• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-20] Ang Dambana ng Kamangyan (Exodo 30:1-10)

(Exodo 30:1-10)
“At gagawa ka ng isang dambana na mapagsusunugan ng kamangyan na kahoy na akasya iyong gagawin. Isang siko magkakaroon ang haba niyaon at isang siko ang luwang niyaon, parisukat nga at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon, ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din. At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon at ang mga tagiliran niyaon sa palibot at ang mga sungay niyaon at igagawa mo ng isang kornisong ginto sa palibot. At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin at magiging suutan ng mga pingga upang mabuhat. At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasya at iyong babalutin ng ginto. At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo na aking pakikipagtagpuan sa iyo. At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia tuwing umaga pagka kaniyang inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya. At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi. Huwag kayong maghahandog ng ibang kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin o ng handog na harina man at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon. At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon, kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi, kabanal-banalan nga sa Panginoon.”
 

Ang Dambana ng Kamangyan ay Lugar ng Panalangin

Ang dambana ng kamangyan ay likha sa akasyang kahoy at ito’y parisukat, isang siko (45 sentimetro) ang haba at lapad nito at 2 siko ang taas. Nakalagay sa loob ng Banal na Dako, ang dambana ng kamangyan ay buong nilatagan ng ginto, na may kornisang ginto sa buong paligid. Apat na argolyang ginto ay inilagay sa ilalim ng kornisa na pagkakabitan ng mga pingga sa pagbubuhat. Sa dambana ng kamangyan, walang iba kundi ang banal na langis na pamahid at ang mabangong kamangyan ang ginagamit (Exodo 30:22-25).
Ang dambana ng kamangyan ay kung saan ang kamangyan ng panalangin ay inaalay sa Diyos. Nguni’t bago tayo magdasal sa dambana ng kamangyan, alamin muna natin kung tayo’y nararapat na magdasal sa Diyos sa dambanang ito o hindi. Sinumang nagnanais na magdasal sa banal na Diyos ay dapat munang maging walang kasalanan sa pamamagitan ng paghuhugas ng kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya. Upang magkagayon, dapat siya mahugasan ng lahat niyang kasalanan sa pananampalataya sa sunugan ng handog at sa hugasang tanso.
Ang Diyos ay di nakikinig sa mga dasal ng mga makasalanan (Isaias 59:1-3). Bakit? Dahil tinatanggap lang Diyos yaong nahugasan sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil hinugasan ng Diyos ang lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang Diyos ay nalugod na marinig lamang ang mga dasal ng mga matuwid (Mga Awit 34:15, 1 Pedro 3:12).
 

Ang Likas at Katotohanan sa Lahat ng Tao

Kung ating titignang mabuti, makikita nating na lahat ng tao, maging ikaw at ako, ay sadyang isinilang bilang isang binhing makasalanan at sa gayo’y lahat ay nagkakasala. Bawa’t isa sa atin ay isang binhi ng masasama. Dahil ang tao’y orihinal na isinilang na may kasalanan, walang magagawa sila kundi mamuhay sa paggawa ng masasama. Iyong isip-isipin, kung sino ka man. Ating maaamin sa Diyos na tayo’y masasama na di maiiwasang matapon sa impiyerno. Sa lahat ng ito, kung ating hahatulan ang ating mga gawa sa harap ng Diyos, ating makikilala na ayon sa kautusan ng Diyos hinahayag ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, hindi natin matatakasan ang Kanyang makatwirang hatol ng kasalanan.
Dahil ang nagmumula sa mga puso ng tao ay pawang isip na masasama, mga mamamatay, mga mangangalunya, kapalaluan at kamang-mangan, at ano pa, ginagawa nila ang mga ito tuwing sila’y may pagkakataon (Marcos 7:21-23). Paanong ang mga puso ng tao, mga likas na isinilang bilang isang binhi ng masasama at nagkakasala sa anumang pangyayari at pagkakataon, ay nagiging walang kahihiyan sa harap ng Diyos? Ito’y imposible sa likhang pag-iisip ng tao. Nguni’t mayroong iisang pananampalataya na nagtutulot sa atin na walang kahihiyan sa Diyos, at narito. Tayong lahat ay dapat na malaman at manalig sa katotohanang likha ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, ang katotohanang tinulot tayo na mahugasan sa lahat nating kasalanan at sa gayo’y makatatayo sa harap ng Diyos na walang kahihiyan. Tulad niyon, lahat tayo’y lubos na kailangan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. 
Wala sa atin ang makatatanggi sa katotohanang tayong lahat ay patungo sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan kundi ang tanggapin lang ang tadhanang ito. At sa mga kumilala sa harap ng Diyos na sila’y patungong impiyerno, hindi mahirap na manalig sa kanilang mga puso sa kaligtasang binigay ng Diyos sa kanila. Kapag tayo humarap sa Diyos sa pamamagitan ng katotohanan at katapatan, hindi natin madadaya na itago ang ating mga puso sa Kanya at kaya ating makikilala ang katarungan ng katuwiran ng Diyos. Ang bawa’t isa ay nasa kalagayan ng gayong lugar na hindi nila maiiwasan kundi maparusahan sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng matuwid na hatol ng Diyos.
Ang matuwid na kautusan ng Diyos na naghahayag ng kabayaran ng kasalanan ay kamatayan ay hindi isang kautusan na lahat ng makasalanan ay mababaybay sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kaisipan o relihiyosong pananampalataya. Dahil ang Kautusan ng Diyos ay detalye, tiyak at makatwiran, pinipilit na sinumang maninindigang aminin na siya’y patungo sa impiyerno dahil sa kanyang mga kasalanan. Lahat ng mga makasalanan ay nabatid na sila’y di makatatakas sa hatol ng Diyos kahit pa sa pinakamaliit na kasalanan nila.
Kung gayon, kailangan natin ang Tagapagligtas na magliligtas sa lahat nating kasalanan at malalaman natin kung sino itong Tagapagligtas. Ito ay si Jesu-Cristo, ang Tagapagligtas ng buong sangkatauhan. Siya ang Tagapagligtas na naparito sa lupa, Siyang binautismo ni Juan sa pag-ako ng mga kasalanan ng mundo, nagtiis ng parusa ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapako at pagdanak ng Kanyang dugo, at Siya na nagligtas sa atin sa lahat ng ating kasalanan.
