• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-21] Ang Mataas na Saserdote na Nagbigay ng Handog sa Araw ng Pagtutubos (Levitico 16:1-34)

2021.04.13 104
(Levitico 16:1-34)
“At sinalita ng Panginoon kay Moises pagkamatay ng dalawang anak ni Aaron noong nagsilapit sa harap ng Panginoon at namatay. At sinabi ng Panginoon kay Moises, ‘Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid na huwag pumasok tuwina sa dakong banal sa loob ng tabing, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban upang siya’y huwag mamatay sapagka’t Ako’y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa. Ganito papasok nga si Aaron sa loob ng dakong banal, may dalang isang guyang toro na handog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na handog na susunugin. Siya’y magsusuot ng kasuutang banal na lino at ng salawal na lino sa kaniyang laman at magbibigkis siya ng pamigkis na lino at ang mitra na lino ay kaniyang isusuot, ito ang mga bihisang banal at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig at pawang isusuot niya. At siya’y kukuha sa kapisanan ng mga anak ni Israel, ng dalawang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan, at ng isang tupang lalake na pinaka handog na susunugin. At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan. At kukunin niya ang dalawang kambing at ilalagay niya sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing, ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel. At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinaka handog sa kasalanan. Nguni’t ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buhay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya at payaunin kay Azazel sa ilang. At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa kaniyang sarili at itutubos sa kaniyang sarili at sa kaniyang sangbahayan at papatayin ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili at kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga at kukuha ng dalawang dakot ng masarap na kamangyan na totoong dikdik at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing at ilalagay niya ang kamangyan sa ibabaw ng apoy sa harap ng Panginoon, upang mga usok ng kamanyan ay tumakip sa luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo upang huwag siyang mamatay. At siya’y kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa dakong silanganan at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo. kung magkagayo’y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa at ibubuhos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel at dahil sa kanilang mga pagsalangsang sa makatuwid baga’y sa lahat nilang kasalanan at gayon ang kaniyang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila sa gitna ng kanilang mga karumalan. At huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya’y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal, hanggang sa lumabas siya at matubos ang sarili at ang kaniyang kasangbahay at ang buong kapisanan ng Israel. At lalabas siya sa dambana na nasa harap ng Panginoon at itutubos sa ito at kukuha ng dugo ng toro at ng dugo ng kambing at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot. At makapitong magwiwisik siya ng dugo sa dambana ng kaniyang daliri at lilinisin at babanalin dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel. At pagkatapos matubos niya ang dakong banal at ang tabernakulo ng kapisanan at ang dambana ay ihahandog ang kambing na buhay. At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan at ilalagay niya sa ulo ng kambing at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa at dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila sa lupaing hindi tinatahanan at pawawalan niya ang kambing sa ilang. At papasok si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan at maghuhubad ng mga suot na lino, na isinuot niya nang siya’y pumasok sa dakong banal at iiwan niya roon. At paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig, sa isang dakong banal, at magsusuot ng kaniyang mga suot at lalabas at ihahandog ang kaniyang handog na susunugin at ang handog na susunugin ng bayan at itutubos sa kaniyang sarili at sa bayan. At susunugin sa ibabaw ng dambana ang taba ng handog dahil sa kasalanan. At yaong nagpakawa ng kambing na ukol kay Azazel ay maglalaba ng kaniyang mga suot at maliligo ang kaniyang laman sa tubig at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento. At ang toro ng handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa kasalanan na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos, ay ilalabas sa kampamento at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon at ang laman at ang dumi. At ang magsusunog ay maglalaba ng kaniyang mga suot at maliligo ang kaniyang laman sa tubig at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento. At ito’y magiging palatuntunan magpakailanman sa inyo, sa ikapitong buwan nang ikasampung araw ng buwan ay pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa at anomang gawain ay huwag gagawa ang tubo sa lupain ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo. Sapagka’t sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon. Sabbath nga na takdang kapahingahan sa inyo at papagdalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa, ito’y palatuntunang magpakailanman. At ang saserdote na papahiran at itatalaga upang maging saserdote na kahalili ng kaniyang ama, ay siyang tutubos at magsusuot ng mga kasuutang lino na mga banal ngang kasuutan. At tutubusin niya ang banal na santuario at tutubusin niya ang tabernakulo ng kapisanan at ang dambana at tutubusin niya ang mga saserdote at ang buong bayan ng kapisanan. At ito’y magiging palatuntunang walang hanggan sa inyo na tubusin ang mga anak ni Israel dahil sa lahat nilang mga kasalanan, ng minsan sa isang taon. At ginawa niya ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.”
 

Ang Mataas na Saserdote ang siyang naghahandog sa Araw ng Pagtutubos para sa bayan ng Israel. Itong handog ay binibigay minsan sa isang taon sa ikasampung araw ng ikapitong buwan sa kalendaryo ng Israel. Sa araw na ito, sa paghahandog ng Mataas na Saserdote para sa bayan ng Israel alang-alang sa kanilang kapakanan, lahat ng kanilang kasalanan ay tunay na inilipat dito sa haing handog at huhugasan. Ang Araw ng Pagtutubos samakatuwid ay naging malaking pista para sa bayan ng Israel.
Tulad ng ibang mga handog, ang handog din sa Araw ng Pagtutubos ay sasamahan ng tatlong permanenteng pamantayan: walang-dungis na handog na hayop, pagpapatong na mga kamay, at ang pagdanak ng dugo ng haing hayop. At malugod na tinanggap ng Diyos ang handog na binigay sa ganitong paraan. Ang kaibahan sa ganitong paghahandog sa ibang mga paghahandog, ang Mataas na Saserdote ay kailangang dalhin ang dugo ng haing handog sa Kabanalbanalang Dako.
Matapos maghandog para sa kanyang sarili at sa kanyang sambahayanan, naghandog si Aaron na Mataas na Saserdote ng dalawang kambing sa Diyos para sa bayan ng Israel. Una, kanyang hinandog ang isa sa Panginoong Diyos ayon sa gayon ding paraan ng handog ng kasalanan na kanyang inalay na isang toro. At pagkatapos kanyang hinandog ang pangalawang kambing para sa pakakawalang kambing. Kanyang nilipat ang mga kasalanan ng bayan ng Israel sa pakakawalang kambing sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa ulo nito sa harap ng mga Israelita, at itong kambing na tumanggap ng kanilang mga kasalanan ay dadalhin sa ilang sa pamamagitan ng isang nararapat na tao.
 

Ang Handog sa Araw ng Pagtutubos ay Nilinis Lahat ng Kasalanan ng Bayan Ng Israel

Sa Araw ng Pagtutubos, ang Mataas na Saserdote, kinakatawan ang bayan ng Israel, nilipat ang kanilang mga kasalanan sa ulo ng haing handog sa pagpapatong ng mga kamay nito. Siya’y nagdala ng dalawang buhay na kambing, pumili sa mga ito—isa para sa Diyos at ang isa’y para sa bayan ng Israel.
Ang pagpapatong ng mga kamay dito ay nangangahulugan ng paglilipat ng lahat ng kasalanan sa ulo ng haing handog. Itong pagpapatong ng mga kamay ay paraan ng paghuhugas ng kasalanang tinakda ng Diyos, at sa panahon din ng Bagong Tipan, ang gayon ding paraan ay isang anyo ng pagpapatong ng mga kamay upang gawin para kay Jesus upang hugasan din ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Upang mapatawad ang sariling mga kasalanan ng Mataas na Saserdote, ang mga kasalanan ng kanyang kasambahay, at isang taong halaga ng mga kasalanan ng bayan ng Israel, lubos niyang kailangang ilagay ang kanyang mga kamay sa ulo ng kambing at ilipat lahat nitong kasalanan dito. Dahil isinalin ng Mataas na Saserdote ang mga kasalanan ng bayan ng Israel sa haing handog sa pagpapatong ng kanyang mga kamay sa ulo nito, isang taong halaga ng mga kasalanan ng mga Israelita ay naglaho. Tulad nito, sa pamamagitan ng paghahandog sa Araw ng Pagtutubos, ang bayan ng Israel ay mapapasalamatan ang Diyos sa pagliligtas sa kanila mula sa lahat nilang kasalanan.
Sinumang may kasalanan ay di-maiiwasang mahatulan. Upang ang haing handog ay mahatulan alang-alang sa mga kasalanan ng tao, kailangan muna nitong tanggapin ang kanilang mga kasalanan. Kung ang Mataas na Saserdote ay maghahandog sa Diyos na walang pagpapatong ng kanyang mga kamay sa ulo nito, itong handog kung gayon ay isang lapastangan sa Diyos, at sa gayon ay huwag ituloy sa paggawa nito. Upang maligtas ang buong sangkatauhan na naging mga makasalanan, nagtalaga ang Diyos ng Kanyang layon ng kaligtasang natupad sa pamamagitan ng paraan ng paglalagay ng mga kamay. Upang alisin ang mga kasalanan ng bayan ng Israel, nagtalaga ang Diyos ng Mataas na Saserdote at ginawang ipalipat sa kanya ang mga kasalanan ng lahat niyang bayan nang minsan sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang mga kamay sa haing handog bilang kanilang kinatawan. Tulad niyon, lahat ng mga handog na hayop na inalay sa Diyos sa Tabernakulo ay tinanggap lahat ng kasalanan ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, at tiniis nito ang hatol ng kasalanan alang-alang sa kanila, nagbubo ng kanyang dugo at namatay.
Upang ganap na tuparin ang katuwiran at pag-ibig ng Diyos, ang mga Israelita’y kailangang ialay ang handog sa Araw ng Pagtutubos sa pagpapatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote sa ulo ng mga haing hayop at gigilitin ang mga lalamunan upang magbubo ng kanilang dugo alang-alang sa kanila minsan isang taon. Sa pamamagitan nitong handog, sa ibang salita, nais ng Diyos na hugasan ang isang taong halaga ng lahat ng kasalanan ng bayan ng Israel nang minsan. Ito ang kautusan ng pag-ibig ng Diyos na nagbigay-kasiyahan sa Kanyang kahabagan at Kanyang katarungan. Dahil ang Diyos ay makatarungan, upang maalis ang mga kasalanan ng tao nang minsan ayon sa Kanyang matuwid na kautusan, hinanda ng Diyos si Jesu-Cristo ang Cordero, pinaako sa Kanya ang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at pinagdanak sa Kanya ang dugo sa Krus.
Si Jesus, na naghandog ng Kanyang sarili bilang walang hanggang handog, inako ang bawa’t kasalanan ninuman nang minsan sa paraang ito, minsang pagbubo ng Kanyang dugo at sa gayo’y naganap ang kanilang kaligtasan sa kasalanan. Tulad niyon, tayo rin, ay dapat lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang nananalig sa katotohanan ng kaligtasang natupad sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa pamamagitan nitong pananampalataya na lahat ng kasalanan ay natubos nang minsan. Samakatuwid, sinuman ang nais na mapatawad sa kasalanan nang minsan ay dapat lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang tunay na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 

