(Exodo 37:10-16)
“At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasya, na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko’t kalahati ang luwang niyaon at isang siko’t kalahati ang taas niyaon. At binalot niya ng taganas na ginto at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot. At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot. At ipinagbuho ng apat na argolyang ginto at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon. Malapit sa gilid ang mga argolya na daraanan ng mga pingga upang mabuhat ang dulang. At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang, ang mga pinggan niyaon, at ang mga kutsara niyaon at ang mga tasa niyaon at ang mga kopa niyaon na pagbubuhusan.”
Sa Paglalagay ng isang Kuwadro sa Ating mga Puso, Tayo Dapat ay Maging Yaong Kumain ng Tinapay ng Buhay
Ang dulang ng tinapay, isa sa mga kagamitang makikita sa loob ng Tabernakulo, ay gawa sa akasyang kahoy, at nilatagan ng gintong dalisay. May sukat na dalawang siko (90 sentimetro) ang haba, isang siko at kalahati (67.5 sentimetro) ang taas, at isang siko (45 sentimetro) ang lapad. Sa dulang ng tinapay ay may 12 malaking tinapay, at itong tinapay ay maaaring kanin lamang nga mga saserdote (Levitico 24:5-9).
Sa mga katangian ng dulang ng tinapay: may isang kuwadro na isang dangkal ang luwang sa palibot; isang kornisang ginto ay inilagay sa palibot nitong kuwadro; apat na argolyang ginto ang inilagay sa apat na sulok; at ang mga argolya’y nakaalalay sa mga pingga ng akasyang kahoy na nilatagan ng ginto na ginamit sa pagbubuhat ng dulang. Ang mga kasangkapan ng dulang—ang mga pinggan, mga tasa, mga mangkok at mga kopa na pambuhos—ay gawa rin sa ginto.
Nakatala sa Exodo 37:11-12, “At binalot niya ng taganas na ginto at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot. At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot.” Ang dulang ng tinapay sa Banal na Dako ng Tahanan ng Diyos ay may isang kuwadro na kasing-taas ng isang dangkal, at sa palibot ng kuwadro ay isang gintong kornisa ang nakalagay. Bakit inutos ng Diyos kay Moises na maglagay ng gayong kuwadro? Itong kuwadro’y isang dangkal ang taas, nakausli ng halos 10 sentimetro, upang alalayan ang tinapay sa dulang na mahulog.
Tanging mga saserdote ang makakakain ng tinapay na nakalagay sa dulang ng tinapay, kaya tayo’y dapat na maging yaong maaaring kumain nitong espirituwal na tinapay. Tanging yaong naligtas sa kasalanan at nagkamit ng walang hanggang buhay dahil sa paniniwala sa bautismo ni Jesu-Cristo at sa dugo sa Krus—sa ibang salita, yaong naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang kanilang kaligtasan—ang makakain nitong tinapay.
Dahil ang isang kuwadra ay kasing-taas ng isang dangkal ay natatanging inilagay sa palibot ng dulang ng tinapay ng Tabernakulo, upang tiyakin na ang tinapay ay di-dudulas at mahulog. At sa tuwing Sabath, maiinit, sariwang tinapay ay nilalagay sa dulang. Kailangan nating bigyang-pansin sa katotohanang isang dangkal ng kuwadra ay gawa sa palibot ng dulang ng tinapay, at ang kuwadra ay binalutan sa palibot ng isang kornesong ginto.
Ang kuwadra ng dulang ng tinapay ay tinuturo sa atin na dapat manangan sa ating mga puso ang Salita ng katotohan na maghahatid sa atin ng kaligtasan at sa gayo’y matatamo ang walang hanggang buhay. Sinasabi nito sa atin na tayo’y makakamit ang espirituwal na pananampalataya ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit sa pintuan ng Tabernakulo nang tayo’y manalig lang sa bautismo ni Jesu-Cristo at sa dugo sa Krus. At ating nalaman dahil sa kapahayagang ito na yaon lang nanalig sa nahayag na katotohanan nitong mga bughaw, kulay-ube at pulang sinulid mapinong binurdang lino ay naging anak ng Diyos.
Dahil tayo’y walang magiging kaugnayan sa Panginoon maliban tayo’y manalig sa paraang ito, yaong naghahanap ng tinapay ng buhay ay dapat magkaroon ng pananampalataya na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Dapat tayong manalig na tanging ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang tunay na katotohanan ng kaligtasan. Sinasabi ng Diyos sa atin, sa maikling salita, na itaas ang kuwadra ng pananampalataya sa ating mga puso upang ang Salita ng kaligtasan ay di mahuhulog mula sa atin.
Itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay iniabot sa atin mula sa panahon ng Naunang Iglesia. Mula sa panahon nitong Naunang Iglesia hanggang sa kasalukuyan, nilinis ng Diyos ang mga kasalanan niyaong nanalig sa ebanghelyong ito. Makikita natin ngayong tulad dati, nililigtas ng Diyos ang mga kaluluwa ng mga nanalig sa katotohanan nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tayo’y naligtas dahil sa pananalig sa katotohanang nahayag sa pintuan ng Tabernakulo at tinulot ng Diyos tayo na mamuhay espirituwal sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kuwadra sa ating mga puso.
Mula sa ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon, tayo’y nagtamo ng walang hanggang buhay, at dahil itong ebanghelyo katotohanan ating maibabahagi ang tinapay ng buhay sa iba. At tayo rin ay makapaglilingkod sa matuwid na mga gawa ng Diyos. Maging nang tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung bigo tayong taimtim na tumangan sa katotohanan nitong ebanghelyo sa paglipas ng panahon at maglaho ito, kung gayon ibig sabihin walang iba kundi ang kawalan ng ating buhay. Tulad niyaon, dapat nating itaas ang kuwadra ng pananampalataya sa ating mga puso sa palagiang pagninilay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sa Ating mga Puso ay Dapat Naroon ang Pananampalatayang Nanalig sa Ebanghelyong Nakapaloob sa Bughaw, Kulay-ube at Pulang Sinulid
Kung ang tao’y di-taglay ang pananampalataya sa katotohanang ito, kung gayon hindi sila maliligtas sa kanilang mga kasalanan. Maaari nilang ipilit sa kanilang sarili na sila’y tiyak na ligtas, nguni’t hanggang ngayon, dahil ang kanilang mga puso ay hindi tangan at nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, itong kaligtasang taglay nila ay pawang isang di-ganap.