Lahat tayo ay nagkamali ang unawa na ang pagtanggap sa kapatawarang kasalanan ay sukdulang mahirap. Sa katunayan, ating inakala na tayo’y maliligtas lamang kung nalalaman natin ang kabuuan ng Biblia, o ang ating kaligtasan ay kailangan ang ilang uri ng mga mabubuting gawa. Nguni’t ang katotohanan ng kaligtasang binigay ng Diyos sa atin ay iba. Itong katotohanan ng kaligtasan ang nagbukas at nagpakita sa atin ng daan upang tayo’y maligtas sa lahat nating kasalanan sa pagsusuri ng ating mga budhi sa harap ng Kautusan ng Diyos, kinikilalang lahat ng kasalanang makikita sa ating mga puso at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Itong katotohanan ay kawangis ng pintuan ng Tabernakulo.
Ang kapatawaran ng kasalanan ng tao’y nagmula sa katotohanan ng mahalagang kaligtasang natupad sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa pananalig sa katotohanang ito, lahat ay matatamo ang walang hanggang kapatawaran ng kasalanan nang minsan. Upang magkagayon, bawa’t isa’y dapat na kilalanin na silang lahat ay patungo sa impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan at manalig sa ebanghelyong nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, sa gayo’y napatawad sa kanilang mga kasalanan nang minsanan. Ang ebanghelyong binigay ng Diyos sa atin ay ang ebanghelyo na makikita sa ebanghelyo ng katotohanang tangan sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Lahat dapat maniwala nitong ebanghelyo ng katotohanan, kung hindi sila mananalig sa katotohanang tangan nitong ebanghelyo, kung gayon hindi sila mapapalaya sa kanilang mga kasalanan. Nguni’t yaong nanalig sa katotohanang ito ng kaligtasang tinupad ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nararapat na maligtas sa lahat nilang kasalanan at maging sariling anak ng Diyos. Tulad niyon, upang maging yaong makalapit sa harap ng Diyos at magdasal sa Kanya, tayo muna’y dapat na manalig sa katotohanan ng tubig at sa Espiritu, ang ebanghelyo ng kapatawaran ng kasalanan. Kapag tayo’y naligtas sa lahat ng kasalanan sa pag-aalam ng tunay na ebanghelyo at pananalig nito sa ating tunay na mga puso, tayo nga’y naging nararapat na magdasal sa Diyos. Ang pananampalatayang nagtulot sa atin na magdasal sa Diyos ay nakamit dahil sa pananalig ng ating mga puso sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng Diyos.
Mali na sikaping magdasal sa Diyos na wala ang pananampalataya na nalalaman at nananalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na nahayag sa pintuang tabing ng Tabernakulo. Ang gayong pananampalataya ay katulad ng paggawa ng mga kasalanang paglapastangan at panunuya sa Diyos. Paano tayo magiging kaaway ng Diyos sa pagtangging manalig sa katotohanang nahayag sa Tabernakulo ng ating mga puso?
Kapag iyong tinanggihang manalig kay Jesu-Cristo na naparito sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, ay isang madaling paraan upang ika’y maging kaaway ng Diyos. Ito’y isang gawaing kakila-kilabot na di pananalig na lumalaban sa Diyos. Ang mga kaluluwang nagpatuloy ng kasalanang pangungutya sa kabanalan ng Diyos ay yaong di pananalig sa kaligtasang tinupad ng para sa kanila bagkus ay naniwala ayon sa kanilang mga sariling kaisipan at ayon sa kanilang sariling kasunduan. Ang gayong mga kaluluwa’y yaong pagtatakip ng kanilang mga sarili ng mga damit ng dahon ng igos na tinawag na “pagkukunwari,” nililibak ang pag-ibig at habag ng Diyos.
Nguni’t dapat mong malaman na bagaman ang mga taong ito ay maaaring linlangin ang kanilang mga puso, hindi sila makatatakas sa hatol ng Diyos. Yaong may gayong di paninniwala ay mahahatulang maghirap sa nakatatakot na parusa ng kasalanan dulot ng makatuwirang utos ng Diyos. Bakit? Dahil kanilang hindi nila hinangad ang kaalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pag-aalis ng Panginoon sa kanilang mga kasalanan, ni paniniwala sa ebanghelyong ito.
Kapag ang ating mga budhi’y marumi maging ang ating sariling mga mata, paano natin maukukubli ang ating mga kasalanan mula sa banal na Diyos? Ito’y di-maaari! Ang sinumang nagnanais na ikubli ang kanyang mga kasalanan ay iiwanan ng pag-ibig at habag ng Diyos. Yaong nililinlang ang kanilang sariling mga puso ay mahahantong bilang masasamang mga lingkod ng diablo na naglinlang sa Diyos at sa kanilang kapwa tao. Ang kanilang lubos na palagay na animo’y kanilang madadaya ang Diyos sa pamamagitan ng pagpipiring lang ng kanilang mga mata ay isang patunay ng kanilang kamang-mangang nagmumula sa kanilang hambog na mga kaisipan. Sa katunayan, yaong umaasa sa kanilang sariling mga kaisipan ay yaong naghahamon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at yaong nagnanais na maging mga lingkod ni Satanas ayon sa kanilang sariling kapasiyahan.
Dapat malaman ng tao na bagaman kanilang malilinlang ang kanilang mga puso, di nila madadaya ang Diyos. At dapat nilang baguhin ang kanilang mga isipan upang manalig ayon sa Salita ng Diyos. Paano mahuhugasan ninuman ang kanilang mga kasalanan kung wala ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Tulad ng nasusulat na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, walang makasalanan ang nandadaya sa kanyang puso sa harap ng Diyos ang makatatakas sa hatol ng Diyos. Kung ating kikilalanin ang Kautusan ng Diyos, sa gayon malinaw na tayong lahat ay patungo sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan. Tulad niyon, lahat ng nagnanais sa Diyos ay dapat maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan ng ebanghelyong nahayag sa Tabernakulo.