Ang Kahulugan ng Pagpapatong ng mga Kamay

Ang kahulugan ng pagpapatong ng mga kamay, “upang ilipat, upang isalin o upang ilibing” (Levitico 1:3-4). Kapag ang sinumang karaniwang tao ng Israel ay nagkasala di sinadsayang magkasala at nalaman niya ito, kailangan niyang magsunog ng handog sa Diyos (Levitico 4:27-29). Kailangan muna niyang magdala ng isang haing hayop na walang dungis, at kailangang ilipat ang kanyang mga kasalanan sa paraang pagpapatong ng mga kamay sa ulo nito. Ang kailangan niyang gilitin ang lalamunan nito, kuhanin ang dugo at ibigay ito sa saserdote (Levitico 4:27-28). Pagkatapos ang saserdote ay kukuha ng dugo sa kanyang daliri, ilalagay sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, at lahat ng nalalabing dugo ay ibubuhos sa paanan ng dambana. Kanya ring susunugin ang taba nito sa dambana, at pagkatapos ay aalingasaw sa Diyos ang maginhawang samyo ng nasusunog ng taba na inalay sa handog na ito.
Nalalaman na natin na upang alisin ang mga kasalanan ng bayan ng Israel, hinanda ng Diyos ang handog ng Araw ng Pagtutubos kung saan ang mga kamay ay pinatong sa haing hayop at kinuha ang dugo nito. Sa pangyayari ring ito, hindi mahuhugasan ng Diyos ang mga kasalanan ng mga Israelita kung wala ang pagpapatong ng mga kamay sa haing handog. Tulad nito, ang handog sa Araw ng Pagtutubos na binigay sa Lumang Tipan ay malapit ang kaugnayan sa bautismo at dugo ni Jesus sa panahon ng Bagong Tipan.
Tulad ng haing handog sa Lumang Tipan ay kailangang walang dungis na hayop, sa panahon din ng Bagong Tipan, si Jesus ay naparito bilang walang dungis na Cordero ng Diyos, at binautismo at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus upang hugasan ang mga kasalanan ng lahat ng makasalanan. Tulad ng haing hayop ay kailangang tanggapin ang mga kasalanan ng mga makasalanan sa pagpapatong ng mga kamay sa Lumang Tipan, lahat ng mga kasalanan ng mundo ay sinalin kay Jesus nang pinatong ni Juan Bautista ang kanyang mga kamay sa ulo ni Jesus upang bautismuhan Siya sa Ilog Jordan (Mateo 3:15). Sa haing handog sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan si Jesus ay kailangang tanggapin ang pagpapatong ng mga kamay at magbubo ng dugo upang mamatay ng gayon ding paraan. Ang handog sa pagpapatong ng mga kamay at pagbubo ng dugo ay katulad ng handog na inihanda para sa mga makasalanan sa Luma at Bagong Tipan.
 

Ang Mga Kasalanan ng Sangkatauhan ay Tiyak na Sinundan ng Poot ng Diyos

Sa harapan ng Diyos, tayo’y mga makasalanan na mamatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng handog sa kasalanan na papatayin alang-alang sa ating mga kasalanan ay kailangang kunin. Kung ating ilalarawan itong haing handog na pinagpira-piraso at sunugin sa apoy sa dambana ng sunugan ng handog, ating malalamang tulad niyon, tayo rin ay nahantong upang wasakin sa harap ng Diyos, nguni’t niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng bautismo ni Juan at pagbubo ng dugo.
Tulad niyon, yoang hindi isinilang na muli ay dapat kilalanin ang kanilang mga sarili bilang mga makasalanan na nahaharap sa nag-aalab ng hatol dahil sa kanilang mga kasalanan sa Diyos at manalig sa bautismo at dugo ng Panginoon bilang kanilang kaligtasan. Upang maligtas tayo sa ating mga kasalanan sa halip na tayo ang parusahan, hinanda ng Diyos ang handog ng kaligtasan, inilipat ang ating mga kasalanan sa handog na ito ng walang hanggang pag-aalay, napabubo ng Kanyang dugo, at sa gayo’y pinatawad lahat ng ating kasalanan (Levitico 16:1-34; Roma 8:3-4; Hebreo 10:10-12). May kasalanan pa ba sa inyong mga puso? Kung gayon, dapat mo munang aminin sa Diyos na kayo’y mga makasalanang nahaharap sa hatol ng Diyos, at dapat kayong manalig na sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, tinupad ng Diyos ang layon ng inyong kaligtasan na Kanyang layunin kahit bago pa ang pagtatag ng sanlibutan.
Ang kasalanan ay ti matutubos kung wala ang pagbabayad ng isang wastong katubusan. Kaya binigay ng Diyos sa bayan ng Israel ang paraan ng paghahandog. Sa paraan nitong paghahandog, tanging ang handog na kasama ang pagpapatong ng mga kamay at pagdanak ng dugo ay ang tunay na handog ng pananampalataya na maghuhugas ng mga kasalanan ng mga Israelita.
Sa pamamagitan ng pananampalataya, dapat din nating ibigay sa Diyos ang handog na taglay ang pagpapatong ng mga kamay at pagbubo ng dugo, lahat ay ayon sa paraan ng paghahandog na nakatala sa mga Kasulatan. Nagdanak ang Panginoon ng Kanyang dugo dahil kailangan Niyang akuin ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, alang-alang sa atin ay tiniis ang hatol ng kasalanan, at sa gayo’y inalis itong ating mga kasalanan (Mateo 3:15; Juan 1:29; Isaias 53:1-7). Kapag tayo’y nanalig sa Salita ng tubig at ng Espiritu, at kapag ating pinatong ang ating mga kamay sa Panginoon na naging ating haing handog at sa gayo’y sinalin lahat ng ating kasalanan sa Kanya, mapapatawad tayo sa kasalanan dahil sa pananalig na ang Panginoon na Siyang umako ng ating mga kasalanan ay tiniis din ang hatol ng kasalanan alang-alang sa atin. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ating maililipat lahat ng ating kasalanan sa Panginoon na naging ating haing handog, at tayo’y maaaring mamatay kasama Niya at mamuhay kasama Niya (Roma 6:1-11; Galacia 3:27).
Ang mga espirituwal na aral na ating dapat na malaman mula sa paghahandog sa Araw ng Pagtutubos, una sa lahat, na ating dapat na kilalanin ang ating mga kasalanan at ang hatol ng ating mga kasalanan, at pagkatapos ay dapat nating ibigay ang handog ng pananampalataya na hangad ng Diyos na matamo—ito ay, dapat tayong magkaroon ng pananampalataya kay Jesus na tumupad ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagbubo ng dugo sa Krus. Dapat nating ipatong ang ating mga kamay sa ulo ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Bakit? Dahil kapag ating lang pinatong ang ating mga kamay sa haing handog sa pamamagitan ng pananampalataya at kuhanin ang dugo nito tayo nga’y maliligtas sa lahat nating kasalanan.
Tulad nito, sinumang nais na mapatawad sa kanyang mga kasalanan sa Diyos ay dapat manalangin ng katubusan ng buhay, dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Mayaman man o mahirap, dapat may haing handog na magbabayad ng mga kasalanan ninuman at ang halaga ng pagtutubos ng buhay. Maliban sa pangyayaring ito, wala ni isa ang mapapatawad sa kasalanan sa pananampalataya.
 

Ang Paghahandog sa Lumang Tipan sa Araw ng Pagtutubos

Ating tignan sa Levitico 16:6-10: “At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan. At kukunin niya ang dalawang kambing at ilalagay niya sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing, ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel. At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinaka handog sa kasalanan. Nguni’t ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buhay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya at payaunin kay Azazel sa ilang.”
Upang itulot ang bayan ng Israel na mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, ang Mataas na Saserdote, alang-alang sa kanila, ay nagbigay ng handog na kalakip ang pagpapatong ng mga kamay at pagbubo ng dugo. Paano kung gayon, ang pananampalataya ng mga Kristiyano ngayon? Hindi ba isang haka-haka at walang batayang pananampalataya na ang paghahandog ay hangad na mapatawad sa kasalanan kahit wala ang paglilipat ng kanilang mga kasalanan? Kung ang iyong pananampalataya ay hindi ang uri ng pananampalatayang naglipat ng iyong mga kasalanan kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, kung gayon ika’y may suliranin. Maliban ang iyong pananampalataya ay ang pananampalatayang nananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus, hindi ito tunay na pananampalataya.
Tayo’y bigong tupdin ang Kautusan ng Diyos at nagagawa lahat ng uri ng kasalanan sa buong lumipas na taon. Kaya kung tayo’y nabuhay sa panahon ng Lumang Tipan, kailangan natin ang kapatawaran ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa haing handog na binigay ng Mataas na Saserdote alang-alang sa atin. Upang ihandog ang pananampalataya sa Diyos, dapat muna nating kilalanin na tayo’y nahantong upang wasakin dahil sa ating mga kasalanan, at dapat nga tayong manalig sa pagpapatong ng mga kamay na naglilipat lahat ng ating kasalanan sa haing handog na hinanda ng Diyos para sa atin at ang pagbubo ng dugo sa handog na ito.
Dahil ang pagpapatong ng mga kamay sa haing handog at dugong dumanak nito ay taglay ang kapangyarihan ng kaligtasan, ang bayan sa Lumang Tipan ay mapapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan nitong handog na binigay ng Mataas na Saserdote ayon sa paraan ng paghahandog na tinakda ng Diyos. Sa pagpapatong ng kanyang mga kamay sa haing handog, ang Mataas na Saserdote ay nilipat ang isang taong halaga ng mga kasalanan ng tao, ginilit ang lalamunan nito at kinuha ang dugo, at winisik itong dugo sa luklukan ng awa at sa silangang bahagi ng pitong ulit. Sa paggawa nito, hindi siya huminto sa pagbibigay ng tawang handog sa Diyos bawa’t taon. Ganito makakamit ng bayan ng Israel ang ganap na kapatawaran ng kasalanan sa mga panahong iyon.
Tulad nito, sa pamamagitan ng handog ng kasalanan na binigay ng Mataas na Saserdote, ang bayan ng Israel ay nanalig at tiniyak sa kanilang mga puso na ang lahat nilang kasalanan ay napatawad. Sa Bagong Tipan ay pinakikita sa atin ng handog sa Lumang Tipan sa Araw ng Pagtutubos, si Jesu-Cristo ay inako ang mga kasalanan ng mundo sa pagbautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, at tayo’y dapat na manalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas at matamo ang walang hanggang kapatawaran sa kasalanan sa pananampalataya. Lahat ng mga kaluluwa sa mundong ito na ang mga puso’y naghihirap at nananangis sa kanilang mga kasalanan ay dapat malaman na kanilang matatamo ang walang hanggang kapatawaran sa kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at dapat silang manalig sa kanilang mga puso dito. Tulad nito, ang handog ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan ay paunang tinakda ng Diyos at Kanyang pinangako na tutuparin, at itong pangako ng kaligtasan ay hinayag din ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na ginamit bilang mga materyales sa Tabernakulo.
 