Ang di-pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang katotohanan ay tulad din ng kasalanang pagtalikod sa Panginoon sa ating sarili. Ang tinapay ng buhay ay di lamang isang bagay na kailangan nating magkaroon, kundi ito’y isang bagay na dapat ilagay sa ating mga bibig, nguyain at kanin ito, at sa gayo’y maging ating ang katotohanan. Kung tayo’y magpatuloy na di-nananalig sa Salita ng Diyos at tangan ito sa ating mga puso, kung gayon ang katotohanan ng kaligtasan ay maglalaho sa ating mga puso sa ilang sandali.
Maaaring magtaka ka kung paano mangyayari ito sa iyo na maglaho ang gayong mahalagang kaligtasan gayong naligtas ka sa kasalanan. Nguni’t sa kasawiang-palad, marami ang di nakakapit sa Salita ng Diyos, bagaman kanilang natamo ang katotohanan na may galak sa una, ay magtatapos sa kamatayan, dahil hindi sila nag-ugat ng pananampalataya sa lupa ng tunay na ebanghelyo.
Ukol sa bagay na ito, nagwika si Jesus ng apat na iba’t ibang lupa ng puso sa ‘talinhaga ng maghahasik’ (Mateo 13:3-9, 18-23). Sa talagang ito, ang mga binhi ng katotohanan ng Diyos ay hinasik sa apat na iba’t ibang lupa ng puso ng tao. Ang unang lupa ay sa daanan, ang ikalawa’y sa mabatong dako, ang ikatlo’y sa matinik na lupa, at ang ikaapat ay sa mabuting lupa. Sa mga ito, ang mga binhing nahulog sa unang tatlong lupa ay hindi namunga, at yaon lang nahulog sa ikaapat na lupa, ang mabuting lupa, ang namunga. Ibig sabihin na maraming tao ang mawawalan ng kanilang kaligtasan sa kalagitnaan bagaman sila’y minsang nakarinig at tumanggap sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang tunay na ebanghelyo ng kaligtasan. Tulad niyaon, dapat nating tandaan na kung ang lupa ng iyong puso ay hindi mabuti, marahil para sa atin na maglaho ang kaligtasang binigay ng Panginoon sa atin.
Kung ang ating mga puso’y nanalig sa kaligtasan na nagmula sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kung gayon ang lupa sa ating mga puso ay maaaring maging mabuti. Nguni’t kung minsan makikita natin na ang ibang tao’y nawawala ang kanilang kaligtasan dahil sa kanilang walang kakayanang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya dulot ng di-pagkakaroon ng kanilang malalim na pananalig sa Salita ng Diyos. Ito kung bakit dapat tayong manatili sa Iglesia ng Diyos, magkaroon ng tinapay ng buhay araw-araw, at mamunga sa pananampalataya. Sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kinukupkop tayo ng Diyos araw-araw upang lumago ang ating pananampalataya.
Dapat nating patibayin ang ating mga pananampalataya araw-araw ng kapatawaran ng kasalanang ating natamo. Ang katotohanang dapat na makita sa ating mga puso ay ang kaligtasan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Itong katotohanan ng kaligtasan ay nasa puso ng mga napatawad sa kasalanan. Sa pamamagitan ng pagbabago ng ating pananampalataya dito sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo’y araw-araw na mamumuhay bilang mga anak ng Diyos.
Tulad niyaon, maging yaong nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat ding pagnilayan araw-araw sa ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at patibayin ang kanilang pananampalataya araw-araw. Bakit? Dahil kung hindi tayo laging matatag at matibay na nakatangan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, anumang oras ay maaaring maglaho ito. Dapat lagi nating tandaan kung ano ang sinabi ng manunulat sa Hebreo sa “Jewish Diaspora:” “Kaya’t nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo’y makahagpos” (Hebreo 2:1).
Ngayon, maging sa mga nakakaalam ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, makikita natin na marami yaong ang pananampalataya sa ebanghelyo ay kumupas sa paglipas ng panahon. Ito’y dahil sila’y, bagaman nanalig na sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay nabigong patuloy na kumain ng tinapay ng buhay sa Banal na Dako, at sanhi nito, ang kanilang mga puso’y hindi nagbago sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya.
Marami ring mga lingkod ni Satanas dito sa lupa ang nagsisikap na patayin ang mga matuwid sa pagpapakain sa kanila ng lebadurang tinapay, ito ay, ang mga aral ng kanilang sariling laman. Kung ang huwad na ebanghelyo ay pinakilala sa Iglesia ng Diyos, kung gayon ang katotohana’y mahahaluan ng mga kasinungalingan, ang mga mananampalataya ay magiging yaong hindi tatanggapin ng Panginoon. Ang gayong tao’y nalalaman ang katotohanan nguni’t di-naniniwala dahil sa kanilang kabiguang itaas ang kuwadra ng pananampalataya, at kaya sila’y nagtapos bilang isang tao na hindi na ganap na maliligtas sa kasalanan. Sinabi sa Mga Kawikaan 22:28, “Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa na inilagay ng iyong mga magulang.”
Samakatuwid lubos na mahalaga para sa atin na huwag alisin ang palatandaan sa ating pananampalataya. Malinaw tayong dapat maglagay ng hangganan sa ating tunay na pananampalataya at ipagtanggol ito hanggang sa araw na ang Panginoon ay magbalik. Saka lang lagi tayong makakakain ng tinapay ng buhay, saka lang makapananahan ang Panginoon sa kahibuturan ng ating mga puso, at saka lang tayo magkakaroon ng walang hanggang buhay. Gaano mang tinapay ang ibigay ng Diyos sa atin, kung hindi tayo nagpapasalamat sa kahalagahan nito at bigong manahan ang ating mga puso, o kung ating aalisin ang kuwadra sa ating mga puso at hayaang dumausdos mula sa dulang, tayo’y magtatapos na magiging anak ng kapahamakan.
Ang iba sa atin kamakaila’y napatawad sa kanilang kasalanan, habang ang iba’y, maraming dekada na mula nang sila’y makarinig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at napatawad sa kanilang mga kasalanan. Yamang ang ating araw araw na naririnig ay ukol sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maaaring posible na ang iba sa ati’y napapagod magmula ang salitang “tubig” ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mabanggit. Nguni’t gayunman, tayo’y dapat patuloy na kumain ng tinapay ng tunay na ebanghelyo. Gaano kahaba nating gagawin ito? Hanggang sa pagbalik ng ating Panginoon.
Ang iba sa inyo ay maaaring magreklamo na ako’y lagi at paulit-ulit na nangangaral sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t dapat mong malaman kung bakit kailangan kong mangaral sa ganitong paraan. Ito’y dahil ang ating pananampalataya ay dapat higit na palakasin sa pagninilay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang tayo’y maging mga manggagawang Diyos. Dapat nating tuparin ang tungkulin ng tapat at mapagkatiwalang bantay para sa mga kaluluwa ng panahong ito. Para rin sa mga mga kaluluwa ng isinilang na muli, itong tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tinapay ng buhay at ang tunay na pagkain ng pananampalataya. Tulad niyaon, dapat nating taglay itong tinapay bawa’t araw, at hindi lang ito—ito ay, hindi natin dapat taglay ito para lang sa ating mga sarili—bagkus ay dapat din nating ibahagi ito sa iba bawa’t araw upang sila ma’y mapatawad sa kasalanan.
Ang tinapay ng matuwid ay ang palawigin ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu at sa gayo’y maligtas ang tao mula sa kapangyarihan ng kadiliman at maihatid sa kanila ang Kaharian ng Anak ng Kanyang pag-ibig (Juan 4:34, Colosas 1:13). Kung ating pababayaang magkaroon ng tinapay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon di-maiiwasang tayo’y magkakasakit o mamamatay. Minsan, dahil sa kahinaan ng ating laman, ang ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay manghihina. Nguni’t kung mananangan tayo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa panahon ng kaguluhan, kung gayon ito’y magiging isang bintana ng pagkakataon para sa ating mga kaluluwa na maging lalong matibay.
Kapag ating narinig ang nagnilay nitong ebanghelyo ng katotohanan, sa lalong pakikinig, lalong ang ating mga kaluluwa’y lalakas, higit na lakas sa ating pananampalataya ang magaganap, at higit na bagong lakas ang uusbong sa ating mga puso. Kailangan nating marinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bawa’t araw, at patibayin at dalisayin ang ating pananampalataya nitong ebanghelyo. Tulad ng sinabi ng Diyos, “Aalisin ang dumi sa pilak at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo” (Mga Kawikaan 25:4), kailangan tayong patuloy na makinig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tanggapin sa ating mga puso, at pagnilayan ito bawa’t oras—dahil ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tinapay ng buhay na bumubuhay sa atin! Tulad ng sinabi ni Jesus sa Panalangin ng Panginoon, “bigyan Ninyo kami ng aming makakain,” binigay nga ng Panginoon sa atin ang Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito kung bakit Kanyang sinabi sa atin na manalangin ng ganito.
Pagdating sa kaligtasan ng kapatawaran ng kasalanang binigay ng Diyos sa atin, dapat nating linawin kung paano ang ating pananampalataya noon bago tayo maligtas. “Bago ko malaman ang katotohanang ito, hindi ako ligtas sa kasalanan.” Malinaw nating aminin na sa panahong iyon, bagaman tayo’y naniniwala kay Jesus, hindi tayo naligtas sa kasalanan. “Ako’y di ganap na naligtas sa kasalanan sa panahong yaon, nguni’t nang ako’y patuloy na nakinig nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nanalig ako ng aking puso sa tamang panahon.
Bagaman noon ako’y nanalig kay Jesus bilang aking Tagapagligtas, ang aking kaligtasan ay di ganap noon, nguni’t ngayon, sa pakikinig ng tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ako’y tunay na ligtas na. Ngayon ako’y tunay na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at tunay akong nananalig.” Nang iyong nalaman lang at nanalig na ganap na niligtas ka ng Panginoon sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at sa dugo sa Krus na ang handog ng tunay na kaligtasang bumaba sa inyong mga puso mula sa Langit. Itong pananampalatayang nananalig sa katotohanan ay ang tunay na pananampalatayang nagligtas sa inyo.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa Biblia ay may kaibahan sa pananampalatayang taglay natin noon. Tayo, sa panahong yaon, ay nanalig sa ebanghelyo lang ng dugo sa Krus, sa halip na sa ganap na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pananampalataya lang sa Krus at pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay maaaring lumitaw na magkahawig sa simula, nguni’t ang dalawa’y lubos na magkaiba sa huli. Bago mo nalaman itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi ba’t naniwala ka lang sa dugo sa Krus? Ang lahat ba ng iyong kasalanan ay tinubos? Hindi! Nang ika’y naniwala lang sa dugo sa Krus ni Jesus, nariyan pa rin ang inyong mga kasalukuyang kasalanan sa inyong mga puso. Ito ang kaibahan sa pagitan ng pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang pananampalatayang nananalig lang sa Krus.
Ang malinaw na kaibahan ay yaong naniniwala lang sa dugo sa Krus at hindi ligtas habang yaong naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ligtas sa lahat nilang kasalanan. Tulad niyaon, ang kanilang mga espiritu ay walang-kamaliang may kaibahan. Nguni’t ang karaniwang tao ay di nalalaman ito. Bagaman ang dalawang ebanghelyo ay animo’y magkahawig, may isang malaking puwang ng pananampalataya sa pagitan ng dalawa na hindi maaaring paigsiin. Kapag ang maliit na kaibahan sa pagitan ng kung tayo’y nananalig sa bautismo o hindi ay ang magbibigay sa atin o mag-aalis ng walang hanggang buhay, kung gayon atin lamang kikilalanin na may isang kaibahan sa pagitan nitong dalawang pananampalataya na kailanma’y di mababaybay.
Tiyaking dapat nating malaman anong pananampalataya ang binubuo ng hangganan ng ating kaligtasan sa kasalanan. Upang maligtas sa kasalanan, dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang katotohanan ng kapatawaran ng kasalanan. Ang malinaw na katayuan ng kaligtasan ay mapapasaiyo kung iyong aaminin na ika’y tiyak na hindi naligtas bago ka manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ngayo’y tunay kang nananalig sa tunay na ebanghelyo sa pamamagitan ng inyong buong puso.
Kung nananalig ka sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na buong puso, kung gayon malinaw mong angkinin ito sa harap ng Diyos, na ika’y napatawad sa iyong mga kasalanan sa pakikinig at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung ngayo’y nanalig ka sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon ika’y walang-kamaliang makikita ang katibayan sa inyong mga puso.
Dapat maayos nating suriin ang ating pananampalataya sa Diyos. Sukdulang walang nakakahiya ang pagsusuri sa ating pananampalataya. Kung umabot ka ng limang taon mula nang ika’y unang manalig kay Jesus upang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa sentro ng inyong mga puso, walang nakakahiya. Kung inabot ng 10 taon upang ika’y maligtas, walang nakakahiya rito, at kung umabot ng 20 taon upang ika’y maligtas, wala pa ring sukdulang nakakahiya rito. Sa kabilang banda, ito’y isang pagpapala.
Subali’t, ang katunaya’y maraming nagkukunwari na ligtas sa kasalanan. Nguni’t ang Banal na Espiritu, na sumasaliksik ng lahat ng bagay, ay di sasang-ayon sa kanilang pananampalataya, dahil wala silang tapat na malinaw na linya ng kaligtasan. Higit na matalino, maging ngayon, malinaw na itakda ang linya ng hangganan ng ating kaligtasan—hindi nalalaman ang tiyak na araw nang maligtas, nguni’t ang mahalaga rito ay malinaw na makita ang kaibahan sa pagitan ng bago at pagkatapos na tayo’y maligtas—at upang ipahayag ang iyong natatanging ganap na pananampalataya.
Ang Ating mga Ama sa Pananampalataya Rin ay Nanalig sa Iisang Ebanghelyong Ating Pinaniniwalaan Ngayon
Matapos nakatawid sa Pulang Dagat, nang ang bayan Israel ay tumawid sa Ilog Jordan upang pumasok sa lupain ng Canaan, ligtas lamang silang makatatawid kung sila nga’y susundan ang kanilang mga saserdote na siyang unang nagdadala ng Kaban ng Tipan ng Diyos. Kung ating iisipin sa ating mga sarili, “Oh, sa gayon ako makatatawid sa Ilog Jordan,” at hindi naman talagang tumawid, kung gayon hindi tayo makapapasok sa lupain ng Canaan, dahil nananatili pa rin tayo sa kabilang panig ng ilog. Upang makapasok sa lupain ng Canaan, sukdulang dapat tayong tumawid sa Pulang Dagat at sa Ilog Jordan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon.
Sa usapang espirituwal, ang Ilog Jordan ay ang ilog ng kamatayan at pagkabuhay muli. Ang pananampalatayang nagligtas sa atin sa kasalanan ay ang pananampalataya na nananalig, “Ako’y dapat na itapon sa impiyerno, nguni’t naparito sa lupa ang Panginoon at niligtas ako sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus.” Upang ganap tayong maligtas, binautismo ang ating Panginoon sa Ilog Jordan at nagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Sa paraang ito Kanyang inako ang ating mga kasalanan at binayaran ang kasalanan sa paghahandog ng Kanyang sariling buhay para sa atin. Ngayon, dapat tayong manalig sa katotohanang ito at iguhit ang linya ng pananampalataya at ang linya ng kaligtasan sa ating mga puso.
Habang aking pinangangaral ang Salita ng Diyos, nakikita kong marami sa Kanyang Iglesia ang malinaw na hindi pa nagguhit ng linya ng kaligtasan sa sentro ng kanilang mga puso at sa gayo’y hindi makasusunod sa Panginoon. Sila’y nagtataka kung paano nila maguguhit ang linya sa pagitan ng dati at ngayong kanilang kaligtasan. Nagliliban ng kanilang mga sarili sa pagsasabing, “Mayroon ba sa mundong ito ang gumuhit na nitong linya? Ginawa ba ni Apostol Pablo? Ni Pedro? Wala ni isa ang gumawa nito.” Nguni’t ang mga Apostol ng pananampalatayang tulad ni Pablo at Pedro lahat ay ginuhit ang linya ng kaligtasan.
Sa halimbawa ni Pablo, ginuhit niya habang siya’y patungong Damasco. Kaya, kanyang madalas sabihin ang mga salita “minsan, sa panahong lumipas, o bago” salungat sa salitang “ngayon.” Kay Pedro, kanya ring sinabi ang iisang mga salita (1 Pedro 2:10, 14, 25). Makikita natin na kanya ring ginuhit itong linya kung ating titignan itong mga kapahayagan: “Ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:16), at, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi ng Dios sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo” (1 Pedro 3:21). Si Pablo at si Pedro’y malinaw na ginuhit ang linya ng pananampalataya sa pagitan ng bago at matapos ang kanilang kaligtasan.
Kaya, itong katanungan kung ika’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o hindi ay hindi suliranin ninuman, nguni’t ito’y lubos na isang suliranin ng inyong sariling kaluluwa. Ang mga lingkod ng Diyos sa Biblia lahat ay tumatalakay sa suliranin ng kasalanan. Dahil ito ay isang lubos na mahalagang suliranin para sa ating lahat, tayo mismo ay dapat lutasin ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Kapag tayo’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sa gayo’y lutasin ang suliranin ng kasalanan mula sa sentro ng ating mga puso, ang Diyos ay lubos na nalugod. Nais mo bang bigyang lugod ang Diyos? Kung gayon ang kailangan mo lang gawin ay kilalanin ang iyong kasamaan at lutasin itong suliranin sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung hanggang ngayon ay hindi ka pa ligtas, kung gayon dapat mong ipahayag, “Oh Diyos, ako po’y hindi pa ligtas.”
Sinabi ni Jesus, “Anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit at anomang iyiong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:19). Sa ating panig, dapat muna nating aminin, “Niligtas ako ng Diyos sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu. Sa kasalukuyan, sa sentro ng aking puso, naniniwala ako sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Walang dudang niligtas ako ng Panginoon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.”
Lahat Tayo’y dapat tanggapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ating mga puso. “Nagtitiwala ako sa ebanghelyong ito. Dahil sa katotohanang ito, inalis ng Panginoon ang aking mga kasalanan nang higit, naniniwala ako sa ebanghelyong ito ngayon. Ako’y di naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya.” Kung atin ngang kikilalanin at paniniwalaan ang ebanghelyong binigay ng Panginoon, kaya sinabi ng Diyos sa atin, “Sang-ayon Ako sa inyong pananalig.”
Nang binigay na ng Diyos sa atin ang katotohanan ng tubig at ng Espiritung ganap na nagligtas sa atin, kung tayo, sa ating bahagi, hindi ginuhit ang linya ng kaligtasan at tinanggap itong kaligtasan dahil sa pananalig sa katotohanang ito, ang Diyos sa gayon, para sa Kanyang bahagi, hindi tayo makikila bilang ligtas din. Dahil tinuturing tayo ng Diyos na may personalidad at hindi sapilitan, kung ika’y di-mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa sentro ng inyong mga puso, kung gayon hindi Niya maibibigay sa iyo ang kapatawaran ng kasalanan. Kung hindi mo kikilalanin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa inyong mga puso, sa ibang salita, hindi mananahan ang Banal na Espiritu sa inyong mga puso.
Atin bang tinatanggihan lahat ng ibang ebanghelyo maliban ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang huwad? O inaakala natin na maging gayong huwad na mga ebanghelyo ay may silbi pa rin, at di na kailangan upang itapon ang mga ito? Kailangan suriin ang ating mga sarili at tignan kung paano tayo nananalig. Ating ipalagay panumandali na tayo’y nagmula sa isang tambak na mga lumang aparato at mga elektroniko. Atin pang ipalagay na nagdala tayo ng mga ito sa bahay, inaakalang atin pa rin itong magagamit, nguni’t di maglaon ay makikita na wala ni isa sa mga ito ang gumagana at lahat ng ito’y wala ng pakinabang. Atin pa ba itong itatago o itatapon? Kapag ating pinasiya na lahat ng mga ito’y walang pakinabang, kailangan nating itapon ang mga ito. Kapag iyong napasiyang walang pakinabang ito sa iyo at hindi tunay, kung gayon dapat mo ring malaman kung paano itapon ito.
Kung ganito tayo dapat kumilos sa mga makalupang bagay, paano kung gayon tayo kikilos pagdating sa ating mga bagay na espirituwal? Dapat pang higit tayong tiyak sa ating pagtanggi sa mga kasinungalingan sa ating espirituwal na mga bagay. Dapat nating iguhit ang isang malinaw na linya na magpapasiya sa ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu mula sa huwad na pananampalatayang naniniwala lang sa dugo sa Krus; dapat nating kilalanin na ang pananampalataya lang sa dugo sa Krus ay di magliligtas sa atin; at ating dapat na ipasiyang itapon itong mga huwad na doktrina. Alin ang biblikal na ebanghelyo? Ang ebanghelyo lang ba ng dugo sa Krus? O ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ang iyong pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nagligtas sa iyo sa iyong mga kasalanan ang nakalulugod sa Diyos.
Sa maikling salita, mayroong dalawang uri ng Kristiyano: Yaong nalalaman at naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at yaong hindi. Marahil makikita na ang mga ito’y may kawangis ng buhay pananampalataya, nguni’t sa katotohana’y ang dalawa’y lubos na iba. Ikaw ba, sa anumang pagkakataon, inaakala na ang di-ganap na ebanghelyong iyong pinaniwalaan dahil ay may silbi parin? Iyo pa rin bang pinangingilin sa oras na ito, inaakalang may silbi sa huli?
Ang gayong pananampalataya’y isang pananampalatayang huwad, isang bagay na nagmula sa mga likhang isip ng tao, at kailangan mong itapon lahat ng lumang bagahe ng lumipas. Dahilang hindi mo pa rin tinatapon ang hindi tunay at mga kasinungalingan kaya ika’y nagkakaroon ng mga suliranin sa sentro ng inyong mga puso. Pinapayo ko na alalahanin ang Kanyang Salita: “Iingatan ninyo ang Aking mga palatuntunan. Huwag ninyong pagaasawahin ang dalawang hayop ninyong magkaiba, huwag kayong maghahasik sa inyong bukid ng dalawang magkaibang binhi, ni damit na hinabi na may magkahalong dalawang magkaibang kayo ay huwag kayong magsusuot” (Levitico 19:19).
Upang Pumasok sa Banal na Dako, Dapat Lamang tayong Pumasok sa pamamagitan ng Pintuan nito
Sa anong materyal gawa ang pintuan ng Tabernakulo? Ito’y hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Yaong isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu ay dapat buksan itong pinutan ng Tabernakulo at pumasok sa Banal na Dako. Sa ilalim ng mga haligi ng pintuan ng Tabernakulo, tungtungang pilak ay nakalagay. Itong mga pilak na tungtungan ang gumawa sa atin na kilalanin na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tunay na kaligtasan.
Tinuturo nila sa atin na bagaman wala tayong pagpipilian kundi upang hatulan ng Diyos at mamatay dahil sa ating mga kasalanan, sa pagtanggap ng pagpapala ng pagsilang na muli sa tubig sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo’y naging sariling bayan ng Diyos. Makapapasok tayo sa Tabernakulo kung atin lang itatapon ang maling palagay na, ng mga kulay ng apat na mga sinulid na ginamit para sa pintuan nito, tayo’y maliligtas dahil sa pananalig lang sa ministeryo ni Jesus na nahayag sa pulang sinulid lang.
Malibang itapon natin ang ating makasariling mga kaisipan at pananampalataya, hindi tayo maniniwala sa kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Dapat nating kilalanin na ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at dapat nating kilalanin ang kamalian ng ating mga makasariling kaisipan nang tayo’y dating nanalig lang sa dugo sa Krus.
Kung ang Diyos ay handa, ika’y Kanyang aakayin sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yaon lang nanalig sa katotohanang ito ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang mapapatawad sa lahat nilang kasalanan at kamtan ang walang hanggang buhay. Saka lang natin mabubuksan ang pintuan ng kaligtasan dahil sa pananalig sa katotohanang ito sa sentro ng kanilang mga puso at pumasok sa Banal na Dako.
Kung bigo kang malaman ang kamalian ng ating lumang pananampalataya na iyong taglay bago mo malamang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon ika’y dadanas ng parusa ng kasalanan, dahil hindi ka maliligtas. Kung ito’y mangyayari, di ka makapapasok sa Banal na Dako at kamtan ang tinapay ng buhay. Kapag ika’y pumasok lang sa Banal na Dako dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu iyong makakamit ang mainit na tinapay ng buhay.
Dapat mong mabatid na ang Panginoon ay ginawa kang anak ng Diyos sa pamamagitan ng paghuhugas ng iyong mga kasalanan sa Kanyang bauitsmo, ang bughan na sinulid, at sa pagtitiis ng hatol ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng dugong dumanak ng Krus, ang pulang sinulid. At malinaw mong malaman at manalig na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang katotohanang lubos na kailangan mo. Ikaw ay makadadalo sa Iglesia ng Diyos at ibahagi ang tinapay ng buhay sa mga matuwid lamang nang iyong malaman na ang Diyos ay Siyang nagbigay sa iyo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kapag ika’y nanalig lamang sa ebanghelyo ito.
Ang Laman ng Panginoon Ay ang Tinapay ng Buhay at Kapatawaran ng Kasalanan
Ating tignan ang Juan 6:49-53: “‘Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang at sila’y nangamatay. Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit upang ang taong makakain ay huwag mamatay. Ako ang tinapay ng buhay na bumabang galing sa langit, kung ano sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya’y mabubuhay magpakailanman, oo at ang tinapay na Aking ibibigay ay ang aking laman sa ikabubuhay ng sanglibutan. Ang mga Judio nga’y nangagtatalo na nagsasabi, ‘Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang Kaniyang laman?’ Sinabi nga sa kanila ni Jesus, ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang Kaniyang dugo ay wala kayong buhay sa inyong sarili.’” Sinabi ni Jesus na yaong kumain ng Kanyang laman at uminom ng Kanyang dugo ay may walang hanggang buhay. Ibig sabihin ng salaysay na lahat tayo’y dapat kumain ng laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo.
Paano, kung gayon, ating makakain ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo? Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ating makakain ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo. Sa pananalig na inako ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ating makakain ang Kanyang laman, at sa pananalig na pinasan ni Jesus ang ating mga kasalanan at nahatulan sa Krus para sa kanila, ating maiinom ang Kanyang dugo.
Dapat ding tayong manalig na sa pamamagitan ng mga gawa ng kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, inalis ni Jesus ang ating mga kasalanan at ginawa tayong sariling anak ng Diyos. Paano ka man nanalig bago manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat mong kilalanin na itong iyong lumang pananampalataya ay mali, at dapat mong itaas ngayon ang kuwadra ng pananampalataya sa pagkakaroon ng laman at dugo ni Jesus at kanin ang tinapay ng Salita.
Juan 6:53 ay sinasabi, “Sinabi nga sa kanila ni Jesus, ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang Kaniyang dugo ay wala kayong buhay sa inyong sarili.” Hanggang ngayon, ang ibang tao’y ginagamit itong talata upang makipagtalo para sa doktrina ng “transubstantiation.” Itong doktrina ay naglalaman na ang tinapay at alak na ginamit sa Banal na Hapunan ay nagiging tunay na laman at dugo ni Jesus kapag kanilang ginagawa ang rituwal sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t dapat nating malaman at maniwala na itong talata ng Juan 6:23, malayo sa “transubstantiation,” sa katunaya’y nangungusap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sa Banal na Hapunan, kung ika’y maghihintay sa isang pila at ang pari’y maglalagay ng isang piraso ng tinapay sa iyong bibig, ang tinapay ba’y magiging katawan ni Jesus? Hindi! Makakain nating ang laman ni Jesus at maiinom ang Kanyang dugo dahil sa pananalig na si Jesus ay naparito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng mundo at nilinis ang mga ito sa pagbautismo, pagpasan nitong mga kasalanan sa Krus at namatay, at sa gayo’y niligtas tayo sa ating kamatayan.