Subali’t, dahil marami ang bigo na malaman ang katotohanang sila’y mahahatulan dahil sa kanilang mga kasalanan, sila’y nabigo rin na tanggapin sa kanilang mga puso ang ebanghelyo ng kaligtasang nagmula sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at sanhi nito, silang lahat ay patungong impiyerno. Sila ma’y mga Kristiyano na o hindi, yaong di nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mahaharap sa iisang kaparusahan. Tulad niyon, di natin dapat dayain ang ating mga sariling budhi sa harap ng ating Diyos, bagkus ay bigyang-daan sa ating mga puso sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kilalanin at manalig nitong ebanghelyo ng katotohanan.
 

Dapat Nating Hugasan ang Ating mga Kasalanan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Salita ng Katotohanan

Ang tao’y may dalawang budhi: ang budhi ng laman at ang budhi ng pananampalataya hinggil sa ebanghelyo ng katotohanan. Tayo’y dapat na maging tunay sa dalawang kahariang ito, nguni’t sa dalawang ito, hindi tayo bigo upang magkaroon, lalo na, ang budhi sa pananampalataya na kinikilala ang ebanghelyo ng katotohanan. Dapat nating suriin ang budhi ng ating pananampalataya sa Salita ng Diyos; manalig na inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa bautismo, nahatulan sa Krus at sa gayo’y naligtas tayo; nahugasan dahil sa pananampalatayang ito, ang mga kasalanan ng ating mga budhi. Napapagalit ako na kahit ito ang katotohanan na hindi maaari na maging anumang higit na kahulugan, may mga tao pa rin ang di-nananalig sa ebanghelyo ng katotohanan.
May isang kaayusan ng pananampalataya upang linisin ang ating mga budhi. Una, dapat nating kilalanin at tiyakin ang katotohanang tayo’y patungo sa impiyerno, at ikalawa, dapat tayong manalig ng ating mga puso na ang ating Panginoon ay naparito sa lupa, binautismo ni Juan dahil sa ating mga kasalanan, namatay sa Krus, nabuhay na muli at sa gayo’y naligtas tayo sa lahat nating kasalanan. Ang mga makasalanan ay dapat na maligtas sa lahat nilang kasamaan at matamo ang walang hanggang buhay sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na siyang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Sa kabila ng katunayang tayo’y dapat maligtas sa ating mga kasalanan, ang ibang tao’y di pa rin nananalig, yamang nalalaman nila ukol sa kapatawaran ng kasalanang natupad sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Paanong nagagawa nila ito? Tiyak, sila’y dapat na responsible sa lahat ng mga bunga ng kanilang sariling di-paniniwala. Kung atin lang nalaman ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid nguni’t di nanalig, kung gayon tayo pa rin ay makasalanan, at kung tayo’y makasalanan pa rin, hindi ba tayo hahatulan dahil sa ating mga kasalanan ayon sa kautusan ng Diyos? Ang bawa’t isa sa atin, lalake o babae, lahat ay kailangang maligtas sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig ng puso sa katotohanan ng kaligtasang tinupad ng Diyos sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Ang tao’y dapat magkaroon ng uri ng pananampalatayang magliligtas sa kanila sa kanilang mga kasalanan. Dapat silang magkaroon ng pananampalataya na nananalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ikaw ba’y nananalig sa ebanghelyong nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na tiniis ng Panginoon lahat nating kasalanan sa pagbabautismo at naligtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang dugong nabubo sa Krus? Kung una ninyong iniisip ang inyong mga sarili, inyong maaamin ang katunayang kayo nga’y naitalaga sa impiyerno? Inyo batid na kahit tayo’y patungo sa impiyerno, kahit paano’y niligtas tayo ng Panginoon sa ating mga kasalanan dahil sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid?
Dapat mong malaman na upang alisin lahat nating kasalanan kaya naparito sa lupa si Jesus, binautismo at nagbubo ng Kanyang dugo. Upang alisin ang iyo at aking mga kasalanan, naparito sa lupa ang ating Panginoon nagkatawang tao, inako nang minsanan lahat ng kasalanan ng buong sangkatauhan sa Kanyang sariling katawan sa pagbautismo ni Juan sa Ilog Jordan sa gulang na 30, at tiniis ang hatol ng kasalanan nang minsan sa pamamagitan ng pagpapako at pagdanak ng Kanyang dugo. Minsanan, tinubos ng Diyos lahat ng kasalanan ng mga nananalig.
Tayo’y maliligtas sa lahat nating kasalanan dahil sa pananalig sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Dapat nating suriin at tiyakin kung tayo nga’y naligtas sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan nitong katotohanan. Dapat tayong magkaroon ng pananampalatayang nananalig kay Jesu-Cristo na naparito sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid bilang Tagapagligtas. Tulad ng sinasabi ng Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Roma 10:17 ay winika rin, “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.” 
Itong Salita ni Cristo ay sinasabi sa atin na tayo’y naligtas dahil sa pananalig sa kaligtasang tinupad dulot ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang kapatawaran ng kasalanan ay di isang bagay na nakamit sa pananalig ng ating mga sariling pag-iisip, bagkus ito’y isang bagay na natamo sa panananlig ng ating mga puso sa kaligtasang nagmula sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang pananampalataya na tunay na magpapalaya sa atin sa kasalanan ay ang pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dapat tayo sa gayon na magdasal sa Diyos sa paglalagay ng ating pananampalataya sa katotohanang ito? Oo! Kailangan na tayo’y laging ibigay lahat ng ating dasal at pamamanhik sa Espiritu, bigkis ang ating mga baywang ng katotohanan (Efeso 6:14, 18). Nguni’t ano kung gayon, itong pananampalataya?
Ito ang ebanghelyo na nagsasabi sa atin na ang Panginoon ay naparito sa lupa upang iligtas tayo, binautismo ni Juan Bautista sa gulang na 30, pinasan lahat ng kasalanan ng mundo, pinako ang Kanyang mga kamay at mga paa, dinuran, nagbubo ng Kanyang dugo, at sa gayo’y nahugasan ang ating mga kasalanan. Dapat nating ihayag na sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa katotohanang ito ang ating kapatawaran ng kasalanan ay naganap. Niligtas tayo ng Panginoon sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng hatol sa mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus.
