• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 11: Ang Tabernakulo

[11-22] Ang Apat na Hiwagang Nakakubli sa mga Panaklob ng Tabernakulo (Exodo 26:1-14)

2021.04.13 92
(Exodo 26:1-14)
“Bukod dito’y gagawin mo ang tabernakulo namay sangpung tabing na linong pinili, at bughaw at kulay-ube at pula na may mga kerubin na gawa ng bihasang manggagawa, iyong gagawin. Ang magiging haba ng bawa’t tabing ay dalawang pu’t walong siko at ang luwang ng bawa’t tabing ay apat na siko, lahat ng tabing ay magkakaroon ng isang kasukatan. Limang tabing ay papagsusugpunging isa’t isa at ang ibang limang tabing ay papagsusugpunging isa’t isa. At gagawa ka ng mga presilyang bughaw sa gilid ng isang tabing sa hangganan ng pagkakasugpong at gayon din gagawin mo sa gilid ng ikalawang tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong. Limang pung presilya ang iyong gagawin sa isang tabing at limang pung presilya ang iyong gagawin sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong, ang mga presilya ay magkakatapat sa isa’t isa. At limang pung pangawit na ginto ang iyong gagawin at pagsusugpungin mo ang mga tabing sa pamamagitan ng mga kawit at magiging isa lamang. At gagawa ka ng mga tabing na balahibo ng kambing na pinaka tolda sa ibabaw ng tabernakulo, labing isang tabing ang iyong gagawin. Ang magiging haba ng bawa’t tabing ay tatlong pung siko at ang luwang ng bawa’t tabing ay apat na siko, ang labing isang tabing ay magkakaroon ng isang sukat. At iyong papagsusugpungin ang limang tabing at gayon din ang anim na tabing at iyong ititiklop ang ikaanim na tabing sa harapan ng tabernakulo. At limang pung presilya ang iyong gagawin sa tagiliran ng isang tabing na nasa hangganan ng pagkasugpong at limang pung presilya sa tagiliran ng ikalawang pagkakasugpong. At gagawa ka ng limang pung pangawit na tanso at ikakabit mo ang mga pangawit sa mga presilya at pagsusugpungin mo ang tolda upang maging isa. At ang dakong nakalawit na nalalabi sa mga tabing ng tolda na siyang kalahati ng tabing na nalalabi ay ilalaylay sa likuran ng tabernakulo. At ang siko ng isang dako at ang siko ng kabilang dako niyaong nalalabi sa haba ng mga tabing ng tolda ay ilalaylay sa mga tagiliran ng tabernakulo, sa dakong ito at sa dakong yaon upang takpan. At gagawa ka ng isang pangtakip sa tolda na balat ng lalaking tupa na tininang pula at isang pangtakip na balat ng poka sa ibabaw.”
 

Ang mga Panuklob sa Tabernakulo

Atin ngayon ituon ang ating pansin sa mga panuklob sa Tabernakulo. Ang mga panuklob sa Tabernakulo ay likha sa apat na patong. Nang sinabi ng Diyos kay Moises na gumawa ng Tabernakulo, nagbigay Siya ng mga detalyeng utos. Natatangi, ang unang panuklob ay makikita lang sa loob ng Tabernakulo, tinatakluban ang mga tabla ng Tabernakulo at lahat ng mga kagamitan nito sa loob. Itong panuklob ay balot ang mga tabla sa Tabernakulo, ang Banal na Dako at Kabanalbanalang Dako, lahat hanggang sa ibaba ng lupa. At ito’y likha sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino, at ang mga magagandang anyo ng kerubin ay hinabi rin.
Ang unang panaklob ay gawa sa dalawang pangunahing mga pangkat ng mga tabing na nakasugpong sa isa’t isa, bawa’t isa’y likha sa pamamagitan ng nakasugpong na limang maliliit na mga tabing sa isa’t isa. Upang isugpong itong dalawang pangunahing pangkat na mga tabing sa isa’t isa, limampung presilyang bughaw na sinulid ay ginawa sa bawa’t magkasamang gilid ng mga tabing. Gintong mga pangawit ay magkasugpong sa mga presilya nito ng bughaw na sinulid, nakasugpong ang dalawang pangkat ng mga tabing upang maging malaking isang panuklob.
Ang unang panaklob ng Tabernakulo ay likha sa sampung tabing, magkasugpong ang dalawang malapad na mga tabing. 28 siko ang haba nito. Ang siko ay halos 45 sentimetro at kaya ang haba ay halos 12.6 metro sa ngayong panukat, habang ang lapad ng bawa’t tabing ay apat na siko, 1.8 metro. Limang tabing ay unang sama-samang sinugpong upang maging dalawang bahagi ng mga tabing, at itong mga bahagi ay nakasugpong sa isa’t isa na may limampung presilya ng bughaw ng sinulid at limapung pangawit na ginto. Nguni’t may tatlo pang mga panaklob. Ang unang nakasugpong ng Tabernakulo ay likha sa pinaghabing mga tabing na may artistikong mga disenyo ng kerubin sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino.
Ito’y upang ipakita sa atin ang daan sa Kaharian ng Langit. Halimbawa, ang bughaw na sinulid na ginamit para sa unang panaklob ng Tabernakulo ay tumutukoy sa bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan upang alisin ang mga kasalanan ng mundo. Sa pagbautismo, inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo (Mateo 3:15). Dahil inako ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sariling katawan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, itong bautismo ngayo’y naging kawangis ng kaligtasan (1 Pedro 3:21).
Ang ikalawang panaklob ng Tabernakulo ay gawa sa balahibo ng mga kambing (Exodo 26:7). Ang haba nito ay higit na mahaba kaysa sa unang panaklob na 90 sentimetro. Sa 30 siko, ang haba ay 13.5 metro at sa 4 na siko, ang lapad ay 1.8 metro. Ang panaklob ay gawa sa labing-isang mga tabing, nakasugpong sa isa’t isa sa dalawang bahagi ng tabing, isa ay may lima at ang iba’y anim na tabing. Itong dalawang bahagi ay nakasugpong sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga pangawit na tanso.
Itong ikalawang panaklob ng Tabernakulo, na gawa sa balahibo ng kambing, ay sinasabi sa atin na si Jesus ginawa tayong banal sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Sa pagparito sa lupa, nang maging 30 gulang ang Panginoon, Siya’y binautismo ni Juan ayon sa Kanyang sariling pasiya, at Kanyang tinanggap ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili. Sanhi nito, pinasan ng Panginoon ang mga kasalanan ng mundo sa Krus, napako, inalis ang ating mga kasalanan nang minsan, at sa gayo’y naging ating Tagapagligtas. samakatuwid ang ikalawang panaklob, ang puting panaklob ng balahibo ng mga kambing, ay sinasabi sa atin na si Jesu-Cristo na naging kambing na pakakawalan ay ginawa tayo na walang kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo.
Ang ikatlong panaklob ng Tabernakulo ay likha sa mga balat ng tupa na may tinang pula, nagsasabi sa atin na pinasan ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pagbabautismo, pinasan ang mga ito sa Krus, nagbubo ng Kanyang dugo at hinatulan, at sa gayo’y pinalaya tayo sa lahat ng ating kasalanan.
Ang ikaapat na panaklob ng Tabernakulo ay likha sa mga balat ng poka. Ang kahulugan ng mga balat ng poka na si Jesu-Cristo, kung titignan sa Kanyang panlabas na anyo, ay walang bagay na kanais-nais sa Kanya. Nguni’t Siya mismo ay Diyos. Ang mga balat ng poka ay pinakikita sa atin ang isang larawan ni Jesu-Cristo na nagpababa ng Kanyang sarili nang lubos na kapantay ng tao upang iligtas tayo sa mga kasalanan ng mundo.
Atin ngayong suriin itong apat na mga panaklob ng Tabernakulo sa lubos na detalye.
 

Ang Espirituwal na Kahulugan ng Unang Panaklob ng Tabernakulo

Ang mga materyales na ginamit para sa una sa mga apat na panaklob ng Tabernakulo ay bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ito’y likha sa gayong paraan na ang apat na mga kulay ay malinaw na makikita mula sa loob ng Tabernakulo. Gayon din, mga artistikong disenyo ng mga anghel ay hinabi rito, upang sila’y tumingin pababa sa Tabernakulo mula sa itaas. Ang espirituwal na kahulugang tangan ng bawa’t isa nitong apat na sinulid ay ang mga sumusunod.
Ang hiwaga ng bughaw na sinulid na nahayag sa mga materyales ng unang panaklob ng Tabernakulo na ang Mesias, minsanang tinanggap lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Siya’y naparito sa lupa at binautismo ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan, upang pasanin lahat ng kasalanan ng mundo, tulad ng mga haing handog ng Lumang Tipan ay tinanggap ang mga kasalanan ng mga makasalanan na inilipat sa kanila sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. At sinasabi rin sa atin na ang katotohanang hinugasan ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa pagtitiis ng hatol nitong mga kasalanan nang minsanan.
Ang kulay-ubeng sinulid, sa kabilang dako, ay sinasabi sa atin na si Jesu-Cristo na naparito sa lupa ay ang Hari ng mga hari at ang sukdulang Diyos mismo para sa atin. Sinasabi sa atin na si Jesus ay Diyos mismo sa Kanyang anyo. Ang pulang sinulid na nahayag sa Tabernakulo sinasabi sa atin na si Jesus, yamang minsanang inako lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap kay Juan, nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus at sa gayo’y tiniis ang handog at hatol ng ating mga kasalanan alang-alang sa atin.
Ang bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus ay katulad din ng paraang paghahandog sa panahon ng Lumang Tipan kung saan ang mga walang-dungis na mga handog ay tinanggap ang mga kasalanan ng mga makasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at nagbubo ng dugo sa kamatayan upang tiisin ang hatol nitong mga kasalanan. Tulad nito, sa Bagong Tipan, binautismo si Jesus, nagtungo sa Krus at nagbubo ng Kanyang dugo at namatay.
Ang Biblia ay tinutukoy si Jesu-Cristo bilang haing handog. Ang pangalang “Jesus” ay nangangahulugang “Sapagka’t ililigtas Niya ang Kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mateo 1:21). At ang pangalang “Cristo” ay “Siyang pinahiran ng langis.” Sa Lumang Tipan, tatlong uri ng tao ang pinapahiran ng langis; mga hari, mga propeta at mga saserdote. Samakatuwid, ang pangalang “Jesu-Cristo” ay nagbabadya na Siya ang Tagapagligtas, ang Diyos, at Mataas na Saserdote ng Kaharian ng Langit, at ang Panginoon ng walang hanggang katotohanan. Sa pagparito sa lupa, sa bautismo ni Juan at pagdanak ng Kanyang dugo, Siya’y naging ating tunay na Tagapagligtas.
Tulad nito, ang unang panaklob ng Tabernakulo ay hinahayag na ang Mesias ay darating sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino at sa gayo’y niligtas lahat ng mga nanalig sa Kanya mula sa kanilang mga kasalanan at hatol. Itong mga ministeryo ay walang iba kung ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Ang hiwaga ng kaligtasang nahayag nitong apat na kulay na unang panaklob ay ang Mesias na naparito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng sangkatauhan at pagbautismo, napako upang mamatay, nabuhay na muli.
Sa pamamagitan nitong mga ministeryo, niligtas ni Jesu-Cristo yaong nanalig sa Kanya mula sa kanilang mga kasalanan, at ginawa silang bayan ng Diyos. Si Jesu-Cristo ay ang Hari ng mga hari at ang haing handog na nag-alis ng mga kasamaan ng mga makasalanan, at Kanyang pinalaya yaong nanalig sa lahat ng kanilang kasalanan at hatol.
 