Ang Paghahandog sa Araw ng Pagtutupos ay Naisakatuparan sa Tabernakulo

Sa Araw ng Pagtutubos, upang akuin lahat ng kasalanan ng bayan ng Israel, ang Mataas na Saserdote ay pinatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng haing handog sa harapan ng lahat ng mga Israelita (Levitico 16:1-22). Sukdulang kailangan para sa kanya na isalin ang kanilang mga kasalanan sa haing handog sa pamamagitan ng pagpapatong na kanyang mga kamay sa ulo nito alang-alang sa kanila. Nang ang Mataas na Saserdote ay binigay ang handog sa Araw ng Pagtutubos sa loob ng Tabernakulo para sa bayan ng Israel, walang ibang makapapasok sa Tabernakulo. Ito’y isang dakilang pangyayari, dahil dati’y maraming mga saserdote sa Tabernakulo maliban sa Araw ng Pagtutubos.
Nilipat ng Mataas na Saserdote ang mga kasalanan ng bayan ng Israel sa haing handog sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa ulo nito, kinuha ang dugo nitong handog tungo sa Kabanalbanalang Dako, at winisik ito sa ng kanyang daliri sa luklukan ng awa sa silangang bahagi; at sa luklukan ng awa’y winisik ito ng pitong ulit (Levitico 16:14).
Sa panahong ito, ang mga gintong kampanilya’y nakalagay sa laylayan ng balabal ng Mataas na Saserdote upang patunugin, at sa bawa’t pagwisik niya ng dugo sa luklukan ng awa at sa silanganan, ang mga kampanilya’y tutunog at ang bayan ng Israel na nakatayo labas ng Tabernakulo ay maririnig ang tunog ng mga kampanilya. Kapag narinig ng mga Israelita itong tunog ng mga kampanilya, nalalaman nila na ang Mataas na Saserdote ay binibigay ang handog sa Diyos alang-alang sa kanila. At yamang narinig ang tunog ng mga kampanilya ng pitong ulit, sila ngayo’y mapapabuntong-hininga sa ginhawa, dahil kanilang nalaman na ang paghahandog sa Araw ng Pagtutubos ay ganap na, tinitiyak ang kaganapan ng handog na nagpatawad ng isang taong halaga ng kanilang mga kasalanan.
Matapos nito, lalabas ang Mataas na Saserdote sa Tabernakulo, kukuhanin ang isa pang kambing upang ihandog, at ihahandog ito sa Araw ng Pagtutubos sa harap ng bayan ng Israel. Inutos ng Diyos sa bayan ng Israel na walang gagawin sa Araw ng Pagtutubos (Levitico 16:20-21, 29). Sa malaking bilang ng mga Israelita na nagtipon upang makita ang itong paghahandog sa labas ng Tabernakulo, ipinatong ng Mataas na Saserdote ang kanyang mga kamay sa ulo ng handog na kambing upang tuparin lahat ng kanyang mga tungkulin at pakawalan ito sa ilang ng kamay ng isang taong nararapat.
Sa Araw ng Pagtutubos, ang Mataas na Saserdote ay dinala ang kambing sa bayan ng Israel, pinatong ang kanyang mga kamay sa ulo nito, at ihahayag lahat ng mga kasalanan at mga pagsalangsang ng anak ng Israel, nililipat ang mga ito sa kambing. “Panginoon, pinapahayag ko lahat ng kasalanang nagawa ng bayan ng Israel sa nakalipas na taon. Kami’y buong kabiguang tupdin lahat ng Kautusan, nakagawa kami ng mga di-mabilang na kasalanan laban sa Inyo at sa iba, bigo kaming mamuhay ayon sa Inyong inutos sa amin, at ginawa namin ang mga bagay na inutos Ninyo sa amin na huwag gawin. Sinuway namin ng marami ang Inyong mga utos sa nakalipas na taon. Kami’y nagsinungaling. Pumatay. Nangalunya. Nagnakaw.” Tulad nito, nilipat ng Mataas na Saserdote ang mga kasalanan ng bayan ng Israel sa handog na kambing sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanyang mga kamay sa ulo nito sa kanilang harapan, at pinakawalan ito sa ilang sa pamamagitan ng isang taong nararapat.
Dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, hindi hahayaan ng Diyos na mabuhay ang handog na kambing matapos malipat ang mga kasalanan ng bayan ng Israel. Ang pinakawalang kambing na pinabayaan sa ilang ay kailangang magdusa at mamatay sa ilang, dahil pinasan nito lahat ng mga kasalanan, mga karumihan at mga pagsalangsang ng bayan ng Israel. Ngayon, lahat ng bayan ng Israel ay nagsimulang magsaya sa Pista ng Tabernakulo (Levitico 23:34) dahil winaksi nila, sa pamamagitan ng handog sa Araw ng Pagtutubos, ang mga kasalanan gumapos sa kanila ng nakalipas na taon.
Ang kahulugan ng pagpapatong ng mga kamay kung saan ang kasalanan ng lahat ng tao’y nilipat sa haing handog. Nang pinatong ng Mataas na Saserdote ang kanyang mga kamay sa haing handog, lahat ng kasalanan ng bayan ng Israel na naipon sa isang taon ay nilipat dito nang minsan. Bawa’t isang kasalanan ng bawa’t Israelita’y minsanang nilipat sa pag-aalay ng handog sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote.
Lahat ba ng mga kasalanan ng tao ngayon ay nailipat din sa haing handog sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, tulad ng mga kasalanan ng bayan ng Israel ay nalipat sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote sa Lumang Tipan? Kung hindi ito mangyayari, nasaan ang ngayon ang paraan para sa tao upang mapatawad sa kanilang mga kasalanan? Sino ang nagpasa ng mga kasalanan ng tao ngayon, paano, at sa pamamagitan nino? Ayon sa paraan ng paghahandog na tinakda ng sa panahon ng Lumang Tipan, inako ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng mundo sa pagbautismo ni Juan Bautista sa panahon ng Bagong Tipan. Tulad ng isang taong halaga ng mga kasalanan ay nalipat sa handog ng kambing nang minsan sa pamamagitan ng Araw ng Pagtutubos na binigay ng Mataas na Saserdote para sa bayan ng Israel, kaya nalipat ang ating mga kasalanan kay Jesu-Cristo na Siyang nabautismo ni Juan Bautista, ang huling Mataas na Saserdote. Nasaan kung gayon, lahat ng mga kasalanan ng tao ngayon? Ang mga ito ngayon ay nasa ulo ni Jesu-Cristo.
Tulad ng pinakawalang kambing ay tinanggap lahat ng kasalanan ng bayan ng Israel sa pamamagitan pagpapatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote, si Jesus ay naging haing handog ng walang hanggang kapatawaran ng kasalanan para sa ating lahat na ngayo’y nabubuhay sa kasalukuyang panahong ito. Si Jesus na naging ating sariling pakakawalang kambing ay inalay ang Kanyang sarili sa Diyos bilang haing handog para sa ating mga kasalanan. Si Jesus, sa ibang salita, ay binautismo ni Juan at binigay ang Kanyang sarili upang ipako, tulad ng sa Lumang Tipan, tinalaga ng Diyos ang haing handog para sa bayan ng Israel at nilipat ang kanilang mga kasalanan sa handog na hayop at sa halip ay hinatulan.
Ang kambing na pinakawalan sa ilang ay di-mabubuhay, dahil walang tubig kundi nag-aapoy na sinag ng araw sa ilang. Tulad nito, si Jesus din, ay di-maiwasan kundi ang mapako, dahil Kanyang inako ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Tulad ng kambing na pinabayaan sa walang nabubuhay na ilang, si Jesus na umako ng mga kasalanan ng mundo ay kinamuhian din at nilibak ng maraming tao. Kung ang handog na hayop ay inakay sa ilang at pinabayaan sa walang nabubuhay na lupain, hindi ba ito magpapapikot-ikot, mamamatay lamang sa huli dahil sa uhaw?
Sa gayon ding paraan, si Jesus na umako ng ating mga kasalanan ay di tinanggihan ng marami, at Siya’y kailangang ipako sa Krus upang tiisin ang hatol sa ating mga kasalanan, nagbubo ng Kanyang dugo, at namatay. Ito ang kaligtasang tinupad ni Jesu-Cristo upang ibigay sa ating ang Kanyang tunay na kaligtasan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Nakita ng bayan ng Israel ang proseso ng pagtutubos ng kapatawaran sa kasalanan at nanalig sa kanilang mga puso. Tulad nila, tayo rin, ngayo’y mapapatawad sa ating mga kasalanan sa pagtingin, pagkikinig at pananalig sa makatwirang mga gawa ni Jesu-Cristo sa ating mga puso. Sinasabi nito sa atin na si Jesu-Cristo ay nabautismo ni Juan, pinasan lahat ng kasalanan ng mundo, napako, nagbubo ng Kanyang dugo, namatay, at nabuhay na muli, at tayo’y maliligtas sa pamamagitan ng pagtingin lahat nitong sa pamamagitan ng ating mga espirituwal na mata at manalig sa mga ito ng ating mga puso.
Itong handog sa Araw ng Paghahandog ay magpapatuloy hanggang naririyan ang mga Israelita. Sila’y naghahandog pa rin sa Araw ng Pagtutubos sa ika-10 araw ng ikapitong buwan sa kanilang kalendaryo, dahil sinabi ng Diyos sa kanila, “At ito’y magiging palatuntunang walang hanggan sa inyo na tubusin ang mga anak ni Israel dahil sa lahat nilang mga kasalanan, ng minsan sa isang taon” (Levitico 16:34). Sa pamamagitan pagpapagawa sa bayan ng Israel na maghandog sa Araw ng Pagtutubos tulad nito, ginawad ng Diyos ang Kanyang habag sa kanila upang lahat ng kanilang kasalanan ay mahuhugasan at sila’y mapapalaya mula sa kaparusahan nitong mga kasalanan.
Tulad nito, upang ang mga tao rin ngayon, tinulot ng Diyos sa kanila na malaman na pinasan ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang sariling katawan sa pagbabautismo ni Juan, pinako, at sa gayo’y buong ganap ang walang hanggang paglilinis ng kasalanan. Pinasan ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at naging walang hanggang Mataas na Saserdote ng Langit. Ngayon, walang ibang nalalabi na gawin natin para sa ating sariling kaligtasan kundi ang manalig lamang sa katotohanang ito.
 

Ang Handog ng Dakilang Pagtutubos na Binigay ng Mesias sa Diyos Ama sa pamamagitan ng Kanyang Sariling Katawan

Bakit inutos ng Diyos sa bayan ng Israel na maghandog sa Kanya sa Araw ng Pagtutubos? Kanya itong ginawa upang sila’y tumingin sa hinaharap, sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, sa araw na ang Diyos Ama ay iaalay ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo bilang dakilang pagtutubos para sa mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagbubo ng dugo. Ito kung bakit si Jesu-Cristo, ang bugtong na Anak ng Diyos Ama at ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, naparito sa lupa upang alisin lahat ng kasalanan ninuman, tinupad lahat dahil sa pag-ibig ng Diyos, at hinayag ang kaligtasan sa tao. Sa pagbautismo ni Juan upang akuin lahat ng kasalanan natin at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, inalis ni Jesus lahat ng kasalanan at mga kasamaan ng tao, nahatulan, at sa gayo’y naging ating tunay na Tagapagligtas.
Tinawag ng Diyos si Moises at unang binigay sa kanya ang Kautusan. At sa kanya’y Kanyang inutos na magtayo ng Tabernakulo sa gayong mga materyales tulad ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at binigay sa Kanya ang paraan ng paghahandog. Sa gayon, tinulot ng Diyos sa bayan ng Israel na malaman ang halaga ng pagpapatong ng mga kamay at pagbubo ng dugo, at dito’y Kanyang pinakita sa kanila si Jesu-Cristo, ang pintuan ng kaligtasang inihula sa Tabernakulo, paparito sa lupa, aakuin ang mga kasalanan ng mundo sa pagbabautismo, kamatayan at pagbubo ng Kanyang dugo. Ang kaligtasan ng paghuhugas ng kasalanang binigay ng Diyos sa atin ay malinaw na nahayag sa mga materyales na ginamit sa pintuan ng Tabernakulo.
Sa mga materyales na ginamit sa pintuan ng Tabernakulo, ang kahulugan ay pinahiwatig sa pamamagitan ng bughaw na sinulid ay inako ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo nang minsan sa pagbabautismo ni Juan; ang kulay-ube ay pinakikita na si Jesus ay ang Hari ng mga hari at ang Panginoon ng mga panginoon, dahil Kanyang nilikha ang kalawakan; ang pulang sinulid ay sinasabi sa atin na si Jesus ay nabautismo, Kanyang tiniis ang hatol ng kasalanan para sa lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng pagbubo ng Kanyang dugo sa Krus; at ang mapinong binurdang lino ay sinasabi sa atin na ang Biblia detalyeng nilalarawan ukol nitong tatlong ministeryong nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at binigay ng Diyos ang kapatawaran ng kasalanan sa mga nanalig sa Kanyang Salita.
Ngayon, lahat ay muling dapat paalalahanan ang kanilang mga sarili at manalig sa katotohanang ito—ito ay, si Jesu-Cristo ay ang kanilang Tagapagligtas at Kanyang hinugasan lahat ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus—ay nahayag din sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na ginamit bilang mga materyales sa Tabernakulo, at sa gayo’y dapat na mapatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa pamamagitan ni Moises, tinalaga ng Diyos ang kautusan ng kaligtasan, ang kautusan ng kapatawaran ng kasalanan para sa tao, at nang dumating ang oras, Kanyang sinugo si Jesu-Cristo dito sa lupa at Kanyang pinabautismo kay Juan at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, upang si Jesus ay maging handog na hain na maghuhugas ng mga kasalanan ng mundo. At sa gayon, tinulot ng Diyos sa lahat ng mga mananalig na mahugasan sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
Samakatuwid, kapag ating sinasabi na nananalig kay Jesu-Cristo bilang Tagapagligtas, dapat tayong manalig sa pag-aalam sa bautismong tinanggap ni Jesus at sa Kanyang dugong nabubo sa Krus. Tulad ng haing handog sa Lumang Tipan ay tinanggap ang mga kasamaan ng mga makasalanan sa pagpapatong ng mga kamay at nahatulan sa pagbubo ng dugo nito alang-alang sa kanila, si Jesu-Cristo’y dumating bilang haing handog ng kasalanan sa bawa’t nabubuhay dito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng mudo sa bautismo, napako at nagbubo ng Kanyang mahalagang dugo, at sa gayo’y walang hanggang inalis, nang minsan, ang mga kasalanan ng nanalig.
Dapat tayong manalig sa katotohanang Salitang nakatala bilang gayon. Ang biblikal na katotohanan ay yaong iisang paraan tulad ng paghahandog na binigay ng Mataas na Saserdote para sa kanyang bayan sa Lumang Tipan, si Jesus ay naparito sa lupa, binautismo at napako, at nagbubo ng Kanyang dugo upang iligtas lahat ng kasalanan ng mundo nang minsan. Samakatuwid tayo’y manalig sa Biblia tulad ng nasusulat. Di natin maiiwasan kundi walang hanggang mahatulan dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa at niligtas tayo sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo.
Sa hindi pananalid dito, bagaman pinatawad ng Diyos lahat ng ating kasalanan tulad nito, ay isang kasalanang kailanma’y di mapapatawad ng Diyos. Kanyang inalis lahat ng kasalanan ng mundo maliban sa nalalabing kasalanan, “ang kasalanan ng paglapastangan sa Banal na Espiritu” (Marcos 3:28-29). Tulad niyon, yaong tunay na nais ang kapatawaran ng kasalanan ay dapat manalig sa katotohang si Jesu-Cristo ay binautismo, nagbubo ng Kanyang dugo, nabuhay na muli, at sa gayo’y napalaya tayo sa lahat ng kasalanan ng mundo. Kung wala ang gayong pananampalataya, anong mga mabubuting gawa ang kailangan para sa ating kapatawaran sa kasalanan? Ngayon ang oras ay dumating para sa atin na malaman kung ano ang katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at manalig sa katotohanang ito.
Ang sinuman ay dapat malaman at manalig na ang katotohanang nahayag sa pintuan ng Tabernakulo na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, at mapinong binurdang lino ay ang ebanghelyo ng tunay na kaligtasan at ang anino ni Jesu-Cristo na paparito. Yamang sa pananalig kay Jesu-Cristo, ang bautismong Kanyang tinanggap at ang dugo Kanyang binubo sa Krus ay kailangan sa ating ikaliligtas, at dapat tayo samakatuwid ay manalig sa mga ito. Ang di-matututulan at di-mapapabulaanang katotohanan ay nag pagbigay ni Jesus ang kaligtasan sa mga nananalig sa Kanyang bautismo, Kanyang pagbubo ng dugo sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli at lahat ng mga ito ay naganap upang iligtas tayo sa mga kasalanan ng mundo.
 

Ang Handog ng Anak na Ninais ng Diyos Ama

Ating tignan sa Hebreo 10:5-9: “Kayat pagpasok Niya sa sanglibutan ay sinasabi, ‘Hain at handog ay hindi Mo ibig. Nguni’t isang katawan ang sa Akin ay inihanda Mo. Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi Ka nalugod. Nang magkagayo’y sinabi Ko, ‘Narito Ako’y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa Akin) upang gawin, Oh Dios ang Iyong kalooban.’ Sa itaas ay sinasabi, ‘Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi Mo ibig at di Mo rin kinalulugdan’ (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan), saka sinabi Niya, ‘Narito Ako’y pumarito upang gawin ang Iyong kalooban. Inaalis Niya ang una upang maitatag ang ikalawa.’”
Ang ibig sabihin ng salaysay dito na sinasabing hindi ninais ng Diyos ang handog at alay? Itong talata ay nagmula sa Mga Awit 40:6-7. Ibig sabihin na lahat ng kasalanan ng mundo ay di lubos na maalis sa pamamagitan ng mga araw-araw na paghahandog sa Lumang Tipan, at upang maibigay ang walang hanggang handog sa kasalanan, samakatuwid si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa, binautismo, nagbubo ng Kanyang dugo, nabuhay na muli, at sa gayo’y naging Tagapagligtas ng lahat. Ang kahulugan sa Mga Awit 40:7, na sinasabi, “Nang magkagayo’y sinabi Ko, ‘Narito dumating Ako, sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa Akin,’” na si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa at hinugasan lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at Kanyang pagbubo ng dugo, siyang tulad ng nasusulat sa Lumang Tipan.
Sa panahon ng Lumang Tipan, ang mga kasalanan ng bayan ng Israel ay napatawad tulad ng haing hayop ay inalay sa Diyos sa Araw ng Pagtutubos sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote at pagdanak ng dugo sa handog. Gayon din, si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa upang maging walang hanggang haing handog para sa lahat ng tao, inako ang mga kasalanan ng mundo sa pagbautismo, isang anyo ng pagpapatong ng mga kamay, at tiniis lahat ng hatol ng kasalanan ng buong sangkatauhan sa pagpasan nitong mga kasalanan ng mundo sa Krus, napako, nagbubo ng Kanyang mahalagang dugo at namatay. Sa gayon, si Jesus ay binigay ang walang hanggang kaligtasan sa lahat ng mananalig.
Tulad ng pinangako ng Diyos sa pamamagitan ng paraan ng Tabernakulo, sa Bagong Tipan ay naparito sa lupa si Jesus at sa gayo’y tinupad ang kaligtasan nang minsan. Yaong nanalig samakatuwid ay naligtas sa lahat nilang kasalanan. Sa Tabernakulo ay ang pangako ng Diyos na magpakailanmang inalis ni Jesus ang mga kasalanan ng lahat ng tao nang minsan sa pamamagitan ng bautismo at pagdanak ng Kanyang dugo. At si Jesus nga’y naparito at tinupad ang pangako ng kaligtasan sa pagbautismo at pagdanak ng Kanyang dugo, at sa gayo’y tinutupad ang Salita ng Diyos sa kaganapan. Lahat ng mga pangakong kaligtasan Diyos, sa ibang salita, ay tinupad nga ni Jesu-Cristo.
Ang bayan ng Israel ay nanalig na sa Kautusan ng Lumang Tipan at mga salita ng mga propeta ay ang Salita ng Diyos. Nguni’t sila’y walang kakayanang manalig kay Jesu-Cristo na Siyang naparito sa atin sa panahon ng Bagong Tipan bilang Diyos o ang Tagapagligtas. lahat ng tao dito sa lupa, kasama ang bayan ng Israel, ay dapat na malaman na si Jesu-Cristo ay Diyos mismo at tinanggap sa kanilang mga puso na Siya ang Mesias na darating.
 