“Panginoon, lubos Ninyong akong inibig na Inyo akong ginawang sariling anak ng Diyos.” Ganito natin dapat ipahayag ang ating pananampalataya. Yamang kasalanan lamang ang taglay natin, gayunpaman niligtas tayo ng Panginoon sa pagbibigay sa atin ng karapatang pumasok sa Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat nating kasalanan dulot ng Kanyang bautismo at pagpapako. Ating dapat na paniwalaan lahat nitong katotohanan at kamtan ang walang hanggang buhay.
Anong dahilan para sa iyo na hindi manalig sa katotohanang ito? Para sa akin, wala akong maaaring sabihin kahit hindi binautismo ang Panginoon upang iligtas ako sa aking mga kasalanan, nguni’t para sa aking kapakanan, Siya’y binautismo, nagdanak ng Kanyang dugo, at sa gayo’y naligtas ako sa aking mga kasalanan. At kaya ako’y nanalig! Walang dahilan kung bakit lahat tayo ay di dapat manalig sa ebanghelyong ito. Malinaw na kapag ang mga makasalanan ay di manalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sila nga’y tiyak na itatapon sa impiyerno. Nguni’t nais ko na bawa’t isa sa inyo’y maligtas ngayon sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Nang panahong ako mismo ay nanatiling isang makasalanan kahit na aking sinasabing ako’y naniniwala kay Jesus. Hangad na maging isang mabuting Kristiyano, buong sikap na huwag magkaroon ng kahihiyan sa Langit. Nguni’t salungat sa aking pagnanais, ako’y patuloy na nagkakasala bawa’t oras; ang tanging gantimpalang pampalubag-loob ay kapag aking inihambing ang aking sarili sa iba, inaakala ko na kahit paano ako’y higit na mainam kaysa sa kanila. Subali’t, ang aking budhi’y patuloy na sinasabi sa akin na taglay ko pa rin ang kasalanan at yamang ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan ayon sa kautusan ng Diyos, ako ay yaong patungo sa impiyerno dahil sa aking mga kasalanan.
Matapos ang isang dekada ng aking kapaguran at legalismong buhay, ako’y halos patay sa espiritu. Subali’t, ginising ako ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya na si Jesu-Cristo ay binautismo para sa akin at inako ang aking mga kasalanan. Inako Niya hindi lamang ng aking mga kasalanan, kundi lahat din ng kasalanan ninuman sa buong mundo. Kanya ngang tiniis ang hatol sa mga kasalanang ito sa pagpasan ng mga ito sa Krus at pagpapako at kamatayan, nabuhay na muli at sa gayo’y naging aking tunay na Tagapagligtas na nabubuhay hanggang ngayon. Nang aking nalaman itong ebanghelyo ng katotohanan, wala akong magawa kundi ang manalig. At sa pananalig na si Jesu-Cristo ay naging aking Diyos ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugong dumanak sa Krus, lahat ng aking kasalanan ay nahugasan. Aking nakamit ang kapatawaran ng kasalanan sa aking puso sa pamamagitan ng pananampalataya.
Hindi dahil nalalaman kong lubos lahat ng Salita ng Diyos kaya aking nakamit ang kapatawaran sa aking mga kasalanan, bagkus ako’y napatawad sa aking mga kasalanan dahil aking nalalaman ang mga kasalanan sa aking sariling budhi, inilipat kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at nananalig sa aking na si Jesus ay hinatulan sa Krus upang pagbayaran ang aking mga kasalanan. Dahil aking natamo itong kapatawaran ng kasalanan kanya ako’y nabubuhay ngayon sa pangangaral ng ebanghelyo. Ikaw at ako ay iisa; walang kaibahan sa pagitan natin sa katotohanan.
Tulad mo, ako rin ay patuong impiyerno at tulad mo, akin ding natamo ang kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa iisang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pananalig sa ebanghelyo kung saan inalis ng Panginoon ang ating mga kasalanan, ikaw at ako ay naligtas dahil sa pananampalataya. Kaya aking binibigay ang aking pasasalamat sa Panginoon. Dahil sa paraang ito tayo ngayo’y may budhi ng pananampalataya sa pagtanggap ng ganap na kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu kaya tayo ngayo’y makalalapit sa Diyos at magdasal sa Kanya bilang Kanyang sariling anak na napatawad sa kasalanan.
Tulad ng sinasabi sa atin ng Biblia na ang samyo ng dambana ng kamangyan ay likha ng banal na pampahid na langis at ang masamyong kamanyan, tayo’y ginawang malinis ni Jesus sa paghuhugas ng lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng banal na ebanghelyo ng katotohanan. Sa panahon ng Lumang Tipan, ang bayan ng Israel ay kailangang gawin itong kamangyan at sunugin sa dambana tulad ng iniutos ng Diyos. Sa loob ng Banal na Dako, sinusunog ang kamangyan at ang samyo nito ay pumapaitaas bawa’t araw. Itong kamanyan ay nangangahulugang pananalangin sa Diyos.
Sa panahon ng Bagong Tipan, upang ikaw ay magsunog nitong kamangyan sa Banal na Dako, dapat ka munang manalig sa ebanghelyo ng katotohanan at mapatawad sa kasalanan ng inyong mga puso. Sa ibang salita, sa pananalig sa ebanghelyo ng katotohanan ika’y makasusunog ng kamangyan ng panalangin. Paano tayo makasusunog ng kamangyan sa gayong paraan tulad ng pagsunog sa panahon ng Lumang Tipan? Kapag ang gayong mga kagamitan sa Tabernakulo tulad ng dambana ng sunugan ng handog at dambana ng kamangyan ay hindi nakapaligid sa atin ngayon, paanong ikaw at ako ay makagagawa ng kamangyan at sunugin ito sa dambana? Tayo ay makasusunog ng kamangyan ng panalangin sa pananampalataya, dahil inalis ni Jesus ang ating mga kasalanan at tayo’y naligtas. Dahil ang ating mga puso ay nalinisan sa pamamagitan ng pananampalataya nang tayo’y napatawad sa kasalanan, tayo ngayo’y makapagsusunog ng kamangyan na pumapaitaas sa Diyos na may taimtim na mga dasal.