Ang Espirituwal na Kahulugan ng Ikalawang Panaklob ng Tabernakulo

Ang mga materyales na ginamit para sa ikalawang panaklob ng Tabernakulo ay balahibo ng mga kambing. Ito’y sinasabi sa atin na ang Mesias na darating ay pawawalang-sala ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanila mula sa mga kasalanan at hatol nitong mga kasalanan. Pinakikita sa atin, sa ibang salita, na upang ang tao’y makamit ang katuwiran ng Diyos, sukdulang kailangan para sa kanila na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang katuwiran ng Diyos ay hinugasan ang ating mga puso na kasingputi ng niyebe, at sa gayo’y tinulot tayo na mapatawad sa ating mga kasalanan.
 

Ang Espirituwal na Kahulugan ng Ikatlong ng Panaklob ng Tabernakulo

Ang mga materyales na ginamit para sa ikatlong panaklob ng Tabernakulo ay mga balat ng tupa na may tinang pula. Ito’y pinakikita na ang Mesias ay paparito sa lupa, kinuha ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo, pagkapako, at sa gayo’y naging haing handog para sa mga kasalanan ng Kanyang bayan. Ang dugong binubo ni Jesu-Cristo sa Krus ay binayaran ang mga bayarin ng kamatayan para sa mga kasalanan ng mundo. Sa ibang salita, sinasabi nito sa atin na si Jesu-Cristo mismo ay naging haing handog at sa gayo’y niligtas ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan (Levitico 16).
Sa Araw ng Pagtutubos, dalawang handog na kambing ay hinanda upang kuhanin ang buong mga kasalanan ng bayan ng Israel. Isa sa mga ito ay isang haing handog ng pagtutubos na binigay ng Diyos para sa kanilang mga kasalanan. Sa panahong ito, ang Mataas na Saserdote ay inilagay ang kanyang mga kamay sa ulo nitong handog na kambing, nililipat lahat ng kasalanan ng Kanyang bayan nang minsanan. At kanyang kukunin ang dugo nito, iwiwisik sa silangang bahagi ng luklukan ng awa, at iwiwisik ng pitong ulit sa luklukan ng awa. Ganito kung paano ang paghahandog ng katubusan ng bayan ng Israel na binigay ng Diyos.
Pagkatapos, sa pagsaksi ng mga Israelitang nagtipon sa Tabernakulo, ilalagay ng Mataas na Saserdote ang kanyang mga kamay sa isa pang kambing at nilipat ang isang taong halaga ng mga kasalanan ng bayan ng Israel. Ito’y upang ibigay lahat sa bayan ng Israel ang paghatol na lahat nilang kasalanan sa nakalipas na tayo ay inalis sa kanila sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng Mataas na Saserdote. Itong kambing sa gayo’y dadalhin sa ilang sa kamatayan nito, dala-dala lahat ng kanilang mga kasalanan (Levitico 16:21-22). Ito ang pangako ng Diyos na ang Mesias ay darating dito sa lupa, inako ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan (Mateo 11:11-13, 3:13-17), tiniis ang hatol nitong mga kasalanan sa pamamagitan ng handang mapako, at sa gayo’y niligtas ang Kanyang bayan mula sa lahat nilang kasalanan.
 

Ang Espirituwal na Kahulugan ng Ikaapat na Panaklob ng Tabernakulo

Ang mga balat ng poka ay pinakita ang ating sariling anyo, gayon din ang anyo ng Panginoon nang Siya’y naparito sa lupa. Naparito ang ating Panginoon sa laman ng isang tao upang tawagin ang mga makasalanan at gawing silang matuwid. Ang mga balat ng poka ay sinasabi rin sa atin na si Jesu-Cristo ay hindi tinaas ang Kanyang sarili nang Siya’y naparito sa lupa, bagkus sa halip ay binaba ang Kanyang sarili bilang isang tao na may mababang pagsilang.
Sa panahon ng Lumang Tipan, sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta na ang Mesias ay darating at ililigtas ang mga makasalanan dito sa lupa mula sa kanilang mga kasamaan. Makikita nating tinupad ng Diyos ang Salita ng hula na sinabi ng Kanyang mga lingkod sa pamamagitan ng bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang dugo sa Krus. Itong pangako ng hula ay ang Salita ng tipan na ang Mesias ay hindi lamang titiisin ang mga kasalanan ng bayan ng Israel kundi lahat din ng kasalanan at hatol ninuman dito sa lupa, at Kanyang ililigtas lahat ng Kanyang mga mananampalataya at gagawin silang sariling bayan Niya.
Ang Exodo 25 ay nagwiwika ng mga materyales na ginamit upang itayo ang Tabernakulo. Itong mga materyales ng Tabernakulo kasama ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, mapinong binurdang lino, balahibo ng mga kambing, mga balat ng tupa na may pulang tina, mga balat ng poka, ginto, pilak, tanso, mga pampalasa, langis, at mga mahahalagang bato. Lahat nitong mga materyales ay pinakikita na ang Mesias ay paparito sa lupa at ililigtas ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugong dumanak. Tulad niyon, nakakubli sa mga panaklob ng Tabernakulo ay ang malalim na layon ng kaligtasang ginawa ng Diyos upang iligtas ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.
Bakit inutos ng Diyos na ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ang gamitin bilang mga materyales sa mga panaklob ng Tabernakulo? At bakit Kanyang inutos na gamitin ang balahibo ng mga kambing, mga balat ng tupa at mga balat ng poka? Dapat nating pansining mabuti sa layong ginawa ng Diyos upang iligtas tayo sa mga kasalanan ng mundo. Dapat tayong manalig sa mga ministeryong nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kung saan niligtas ni Jesus ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan, at tayo’y dapat na maligtas sa ating mga kasalanan at maging bayan ng Diyos. Tayo’y dapat, sa ibang salita, na malaman at manalig sa layon ng Diyos na nahayag sa mga panaklob ng Tabernakulo.
 

Sa Pamamagitan ng Apat na Paraan

Ang apat na panaklob ng Tabernakulo ay sinasabi sa atin ng paraang detalyeng pagliligtas sa atin ng Diyos mula sa ating mga kasalanan: Ang Mesias ay paparito sa lupa sa laman, inako lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismong tinanggap kay Juan, ipapako para sa kaparusahan nitong mga kasalanan, at patawarin ang mga kasalanan ng Kanyang bayan at iligtas sila mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo. Subali’t, itong kaligtasan ay natupad lamang sa mga mananalig sa Mesias bilang kanilang Tagapagligtas. Tayong lahat ay dapat na manalig na si Jesu-Cristo, tulad ng nahayag sa mga materyales ng mga panaklob sa Tabernakulo, nagmula nga sa Kanyang bautismo at sa Krus, at sa gayo’y niligtas tayo nang minsan mula sa lahat ng ating kasalanan.
Alinsunod sa mga hula ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na nahayag sa mga panaklob ng Tabernakulo, ang Anak ng Diyos ay naparito sa atin bilang haing handog sa panahon ng Bagong Tipan, binautismo at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Dagdag nito, sa pananalig sa Mesias ay nahayag ang mga panaklob ng Tabernakulo, maibibigay natin sa Diyos ang handog ng pananampalatayang nagligtas sa atin.
Tulad niyon, tayo’y dapat na manalig sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang sinumang hindi lumapit sa Diyos at nabigong ibigay ang handog ng pananampalataya sa pamamagitan ng pananalig sa mga ministeryo ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, siya’y tiyak na mawawasak dahil sa kanyang mga sariling kasalanan. Nguni’t ang sinumang mananalig sa katotohanang ito, sa gayon sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa kaligtasan siya’y makalalapit sa Diyos sa lahat ng oras bilang Kanyang anak. Pinakikita ng Tabernakulo sa atin na walang sinuman ang di nananalig kay Jesu-Cristo na naging haing handog at nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ang makapapasok sa Kaharian ng Diyos.
Pinakikita nga sa atin ng mga panaklob ng Tabernakulo ang daan tungo sa Langit. Dapat nating hanapin ang daan upang pumasok sa Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang sinumang nais na pumasok sa Kaharian ng Diyos ay dapat munang lutasin ang kanyang suliranin sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan ng kapatawaran ng kasalanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Tulad niyon, ang tao’y pumapasok man sa Iglesia ng Diyos dahil sa pananalig sa katotohanang ito, o kanila mang tinanggihan ang Diyos dahil sa di-pananalig, ay isang pagpipili na dapat nilang gawin.
Ang ating mga budhi ay nasa kasarinlang manalig o hindi manalig sa katotohanan ng kaligtasang nahayag sa mga panaklob ng Tabernakulo. Nguni’t dapat ka ring kumilala na ang bunga ng di-pananalig sa katotohanang ito ay lubos na kapahamakan para sa sinuman upang mapagtiisan. Subali’t, upang tayo’y makapasok sa nagniningning na Tahanan ng Diyos ayon sa Kanyang kalooban, magpakailanman tayo’y dapat maligtas sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa bautismong tinanggap ng Mesias mula kay Juan at sa dugo sa Krus. Ang lahat ay dapat tanggapin at manalig sa kanilang mga puso na itong bautismo ng Mesias at Kanyang dugo sa Krus ay pinatawad lahat ng kanilang kasalanan. Kapag sila’y nanalig lamang kanilang makakamit ang walang hanggang kapatawaran ng kasalanan at pumasok sa luwalhati ng Diyos.
Ang unang panaklob ng Tabernakulo ay hinabi sa apat na iba-ibang mga sinulid, at ito’y inilagay sa ilalim ng ikalawang panaklob na gawa sa balahibo ng mga kambing. Pinakikita nito sa atin ang katunayan na ating makakamit ang kapatawaran ng kasalanan ay batay sa mga ministeryo ni Jesus: Kanyang bautismo at Kanyang sariling dugo. Tulad niyon, ang kapatawaran ng kasalanang ating nakamit dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos ay batay sa ating pananampalataya sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong nahayag sa unang panaklob. Upang makita kung gaano ang katiyakan nitong katotohanan, ating tignan sa Salita ng Biblia sa ibaba.
Sinasabi sa Isaias 53:6, “At ipinasan sa Kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.” Hebreo 9:28 ay pinahayag, “Gayon din naman si Cristo na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami.” At sa 2 Corinto 5:21 ay sinabi, “Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay Kaniyang inaring may sala dahil sa atin upang tayo’y maging sa Kaniya’y katuwiran ng Dios.” Lahat ng talatang ito samakatuwid ay sinasabi sa atin na ang ating kaligtasan ay natupad ayon sa mga ministeryo ng kaligtasan ni Jesus na nahayag sa mapinong lino at ang bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na ginamit para sa unang panaklob ng Tabernakulo. Na si Cristo mismo ay sinabit sa puno at tiniis ang hatol ng ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan alang-alang sa atin ay nangyari dahil sa katotohanang Kanya munang inako ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, at hindi lamang sa Krus Kanyang tiniis ang mga kasalanan ng mundo.
Nang akuhin ni Jesus ang lahat ng kasalanan ng mundo sa bautismo at sa gayo’y tiniis ang mga nakamamatay na paghihirap sa Krus upang tubusin sila, Siya’y walang takot. Salungat nito, Siya’y nagalak! Bakit? Dahil sa oras na yaon para sa Kanya, “ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15). Upang palayain tayo mula sa ating mga kasalanan, si Jesus ay binautismo at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Kanya nga itong ginawa dahil tayo’y iniibig Niya. Ito kung bakit Siya’y naparito sa lupa, binautismo ni Juan at handang ininom ang saro ng paghahandog. Ito’y dahil inako ng Panginoon ang ating mga kasalanan at mga karumihan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo upang magbubo ng Kanyang dugo sa Kalbaryo at tiniis ang hatol ng ating mga sariling kasalanan alang-alang sa atin.
 