Yaong kumain ng laman ni Jesus at uminom ng Kanyang dugo sa pamamagitan ng pananampalataya ay yaong nanalig sa katotohanan na si Jesus, sa pamamagitan ng bughaw at pulang sinulid, ay niligtas tayo sa kasalanan sa pagkuha ng ating mga kasalanan at pagtitiis ng hatol ng kasalanan sa Kanyang sariling katawan. Dapat nating kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa bautismo at dugo ni Jesu-Cristo.
Upang tanggapin ang ating mga kasalanan ay ilipat sa Kanya, binautismo ni Juan Bautista si Jesus sa Ilog Jordan. Ating tignan sa Mateo 3:15-17: “Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’”
Dahil inako ni Jesus lahat ng kasalanan nang Siya’y bautismuhan ni Juan at namatay sa Krus na Kanyang tinupad lahat ng katuwiran ng Diyos. Ang ating pananampalataya na nananalig sa katotohanan ng ebanghelyo, na lahat ng kasalanan ng mundo’y inilipat kay Jesu-Cristo nang Siya’y bautismuhan ni Juan, ay ang tunay na pananampalataya kung saan ating makakain ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo.
Kung iyong kinikilala ang katotohanang ito, kung gayo’y iyo ng nakain ang laman ni Jesus sa pananampalataya. Na ang iyong mga kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesu-Cristo nang minsan ay ang katotohanan, at samakatuwid ito’y lubos na mahalaga para sa iyo na manalig sa sentro ng inyong mga puso. Itong pananampalataya ay ang pananampalataya na nagtulot sa iyo na kanin ang laman ni Jesus. Ang inyo bang mga kasalanan ay nailipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan? Kapag ika’y nanalig lang dito iyong makakain ang laman ni Jesus. Matapos bautismuhan si Jesus, sumigaw si Juan Bautista, “Narito! Ang Cordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29)
At dahil tinanggap ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo nang Siya’y bautismuhan, Kanyang pinasan ang lahat ng ito sa Kanyang sariling katawan, pinako, at nagbubo ng Kanyang dugo at namatay. Sa pagpapako ng Kanyang mga paa at mga kamay, at pagdanak ng Kanyang dugo, sumigaw si Jesus habang Siya’y namamatay, “Naganap na!” Siya ngayo’y nabuhay muli sa ikatlong araw, nagpatotoo sa loob 40 araw, umakyat sa Langit tulad ng Kanyang anyo, at Siya ngayo’y nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama. At Kanya ring pinangako na Siya’y magbabalik tulad ng Kanyang pag-akyat sa Langit. Nananalig ka ba sa katotohanang ito sa sentro ng inyong mga puso? Dahil sa pananalig nitong katotohanan iyong makakain ang laman ni Jesus at mainom ang Kanyang dugo. Nang tayo’y tunay na nanalig sa sentro ng ating mga puso na ating makakain ang laman ni Jesus at maiinom ang Kanyang dugo. Sa pananampalatayang ito ating makakain ang tinapay sa Banal na Dako.
Inutos ng Panginoon sa atin na laging alalahanin ang Kanyang laman at dugo sa tuwing tayo’y magtitipon (1 Corinto 11:26). Tulad niyaon, sa tuwing tayo’y magtitipon, dapat lagi nating gunitain ang laman at dugo ni Jesus. Nang sa pamamagitan ng pananampalataya na ating ipalagay na kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo sa tuwing tayo ay magtitipon, paanong ating lang tangan ang Banal na Hapunan bilang isang pormal na rituwal lamang?
Dahil tayo’y nanalig sa bautismo kung saan inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang katawan at sa Kanyang haing dugo sa Krus, sa pananampalataya na ating maalala ang Kanyang laman at dugo bawa’t araw. Dahil tayo’y nanalig sa katotohanan ng tubig at ng Espiritu na bawa’t araw ating makakain ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo. Tulad ng sinabi ni Jesus, “Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan (Juan 6:54),” Kanyang itataas yaong kumain ng Kanyang laman at inumin ang Kanyang dugo sa huling araw.
Dapat nating aminin na kung ang ating pananampalataya ay di-magtutulot sa atin na kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo, kung gayon ito’y huwad na pananampalataya. Sinabi ng ating Panginoon, “Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggang at siya’y Aking ibabangon sa huling araw. Sapagka’t ang Aking laman ay tunay na pagkain at ang Aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananahan sa Akin at Ako’y sa kaniya. Kung paanong sinugo Ako ng Amang buhay at Ako’y nabubuhay dahil sa Ama, gayon din naman ang kumakain sa Akin, siya nama’y mabubuhay dahil sa Akin” (Juan 6:54-57).
Yaong kumain ng laman ng Panginoon at inumin ang Kanyang dugo sa pananalig ay mabubuhay dahil sa Kanya. Sa kabilang dako, yaong di kumain ng laman ng Panginoon at uminom ng Kanyang dugo ay mamamatay, dahil sila’y di nananalig. Nguni’t hindi mahirap para sa atin na kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ating ipalagay panumandali rito na may isang pagsusulit ng kaligtasan na dapat nating kunin upang makapasok sa Kaharian ng Diyos. Isa sa mga katanunga’y, “Anong pananalig ang magtutulot sa iyo na kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo?” Paano natin masasagot itong katanungan? Kapag ang laman at dugo ni Jesus ay naglalaman ng katotohanan, atin bang masasabi na ating kinain ang Kanyang laman gayong atin lamang ininom ang Kanyang dugo? Dapat nating isulat ang bautismo at ang Krus ni Jesus bilang ating kasagutan. Tayo’y makapapasok lang sa Kaharian ng Langit kung ating kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo. kahit pa tayo di nanalig at mali ang unawa dati, kung ating babaliktarin ang ating mga puso, kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo, tayo’y papasa sa pagsusulit. Kung tayo’y nanalig sa laman at dugo ni Jesus ngayon, sa oras na ito, sapat tayo na papasa sa pagsusulit.