Nananalig tayo na sa pamamagitan ng ating buong pusong pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesu-Cristo, at si Jesus ay tiniis ang hatol ng ating mga kasalanan alang-alang sa atin. Ang inyo at aking mga puso sa gayon lahat ay naging malinis. Yamang lahat ng mga kasalanan sa ating mga puso’y inilipat kay Jesus, ang ating mga puso ay naging, sa pamamagitan ng pananampalataya, ganap na malinis nang minsan. Kung lahat ng inyong mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismong Kanyang nakamit mula kay Juan, kung gayon lahat ng inyong mga kasalanan ay nahugasan at naglaho nang minsan. Wala ng anumang kasalanan nalalabi sa inyong mga puso. Dahil inalis at hinugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo, tayo ngayo’y makalalapit na sa banal na Diyos at hingin ang Kanyang tulong. Na tayo’y makapananalangin sa Diyos ay saligan ng ating pananampalataya, na ating nakamit ang kapatawaran ng kasalanan dahil sa tiyak na pananalig sa ebanghelyo, na siya ngayong nasa likuran ng ating mataimtim na mga puso.
Mga kapatid, magtungo sa dambana ng kamangyan at walang patid na manalangin, “Ama, tulungan po ako. Ito ang aking kalagayan at ito ang aking kailangan. Ama nais kong palaganapin ang tunay na ebanghelyo at mamuhay matuwid. Nais kong mamuhay na may nararapat na buhay yaong tunay na napatawad sa kasalanan. At nais kong magkaroon ng mga bunga ng katuwiran. Binibigay ang aking pananampalataya sa Inyo. Nais kong mamuhay ayon sa Inyong kalooban.” Tulad nito, ang paghingi ng mga kailangan ay kung ano ang panalangin. Ito’y ukol sa paghingi ng tulong sa Diyos ayon sa Kanyang katuwiran.
Marahil ika’y may iba’t ibang mga kahilingan at mga hangarin din. Dahil tayo’y naging mga matuwid sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagpawalang-sala sa atin, ito ngayo’y naging posible para sa atin na humingi ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng ating dasal. Yaong makapananalangin sa Diyos para sa Kanyang tulong ay ang masasaya. Ngayong tayo ay napatawad sa ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, walang-alinlangang tayong lahat ay makapananalangin sa Diyos.
Yaong, dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos at sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay napatawad sa kasalanan sa kanilang mga puso ay nagkaroon ng karapatang lumapit sa banal na Diyos at hingin ang Kanyang tulong. At lahat ng mga mananampalatayang isinilang na muli ay di-maiiwasan at lias na lalapit na may dasal para sa tulong ng Ama sa kanilang mga buhay, bilang isang anak na humihingi ng tulong sa kanyang mga magulang kapag siya’y nasa panganib. Ang kanilang pananampalataya ang naghatid sa kanila ng kapatawaran ng kasalanan ay hindi lamang ang pananampalatayang nagtulot sa kanila na tumawad sa Diyos bilang kanilang Ama, kundi ito rin ang pananampalatayang nagtulot sa kanila na magdasal para sa tulong ng Ama sa lahat ng oras bilang Kanyang sariling mga anak. Dahil ang Diyos ay naging ating tunay na Ama sa pananampalataya, tayo ngayo’y nararapat na hingin ang Kanyang tulong sa pamamagitan ng ating panalangin ayon sa ating mga pangangailangan.
Hindi ko nalalaman, kung ano ang inyong mga personal na panalangin o paano tinugon ng Diyos ang mga ito matapos na inyong makamit ang kapatawaran ng kasalanan. Nguni’t ang aking nalalaman na kapag tayo’y nagdasal sa Diyos upang tulutan tayong makiisa sa Kanyang Iglesia at palaganapin ang ebanghelyo, Kanyang tiyak na tutugunin ang ating dasal. Sa prosesong ito tayo’y mananalangin sa iba. Una, ang bawa’t isa ay nananalangin lang para sa pangangailangan ng kanyang laman. Nguni’t sa mga gawa ng Banal na Espiritu, ating nabatid na tayo’y nasa mahigpit na pangangailangang ng mga dasal para sa iba, at sa gayon ating inaalay ang ating mga sarili upang ipagdasal ang kaligtasan ng ibang mga kaluluwa at palaganapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Bakit? Dahil ang mga dasal ng mga hinirang na isinilang na muli ay inaakay ng Banal na Espiritu. Sinabi ng Panginoon sa atin, “Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang Kaniyang kaharian at ang Kaniyang katuwiran” (Mateo 6:33).
Nguni’t sa mga isinilang na muli, yaong mga bata pa sa espirituwal di nalalaman kung paano magdasal para sa mga bagay na nararapat, dahil hindi pa nila nararanasan ang tugon ng Diyos sa kanilang mga dasal. Ito’y dahil hindi pa rin nila nalalaman kung gaano makapangyarihan ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Yaong maliit ang pananampalataya ay di lang hindi nalalaman kung ang kanilang mga dasal ay matutugon o hindi, nguni’t dagdag nito, sila’y dinadalaw palagi ng mga alinlangan.
Tulad niyaon, dapat silang manalangin sa kasama yaong naunang nanalig sa kanila. Yaong bata pa sa pananampalataya ay nag-aatubiling manalangin sa Diyos. At kapag sila’y mananalangin, hinihingi lang nila ang kanilang kailangan—“bigyan ako, bigyan ako, bigyan ako.” Nguni’t kung ang bata sa pananampalataya ay kaisa sa Iglesia kahit pa walang malaking pananampalataya sa Diyos, kanila ring matututunan kung ano ang tunay na panalangin, dahil ang kanilang mga sinundan sa pananampalataya sa Iglesia ay nananalangin para sa katuwiran ng Diyos. Gayon din, dahil ang Banal na Espiritu ay binibigay ang pananampalataya ng panalangin sa mga kaisa sa Iglesia, unti-unti silang nagdarasal para sa katuwiran ng Diyos. “Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid” (Santiago 5:16).
Ang mga tapat na dasal ng isinilang na muli na may karapatang dumalangin sa Diyos ay malaki ang nagagawa. Ang mga dasal ng mga may pananampalataya sa Diyos ay tunay na tinutugonan Niya. Kapag ang tayo’y nagdasal sa Diyos, upang ang kanilang mga dasal ay tugunan ng Ama, dapat muna silang manalig na ang Diyos ay ang kanilang sariling Ama, at Siya’y tumutugon sa kanilang mga dasal ayon sa kanilang pananampalataya. Tulan niyon, kapag ang mga sinundan ng pananampalataya ay nagsama-sama at nagdasal para sa mga sumusunod sa kanilang mga yapak at para sa mga matuwid na gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, mararanasan nila ang mga dakilang gawain. Kung ika’y tatayo sa tabi ng iyong mga sinundan ng pananampalataya na nananalig sa Diyos, ika’y lubos na tutulungan sa iyong pananampalataya. Dahil nalalaman ng Diyos na tayo’y nasa pangangailangan ng higit na tulong hindi lamang ng biyaya ng kaligtasan kundi maging sa ibang mga bahagi ng buhay, Kanyang tutugunan ang ating mga dasal. Ito kung bakit kailangan nating lahat ang pananampalataya na kaisa sa Iglesia ng Diyos.
Kapag tayo’y mananalangin para sa mga bagay na lulugod sa Diyos, ang ating pananampalataya ay lubos na mapapalakas. Bilang mga espirituwal na anak natutulad na magdasal ay unti-unting dumadalangin bilang sariling kanila at lalago, tayo rin ay dadalangin sa Diyos Ama para sa ating mga suliranin. Yaong gumagawa ng gayon ay tunay na nananalig sa Diyos pagkatapos ay nabubuhay sa pananampalataya sa daan sinusunod ay tunay na katotohanan. Tulad ng sinasabi ng Biblia sa atin na ang matuwid ay nabubuhay lamang sa pamamagitan ng pananampalataya, sila’y nabubuhay hindi lamang sa kanilang mga sarili, kundi sa kaligtasan ng ibang mga kaluluwa.
Paano nating nakamit ang karapatang dumalangin sa Diyos? Nakamit natin ito sa pamamagitan ng pagsilang na muli dahil sa ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos. Yaon lamang napatawad sa kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ang katapangan ng pananampalatayang nagtulot na dumalangin sa Diyos Ama ang nagbigay. Upang makamit ang karapatang magdasal ay ang makamit ang dakilang pagpapala ng pananampalataya mula sa Diyos.
Sa maraming mga Kristiyanong mananampalataya sa mundong ito, ilan sa kanila sa iyong akala ang nararapat na manalangin ng gayong pananampalataya? Hindi marami! Isa sa pinakamapalad na mga handog mula sa Diyos, una sa lahat, na tayo’y nanampalatayang naligtas sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. At ang ikalawa ay tayo’y nagkaroon ng kapangyarihan at karapatang dumalangin sa Diyos bilang Kanyang sariling mga anak; at ikatlo, tayo’y nagkaroon ng pananampalatayang nagtulot sa atin na mamuhay bilang mga manggagawa ng Diyos.
 

Hindi Tinutugon ng Diyos ang mga Dalangin ng mga Makasalanan

Ang ibang mga makasalanan, kahit kanilang sinasabi na naniniwala kay Jesus, dumadalangin sa Diyos na alisin ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng walang tigil na pag-akyat sa mga bundok at pagsigaw ng pangalan ng Panginoon. Kahit pa sa malalamig at mahanging mga gabi, sila’y umaakyat pa rin sa bundok, nakatakip ang kanilang mga katawan ng mga plastik na kumot at bagaman sila’y natatakot, sila’y taimtim na nagdarasal pa rin ng kanilang buong panata. Nguni’t ang kanilang mga dasal ay kililing na ugong sa kawalan. 
Bagaman sila’y nagdarasal ng buong gabi, wala silang anumang pananampalataya upang tunay na tutugunan ng Diyos ang kanilang mga dasal. Ang dahilan kung bakit sila nagdarasal na matimtim sa kabila ng kakulang ng pananampalataya ay dahil sila’y nagdarasal upang ipakita sa iba, pawang pagpapakita lamang. Ang kanilang mga dasal ay mga walang kasagutang dasal. Sa katunayan, nalalaman nila sa kanilang budhi na ang kanilang mga dasal ay di-umaabot sa Diyos, dahil may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso. Dahil hindi pa sila napapatawad sa kanilang mga kasalanan, walang katugunan sa kanilang maraming dasal, gaano man sila magdasal, umiyak at manangis, humiyaw ng lubos sa kanilang mga baga, at gawin lahat ng uri ng mga bagay upang hingin sa Diyos ang nais nila.
Ang kailangan nilang malaman ay ang pinakakailangan upang magdasal sa Diyos ay masusumpungan lang kung sila’y mapatawad muna sa kasalanan. Nguni’t dahil maraming mga makasalanan ang walang pagpipilian hangang kanilang malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sila’y patuloy sa kanilang buhay pananampalataya bilang mga makasalanan. Kapag ang tao’y di nalinisan nang minsanan sa pamamagitan ng pananalig ng kanilang mga puso sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon, kung gayon ang kanilang mga dasal sa katunayan lahat ay walang saysay. Sa tuwing ang mga makasalanan ay magtangkang magdasal sa Diyos, ang kanilang mga budhi’y sisigaw, “Akala ninyo ba’y ang inyong mga dasal ay aabot sa Diyos? Mangarap kayo! Lahat ng mga iya’y walang saysay!” Kaya kahit sila’y patuloy na magdasal sa Diyos, “Bigyan ako nito, bigyan ako niyan,” ang kanilang mga dasal ay tunay na walang kabuluhan.