Ang mga Kalawit na sama-samang Nakasugpong s a Unang Panaklob ng Tabernakulo ay Likha sa Ginto

Ang unang panaklob ng Tabernakulo ay likha sa dalawang bahagi ng limang tabing, na sinugpong sa bawa’t isa sa pamamagitan ng mga kalawit na ginto. Pinakikita nga sa atin na tayo’y makapapasok lang sa Kaharian ng Langit kung tayo’y mananalig sa katotohanan ng kapatawaran ng kasalanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Na ang dalawang bahagi ng limang tabing ay sinugpong sa isa’t isa sa pamamagitan ng limampung gintong kalawit ay pinakikita sa atin na tayo’y maliligtas lang mula sa lahat nating kasalanan kapag taglay nating ang ganap na pananampalataya sa Kanyang kaligtasan. Sa Biblia, ang ginto ay nagbabadya ng tunay na pananampalatayang nananalig sa Salita ng Diyos.
Tulad niyon, bawa’t isa sa atin ay tiyak na dapat manalig sa lahat ng Salita ng Diyos. Natatanging mahalaga para sa atin na magkaroon ng pananampalataya sa katotohanang nahayag sa bughaw na sinulid. Sa pagpapako lang ni Jesus, ito at ito lamang, walang ibubunga na kahit ano pa man sa ating kaligtasan. Bakit? Dahil bago ang Kanyang pagkapako, kailangan muna ang isang proseso ng bautismo ni Jesus kung saan ang mga makasalanan ay maililipat ang kanilang mga kasalanan kay Jesu-Cristo. Ang Krus ay mabisa lamang para sa ating kaligtasan kung tayo’y mananalig na ang Diyos Ama ay pinatanggap kay Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo.
 

Anong Sinasabi sa Atin ng Mapinong Binurdang Lino sa Tabernakulo?

Sinasabi sa atin na ang Diyos ay kumilos sa atin ayon lahat sa Kanyang detalyeng Salita ng katotohanan. Ang Mesias ay sadyang naparito sa lupa at tiniis ang ating mga kasalanan at hatol sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan at sa dugo sa Krus. At sinasabi sa atin na ang Kanyang kaligtasan ay natupad na tulad ng Kanyang pangako sa Kanyang Salita.
Sa panahon ng Bagong Tipan, ang ating Panginoon sa katotohana’y naparito sa lupa, inako ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, nabubo ng dugo sa kamatayan, tiniis lahat ng hatol ng ating mga kasalanan at sa gayo’y natupad lahat ng pangako ng kaligtasan. Sa pagbautismo at pagpako, naganap at natupad ng Panginoon ang kalooban ng Diyos Ama. Ang tipan na ginawa ng Diyos sa Kanyang bayang Israel lahat ay natupad ng Kanyang Anak na si Jesus.
Sino kung gayon, ang talagang magbibigay pansin sa katotohanang ito? Ang bayan lang ba ng Israel? O ikaw at ako?
Ang katotohanan ng ang unang panaklob ng Tagapagligtas ay sama-samang sinugpong ng limampung gintong pangawit ay kinakailangan ang tunay na pananampalataya mula sa atin. Pinakikita sa atin na tayo’y makapapasok lang sa Kaharian ng Diyos kung ating nalalaman at nananalig na hinugasan ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mga ministeryong nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit para sa unang panaklob ng Tabernakulo.
Sa ibang salita, pinakikita sa atin na ang kapatawaran ng kasalanan ay natanggap lamang sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng katotohanan. Sa Salita ng Luma at Bagong Tipan, sadyang detalyeng pinakikita ng Diyos sa atin na matatamo lamang natin ang tunay na kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig na ang bautismo at dugo sa Krus na nahayag sa mga panuklob ng Tabernakulo ay niligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan.
Sadyang tinulot tayo ng Diyos na mahugasan sa lahat ng ating kasalanan at naging kasingputi ng niyebe sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang linong ginamit para sa unang panuklob ng Tabernakulo. At tinulot ng Diyos yaon lamang taglay itong pananampalataya na pumasok sa Kanyang Kaharian. Dapat nating malaman ang ukol sa mga panaklob ng Tabernakulo at maniwala sa mga ito. Sa pananalig kay Jesu-Cristo na dumating sa atin sa pamamagitan ng mga ministeryo ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, ating makakamit ang pangangailangan upang maging anak ng Diyos at kamtan ang luwalhati ng pagpapasok sa Kanyang Kaharian.
Kapag niligtas tayo ng Mesias mula sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mga gawang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, paanong hindi tayo mananalig sa malalim at malawak na pag-ibig ng kaligtasan at tanggihan ito? Paano natin matatanggihan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at sa Kaharian ng Langit, na makakamit lang sa pamamagitan ng pananampalataya? Tayong lahat ay dapat manalig kay Jesu-Cristo bilang ating sariling Tagapagligtas na nagligtas sa atin sa mga kasalanan ng mundo sa pagbabautismo at pagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Saka lang tayo magiging bayan ng Diyos. 
Yaong hindi nanalig sa katotohanan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na nahayag sa unang panaklob ng Tabernakulo ay tunay na hindi mahuhugasan ang kanilang mga kasalanan sa pananampalataya. Ang hindi nanalig sa katotohanang ito ay hindi magiging anak ng Diyos. Ito kung bakit dapat tayong manalig sa katotohanan ng kaligtasang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na ginamit para sa mga panaklob ng Tabernakulo, at tayo’y dapat sa gayon matatamo ang walang hanggang buhay.
 
 
Ang Panaklob ng Balahibo ng mga Kambing ay Higit na Ginawang Malaki Kaysa sa Unang Panaklob ng Tabernakulo

Ang ikalawang panaklob na gawa sa balahibo ng mga kambing ay higit na malaki kaysa sa unang panaklob ng Tabernakulo. Ibig sabihin nito na yaong lumaban sa Diyos ay di makikita kahit isang bahagi ng katotohanang nahayag sa unang panaklob ng Tabernakulo. Sa katunayan kailangan ikubli ang hiwaga ng kapatawaran ng kasalanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ng unang panaklob ng Tabernakulo. Ito’y dahil tinakda ng Diyos na yaon lang sumamba at natakot sa Kanya ang makapapasok sa Kanyang Kaharian sa pamamagitan ng pananalig sa mga ministeryo ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Ito rin kung bakit nilagay ng Diyos ang kerubin sa silangan ng hardin ng Eden at isang nag-aapoy na tabak na umiikot upang ingatan ang daan patungo sa kahoy ng buhay, matapos Niyang itaboy ang lalakeng nagkasala (Genesis 3:24). Ang katotohanang nagtulot na pumasok sa Kaharian ng Langit ay di hinayaang makita ninuman kung hindi muna nanalig sa Diyos. Ito kung bakit ang Diyos ay nilikha ang ikalawang panaklob sa balahibo ng mga kambing na bahagyang malaki kaysa sa unang panaklob ng Tabernakulo.
Ang ikalawang panaklob ng Tabernakulo ay pinakikita sa atin na tayo’y magiging matuwid lamang kung tayo’y napatawad sa kasalanang nahayag sa unang panaklob. Sa ibang salita, tinulot ng Diyos yaong lamang mananalig sa Kanyang Salita na may takot at pagsamba, at yaong samakatuwid na tumangan sa ebanghelyo ng katotohanan, upang maging Kanyang bayan. Dahil ganito itinakda ng Diyos kung paano, hindi Niya tinulot ang sinuman upang maging Kanyang anak kung wala muna ang paniniwala sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na katotohanan ng kapatawaran ng kasalanan na tinakda Niya. Ang kalooban ng Diyos ay yaong ang mga puso ay masasama kailanma’y hindi malalaman kahit kaunti ng hiwaga ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
 

Ang Ikalawang Panaklob ng Tabernakulo ay Gawa sa Balahibo ng mga Kambing, at ang mga Pangawit Nito ay Gawa sa ansoT

