gayo’y naging Tagapagligtas natin na nananalig, nakaupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos. Si Jesu-Cristo ay tinulot yaong nananalig sa Kanya bilang kanilang Tagapagligtas upang tumawag sa Diyos ng Aba, Ama, sa pagtutubos ng lahat nilang kasalanan nang minsan sa harap ng Diyos Ama. Ito ang mga hiwaga ng katotohanang nakakubli sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus, tinupad ng Mesias ang paglilinis ng ating mga kasalanan at tiniis ang hatol ng ating mga kasalanan alang-alang sa atin. Ngayon, Siya’y naging Tagapagligtas ng sanlibutan. Tulad niyaon, dapat tayong manalig na ang pintuan ng Tabernakulo sa Lumang Tipan ay gawa sa paghahabi ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa mapinong binurdang lino, at dapat din tayong manalig na sa Bagong Tipan, ang Mesias na ating Tagapagligtas ay naparito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo at tiniis ang hatol ng lahat ng kasalanan sa Krus—sa gayo’y, dapat nating kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan.
Bilang mga Kristiyano, Ilang Pag-uukol ang Inyong Nilalaan sa Kanyang Salita?
Sinabi sa Exodo 25:22, “At diya’y makikipagkita Ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay Ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.” Gaano ka kalapit, kung gayon, sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng pagtutubos? Saan sinabi ng Panginoon na Siya’y magsasalita sa mga nananalig kay Jesus bilang Tagapagligtas? sa Exodo 25:22, Kanyang sinabi na Kanyang ibibigay lahat ng Kanyang mga utos mula sa ibabaw ng Kaban ng Tipan. Sa bayan ng Israel sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na Siya’y mangungusap sa kanila sa lahat ng bagay mula sa luklukan ng awa.
Dapat mong malaman na ito ang pangako ng Diyos na Kanyang aakayin ang inyong mga buhay matapos mapatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng nararapat na haing handog at gagawin kayong Kanyang bayan. Sinasabi ng Diyos sa atin gaano man kayo na naniniwala sa Kristiyanismo ay nagsisikap na akayin ng Panginoon, kung ika’y naniniwala kay Jesus nguni’t nananatiling mangmang sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon hindi ka Niya maaakay. Tulad niyaon, kung talagang nais mong akayin ka ng Panginoon, dapat mo munang malaman at tanggapin ang katotohanan ng kapatawaran ng kasalanang nagtubos sa iyong mga kasalanan nang minsan, at maghintay sa Kanyang gabay.
May isang bagay na nais kong sabihin sa inyo at ito’y kung nais mong maging anak ng Diyos, at kung nais mong maging bahagi ng Kanyang Iglesia, dapat munang matubos ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang hiwaga ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Tanging matapos nito iyo ring makakamit ang mga utos ng Diyos na sinabi sa iyo mula sa ibabaw ng Kaban ng Tipan.
Dapat nating tandaan at manalig na laging inuutos ng Panginoon at akaying ang ating mga buhay kapag taglay nating ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagtulot sa atin na mapatawad sa kasalanan. Iyo na bang nakakamit ang mga utos ng Panginoong binigay sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa? O iyong sinusunod ang Panginoon batay sa iyong sariling mga damdamin?
Ang inyong mga damdamin ay hindi makapagtatayo ng inyong pananampalataya, bagkus mag-aakay lamang sa iyo sa kalituhan. Kung iyong nais na sundin ang mga utos ng Diyos na sinambit mula sa ibabaw ng Kaban ng Tipan, dapat mo munang malaman at manalig na ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na sinambit sa Tabernakulo ay ang mga pagpapatawad ng kasalanan na binigay ng Diyos sa atin.
Aleluyah! Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa bautismo ng Panginoon, ang dugo sa Krus at ang Kanyang kapangyarihan at pag-ibig na nagligtas sa atin sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan.