• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-19] Ang Kandelerong Ginto (Exodo 25:31-40)

(Exodo 25:31-40)
“At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto, yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon at ang haligi niyaon at ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol. At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon, tatlong sanga ng kandelero’y sa isang tagiliran niyaon at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon. At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero. At sa haligi ng kandelero’y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon at ng mga bulaklak niyaon. At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero. Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol, kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok na taganas na ginto. At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan na pito at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero. At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto. Isang talentong taganas na ginto gagawin, sangpu ng lahat ng kasangkapang ito. At ingatan mo, na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok.”
 

Ang kandelerong ginto ay gawa sa isang talentong gintong dalisay. Ang tuntungan ay pinukpok mula sa isang piraso ng isang talengtong ginto, na may tatlong sanga mula sa dalawang gilid at pitong kandelero ay nakalagay sa ibabaw ng tuntungan at anim na sanga. Ang kandelerong ginto ay gawa sa isang talentong dalisay na ginto, ito’y nakabibighaning ningning at maganda sa paningin.
Sa ibabaw ng kandelerong ginto, ay may pitong ilawan upang paglagyan ng langis, na siyang magliliwanag sa Banal na Dako sa lahat ng oras. Makakapasok sinuman sa Banal na Dako sa pagtaas lang at pagbukas ng pintuan ng Tabernakulo na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Yaong makapapasok sa dakong ito ay tanging yaong nanalig sa mga gawa ng kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Tulad nito, walang makakapasok sa Banal na Dako kung walang pananampalataya, dahil ito’y lugar na tinutulot lamang sa mga nakakaalam ng hiwaga ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong nahayag sa pintuang tabing ng Tabernakulo.
Samakatuwid, yaon lang nanalig sa nakamamanghang kaligtasang likha sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ang maaaring maging miyembro ng Iglesia ng Diyos. Ang apat na kulay sa pintuang tabing ng Tabernakulo ay ang anino ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, naglalarawan sa pagparito ni Jesus, na Siyang umako ng ating mga kasalanan ng mudo sa pagbautismo at pagtitiis ng hatol ng ating mga kasalanan sa pagpapako at pagdanak ng Kanyang dugo.
Walang iba kundi itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang ebanghelyo ng tunay na pagpapatawad ng kasalanang binigay ng Panginoon sa atin. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay likha ng bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo at ng hatol sa Krus na Kanyang tiniis upang ibigay sa atin ang pagpapala ng kapatawaran ng kasalanan. Tulad niyaon, tanging yaong buong pusong nanalig sa katotohanang ito ang mapapatawad sa lahat nating kasalanan. Ang Diyos, sa ibang salita, tinutulot lang yaong nanalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino upang pumasok sa Banal na Dako.
Yamang ang kandelerong ginto sa loob ng Banal na Dako ay laging nagliliwanag ang maliwanag na ilaw nito, kaya yaong naging anak ng Diyos dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tinatanglawan din itong mundo sa pamamagitan ng liwanag ng kaligtasang nagligtas sa tao mula sa kanilang kasalanan. Sa ibang salita, yaon lang napatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makatutupad ng gampanin ng kandelero nagbigigay ng liwanag ng kaligtasan, upang ang iba rin ay malaman itong katotohanan at mapatawad ang kanilang mga kasalanan.
Ang kandelerong ginto ay may mga bulaklak, mga globito at mga kopa. Tulad ng inutos ng Diyos na pitong ilawan ang ilalagay sa kandelero, kapag sinindihan ang kandelero, ang dilim ay naglaho sa Banal na Dako sa lahat ng oras. Ibig sabihin na ang matuwid na nalinis ng kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makapagtitipon, itatayo ang Iglesia ng Diyos at tatanglawan ang sanlibutan. Ang liwanag ng kandelerong tumatanglaw sa Banal na Dako ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na magpapaalis ng kadiliman nitong sanlibutan.
Upang maligtas tayo sa kasalanan, naparito si Jesu-Cristo, nagkatawang-tao sa laman ng isang tao. At inako ang ating mga kasalanan, binautismo ni Juan at upang tiisin ang hatol ng ating mga kasalanan, Siya’y napako. Si Jesus sa gayon ay naging liwanag ng kaligtasan. Sa bakuran ng Tabernakulo, nilipat ng mga makasalanan ang kanilang mga kasalanan sa kanilang haing handog sa pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito at hahayaang tiisin ang hatol ng kanilang mga kasalanan sa pagpatay nitong handog.
Gayon din, naganap ni Jesu-Cristo ang ating kaligtasan dulot ng bautismo at kamatayan sa Krus ayon sa kautusan ng Diyos at Siya’y naging liwanag ng kaligtasan sa lahat ng tao. Sa pamamagitan ng mga ministeryong nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at ang mapinong binurdang lino, natupad ni Jesu-Cristo ang kaligtasan ng tao. Tayo nga’y naligtas sa ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sa dugong binigay ni Jesu-Cristo sa atin. Lahat ng nananalig kay Jesus ay dapat ding matuklasan itong liwanag ng kaligtasan.
Tumanglaw ang liwanag ng kaligtasan ni Jesu-Cristo dito sa lupa upang yaon lang isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu ay makapasok sa Kaharian ng Diyos. Tulad niyon, yaon lang isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu ay magiging bahagi sa Iglesia ng Diyos at maitulot na magningning at palawigin ang liwanag ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Dahil tanging ang nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nagbagahi nito, pinagkatiwala ng Diyos itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu lalo na sa kanila at tinulot sila na magningning ang liwanag ng tunay na ebanghelyo.
Tulad niyon, dapat nating mabatid na itong gawaing pagpapalawig ng liwanag ng ebanghelyo sa buong mundo ay magagawa lamang ng mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang tunay na katotohanan. Hindi makakapasok ang mga makasalanan sa Banal na Dako. Yaon lang nanalig sa ebanghelyong nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ng pintuan ng Tabernakulo ang makapapasok. Samakatuwid, yaon lang nakaalam ng katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at nanalig nito sa kanilang mga puso ang papasok sa Tabernakulo at tupdin ang gawain ng pagtanglaw ng maningning na liwanag ng kaligtasan.
Sa pintuan ng bakuran ng Tabernakulo, ang tabing na likha sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ay tumanglaw din sa daanan. Sa mga naghahanap sa Tabernakulo upang mag-alay, ginawa ng Diyos ang pintuan ng bakuran sa gayon ding apat na kulay. Nguni’t ang bayan sa panahon ng Lumang Tipan ay di-maaring maging ganap magpakailanman dahil sa kanilang mga araw-araw ng handog. Kailangan silang patuloy na maghintay sa Mesias. Subali’t, nang tunay na dumating ang Mesias na si Jesu-Cristo, sila’y bigong nalaman na Siya ang naging tunay na Mesias sa pagbibigay ng sarili bilang walang hanggan handog ayon sa kapahayagang likha ng mga kulay ng pintuang tabing ng Tabernakulo.
Ito’y tulad lang niyaong mga Kristiyano ngayon na, bagaman sila’y tumatawag sa pangalan ni Jesus, di nalalaman na Siya’y dumating sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino at ganap tayong niligtas. Nang ang bayan sa Lumang Tipan ay nag-alay ng kanilang handog araw araw sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at dugo sa mga handog, kailangan nilang manalig na ang Tagapagligtas ay paririto sa ganitong paraan, tulad ng kanilang haing handog.
Gayon din, ang bayan nitong mundo ay dapat ding manalig na si Jesu-Cristo na Tagapagligtas ay naparito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng mundo sa pagbabautismo ayon sa paraan ng paghahandog sa Lumang Tipan sa pagpapatong ng mga kamay at dugo, ay napako at nagbubo ng Kanyang dugo, at sa gayo’y naligtas ang Kanyang bayan sa kasalanan. Nguni’t dahil hindi nila nalalaman ang paraan ng paghahandog sa Lumang Tipan, sila’y walang ideya kung si Jesus ay dumating sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo, o sa pamamagitan lamang ng dugo sa Krus, o bilang isang Tagapagligtas lamang.
Sa paningin ng Diyos, ang pananampalatayang inilalagay ng mga Kristiyano ngayon sa paraan ng paghahandog sa Lumang Tipan ay kasing-huwad ng mga bayan ng Israel. Dahil sila’y walang tunay na pananampalataya sa Mesias na Siyang nahayag sa paraan ng paghanandog, hindi sila makapaniwala na ang Mesias ay dumating, binautismo at nagbubo ng Kanyang dugo. Nguni’t lahat ng tao dito sa lupa, pati na ang bayan ng Israel, ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na niligtas sila ni Jesus sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga ministeryo ng Kanyang bautismo at pagpapako.
Upang ikaw at ako ay maligtas sa lahat nating kasalanan at hatol, binautismo si Jesu-Cristo at nagbubo ng Kanyang dugo. Sa pamamagitan ng katotohanang tangan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na nahayag sa pintuan ng Tabernakulo, ang anino ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo samakatuwid ay makikilala si Jesu-Cristo. Itong katotohanan ng kaligtasan ay ang makakamit ng tao ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa tunay na ebanghelyo sa kanilang mga puso. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ni Jesu-Cristo sa atin sa pamamagitan ng tunay na pagparito sa lupa, sa bautismo, at kamatayan sa Krus, dapat kang magkaroon ng pananampalataya na nagligtas sa iyo sa inyong mga puso. Itong katotohanan ay nagligtas sa iyo mula sa lahat ng iyong mga kasalanan.
Sa banal na Tahanan ng Diyos, mayroong tatlong pintuang tabing. Lahat ng mga pintuang ito ay hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Tulad ng paulit-ulit kong sinabi sa inyo, itong apat na kulay ay nilantad ang tiyak na kaligtasan ng Diyos: Upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan, ganap na tinakda ng Diyos ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa gayon, kung tayo’y mananalig ayon sa kautusan ng kapatawaran ng kasalanan, tatanggapin nga ng Diyos ang ating pananalig at ililigtas tayo sa ating mga kasalanan magpakailanman.
Sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ang sinuman sa atin ay magpakailanmang maliligtas sa lahat nating kasalanan. Sa pag-aalam at paniniwala sa tunay na kahalagahan ng paraan ng paghahandog na binigay ng Diyos, ang sinuma’y makalalapit sa Kanya. Sa pasukan ng Banal na Dako, ang Tahanan ng Diyos, ay may limang haligi, at isang tabing na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay nakasabit sa mga haliging ito. Upang tayo’y makalapit sa Diyos, dapat tayong magkaroon ng apat na pananampalatayang nahayag sa apat na kulay ng pintuang tabing.
Ang pananampalatayang pinakita sa bughaw na sinulid ay ang pag-ako ni Jesu-Cristo ng ating mga kasalanan dulot ng bautismo, at ang pananampalatayang hinayag sa pulang sinulid ay ang pagtiis ni Jesus sa hatol ng kasalanan sa pagpapako at pagbubo ng Kanyang dugo. Ang pananampalatayang nahayag sa kulay-ubeng kulay ay ang pananalig na si Jesus ay ang Diyos, at ang pananampalatayang nahayag sa mapinong binurdang lino ay ang pananalig sa Kanyang detalyeng Salita na ginawa tayo ng Diyos na walang kasalanan sa pagtanggal ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng nabanggit na sinulid—ito ay, sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Itong katotohana’y tinawag na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tulad niyon, sa pananalig na niligtas tayo ni Jesus dulot ng tubig at ng Espiritu, tayo’y makapasok sa Kaharian ng Diyos. Ito ang pananampalataya ng mga makakabukas ng pintuan ng Tabernakulo at pumasok Banal na Dako.
Ang pintuan ng bakuran ng Tabernakulong hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na nagtulot sa atin na malaman ang layong ng Diyos kung paano Niya tayo ililigtas, pinakita sa atin na ang ating kaligtasan, nagmula sa kapatawaran ng kasalanang tinakda ng Diyos, ay di nakamit sa pamamagitan ng ating sariling mga pagsisikap. Kahit pa tayo humingi ng kapatawaran sa ating mga kasalanan araw-araw, kung wala ang haing handog para sa katubusan ng kasalanan, ang paglilipat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, at pagbubo ng dugo, di tayo maliligtas sa ating mga walang hanggang kaligtasan. Nang dumating lang ang haing handog upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan kuhanin ang ating mga walang hanggang kasalanan ng mundo saka tayo ganap na maliligtas dahil sa pananalig nitong katotohanan at sa gayo’y mapatawad sa kasalanan. 
Kung mayroon sa ating mga puso ng pananampalataya na nananalig sa ebanghelyo ng katotohanan, sa gayon ating mapapalawig ang ebanghelyo ng kaligtasang maghahatid ng walang hanggang buhay sa bawa’t naliligaw na kaluluwa. Sa pananalig sa mga ministeryo ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, tayo’y makatatanglaw sa mundong ito sa pamamagitan ng katotohanan ng kapatawaran ng kasalanan. Ang kandelero sa Banal na Dako ay may pitong ilawan, at kapag nasindihan ang mga ilawang ito, ang liwanag nila’y aaninag sa mga pader ng Tabernakulong likha sa mga tablang nilatagan ng ginto, sa gayo’y maningning na tatanglaw sa loob ng buong Tabernakulo. Kung wala ang ang kandelero sa Banal na Dako, kung gayo’y kadiliman lang ang naroon. Itong dahilan bakit nilagay ng Diyos, dito sa mundong madilim, ang mga hinirang at Kanyang mga lingkod na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 

Ano Ang Layon ng Kandelerong Ginto?

Ang kandelerong ginto ay pinakikita sa atin na binigay ng Diyos ang pananampalataya na nananalig sa katotohanan, naging liwanag sa mundo. Ang ating pananampalataya ay ang manalig na si Jesu-Cristo ay isinilang dito sa lupa, binautismo at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Sinasabi ng Diyos sa atin, sa ibang salita, upang tanglawan ang liwanag ng kaligtasan sanhi ng pananampalatayang ito. Kung ang ebanghelyo ng kaligtasan ay nasa ating mga puso at ikalat itong pananampalataya, ito sa oras na ito nang ang liwanag ng katotohana’y nagningning. Makikita ng tao at lalapit sa liwanag na ito, nababatid na niligtas sila ng Panginoon sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at magiging sariling bayan ng Diyos. Itong liwanag na katotohanan ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nilayon at tinupad ng Diyos Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.
Sa ating pananampalataya sa katotohanan na naparito sa lupa si Jesus, nabautismo at napako, nagbubo ng Kanyang dugo at namatay, at nabuhay na muli upang mapatawad tayo sa lahat ng kasalanan, ating mapapalawig ang ebanghelyo sa mga nagnanasang maligtas. Kung si Jesu-Cristo’y di nabautismo at inalay para sa atin, ikaw at ako kailanma’y di naligtas sa ating mga kasalanan.
Dahil si Jesus ay binautismo, nagbubo ng Kanyang dugo at inalay para sa atin, maibibigay Niya ang pananampalataya sa mga makasalanan upang maligtas. Hindi lang natin kinakalat ang isang huwad na doktrina rito. Sa buong mundo, ating kinakalat ang liwanag ng kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Dahil mayroon tayong pananampalataya na nalalaman at nananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang handog sa Krus, ating kinakalat ang liwanag ng buhay sa mga pusong nasa kadiliman. Lahat niyaong tinanglawan nitong liwanag kung gayo’y nagbigay saksi sa nakamamanghang himala ng lahat nilang kasalanan naglalaho sa kanilang mga puso. Lahat ng tao sa lupa ay malalaman din ang bautismong tinanggap ni Jesus at ang handog sa Krus na Kanyang inalay upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo at sa pananalig na ito ang kanilang sariling kapatawaran ng kasalanan, kanilang matutuklasan ang liwanag ng kaligtasan.
Bakit kailangang pumarito sa lupa si Jesu-Cristo? Bakit kailangan Siyang bautismuhan? Bakit kailangan Siyang mamatay sa Krus? Bakit kailangan Siyang mabuhay na muli sa ikatlong araw? Ang dahilan sa lahat ng ito ay dahil si Jesu-Cristo ay ang Mesias. Upang tuparin lahat ng gawa ng kaligtasan bilang Mesias, si Jesus ay binautismo at nagbubo ng Kanyang dugo, at sa gayo’y tumanglaw ang liwanag ng kaligtasan sa mga makasalanan. Kung gayon, sa pagpapalawig ng liwanag ng kaligtasan sa buong mundo, matutulot natin sa marami na malaman itong katotohanan, manalig dito, at sa gayon ay makamit ang walang hanggang buhay.
Ikaw at ako ay ang mga kandelero na tumatanglaw dito sa lupa sa pamamagitan ng liwanag ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pamamagitan ng ebanghelyo na ating pinalalawig, makikilala ng tao ang liwanag ng katotohanang nagligtas sa kanila. Ang naghahanap ng liwanag dito sa mundong madilim ay makikilala itong nagningning na liwanag na ating kinakalat, nakilala ang liwanag ng katotohanan at naligtas sa lahat nilang kasalanan. Sa pamamagitan ng pananampalatayang nananalig sa katotohanang ito, lahat ng tao’y maliligtas.
Itong ebanghelyo ay hindi isang haka-hakang bagay. Tulad niyon, tayo’y dapat na manalig sa ating mga tunay na puso. Ating makikilos ang pagpalaganap ng ebanghelyo kung tayo lang ay tunay na nananalig sa mga ministeryo ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Nguni’t kahit tayo’y napatawad ng kasalanan, kung wala ang ilawan kung saan nilalagay ang langis, hindi tayo magliliwag kailanman, at kaya binigay ng Diyos sa atin ang Iglesia ng Diyos, ang ating kandelero. Sa bawa’t sanga ng kandelero, itong mga kopa at sa ibaba nitong mga kopay ay mga globito. Ito’y walang iba kundi ang Iglesiang naitayo sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang lugar kung saan tanging yaong napatawad sa kasalanan dahil sa pananalig sa kanilang mga puso ay nagtitipon ay sa tunay na Iglesia ng Diyos. Ang ulo ng Iglesia ni Jesu-Cristo at ang Iglesia ay ng Kanyang katawan. Tulad ng katawang kumikilos ayon sa utos ng ulo, ang Iglesia sa gayon ay kinikilos ang kanyang mga kamay at mga binti sa utos ng Jesu-Cristo. Ganito kung paano pinaglingkuran ang ebanghelyo. Ano kung gayon ang hanap ng Iglesia? Puspos sa mga madidilim na mga kasalanan, ang buong mundo’y agaw-buhaw, at hinahanap ng Iglesia ang mga kaluluwa sa kalagitnaan na di maiiwasan kundi ang matungo sa impiyerno. Ang Iglesia ng Diyos ay tumatanglaw sa kanila ng liwanag ng kaligtasan. Ito ang iyo at aking ginagawa sa Kanyang Iglesia sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa iglesia.
Sa mga bansa kung saan may mayroong isang mahabang kasaysayan ng Kristiyanismo, marami ang mga matatalino at nakakaalam ng Biblia. Naniniwala ako na kapag yaong gayong mga tao ay patuloy na naghahanap ng tunay na katotohanan upang makilala ang katotohanang ito, sila’y agad na mapapatawad sa kanilang mga kasalanan. Upang ipalaganap ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa gayong mga tao, ako’y kumikilos sa pag-iisa sa lahat ng mga hinirang na isinilang na muli sa pananampalataya.
Dahil ang Kristiyanismo, di tulad ng ibang mga relihiyon, ay inilagay ang pundasyon ng pananampalataya sa Salita, ang tao ay mapapatawad sa kasalanan kung ating wasto palawigin ang Salita. Nguni’t mayroon din yaong galit na lumalaban sa katotohanang ito, tinutuya lang ito at di nananalig dito, gaano man pinangangaral ito sa kanila. Lalo na, maraming mga relihiyosong matitigas ang ulo na di naniniwala sa Salita ng Diyos at ang gayong tao’y di mananalig sa katotohanang ito ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t paano yaong tumanggap sa Biblia bilang Salita ng Diyos? Di mabilang na tulad nila ay mapapatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng pakikinig at pananalig sa ebanghelyong ito.
Ito’y dahil taglay ko itong pananampalataya na ako’y makapaglingkod sa Diyos, kasama ninyo, sa araw na ito. Sa mga araw na darating, itong ebanghelyong ay mapapalawig sa maraming tao at matinding gawain ng ebanghelyo ay mananaig. Ito may pangyayari na ang Diyos ay kumikilos kung saan di natin nakikita at libo-libong tao ang talagang napatawad sa kanilang kasalanan bawa’t araw. At tulad mo at ako, maraming tao ang magiging mga ilawan at ipalawig sa tao sa buong mundo ang pananampalataya sa kanilang mga puso na nanalig sa kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Naniniwala ako na kapag sila’y tumatanglaw sa buong mundo, bagong mga mananampalataya ay patuloy na darami, at sila rin, ay aalagaan at palalawigin itong ebanghelyo bilang ganti.
Tayo na naging mga ilawan ng Diyos ay tumanglaw ang liwanag ng kaligtasan dulot ng ating pananampalataya na nananalig sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang bughaw na sinulid ay pagliliwanag sa katotohanan ng bautismo ni Jesus—ito ay, pagtitiis ni Jesus sa mga kasalanan ng buong mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan; ang kulay-ubeng sinulid ay tumanglaw ang liwanag ng katotohanang si Jesu-Cristo ay ang Hari ng mga hari; ang pulang sinulid ay namanaag ang liwanag ng katotohanang pinasan ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa Krus at nagbubo ng Kanyang dugo; at ang mapinong binurdang lino ay nagbabaga sa pamamagitan ng liwanag ng katotohanan na ang Salita ng Diyos ay ginawang matuwid ang mga makasalanan. Ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos ay liwanag ng katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Sinasabi rin nitong ebanghelyo na Siya’y babalik dito sa lupa bilang Panginoon ng Pangalawang Pagbabalik, bubuhayin tayong muli, hahayaan tayong maghari kasama Niya ng isang libong taon sa Milenyong Paghahari at itutulot tayo na pumasok sa walang hanggang Kaharian ng Diyos at manirahan magpakailanman. Iyo bang maipapalagay kung ano ang walang hanggang buhay?
Itong kalawakan ay lubos ang lawak at luwang na ang mga siyentipiko’y sinasabi na maraming-maraming mga bituin sa ibang di-mabilang na mga kalawakan lagpas sa ating sariling kalawakan at sa “Milky Wa.” Ang pamamahala ng kalawakang likha ng Diyos ay kamangha-mangha ang dami. Lampas ng ating kalawakan, di mabilang na mga kaharian na hindi natin nalalaman ay naroon sa buong mga kalawakan. Ang mga bulalakaw ay mga piraso ng mga planeta na nahulog sa malalayong mga kalawakan na bilyon-bilyong taon ang layo, na ngayo’y dumarating sa papawirin ng ating mundo at nag-aapoy.
Tayo, sa ibang salita, ay pinatotohanan ngayon kung anong nangyari bilyong taong nakalipas. Tulad nito, ang maraming pamamayani ng kalawakang likha ng Diyos ay nananatiling di-nakikilala. Nguni’t kahit ang kalawakan ay di natin nakikilala, sa Diyos, ito’y isang kasing-liit ng isang palad ng kamay. Ang Diyos ay marunong at makapangyarihang Diyos na lumikha ng lahat ng bagay at nagtatag ng kaayusan ng kalawakan.
Tayo’y tumatanglaw sa mundo sa liwanag ng katotohanan, na sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang lahat ay walang hanggang mapapatawad sa kasalanan at liligaya sa walang hanggang buhay. Ang mga anak ng Diyos ay may maningning na liwanag ng buhay na nagtutulot sa kanila na mamuhay kasama ni Jesu-Cristo magpakailanman. Ang Diyos ay naninirahan sa atin magpakailanman, tinutulot tayo na masiyahan sa Kanyang mga kaluguran at tayo’y dadamitan ng Kanyang luwalhati. Bakit? Dahil tayo’y nanalig sa liwanag ng ebanghelyo ng Kanyang kapangyarihan. Kapag ating natuklasan itong liwanag na nagtulot sa atin na malaman ang katotohanan, mapapalaganap natin itong liwanag sa iba.
At kapag ating nakita ang kalinga ng Diyos na kumikilos sa buong kalawakan, ang ating pananampalataya sa Kanyang mga gawa ay sisibol. Ang ibang mga bituin ay naglaho noong mga bilyong nakalipas, nguni’t ang ating mga mata’y nakikita pa rin ang mga ito dahil ito’y bilyong taon ang layo sa planetang ito! Atin lamang mapapalagay na ang kunawaan ng “walang hanggan” kapag ating pagmuni-munihin ang kawalang-hanggan ng kalawakan.
Tayo na naging bahagi ng Iglesia ng Diyos ngayon ay namumuhay sa pagpapalaganap ng liwanag ng tunay na ebanghelyo, dahil tayo’y nanalig sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Naniniwala tayo na itong kaligtasan ay nagbibigay katiyakan sa ating walang hanggan at mapalad na buhay sa Kaharian ng Ama. At nalalaman natin na hinahangad ng Diyos ang lahat ng tao na maligtas at marating ang kaalaman sa katotohanan (1 Timoteo 2:4). Samakatuwid, yaong nakakaalam ng liwanag ng kaligtasan ay dapat tupdin ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, isang gawain na pinagkatiwala ng Diyos sa kanila.
Pinagpala ng Diyos tayo upang ating magampanan itong gawain. Kung nababatid lamang kung gaano ang dakila ng pagpapala nitong katotohanan, ang karapatan upang ating tupdin ang ating takdang gawain sa pamamagitan ng pananampalataya. Nawa lahat ng inyong mga puso ay mapuspos ng liwanag na nakakaalam ng katotohanan ng Diyos. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ikaw at ako ay nakapanalig sa mga ministeryo ng kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at tayo’y naging liwanag ng kaligtasan sa buong mundo, yaong tumatanglaw sa buong mundo. Alleluia! Binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa Diyos.