Ang espirituwal na kahulugan ng mga tansong pangawit ay pinapakahulugan ang hatol ng mga kasalanan ng tao. Ang tansong pangawit ay sinasabi sa atin na lahat ng kasalanang ay kailangan ang kabayaran ng kanilang mga bayarin. Tulad niyon, ang tansong pangawit ay naglalaman ng katotohanan na ang Mesias ay kailangang magbubo ng ng Kanyang dugo sa Krus dahil Siya’y naparito sa lupa at inako ang mga kasalanan ng mundo nang minsan sa pamamagitan ng bautismo. Dahil ang Mesias ay kailangan munang akuin ang ating mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap kay Juan, Kanyang matitiis ang hatol nitong mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng dugong Kanyang binubo sa Krus.
Mula sa mga tansong pangawit, matutuklasan natin ang kautusan ng Diyos na nagsasabi sa atin na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23). Samakatuwid, dapat nating malaman na tinupad ng Diyos ang hatol ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Mesias. Yamang si Jesu-Cristo ay binautismo ni Juan at nagbubo sa kamatayan sa Krus, ang hatol ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay lubos na naganap.
Kapag tayo’y lumapit sa Diyos, ikaw at ako ay ating dapat na isipin sa ating mga budhi ukol sa kung ano ang katotohanan. Tayo’y nabubuhay dito sa lupa gumagawa ng mga kasalanan araw-araw sa ating mga puso, mga isip at mga gawa. Gayunpaman, tinanggap ni Mesias lahat nitong mga kasalanan na ating nagagawa araw-araw, binayaran itong mga kasalanan sa pamamagitan ng halaga ng Kanyang sariling buhay, at sa gayo’y nabuo ang ating kaligtasan para sa atin. Ang ating mga budhi sa harap ng Diyos ay nahantong na malanta at namatay, kung wala tayong pananampalataya sa Kanyang katotohanan. Samakatuwid, lahat tayo ngayo’y dapat na manalig sa katotohanang ito, upang ang ating naghihingalong mga kaluluwa ay maliligtas at muling mabuhay.
Ang ating bang mga puso ay hangad na manalig sa katotohanang nahayag sa mga tansong pangawit? Ang katotohanan na ang mga tansong pangawit ay sinasabi na yamang hindi natin maiiwasan kundi ang mahatulan dahil sa ating mga kasalanan, ang Mesias ay inako ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at nahatulan dahil sa lahat nating kasalanan alang-alang sa atin. Tunay na tiniis ni Jesus lahat ng hatol ng kasalanan nang minsan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Sa gayon, binigay ni Jesu-Cristo sa ating ang pananampalataya at tinulot tayo na pumasok sa Kaharian ng Diyos.
Ang sinumang may kasalanan sa kanyang puso sa harap ng Diyos, kung gayon siya’y dapat na itapon sa impiyerno. Dahil sa ating mga kasalanan, ang nararapat lang sa atin na makamit ay walang hanggang kamatayan. Nguni’t ang Mesias ay naging alay ng handog dahil sa ating mga kasalanan at sa gayo’y niligtas tayo sa lahat ng kanilang kahatulan. Tayo dapat ang parusahan sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan, nguni’t dahil sa pananalig na ang Mesias ay pinarusahan alang-alang sa atin, tayo ngayo’y makapapasok sa Kaharian ng Diyos.
Sa pananalig sa katotohanang ito ng ating mga puso, dapat tayong mapatawad sa ating mga kasalanan ng mundo at makatakas mula sa hatol ng ating mga kasalanan. Ito ay upang gawing itong mga gawa ng kaligtasan na ang Mesias inako ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, at napako para sa mga kasalanang ito ng mundo. Sa kaalaman at pananalig sa katotohanang ito, hindi lang dapat nating tanggapin ang kapatawaran ng kasalanan, bagkus ay dapat din tayong maligtas mula sa hatol ng kasalanan.
Kailangan tayong manalig na ang Mesias ay inako ang ating mga kasalanan sa Kanyang sarili at tiniis ang hatol nitong mga kasalanan sa pamamagitan lamang ng pagparito sa lupa at at tanggapin muna ang Kanyang bautismo sa isang anyo ng pagpapatong ng mga kamay. Kung inako ng Mesias ang lahat nating kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan, at kung Siya’y napako upang bayaran itong mga kasalanan, kung gayon dapat din tayong manalig. Sa mga mananalig nga, ibibigay ng Diyos ang bagong buhay.
Dahil tayo’y nahantong sa impiyerno para sa ating mga kasalanan, inako ng Mesias ang ating mga kasalanan at namatay alang-alang sa atin, sa gayo’y tiniis ang hatol ng ating mga kasalanan. Para sa atin na dapat sana’y tayo mamatay ang mamatay sa hatol ng ating mga kasalanan, ang ating Panginoon sa halip ay pinasan itong hatol alang-alang sa atin. Kung ang Panginoon ay napako sa kamatayan upang iligtas tayo sa hatol ng ating mga kasalanan, dapat nga tayong manalig.
Dapat nating tanggapin ang kaligtasan ng Panginoon sa ating mga puso, sa kahibuturan ng ating mga puso, hindi sa ating makalupang kapasiyahan kundi sa ating espirituwal na pananampalataya sa Kanyang Salita. Bawa’t isa sa inyo, na ngayong narinig itong mensahe, ay dapat na manalig sa katotohanang ito sa inyong mga puso. Dahil ang Mesias ay naligtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugong nabubo, yaong nanalig ay tunay na naligtas.
Kung ang tao’y di-naniwalang siya’y patungong impiyerno, kung gayon makikita nilang hindi kailangan ang maligtas dahil sa pananalig sa Mesias na naparito sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Nguni’t kung ang tao’y di nanalig na sila nga’y patungong impiyerno, kung gayon kanilang malinaw na makikita ang pangangailangan upang maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Mesias na naparito sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ito kung bakit sinabi ni Jesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit kundi ang mga maysakit, hindi Ako naparito upang tumawag ng mga matuwid kundi ng mga makasalanan” (Marcos 2:17). Kung sila nga’y nanalig sa katotohanang ito, sila kung gayo’y mapapatawad sa kanilang mga kasalanan.
Kung titignan ang ating mga sarili sa panukat ng Kautusan ng Diyos, kung gayon hindi natin maitatatwa na tayo’y lubos na mga makasalanan, at sila’y magsusumpa magpakailanman dahil sa ating mga kasalanan. Hindi lamang natin dapat aminin sa ating mga sarili na tayo’y patungong impiyerno dahil sa ating mga kasalanan, bagkus dapat din tayong magkaroon ng mataimtim na pagnanais upang maiwasan ang gayong hatol, upang tayo’y mahugasan sa lahat ng ating kasalanan dahil sa paniniwala sa mensaheng ito. Ito ang tanging daan ng buhay upang tiisin ang hatol ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
Kung wala ang ating pananampalataya sa mga ministeryo ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid na ginamit para sa unang panaklob ng Tabernakulo, tayo’y tiyak na mahaharap ngayon sa impiyerno. Ang bautismong tinanggap ng Mesias at ang dugo Kanyang binubo sa Krus ay may malapit na kaugnayan sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa.
Dahil tayo’y isinilang bilang mga inapo ni Adan at sa gayo’y makasalanan, tayo’y patungong impiyerno. Dapat tayo samakatuwid na aminin sa harap ng Diyos na tayong lahat ay mga makasalanan na patungong impiyerno, tinatanggap ninyo ba ito? Kapag tumitingin ang Diyos sa atin, nakikita Niyang tayo’y tinakda sa impiyerno, at kung ating titignan ang ating mga sarili sa harap ng Diyos, tayo rin, makikita na tayo’y tinakda sa impiyerno. Dahil ikaw at ako ay inalaan sa impiyerno na ang ating Tagapagligtas ay naparito sa lupa upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
Sa pagparito, bautismo, at pagdanak ng Kanyang dugo at mamatay, tinupad ng Panginoon ang Kanyang mga gawa sa pagliligtas sa atin. Kung hindi tayo pangunahing tinakda sa impiyerno, hindi na kailangan pa para sa Panginoon upang gawin itong mga gawa ng kaligtasan. Nguni’t malinaw, bagaman tayo na isinilang na muli ay walang kasalanan sa ating mga puso ngayon, tayo ring lahat ay makasalanan dati.
Sinuman ang makasalanan ay tiyak na dapat matungo sa impiyerno. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Ibig sabihin na ang mga makasalanan ay tiyak na itatapon sa impiyerno. Nguni’t yaong, sa pamamagitan ng pananampalataya, nagkamit ng handog ng kapatawaran ng kasalanang binigay ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay nagtamo ng walang hangang buhay. Kapag ikaw ay ako’y nanalig kay Jesus na Mesias bilang ating Tagapagligtas, niligtas tayo ng Panginoon mula sa lahat ng ating mga kasalanan at hatol sa Kanyang pag-ibig para sa atin. Amen! Alelluiah!
 

Dapat Nating Suriin ang Ating mga Sarili at Tignan Kung Taglay ng Ating mga Puso ang Tunay na Pananampalatayang Binigay ng Panginoon

Ating tignan ang ating mga sarili. Ikaw ba at ako’y nanalig ayon sa kautusan ng Salita ng Diyos? Kung gayon, anong mangyayari sa atin sa harap ng Diyos? Hindi ba tayo hahatulan ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan? Ang ating Diyos ay hindi isang di-makatarungang Diyos na hindi pinaparusahan ang makasalanan. Dahil ang Diyos ay banal at matuwid, hindi Niya pinapahintulutan ang makasalanan. Sinabi ng Diyos sa atin na Kanyang tiyak na itatapon sa impiyerno lahat ng mga makasalanan sa harap Niya dahil sa di pananalig.
Kanyang sinabi sa atin na Kanyang itatapon sila sa nag-aapoy na impiyerno naglalagablab sa apoy at asupre kung saan maging mga uod ay di namamatay. Itatapon ng Diyos sa impiyerno lahat ng nagtangkang hugasan ang kanilang mga kasalanan sa kanilang sarili at inaaliw ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng kanilang mga sarili. Ito kung bakit sinabi ng Panginoon sa gayong tao, “Magsilayo kayo sa Akin kayong manggagawa ng katampalasanan!” (Mateo 7:23)
Tulad niyon, dapat tayong manalig sa Mesias, at dapat tayong manalig sa bautismong tinanggap Niya nang Siya’y naparito sa lupa, sa dugo sa Krus at sa Kanyang pagkabuhay na muli. Bakit? Dahil sa pangunahing salita, tayong lahat ay makasalanan sa harap ng Diyos at sa gayo’y lahat ay nakatakda sa impyiyerno. Ito kung bakit ang Mesias ay naparito sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, binigay ang haing handog ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang sariling katawan, at sa gayo’y inalis lahat ng ating kasalanan. Samakatuwid dapat tayong manalig na ang Panginoon ay binautismo at hinandog alang-alang para sa ating lahat. Kung hindi natin nakikilala ang ating mga sarili na tayong lahat ay tinakda sa impiyerno, kung gayon tayo’y walang kaugnayan sa Panginoon.
Subali’t, maraming tao ang di iniisip ang kanilang mga sarili na sila’y paparusahan sa impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan. Inaakala nilang sila’y walang karamdaman upang magpatingin sa mga doktor. Ang gayong tao ay yaong kinikilala lang si Jesus bilang isang maamo at masunuring tao, isang taong ginagalang at isang guro at sila rin yaong naniniwala lang kay Jesus upang magkunwari sa kanilang mga sarili na upang maging kakaibang tao. Ang sinabi ng Diyos sa gayong tao, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit kundi ang mga maysakit” (Mateo 9:12). Kailangan nilang puspusang suriin ngayon ang kanilang mga puso mula sa biblikal na pananaw, kung hindi sila’y magwawakas sa impiyerno.
Ang dahilang bakit tayo nananalig sa Mesias ay upang bayaran ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya bilang ating Tagapagligtas. Hindi upang itaguyod sa ating sariling kabaitan na tayo’y nananalig sa Mesias. Sa halip, dahil ang ating mga kasalanan na ito’y sukdulang kailangan para sa iyo at sa akin na manalig sa Mesias. Ito kung bakit tayo’y nananalig: Na si Jesus na Mesias ay isinilang dito sa lupa; na Siya’y binautismo ni Juan sa gulang na 30; na Kanyang pinasan ang mga kasalanan ng mundo at nagbubo ng Kanyang dugo sa pamamagitan ng Kanyang pagpapako; na Siya’y nabuhay na muli sa ikatlong araw; na Siya’y umakyat sa Langit; at Siya ngayo’y nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama—lahat ng bagay na ito ay nagpatotoo sa ating kapatawaran ng kasalanan. Dahil lahat ng mga ito ay mga gawa ng Tagapagligtas na nagligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan, kailangan natin ang tiyak na manalig sa lahat ng mga ito, walang iiwanan.
Sa ating mga sariling pag-iisip, waring mainam na gawin ang mga panaklob ng Tabernakulo, sa pamamagitan lang ng paghahabi ng ibang makapal na sinulid, nguni’t sa Biblia ay malinaw na binigay ng Diyos ang detalyeng mga paliwanag kung paano lilikhain ang mga ito, kung paano ang ibang mga pangawit ay gagawin sa ginto at ang iba’y sa tanso. Ano sa iyong palagay bakit inutos ng Diyos ito? Kanyang inutos dahil lahat nitong mga bagay ay inilaan upang ihayag ang kanilang espirituwal na halaga sa atin. Ito kung bakit hindi natin maaaring isawalang-bahala ang alin man sa mga ito.
 

Tayo’y Tiyak na Dapat Manalig sa Bautismo at Dugo ni Jesu-Cristo na Siyang Naging Mesias

Dahil sa ating mga kasalanan, kailangan tayong itapon sa impiyerno, nguni’t si Jesu-Cristo na Mesias ay naparito sa lupa, at niligtas tayo sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay tunay na binautismo, pinako at nagbubo ng Kanyang dugo. Tulad niyon, pagsuway sa batas para sa atin na sabihing tayo’y mga walang kasalanan nang hindi muna nananalig sa ating mga puso sa bautismo ni Jesus at ang dugong Kanyang binubo sa Krus. Si Jesus, na Siyang naging Mesias, naparito nga sa lupa upang iligtas tayo, tunay na inako ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sariling katawan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, tiniis ang ating kaparusahan at namatay, nabuhay na muli, at sa gayo’y naging ating tunay at walang hanggang Tagapagligtas. Niligtas tayo ni Jesus sa paraang ito dahil saka lang tayong mapapatawad sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus.
Upang wakasan ang mga gawa ng kaligtasan, kailangang bautismuhan ni Juan Bautista ang Mesias at mamatay sa Krus. Ibig sabihin na mula sa pasimula, tayo’y hahatulan dahil sa ating mga kasalanan. Ngunit sa katotohanan, ngayon hindi na kailangan pa na ating tiisin itong hatol. Bakit? Dahil ang Mesias na walang kasalanan at sa samakatuwid at hindi dapat hatulan ay tinanggap ang ating mga kasalanang inilipat sa Kanya, at Siya’y hinatulan alang-alang sa atin dahil sa lahat nating kasalanan. Samakatuwid, dahil sa buong pusong pananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus na tayo’y napalaya sa lahat ng hatol ng ating kasalanan.
Makikita natin ang “Jesus loves you!” na mga sticker sa likuran ng mga bintana ng maraming mga kotse. Iyon lamang ba ang nais ipaalam ni Jesus sa inyo? Ang kaligtasan ng ating Panginoon ay hindi isang bagay na gawa lamang sa mga gayong salita. Nais Niyang malaman ninyo, “Mahal Ko kayo ng lubos. Samakatuwid, Aking pinatawad ang inyong mga kasalanan. Manalig lamang sa Akin, at Aking kayong gagawin na Aking anak.” Ang Mesias ay tunay na binautismo at napako, at nagbubo ng Kanyang dugo at namatay, lahat upang palayain tayo sa ating mga kasalanan. Ang Panginoon ay niligtas nga tayo at pinalaya tayo mula sa hatol na naghihintay sa atin.
Ang Panginoon ay naging ating manggagamot upang pagalingin ang karamdaman ng ating mga kasalanan. Sa pagparito sa lupa, tunay Niyang tinanggap ang ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan sa pagbautismo, napako at nagbubo ng dugo sa kamatayan, nabuhay ngang muli, at sa gayo’y naligtas tayo. Kapag tayo’y tinakdang tiyak sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y pinagaling na ng Panginoon mula sa karamdaman ng lahat nating kasalanan. Dapat tayong mapagaling sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng wastong pananampalataya.
Kung ang tao’y di matatapon sa impiyerno bagaman sila’y makasalanan, kung gayon hindi na kailangan pa para sa Mesias na pumarito sa lupa at magbubo ng Kanyang dugo. Nguni’t ang dahilan bakit ang tao’y nararapat na manalig kay Jesus ay dahil talagang taglay nila ang nakatatakot na karamdaman ng kasalanang mag-aakay sa kanila sa impiyerno. Sadyang, ang taong taglay itong nakatatakot na sakit ng kasalanan ay di maiiwasan kundi ang itapon sa impiyerno, at ito kung bakit walang duda silang dapat na manalig sa bautismo at dugo ni Jesus na naging Mesias.
Lahat ng mga kasalanan sa kanilang mga puso ay tiyak na matatamo ang parusa ng impiyerno, dahil sa kautusan ng Diyos, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan sa sinuman. Ang sinumang taglay kahit ang maliit na kasalanan sa kanyang puso, sa gayon siya’y matatapon sa impiyerno. Ito kung bakit naparito si Jesus sa atin. Kaya kapag tayo’y tunay na nanalig sa Mesias ganap na nag-alis ng lahat nating kasalanan, tayo’y maliligtas sa lahat nating kasalanan. Dapat tayong manalig kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, at dapat tayong manalig ayon sa kung ano ang Kanyang ginawa sa atin.
Si Jesus nga ay ang Diyos mismo. Siya ang tunay na Manlilikha. Nguni’t Kanyang isinantabi ang Kanyang banal na kaluwalhatian at nagkatawang-tao sa laman panumandali, lahat upang palayain ka at ako, na Kanyang inibig, mula sa nakatatakot na parusa ng kasalanan at impiyerno, kapahamakan, at mga sumpa. At Siya nga’y binautismo, napako, nabuhay muli at umakyat sa Langit. Ito ang katotohanan. Hindi natin maaaring basta-bastang kilalanin itong tunay na katotohanan, na parang isa lamang pagbibiro. Ang mananalig sa katotohanang ito ay hindi isang bagay na di pinipilit sa inyo. Dapat tayong tiyak na manalig sa katotohanang ito ng ating mga puso, at dapat nating malaman na may katiyakan.
Ang mga tupa at mga kambing ba na ginamit bilang mga haing handog ay may anumang kasalanan? Walang hayop na may kaalaman kahit sa maliit na ideya kung ano ang kasalanan. Nguni’t dahil itong mga hayop ay tinanggap ang mga kasalanan ng bayan ng Israel sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay, kailangan nga silang patayin alang-alang sa atin. Bakit? Dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, at ito ang tinakda ng Diyos. Kaya ang pag-aalay ng handog sa Araw ng Pagtutubos na tumanggap ng lahat ng kasalanan ng bayan ng Israel ay kailangan ding tiyak na mamatay. Gayon ding kadahilanang si Jesu-Cristo ay kailangang mamatay, dahil Kanya ng pinasan lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Para kanino ba itong mga gawaing tunay na nagawa? Ang mga ito’y sadyang para sa iyo at sa akin. Ito ba kung gayon, ang isang bagay na ating paniwalaan o hindi? Ang tao’y di naniniwala dahil sila’y lubos na nalilito sa kalubhaan ng kanilang karamdaman ng kasalanan. Nguni’t kung hindi nila nalaman ang katunayan na sila’y itatapon sa impiyerno dahil sa pinakamaliit na kasalanan, kung gayon hindi nila makikilala ang kaligtasan ni Jesu-Cristo na Mesias bilang isang bagay na hindi sapilitan, isang bagay na sila’y maaaring maniwala ni hindi maniwala ng walang anumang mga kahihinatnan.
Kung ang tao’y may kasalanan, kahit kasing liit pa ng isang butil, kung gayon sila’y itatapon sa impiyerno. Sila’y mapapahamak. Lahat ng kanilang ginawa rito sa lupa ay di maglaon magwawakas sa kanilang walang katapusang sumpa. Yaong nag-aakala na mainam na magkaroon ng kasalanan ay nasa lubhang guniguni. Ang kahinatnan ng kasalanan ay walang dudang kamatayan. Marami pa rin ang tila namumuhay ng matagumpay na mga buhay bagaman may kasalanan sa kanilang mga puso. Ang mga kabataan ay madaling sumamba sa mga kilalang tao, nangangarap na makilala nila minsan isang araw. Nguni’t ang kanilang bang animo’y maningning na mga buhay ay magtatagal? Marami sa kanila ang naging aba nang ang kanilang labinlimang minuto ng katanyagan ay naglaho.
May mga ibang tao kung saan lahat ng bagay na kanilang ginawa ay naging lubha. Bago mo nakilala ang Panginoon, ikaw din, marahil ay tulad nito, nang talagang walang nangyari sa iyong ninanais. Na waring ika’y nabubuhay sa isang sinumpang buhay, ang iyong inaakala ay isang katiyakang bagay na hindi bumuti, at ang iyong akala na mainam ay naguho. Maaaring malaki ang iyong pangarap, nguni’t talagang walang naganap at ang pangarap ay unting lumiit ng lumiit, hanggang ito’y tuluyang naglaho. Nang iyong malaman na maging ang pinakamaliit sa lahat ng iyong pangarap ay di mangyayari, pagkatapos ang iyong pangarap ay lubusang nawasak sa huli.
Bakit ito ang nangyari? Ito’y dahil sa mga kasalanan sa kanilang mga puso. Ang taong may kasalanan sa kanilang mga puso ay di magiging maligaya. Hindi sila pagpapalain ng Diyos, anuman ang pagsisikap nila. Kung may ibang tao na animo’y magiging matagumpay sa kabila ng kasamaan, dapat mong malaman na pinabayaan sila ng Diyos. Dapat mong malaman na bagaman ang kanilang mga kasalukuyang buhay ay matagumpay, sumuko ang Diyos sa kanila upang itapon sa impiyerno. Kung ang mundong ito’y puno lang ng mga walang kasalanan, hindi na kailangan pa ang impiyerno. Nguni’t ang Diyos ay tunay na ginawa ang impiyerno, at Kanyang ginawa ito para sa mga may kasalanan sa kanilang mga puso.
Inutos ng Diyos na gumawa ng unang panaklob ng Tabernakulo sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid upang tunay na mapatawad sa kasalanan sa ating mga puso. At hinahayag din nang dumating ang panahon ng Bagong Tipan, si Jesu-Cristo ay kukuhanin ang mga kasalanan ng mundo sa pagbabautismo ni Juan, at sa gayon Kanyang ipapako sa kamatayan upang tiisin ang hatol nitong mga kasalanan. Ang ating Panginoon ay tunay na naging Tagapagligtas ng mga makasalanan.
Ito kung bakit Kanyang binigay ang kapatawaran ng kasalanan sa mga makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Iyo na bang nababatid ito ngayon? Si Jesu-Cristo ay tunay binautismo sa Ilog ng Jordan upang kuhanin ang ating mga kasalanan at Siya’y napako at nagbubo ng Kanyang dugo upang bayaran itong mga kasalanan. Na Siya’y binautismo upang tiisin ang ating mga kasalanan. Naniniwala ka bang si Jesus ay namatay sa Krus dahil Kanyang unang kinuha ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap kay Juan?
 

Sa Ating Laman, Ikaw at Ako ay Naging Tulad ng mga Balat ng Poka

Ang ikaapat na panaklob ay ginawa sa mga balat ng poka. Ang poka ay sinaling pangalan ng isang mamal tinawag na “Tachash” sa Hebreo sa Lumang Tipan. Ito’y sinalin sa ibang mga mamal—halimbawa, “sea cow” (NIV), “seal” (ASV), “fine goatskin” (NLT), and “porpoise” (NASB). Hindi natin makikilala kung ano itong mamal. Ang mga biblikal na palawikain ay isinasaysay na ang pinagmulan nitong salitang “Tachash” marahil ay dayuhang salita. Magkagayon man, ang mamal na “Tachash” ay ang hayop na ang mga balat na ginamit upang gawin ang ikaapat na panaklob ng Tabernakulo. At marahil ay ligtas na ipalagay na itong panaklob ay hindi maganda at nagbibigay ng anumang nakaakit na mga katangian.
Itong ikaapat na panaklob ng mga balat ng poka ay nagbabadya na si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa sa laman ng isang tao. Dagdag nito, Siya’y walang nakaaakit sa Kanyang pagmumukha. Ang Biblia’y inilalarawan ang Kanyang anyo sa pagsasabing, “Sapagka’t Siya’y tumubo sa harap Niya na gaya ng sariwang pananim at gaya ng ugat sa tuyong lupa, walang anyo o kagandahan man at pagka ating minamasdan Siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa Kaniya” (Isaias 53:2). 
Na ang Anak ng Diyos ay bumaba rito sa lupa sa laman ng isang tao sa abang pagsilang ay upang iligtas tayong lahat na nabubuhay sa nakahihiyang mga buhay hanggang sa araw ng ating kamatayan. Kapag nakatingin sa atin, mga inapo ni Adan, Kanyang nakikita na tayo rin ay walang kaakit-akit tulad nitong balat na panaklob. Dagdag nito, nais lamang natin ang magkasala. Tulad ng maruming mga poka, ang tao’y interesado lamang sa pagpabusog ng kanilang mga tiyan, mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang hangganan. Ito ang tunay na dahilan bakit si Jesus ay naparito sa laman ng isang tao, at nagbata sa paghihirap.
Tanging yaong tunay na nakakaalam ng kalubhaan ng kanilang likas na kasamaan ay maaaring manalig sa Mesias at maligtas sa kanilang mga kasalanan at hatol. Tulad niyon, ang mga mangmang sa kanilang mga sariling kasalanan, at yaong di nalalaman at nananalig sa hatol ng kanilang mga kasalanan, ay di nararapat na matamo ang kapatawaran ng kasalanan. Sinasabi ng Diyos sa atin na ang gayong tao’y ay higit na di mabuti kaysa sa mga hayop (Mga Awit 49:20).
Bagaman tayo’y nilikha tulad ng wangis ng Diyos, hindi lahat ay tumatanggap sa pag-ibig ng Diyos. Yaong di nananalig sa layon ng kaligtasan ng Diyos ay di matatamo ang kapatawaran ng kasalanan sa kanilang mga puso, at samakatuwid ay mawawasak tulad ng mga hayop na mamamatay. Ito’y dahil nilayon ng Diyos para sa tao na Kanyang nilikha sila tulad ng Kanyang mga wangis.
Tignang mabuti ang ginagawa at iniisip ninuman. Hindi ikaw ang tinutukoy ko lalo na, nguni’t aking tinutukoy ang buong sangkatauhan. Karamihan sa tao hindi man lang nalalaman ang kanilang sariling Manlilikha na gumawa sa kanila. Dagdag nito, marami sa kanila ang umaangkin na sila’y di nagkakasala, at sila’y nakahihigit kaysa sa iba. Gaano ang kahinaan ng isip at mangmang ang tao? Yaong di nakakakilala sa Diyos ay puno ng kamangmangan. Kung ating ihahambing ang ating mga sarili sa iba, ano ang tunay na kaibahan na atin ngang mahahanap? Gaano talaga ang ating kainaman o kalubhaan? Nguni’t ang tao’y hinahamak pa rin ang iba upang tahakin lamang ang kanilang sariling interes na kasakiman—gaano ang kamalian nito?
Hindi man natin malirip kung gaano ang dami ng mga kasalanan sa buong buhay ng bawa’t isa sa Diyos. Hindi ko sinasabi ito upang hamakin lang ang katauhan ng tao, nguni’t akin lang pinakikita ang katotohanang bagaman nilikha ng Diyos ang tao upang maging mahalaga, karamihan sa kanila ay di pa rin nalalaman na sila’y tunay na mawawasak dahil sa kanilang mga kasalanan. Hindi alam ng tao kung paano alagaan ang kanilang mga kaluluwa; hindi nila kayang ihanda ang kanilang kinabukasan para sa kanilang mga sarili; hindi nila nakikilala ang Salita ng Diyos; at ayaw nilang manalig sa Kanya bagaman silang mapagpipilian upang iwasan ang kanilang walang hanggang kapahamakan. Walang iba kundi ang mga taong ito ay yaong hindi higit na mabuti kaysa sa mga hayop na mapapahamak.
 

Nguni’t Hindi Tayo Iniwan ng Diyos sa Ating Kapahamakan

Upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, sa katunayan, si Jesus ay naparito sa lupa, at inalis lahat ng ating kasalanan, Siya’y binautismo, nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus at nabuhay na muli. Ang Panginoon sa gayo’y naging ating tunay na Tagapagligtas. Dapat tayong manalig sa katotohanang ito. Naniniwala ka ba? Sa anumang pagkakataon, hindi mo ba sinasabi, dahil sa iyong kamangmangan at kawalan ng biblikal na kaalaman, “Anong kinalaman nito? Kung tayo’y naniniwala kay Jesus kahit paano, kung gayon tayong lahat ay mapupunta sa Langit”? At may mga nagsasabi rin, “Kung tayo’y naniniwala lang sa dugo sa Krus, kung gayon ating ang Langit.” Nguni’t ito ba ang wastong uri ng pananampalataya?
Ang Diyos, sa katunayan, ay Diyos ng katotohanan. Siya yaong nagwika sa atin ukol sa Kanyang layon, na tumupad ng mga gawain ng kaligtasan ayon sa Kanyang Salita, na nagbigay sa atin ng kapatawaran ng kasalanan at tutugon sa atin sa pamamagitan nitong katotohanan. Ang Diyos ay buhay. Ang Diyos ay narito ngayon, sa bawa’t isa sa atin. Ang taong may kasalanan sa kanilang mga puso ay di dapat subukang dayain ang Diyos. Kung ang tao’y may kasalanan sa kanilang mga puso at ang kanilang mga budhi ay kinakain sila, kung gayon dapat nilang lutasin ang suliraning ito sa pamamagitan ng pananalig sa bautismong Kanyang tinanggap at dugong Kanyang binubo. Ang makasalanan ay dapat manalig sa katotohanan na dahil sila’y tinakda sa impiyerno, niligtas ng Panginoon sila sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus.
Wala sinumang ganap na hindi malulutas ang suliranin ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa tubig at sa dugo. Nguni’t yamang niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng tubig, ng dugo at ng Espiritu (1 Juan 5:6-8), kung sa ating panig hindi natin nakikilala at nananalig sa katotohanang ito at samakatuwid ay mawawasak, sa gayon tayo’y lubos na responsible sa kahihinatnan nito. Lahat tayo’y dapat na ihayag sa harap ng Diyos, “Ako’y tinakda sa impiyerno dahil ako’y makasalanan. Nguni’t ako’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.” Dapat nating taglayin ang gayong pananampalataya. Tayo’y dapat manalig ng ating mga puso na tayo’y niligtas ng Panginoon sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan tubig, ng dugo at ng Espiritu. Sa ating taimting mga puso at pananampalataya, dapat nating pagsamahin ang isa’t isa sa katotohanang nahayag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Saka lang tayo maliligtas sa lahat nating kasalanan.
Tulad niyon, dapat nating unawaing lahat nitong mga bagay, at dapat tayong manalig sa katotohanang ito. Kahit wala ang kaalaman sa katotohanang nahayag sa Tabernakulo at ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang iba’y naniniwala, “Dahil ako’y naniniwala, ako’y matutungo sa Langit bagaman may kasalanan pa ring sa akin.” Nguni’t sinabi ng Diyos na lahat ng may kasalanan ay itatapon sa impiyerno; hindi Niya sinabi na sila’y hindi itatapon sa impiyerno bagaman sila’y may kasalanan dahil lamang sila’y naniniwala kay Jesus. Ito’y katulad ng pagiging pinakamangmang sa lahat. Sa pagsasabing sila’y makapupunta sa Langit dahil lang sila’y naniniwala kay Jesus, sa katunayan, sila’y naniniwala sa anumang paraang ibig nila, ay tulad ng isang mangmang, at lubos na bulag sa pananampalataya.
Sinasabi ng iba, “Hindi pa ako nakakikita ng isang tao na tinapon sa impiyerno, ni nakakita ng isang pumasok sa Langit. Hindi natin malalaman ito hanggang sa Araw ng Pagtutubos.” Nguni’t sadyang may Langit at impiyerno. Mayroon ba sa mundong ito na ating lang nakikita sa ating mga mata? Nakikita mo ba ang hangin? Tiyak na mayroon ding mundo ng mga di-nakikita. Lahat ng makasalanan na di nananalig sa Diyos dahil hindi nila nakikita Siya ay tulad ng mga hayop na mapapahamak.
Tulad niyon, dapat malaman ng tao na kapag sila’y may kasalanan sa kanilang mga puso, sila’y wawasakin, at sila samakatuwid ay dapat na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at makatakas sa hatol ng Diyos. Ang matatalino ay yaong, bagaman wala sila’y di gumawa ng maraming mali sa tao sa kanilang paligid, gayunman kinikilala na sila’y gumawa ng maraming kamalian laban sa Diyos, at samakatuwid ay inaaming sila’y hahatulang tiyak kung sila’y humarap sa Kanya.
Hindi tayo dapat mawasak dahil sa ating kamangmangan at pagwalang bahala sa Diyos at ang Kanyang matuwid na hatol. Kanyang tiyak na hahatulan ang bawa’t makasalanan sa walang hanggang apoy ng impiyerno. Kung ang tayo’y nawasak dahil sa di pananalig sa katotohanang nahayag sa Tabernakulo bagaman kanilang narinig ito, sa gayon sila’y anak ni Satanas. Ang hangad ng Mesias sa ating lahat ay magkaroon ng pananampalatayang magtutulot sa atin ng kapatawaran ng kasalanan at pumasok sa Kaharian ng Langit.
 