Para Saan ang Pagdating ni Jesus?

Yamang si Jesus ay tinupad ang kalooban ng Diyos Ama, Siya ang Tagapagligtas ng lahat na nananalig sa Kanya ng gayon at Siya’y naparito sa lupa upang walang hanggang hugasan lahat ng kanilang kasalanan. Tulad ng sinasabi sa Hebreo 10:10, “Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailanman.” Malinaw nating dapat na malaman at paniwalaan na sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos Ama na si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa, na sa Kanyang pagkapako, pagbubo ng Kanyang dugo sa kamatayan sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayo’y naging Tagapagligtas ng mga nananalig. Upang alisin lahat ng ating kasalanan ayon sa kalooban ng Diyos Ama, si Jesu-Cristo ay kailangang tuparin ang kaligtasan ng sangkatauhan sa pag-aalis ng lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap at sa Kanyang dugong nabubo. Tulad niyon, Siya’y handang hinandog ang Kanyang sarili, sa gayo’y binigay sa atin ang ganap na kaligtasan.
Dahil hinandog ni Jesu-Cristo ang Kanyang sarili upang alisin hindi lamang ng mga kasalanan ng bayan ng Israel kundi maging mga kasalanan ng buong sangkatauhan, tayo’y maliligtas lamang kung bawa’t isa’y mananalig dito sa ating mga sariling mga puso. Sa Kanyang buong 33 taong buhay, minsang binautismo si Jesus, minsang hinandog, at sa gayo’y niligtas ang mga makasalanan ng sanlibutan nang minsan. Ito ang tangi at ganap na kaligtasan.
Yamang si Jesus ay minsang inalis ang lahat ng kasalanang nagawa ng sangkatauhan mula sa pasimula hanggang sa wakas ng mundo, Kanyang tinulot tayo na maligas nang minsan sa pananampalataya. Sa paghahandog ng Kanyang sariling katawan nang minsan, ginawa tayong ganap ni Jesu-Cristo magpakailanman. Yamang Siya’y binautismo ni Juan at nahatulan dahil sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng pagbubo ng Kanyang dugo, ngayo’y dapat tayong galak na manalig sa ebanghelyong ito ng ating mga puso at sa gayo’y maligtas sa lahat nating kasalanan. Sa kalooban ng Diyos Ama, si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa upang pasanin lahat ng ating kasalanan at pagbayaran ang buhay, at Kanyang matagumpay na hinayag ang Kanyang tunay na kaligtasan sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos alinsunod sa kalooban ng Ama.
Itong Salita ay ang tiyak na katotohanan na ikaw at ako na nabubuhay ngayon dito sa makabagong mundo ay dapat manalig. Dapat nating sama-samang talian ang bautismo ni Jesus at Kanyang pagbubo ng dugo sa Krus at manalig sa mga ito bilang iisang katotohanang ganap na nagligtas sa atin. Kung nabigo tayong gawin, tayo sa gayon ay mawawalan ng walang hanggang kapatawaran ng kasalanan. Tulad niyon, dapat tayo ay manalig ayon sa nakasulat na Salita ng Diyos, ayon sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nagtanglaw ng liwanag ng kaligtasan, nguni’t ating dadagdan ng iba pa o magbabawas ng ibang mga mahahalaga mula sa tunay na ebanghelyo kung tayo’y nananalig sa Diyos, o kung hindi tayo mananalig sa katotohanan ng gayon, samakatuwid itong liwanag ng ebanghelyo ng kaligtasan ay mawawala, makukubli lamang at maglalaho.
Hindi tayo dapat na mahulog sa haka-haka na ang katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay pawang isa sa mga makalupang doktrina, na waring tinuturo na animo’y tayo’y mapapatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal sa paghingi sa Diyos ng kapatawaran ng ating mga araw-araw na kasalanan. Malinaw na sinabi ng Diyos sa Hebreo 10:11, “Ang bawa’t saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailanpaman ng mga kasalanan.” Sinabi Niya sa atin, sa ibang salita, at ang mga kasalanan na ating nagagawa bawa’t araw ay di mahuhugasan sa pamamagitan lang ng paghingi natin sa Diyos upang mapatawad sa ating mga araw-araw ng kasalanan sa ating pananampalataya sa dugo sa Krus.
Dahil ang paghahandog ng alay na binigay ni Jesu-Cristo sa Diyos Ama sa pamamagitan ng bautismo ni Juan at kamatayan sa Krus ay ang ganap na handog ng kaligtasan, ito’y sa pananalig sa handog na ito na tayo’y ganap ng naligtas. Dahil ang mga kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesu-Cristo nang minsan nang Siya’y bautismuhan ni Juan kaya madadala ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Krus at mamatay upang magwakas ang hatol sa ating mga kasalanan, at ito’y dahil dito na ang mga kasalanan ng mga nanalig sa Kanyang bautismo at pagbubo ng dugo ay nahugasan.
Sa pananalig sa bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo at dugong nabubo sa Krus, tayo rin, ay namatay din kasama si Jesu-Cristo at nabuhay kasama Siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinasabi sa Roma 6:23, “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, anuman ito, at samakatuwid ang kabayaran ay dapat pagbayaran ng buhay. Ito kung bakit kailangan para kay Jesu-Cristo na pumarito sa lupa nagkatawang tao sa laman, binautismo, at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Ang tunay na paglilipat ng inyong mga kasalanan sa katawan ni Jesus ay natupad sa Kanyang bautismo at sa pagpasan nitong mga kasalanan ay kamatayan, binayaran ni Jesus ang inyong mga kasalanan at sa gayo’y naalis ang mga ito nang minsan. Nguni’t sa kabila nito, kahit binigay ng Diyos sa atin itong katotohanan ng ebanghelyo, maraming tao ang nakikiusap sa Diyos na mapatawad sa kanilang kasalukuyang mga kasalanan bawa’t araw—sila’y mga mangmang sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Kapag ang mga tao’y nagkasala sa kanilang mga puso, sila’y mangingilabot sa harap ng Diyos dahil sa kasalanang ito. Tunay na marami yaong, nananatili pa ring mangmang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at hindi pa nahuhugasan sa kanilang mga kasalanan, ay nakakapit sa takot dahil sa mga kasalanan ng kanilang mga budhi. Subali’t, si Jesus ay naparito sa lupa upang palayain sila sa kanilang mga kasalanan, binautismo ni Juan, nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus at sa gayo’y ganap silang naligtas. Sa anong dahilan kailangan tayong mag-alala kung gayon, gayong ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng kaligtasan ng Diyos, ay ganap tayong niligtas at inako ang ating hatol sa kasalanan?
Yaong nakakaalam at tunay na nananalig na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ganap ngang ligtas sa pananampalataya, tulad ng pinangako ng Diyos, “Bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula ay magiging mapuputi na parang niebe bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula ay magiging parang balahibo ng tupa” (Isaias 1:18). Tayong lahat ay maliligtas sa pananampalataya, dahil nariyan ang bautismo ni Jesus na umako ng mga kasalanan ng mundo ayon sa kautusang tinakda ng Diyos sa Lumang Tipan na naglipat ng lahat ng kasalanan sa haing handog sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Dahil inako ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pagbautismo ni Juan na Siya’y mamamatay sa Krus at dahil sa kaligtasang sinabi ng Diyos sa Lumang Tipan ay natupad tayo’y maliligtas lang sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng ating pananalig.
Nguni’t sa kabila nitong di-nagbabagong katotohanan, atin pa ring makikita ang ibang tao na nananalig kay Jesus na waring ito’y gawaing pagdadamay. Sila’y mananangis at iiyak araw-araw upang linangin ang kanilang pananampalataya dahil ang batayan ng kanilang pananampalataya ay ang makiramay kay Jesus para sa mga nakamamatay na paghihirap na Kanyang tiniis sa Krus. Ang mga puso ng gayong tao ay lubos na kamalian, at dapat nilang iwaksi itong maling pananalig.
Ikaw at ako na nangangailangan ng bautismo at dugo ni Jesus na Tagapagligtas, hindi si Jesus ang may kailangan ng ating pakikiramay o debosyon. Ang simpleng katotohanan na tayo yaong malubhang nangangailangan kay Jesu-Cristo na Tagapagligtas, nguni’t maraming tao ang naniniwala sa Diyos sa walang kadahilan sa kanilang sarili, inaakalang ang Diyos ang nawawalang ng isang bagay, waring Siya ang nagmamakaawa sa kanila na manalig sa Kanya. Nguni’t ang gayong pananampalataya na naniniwala na may panunuyo ay isang uri ng pananampalataya na lumilibak sa Diyos.
Ang mga puso ng mga nagpapakababa ay sinasabi kay Jesus na sila’y maniniwala sa Kanya, na waring sila’y gumagawa ng isang malaking tulong para sa Kanya, ay inilagay na higit na mataas kaysa sa Diyos, at kaya sa kanilang mga kahambugan hindi matatanggap ng kanilang mga puso ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ganap na magliligtas sa kanila sa kasalanan. Sila’y may maliit na pagkilala sa Salita ng Diyos na kanilang tinuturing na kaunting kaibahan sa anumang sinasabi ng kanilang mga kapitbahay, inuuyam at tinatangkilik ito, na waring sa pananalig nito ay paggawa ng isang tulong sa Diyos dahil sa kanilang pakikiramay.
Sa huli, sila yaong di nanalig sa bautismo at dugong nabubo ni Jesus bilang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan at sumalungat sa Diyos. Naniniwala sila na ang kanilang mga kasalanan ay mahuhugasan sa pamamagitan ng kanilang mga naghihirap na dasal ng kapatawaran nang walang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil kanilang ginagamit ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan, hindi nila nalalaman ni naniniwala na si Jesu-Cristo na Tagapagligtas ay ganap na inalis ang kanilang mga kasalanan at sa gayo’y di maliligtas.
Sinabi ng Diyos, “Ako’y maaawa sa Aking kinaaawaan at Ako’y mahahabag sa Aking kinahahabagan” (Roma 9:15). Kung pinasiya ng Diyos na iligtas ang mga makasalanan sa pamamagitan ng kautusan ng kaligtasan ayon sa Kanyang habag, kung gayon Kanyang gagawin tulad ng Kanyang pinasiya. Tayo samakatuwid ay dapat na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sa gayo’y matamo ang ating tunay na kaligtasan.
Yaong di nananalig sa ebanghelyo ng Salitang ito ng tubig at ng Espiritu ay personal na matutuklasan kung gaano ang dakila ng bagsik at Kanyang poot. Yaong nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa kabilang dako, ay makikita kung gaano ang dakila at mahabaging pag-ibig ng Diyos. Sinuman ang umaamin sa kanyang mga kasalanan sa harap ng Diyos at kumikilala at nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng ganap na kaligtasan ng Diyos, ay mapapalaya sa lahat ng kasalanan. 
Yaong nanalig na inako ni Jesu-Cristo lahat ng kanilang kasalanan sa pagbautismo ay mapapalaya sa lahat ng kanilang kasalanan. Yaong nagtuya sa katotohanang ito ay haharap sa nakatatakot na hatol ng kasalanan dahil sa kanilang mga kasalanan. Lahat ng tao dito sa lupa samakatuwid ay dapat na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang tunay na katotohanan. Ang mga makasalanan na di natatakot sa hatol ng Diyos at di nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tiyak na mahahatulan dahil sa kanilang mga kasalanan. Nguni’t yaong nanalig sa katotohanan ng paghuhugas ng kasalanan ni Jesus ay maliligtas sa lahat nilang kasalanan.
Bawa’t isa na ang budhi ay may kasalanan ay may karamdaman, at kaya ang tao’y nahahantong na may walang batayan, walang saligang mga doktrina ng kaligtasan na lubos na iba mula sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sinisikap na aliwin ang kanilang mga nababagabag na budhi. May mga nagsasabi na, “Yamang ako’y naniniwala kay Jesus, maaaring may kasalanan sa aking puso.” Nguni’t huwag nating kalimutan na lahat ng may kasalanan sa kanilang mga puso ay haharap sa parusa ng impiyerno, dahil ang Diyos ay tiyak na igagawad ang Kanyang makatwirang hatol sa gayong tao dahil sa kanilang mga kasalanan. Dahil sila’y nasa panig ni Satanas, ang Diyos ay di maaaring pabayaan sila.
Nguni’t yaong nalalaman ang katarungan ng Diyos, na taglay ang Kanyang hatol sa kasalanan, humihingi sa Diyos ng Kanyang mahabaging pag-ibig, nais na maligtas sa lahat ng kasalanan, hanapin ang katotohanan, at hangad na tumayo sa panig ng Diyos. Sa gayong tao, narito ang katotohanan na inako ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismo. Bawa’t makasalanan ay dapat na manalig at tanggapin ang kapatawaran ng kasalanan. Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, inako ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan ng buong mundo nang minsan, namatay sa Krus nang minsan, at sa gayo’y inalis lahat ng kasalanan at tayo’y ginawang matuwid.
Sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, lahat tayo’y nalaman ngayon kung ano ang ating tunay na kaligtasan, at sa ating mga puso tayong lahat ay dapat na taglayin ang pananampalataya na tunay na nananalig sa ebanghelyong ito. Lahat ng nanalig sa katotohanang ito sa kanilang mga puso, anumang uri ng kasalanang kanilang nagawa, ay mahuhugasan nga sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya at makamit ang tunay na kapatawaran ng kasalanan at walang hanggang buhay. Hindi mo ba nais na manalig nitong ebanghelyo ng Salita at kamtin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya, ang ebanghelyo na magpapalaho sa lahat ng kasalanan sa inyong mga puso? Yaong mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa harap ng Diyos ay tiyak na mapapatawad sa kasalanan.
 

Hindi ka Maaaring Iligtas ng mga Panalangin ng Pangungumpisal 

Ngayon, marami ang nagsasabing naniniwala kay Jesus ay araw araw na nagbibigay ng dasal sa pangungumpisal, hinihingi sa Diyos na mapatawad sa kanilang mga kasalanan. Namumuhay sila sa pananampalataya sa pagbibigay ng kanilang mga haing handog sa Diyos bawa’t araw, tulad ng panahon ng Lumang Tipan. Nguni’t hindi ito ang buhay pananampalataya na iyong nais na mamuhay. Nagbububo ba si Jesus ng Kanyang dugo sa Krus upang hugasan ang inyong mga kasalanan sa tuwing magbibigay ka ng iyong mga panalangin sa kapatawaran? Hindi ito ang mangyayari. Sa halip, dapat mong hugasan ang iyong mga kasalanan nang minsan sa pamamagitan ng pananalig na ang kapangyarihan ng bautismo at pagbubo ng dugo ni Jesu-Cristo ay magtatagal magpakailanman. Yang nagsusubok na mahugasan ang kanilang mga kasalanan sa pagbibigay ng kanilang mga dasal sa ikapapatawad bawa’t araw ay di makakamit ang walang pangungumpisal ng kasalanan, ni hindi nila taglay ang pananampalatayang magtutulot sa kanila na matamo ang tunay na kaligtasan.
Kung mga kasalanan ninuma’y maaaring mapatawad sa pamamagitan ng gayong mga dasal sa pangungumpisal o anumang rituwal na likha ng tao, kung gayon hindi na sana tinalaga ng Diyos ang kautusan na naghahayag na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Upang ang tao’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan, dapat silang magbigay ng handog na maglilipat na kanilang mga kasalanan sa katawan ni Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang dapat nating taglayin ay hindi ang uri ng pananampalatayang nagbibigay ng dasal ng pangungumpisal araw-araw, bagkus ang pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na ginamit para sa pintuan ng Tabernakulo. Sa ibang salita, dapat nating malaman na tanging pananampalatayang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang maghahatid sa atin ng tunay na paghuhugas ng kasalanan, at dapat tayong manalig nito sa ating mga puso.
Tulad ng mga makasalanan sa Lumang Tipan ay inilipat ang kanilang mga kasalanan sa kanilang handog na hayop sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo sa tuwing silang magdadala ng kanilang handog ng kasalanan, dapat din nating ilipat ang ating mga kasalanan kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang bautismo at sa pananampalatayang nananalig sa Kanyang bautismo at Kanyang nabubong dugo sa Krus, tayo’y dapat na lumapit sa Diyos at tanggapin ang walang hanggang kapatawaran ng kasalanan. Sinabi ng Diyos, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas,” at “Ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:10, 17).
Sinasabi ng Diyos sa Juan 1:29, “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya at sinabi, ‘Narito ang Cordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!’” Nilalarawan nitong talata na ang patotoong binigay ni Juan Bautista kinabukasan na kanyang binautismo si Jesus. Nang makita ni Juan Bautista si Jesus na papalapit sa kanya, kanyang sinabi, “Tignan ninyo! Narito Siya!” Ito’y nagdulot ng kaguluhan sa mga taong nakapaligid kay Juan. Sumigaw si Juan, “Tignan! Narito ang Cordero ng Diyos! Siya ay walang iba kundi ang Anak ng Diyos, ang Siyang Cordero ng Diyos na mag-aalis ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ko. Siya ang ating Tagapagligtas.
Siya si Jesu-Cristo, ang Cordero ng Diyos. Narito! Ang Cordero ng Diyos na mag-aalis ng mga kasalanan ng mundo!” Dahil binautismo ni Juan Bautista si Jesu-Cristo at inilipat ang mga kasalanan ng mundo sa Kanya na si Juan mismo ay personal na magbibigay patotoo kay Jesus. Dahil inilipat ni Juan ang ating mga kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng pagbautismo sa Kanya, sa ibang salita, si Jesu-Cristo ay naging Cordero ng handog na mag-aalis ng ating mga kasalanan ayon sa kalooban ng Diyos Ama.
Sa Lumang Tipan, ang kapatawaran ng kasalanan ay natamo sa pagbibigay ng mga handog sa Diyos, nguni’t sa Bagong Tipan, ito’y sa pamamagitan lang ng pananampalataya na buong pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus tayo’y mapapatawad sa ating mga kasalanan. Dahil kinuha ng Diyos ang gayong mga hayop tulad ng toro, mga tupa at mga kambing bilang mga haing handog upang alisin ang mga kasalanan ng bayan ng Israel, di-mabilang na hayop ang nagbuhos ng dugo, pinagpiraso at sinunog sa dambana ng sunugan ng handog. Maraming mga handog na hayop ang pinatay nga dahil sa mga kasalanan ng tao.
Nguni’t sa panahon ng Bagong Tipan, hindi nag-alay si Jesus ng gayong mga handog na hayop, bagkus Kanyang inalay ang Kanyang sariling katawan para sa atin. Yamang si Jesus na Cordero ng Diyos ay naparito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang katawan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, Kanyang tinulot yaong mananalig dito upang maligtas sa lahat nilang kasalanan nang minsan. Upang walang hanggang wakasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng tubig, ng dugo at ng Espiritu na si Jesus ay naparito sa atin.
Inuutos ng Diyos ngayon sa iyo at sa akin na manalig sa katotohanan nitong tunay na kaligtasan. Kanyang sinasabi sa atin, “Aking inalis lahat ng inyong mga kasalanan, dahil inibig Ko kayo. Niligtas Ko kayo tulad nito. Kaya manalig! Aking inalis ang inyong mga kasalanan sa pagbibigay ng Aking sariling Anak bilang handog ng kasalanan para sa inyo. Hinayaan Ko ang Aking Anak na mamuhay dito sa lupa sa loob ng 33 taon ng Kanyang buhay, pinabautismo Ko Siya, pinagbubo ng Kanyang dugo sa Krus para sa inyong kapakanan, at sa gayon Aking ganap na napalaya kayo sa lahat ng inyong kasalanan at kahatulan. Ngayon, sa pananalig sa katotohanang ito, kayo’y magiging Aking sariling anak na Aking iniibig at makayayakap sa Aking mga bisig.” Alamin at manalig dito ng inyong mga puso—na yaong nanalig sa bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo at sa dugong Kanyang binubo ay hindi lamang maliligtas sa lahat nilang kasalanan, bagkus sila’y makakatamo rin ng karapatang maging sariling anak ng Diyos.
 

Talaga bang Tinubos ni Jesus Lahat ng Kasalanan Nitong Sanlibutan?