“Bago ka dumalangin sa Akin, tanggapin muna ang kapatawaran sa mga kasalanan.” Ito ang kalooban ng Diyos. Kapag yaong hindi napatawad sa kasalanan ay nagdasal sa Diyos, malalaman nila sa kanilang mga karanasan na ang kanilang mga budhi ay di pahihintulutan ng kanilang katwiran. Kapag nagdasal ang mga makasalanan, patuloy nilang sinasabi, “Bigyan ako nito, Panginoon at bigyan din ako ng ganoon,” nguni’t walang kasagutan sa kanilang mga dasal. Higit nito, ang kanilang mga budhi ay sinasabi lang sa kanila, “Hindi! Ang inyong mga dasal ay di tutugunan, dahil kayo’y masasama!” Kahit pa sa kanilang mga budhi ang mga makasalanan ay di matiis ng kanilang pananampalataya, paano nila maaaring dayaiin ang Diyos, paano sila pagtitibayin Niya, at paano matutugon ang kanilang mga dasal? Ang mga makasalanan ay di nararapat na dumalangin sa Diyos. Higit nito, maging ang kanilang mga sariling puso ay di nagtitiwala sa kanilang mga dasal.
 

Ang Ating mga Dasal ay Magsisimulang Matutugunan Kung Tayo’y Naging Matuwid sa Pamamagitan ng Pananampalataya

Nguni’t ang mga dasal ng marami na dating mga makasalanan ay magsisimulang matugunan kapag kanilang nakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa Tabernakulo. Yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa sentro ng kanilang mga puso ay maaaring di sapat sa kanilang sarili, nguni’t sila’y makalalapit sa Diyos sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng pananampalataya sila’y matapang na makakapanalangin sa Kanya, hinihingi sa Kanya ang kanilang mga pangangailangan. Kapag yaong napatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya ay nagdasal sa Diyos ayon sa Kanyang kalooban, kung gayon matapang na makalalapit upang magdasal.
Nguni’t kapag sila’y nananalagin para sa kanilang sariling laman, sila kung minsa’y di karapat-dapat. Tayong mga matuwid ay ang pinakamasaya kapag tayo’y dumalangin para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, para sa mga kaluluwa ng iba. Kapag tayo’y nagdasal para sa masigasig na paglalaganap ng ebanghelyo, bitag ng walang hadlang ng laman, kung gayon tayo’y magtatagumpay sa mga balakid ng ating mga limitasyon sa pamamagitan ng mga dasal ng pananampalataya. At tiyak, sa tamang panahon ating masasaksihan ang katugunan ng ating dalangin sa Diyos.
Ang dapat nating gawin ay manalangin at maghintay, huwag magtaka sa kainipan bakit ang ating mga dasal ay hindi agad natutugunan. Nais ng Diyos na tayo’y magdasal na may pananampalataya, at manalig na kapag ang ating mga dasal ay tugma sa kalooban ng Diyos, kung gayon Kanyang tutugunan ang mga ito sa tamang panahon. At kapag tayo’y napatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, at kapag tayo ay nagdasal sa pamamagitan ng pananampalataya sa ating mga buhay, at makikita natin unang karanasan na marami sa ating mga dalangin ay tunay na natugunan.
Nguni’t ika’y namuhay sa pananampalataya tulad nito? Kung gayon, ika’y maaaring tunay na dumalangin sa Diyos. Kung muling susuriin ang ating mga sarili, malalaman nating tayo’y patungo sa impiyerno, at atin ding malalaman pa na tayo’y nararapat na magdasal lamang sa pamamagitan ng pagkamit ng kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tulad niyaon, dapat nating tiyak na tandaan na yaong maaaring magdasal ay yaong napatawad sa kasalanan dahil sa pananalig na inalis ng Panginoon lahat ng kasalanan ng kanilang buong buhay sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sa mga hindi pa isinisilang na muli, maraming tao ang lubos na palalo sa kanilang mga sarili. Ikaw ba? Mayroon ka bang dapat ipagmalaki? Malalakas ba ang iyong mga bisig? Maging ang iyong mga binti? Gaano ma kalakas ang ating mga katawan, hindi ito tatagal sa karaniwang sakit na sipon, ni hindi nila mapipigilan ang anumang labis na malakas na pisikal na puwersa, kinukubli ang kanilang tunay na kahinaan. Nalalaman mo ba kung gaano kahina ang tao? Maaari tayong mamatay sa isang kagat ng lamok, o mamatay sa pamamagitan ng nahulog na bato habang naglalakad. Tayo’y walang magagawa. Kung sabihin ninuman ang isang parirala na susugat sa ating puri, maaaring masaktang lubos ang ating mga puso na tayo’y magiging kalating patay. Ito ba ang nangyayari? Oo!
Ilang dami ng tao ang namamatay bago abutin ng 60? Di mabilang na tao ang namamatay bago man abutin ng 30. Ang gayong mga mahihinang nilalang ay walang iba kundi ang tao. Ang walang hanggang kalakasan ng tao ay di makikita saan man. Dapat ba ang gayong mga mahihinang nilalang, ay magmatigas ng kanilang mga puso at di mananalig sa Salita ng Diyos sa kahibuturan ng kanilang mga puso? Yamang walang dapat ipagmapuri, ni ang magkunwaring malakas—ito ang tao.
Tulad niyaon, dapat nating malaman ang ating mga sariling kahinaan, kilalanin ang ating mga kakulangan at mga kasalanan, manalig sa ebanghelyo ng katotohanang natupad sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa ating mga puso, at sa gayo’y nakamit ang karapatang dumalangin sa Diyos. Dapat tayong manampalataya sa Diyos. Upang magkaroon ng pananampalataya na lumulugod sa Diyos sa kahibuturan ng ating mga puso, ang tao’y dapat na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t marami ang hindi pa rin nananalig. Makakamit mo ba ang karapatang magdasal sa Diyos mula sa ibang ebanghelyo maliban sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Maaalis ba ang iyong mga kasalanan kung hindi inako ni Jesus ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo para sa iyong kapakanan? Maaari mo bang ilipat ang iyong mga kasalanan ng iyong puso kay Jesus at mahugasan kung walang pananalig sa bautismo ni Jesus?