Hindi Tayo Ginawa ng Diyos Bilang mga Laruan

Nang nilikha tayo ng Diyos, ang Kanyang layon ay upang itulot na mamuhay nang walang parusa ng kasalanan, bagkus ay walang hanggang magsasaya sa walang hanggang buhay, luwalhati kasama ang Diyos bilang Kanyang sariling anak. Upang hindi tayo dalhin sa impiyerno, binautismo ang Mesias, inako ang mga kasalanan ng mundo, nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, at sa gayo’y inalis lahat nating kasalanan. Nang lubos tayong inibig ng Diyos, kung hindi natin kikilalanin itong pag-ibig bagkus ay kalahating pusong panananalig sa kaligtasang binigay Niya sa atin, kung gayon tayo’y tiyak na hindi makatatakas sa galit ng Diyos. 
Pinalaya tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan sa paghahandog ng Kanyang sariling Anak. Dahil ang Mesias ay binautismo upang tiisin lahat ng ating kasalanan sa Kanyang sariling katawan at binigay ang Kanyang sarili bilang handog ng ating handog ng kasalanan na Kanyang tunay na niligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan ng mundo. Dahil tayo tinakda sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan ang Panginoon ay nahabag sa atin, at dahil dito Siya’y binautismo, nagbubo ng dugo sa kamatayan, nabuhay na muli at sa gayo’y niligtas tayo sa lahat nating kasalanan at ginawa tayong anak ng Diyos. Hindi tayo ginawa ng Diyos bilang Kanyang mga laruan.
Kamakailan, nang ang isang kapatid sa aking iglesia’y nasa kolehiyo, ako’y nagkaroon ng pagkakataong dumalo sa kanyang pagtatapos. Doon, sa isang galerya ng sining, nakita ko ang iba’t ibang mga larawang pininta. Isa sa mga pininta ng nagtatapos na mag-aaral ay isang kuwadro ay ginuhit si Adan at si Eba na kumakain sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama, pinamagatang, “Nilikha ba ng Diyos ang tao bilang mga laruan?” Isang tao ay sumulat ng padalus-dalos na tugon sa tanong na ito sa ibaba ng kuwadro, sinabing, “Ang Diyos ay nainip, at kaya tayo’y Kanyang ginawa bilang mga laruan.”
Wala ng higit na mali kundi ang sagot na ito. Bakit, kung gayon, nilikha ng Diyos ang puno ng kaaalaman ng mabuti at masama at sinabi kay Adan at Eba na huwag kakainin? Yamang, nalalaman Niyang kanila kakainin ang prutas nito, at Kanya pa ring ginawa ang puno at sinabi sa kanila na huwag kainin. Nang sila’y kumain, pagkatapos ay tinaboy sila mula sa Hardin ng Eden dahil sa kasalanan. At Kanyang sinabi na ang makasalanan ay dadalhin sa impiyerno. Bakit ginawa ito ng Diyos? Talaga bang ginawa tayo ng Diyos dahil siya’y walang laruan at naiinip? Ginawa ba Niya ang tao dahil Siya’y lubos na naiinip at hindi na matiis pa? Hindi!
Mga kapatid, ang talagang nais ng Diyos na gawin ay upang gawin tayo na Kanyang sariling bayan, upang magkaroon ng walang kamatayan, at mamuhay na maligaya kasama tayo magpakailanman. Ang kalinga ng Diyos sa pagtutulot sa lahat ng bagay na ito sa sangkatauhan ay upang gawin tayong imortal na tao na magsasaya sa walang hanggang luwalhati at mamumuhay magpakailanman sa kaluwalhatian. Kung gayon, kapag ikaw at ako, ay nadaya ni Satanas, nagkasala at nahantong sa impiyerno, sinugo ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak dito sa lupa upang tayo’y iligtas. At sa pagpapabautismo sa Anak at inako ang mga kasalanan ng mundo, nagbubo ng Kanyang dugo at nabuhay muli, niligtas tayo ng Diyos mula kay Satanas.
Subali’t, di mabilang na tao ay taglay itong kakatuwang maling pananampalataya na ang Diyos sa paano man ay nilikha tayo bilang mga laruan upang alisin ang Kanyang pagkainip. Sa mga humintong manalig kay Jesus at yaong hindi nanalig sa Kanya sa pasimula, naroon yaong, sa kanilang galit sa Diyos, sinabing, “Bakit ako nilikha ng Diyos at hinayaang magdusa? Bakit Niya pinipilit na ako’y manalig? Bakit Niya sinasabi na Kanyang ibibigay sa akin ang kaligtasan kung ako’y mananalig, nguni’t hindi kung ako’y di mananalig?” Sinasabi nila ang gayon dahil hindi nila alam ang malalim na kalinga ng kaligtasang binigay ng Diyos sa sangkatauhan.
Itong malalim na kalinga ng Mesias ay upang tanggapin tayo bilang bayan ng Diyos at sa gayon tayo’y maging Kanyang sariling anak, itutulot tayo na magsaya sa lahat ng luwalhati ng nilikha ng Diyos sa sangkatauhan. Ako mismo, ay hindi rin nauunawaan itong katotohanan hanggang ako’y isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Nguni’t matapos akong matapawad sa kasalanan at isinilang muli, nalaman ko, “Ah! Itong dahilan bakit nilikha ako ng Panginoon!”
Ano talaga ang ginawa ng Mesias upang kuhanin ang ating mga kasalanan nang Siya’y naparito sa lupa halos 2,000 taong lumipas? Anong Kanyang ginawa upang tiisin ang ating mga kasalanan? Siya’y binautismo at nagbubo ng Kanyang dugo! At ito ang mga matuwid na gawa at matuwid na paghahandog na sadyang mag-aalis ng ating mga kasalanan.
Dito nakalaan ang dahilan bakit dapat tayong tunay na manalig sa Diyos, at bakit dapat tayong manalig kay Jesu-Cristo bilang ating Diyos na Tagapagligtas. Dahil ikaw at ako ay patungo sa impiyerno na ang Diyos mismo ay kailangang pumarito sa lupa upang iligtas tayo. Sa ibang salita, kailangang bautismuhan ni Juan si Jesus, kailangang mamatay sa Krus, at kailangang mabuhay muli. Ang dahilan kung bakit tayo nananalig sa kapatawaran ng kasalanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid upang tayo’y mapatawad sa lahat nating kasalanan. Upang matupad ang kalinga ng Diyos sa atin na kailangan natin ang pananampalataya. At kapag tayo nga’y nanalig sa kaligtasan ng Panginoon, mangyayari nga hindi para sa kapakanan ng iba, kundi para sa ating sariling kapakanan.
 

Ngayon na Ang Pinakamaagang Oras na Manalig sa Katotohanan ng Kaligtasan ng Diyos 

Ang sinumang nais na marating ang sumusunod kaalaman, kung gayon ang taong ito ay dapat iwaksi ang kanyang maling pananampalataya ngayon at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa puso, “Hindi ko alam na ako’y nakataksa sa impiyerno. Ako’y nanalig dahil sinabi sa akin na inalis ni Jesus ang aking mga kasalanan. Nguni’t ang aking pananampalataya ay batay lahat sa kaalaman. Hanggang ngayon, mali ang aking paniniwala, nguni’t hindi pa huli. Ang dapat ko lang gawin ay mabatid, mula ngayon, na ako’y patungo sa impiyerno dahil sa aking mga kasalanan, manalig ang puso na ang Mesias ay niligtas ako sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at nagbubo ng dugo, at sa gayo’y makakamit ang kapatawaran ng aking mga kasalanan. Kaya ako’y patungo sa impiyerno!”
Sa katunayan, tanging isang dakot na mga Kristiyano ang may wasto at tiyak na kaunawaan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu nang sila’y magsimulang manalig. Para sa aking sarili rin, inabot ng 10 taon nang ako’y magsimulang maging isang Kristiyano upang lubusang mabatid na kinuha ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at napako sa kamatayan sa Krus, at saka lamang ako tunay na naligtas sa pananalig muli kay Jesus bilang aking sariling Tagapagligtas. At kaya sa 10 taong matapos maging isang Kristiyano, tinapon ko ang aking maling pananampalataya, at naunawaan ng wasto ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nanalig. Nguni’t sa iba, marahil, ay aabot pa ng higit 20 taon upang malaman ang katotohanan at manalig muli.
Kapag ang gayong tao ay nabatid, kahit matapos ang 20 taon, na nilayon ng Diyos na iligtas sila sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, sila’y dapat na manalig na si Jesus ay binautismo at napako dahil sa kanilang mga kasalanan. Wala ng iba pang higit masama sa harap ng Diyos kaysa sa kaalaman sa katotohanan nguni’t tatangging manalig. Nguni’t kung sila’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon, kahit matapos mamuhay ng 10, 20 taon bilang Kristiyano, ito ba marahil ay masama? Hindi! Tiyakang walang mali o nakahihiya ukol dito. Kapag ang tao’y tunay na alamin at manalig sa kapatawaran ng kasalanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kung gayon sila’y tunay na maliligtas. Ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang nakalulugod sa Diyos. Nawa kayong lahat ay manalig sa kaligtasang ito na sadyang nakamit, na ang kaganapan ay nagmula sa bughaw at pulang sinulid.
Ang mga panaklob sa Tabernakulo ay gawa sa masalimuot na detalye. Sa pagtingin lamang sa katotohanang ang mga balat ng tupa na may pulang tina ay inilagay sa panaklob na gawa sa balahibo ng mga kambing, at ang mga balat ng poka ay inilagay sa ibabaw nito, ating malinaw na makikita ang kapahayagan ng katotohanan na tayo lahat ay patungo sa impiyerno, nguni’t naparito sa lupa ang ating Panginoon, tunay na kinuha ang ating mga kasalanan sa pagbabautismo at naging haing handog para sa mga kasalanang ito sa pamamagitan ng pagdanak ng Kanyang dugo at kamatayan sa Krus. Tayong lahat ay maaaring manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang talagang pagliligtas ng Panginoon sa atin ay sa pamamagitan ng mga gawa ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Ang mga panaklob ng Tabernakulo ay tangan walang iba kundi itong hiwaga ng kaligtasan.
Ang mahalagay ay hindi lang ang pag-aaral ukol sa Biblia. Ang makalulugod sa Diyos ay hindi lamang mag-aral, kundi manalig—ito ay, kung sinasabi ng Biblia sa atin na tinalaga ng Diyos na iligtas tayo sa pamamagitan ng mga gawa ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, sa gayon ikaw at ako ay dapat na tanggapin ito sa ating mga puso at manalig nga. Ganito natin malulugod ang Diyos. Kung sa ating mga puso ating tunay na makikinig sa Salita ng Diyos, kilalanin ang ating mga kasalanan, at manalig sa bautismo ng Panginoon at sa dugo sa Krus, kung gayon tayo nga’y mapapatawad sa ating mga kasalanan. Nguni’t kung hindi tayo maniniwala sa kapatawaran ng kasalanang binigay ng Panginoon, at sa halip ay manalig lang sa Kanya bilang isang haka-hakang bagay, kung gayon tayo’y patuloy na magdurusa sa pamamagitan ng isang makasalanang budhi.
Kung hindi natin lulutasin ang suliranin sa ating mga kasalukuyang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa tubig at sa Espiritu, kung gayon itong makasalanang budhi’y patuloy na kakainin ang ating mga puso. Subali’t, kung tayo’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa gayon tayo’y mapapalaya sa makasalanang budhing ito, dahil kapag tayo’y naging walang kasalanan dulot ng ganap na kapatawaran ng kasalanan, paano tayo mapaparusahan muli ng kasalanan? Ganito tayo dapat na tunay na manalig. Dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at hayaan ang suliranin sa lahat ng ating kasalanan ay malutas. Yaong bigo ay walang pagpipilian kundi ang patuloy sa gapos ng kasalanan.
Ang buhay ay nakapaiksi, at puno ng paghihirap. Tinutulot ng Diyos ang kahirapan sa bawa’t tao. Anong dahilang tinutulot ng Diyos ang kahirapan sa atin? Dahil sa pamamagitan ng ating kahirapan sa kasalanan, nais Niyang mabatid natin ang kahalagahan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, upang manalig sa ebanghelyong ito, at sa gayo’y upang malutas ang ating mga kasalanan. Kanyang hinatid ang paghihirap sa kasalanan sa inyo upang kayo’y manalig sa inyong mga puso na ang Mesias ay hinugasan lahat ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at sa dugo sa Krus. Ang hindi pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang katotohanan ay pinakamangmang na bagay na gawin. Ang mga kasalanan ng mundo ay malilinisan lamang sa pamamagitan ng pananampalatayang tunay na mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sinasabi ng Diyos sa atin na lutasin ang suliranin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa tunay na ebanghelyo. Tayo samakatuwid ay dapat na manalig kay Jesus, ang tunay na Tagapagligtas. Kayo din, ay dapat manalig kay Jesu-Cristo bilang inyong sariling Tagapagligtas sa inyong mga puso. Dapat ninyong aminin ang inyong mga kasalanan sa harap ng Diyos, manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa gayo’y maligtas. Kapag sa inyong mga puso kayo’y nanalig sa bautismo ni Jesus na Tagapagligtas at sa Kanyang dugo sa Krus, sa gayon mapapatawad lahat ng inyong kasalanan. Tanging kapag tayo’y nanalig sa bautismo ni Jesus at sa dugo sa Krus bilang katotohanan tayo’y maliligtas sa lahat ng ating kasalanan.
 

Ang Pagkasunod-sunod ng mga Panaklob Kaalinsabay ng Pagkasunod-sunod ng Ating Kaligtasan

Sa pagkasunod-sunod ng ating kaligtasan, ang kailangang unahin ay ang unang kabatiran sa katotohanan na mula sa oras na tayo’y naisilang dito sa lupa, tayong lahat ay naging makasalanan tulad ng mga poka, ang mga hayop na napahamak. At dapat na manalig na tayo’y tiyak na mamamatay at itatapon sa impiyerno dahil sa ating mga kasalanan. Dagdag nito, dapat din tayong manalig na upang mapalaya sa ating mga kasalanan, kailangan natin ang isang haing ihahandog, at sa gayon, ang Mesias ay kailangang dumating at tiisin ang ating mga kasalanan sa pagbabautismo. Dapat tayong manalig na ang ating Tagapagligtas ay hindi dapat isang tao, kundi Diyos mismo. At tayo’y dapat na manalig na si Jesus na Tagapagligtas ay niligtas nga tayo sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at sa Krus.
Kung hindi ito ang nangyari, sa gayon gagawa lang ang Diyos ng dalawang panaklob sa Tabernakulo. Kung ang kaligtasan ay makakamit kung wala ang bautismo ni Jesus, kung gayon hindi na kailangang gumawa ng apat na magkakahiwalay na mga panaklob ng Tabernakulo, at ito’y tinakpan ng Diyos sa pamamagitan lamang ng mga balat ng poka at tupa. Nguni’t dalawang panaklob lang ba ginamit? Hindi! Ang Tabernakulo ay kailangang takpan ng apat na magkakaibang panaklob; ang mga tabing na hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino; iba pang tabing na gawa sa balahibo ng kambing; pagkatapos ay panaklob na gawa sa mga balat ng tupa; at ang huli’y gawa sa mga balat ng poka.
Dapat tayong manalig sa katotohanang ito—ito ay, tinanggap ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa pagbabautismo, namatay sa Krus, at sa gayo’y naligtas sa ating karumihan at nakaaawang mga kaluluwa na patungong impiyerno dahil sa ating mga kasalanan, ginawa tayong sariling bayan ng Diyos. Ito ang hiwagang nakakubli sa apat na panaklob ng Tabernakulo, at ang pagkasunod-sunod nitong apat na panaklob ay inilagay sa Tabernakulo ay walang iba kundi ang siyang pagkasunod-sunod ng ating kaligtasan.
Upang pagsugpungin ang una at ikalawang panaklob ng Tabernakulo, ginto at tansong pangawit ang kailangan. Sa tagiliran ng dalawang bahagi ng mga tabing ay sama-samang ginawa ang bawa’t panaklob, mga presilyang bughaw na sinulid ay ginawa. Nguni’t sa mga naniniwala lang sa dugo sa Krus, imposibleng malaman ang kahulugan nitong ginto at tansong pangawit na nakalagay sa mga presilyang bughaw na sinulid. Yaon lang nakakaalam sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makauunawa at mananalig sa katotohanang ikinubli sa apat na mga panaklob.
Ang mga presilyang bughaw na sinulid ay tumukoy sa bautismong tinanggap ni Jesus sa Ilog Jordan. Bakit kung gayon, ang tao’y di nananalig sa bautismo ni Jesus kung saan inako ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo, bagkus ay naniwala lang sa dugo sa Krus? Ito’y dahil hindi sila naniwala sa Salita ng Diyos ng gayon. Kapag ating sinasabing naniniwala kay Jesus, hindi tayo wastong maniniwala kay Jesus sa pamamagitan ng pagdagdag o pag-alis mula sa Salita ng Diyos. Tayo’y dapat na manalig sa Salita ng Diyos ng gayon, sa pamamagitan ng isang “oo.”
Sa maraming mga taong umangking naniniwala kay Jesus, karamihan sa kanila ay naniniwala lang sa dugong Kanyang binubo sa Krus, iniwan ang bautismong Kanyang tinanggap. Ito kung bakit maraming mga Kristiyano ang di-naunawaan ang hiwaga ng katotohanang nahayag sa mga panaklob ng Tabernakulo. At ito kung bakit ang mga Kristiyano ngayo’y di naniniwala sa tunay na kapatawaran ng kasalanang ganap na tinupad ng Mesias. Sila’y naniniwala kay Jesus, lahat ay walang-saysay, tulad ng isa sa mga nagtatag ng mga relihiyon ng mundo. Tulad niyon, maraming mga Kristiyano sa katotohana’y naglalakad sa maling daan. Araw-araw silang nagkakasala, at umaangking sila’y makakapasok sa Langit dahil lang sa pagkumpisal araw-araw. Naipapaliwanag kung bakit ang makalupang tao ng mundo kadalasa’y tinatakwil ang mga Kristiyano.
Kapag ating tinanong ang mga Kristiyano, “Paano at kung anong uri ng pananampalataya, maari tayong tunay na malutas ang suliranin ng inyong mga kasalanan?,” kaya karamihan sa kanilan’y magsasabi, “Ating malulutas ito sa pamamagitan ng mga pagkumpisal habang naniniwala sa dugong dumanak ni Jesus sa Krus.” Kapag ating tinanong sila, “Ang iyo bang mga kasalanan ay nalutas na sa iyong puso?,” sila’y sasagot, “Sa katunayan, may kasalanan pa rin sa aking puso.” Ang taong may kasalanan sa kanilang mga puso ay hindi pa rin bayan ng Diyos. Ang gayong tao ay hindi kasama ni Jesu-Cristo. Dapat silang lumapit kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dapat nating detalyeng malaman anong tiyak na paraan ng pag-aalis ng Panginoon sa lahat nating kasalanan, bilang talagang ito. Sa pamamagitan ng pagdadala ng mga kasalanan ng mundo sa Krus sa pamamagitan ng bautismong Kanyang natanggap mula kay Juan at pagdanak ng Kanyang dugo inalis nga ng Panginoon lahat ng ating kasalanan. Kung nais nating pumasok sa presensiya ng Diyos, kung gayon dapat tayong pumasok sa pamamagitan ng pananalig sa ating kaligtasang hinabi sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid. Anumang ang ating paglalaan ng pananalig sa Diyos, posible pa rin sa kanya na magkamali ang unawa at maling paniniwala ng buong panahon. Upang tayo’y makapasok sa Kaharian ng Langit, dapat nating tanggapin ang kaligtasang likha sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid, kung saan ganap na inalis ng Mesias ang ating mga kasalanan, bilang ang katotohanan at manalig dito.
Kung ang ating pananampalataya sa Diyos ay mali, kung gayon dapat nating kumpunihin ito at manalig muli ng wasto, gaano man kadalas. Tayo’y dapat na manalig sa kaligtasan, na ang Panginoon ay kinuha ang ating mga kasalanan at nahugasan ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, bilang ang katotohanan. Dapat tayong tunay na manalig na ang Panginoon ay kinuha lahat ng ating kasalanan nang minsan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, at Kanyang tiniis lahat ng hatol ng ating kasalanan sa pamamagitan ng dugo sa Krus.
Sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya sa mga ministeryo ni Jesus na nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid ng Tabernakulo, matatagpo natin ang Mesias. Sa pamamagitan ng Tabernakulo, tayo ngayo’y naunawaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu nang may katiyakan, at upang mabatid na ang pananampalataya ay tinaguyod sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Ang pananampalataya ay lubos ang kahalagahan na tayong lahat ngayon ay dapat taglayin ay yoang nananalig sa puso ng kaligtasang likha ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Ating ngayong naririnig at natututunan ukol sa katotohanang tangan ng Tabernakulo na gawa sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Naghihintay ngayon ang Mesias sa atin, tunay na pinatawad lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mga gawang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Hinihimok kayo ng Diyos na manalig sa katotohanang ito sa nang inyong buong puso? May kasalanan pa rin ba sa inyong mga puso? Kung gayon, kayong lahat ay malinaw na kilalanin sa harap ng Diyos kung gaano ang kadiliman at karumihan ng mga kasalanan nasa inyong mga puso, ipahayag ang inyong mga kasalanan, manalig sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at sa gayo’y mapatawad sa lahat ninyong mga kasalanan. Kapag kayo’y tunay na nanalig na pinatawad na ni Jesus lahat ng inyong kasalanan, inyong maililipat lahat ng kasalanang makikita sa inyong mga puso sa Kanya at matamo ang Kanyang ganap na kapatawaran ng kasalanan.
Tayong lahat ay dapat manalig, sa ating mga puso, sa kapatawaran ng kasalanang likha ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino na tunay na nilayon ng Diyos para sa atin. Binigay ng Diyos sa atin ang ebanghelyo na gawa nitong nakamamanghang mga ministeryo ni Jesus, ng bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at sa gayo’y tinulod tayo na mapatawad sa kasalanan ay magsaya sa lahat ng kapangyarihan at karapatang maging Kanyang sariling anak. Tinulot tayo ng Diyos na maligtas sa lahat nating kasalanan at hatol at upang matamo ang walang hanggang buhay, sa pamamagitan ng pananalig sa mga gawa ng kaligtasang binigay sa atin at nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagtutulot sa atin na maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang nahayag sa bughaw, kulay-ube at pulang sinulid at mapinong binurdang lino. Sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang ito, tayo’y mapapatawad sa lahat ng ating mga kasalanan at makakapasok sa Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng pananampalataya. Alelluiah!