Ating tignan sa Hebreo 10:14-18: “Sapagka’t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay Kaniyang pinasakdal magpakailanman ang mga pinapaging-banal. At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin sapagka’t pagkasabi Niya na ‘Ito ang tipang gagawin Ko sa kanila, pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, ‘Ilalagay Ko ang Aking mga kautusan sa kanilang mga puso at isusulat Ko rin naman sa kanilang pagiisip at ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi Ko na aalalahanin pa.’ At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.”
Malinaw na sinabi ng talata: “At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.” Makinig sa mapalad na balitang ito, na lahat ng inyong mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismong Kanyang nakamit! Hindi lamang bawa’t kasalanan na iyo at aking nagawa sa ating buong buhay ang inilipat kay Jesus, nguni’t lahat ng kasalanan ng buong sangkatauhan ay inilipat din sa Kanya. Upang tuparin lahat ng katuwiran ng Diyos, tinanggap ni Jesus ang pagpapatong ng mga kamay, pagbautismo sa loob at labas ng tubig at sa gayo’y hinayaang malipat lahat ng kasalanan sa Kanyang sarili.
Sa pagpasan ng lahat ng kasalanan, dagdag nito, Siya’y napako at sa gayo’y tiniis ang hatol ng lahat ng kasalanan ng tao at samakatuwid yaong nanalig ngayo’y napalaya sa lahat ng kanilang hatol. Tulad ng Mataas na Saserdote ay inilipat ang mga kasalanan ng bayan ng Israel sa handog na hayop ay sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa ulo nito, inilipat ni Juan Bautista ang lahat nating kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng pagbautismo sa Kanya. At si Jesus, dulot nito, ay pinasan itong mga kasalanan at napako at sa gayo’y napalaya ang lahat ng mananalig sa Kanya sa kasalanan. Samakatuwid, yaong mananalig dito ay matatamo ang karapatang maging sariling anak ng Diyos.
Sinasabi sa Roma 10:10, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.” Para sa lahat, sa pananalig sa katuwiran ng Diyos ng puso sila’y mapapawalang-sala, sa pananalig sa katotohanan ng kaligtasan ng puso na kanilang matatamo ang kapatawaran ng kasalanan at makapapasok sa Langit. Mga kapatid, ikaw ba’y naligtas dahil sa pananalig ng inyong mga puso at paghahayag ng inyong mga dila na ang bautismo at dugo ni Jesus ay ang mga kailangang elemento na binubuo ng “katuwiran ng Diyos,” “ang katotohanan ng kaligtasan,” at “ang ebanghelyo kapatawaran ng kasalanan”? Sa paraan ng paghahandog sa Lumang Tipan, ang mga kasalanan ng mga Israelita ay hindi naalis dahil lang sa pagpatay ng handog na hayop kung wala ang pagpapatong ng mga kamay na naglipat ng kanilang mga kasalanan sa handog. Gayon din, kung tayo’y mananalig lang sa dugo sa Krus at iiwan ang bautismong tinanggap ni Jesus, kung gayon lahat ng ating kasalanan ay di mahuhugasan. 
“At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi Ko na aalalahanin pa.’ At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan” (Hebreo 10:17-18). Bakit sinabi ng Diyos dito na Kanyang kalilimutan na ating mga kasalanan? Bagaman patuloy tayong magkasala hanggang sa araw na tayo’y mamatay, dahil inako ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa mundo nang minsan sa pamamagitan ng bautismo, ang ating kaligtasan ngayon ay natupad at magtatagal magpakailanman, at tayo na nananalig dito ngayon ay walang kasalanan. Ito kung bakit hindi kailangang kalimutan ng Diyos ang ating mga kasalanan.
Ang katuwiran ng Diyos ay ang Kanyang katarungan. Ang katarungan ng Diyos Ama ay nagsasabi na yamang Siya ay banal, yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mga banal din at walang kasalanan. Mula sa pasimula, tayo ay inibig ng Diyos at hinangad na gawing Kanyang sariling anak. Nguni’t kahit gaano mang naisin Niya na tayo’y maging Kanyang anak, hindi Niya ito magagawa dahil sa ating mga kasalanan. Kaya ang Diyos Ama ay gumawa ng isang kalutasan para sa suliraning ito.
Dahil ang Diyos nagtalaga ng isang walang dungis na hain na ihahandog alang-alang sa atin at pinasiyang hugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng paglilipat lahat ng ating kasalanan dito sa haing handog, si Jesus ay di-nagatubili na mabautismo, upang maging ating sariling haing handog, upang mahatulan alang-alang sa atin, at sa gayo’y binigay ang walang hanggang handog ng kasalanan. At sa pamamagitan nitong handog ng kasalanan, tinupad ng Diyos ang Kanyang kalinga upang linisin yaong mananalig para sa kanilang mga kasalanan at gawin silang Kanyang sariling anak. Ngayon, yaong nananalig sa ebanghelyo ng katotohanang ito at napatawad sa lahat nilang kasalanan sa Diyos. Dahil si Jesus ay hinugasan na ang lahat ng kasalanan nitong mundo sa pamamagitan ng bautismo, kung tayo’y mananalig kay Jesus na naglinis ng mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng hatol alang-alang sa atin, hindi na kailangan pa sa atin na magbigay ng anumang alay para sa ating mga kasalanan. Atin pa bang kailangang mag-alay ng mga handog para sa ating mga kasalanan, mga kapatid? Hindi, sukdulang hindi! 
Nalalaman mo ba bakit pinako si Jesu-Cristo, yamang Siya’y walang kasalanan at dalisay? Bagaman pinako si Jesus, wala Siyang anumang masama, sa katunayan. Dahil si Jesus lang ang tumanggap lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo sa Ilog Jordan na Siya’y kailangang mamatay alang-alang sa atin. Ang dahilan kung bakit kailangan Siyang mamatay sa Krus ay dahil Kanyang inako ang mga kasalanan ng mundo na inilipat sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at handang tuparin lahat ng katuwiran.
Nang ang Anak ng Diyos ay binautismo upang tuparin lahat ng katuwiran sa paraang ito, paanong hindi natin Siya mapasasalamatan? Dahil inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanya, tulad ng isang tupa sa mga manggugupit ng balahibo, tahimik na tiniis ang hirap sa Krus. Lahat tayo’y dapat na alalahanin ang Kanyang bautismo at Krus magpakailanman, dahil kung Siya’y hindi pinako at hinatulan, sa gayon tayo’y tiyak na mahahatulan.
Hindi lamang inako ng ating Panginoon ang lahat nating kasalanan, bagkus Siya mismo ay tiniis lahat ng hatol ng kasalanan. Sa ibang salita, si Jesus ang mismong Tagapagligtas, na umako ng ating mga kasalanan, naging ating sariling handog ng kasalanan at walang imik na tiniis ang hatol sa Krus, ang lahat upang iligtas tayo sa ating kasalanan at sa gayo’y tinupad lahat ng kalooban ng Diyos. Ito kung bakit sinabi ng Diyos sa Biblia, “At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi Ko na aalalahanin pa. At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan. Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus” (Hebreo 10:17-19).
Nauunawaan mo ba bakit si Jesu-Cristo ay pinako? Hindi lang tayo dapat manalig sa dugo ni Jesus sa Krus, ngayon dapat nating unawain ang dahilan bakit kailangang Siyang patayin sa Krus, at tayo’y wastong unawain at manalig na itong dahilan ay nakasalalay sa bautismong tinanggap Niya. Kung ikaw at ako ay nais na malaman at manalig kung saan at paano ang ating mga kasalanan ay nahugasan, dapat nating malaman at manalig na dahil sa ating mga kasalanan ay nilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan na tayo’y nahugasan sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
 

Sa Pag-aalam at Pananalig sa Katotohanan ng Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu, Tayo Ngayon ay Maliligtas sa Lahat ng Ating mga Kasalanan

