Search

БЕСПЛАТНЫЕ ПЕЧАТНЫЕ,
ЭЛЕКТРОННЫЕ И АУДИОКНИГИ

Иисус Христос и Иоанн Креститель

Ang Kaugnayan Sa Pagitan ng Ministeryo ni JESUS at Yaong kay JUAN BAUTISTA na Nakatala sa Apat na Ebanghelyo
  • ISBN898314484X
  • Страницы432

Украинский 21

Ang Kaugnayan Sa Pagitan ng Ministeryo ni JESUS at Yaong kay JUAN BAUTISTA na Nakatala sa Apat na Ebanghelyo

Rev. Paul C. Jong

Mga Nilalaman
 
Panimula 
1. Dapat Ninyong Alamin at Manalig sa Ministeryo ni Juan Bautista (Marcos 1:1-2) 
2. Si Juan Bautista ay Hindi isang Kabiguan (Mateo 11:1-14) 
3. Si Juan Bautista, Naparito sa Daan ng Katuwiran (Mateo 17:1-13) 
4. Tignan ang Ministeryo ni Juan Bautista! (Lucas 1:17-23) 
5. Ating Malugod na Lasapin ang Kaluwalhatian ng Diyos (Juan 1:1-14) 
6. Inyo bang Nalalaman ang mga Ministeryo ng Dalawang Lingkod ng Diyos? (Juan 1:30-36) 
7. Bakit Kailangang Tanggapin ni Jesus ang Bautismo? (Juan 3:22-36) 
8. Palawigin ang Tunay na Ebanghelyo at ang Matuwid na Gawa ni Jesus (Mateo 3:1-17) 
9. Ang Kaugnayan sa pagitan ng Gawa ni Juan Bautista at ng Ebanghelyo ng Pagtutubos para sa Ating mga Kasalanan (Mateo 21:32) 
10. Si Jesus ang Siyang Naparito Upang Alisin ang Inyong mga Kasalanan (Mateo 3:13-17) 
11. “Narito, Sinusugo Ko ang Aking Sugo” (Marcos 1:1-5) 
12. Tayo’y Manalig kay Jesus na may Kaunawaan kay Juan Bautista (Lucas 1:1-17) 
 
Ang Bagong Tipan ay nagsisimula sa Apat na mga Ebanghelyo, ito ay, ang mga Ebanghelyo ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Lahat ng Apat na mga Ebanghelyo ay tumatalakay at buong naitala ang ministeryo ni Juan Bautista. Dahil ang kanyang ministeryo ay labis na mahalaga. Kung wala ang kaunawaan sa ministeryo ni Juan Bautista, hindi natin masasabi ang kaalaman sa ministeryo ni Jesu-Cristo. Kung gayon, maaari nating itanong sa ating mga sarili, "Ang ministeryo ba ni Juan Bautista ay naitala sa Apat na mga Ebanghelyo ng higit na pagpapahalaga?" Tinutukoy si Juan Bautista, maging si Jesus ay sinabi, "At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya'y si Elias na paririto" (Mateo 11:14). Samakatuwid, si Juan Bautista ay isang taong isinilang dito sa lupa upang isagawa ang natatanging ministeryo. Sinabi rin ni Jesus, "At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas" (Mateo 11:12). Ito ay katotohanan dahil si Juan Bautista ay isinilang dito sa lupa, at nang bautismuhan niya si Jesu-Cristo, ang mga kasalanan nitong sanlibutan ay inilipat sa Kanya. Sa gayon, si Jesus ay agarang makukuha ang mga kasalanan nitong sanlibutan. Sa kaganapang ito, pinahintulot ng Panginoon yaong mananalig sa ministeryo ni Juan Bautista at sa ministeryo ni Jesus na pumasok sa Langit sa pamamagitan ng paglilinis ng mga kasalanan. Ito ang likas na kahulugan ng talata sa Kasulatan mula sa Ebanghelyo ni Mateo kabanata 11, mga talatang 12-14.
Nananalig ba kayo na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang Katotohanan? Kung gayon, nangangahulugan na inyong ganap na nalalaman ang ministeryo ni Juan Bautista at ang ministeryo ni Jesus. Subali't, maraming mga Kristiyano na hindi nakikilala ang ministeryo ni Juan Bautista ay hindi nalalaman ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, at sila'y namumuhay sa pananampalataya lamang sa mga simbuyo ng kanilang laman. Bagaman mangmang, ang gayong mga tao ay hindi man lamang sumusubok na malaman ang ministeryo ni Juan Bautista na nasusulat sa Apat na mga Ebanghelyo. Samakatuwid, ang ministeryo ni Juan Bautista ay labis na malaon ng nasa ilalim ng hindi pagpansin maging sa mga Kristiyanong nagsasabing sila'y naniniwala kay Jesus. Marahil sa dahilang ito, nalalaman ko na hindi maraming tao ang naakit sa ministeryo ni Juan Bautista sa mga araw na ito. Sa gayon, ang mga tao ay tiyak na magtataka sa mga taong naakit sa paksang ito. Dahil maraming tao ang lumalayo sa ministeryo ni Juan Bautista at sa ministeryo ni Jesus ng mahabang panahon.
Загрузить электронную книгу
PDF EPUB

Книги, похожие на эту

The New Life Mission

Пройдите наш опрос

Как вы узнали о нас?