Search

ספרים מודפסים,
ספרים אלקטרונים וספרי אודיו חינמיים

רוח הקודש

Ang Banal na Espiritung Nananahan sa Akin - Ang Walang-kabiguang Paraan para sa Iyo upang Makamit ang Banal na Espiritu
  • ISBN8983144777
  • עמודים430

טגלוג 3

Ang Banal na Espiritung Nananahan sa Akin - Ang Walang-kabiguang Paraan para sa Iyo upang Makamit ang Banal na Espiritu

Rev. Paul C. Jong

Mga Nilalaman
 
Paunang Salita

Unang Bahagi ─ Mga Sermon
1. Ang Banal na Espiritung nakapaloob sa Pangako ng Salita ng Diyos (Mga Gawa 1:4-8) 
2. Maaari bang bilhin ninuman ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap? (Mga Gawa 8:14-24) 
3. Tinanggap mo ba ang Banal na Espiritu nang ika’y manalig? (Mga Gawa 19:1-3) 
4. Ang mga nagtataglay ng iisang pananampalataya bilang mga Alagad (Mga Gawa 3:19) 
5. Nais mo bang magkaroon ng pakikipisan ng Banal na Espiritu? (1 Juan 1:1-10) 
6. Manalig ng gayon na ang Banal na Espiritu ay nananahan sa iyo (Mateo 25:1-12) 
7. Ang magandang ebanghelyo na nagtutulot sa Banal na Espiritu na manahan sa mga mananampalataya (Isaias 9:6-7) 
8. Sa pamamagitan nino dumadaloy ang tubig ng buhay ng Banal na Espiritu? (Juan 7:37-38) 
9. Ang ebanghelyo ng Kanyang bautismo na naglinis sa atin (Efeso 2:14-22) 
10. Mamuhay ayon sa Espiritu! (Galacia 5:16-26, 6:6-18) 
11. Upang mapanatili ang iyong buhay na puspos ng Banal na Espiritu (Efeso 5:6-18) 
12. Upang mabuhay na puspos ng Banal na Espiritu (Tito 3:1-8) 
13. Ang mga gawa at mga kaloob ng Banal na Espiritu (Juan 16:5-11) 
14. Ano ang tunay na pagsisisi sa pagtanggap ng Banal na Espiritu? (Mga Gawa 2:38) 
15. Maaari mo lamang kamtan ang pananahan ng Banal na Espiritu kapag iyong nalaman ang katotohanan (Juan 8:31-36) 
16. Ang misyon ng mga tumanggap sa Banal na Espiritu (Isaias 61:1-11) 
17. Dapat nating taglayin ang paniniwala at pag-asa sa Banal na Espiritu (Roma 8:16-25) 
18. Ang katotohanang nag-aakay sa mga mananampalataya tungo sa pananahan ng Banal na Espiritu (Josue 4:23) 
19. Ang magandang ebanghelyong naghati sa tabing ng Templo (Mateo 27:45-54) 
20. Ang taong taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu na gumagabay sa iba upang tanggapin ang Banal na Espiritu (Juan 20:21-23) 

Pangalawang Bahagi ─ Apendise
1. Mga patotoo ng Kaligtasan 
2. Mga Katanungan at mga Kasagutan 
 
Sa Kristiyanismo ngayon, ang pinakamadalas na pinag-uusapang paksa ay ang "kaligtasan mula sa kasalanan" at "ang pananahan ng Banal na Espiritu." Gayon pa man, iilang tao ang may tiyak na kaalaman nitong dalawang ideya, bagaman sa katotohanang ito ang dalawang pinakamahalagang kaalaman sa Kristiyanismo. Ang malubha nito, hindi tayo makakatagpo ng anumang biblikal na panulat na nagtuturo sa atin ng maliwanag ukol sa mga paksang ito. Marami sa mga Kristiyanong manunulat ang lumuluwalhati sa mga kaloob ng Banal na Espiritu o naglalarawan sa mga buhay na pinuspos ng Espiritu.
Nguni't alin man sa kanila ay hindi nangahas na katagpuin ang pangunahing katanungang, "Paanong ang isang mananampalataya ay tiyak na makakamit ang Banal na Espiritu?" Bakit? Nakamamanghang katotohanan na hindi nila magagawang sumulat ng may kabuuan ukol dito dahil hindi nila taglay ang tiyak na kaalamang ito. Tulad ng sinabi ni Propeta Hosea, "Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman,"sa mga araw na ito, hindi iilan sa mga Kristiyano ang naaakit ng relihiyosong pagka-panatiko, umaasam na matatanggap ang Banal na Espiritu. Naniniwala sila na matatanggap ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng silakbo at histeryang kalagayan. Nguni't hindi kalabisang sabihin na ang kanilang naturingang pananampalataya ay maibaba ang Kristiyanismo sa waring mababaw na Shamanismo, at ang gayong pagka-panatiko ay nagmumula kay Satanas.
Ang may-akdang si Rev. Paul C. Jong ang nangahas na ipahayag ang katotohanan. Tinalakay niya ang mahahalagang mga paksa na may kabuuan, kung saan iniwasan ng karamihan sa mga manunulat ng mahabang panahon. Kanyang unang pinaliwanag ang kahulugan ng "pagiging isinilang na muli" at "ang pananahan ng Banal na Espiritu," at ipinaliwanag ang di-maiwasang kaugnayan sa pagitan ng dalawang kinasasalalayang mga paksa. At siya'y buong hanay na nagpatuloy sa paglalarawan ukol sa Banal na Espiritu, mula kung "paano maaaninaw ang mga espiritu" hanggang sa "ang paraan tungo sa buhay na puspos ng Banal na Espiritu."
Para sa karagdagang impormasyon, pinapayo ng manunulat na inyong suriin ang mga nilalaman nitong aklat na makikita sa "web page."
ספר אלקטרוני להורדה
PDF EPUB
ספר מודפס בחינם
הוסף ספרים לעגלה.

ספרים הקשורים לכותר זה