Ang mga kasagutan ay hindi, hindi at tiyak na hindi! Dahil pinasan ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismong tinanggap mula kay Juan na Siya’y pinako at tiniis ang hatol ng lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo. Maaari ka bang maligtas kung wala ang bautismo ni Jesus at ang Krus? Hindi! Na si Jesus ay binautismo upang akuin ang ating mga kasalanan nang minsan at hugasan ang mga ito, upang linisin ang ating mga kasalanan. At Siya’y napako upang tiisin ang hatol ng ating mga kasalanan. Sa pananalig sa katotohanang ito ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tayo’y napatawad sa lahat nating kasalanan.
Kung gayon, tayo’y makalalapit sa Diyos anumang oras at matapang na mahahayag, “Panginoon, ako’y di sapat, nguni’t dahil niligtas Ninyo ako sa pamamagitan ng Inyong tubig at ng dugo, ako ngayo’y walang kasalanan. Naparito Kayo dito sa lupa, at minsanang inalis lahat ng kasalanan sa pagbautismo, pagpasan nitong mga kasalanan ng mundo sa Krus, nahatulan, at nabuhay na muli. At sa pamamagitan nito, Panginoon, kayo nga’y tunay na naging aking Diyos ng kaligtasan. Sa aking pananampalataya sa katotohanang ito na ako’y nanalig sa Inyo.” Kapag ating pinanatili ang ating pananampalataya, sa ibang salita, tayo’y laging makalalapit sa Diyos at dumalangin sa Kanya sa kabilang ng ating di kasapatan. Tayo’y maaaring magdasal para sa pagpapalawak ng Kanyang Kaharian, magdasal para ating mga kapatid at maaaring magdasal para sa ibang mga kaluluwa na tatanggap pa lang ng kapatawaran ng kasalanan.
Tanging kapag ang tao’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sila’y laging walang kahihiyan sa silong ng langit. Nguni’t ang walang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maaaring subukin ng ibang tao na punan ang kakulangan ng ibang bagay—dapat mong malaman na ang gayong mga pagsisikap ay lubos na walang saysay. Ito kong bakit ang kanilang mga puso ay nabahala at nahihirapan, di mabata ang kanilang mga buhay. Sa katotohanan man o sa kasinungalingan, ang bawa’t isa ay nananalig sa ibang bagay. Pag-aralan ang inyong mga sarili.
Suriin ang inyong sarili upang makita kung ika’y tunay na nananalig sa Panginoon sa pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, o kung ika’y di nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Inalis ng Panginoon ang inyong kasalanan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo—kung ika’y nananalig dito, kung gayon, mayroon pa ring bang kasalanan sa inyong mga puso? Kung ika’y tunay na nananalig, sa kahibuturan ng inyong mga puso at mga espiritu, dito sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon tiyak na walang kasalanan. Sa inyong buong pusong pananampalataya sa katotohanang ito, tanggapin mo ngayon ang tunay na kapatawaran ng kasalanan.
Dahil binigay ng Diyos sa atin ang kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, tayo ngayo’y walang hanggang napatawad sa kasalanan. At dahil dito, yaong nanalig sa katotohanang ito ay naging sariling anak ng Diyos, dinamtan ng biyayang magtutulot sa kanila na makalapit sa Kanya. Kung gayon, dapat nating mahalin ang isa’t isa, unawain ang mga kakulangan ng iba, maglingkod sa mga gawain ng Diyos hanggang sa huli at pagkatapos ay lumapit sa Kanya at tumayo sa Kanyang presensya.
Yaong napatawad sa kasalanan ay iniibig lahat ng makasalanan. Ang mga puso ng matuwid ay hangad ang bawa’t makasalanan na malaman ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at maisilang na muli. Nguni’t may mga uri ng tao ang di makaiibig sa tao. Ito ang mga masuwaying makasalanan—mga Kristiyano na dinadaya ang kanilang mga sariling budhi ng pananampalataya at nililito ang kanilang mga sarili sa pag-aakala na sila’y nananalig sa Diyos kahit sila’y nananatiling makasalanan pa rin.
Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at pagtanggap sa kapatawaran ng kasalanan sa ating mga puso, tayong lahat ay dapat na ipagtanggol ang ating mga budhi ng pananampalataya. Tayo’y tumakbong mabuti hanggang sa huli, pinapanatili ang ating mga budhi ng pananampalataya at di maglaho ang pananampalataya. Ang kapag ang sinuman ay waring dumadaan sa kahirapan sa espirituwal, kung gayon ay tulungan ang isa’t isa at matibay na manangan sa isa’t isa. Anuman ang mangyari, ang matuwid ay dapat na huwag lumisan sa Iglesia. Kung ang matuwid ay lumisan sa Iglesia ng Diyos, sila’y agad namamatay. Ang paglisan sa Iglesia ng Diyos ay tulad ng kawalan ng tahanan. Ang kawalan ng tahanan ay kawalan ng kublihan, at kaya ang inyong mga puso ay di masusumpungan ang kapahingahan ni kaaliwan kahit saan, at ikaw ay mamatay sa huli.
Ang Iglesia ng Diyos ay lugar kung saan ang Kanyang tupa ay kumakain at nagpapahinga at nagiginhawa. Tulad niyon, kapag nawalan ng lakas ang tupa at napagod, tutulungan ng Iglesia ng Diyos ang kanilang mga puso na lumakas dulot ng pakikinig ng Salita. Kapag iyong tinanggap ng iyong puso ang Salita, sa gayon magagalak ang Banal na Espiritu sa iyo, ang inyong puso’y lalakas din, at bilang wakas na resulta, iyong makakamit ang buhay na walang hanggan.
Lahat tayong matuwid ay magpasalamat sa Diyos. Nagpapasalamat tayo sa Diyos, upang tayo’y magkaroon ng karapatang magdasal, Kanyang binigay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa atin. Alleluia! Dalangin ko sa Diyos na buhay na Kanyang itulot tayo na magtiwala sa Kanya at mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.