Ang tao’y tumitingin sa panlabas na mga anyo, nguni’t ang Diyos ay tumitingin sa sentro ng puso at kapag tayo’y nanalig sa bautismo ni Jesus at sa dugo sa Krus, atin ngang kinakain ang laman ni Jesus at iniinom ang Kanyang dugo. Ang Diyos ay tumitingin sa sentro ng ating mga puso upang makita kung taglay ba talaga natin ang pananampalataya sa laman at sa dugo ni Jesus sa ating mga puso. Samakatuwid, kung di tayo nanalig sa laman at dugo ni Jesus sa sentro ng ating mga puso, kung gayon tayo’y di naligtas sa kasalanan. Gaano man ang iyong paniniwala noon, kung iyong taglay ngayon ang pananampalataya na nananalig sa laman at sa dugo ni Jesus, ika’y makapapasok sa Kaharian ng Langit.
Maraming mga relihiyoso sa mundong ito ang walang humpay na nagtatalo-talo ukol sa katotohanan ng doktrina ng “transubstantiation.” Ang talagang kailangan ay ang pananalig na magtutulot sa atin na kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo. Nguni’t ito’y posible lamang kapag tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ating mga puso. Ang pananalig kay Jesus sa sentro ng ating mga puso sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay pagkain sa tunay na tinapay at pag-inom sa tunay na inumin.
Dapat Tayong Manalig sa Bautismo at Dugo ni Jesus bilang Ating Kapatawaran sa Kasalanan
Sinabi ng Panginoon sa atin, “Ang Aking dugo ay tunay na inumin” (Juan 6:55). Pinasan ng Panginoon ang hatol ng kasalanan sa Krus. Ang pananampalataya na nananalig na si Jesus ay inako ang ating mga kasalanan sa pagbautismo at pagbubo ng Kanyang dugo sa Krus ay ang pananampalatayang nagtulot sa atin na inumin ang dugo ni Jesus. Sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan, inako ni Jesus lahat ng ating kasalanan, maging yaong sa iyong mga anak, inyong mga magulang, at bawa’t isa sa atin, at sa pamamagitan ng pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus Kanyang tiniis ang hatol ng lahat nitong kasalanan. Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo, sukdulang nilutas ni Jesus lahat ng ating suliranin ng kasalanan para sa bawa’t isa nitong buong mundo. Paniniwala na inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at hinatulan dahil sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus ay pag-inom sa dugo ni Jesus sa pananampalataya.
Sa mundo ngayon, maraming nagsasabi na sila’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan lamang ng kanilang mga bibig. Nguni’t sila’y di ganap na nananalig sa laman at dugo ni Jesus. Ang sinumang walang ganap na pananampalataya na nananalig sa laman at dugo ni Jesus ay di mapapatawad ang kasalanan. Maaaring dati kang naniwala na ang dugo sa Krus ay tanging katotohanan, nguni’t ngayong nalaman mo ang tunay na katotohanan, dapat kang magkaroon ng pananampalataya na malinaw na nananalig sa laman at dugo ni Jesus. Saka lang makikilala ka ng Diyos bilang ligtas. Nguni’t kung, sa kabilang dako, hindi ka gumuhit ng malinaw na linya ng kaligtasan sa paksang ito—ito ay, sa kapatawaran ng kasalanang tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya na nananalig sa laman at dugo ni Jesus sa sentro ng puso—kung gayon hindi mo matatamo ang pananampalatayang sinang-ayon ng Diyos.
Sinabi ng Panginoon, “Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananahan sa Akin at Ako’y sa kaniya” (Juan 6:56). Nguni’t maliban ating kanin ang laman ni Jesus at inumin ang Kanyang dugo sa pananampalataya, hindi tayo makapapasok sa presensya ng Diyos. At sinumang hindi taglay itong pananampalataya na nananalig sa laman at dugo ni Jesus ay di mananahan sa Panginoon. Taimtim kong hangad na wala ni isa sa mga hinirang, mga manggagawa at mga lingkod ng sa ating Iglesia ang kalunos-lunos na mahulog sa pananampalatayang ito na nananalig sa laman at dugo ni Jesus.
Nang ang Sodoma at Gomorra ay nawasak ng apoy, ang mga manugang na lalaki ni Lot ay tinuring lang ang Salita ng buhay ng Diyos bilang isang biro. Sa mga hindi taimtim na kumikilala sa Salita ng Diyos, ang hatol ng Diyos ay darating sa kanila tulad ng nasusulat. Ang mga di mananampalataya ay mahahatulan sa kanilang kasalanang di-paniniwala. Sila’y mapapahamak dahil sa kanilang mga kasalanan. Ito’y hindi isang bagay na nakakatuwa na maaaring ligirin sa pamamagitan ng iilang mga alik-ik.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tumutukoy sa pananampalataya sa laman at dugo ni Jesus. Sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang ito tayo’y napatawad sa ating mga kasalanan at nakamtan ang buhay na walang hanggan. Dahil ang pananampalataya sa laman at dugo ni Jesus kung saan tayo’y nanalig sa tunay na ebanghelyo at ang tunay na katotohanan, dapat nating panatilihin itong pananampalataya sa ating mga puso. Sa pamamagitan ng pagtataas ng kuwadra ng pananampalataya sa ating mga puso, dapat nating mahigpit na tanganan lahat ng Salita ng Diyos at huwag hayaang dumausdos mula sa atin. Sa pamamagitan ng pananalig ng ating mga puso, dapat nating tanggapin ang katotohanang inalis ng Diyos lahat ng kasalanan ng mga makasalanan sa pamamagitan ng laman at dugo ni Jesus.
Nawa at dalangin ko na lahat kayo’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung sinakatuparan ng Panginoon, kanin ang tinapay ng kaligtasang nagliligtas sa iyo mula sa iyong mga kasalanan, at sa gayo’y makamit ang buhay na walang hanggan.