Ang akin ng nasabi sa inyo ay ang katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na detalyeng sinasabi ng Biblia. At itong katotohanan ay ang kaligtasang nilayon bago pa paglikha sa mundo, at itong kaligtasan ay nahayag din sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, ang mga materyales na ginamit sa pintuan ng Tabernakulo. Kasama ang aking mga kapwa manggagawa, aking pinangangaral itong katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid sa di-mabilang na tao dito sa lupa. At maging ngayon, sa oras na ito, itong ebanghelyo ay pinalaganap sa buong mundo sa pamamagitan ng aming mga aklat.
Nguni’t may mga umaangkin na naniniwala kay Jesus bagaman sila’y mangmang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Mapangahas kong sabihin na ang gayong mga tao’y mangmang, dahil itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang sentro ng katotohanang nagsasabi sa atin ng tunay ng paraan ng paghahandog na natupad kay Jesu-Cristo, ang tunay na sangkap sa anino ng kaligtasang nahayag sa Tabernakulo. Ngayon, oras mo na. Kung ika’y nanalig nang di nalalaman ang tunay na katotohanan, oras na ngayon para sa iyo na magbalik, manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at mapatawad sa inyong mga kasalanan.
Ang bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus ay pinangako maging bago ang paglikha ng mundo, at ang mga ito’y nahayag din sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Upang tuparin ang pangakong ito, at upang tunay na maligtas ka at ako sa ating mga kasalanan, binautismo si Jesus, namatay sa Krus, nabuhay na muli at ngayo’y nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama.
Sinisikap mo pa rin bang manalig kay Jesus sa pamamagitan ng pagsunod sa inyong mga sariling karanasan o mga damdamin, di nalalaman ang katotohanang ito? Maraming gayong tao dito sa lupa, nguni’t kailangan muna silang tumalikod sa kanilang maling pananampalataya at buong pusong manalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung ikinubli sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong nahayag sa pintuan ng Tabernakulo.
Sinasabi sa Hebreo 10:19-20, “Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na Kaniyang itinalaga sa atin sa pamamagitan ng tabing sa makatuwid baga’y sa Kaniyang laman.” Nang si Jesu-Cristo, yamang inako ang mga kasalanan ng mundo sa pagbautismo, napako, ang tabing sa Templo ay nahati at ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay nahugasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Ang tabing sa Templo na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, ay matibay na matibay na di maaaring punitin maging sa paghila sa apat na sulok nito ng apat na kabayo.
Na itong matibay na tabing sa Templo gayunpama’y nahati mula sa itaas pababa, ni hindi nahawakan ninuman, hinahayag na sa oras na si Jesu-Cristo ay matapos ang Kanyang misyon, ang mga pintuan ng Langit ay nangabuksan. Ang pagpunit sa tabing sa Templo mula sa itaas pababa ay nangangahulugan na lahat ng mga pader ng kasalanan ay nawasak, pinakikita sa atin na sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, hinati ng Diyos itong mga pader ng kasalanan.
Ano kung gayon, ibig sabihin na ang mga pader ng kasalanan ay nahati? Ibig sabihiin na ang sinumang napatawad sa lahat nilang kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang dugo sa Krus. Ang nais na ihayag ng Diyos sa pamamagitan ng pintuan ng Tabernakulo ay ang kaligtasan ng sangkatauhan ngayo’y natupad nang minsan sa pamamagitan ng mga ministeryo ni Jesus na pinakita sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Dahil ang ating walang hanggang katubusang pinangako ng Diyos ay sa ating lahat ay natupad kaya ang tabing na pintuan sa Kabanalbanalang Dako na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino ay nahati sa dalawa mula sa itaas pababa, hindi ng kamay ng tao kundi ng kamay ng Diyos mismo.
Pinahahayag nito na si Jesu-Cristo na Siyang naging walang hanggang handog para sa mga kasalanan ng tao ay ganap na niligtas tayo na nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Diyos Ama’y tinakda na sinumang manalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at sa Kanyang dugong dumanak sa Krus ay mapapatawad sa kasalanan at makatatayo sa Kanyang presensiya. Maniniwala ka ba sa katotohanang ito o hindi?
Yamang inibig ka ng Diyos, kaya si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos ay umiibig sa iyo, at Kanyang binigay ang ganap na kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan at pagpako. Sa pagtanggap nitong pag-ibig ng Diyos na binigay sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at sa pananalig sa katotohanang nagtulot sa atin na pumasok sa Kaharian ng Diyos, lahat ng ating kasalanan ay naglaho. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maging ang ating mga kasalukuyang kasalanan ay naalis, dahil lahat ng ating kasalanan at hatol ay nahugasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus.
Sinasabi sa Hebreo 10:22, “Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig.” Patuloy na nagsasabi ang Biblia ukol sa paghuhugas ng kasalanan. Tayo’y maliligtas sa lahat ng ating kasalanan sa pananalig sa katotohanan na si Jesu-Cristo ay hinugasan lahat ng kasalanang ating nagawa sa ng ating laman at mga pag-iisip dahil sa Kanyang bautismo.
Yamang nahugasan ang karumihan ng Mataas na Saserdote sa hugasang tanso matapos magbigay ng mga handog, matapos hugasan lahat nating kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus, tayo rin, ay dapat alalahanin itong pananampalataya bawa’t araw. Yamang ang Mataas na Saserdote ay nahugasan ang kanyang sarili sa hugasang tanso, dapat nating hugasan ang ating mga kasalukuyang kasalanan sa pag-alaala at pananalig bawa’t araw na lahat ng ating kasalanan ay nahugasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus, dahil habang tayo’y nabubuhay dito sa lupa, may mga panahon na tayo’y nabubunyag sa ating karumihan.
Lahat ng kasalanan, mga nagawa ng katawan, puso o ng mga pag-iisip, ay kabilang sa mga kasalanan ng mundo. Sa pamamagitan ng pananampalatayang iyan, kung gayon, maaaring bang mahugasan ang lahat nitong mga kasalanan ng mundo? Maaari nating hugasan ang mga ito sa pamamagitan lang ng bautismong tinanggap ni Jesus. Yaong nalinisan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus ay dapat panatilihing malinis ang kanilang mga puso, at sa tuwing sila’y nagkakasala, dapat nilang hugasang muli sa pamamagitan ng pananampalataya. Yaong nakakaalala ng bautismo ni Jesus bawa’t araw at hugasan ang kanilang mga damit sa paggawa sa pananampalataya ay mga mapapalad. Dahil lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng bautismong tinanggap Niya mula kay Juan, sa pagninilay nitong katotohanan at pananalig nito araw-araw, tayo’y ganap na mapapalaya sa lahat ng kasalanan magpakailanman.
Dapat kang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na ang lahat ng inyong kasalanan ay inilipat lahat kay Jesu-Cristo nang Siya’y bautismuhan ni Juan. Walang mawawala sa pananalig sa ebanghelyong ito, dahil ang Makapangyarihang Diyos ay nilayon ito bago pa ang paglikha ng sanlibutan, bago ang panahon ng Lumang Tipan. Ang katotohanang inako ni Jesus lahat ng hatol ng inyong mga kasalanan sa pagtungo sa Krus na nagtulot na maabot ang katuwiran ng Diyos at iyong kaligtasan. Ang katotohanang nagtulot sa inyo na malamang si Jesus na Hari ng mga hari ay walang hanggang niligtas sa iyo sa kasalanan, at nagwisik sa inyong puso mula sa isang masamang budhi at naghugas ng inyong mga katawan sa pamamagitan ng dalisay na tubig, ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang kailangang-kailangang Salita para sa iyong buhay, at ito’y nagniningning ng lubos kapag kayo’y nanalig.
Sa loob ng 3 taon ng Kanyang pampublikong buhay, ang pinakaunang bagay na na ginawa ni Jesus upang iligtas ang buong sangkatauhan mula sa kasalanan ay ang pagbautismo. Si Jesu-Cristo, sa ibang salita, ay kailangang akuin ang mga kasalanan, at upang magkagayon kailangan Niyang magtungo kay Juan at mabautismo niya. Kaya, lahat ng Apat na Ebanghelyo ay sinulat itong mahalagang pangyayari sa simula.
Ikaw at ako, sa katunayan, lahat ay patungo sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan. Nguni’t anong nangyari? Naparito sa lupa ang Panginoon, inako ang ating mga kasalanan sa bautismo ni Juan, naging Cordero ng Diyos, pinasan lahat ng kasalanan ng mundo sa Krus, napako ang Kanyang mga kamay at mga paa para sa ating mga kasalanan, nagbubo ng lahat ng dugo na nasa Kanyang puso at namatay, at nabuhay na muli. Ito kung bakit sinabi ni Jesus, “Naganap na,” nang Kanyang binigay ang Kanyang huling hininga sa Krus.
Lahat ng bagay na sinabi ni Jesus at ginawa ay totoo. Si Jesus ay naging ating handog ng kasalanan upang niligtas tayo, at nabuhay na muli sa ikatlong araw. At matapos mabuhay na muli, Siya’y nagpatoo ng Kanyang pagkabuhay na muli ng 40 araw, umakyat sa Langit, at ngayo’y nakaupo sa kanang kamay sa trono ng Ama. Itong si Jesu-Cristo ay paparito sa lupa upang alisin ang ating mga kasalanan. Si Jesus ay dumating bilang Tagapagligtas nang Siya’y naparito sa lupa, nguni’t kapag Siya’y bumalik muli sa ikalawang pagkakataon, Siya’y darating bilang Hukom upang hatulan lahat ng di mananalig.
Dapat mo ngayong malaman na si Jesu-Cristo ay babalik dito sa lupa bilang Hukom, upang tawagin at tanggapin bilang anak ng Diyos yaong nanalig sa kaligtasan ng tubig, ng dugo at ng Espiritu na Kanyang tinupad sa Kanyang 33 taong buhay dito sa lupa at tinulot sila na manirahan sa Milenyong Paghahari at ang walang hanggang Langit, at upang igawad ang Kanyang walang hanggang hatol sa mga di nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ng dugo, at sa Espiritu at tinanggihan ang pag-ibig ng Diyos.
Ngayon, hindi mo na dapat pagwalang-bahala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at magkunwaring hindi nalalaman ito, bagkus dapat kang manalig sa katotohanang ito. At dapat mong malaman na yamang pinangako ng Diyos sa pamamagitan ng Tabernakulo at ang paraan ng paghahandog, naparito si Jesu-Cristo dito sa lupa, binautismo sa isang anyo ng pagpapatong ng mga kamay, pinako, at sa gayo’y naligtas ang buong mundo sa lahat ng kasalanan, at dapat mapatawad sa inyong mga kasalanan sa pananalig sa katotohanang ito sa lahat ng inyong mga puso.
Gayun pa man, ang bayan ng Israel ay nakatalikod pa rin mula sa katotohanan at naghihintay ng ibang Mesias. Nguni’t ang mga Israelita ay dapat malaman na bagaman gaano man kaalab silang naghihintay sa isang Mesias maliban kay Jesus, dahil wala ng iba pang Mesias kundi si Jesu-Cristo. Na wala ng ibang Mesias kundi si Jesus sa ibabaw nitong lupa ay ang sariling katibayan ng katotohanan, at yamang ang bayan ng Israel ay di naliliban pagdating sa katotohanang ito, ni wala ng ibang pang Tagapagligtas para sa kanila.
Tulad niyaon, ang bayan ng Israel ay dapat na magsisi mula sa kanilang kasalanang di pananalig kay Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos, at dapat silang manalig na si Jesu-Cristo ay ang kanilang tunay na Mesias nga at tanggapin ito bilang katotohanan. Sa pamamagitan muli ng pagtitibay at pananalig na si Jesu-Cristo ay ang Tagapagligtas na dumating, ang bayan ng Israel ay dapat na maging tunay, espirituwal na piniling bayan ng Diyos.
Maging ngayon, ang bayan ng Israel ay naghihintay pa rin ng isang kahanga-hanga, nararapat at makapangyarihang Mesias na magliligtas sa kanila mula sa mga pagdurusa at mga kahirapan nitong mundo. Nguni’t si Jesu-Cristo ay naparito na dito sa lupa sa laman ng isang tao bilang ang Mesias na nagligtas sa kanila, na hindi maiiwasan kundi ang hatulan sa apoy, sa lahat nilang kasalanan. Tulad niyon, dapat nilang kilalanin itong katotohanan at manalig. Dahil ang kanilang mga kaluluwa, si Jesus mismo ay naparito sa lupa bilang kanilang handog sa kasalanang pinangako sa Lumang Tipan, niligtas sila magpakailanman sa lahat nilang kasalanan, at sila’y naging sariling bayan ng Diyos.
Si Jesu-Cristo na naparito bilang Tagapagligtas na nagligtas sa ating lahat sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. At Kanyang tiyak na itutulot tayo na nananalig dito upang maghari sa Milenyong Paghahari kasama Niya. Matapos nito, Kanya rin silang itutulot na makabahagi sa walang hanggang Kaharian ng Diyos at manirahan magpakailanman kasama ang Diyos mismo sa kasiyahan at kaluwalhatian.
Tulad niyaon, habang tayo’y naririto pa sa lupa, lahat tayo’y dapat na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng ating mga puso at maging sariling anak ng Diyos. Yaon lamang nanalig sa ebanghelyo ng katotohanang ito ay maaaring maging walang kasalanang mga anak ng Diyos at ginagarantiyahang matamo lahat ng mga pagpapalang naghihintay sa kanila sa susunod na mundo.
Alleluiah! Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pamamagitan ng aking pananampalataya sa pagbibigay sa atin ng mga espirituwal na pagpapala ng Langit. Pinangako ng ating Panginoon na Siya’y magbabalik muli; gayunman, magbalik Kayo, Panginoon!